sixteen-twenty
SIXTEEN
Celestine Herrera: nasasaktan ka parin pag naaalala yun
"GAAAB~!" Sabay palo ko sa gate ng bahay nina Gab.
Matagal-tagal ko na ring di napupuntahan ang bahay na `to. Matagaltagal nang di ako napadpad dito kahit halos araw-araw ko `tong tinitingnan at dinadaanan.
Grabe, pati yata ilong ko umuusok na habang binabanggit ko ang pangalan ni Gab. Lanya talaga, nasa school pa lang ako nagdidilim na ang paningin ko. Kahit yung mga nakakasalubong ko, pinagdidiskitahan ko na at iniirapan ko na.
"Gab!" Isang palo ulit sa gate.
*POG-POG-POG-POG!*
"Sandali lang, kumakain kami sa loob, ang bastos nito." Nabigla ako nang nakita kong si Kuya ang bumukas ng gate.
"Ku-Ku-Kuya?"
Pinapasok niya ako sa bahay nina Gab.
May pagkain pa sa bibig niya habang tinutulak ako, "Sige na... pumasok ka na sa loob. Nandun din si mama at papa, si Gab at si Nica."
"Huh? Ba`t andito si mama at papa?"
"Kasi nga diba, kararating lang nina tito, tita, gab at nica galing states, hayun... nagcelebrate. Lam mo naman yun, mag bestfriends!"
Bago pa ako makapagsalita ulit, tumambad na sa akin ang dining table nina Gab. Nandun sina mama, papa, tito, tita, Nica, at syempre, si Gabriel.
Nung nakita ko ang mukha niya sobrang inis yung na feel ko.
"O, Celestine, ang laki-laki mo na ah! Lika na... umupo ka dito sa tabi ng kaibigan mo." Sabay turo sa upuan ni Gab.
"Classmate ba kayo ni Gab, Cel?" Tanong ni papa.
Nakatingin na ako ngayon kay Gab na todo ang lamon. Si kuya naman, pumwesto na sa tabi ni Nica na nakababatang kapatid ni Gab.
"O-Opo."
Hindi ko parin maipinta ang mukha ko. Pagkatapos akong iwan ng Gab na `to? HUH!? Di pwedeng magtatawa ng sobra ngayon para mapanatili kong galit ang sarili ko.
Umupo ako sa tabi ni Gab.
"Pasensya ka na, Cel ah?" Sabi ni Gab habang inaabot sakin yung rice.
Di ko na siya tiningnan. Anong pasensyang pinagsasabi nito? Yung kanina? Hindi, Gab... Okay lang yun, nukaba?! JOKE HINDI NOOO! Hindi yun OKAY!
"Sinabi ko kasi kay mama at papa na kumain na kami kahit wala ka pa, ginugutom na kasi talaga ako eh."
Yun naman pala? So? Ano ba!!!
Tumingin ako kay mama at papa.
"Okay lang yun, Gabriel. Di naman hahayaan ni Cel ang sarili niyang magutom, kaya maaring hindi pa siya gutom ngayon."
"Oo nga naman."
Ay, si mama at papa talaga, ambabait? Grrr. Hindi ko maatim ang mga pinagsasabi ni Gab, plastic talaga!
Tumingin ako sa kanya at nakaevil smile pa siya.
"Hindi! OKAY LANG YUN, GAB! Bestfriends naman tayo eh."
Umirap pa ako ng palihim at linantakan na ang pagkain. Kung alam niyo lang, iniwan ako ng Gab na yan sa school! Iniwan akong nakabitin sa ere! Pasalamat siya`t gusto kong harapin siyang mag-isa at walang parents-parents na maiinvolve.
Kaya lang, sobrang malas ko ngayon. Pagkatapos naming kumain, si mama, papa, tito at tita, nasa loob ng bahay nina Gab nagkukwentuhan. Si Nica, Gabriel at Kuya Sky naman, nasa garden.
Huuu! Nag-uusap si Kuya at Gabriel. Magkabati na ba sila? Tatanungin ko na lang si kuya, next time. Si Nica naman, panay ang text. Ang ganda-ganda niya na. Sobra, dinaig yata ako. HAHAHA LOL Syempre, lil sis yan nung pinaka gwapong lalaki sa mundo. JOKE!
"Nica, panu, uuwi na lang muna ako ah? Pagod kasi ako."
"O sure, ate Cel. Dito na lang muna ako magpapahangin. Tsaka, di pa kayo nag-uusap ni Kuya ah?"
Napatingin tuloy ako sa bruho. Nag-uusap parin sila ni Kuya.
"Ah, hindi na muna."
Galit pa ako diyan eh. Bukas, mawawala na `to at tuloy na naman ang mission ko. WAHAHAHA. :D" title="" class="smiley" border="0"> Magpapalamig na lang muna siguro.
Kaya tinuloy-tuloy ko na ang pag-alis. Papalapit na ako sa gate nung biglang...
"Psssst! Pssst!" Si kuya.
Lumingon ako gamit ang pinaka pangit na ekspresyong pwede kong ipakita.
"Si Gab o, magkaibigan kayo diba?"
"Ahh, wala akong kaibigang plastic." Bulong ko.
"Oy! Narinig ko yun ah?"
So what? Buti narinig mo para malaman mo. Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Kala ko ba makikipagkaibigan ka sakin?"
Lumingon ulit ako sa kanya.
"Hindi na muna siguro ngayon, bukas na lang ulit." Umirap ako.
"Cel, galit ka pa rin ba kay Gabriel? Di mo parin ba nakakalimutan yung noon?"
Ack! Si Kuya talaga... ba`t yun ang tanong niya?
"Ba`t ako ang tinatanong mo niyan? Ba`t di si Gab?"
Tumingin si Kuya kay Gab at, "Huh?"
"Sino ba yung iniwan ako kanina dahil ayaw makipagbati sakin?" Tinaas ko pa ang isang kilay ko.
"T-Talaga? Ginawa yun ni Kuya?" Tanong ni Nica na mukhang nafifeel ko ang pagkabigla sa boses niya.
"Oo!"
Si Gab naman, showbiz masyado, di na makatingin sa kahit sino saming tatlo.
"Anong hindi nakikipagbati? Diba sinabi kong pag-iisipan ko pa lang?" Tanong ni Gab.
"Kuya, why do you have to think about it? It`s your fault anyway... and, you should thank Ate Cel coz she didn`t tell any of our parents about it."
Kakabigla! Go, Nica!!!
"Oo nga naman Gab." Singit ni Kuya.
Kumunot na ang noo ni Gab sa sobrang pakipot talaga niya.
:(" title="Angry" class="smiley" border="0">
"O, sige na Gab!" As if kaya kong... hindi ma accomplish ang mission ko, pa effect lang `to. "Kung ayaw mo parin." Evil-smirk ko. "At di mo parin makalimutan yung past natin, nasasaktan ka parin pag naaalala yun at nakikita ako." SUPPEEEER DUPER EVIL SMIRK. "Okay lang, naiintindihan ko kung ayaw mo paring makipagbati sa akin. Di na kita pipilit-"
"O sige na nga! Bati na tayo! Tsaka, nu ba yang pinagsasabi mong di ko makalimutan yung past at nasasaktan ako, tumigil ka nga! Tumitindig ang balahibo ko sayo eh!"
Pumalakpak si Kuya at Nica.
Ako naman, hehehe, ngumisi na lang. Kahit ang totoo, gusto kong magtatalon at magsisigaw ng LEVEL ONE COMPLETED, MISSION ACCOMPLISHED, PROCEED TO NEXT LEVEL! Kahit alam kong halos isuka niya ang mga sinabi ko at mukhang napilitan lang siya sa pakikipagbati sakin, okay lang yun, ang mahalaga makakamove-on na ako sa next PLAN - ang paibigin siya ng todo-todo! Yung tipong, ipapakulong na ang ibang lalaking mahahawakan ako. HAHA Humanda siya! Gumagana na ang mga bitag ko! MAHUHULOG AT MAHUHULOG KA RIN SA MGA BITAG KO, TANDAAN MO YAN GABRIEL SORIANO!
SEVENTEEN
Celestine Herrera: Asan na yung mga babae mo?
Dahil magkaibigan na kuno kami ni Gabriel, nakiusap ako sa kanya na kunin ako sa bahay the next day. At dahil maganda na at maswerte pa ako, pumayag siya. Ang saya-saya ko! Oy, walang meaning yun ah? Masaya ako dahil syempre magiging magkaibigan ulit kami ni Gab at matutupad na yung mga plano.
*PEEEP-PEEEP*
Shet, malilate na nga pala kami kung di ko bibilisan. Kanina pa bumubosina yung si Gab sa labas eh. Kaya todo ang takbo ko palabas ng gate. Pasensya, inagahan ko naman yung paggising, natagalan lang ako sa pagligo at pag-aayos sa sarili. Syempre, kailangang fresh na fresh at mabangong mabango, paimpress kay Gab ba. :D" title="" class="smiley" border="0">
"Ang kupad mo namang kumilos, sakay na nga!"
Binuksan ko ang pintuan. Kala ko pa naman iikot siya para siya na ang bumukas ng pintuan, di pala. Errr, ano ba? Papaibigin ko pa nga pala ito no?
"So-Sorry!" Makapagsorry na nga lang no, kesa sa mag-away kami.
Sobrang tahimik at seryoso siya sa pagdi-drive, naiilang tuloy ako. Tumingin na lang ako sa labas. Ilang sandali, nagbreak ito. We`re caught in traffic!
"Shhhh-" Suminghap siya.
Mukhang binilisan niya talaga ang takbo ng sasakyan eh, kaya lang natraffic parin kami.
"S-Sorry."
Tumingin siya sakin.
"Bakit?"
"K-Kasi pinilit pa kitang sunduin ako, kung di kita pinilit, di ka sana mali-late ngayon."
Di siya nagsalita. O, di siya sumagot.
"Nga pala, uh, kamusta ka na?" Tanong ko.
Hehe, kung ayaw niyang magreply dun sa sinabi ko, edi magtanong ulit ng kung anu-ano. Strategy.
"Yoko ngang sagutin yan."
Kumunot ang noo ko, "Bakit?"
"Eh may atraso ka sakin diba, dapat di ako malilate ngayon, kaso ang kupad mo. Kaya as punishment, di ko yan sasagutin."
"Eh? Ang daya mo naman!"
"HAHA :D" title="" class="smiley" border="0"> " Tumawa siya habang naggreen na ang traffic light.
Ang cute ni Gab. HAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0">
"Ang dami mong fans ah, grabe, dun sa gym! Puro babae."
"Syempre, gwapo yata ako no!"
"Oo nga." Smile.
Tumingin siya sakin, "Tumigil ka nga! May gusto ka yata sakin eh!" Namumula na naman.
"Hoy! Ano? Wala ah? Nukaba? HAHAHA Masyado ka bang naooverwhelm pag di kita iniinis? HAHAHA."
"Mas nakakainis nga yan eh." Pinaandar niya na ang sasakyan.
"HAHAHA Okay, whatever. So, ano? May girlfriend ka na ba?"
"Wala."
"HAHA Sabi na nga ba, walang magtityaga sayo, sa yabang mong yan?"
Sumulyap siya sakin, "O, ano `to? Nagkakapersonalan na ba tayo?"
"ANO KA BA! Kala mo ba ayaw mong mabait ako sayo, ngayong iniinis na kita, ayaw mo parin?"
Nagtawanan kami. OMG. I never thought that I missed this moments so much. That I missed him so much.
"Pero, di nga? Wala ka pang GF? Ex?"
"Wala."
"Sa daming babae sa mundo?"
"Wala. Alam ko namang nagugustuhan lang nila ako kasi gwapo ako eh."
"Kapal nito, di porke`t gwapo ka magugustuhan ka na nila. Ang daming babae diyang hindi mukha ang hinahabol no!" Nakangiti siya habang pinapark ang sasakyan.
Ba`t nakangiti `to?
"Tsaka... di ka naman gwapo eh!"
"Ano? Eh kakasabi mo pa nga lang na gwapo ka eh. Ano bang totoo?" Tinitigan niya ako.
At... takte. Kinakabahan ako.
"K-Kung anong iniisip mo, yun na yun!" Lumabas na ako sa sasakyan niya.
Siya naman, mas makupad pa sa uod kung kumilos.
"Bilisan mo nga? late na nga tayo eh."
Lakad-takbo ulit ako, pero siya, cool na cool lang ang dating.
"Hi Ms. Celestine!" Ow? Sino `to? Grupo ng mga babae.
"Bati na ba kayo ni bestfriend number eight?" Sabay tingin kay Gabriel.
Napahinto tuloy ako sa panic-attack ko.
"Oo. Bati na kami." Gab flashed his sweetest smile to the girls.
"AWWW!" Ewan ko kung happy ba sila dahil bati na kami o kinikilig sa ngiti ni Gab.
"Sige ah, late na kasi kami eh!" Tapos lumakad ulit ako.
Ilang steps pa lang, nararamdaman ko ng di na sumusunod si Gab. Kaya lumingon na ako sa likuran. Ayun pala, ngiting-ngiti dun sa mga babae. NAKU!!! Bwiseeet! Di parin nagbabago, talaga! Pagdating sakin, di namamansin or nang-iinis. Tapos sa ibang tao, sobrang bait. GRRR.
"Gab!" Ayaw makinig.
Ah, bahala ka sa buhay mo. Nagmadali ako. Pagdating ko ba naman sa room namin, ganito...
"Ms. Herrera, see you next meeting. I don`t accept late comers, though it`s the first day of the class!"
Pinalabas lang ako sa classroom? Ganun ka simple?
Nakatunganga tuloy ako sa labas. Hihintayin ko na lang si Jana. Bwiseeet.
"Ano? Pahiya ka?" Kinalabit ni Gab ang pisngi ko.
Kaya napalingon ako sa kanya. Leche, ang gwapo talaga! Umirap ako. Alam niya sigurong ganun ang mangyayari.
"Ayan... may absent na tayo, dahil sa`yo!" Tumingin siya sa relo niya.
"Asan na yung mga babae mo?"
"Ah... yun ba? Ewan ko." Nagkibit-balikat siya. "Nga pala. May practice kami mamaya, puntahan mo na lang ako sa gym para makasabay ka pag-uwi ko. Bilisan mo ah? Wa`g kang magdala ng iba, kung ayaw mong iwan kita."
IBA?
Tapos, tinalikuran niya ako at umalis na. Di nagpaalam kung saan siya pupunta. Naaalala ko tuloy ang dahilan ng pakikipagclose ko sa kanya noon... para lang makapagpaalam siya kung aalis na siya, sinikap kong kaibiganin siya. Ngayon, di ulit siya nagpaalam... siguro kulang pa yung pagbabati namin! AJA! Anyway, what`s IBA?
EIGHTEEN
Celestine Herrera: Ako ba mahal mo?
"HALA! Nararamdaman ko talagang kontiiii na lang, Cel!" Sabay talon ni Jana pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari.
"Anong konti?"
"Konti na lang at magkakagusto na talaga si Gab sayo! WOHOOO!" Sabay palakpak niya, halatang maraming plano.
Tahimik na lang ako habang tinitingnan siyang nakatingin sakin.
"Sigurado ka bang wala ka ng feelings para sa kanya?"
"O-Oo naman! Syempre."
"O edi kung ganun, walang problema!" Ayan na naman siya at tawa nang tawa.
Pagdating ng hapon at pagkatapos ng huling subject namin ni Jana, excited na agad ang lukaret sa pagpunta sa gym. Siguro kasi unang practice ito ng pepsquad na sinalihan niya.
"Pag naging malapit na kayo to the nth level, subukan mong yayain siyang magdate kayo!"
"D-D-DATE? Anong date?"
"Loka! Friendly date lang naman yun, pero gawin mo ulit lahat para magustuhan ka niya, mag paimpress ka and all that, `kay?" Nakangisi siya.
"`kay." Yun naman ay kung maayos na maayos na talaga ang lahat.
Sana... di na lang maayos ang lahat?! LOL. Ano ba `tong nangyayari sakin, naduduwag na yata ako eh. Aja, Cel! Kayang kaya mo yan! HAHA
"Excuse me, bawal pumasok sa gym kung walang event at di kasali sa cheering squad o basketball varsity." Sabi nung guard sabay tutok sakin nung bat niya.
Wulang heya! Ako ang tinutukoy niya!
"Huh?"
"Huh? Okay, Cel, tawagin ko lang si Gabriel ah. Dito ka muna sa labas." Sabay iwan sakin ni Jana sa labas ng gym.
Ay... anak ng tipaklong talaga. Wa`g niyong sabihing balak ni Gab na lamukin ako dito sa labas sa kakahintay sa kanya. Hindi naman pala ako makakapasok eh.
Umupo na lang ako sa sahig habang iniisip ko kung paano pupuslit kay manong guard.
"Kuya, sige na naman po oh. May kilala ako sa loob eh."
"Hindi pwede, miss. Sorry."
Napabuntong hininga ako. Tapos biglang may narinig akong humingal at tumakbo papunta kay Manong guard. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bewang niya habang halos basa na sa pawis ang buhok niya. Number 8! Number 8, white jersey (nung last dark blue ang kulay ng jersey niya), SORIANO.
"Papasukin niyo po siya, akong bahala." Lumingon siya sakin at napatayo ako.
My hero! Ang gwapo talaga kahit pawis na pawis... at malayo pa lang siya amoy na amoy ko na na mabango parin siya. HOOOO! Makatulo-laway talaga si Gab, mula noon, hanggang ngayon. PSSST! Tumigil ka nga!
"Sabi ng coach niyo, hindi raw pwede."
Napatingin ulit si Gab sa guard. Naku naman, ang epal ni manong guard.
"Sinabi ko na kay coach! Panu ako makakapag concentrate sa practice kung narito lang ang girlfriend ko sa labas, diba?" Sumulyap siya sakin at kinindatan ako.
G-Girlfriend? HA HA HAHA.
"O sige na nga." Abah! Strategy ba ni Gab yun?
Strategy ba ni Gab yun para kay Manong guard? O strategy niya para... sakin?
"Dito ka muna, Cel. Tapusin ko lang ang practice." Tapos tumakbo na siya agad sa court.
Gwapong nilalang talaga si Gab. LOL. Ano bang saya ang naibibigay ko sa sarili ko sa tuwing inaamin ko yun? Wala diba? GRRRR.
Grabe, ang galing-galing niyang mag shoot ng bola. Sapul na sapul niya ang ring kahit saan siya mag shoot. Tapos, ilang sandali, tumingin na yung mga teammates niya sakin.
"Celestine, bati na pala kayo! Congrats! Ano kaya ang susunod?" Nagtawanan pa silang lahat.
Ngumiti na lang ako, yoko namang magreact. Kaya lang, react agad ang lolo niyo.
"Wala no! Ano ba kayo. Hanggang kaibigan lang kami niyan!" Sabay shoot ng bola sa ring.
"Awwwch, men! Okay!" Sabi ng teammates niya.
Ayun tuloy, napawi ang ngiti ko. Lanya! Kailangan pa bang imemorize yan? Hanggang diyan na lang kami? hanggang bestfriends? Oo nga! Humanda ka talaga!!!
Tapos nakita kong nag break yung mga nagpapractice na cheering squad sa gilid. WHOA! Bago sila nag break, nag perform ng tumbling si Stacey, ilang beses siyang nagtumambling, backtambling at kung anu-ano pa. Hindi ko namalayang tumigil sa pagpapractice ang mga varsity para lang panoorin yung ginawa ni Stacey. Pumalakpak at sumigaw pa sila pagkatapos ng ginawa niya. Grabe naman, galing niya talaga.
Napatingin tuloy ako kay Gab na nakatingin sa kay Stacey, ba`t nga ba di pa niya nililigawan yun kung crush niya naman pala.
"Okay! Tapos na practice! Dismiss!" Sigaw ng coach nila.
Agad naman siyang tumakbo papunta sakin. Nakita ko tuloy ang mga titig ni Stacey sa malayo at ang two thumbs up ni Jana. Magpapractice pa sila sa cheering kaya di pa sila pwedeng umuwi.
"Galing ni Stacey no?"
Napatingin tuloy ako kay Gab habang nakatingin siya kay Stacey.
"Ang ganda at ang sexy pa." Nakangiti na siya ngayon.
"Oo nga, kaya nga crush mo siya diba?"
Nakakainsecure naman. Bakit ba? Maganda din naman ako ah? Di nga lang ako marunong sumayaw pero ganda ko no! LOL. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko, sexy?
"Oo."
"Ba`t di mo ligawan? ang tagal na niyan diba?"
"Di ko naman siya mahal eh."
YUHOOO! May pag-asa naman pala ako.
"Ganun?"
Galing ng Gab ko, hindi manliligaw kung di niya mahal.
"Eh..." Napatingin siya sakin. "Ako ba mahal mo?"
Linigawan mo ko nun, diba? Hehe. Again, it`s called strategy.
NINETEEN
Celestine Herrera: Liligawan mo na ba siya?
"AHAHAHAHA." Tumawa na lang ako dahil masyado na siyang tahimik at mukhang nagdadalawang isip sa isasagot.
"Matagal na yun no! Kalimutan mo na nga yun!" Sabi niya.
"Okay, okay! Alam ko naman yun, linoloko lang kita. HAHA."
HAHA ka diyan, Cel! Bigo ako sa strategy kong yun ah? Syempre, masyado pang maaga para magtanong.
Tapos naglakad na kami palabas ng gym. Kaya lang... biglang,
"Nakalimutan ko..." Lumingon siya sa likuran.
Pati ako lumingon na rin, and to my delight... Stacey was there, standing.
"Stacey, lika na pala!" Sabi ni Gab.
Tumakbo naman si Stacey papunta samin ni Gab at ngiting-ngiti ito.
"Tapos na ba practice niyo?"
"Uhm, hindi pa. Pero...-"
"Aw. Hindi pa pala. Sige, hihintayin ka namin!" Ngiti naman si Gab. "Cel, ano... hintayin muna natin si Stacey?"
Tinanong pa, pag sinabi ko bang ayoko, papayag ka ba? :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
"Sige, thanks!" Ngiti ulit si Stacey kay Gab at snob ang inabot ko.
Tumakbo pabalik si Stacey at naglakad naman pabalik si Gab. Ayaw gumalaw ng paa ko. Bakit kailangang hintayin pa si Stacey? What`s up ba? Tsaka, may pangiti-ngiti effect pa silang dalawa. Parang M.U. Mga loko!
Kaya lang, sa huli... wala akong nagawa. Syempre, napilitan akong hintayin si Stacey at panoorin ang pagtambling niyang kinaiinsecuran ko. Si Gab naman, palakpak ng palakpak evry now and then. Kabanas... err.
"Gab, ba`t natin siya hinihintay?"
"Ah, kasi... Nasiraan yung kotse niya eh. Nakiusap siyang ihatid ko na lang daw siya, since di daw siya sanay mag jeep at natatakot daw siyang mag taxi."
OH? Really? Ang swerteng babaita naman yata ng Stacey na yan no? Eh ako, sanay akong mag jeep, mag tricycle, at kung anu-ano pa. Pwedeng, mauna na lang ako? Tsss! Loka ka, Celestine! Syempre, di ka pwedeng mauna. Paano kung dahil di ka sumama, eh may mangyari sa kanilang dalawa... baka magkaaminan sila and all that, di ko yata kaya yun no! WAAA~
"Uh, ganun ba? Nagpapaimpress ka ba?" The tone, Cel! Keep it down, okay?
"Hmm, hindi naman." Ngumiti ang lolo niyo.
"Talaga?"
"O!" Tapos, sumulyap sakin. "Nukaba..."
"May balak ka bang manligaw sa kanya?"
"Uhhh, yokong magsalita ng tapos."
Pero sakin, laging tapos ang sinasabi mo!
"Mabait naman kasi si Stacey, sexy, maganda, magaling sumayaw... lam mo yun."
Tumango ako without looking at him. EWAN KO SA`YO GAB! BAKIT BA? GRRRR... Tuwang-tuwa siya habang tinitingnan ang cheering squad. Ako naman, halos mag d-daydream na lang. Pesteng peste ako dito.
"Hayyy, salamat sa paghihintay Gab ah?" Ngumiti pa si Stacey nung nakarating na kami sa sasakyan ni Gab.
"No problem!" Ngiting-ngiti ang mokong.
Kaya ako, sinubukan ko na lang i-open ang front seat. Pero imbis na ma-open ko yun, nagkaholding hands pa kami ni Stacey! ABAAAA~! Hoy, hija, ako ang nauna kaya ako dito. Tsaka, sampid ka lang dito no-
"Uhh,"
"Cel, sa likuran ka na lang muna." Sabi ni Gab pagkatapos niyang masense ang tensyon sa aming dalawa ni Stacey.
Ako naman, WALANG MAGAWA. Nakakainis pag ganito, pag wala kang nagagawa. Nakakayamot.
"Ahahahha, salamat! Hindi naman masyado!" Sabi ni Stacey habang papunta kami sa bahay nila.
Halos tumili na yata yan dahil kanina pa pinupuri ni Gab. Ako naman dito, nasa gitna ng upuan at nakikinig lang sa harutan ng dalawa.
"Oo. Grabe, you`re an amazing dancer. Ano bang secreto mo?"
"Ahahaha. Kaw talaga, uh, secreto? Wala naman."
Nagkatinginan silang dalawa.
"*Ehem*" Inubo ako, hehe, daw!
"If you`re trying to please someone, magiging magaling ka na lang bigla." Ngumiti si Stacey.
Pinark na ni Gab ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ni Stacey.
"Someone? Who`s that someone?"
"Someone so special."
Nagkatitigan na ang mag-irog! Este... mag... kaibigan? EWAN!
"*EHEEE-EHEMMM*" Ayun, may nalinuk akong pusa eh. Sorry sa istorbo!
Sumulyap si Stacey at Gab sakin pagkatapos ng madramang pag-ubo ko.
"Pa-check-up ka na, Cel." Stacey said. "Anyway, gotta go now, Gab! Thanks for the ride!"
Ngiting-ngiti ang dalawa.
Kahit nung umalis na si Stacey, panay ang ngitian nila. Si Gab nasa loob ng sasakyan, si Stacey nasa labas ng bahay.
"Lipat lang ako." Tapos lumipat na ako sa front seat.
Bweset talaga ng marami, hindi parin umaandar ang sasakyan kasi nagngingitian pa ang dalawa.
"Hello ma? opo, pauwi na ako!" WALANG TUMATAWAG OKAY!
OKAY? Eto na yata ang pinakagagong nagawa ko sa araw na `to. Ang mag kunwaring tinatawagan na para iuwi na ako ni Gab at tigilan na nila yung kilig moment nilang hindi ko naman nagugustuhan.
Kumaway na si Gab at pinaandar ang sasakyan. YES! At last.
Pero dahil yata nabadtrip ako sa nangyari at mejo nainis ako sa ginawa kong pagkukunwaring may tumatawag sakin, hindi narin ako nagsalita. Pero, ayaw yata ni Gab na matulog kaming hindi niya nasasabi ang mga eto eh.
"Kakatuwa si Stacey no?"
Talagang TANONG pa yung sabi niya para umimik ako.
"Bakit?" Yokong umo-o at magkunwari ulit.
"Crush ako nun diba? AHAHA."
"Yun lang ba ikinatuwa mo?"
Ba`t pag ako magkakacrush sa`yo, di ka natutuwa?
"Syempre, it goes to show that I am a hunk."
"Hunk?" Natawa akong bahagya. What the hell? HAHA
"Oo, gwapo ako. HAHAHA"
Vain masyado `tong lolo niyo.
"Whatever. So, ano? Liligawan mo na ba siya?"
"Like I said, ayokong magsalita ng tapos."
WHAT THE? Hmmp. Masaya siya dahil crush siya ni Stacey... then it goes to show na gwapo daw siya. Masisiyahan kaya siya sa kagwapuhan niya kung sasabihin kong crush ko siya? Masisiyahan pa kaya siya dahil ipinanganak siyang gwapo kung ako na ang magkakagusto sa kanya? BAKIT BA TALAGA? Errr.
"Natutuwa lang talaga ako dahil crush ako ng tulad niyang maganda, magaling, sexy, at mabait na babae." Ngumiti pa siya.
Di na ako umimik.
"Nga pala, may ubo ka ba? Baka may swine flu ka na ah?" Tumawa siya. "Kanina ka pa ubo ng ubo eh."
Naku. naku. NAKUUUU! Gab so DENSE! So, hindi siya matutuwa kung ako yung magkakagusto sa kanya, kasi di naman ako kasing ganda, sexy, talented at BAIT (?!) ni Stacey? Pero kahit ganun, pupuriin niya parin ba ang pagiging HUNK niya kung magkagusto ako sa kanya? Isang malaking tanong.
TWENTY
Celestine Herrera: Iba yata ang type niya eh.
Gagaguhin ko ba talaga si Gab?
Yan ang pinag-isipan kong mabuti habang nagdi-discuss kami ng kung anu-ano sa klase. Syempre, alam ko ang sagot diyan! Ano pa, edi oo! Ang akin lang naman eh, kaya ko kaya siyang gaguhin? O, baka kung anong isipin niyo... What I mean is kung magpapagago ba siya. Yung tipong magkakagusto kaya siya sakin? Eh mukhang si Stacey yata laman ng kokote nun at halos di nga tumitingin sakin yun. Bestfriend pa ang turing sakin kaya syempre, baka mag agawan ang puso`t isipan niya kung sakaling mainlove na siya sakin. Weh, kapal mo Celestine ka! Anong maiinlove ang pinagsasabi mo diyan.
"Hoy!"
Naaninaw ko ang mukha ni Gab na nakaharap sakin. Tapos na pala ang klase. Pinagpawisan naman ako agad ng malamig, ano `to? Static?
"Ano bang nangyayari sayo, tulala ka!" Aniya.
"H-Huh? Ah, wala... May iniisip ako."
"Aww, okay. Daydreaming?" Tumaas ang kilay niya.
Nakita ko naman si Jana na nagliligpit ng mga gamit niya habang pinapanood kaming dalawa. Biglang nag evil-smirk ang bruha. May ipinapahiwatig yata siya.
"Uh, sort of..." Tapos sinikap ko na ring magligpit ng gamit.
Nakatayo parin si Gab sa harapan ko.
"Ano namang dini-daydream mo?"
Tapos binigyan ko siya ng look na parang nagsasabing dapat alam niya na yan, "Kailangan pa bang itanong yan?"
"Kaya nga tinatanong diba? Kasi di ko alam."
Aba dai! Galit ang lolo mo. Pilosopo pa!
"Edi sino pa, yung crush ko!"
Tapos, narinig kong umubo si Jana.
"Jana, pa-check up tayo? Kahapon pa ako inuubo eh. Pa-quarantine na rin tayo para sur-"
"SINO?"
Talagang pinutol niya pa yung sinabi ko para lang masingit yung kadudadudang tanong niya no?
"Sino? Hehehe, secret. Baka sabihin mo sa kanya." Oy Cel! Batukan kita riyan.
Kahit nga ako eh di ko naman alam kung sino yung tinatago-tago ko kay Gab na crush kuno.
"Gab, lika na! Mahuhuli na tayo sa next class!" Singit ni Jude.
Kami naman ni Jana, sa kabutihang palad, walang susunod na klase kaya okay lang kung makipagkwentuhan ako kay Gab for the next one hour.
"Teka lang!" Sigaw ni Gabriel kina Jude. "Sino? Clue?"
"Clue?"
"Kilala ko ba?"
"Uh, not sure."
Not sure kasi talagang wala akong alam sa sinasabi ko.
"Description?"
"Uh, ano pa? Edi gwapo! Yun na yun!" Sabi ko. "Sige na, umalis ka na. Baka ma-late ka pa." Kahit na gusto ko naman talagang tinatanong niya ako tungkol dito.
Parang concern! YEEE. Oy, Cel! Wa`g kang assuming. Concern lang yan kasi, bestfriends kayo.
"Ba`t ilinilihim mo sakin?"
"Di naman," Ngiti. "Natatakot lang ako, baka kilala mo siya. Lamo mo na, nag-iingat. Baka kasi madulas ka at masabi mo sa kanya."
OHH! Ang talino mo, Celestine! Ambilis lumabas ng mga kasinungalingan sa bibig mo ah? Tsaka, ambilis mong makaisip ng palusot.
"CEL!" Sigaw ni Jana.
Napatingin tuloy kami ni Gab kay Jana.
"Sayang! Hindi mo tuloy nakita! Dumaan si crushie mo, naka navy-blue na shirt. Shet. Diba nga kasi dapat nasa labas na tayo sa mga oras na `to, alam mo namang dadaan siya ngayon. Lumabas na nga tayo!" Hirit ni Jana gamit ang nanggigigil na boses.
Akala ko ako na ang pinakamatalino, mali pala. May mas matalino pa sakin, si Jana. Biruin niyo? Agad siyang may pakulo na ganun? Naka turo pa siya sa door nung sinasabi niya yun ah? Ayun tuloy, napatakbo papalabas si Gab para tingnan kung sino yung naka navy-blue na dumaan.
"Tsss. Ang daming naka navy-blue eh!" Sabi ni Gab.
"Ahahaha. Ba`t ba concern ka sa crush ni Celestine, Gab? Selos ka ba?"
"H-Huh?" Namumula na naman ang pisngi ni Gab. "D-Di ah? Alis na nga tayo!"
"Bye Gab!" Last hirit ni Jana.
"Bye!" Sabay kaway ko.
"CEL! ALAM KO NA KUNG SAAN SIYA NAGLU-LUNCH! DUN TAYO MAGLULUNCH MAMAYA! TAPOS, HIHINGIN NATIN NUMBER NIYA, OKAY?" Grabe, akala nasa kabilang dako ng school ang kinakausap ni Jana sa lakas ng boses niya.
"Cel!" Bumalik si Gab. "Sabay tayo mag lunch mamaya ah?"
"A-A-H. Huh? O-Okay!"
Grabe! Papalakpak na ako dahil sobrang natutuwa ako sa nangyari.
"Tsaka, number mo din nga pala. Di ko pa nakukuha." Papalapit na si Gab samin ni Jana.
"Uh, Gab. Ako na lang ang magbibigay ng number mo kay Cel. Baka ma late ka na eh."
"Oo nga, Gab. Sige na!" Smile.
"O-Okay." Tapos umalis ulit ang mokong.
BWUAHAHAHA! Nag-unahan kami ni Jana sa pagtawa nung tuluyan ng umalis si Gabriel. :D" title="" class="smiley" border="0"> Grabe, galing ni Jana!
"That`s what we call, strategy. Naku, naku, naku... na si-sense ko na talaga ng bonggang bongga ang malalim na feelings ni Gab para sa iyo. Sooner or later.... mwuahahahhaha :D" title="" class="smiley" border="0"> " Grabe, parang demonyo.
"Hmmm, ewan ko. Iba yata ang type niya eh."
"Wala yan sa type-type! Kung patuloy mo siyang pinagseselos sa isang mr. navy-blue guy, talagang ma pi-pressure yan! Tapos, macoconfuse na yan at iisipin na niyan kung bakit masyado siyang concern sayo... then tada!!! Aaminin niya na ang tunay na nararamdaman."
Grabe, kinikilabutan ako sa mga plano nitong si Jana.
"Hanep ka, agad mong naisip na dumaan yung crush ko. Meron ba talagang dumaan na naka-navy blue? o baka naman, crush mo yung dumaan?"
"Hindi ah! May dumaang gwapo eh. Naka navy-blue. Gwapo talaga. Di ko nga lang type. Ptential boyfriend mo yata yun eh. Tsaka, nakita ko kayong dalawang nag-uusap sa gym noon."
"Sa gym?"
"Oo. Nung nag-iskandalo ka, remember?"
Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;