DC End
END
Serene Cruz
Nagulat ako nang napanood namin ni Dae ang pelikula ni Nico. Hindi dahil malayo sa karakter niya ang ginampanan niya doon kundi dahil ang istorya sa pelikula ay katulad ng istorya namin ni Dae. Nakakatuwa nga dahil tumatawa kami ni Dae sa tuwing pumapalpak ang babae at nag-iinarte ang lalaki. Naaalala namin ang mga sarili namin.
Ang huling part lang ng istorya ang di pa nangyayari. Pero mangyayari pa ngayon.
"Akalain mo nga naman, no?" Sabi ni Kuya Red habang inaayos ang necktie niya. "Sinasabi ko na nga ba. Sa kanya ka lang talaga iibig."
"Kelan mo ba sinabi yan?" Tanong ko. Loko talaga siya, di ko naman matandaan kung kelan nga niya sinabi yun.
Biglang sumulpot si Crayon out of nowhere. Ang guwapo guwapo niya ngayon. Pero di parin siya nagbabago.
Inakbayan niya ako.
"Oppps! Crayon, dumistansya ka nga. Naapakan mo ang damit niya eh." Sigaw ni Kuya.
"Sorry na." Dumistansya siya. Nakangiti parin siya habang nakatingin sa akin. "Ayos ah. Edi bestfriends forever na kami ni Dae nito. HAHAHAHA" >:D
"Whatever."
"To talaga, nagtataray pa sa mga oras na `to."
"Kasi naman, alam ko namang mangungulit ka na naman dito."
"Hindi na ako ganun noh. Matanda na kaya tayo. HAHAHAHA"
"Hindi raw ganun... hmmmp."
Pumasok si Ney sa kuwarto, at narealize kong ang gwapo-gwapo rin ng kapatid ko. Binata na't ewan ko kung meron na ba `tong napupusuan.
"Lina kayo. Mali-late na tayo." Sabi ni Kuya Red habang kinaladkad ang kapapasok lang na si Ney. "Crayon!"
"Mali-late?"
"Ano ba~ Nagugusot ang soot ko weh." Inayos ulit ni Ney ang soot niya.
"Kuya, dahan dahan naman diyan. Ang gwapo pa naman ni Ney." Saway ko.
May pumasok ulit. Dalawang kyut na bata. Twins.
"Dad, Lolo said we should go already." Sabi ng lalaki habang hinihila ang soot ng kanyang ama - si Kuya.
"Tita, you're soooo sooo beautiful!" Sabi ng batang babae na lumapit sa akin.
I smiled at her and she kissed me on my cheek.
Tama. Ang dalawang iyon ay anak ni Kuya Red. HAHAHAHA. Ang bilis ng panahon no?
Parang kailan lang eh pinipilit ko pa si Dae sa pag-ibig ko. Parang kailan lang eh umiiyak pa ako ng todo-todo dahil sa sakit na binibigay ni Dae sakin. Pero ngayon, ano na? Siguro tama siya sa sinabi niya noong masyado na akong nasaktan kaya ngayon, wala na akong pwedeng matanggap sa kanya kundi ang pag-ibig niya. At dahil mahal niya nga ako, wala ng problema! Kasi mahal ko naman siya noon pa, at mukhang di na ata ako magmamahal pa ng kahit sino ulit. Wala ng mas makakasakit sa akin kundi siya. I ENTRUST MY HEART TO HIM. No. Useless kung sasabihin ko yan dahil simula noon, nasa kanya na ang puso ko.
So now, I AM OFFICIALLY ENTRUSTING MY HEART TO HIM.
*There's two things I know for sure... She was sent here from heaven and she's daddy's little girl...*
I walked slowly holding my father's hand.
Nakita ko ang ngiti ni Nico habang kumaway sa akin. His smile was very pure. Nauna na si Sophie at nakatayo lang siya habang mejo naiiyak. Si Mama naman mejo busy pero di parin natanggal sa kanyang mukhang ang saya. Si Kuya naman nasa tabi ng kanyang asawa. Ang twins niya naman eh kasama ang ibang bata.
Sina Mina, Chyna at ang banda naman ay behave na behave sa kanikanilang mga upuan.
Si Ate bloom kasama ang asawa at anak niya, at si Mara eh kumaway sa akin. Andun na rin ang iba pang kapatid ni Dae na lalaki - klumpleto.
Kasama naman ni Ney sa upuan niya ang mga kaibigan niyang lalaki.
As I was about to cry, Dad tapped my hand.
*Butterfly kisses after bedtime prayer...*
And to my surprise, he's almost crying too. Nakangiti nga siya pero bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan at kasiyahan para sa akin.
*She'll change her name today... She'll make a promise and I'll give her away..."Walk my down the aisle, Daddy-it's just about time."
"Does my wedding gown look pretty, Daddy? Daddy, don't cry!"
I know I gotta let her go, but I'll always remember every hug in the morning and butterfly kisses...*
Ewan ko kung bakit pero ramdam kong si Dae lang talaga ang gusto ni papa para sa akin. Si Dae lang ang kaya niyang pagbigyan.
He tapped my hand again.
Nakita ko si Crayon kasama ang evil smile niya. Siguro normal lang sa kanya ang mga evil smile niya pero I don't know, he seems mysterious all along. Para bang marami siyang alam na di ko alam. Pero kung ano man yun, sigurado akong di niya rin ako pababayaan. Pero mas lalo akong iingatan ng taong katabi niya.
He's wearing an all-white suit. Puti rin ang soot ko eh, kaya tamang-tama.
Dad hugged me. Then he tapped Dae's shoulder.
"Ingatan mo siya."
"Opo,-"
WHOA.
"-pa."
WHOAWHOA! My heart skipped a beat. Can't understand what I'm feeling. That was the first time I heard him call my father that. OMG.
Tumango si Papa at tumabi na kay mama. Katabi din nila ang mama at papa ni Dae.
"Please, entrust your heart to me." Bulong ni Dae.
Mejo pormal ang pagkakasabi niya kahit nakangiti na siya. Di parin ako makapaniwala eh. Kaya mejo umiyak ako.
"I've already entrusted my heart to you, since then." Sabi ko.
Tinulungan niya ako sa pagpunas ng luha ko.
"Sorry. Ikaw kasi, ayan tuloy!" Sabi ko.
He chuckled.
"Pinapaiyak na naman kita." He said. "Kaya ngayon, can you please, entrust your life to me."
Kanina heart. Ngayon, life!
"Hinihingi mo na yata lahat sakin eh." Sabi ko.
"Syempre, nasa sayo na yung lahat sa akin. Ayaw ko namang bawiin, kaya..."
"My life belongs to you..." Sabi ko sa kanya para di na siya makapagsalita.
He kissed me on my cheek.
I looked at him and we were smiling at each other. Alam kong masaya kaming pareho.
Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko, "Di pa nagsisimula, kasal na tayo."
I smiled. I know that I'd never regret anything when I'm with him. I know that my downfalls are worth it. Dae proved me that everything was worth it.
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;