Pages

May 21, 2009

Last Sign

Last Sign~






Dumilat ako at naamoy ko ang pabango ni Lex. Mataas na pala ang araw. Kahit tinatabunan ang araw ng mga dahon, nakikita ko parin ito. Gumalaw ako para makita ang kasama ko.

"Good morning!" Ngumiti si Lex.

Ngumiti rin ako.

Summer na at nasa Sortee ulit kami ni Lex.

Nakaligtas siya sa aksidente. Nahospital naman siya pero milagrong walang malaking damage sa kanya. Buti na lang talaga, dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng pag-asa.

Umupo ako ng maayos sa duyang hinihigaan namin. Ginawa ko palang unan ang braso niya. Kawawa naman siya, kagabi pa kasi kami dito at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Linagyan din pala niya ako ng kumot, kaya pala wala akong naramdamang lamig.

"Ah..." Sabi niya sabay kuha sa braso niyang ginawa kong unan.
"Sorry..." I rubbed my eyes.

Umupo na rin siya.

"Ba`t di mo naman kinuha kagabi? Sana di mo ko hinayaang makatulog ako sa braso mo, yan tuloy-" Tiningnan ko siya pero nakangiti lang siya sakin. "-ano? May dumi ba ako sa mukha?"

He shook his head.

"Ayan ka na naman ah... Nakakainis ka na. Ginagawa mo na ang lahat ng gusto ko. Di ka ba natatakot na baka ma-spoil mo ko niyan?"
"Hindi naman... Gusto ko rin naman yun eh."

Napailing ako.

"Since di ko na complete ang 24 signs, gagawin ko na lang ang lahat na gusto mo." Sabi niya.
"Ang OA mo... di mo naman kailangang makuha ang signs eh. Nasa akin parin ang huling desisyon..."

Tinitigan ko siya.



"Di mo naman kailangang kumpletuhin yun eh, kasi... mahal na kita."

Ngumiti siya at niyakap ako.

Pagyakap niya, hindi ko alam kung bakit ako napaluha. Nakapagtataka, dahil masaya naman ako... pero umiiyak ako.

"B-Bakit?" Tanong niya habang hinaharap ako.

I wiped my tears.

"Wala. hehe. Drama lang. Masaya lang ako."

He looked at me straight in the eyes, then he tried to wipe my tears.

Ngayon, hinayaan ko na siyang punasan ang mga luha ko. It was... the moment... I`ve been waiting for.

"Ganito lang ang gusto kong mangyari... ang punasan ang luha mo dahil masaya ka. Ayokong nakikita kang nasasaktan... lalong lalo na, kapag ang dahilan ay ako."

Hunghang talaga `tong boyfriend kong `to. Kung gusto niyang magsama kami ng mahabang panahon, hinding hindi niya yun maiiwasan... kahit di man niya ako sasaktan, di niya maiiwasang makita akong umiiyak.

"Kaya... Summer, please, if you can, hold your tears when your sad. Because I don`t think I can forgive my self if I see you crying."

Tumawa ako pero mas lalo akong naluha.

"gag0, di naman yun maiiwasan." Tumawa pa ako.

Seryoso naman ang mukha niya.

"O sige na... Kakayanin ko yang hinihingi mo. Tingnan ko lang kung kaya ko. Siguro, kaw naman `tong iyakin eh." Tumawa ako.

At yinakap niya ulit ako ng mahigpit.

I hugged him back.

Pinikit ko ang mga mata ko para maiwasan kong lumuha ulit. I wanted him on my life... and I`ll do everything to make him stay on my life.
Even if it means everything. And that is the only thing I can promise him.




13 comments:

  1. Thank you po sa napakagandang story ms j.

    ReplyDelete
  2. Bat may nakaharang na peach or pink color aken sa previous chapter??

    ReplyDelete
  3. Sheemmsss Ang ganda!!
    March 24 2020
    2:20 P.M

    ReplyDelete
  4. Owh 😭💗 And again Summer na pero hindi na feel ngayon. Every Summer may ibat-ibang mga kwento, experience na gustong gusto balikan pero minsan yung summer din yung nagmumulat satin na may hangganan. Na hanggang memories nalang kaya dapat pahalagahan mo yung nangyari at pati na din yung tao.

    ReplyDelete
  5. Book 2 na diz ang ganda ho Queen labyuu

    ReplyDelete