Postface.<3
*Do you know I exist just to promise you this... endlessly to be true to you...*
Nasa isang private island kami habang hinihintay ang bride. Malamig ang simoy ng hangin at dinig namin ang alon ng dagat. Hindi naman siya late maaga lang talaga ako. Maaga din yung groom at ang kanyang pamilya. Nakaupo ako sa dulo. Puti ang soot ko. All white kasi ang kanyang kasal...
*and if you answer my prayer, I'd cross my heart and I swear...*
Nakakahiya tuloy, parang excited na excited ako dahil ang aga ko dito.
"Uhm, Paul..." Sabi ko sa groom na mukhang nininerbyos at masayang-masaya. "Stroll lang ako sandali ah?"
"Oh sure! May isa pang private resort diyan sa kabila. Maraming turista. Siguraduhin mong makakabalik ka very soon ah baka maudlot ang kasal namin sa pagwawala ni Brent." Tumawa siya.
"Oo naman no! Hindi na rin siguro ako aabot sa resort na yun." Sabay ngiti ko.
Umalis ako at naglakad-lakad. Ang ganda ng tanawin, sobra! Grabe ang taste ni Ara! Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong mejo lumayo na ako sa venue at napunta na ako sa kabila.
"Malapit lang pala dito ang kabilang resort."
Tinanggal ko ang sandals ko at lumapit pa sa dagat.
Nabigla ako nang may malakas at maliit na alon ang paparating kaya tumakbo ako ng paatras para di mabasa ang paa...
"Oooopps!" Bumunggo ako sa isang tao.
Oh no!
"I'm sorry." Sabi ko kahit di ko nakita ang mukha niya. Paatras kasi akong tumakbo kaya paatras ding bumunggo.
Nasa likuran ko siya. Pareho kaming nakaupo sa buhangin dahil natumba sa pagkakabunggo.
Agad akong tumayo. Nasira tuloy ang buhok ko.
Naaninaw ko rin siya nang humarap ako sa kanya. May dala siyang camera at nakangiti kahit nabunggo ko.
"You're pretty." Sabi ng mukhang may dugong foreigner at naka board shorts lang na lalaking kasing edad ko. "Are you staying in our resort?"
OUR? Meaning kanila 'tong resort na 'to?
"Hindi... Uh..."
Naglahad siya ng kamay pero bago siya makapagsalita... may bigla ng humawak sa baywang ko.
"Brent Damien Cruz." Siya yung kumuha sa kamay nung lalaki at nakipagkamayan.
"Brent?"
Nakangisi ang ungas.
"D4mn pretty right, my wife?"
Speechless ang half-foreigner na may ari ng resort na 'to. Si Brent naman, nakangiti. Sarcastic ang mokong. Nagseselos? My wife pa ah? Okay lang... Yinaya niya naman akong magpakasal at um-oo naman ako kaya okay lang siguro...
Hinalikan niya pa ang noo ko na para bang nagpapasikat.
"Tayo na, Brent." Sabi ko.
"Oh... okay!" Sabi niya tapos tumingin siya sa half foreigner habang papaalis.
"Agawin mo kung kaya mo." Bulong niya.
Sinapak ko na!
"Huy! May pa wife-wife ka pa diyan ah? Anong problema mo?" Tumawa ako.
Halatang nagseselos ang mokong. Natatawa tuloy ako sa ginagawa niya. Di naman kailangan yun eh.
"At ikaw naman... kung saan saan ka nagpupunta!" Kiniliti niya ako. Napatakbo tuloy ako papalayo pero agad niya namang naabutan. "Kung wala ako dun, ano na?" Sabi niya.
"Kung wala ka dun edi umalis na ako." Sabi ko ng tumatawa.
"Kung wala ako dun baka... naagaw ka na." Mahinang mahina ang boses niya nang sinabi niya ang huling mga salita. Narinig ko naman kaya kiniliti ko na ang nagtatampong Brent.
"Ano ka ba? Hindi no! Hinding hindi!!!" Sabi ko. "Tsaka buti na lang di kayo nag-away nun, mukhang may ari yun ng resort na 'to."
Tumaas ng kilay niya, "Magkano nga ba 'tong islang 'to? mabili nga ng mapaalis ko na siya dito?"
Nagtawanan kami.
Bigla siyang nagseryoso... at... "Wa'g mo akong iwan." Sabi niya. "Hindi ko makakaya yun. Halos buong buhay ko binuhos ko sa pagmamahal at pagpapaibig sayo. Ngayong mahal mo na ako, ibubuhos ko naman ang buhay ko sa pagmamahal sayo at pagsisimula ng buhay na tayong dalawa. Kung mawawala kang bigla, mawawala ang lahat sakin."
"Ba't mo ba iniisip na mawawala ako? Eh hindi naman. Kahit ilang gwapong lalaki pa diyan ang magpakita, mas gwapo ka parin at ikaw lang yung gusto ko, ikaw yung mahal ko.."
Seryoso ang mukha niya nang tumigil siya at hinarap ako. Di parin siya nagbabago. Mabango, gwapo lalo na kung ngumiti, nakakainlove, malakas ang dating, at hot parin siya. Nung highschool ko pa alam na ganito dapat ang description niya kaya lang nabulag ako sa first impression ko sa kanya.
"Mahal na mahal kita." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko at ginagalaw ang binigay niyang engagement ring sakin, isang taon na ang nakalipas.
"Mahal na mahal din kita." Sabi ko.
"Mas mahal kita." Sagot niya.
Ngumiti ako.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang singsing ko...
"Bakit?" Tanong ko.
"Marry me." Sabi niya.
"Oo! Pakakasalan kita Brent Damien Cruz." Sabi ko, nagtataka.
Lumuhod ulit siya. Napangiti ako. Di alam kung ano talaga ang nangyayari sa kanya.
Ipinakita niya ang dalawang eternity ring sa loob ng kulay pulang mas malaking box.
"I mean... tomorrow."
Napanganga ako. Kaya niya tinanggal ang singsing ko!!! OMG! OMG! OMG! Nag hyperventilate na ang lola niya. Bukas agad? Di pa nga tayo nakapagplano!
Sa likuran niya nakita ko ang ibang teammates niya, si Chad at si Chloe nakangisi at pumapalakpak.
Bumagsak na kung bumagsak sa Brentology, bahala na. This is it! Brent Damien Cruz, number 1 basketball varsity, Ara Cruz's twin brother, the governor's son... and tomorrow...
"Oo! Pakasal na tayo! Bukas agad!" Pinatayo ko siya at niyakap. Halos mangiyak-ngiyak ako. Naiisip ko ang mga sakripisyong ginawa nya para magising ako sa katotohanan na mahal ko siya. Ayaw ko na ring patagalin 'to. Kung ibang lalaki 'to, matagal na sigurong nag give-up. Pero si Bren't to eh, yung playboy na nagmahal... ng sobra.
"And tomorrow, you'll be my wife." Ngumisi siya at hinalikan ako. "Sabi ko sayo eh, mahal mo ako, di mo lang alam... I guess I'm finally visible... to the only woman I see."
Inaabangan ko to sa wattpad.. kumpleto na pala dito. T_T huhu. Shunga ko. Anyways..
ReplyDeleteNakakaiyak sa kilig ang moments nila ni brent. Lalo na yung aminan part. Super kilig!! Haha.
Dama kita ate, ang astig ng ending!
ReplyDeleteApril 7, 2020
ReplyDelete3:23am
SuperB yung story 😍😍
Pero inabangan ko talaga yung POV ni Brent e, kaso waley pala 😭😭😭😭