<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 61-65


61st fall

Serene Cruz: alam mong manliligaw siya sakin?

"I mean, hindi pwede!" Sabi ko kahit wala pa naman talaga ako sa tamang estado ng aking pag-iisip.

"Ha? Bakit naman?"

Nagkasalubong ang mga kilay ni Dae.

"Wala ka ng pakealam-"

"Ibig sabihin, pwede si Nico tapos ako, hindi?"

Mag-wa-walk-out ako. At isasama ko si Nico. Di ko na nga alam kung humihinga pa ba ako dito. Basta, ayaw kong marinig ang mga sasabihin ni Dae dahil baka mas lalong lumambot ang puso ko.

Tinalikuran ko na siya at sumunod naman si Nico.

"Napaka unfair naman yata nun, Serene." Sumunod si Dae saming dalawa.

Kaya tinigilan ko ang paglalakad ko.

"Bahala ka sa buhay mo, basta! Ayaw kong magpaligaw sayo..." Pinandilatan ko siya.

"Bahala ka rin sa buhay mo, basta ang alam ko... manliligaw ako sayo."

*DING-DONG-DING*

"Paano ba yan? Kami naman ngayon, Nico?" Sabi ni Dae habang nakangiti.

Magkaklase kami sa susunod na subject ni Dae, pero hindi si Nico.

"Nico, ihatid mo na lang ako sa classroom." Sabi ko while ignoring Dae.

Ngumiti naman si Nico at tumango. Pero bago pa kami nakaalis, nag walk-out na si Dae. Para bang siya ang may karapatang mag walk-out!

Pagdating namin sa classroom... "Sayang naman, di kita naturuan." Sabi ni Nico.

"Okay lang yun," Tumigil ako sa pintuan ng classroom.

Wala pa ang aming professor, tsaka nakaupo na si Dae sa upuan niya.

"Kasalanan naman kasi ni Dae eh."

"HIIII~ Couz!" Sigaw ni Crayon sa malayo.

Nang nakalapit na siya sakin, kinalas niya yung kamay niyang nakaakbay kay Sophie at inakbayan ako.

"Nanligaw na ba si Dae?" He smiled an evil smile.

Grabe, tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang tanong niya.

"H-huh?"

"Serene... sige, aalis na ako. Kita na lang tayo mamaya." Sabi ni Nico.

"O-O sige. Salamat!" Kumaway na ako at tuluyan ng umalis si Nico.

"Ano haaa? Kulelat ka ba?" Pabirong sigaw ni Crayon kay Nico.

Di naman `to narinig ni Nico dahil malayo na siya.

At dahil dun, nasuntok ko ang tiyan ni Crayon.

"Arayyyy."

"Tumigil ka na nga!"

Ngumiti ulit siya. Kinalas ko na yung akbay niya at umupo sa upuan. Nga pala, ang upuan ko sa subject na `to ay nasa likuran ni Dae.

"Bakit? Anong problema?" Umupo si Crayon sa tabi ko.

Alam ba niyang manliligaw si Dae sakin? Baka naman alam ni Sophie na manliligaw si Dae sakin???

"Sophie..."

Ay, asa naman ako! Ang tanong, kung totoo ba yung sinabi ni Dae sakin kanina. At kung totoo naman yun, bakit niya ako liligawan? Naapakan ba yung ego niya?

"Hmm?" Lumingon si Sophie sakin.

Lumingon din si Dae sakin kaya napatingin ako sa kanya imbis na si Sophie ang kakausapin ko.

"Wala ka bang espesyal na reaction sa sinabi ko kanina?"

Napatunganga si Sophie, at mukhang pati pa ata ang pinsan ko.

"Ano bang sinabi mo kanina, Dae?" Crayon was extremely curious.

Nagkibit-balikat lang si Dae.

"Manliligaw ka?" Sinamahan pa ng malakas na tawanan ng buong banda na nasa likuran ko lang pala.

Hindi sumagot si Dae at tumingin ulit siya sa harapan. Deadma lang?

"Ba't naman ako magkakaroon ng espesyal na reaction dun?"

Lumingon ulit siya sakin, "Bakit hindi?"

"Bakit nga?"

"Nanliligaw na nga ako, tapos wala ka pang comment diyan." Sabi niya.

Feeling ko narinig yun ng buong eskwelahan at para bang nangangatog na rin ako sa sinabi niya. AHHHH~! I mean, totoo naman kaya yan? Di bale, di ko na nga lang siya sasagutin! Baka lokohin lang ako ng mokong na `to.

"Di nga, pare?" Sabi ni Crayon at mukhang seryoso siya sa tanong niya.

"Gusto mo, ulit-ulitin ko pang nanliligaw ako kay Serene?"

Hindi ko na alam kung anong reaksyon ng grupo sa likuran. Basta ang alam ko, nakatunganga lang si Crayon at Sophie.

"Akala ko, alam mong manliligaw siya sakin?" Tanong ko kay Crayon.

Ayaw kong makita ni DAE na masayang-masaya ako sa sinabi niya. Ayaw ko ring magbigay ng kahit anong reaksyon, dahil takot akong baka tawanan niya lang ako sa huli dahil ISANG MALIKING JOKE lang yung sinabi niya.

"SO? Totoo nga!?" Nanlaki ang mata ni Crayon at abot tenga pa ang ngiti niya.

Oh great! Parang dinagdagan ko ng kompirmasyon ang sinabi ni Dae!

"Totoo nga. Kaya," Tinitigan ako ni Dae. "sa ayaw't sa gusto mo sasagutin mo ako at magiging tayo." He smiled a creepy smile!

62nd fall

Serene Cruz: wa'g ka namang maging bayolente

"Alam mo, kasi, Serene..." Tumigil si Sophie sa pagsasalita nang napansin niyang busyng-busy ako sa pamimili ng iinumin ko sa cafe. "Si Dae..."

Umupo na kami sa table. Kaming dalawa lang ngayon, wala pa sina Chyna at Mina. Si Dae, Crayon at ang buong banda naman, ewan.

"Si Dae... ano?" Tanong ko.

Binibitin ata ako ni Sophie eh. Hindi na nga ako nagpapahalata tapos ganyan pa ang ginagawa niya... HMMP.

Ngumiti siya at napailing, "You can't fool me."

"Huh?"

"You still like-- love him, do you?"

Ininom ko ang binili kong Fit n Right.

"O, sige. Alam kong di moko sasagutin... Kasi nga, si Dae. Di naman kasi yun nanliligaw pag di siya seryoso."

"Wala naman akong pakealam kung seryoso siya o hindi eh."

"Whatever, but hey... wala lang. Since gradeschool... errr, napaka impossible kung wala ka ng-"

Sumimangot ako.

"Okay, okay. Saan na nga ba ako? Kasi... si Dae, mahal niya talaga ang liniligawan niya. Tulad ni Charlotte, ni Francine. Yun nga lang, nagkaproblema ata sila ni Charlotte noon. At si Francine naman, naku,nakakasakal. Kaya-"

"Kaya ano? Sasagutin ko siya kasi seryoso siya sakin? HAH, asa ka pa."

"Hindi naman noh, sinasabi ko lang naman na ganun. Ano nga kaya ang nangyari kay Dae..." Tumawa pa si Sophie pagkatapos niyang napansing nakasimangot na ako sa pakikinig sa kanya.

3:30pm na at tapos na lahat ng klase ko kaya andito lang ako't sinasamahan muna si Sophie. May pasok pa `to maya-maya eh.

"Asan na nga pala sina Crayon?"

"Finally," she laughed again. "Tinanong mo rin..."

"Ano?"

Huh?

"Nagcecelebrate siguro yun sila ngayon dahil nanliligaw na si Dae sayo. Sobrang tagal naming hinintay ang pagkakataong manligaw siya sayo."

Napailing ulit ako.

"Excuse me, Miss Serene Cruz?"

Napalingon ako at may nakita akong lalaking may dala-dalang bulaklak. Tatlong rosas, at ang ganda.

OHMY, nagsisimula na nga atang manligaw si Dae.

"Oo, ako nga." Pinilit kong sumimangot.

Baka pinapanood ako ni Dae dito, akala niya naman nasisiyahan ako sa ginagawa niya.

"Pinabibigay sayo."

"Huh? Sabihin mo sa nagpabigay na ayaw ko ng makatanggap ng bulaklak galing sa-"

AY ANAK NG PATING. Buti na lang at binasa ko ang nakasulat! Galing pala kay Nico.

"I mean, wala. Never mind. Salamat."

Tumango ang nagbigay at umalis.

Sinampal ko ang sarili ko.

"O, bakit? Kanino ba galing?" Tanong ni Sophie habang umiinom ng juice.

"Kay Nico."

Kamuntik na niyang maisuka sa harapan ko ang juice na ininom niya.

Tumawa siya, "Maraming namamatay sa maling akala!!!"

Napabuntong-hininga ako.

*KRIIIING*

"Hello?"

"Hello, Serene. Did you like the flowers?"

*DING-DONg-DING*

"Yeah, thanks! I love it." T`was Nico.

"Nasa cafe ka ba ngayon?"

"Oo. Pero, uuwi na rin ako eh, papasok na kasi si Sophie." Sabi ko.

"Pwede ba kitang ihatid sa inyo?"

Natigilan ako... wala naman si Crayon, kaya mag-ji-jeep ako pauwi pag di ako papayag. Tsaka, wala naman si mama at papa, kaya walang mangungulit sakin.

"Sure."

"Okay, papunta na ako diyan..."

Binaba niya na ang phone.

"Si Nico?" Tanong ni Sophie habang liniligpit niya ang mga gamit niya at naghahandang umalis.

"Oo. Susunduin niya raw ako dito at ihahatid sa bahay. Pakisabi na lang kay Crayon pag nagtanong siya."

"MMMKAY, and oh. May malaking gig nga pala sila this summer... sa birthday pa nga ata raw ni Dae yun mangyayari, sa Te Beach gaganapin. Bilin kasi ni Crayon sakin na pipilitin daw kitang sumama. Sumama ka ah?"

BIRTHDAY NI DAE ANG GIG? Kaya pala si Francine...

"O-o?"

"Sige na... alis na ko. Bye."

Umalis na si Sophie. Nagmamadali, ayan kasi, daldal ng daldal.

Inspeaking of Dae's birthday, malapit na rin pala ang birthday ko. WOW. LOL. At, malapit na rin pala ang finals. tsk.

"Hi!"

Binigla ako ni Nico.

"Uyyy, Nico. Tara?" Ako na talaga ang nagyaya sa kanyang umalis na sa cafe dahil ayaw kong humantong na naman sa center of attention ang beauty ko.

"Serene!!!" Narinig ko ang boses ni Dae sa malayo.

Tumakbo siya samin nang nakita niyang papasok na ako sa sasakyan ni Nico.

"Nico, tama na nga yan. Lamang ka naman ng ilang araw sa panliligaw ah? Ako na nga ang maghahatid kay Serene!"

GRRRR. Nanggugulo na naman siya!

"Dae-" Hinila ako ni Nico sa likuran niya.

"Ano ba talaga ang problema mo, pare? Nanliligaw ka ba kay Serene o pinapangalagaan mo lang yang pride mo?"

*SUNTOK*

Hindi ko alam kung anong nangyari. ang bilis kasi, basta ang alam ko, sinuntok ni DAE si NICO!

Nasuntok na rin ni Nico si Dae bago dumating ang banda at inawat sila. Feeling ko decoration lang ako si gilid.

"Tama na yan! Ba't ba lagi na lang kayong nag-aaway."

"Eh loko pala `tong manliligaw mo eh. Anong akala niya sakin-"

"Shut up, Dae. Ikaw lagi ang nang-aasar diyan eh."

"Sinasabi ko lang naman ang gusto kong sabihin!"

"Kung gusto mong manligaw sakin, pwede ba, wa'g ka namang maging bayolente diyan. Ako ang napeperwisyo dito!"

So, pumapayag na akong manligaw siya?

"Dae, tama na." Sabi ni Crayon. Parang gusto pang tumawa ng pinsan ko pero pinipigilan lang.

Pinandilatan ko na si Crayon, pati na rin si Dae.

"Nico, tayo na."

Pumasok na ako agad sa sasakyan ni Nico. Pagkapasok niya, pinaandar niya naman agad.

63rd fall

Serene Cruz: Basted ka na sabi eh.

Narealize kong malakas ang pagkakasuntok ni Dae kay Nico dahil mejo namaga ito at mukhang iniinda pa niya ang sakit.

"Masakit ba?"

"Uh, hindi masyado." Sabi niya.

Tahimik lang kami nang huminto ang sasakyan sa traffic.

"Nico, wala ka bang taping today?" Tanong ko sa kanya nang nag green na ang traffic-light.

"uh.. meron."

"Ganun? Anong oras?"

"hmmm, 5."

5? Eh 4:00pm na ah!

"Gusto mong kumain muna tayo?"

"HA? Eh, paano? I mean..."

"Okay lang. Di naman ako masyadong importante sa scenes ngayon eh."

Kaya ipinark na niya ang sasakyan sa parehong restaurant na kinainan namin nang nagtapat siya.

"Di naman ako ginugutom." Sabi ko nang binigyan na kami ng menu.

"Ako rin..." He smiled. "Ice cream na lang." Sabi niya sa waiter.

Nakatunganga lang ako sa harapan niya.

"Bakit?"

"Natatakot lang ako para sa taping mo."

"Huh?"

"Kasi... baka-"

"Okay, pagkatapos nating mag ice cream, ihahatid na kita agad at dediretso na ako sa taping."

Tumango ako at agad namang binigay samin ang ice cream. WOW. Pero, kailangan kong bilisan ang pagkain nito dahil ayaw kong ma late siya.

"I`m actually doubling my efforts." Sabi niyang bigla.

Nakatingin lang ako sa kanya at nagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Never mind... uh, kelan nga pala ang birthday mo?"

Now that he mentioned it. Tiningnan ko ang calendar ng cellphone ko.

My birthday is near on Dae`s birthday. LIMANG ARAW lang pagkatapos ng birthday ni Dae, eh birthday ko na. At para sa taong `to, nasa parehong linggo ang birthday namin.

"Uh... April 25." Sabi ko habang dumudungaw ako sa phone ko. "Sabado. Bakit?"

"Wala lang." He smiled.

"Bakit? kelan ang birthday mo?" Tanong ko.

"Ngayon." He smiled.

Nanlaki ang mata ko.

"What? ba't di mo sinabi?"

Nakangiti lang siya. Grabe, nga naman. Hindi pa kami ganun ka close para malaman ko ang birthday niya.

"Happy birthday ulit! Uh, sorry sa-" Nakita kong mejo namaga ang pisngi niya. "-suntok ni Dae." Sabi ko kay Nico nang nakalabas na ako sa sasakyan niya.

"Okay lang, nasuntok ko rin siya eh kaya..." Napabuntong-hininga siya.

"Salamat sa paghatid sakin." Sabi ko.

Tiningnan ko ang relo ko, "it`s 6:00pm already."

Tumango siya at ngumiti.

"O sige... salamat talaga. Happy birthday." Tumakbo na ako sa gate namin.

Ayaw ko kasing matagalan siya sa paghahatid sakin at mapagalitan pa siya ng direktor nila. Tsaka, nagi-guilty ako sa suntok ni Dae. Puhunan niya pa naman ang mukha niya.

Pagkapasok ko sa bahay, umalis agad ang sasakyan niya.

"Hi couz!"

"Ay potek."

Andito pala si Crayon?

"Kaya pala naghuhuramentado si Dae eh." Lumingon siya kay Dae na nasa sofa lang at naghihintay. "Hatid sundo ka pala ng mokong na yun."

"Paano kayo nakapasok?-" Nakatitig lang si Crayon sakin. "-never mind."

Pumunta na ako sa kwarto ko nang nakita ko si Ney na umaaligid sa bahay. Andito si Ney kaya siguro nakapasok sila.

"Grabe, alas kwatro kayong umalis, tapos alas sais kang umuwi?" Sabi ni Dae.

Bumalik ako sa living room, halos ayaw kong makita ang mukha ni Dae eh - namamaga din ang pisngi niya.

"Nanliligaw ka ba talaga? Basted ka na sabi eh. Ayaw ko sayo!" Nainis na talaga ako. "Di mo ba ako maintindihan?"

Tumayo siya sa harapan ko.

"O kung ganun, sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin para maintindihan mong di ako titigil sa panliligaw sayo!" Humina ang boses niya, "Sabihin mo sakin kung ano ang gusto mo, gagawin ko-" Napatingin ako sa kinatatayuan ni Crayon pero wala na siya. "-susundin ko."

SLAVERY???

64th fall

Serene Cruz: Mahal mo ba ako?

"Talaga?" Lumapit ako kay Dae at mas lalo kong naaninaw ang namamaga niyang pisngi.

Gusto ko sanang ibasted ulit siya pero sa totoo lang naeengganyo ako sa offer niyang `to. Para bang hindi ko mapigilang hindi siya pagbigyan sa gusto niyang mangyari.

Hindi siya makatingin sakin, "O-Oo."

"Talagang-talaga? As in, pwede kitang utusan?" I smiled an evil smile. >:D

"O-O sabi eh!"

Pinindot ko ang pisngi niyang magang-maga.

"AWWW."

"S-Sorry." Hindi ko sinadya yun ah, tiningnan ko lang kung talagang malala nga.

"Ang lakas palang manuntok nung gagong yun!"

"Kasalanan mo naman kasi. Ba't mo siya sinuntok." Kumuha na ako ng ice sa refrigerator.

"Eh sinabi niyang pinapangalagaan ko lang ang pride ko, nakakainsulto." Napalingon ako sa kanya. "A-Ano?" Hindi ulit siya makatingin.

"Bakit? Di ba yun totoo?"

"HINDI NOHHH!"

Lumapit na ako sa kanya. Kaya lang, nang papalapit na ako parang napaatras pa ako dahil na tetense ako. Bakit na naman ba? Talaga bang ganito na lang ang epekto niya sakin. I tried to act like nothing's wrong.

"Ilagay mo `to sa mukha mo." Sabi ko.

Ayaw kong ako ang gumamot sa pasa niya. Baka di ko mapigilan ang damdamin ko`t magwala na naman ang puso ko.

Kinuha niya naman ang ice at linagay niya sa pisngi niya. Umupo ako sa tabi niya habang tumitingin sa labas.

Nakita kong naglalaro ng PSP si Crayon at Ney sa labas at busyng-busy.

"Nahalikan ka na ba niya?"

"Ha?"

"Ano?"

"Anong palagay mo sakin, cheap?"

"Hindi. Pero, artista yun eh, kahit cheap o hindi-"

"HINDI PA!"

My gosh. Nagsisimula na naman siya.

"Uh-"

"Dae, pwede ba? Wa'g kang magsalita diyan!"

"Uh, huh?"

"Sabi mo sakin gagawin mo kung ano ang gusto ko."

"Bakit? Akala ko ba basted na ako?"

"So, tanggap mo na talagang basted ka? Okay la-"

"JOKE lang! Tatahimik na, eto na..."

Tahimik lang siya habang ginagamot ang sariling sugat.

"Talaga bang pwede kitang gawing yaya or ano? Kaya mo ba talaga?"

Hindi siya nagsalita.

"Ano ba! Tinatanong kita."

"Akala ko ba di ako magsasalita?"

PILOSOPO PA! Grrrr. Hindi ako tumingin sa kanya. Nakakainis eh.

"Uy, Serene. Sorry na. Sasagutin ko na ang tanong mo."

Lumingon ulit ako sa kanya.

"Oo. Kahit ano."

"Bakit? Para saan? Para mahigitan mo si Nico? Ganun ba?"

"Hindi no. Ano ka ba, ba`t ko naman pag-aaksayahan ng panahon yan?"

Hinarap ko siya at tinititigan niya naman ako na para bang tinotorture na siya at ipinapaamin ang kasalanang di niya naman ginawa.

"Mahal mo ba ako?"

Parang gusto kong magtatawa na lang dahil parang napakaimpossible kung sasagutin niya ang tanong ko ng OO. Napakaimpossible.

"Hindi ka naman maniniwala eh." Sabi niya.

Buti alam mo!

"Huh-"

"Dae, alis na nga tayo dito! Wa`g mong sabihing may plano kang dito matulog? Pupulbusin talaga kita." Sumulpot ng bigla si Crayon.

Argh.. ano nga ulit yung tanong ko at ano yung sagot ni Dae?

"Ang aga pa... hindi pa nga ako nakakabawi sa mga oras na nandun siya kay Nico eh."

Para akong nabuhusan ng isang timba ng tubig. Ano nga yung sabi niya? Hindi ko na naririnig yung mga pinagsasabi niya eh. Ang alam ko, yung mga sinasabi niya sakin eh... 'malandi ka, nakakainis ka, nakakasuka ka.' ba`t parang hindi na si Dae `to?

"Eh mas mahaba naman yung panahon mo kay Serene noon eh."

"Noon yun nung di pa ko nanliligaw."

Umalis na ako at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Marami pa akong tatapusing assignments, kaya bahala na yang dalawang yan diyan. Okay na sakin yung malamang.... nanliligaw si Dae sakin.

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Este... slave ko siya.

"O sige, isang oras lang ah." Sabi ni Crayon pagbalik ko.

Nakaupo lang si Dae sa sofa at lumabas naman si Crayon para makipaglaro ulit kay Ney.

Linapag ko na ang mga assignments ko sa mesa ng living room at tahimik lang si Dae na nanonood sakin.

65th fall

Serene Cruz: Para saan?

Ilang minuto ang nakalipas, napansin kong hindi talaga siya umiimik at pinapanood lang akong ginagawa ang assignment.

"Ang hirap naman nito."

At least mejo natuto nga naman ako sa mga itinuro ni Nico pero may mga part parin na hindi ko naiintindihan.

"Ang alin?" Lumapit siya sakin.

HMMM? Magpapaturo na nga lang ako kay Dae, magaling naman siya eh. O di kaya, siya na lang ang ipasagot ko?

"Eto oh." Itinuro ko yung mahirap na part.

Tinuruan niya naman ako at talagang di niya sinagutan para maituro lang sakin ang tama.

"Ahhhhh."

"Ano bang tinuro ni Nico sayo't bakit di ka parin marunong nito?"

Tinitigan ko siya.

"Okaaay. Sorry. Never mind. Di ko naman siya binabatikos dito." He looked at my assignment.

"Ikaw na nga lang sumagot ng lahat ng yan! Ang yabang-yabang mo talaga."

"Paano ka matu-"

Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"O-Okay!"

*KRIIIINNNNG*

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Sophie.

"Hello?"

"Hello, Serene. Kamusta na diyan? Nandyan pa ba si Dae?"

"Oo." Sinabi siguro ni Crayon.

"Nabasted mo na ba?"

"Oo."

"Ba't andyan pa siya?"

"Makulit eh."

"Tapos...?"

"Ayaw magpabasted." Binulong ko `to sa cellphone kaya napalingon si Dae sakin nang di niya narinig `to.

Dumungaw ulit siya sa assignment ko at nagpatuloy sa pagsagot. Narinig ko naman sa phone ang malakas na tawa ni Sophie. Kahit nga si Dae mukhang napalingon ulit.

"HAHAHHAHA..." She catched her breath. "Naku, gawin mong alalay... HAHAHAHAHA. Saktan mo yan!"

"Ha, Sophie. grabe naman..."

AY SERENE~ Gunggung ka talaga. Ba't ka manghihinayang na masaktan ang hayop na yan? (sabi ng konsensya kong... masama) Masama pa talaga?

"O sige na... HAHAHAHA. Goodluck."

"Bye..."

Binaba ko na ang cellphone.

"Sino yun?"

Nakaupo lang ako sa sofa habang hinu-hug ang pillow... Si Dae naman ay sinasagutan parin ang assignment ko.

"Si Sophie."

Tinitingnan ko lang siya't naiinlove na ulit ako. Naku po... paano na `to?! Bobo na kung bobo pero... MAHAL KO PARIN SIYANG TALAGA. Hindi ko na ata kayang makalimutan siya. Kahit na sabihin niya sakin ngayong di totoo yung mga sinabi niya, mukhang di parin magbabago ang puso ko. Linagay ko ang unan sa mukha ko.

*KRIIIING*

Kinuha ko ulit ang phone ko at sumulyap ako kay Dae...

"Hello, Serene?"

"Nico!"

Napalingon si Dae sakin.

"Tapos na ba ang shooting niyo?"

"Oo. Hehe, andito kami sa isang restaurant ngayon kasama ang mga cast. Sinurpresa nila ako."

"Wow, talaga? mabuti naman... Happy birthday ulit!"

Nakita kong tumigil si Dae sa pagsusulat.

"Thank you. Gusto mong pumunta dito?"

"Ha? Naku..." Sumulyap ako sa orasan. "Gabi na eh."

"Ganun ba..." Maingay ang background niya.

"Mag-enjoy ka diyan ah! Hehehe. Tsaka, maghahanap pa ako ng gift - okay lang ba kahit late na?"

"Oo naman!" Naging excited ang boses niya.

"Serene... ikaw na nga ang tumapos nito!!!!" Sabi ni Dae bigla.

"Sino yun?" Pahamak talaga `to si Dae!

"Ahh, si Crayon. Nasa bahay namin siya."

"Ahhh."

"Sige, Nico. Happy birthday ulit! Inuutusan pa kasi ako ni Crayon eh!"

"Sige... thanks!"

"Bye."

Agad kong binaba ang phone.

"Ba't mo sinabing si Crayon ako??? Ba't di mo sinabing andito ako sa bahay niyo???" Sabi ni Dae habang tinatakpan ang humiliation na nakita ko sa mga mata niya.

"Ayoko nga, baka magselos si Nico."

"Eh ba't di ka na lang nagpretend na si Sophie yung tumawag sayo?"

"Para saan?"

"BAKA MAGSELOS AKO!"

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText