Pages

June 17, 2012

R-arcs

R-arcs



R1.Masquerade



*1 text message*



Nakatingin ako sa salamin. I'm ready!

Ara:
Ngayon ko lang nalaman, ba't di ikaw ang date ni Brent?

Yun nga rin ang tanong ko. Ngayong gabi na ang Year-end. Kakatapos lang ng finals namin.

"Ate, di pala si Brent ang date mo?" Tanong nang tanong si Carlo, parang nananadya.
"Di nga eh. Obyus bah!::)
"Bakit? Di ka yinaya? Ayan kasi... napaka arte!"

Sinapak ko na. >:( >:( >:(

"Malis ka nga dito, ba't palaboy-laboy ka sa kwarto ko."

Bumehlat pa bago umalis. Kainis!

In speaking of Brent, sa tingin niyo available pa yung war na sinasabi niya? Kasi naiinip na ako eh. Wala naman siyang ginagawa para mangyari kaming dalawa. Nag text, tumawag? Yun lang para yayain ako sa year-end? Eh kung sana hinanap niya ako nung araw na yun o hunili niya kami ni Chad para mas sigurado... haay. Pero, okay! Binigyan niya ako ng mask! Mahanap niya naman kaya ako??

Reply ko:
Na una kasi si Chad magyaya. Tapos, sila na din naman ni Kitchie.

Hindi ko rin naman kasi alam kung paano tatanggihan si Chad. Parang masyado siyang mabait para tanggihan sa mga ganitong bagay. Kung ikukumpara ko kay Brent na lagi ko na lang sinasapak at tinatanggihan, mas mahirap tanggihan `tong si Chad.

Kaya naman ganito ang nangyari sakin! Kainis!

Kainis? Nasan na nga ba ang feelings ko kay Chad? Crush ko siya. Gwapo, matalino at mabait si Chad, pero may kung ano kay Brent na hahanap hanapin mo. Ewan ko. Baka yun na yun! Yung kamandag na matagal ko nang alam, Brentism.

Unang araw ko palang sa school nung thirdyear high school ako, matunog na si Brent Cruz, number 1 varsity, anak ng governor, chicboy, play boy, manyakis, heart breaker. Alam ko na yun. Pero bakit kahit alam ko na yun, nakuha ko paring magkagusto nang ganit ka liit sa kanya? Ganito ka liit dahil talagang di ako buang sa kanya ano!

"Max, text us kung magpapasundo ka na."

Sabi ni Mama habang nagpapark sa venue at sinusoot ko naman ang maskara na bigay ni Brent.

"Huh? Diba si Chad na po yung magahahatid sa akin?"
"Ay oo nga pala. Pero just in case lang. Mag text ka parin pag tapos na at pauwi ka na, aright?"
"Yes, ma."

Bumaba ako sa sasakyan. Marami ng tao. Tama! Wala talagang nagkakilala sa mga maskara namin. Bakit kaya? Paano kung itetext ko ngayon si Emily at sasabihin ko sa kanyang magkita kami sa CR, edi magkakilala din kami.

"Miss, bawal mag text." Sabi nung nag usher sakin papasok sa loob.
"Sorry."

Ganun pala, bawal mag text. :o :o :o

May mga photographer. Marami. Sobrang dami. Ngisi na lang ako ng ngisi.

"Miss, ang ganda mo! Tingin ka sa camera!" Sabi ko nang patahak ako papasok sa loob ng venue.

Hindi ko talaga makilala ang mga tao. Halos wala ring nagsasalita. Pumapasok lang sila sa loob ng tahimik at uupo kung saan nila gusto. Walang designated seats. Walang nagsasalita. Halos lahat naka maskara ng venetian masks. Full. Hindi nakikita ang ilong at bibig. Ganun ka tindi kaya di ko makuha kung sino sila. ANg buhok ng mga babae ay naka ayos kaya mas lalo akong nahirapan. Pati mga lalaki puro pareparehas ang tindig. Tanging instrumental music lang at mga camera ang naririnig sa loob. Engrande!

Inabangan ko ang mga pumasok. Grabe! Puro magaganda at ang gwapo ng dating nilang lahat. May isa pa doong naka itim na ang sexy-sexy! At marami pang iba.

"Good evening everyone!" Sabi ng nakamaskarang emcee pagkatapos nang halos tatlumpung minuto.

"We are all gathered here to celebrate the Annual Year End Dance! let's start the night with a quotation from Alexander Pope, 'And, after all, what is a lie? 'Tis but the truth in a masquerade.'"

Marami pa siyang sinabi tungkol sa quote.

Katahimikan.

"Let us all enjoy the mysterious ball. One shall not mention his or her name to anyone. Let us all eat, drink and dance covering our faces, our identity with masks. And by 10 oclock! We'll altogether find out who are you with and where...is... your date."

Nagbulong-bulungan ang mga tao. Para bang dissapointed sa sinabi ng emcee.

"What the? Boyfriend ko ang date ko, does that mean he gets to be with another chic? This is rtidiculous!" Sabi nung ka table ko.

Kinuha niya ang cellphone niya pero sinita siya ng waiter na bawal ang phone.

"I don't care! I'm going to the CR!"

Ang iba naman, ay kumain na at nagustuhan ang exciting na mangyayari. Again, engrande ang lahat! Maraming waiter at waitress. May performers na nag peperform. Kumakanta, nagpipiano, at sumayaw. Asus! Bahala na kung magkalat ako sa pagkain o ano, wala namang nakakakilala sakin.

HEEEEP! Wala!? Meron!! Si Brent! Napatingin ako sa paligid para hanapin si Brent pero wala akong makita.

Pagkatapos ng isang oras (4 courses ang dinner), sinumulan na ang sayawan. May mga naglakas loob na sumayaw.

"Sht! This is so ridiculous!" Sabi nung babaeng kanina pa reklamo ng reklamo.

Puro wine na ang siniserve at caviar. Nag set up din ng table kung saan may mga sweets at iba pang mamahaling pagkain.

Tinikman ko ang caviar... weird. Kaya dun ako sa sweets. LOL! Bahala na! Kain lang nang kain! Ewan ko kung nasaan na yung mga tao! Basta.

"May I have this dance?"

Napatingin ako sa nakangising lalaki na naglahad sakin ng kamay. Ang maskara, may hawig sakin.





R2.Blue Rose






Tumingin ako sa paligid. Kahit nakamaskara silang lahat, kitang kita parin ang mga tingin nilang naka toon sa aming dalawa ng nakamaskarang `to.

Tinanggap ko ang alok niya pero nanginginig ang paa ko. Kinakabahan ako. Magkahawig ang maskara namin. Hindi rin full ang sa kanya.

Tumugtog ang isang panibagong kanta na nakakuha sa atensyon ko.

"Kinakabahan?"

Ngayong masmalapit na siya sakin habang nakasayaw kami, mas klaro ang narinig kong boses. Si Brent ito! Sigurado! May blue rose pang nalalaman! Nakalagay sa bulsa ng Tux niya ang isang corsage ng blue rose! Ngayon ko lang naalala na ang lalagyan ng maskara ay may blue roses na disenyo.

"Ba't naman ako kakabahan?"
"I told you I'll find you."

*The first time that I saw you, looking like you did, we were young we were restless, just two clueless kids*




"Ba't di si Kitchie ang hinanap mo?"
"Ba't siya ang hahanapin ko?"
"She's your date."
"She's just my date..."





Hindi na ako nagsalita. Hindi rin siya nagsalita. Sumayaw lang kaming dalawa.

*If I knew then, what I knew now, I'd fall in love.*

"Tell me, Maxine... Kung sabay ba kaming nagyaya ni Chad na maging date mo for the dance, sino ang pipiliin mo?"

Natagalan ako sa pagsagot.

Inisip ko pang mabuti. Totoo, gusto ko si Chad. Pero may kung ano kay Brent na nagpapadalawang-isip ko sa pagsagot kay Chad.

"Mahirap tanggihan si Chad." Sabi ko.

*Love only comes once in a while...*

Pero gusto kita.

Hindi ko masabi! Ano ba yan! :( :( :(

Sumayaw lang kami ng walang imikan. Ngayon mas lalo niya akong nilapit sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Makisig talaga siya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at baywang ko.

"I love you, Max." Sabi niya.

May kung ano sa boses niyang nagpapasakit sa puso ko. Para bang kinukurot ito. Bakit kaya? Naramdaman kong galing sa puso ang sinabi niya, at tumagos naman iyon sa puso ko.

"I've always loved you."

Bahala na yung mga doubts ko! Ibabalewala ko na muna yun ngayon!

May tumunog na relo! Parang Cinderella lang ang dating ah.

"Its 10 oclock! Let us all together remove our masks and uncover the mystery!!!"

Tumigil kami sa pagsasayaw at dahan-dahan niyang inalis ang maskara ko. Inalis niya rin ang sa kanya.

"This isn't the first time that I revealed my feelings for you, Max. You know that."

Ngumiti siya. Ngayon, isang malungkot na ngiti. Para bang may isinusuko siya.

"The program is over! Let us altogether enjoy the night of dancing! Good night!" Sabi ulit ng Emcee.

Ibig sabihin pwedeng sumayaw lang ng sumayaw ang mga tao dito.

"Brent, there you are!" Sabi ni Kitchie sa likuran ko.

Linagay ni Brent ang blue rose na corsage niya sa tenga ko.

"Sana ako yung mahirap tanggihan para sayo. Not the invisible man."

Umalis si Brent sa harapan ko ng hindi ko maintindihan. Nakita ko agad si Chad na nasa alayong likuran ni Brent nakatayo, nakangiti at nakatingin sa akin na may dalang bouquet. Hindi ko maintindihan bakit umalis si Brent! Iniwan ako sa ere!

Lumapit si Chad sakin.

Hinanap ko si Brent sa paligid at nakita ko siya katabi si Kitchie na nakatingin saming dalawa ni Chad. Ngayon ko lang din na realize na ang nakapaligid samin ay ang volleyball team, basketball team, few friends, Emily at Jason sa gitna ng dancefloor habang sumasayaw ang mga tao. Pinalibutan kami ng mga kaibigan ko para magkaroon ng space sa gitna.

Binigay ni Chad sakin ang bulaklak.

"I'm inlove with you, Max. Will you be my girlfriend?"

Ngiting-ngiti silang lahat! Ang iba kinikilig at napapatili at palakpak sa sinabi ni Chad.

Pagtingin ko sa tinatayuan noon ni Brent, nawala na siya!

He left me here with this question?!

Naghihintay sila ng sagot ko. Paano ko tatanggihan?





No comments:

Post a Comment