<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Z-arcs


Z-arcs



Z1.I love you more














1:00am...

Wala na akong hihingin pa sa'yo, Lord! Kontentong-kontento na ako sa buhay ko! Salamat at tinuruan ako ni Brent magtiwala sa mga bagay na hindi ko kayang kontrolin at mga bagay na hindi ako sigurado.

"Sigurado ka bang ayaw mo akong maging ka date bukas?" Tanong nya.

Kanina pa kami nag tetelebabad. Siya yung tumawag sa cellphone ko pagkauwi niya at hanggang ngayon ay di parin niya ibinababa na nagustuhan ko naman.

"Wa'g na. Kawawa naman si Kitchie eh."

Oo. Kahit na kami na... Ehem! talagang kami na... ayoko paring indianin niya si Kitchie sa Dance.

"Edi di nalang kaya tayo pumunta? Mag date na lang kaya tayo?" Sabi niya.

Kahit gusto ko ang ideya niya, hindi ko yon magagawa. Hanggang ngayon, di ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa nalaman ko ngayong araw. Di ko pa naitanong kung bakit hindi ko nareceive ang roses, bakit hindi niya sinabing siya yung naghatid sakin galng core, at si Kitchie ang naglabas ng pictures ko sa Facebook!

"Nukaba?! Wa'g no! Gusto ko ring pumunta. Sayang naman 'tong damit na binili ko."
"Aryt my princess." Sabi niya.

Grabe! Parang kinilabutan ako pagkasabi niya nun. Naninibago kasi ako.

"But I can't promise I'll act the same tomorrow..." Sabi niya.
"Ikaw bahala. Hehe. Ang importante pumunta ka sa Dance kasama siya." Sabi ko.
"Hmmmp!"
"Alam mo... sa totoo lang... Dapat sana bukas a-ako mag c-confess na sayo..." Parang may kung anong pumilipit sa tiyan ko.

Ba't ko pa yun sinabi? Grrr! Nakakahiya!

"Talaga??" Tumawa siya. "Kaya mo ba yun?"
"Tseh! Anong akala mo sakin torpe?" Sabi ko. Mas lalong nahihiya!
"Eh alam ko namang matagal mo na akong gusto, natotorpe ka lang umamin eh!" Sabi niya sabay tawa.
"Feeling mo no! Hindi no!" Sabi ko.
"Siguro akala mo talagang maagaw na ako ni Kitchie no?"
"Hmmp! Kapal mo naman:P "
"Its part of the plan, its part of my plan..." Sabi niya. "But... kahit ako yung may mas maraming strategies at plano, ikaw parin ang nanalo."

Bakit naman? Eh bumigay ako sa war diba? So ako dapat yung talo!

"Kasi... hindi ko na natiis. Hindi ako makapaghintay sa plano mo bukas. Talagang pinuntahan na kita sa bahay niyo para lang masabi ulit sayo at ipaalala sayo kung gaano kita ka mahal..." Sabi niya ng seryoso.

Natahimik ako. Hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.

"I-I can't believe that I finally made you fall for me..." Napabuntong-hininga siya.

Halatang masayang-masaya.

"Alam mo naman yatang maiinlove ako sayo eh." Sabi ko.
"Hindi no! Pero minsan napapansin ko na nadedevelop ka na." Tumawa siya.
"Tse!" Natawa din ako.

OMG! Talagang di ako makapaniwalang in love na in love kami sa isa't-isa ngayon! Parang ayaw ko na rin yatang pumunta sa Dance bukas, gusto ko lang mag date kaming dalawa! OMG!

"Haha! Hmmm. My princess... Let's sleep na? Para di ka mastress bukas." Sabi niya.

Malamig na malamig ang boses at halatang nakangisi sa pagkakasabi. Kinikilig yata! Eh ako sobra sobrang kinikilig na rin eh!

"Hmmm. Oh sige... Good night! See you tomorrow!" Sabi ko nang nakangiti at kinikilig.

"Pa-kiss bukas ah?" Sabi niya!
"Tseh! Ayoko nga!"
"Girlfriend na kaya kita! Nung di pa tayo, nikiss mo nga ako. HAHA!"

Kahit kailan ang manyak talaga ng isang 'to!

"Hooy! Hindi no! Lage mo kaya akong ninanakawan ng kiss!"
"O sige, edi kelan ba kita iki-kiss?" Tanong niya.
"HAHA! Saka na pag engaged na tayo!" Sabi ko ng pabiro.
"Orayt my princess." Nabigla ako nang wala siyang angal sa sinabi ko. "Let's sleep na and we'll see each other tomorrow sa party, ayt?"
"Okay!"
"Good night! I love you..." Sabi niya.
May ngiti sa labi ko pagkasabi ko ng... "Good night! I love you too!"

At...

"I love you, more..." habol niya.

Mas lalo akong napangiti. Di ako makapaniwala talaga! Sa isang iglap, naging kami na. Alam kong masyadong matagal ang paghihirap na sinapit niya pero di ko alam na sa gitna ng paghihirap ay masasagot ko siya. Pagkagising ko sa umaga at hanggang sa paghahanda ko para sa Dance ay nakangiti parin ako.

Wala pa akong nasasabihan kahit na sino tungkol samin ni Brent.

"Ayan!!!" Sabi ni Mama.

Siya ang nagmake-up at nag-ayos ng buhok ko. Wala kasi silang trabaho ni Papa ngayon.

"Sigurado ka ba ate na di yung boyfriend mo ang date mo?" Tanong ni Carlo.

Parang napatunganga si Mama at Papa sa sinabi ni Carlo.

"Huh? May boyfriend ka na?" Tanong ni Papa.

Hindi ko alam kung itatanggi ko ba o ano. Pero bago ko pa matanggi o maamin...

"Oo! Si Brent! Sino pa ba!" Sabi ni Carlo.

Halos masapak ko ng pumps ang kapatid ko. Paano niya nalaman!? Naku!!! Sigurado ako na yung Brent na yun ang may kasalanan!

"Totoo ba yun, Maxine?" Tanong ni Papa.

Ngumiti na lang ako at uminit ang pisngi ko. Nakakahiya naman 'to!

"Ehe-Ehem... Kung ganun, tama yung sinabi ng papa niya kaninang umaga." Sabi ni Mama.

WHAAAAAAAAAAAT??!

"Huh?"
"Oo, Max. Tumawag yung papa niya dito tinatanong kung bakit di kayo ang magkadate sa dance ngayong kayo namang dalawa..."
"Ahhh!"
"Bakit nga ba?" Tanong ni Papa papasok sa sasakyan.

Ihahatid kasi nila ako sa Plaze Maria Clara! Yung Brent na yun talaga!!! GRRRR! Kakahiya naman oh! Para yatang atat siyang malaman ng lahat na kami na... sigurado ako alam na ng lahat na kami na! GRRR!

Hindi ko na sinagot si mama at papa. Pagkarating sa venue...

"Papasok na ako, ma, pa..." Sabi ko.
"Okay!" Sabi ni mama.
"Kung di siya yung date mo, eh siguraduhin mo na lang na siya ang maghahatid sayo sa bahay mamaya, okay?" Sabi ni papa.
"Huh?! Bakit?"
"Byeee Maxxx!" Agad ng kumaripas ng takbo ang sasakyan namin!

Langya talaga bakit ganun sila? Si Brent talaga ang may kasalanan! And in speaking of him... Nakikita ko siyang nakangiti ngayon katabi ng door!!! Inaabangan ako. At ang gwapo-gwapo! Parang mas gumwapo pa siya ngayon! Pataaay! Kinakabahan ako!

"Max..."

May naglahad ng kamay sa harapan ko bago pa ako nakarating kay Brent. Natigilan ako at tinignan kung sino...

Si Luis na naka ngiti.




Z2.Not coming






Tinignan ko parin ang kamay ni Luis habang napanganga. Nabigla lang talaga ako.

Napakamot siya sa ulo.

"Alam kong tatanggihan mo ako pa'g yinaya kita dahil sa mga nagkalat na pictures, kaya eto ako at inaabangan na lang ang pagdating mo." Sabi niya.

Tinignan ko ang kinatatayuan ni Brent pero wala na siya dun. Kinabahan tuloy ako.

"So I guess you wouldn't take my hand..." Ngumiti si Luis.

Nakakaawa naman kaya kinuha ko ang kamay niya at magkasabay kaming pumasok.

"Pasensya ka na. Dapat sana di nalang kita inabangan. Hindi ko maiwasan eh." Sabi niya.
"O-Okay lang. Wala din naman kasi akong date eh."

Pumasok na kami sa loob. Kanina pa pala nagsisimula. Nakita ko si Brent kasama si Kitchie. :( Nandun narin sina Emily.

"Lord Luis Ynigo Guevarra and Lady Maxine Theodora Alvarado."

Imbis na magpalakpakan ang mga tao, narinig ko ang bulung-bulungan nila.

"Sino ba talaga?"
"Dami niya naman kasing lalaki."
"Flirt! Crush ko pa naman sana."
"Parang kailan lang si Chad yung date niya ah?"
"Kaya nya siguro tinanggihan si Chad noon dahil gusto niya munang magflirt sa iba't-ibang lalaki."


Nakita ko si Chad kasama si Chloe. Tinitigan niya ako kasama ang disappointed-face niya. Napayuko ako at umupo. Bulung-bulungan parin siya.

Haos mangiyak-ngiyak ako dahil sa mga sinasabi nila. Kahit kailan di ko pa naranasang kamunhian. Ni ayaw ko ngang maging sikat at makakuha ng atensyon sa kahit anong mga event para lang di ako mapagsalitaan ng masama...

"Okay ka lang?" Tanong ni Luis.
"O-okay lang naman." Sabi ko at ngumiti.

Nasaan ba si Brent? Mejo malayo yata kami sa table nila. Kasalanan ko 'to eh. Ba't pa kasi ako pumunta dito sa kabila ng mga pictures na yun.

Nakita ko si Emily at Jason, abala sa pagpaplano yata dahil nag-uusap ng seryoso. Nakita nila ako at ngumiti sila sakin. Sisenyasan ko na sanang 'Abort mission' kaso di ako naintindihan.

Pinagtinginan parin kami ng mga tao. Si Ara ang huling pumasok bago nagsmula ang program. As usual ang ganda niya at super blooming. Wala siyang date pero abot tenga ang ngiti. Lumapit pa siya sakin bago umupo sa isang table.

"Tonight is the night, Max." Sabi niya at kumindat.

Di ko naman maintindihan...

Malapit ng matapos ang program ng bigla akong nilapitan ni Emily.

"Pagkatapos ng program at kainan, punta ka na sa gazebo. He'll meet you there." Sabi niya.

Umalis agad siya bago ko pa napigilan ang mga plano. Hindi ko nasabi sa kanya na kami na ni Brent.

Kumain na kami. Halos wala ako sa pag-iisip habang kinakausap ni Luis kaya tumigil na lang siya sa pagtatanong. Naawa nga ako at naguilty.

"Sorry ah? Marami lang akong iniisip." Sabi ko.
"Okay lang. Alam ko naman yun." Sabi niya at ngumiti.

Nakita kong sumenyas si Jason na 'Go!' sakin kaya...

"Mag c-cr lang ako ah?" Sabi ko.
"Okay." Ngiti ulit.

Naglakad ako patungo sa gazebo...

"Maxine, talagang isinama mo pa talaga ang isang yan. Siya na ba ang pinili mo?" Nagtawanan ang ilang mga babaeng humarang sakin.
"Excuse me lang, may pupuntahan ako." Sabi ko.
"Ano? Pupuntahan mo ang isa mo pang lalaki?" Sabi nung isa.

Grabe! Gusto ko siyang sampalin kaya lang nabigla ako nang...

"Tumigil nga kayo..." Sabi ng isang pamilyar na boses. "Kala niyo naman ang linis niyo... Ilang pics lang yung na expose sa kanya. At anong mga pictures yun? Wala naman siyang ginagawang masama. Kung mga pictures niyo siguro ang ie-expose mas masahol pa siguro dun!"

Si Chloe! Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yun! Kinampihan niya ako!

Umalis ang mga babaeng humarang...

"Sala-"
"Wa'g kang magpasalamat." Sabi niya. "We were rivals since highschool so I know you very well. And now I know we aren't rivals anymore... Sakin na si Chad kung mapupunta ka kay Brent, so go to the gazebo now and make everything clear... okay?"

Paano niya nalaman yun? Nakakapagtataka. Umalis na siya. Di bale na nga! Ang importante ay makapunta na ako sa gazebo! Tumakbo ako kahit nakaheels, baka kasi umalis na si Brent dahil sa tagal ko...

"Brent?" Humihingal pa ako nang nakarating sa gazebo. "Brent?"

"Brent's not coming..."

Biglang nagpakita si... Kitchie.




Z3.The Proposal










"Brent's not coming!" Sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Mukha siyang naiinis. Ako dapat ang nagtatanong sa kanya niyan eh!

"Alam kong magtatapat ka sa kanya ngayon! Narinig ko sina Emily at Jason kanina..." Sabi niya."And Brent's not coming!"

Ngayon mangiyak-ngiyak na siya.

"Bakit mo 'to ginagawa sakin?" Natanong ko din.

Akala ko talaga mabait siya. Paano niya 'to nagagawa sakin?

"Ano??" Napatawa siya. "Ako dapat magtanong sayo niyan, Max!" Aniya.

Tumataas na ang boses niya ngayon.

"Ilang beses kong tinanong sayo kung gusto mo ba siya! I've been your friend! Tapos gaganituhin mo lang ako?"

Natahimik ako. Alam kong may kasalanan ako...

"Ilang beses kong tinanong sayo kung gusto mo siya, kahit katiting, sabi mo hindi!!!"
"Hindi sapat na rason yun para siraan ako, Kitchie."
"Hindi ba sapat yun, Max? Hindi sapat? Alam mong MAHAL ko si Brent! Alam mo yun! At bakit ganito ngayon, huh? Buti nga sayo, ngayong sirang-sira ka na sa mga pictures na kinuha ko, wala ka ng magagawa! Alam mo ba kung gano ako nasaktan sa ginawa mo? Tinraydor mo ako!" Sigaw niya sakin.

Tahimik parin ako... Alam kong may kasalanan ako. Di ko kasi sinabi sa kanya noon ang nararamdaman ko para kay Brent. Pero sa puntong yun, nalilito pa ako at ayaw ko siyang masaktan. Di ko naman inasahang darating sa puntong ito.

"Hindi ka niya papatulan! I'm his date now. Pinakilala ko na rin siya sa pamilya ko. Ang kulang na lang ay ipakilala niya ako sa pamilya niya! Naiintindihan mo ba yun? Kaya lumayo ka na samin!"

Halos mapaiyak ako pero mas nangibabaw ang galit ko.

"Sa tingin mo ba di ako nasaktan sa ginawa mo, Kitchie?! Sinira mo ang pangalan ko!"
"Sinira mo ang puso ko, Max. You were my friend!"
"Kung ganun, Kailanman di kita naging kaibigan. Walang nagsisiraan sa mga kaibigan!" Sabi ko. Naiinis kasi idinidiin niyang wala akong kwentang kaibigan.
"Oo nga. At walang kaibigang nag tatraydor at nang-aahas!"

Halos sabunutan niya na ako!!!

"Walang inaahas at tinatraydor si Maxine..."

Lumabas si Brent sa likuran ni Kitchie! Halatang-halata sa mukha ni Kitchie ang pagkakabigla at pagsisisi sa mga nasabi niya.

Natahimik siya.

"You knew from the very beginning, right!?" Sabi ni Brent.

Ano?! Alam na ni Kitchie yon?! Paano?

"Sinabi ko na sayo nun na si Maxine ang gusto ko."

Natahimik ako... Parang sila pala ang maghaharap ngayon imbis na kami.

"Oo Brent, pero sa tingin mo ba maiisip ko na may pag-asa ka pala sa kanya kung di ka naman niya gusto?" Sabi ni Kitchie. "It's all Maxine's fault! Wa'g ka ngang plastic Max!" Linapitan niya ako at umambang sasabunutan pero pinigilan siya ni Brent.

"Stop it, Kitchie! Sinabi ko na sayo noon! Nun naudlot ang proposal ko kay Maxine, na wala na akong iibigin pa kundi siya!"
"Shut up!" At umalis siya ng galit!

Natakot ako dun! Para bang galit na galit talaga siya at marami pa siyang ipapasabog sakin.

Naaawa din ako sa kanya. Mahal niya si Brent at hindi ko agad inamin sa kanya na gusto ko din si Brent. Kaso hindi rason yun para manira ng kapwa. Masama ang loob ko sa kanya at the same time naaawa.

Bigla akong niyakap ni Brent!!!

"I'm so sorry. Kasalanan ko 'tong lahat." Sabi niya. "I dragged you in this situation,"

Nasa chest niya talaga ang ulo ko ha. Naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya. Napabunton-hininga siya.

"Hindi..." Tumingala ako sa kanya. "Ako ang may kasalanan. Alam kong di mo siya pinapaasa, ako tong denial. Kung sana noon ko pa sinabi sa kanya kung gaano kita kamahal, edi di na humantong sa ganito."

Nakangiti siya ng sobra. Parang pagkatapos ng sinabi ko ay nakalimutan niya na yung madramang sinabi ni KItchie.

Bigla niya akong hinila papasok ng venue. Nanigas ako.

"San tayo?"

"Basta! Come here..." Nakangiti parin siya.

Pagkapasok namin, ayun, nagsasayawan ang mga tao pero bawat taong nakita kami ay tumigil. Nabigla yata! Nakita ko si Kitchie kausap ang napakaraming tao. Tinignan ako ng mga kausap niya. Para bang may sinabi siyang masama tungkot sakin.

"Eww~ Mang-aagaw!" Sabi nung isa.

Buti na lang natakpan ako ni Brent kaya di ko na sila nakita.

"Don't worry about them." Hawak parin niya ang kamay ko.

Grabe, pakiramdam ko ang taas taas ko na kasi kasama ko si Brent. Parang pagkasama ko siya pumapantay ako sa kanila. Sa Cruz Twins na sikat at bigatin. Sa mga anak ng governor at ng haciendero. Bakit siya nagkagusto sakin? Ganun ba ako ka swerte? Pinoprotektahan niya ako laban kanino.

"You stay here, Max." Sabi niya bigla.

Ewan ko kung bakit pero malungkot ang kanyang mga mata. Kinabahan tuloy ako. Nakita kong umakyat si Ara sa stage at pinahinto ang music.

Hindi pa nga ako um-Oo ay umalis na siya. Kinurot bigla ang puso ko at patuloy na kinabahan.

Kinabahan tuloy ako! Di ko pa naman mahanap sina Emily at Jason. Nakita ko lang si Chloe na nakangiti at si Chad na walang ekpresyon. Si Luis naman ay mukhang papalapit sa akin at nakangiti pa.

"Good evening everyone! I hope you're enjoying..." Sabi ni Ara.

Naghiyawan ang ilang mga kalalakhan. Lalong lalo na yung mga lalaking di alam na engaged na si Ara.

"But I'd like to interrupt this party for a moment." Nagtagpo ang mga mata namin ni Ara.

Nasan na ba si Brent? Bakit malungkot ang mga mata niya nang umalis siya?

"Sana maintindihan niyo sa huli kung bakit." Sabi ni Ara sa tonong englesera. "I have a twin... and you all know that... you all know him."

Kinabahan ako lalo! Mukhang may palabas ah!

"Alam kong akala niyong lahat na may iba siyang mahal... if you know what I mean. Palagi niya kasing kasama yun this past few days."

Hinanap ng mga tao si Brent. Pati ako napahanap din.

"Hindi niya po ako inutusang pumunta dito sa harapan para diretsohin kayong lahat na isa lang ang babaeng mahal niya. I'm his twin. Ako lang ang nakakaalam sa mga totoong nangyayari sa buhay niya. Sana po ay hindi niyo ipakalat ang mali-maling kwento tungkol sa kanya, maging sa babaeng mahal niya."

Nabigla ako ng may nag pop-up na picture sa stage. Naka LCD pa. Isang picture ng Magazine. Preview. At isang article.

"Eto ang mga ebidensya sa mga hindi makapaniwala. 'Question number 14: Have you ever been in love?' Ang sabi ng twin ko, 'Yes I have been and still am in love with only one girl. 'Question number 15: What's the sweetest thing you did to her?' Ang sagot niya, 'Sing a song for her nung nasaktan niya ako. Stolen by Dashboard Confessionals.' Luckily, I have a video of him singing Dashboard Confessional's Stolen during a training camp nung highschool kami. Hindi ako kasama sa camp na yun, pero kasama dun ang first and only love of his life."

Ipinakita niya ang chorus part sa pagkanta ni Brent noon at nanumbalik sakin ang mga alaala kung paano kami nagkakilala at ang simula ng panunuyo niya sakin.

"It wasn't his first time singing for a girl. Alam niyong playboy siya. And I know that his words isn't enough for you to believe that... again... all this time, he is inlove with only one girl. Kaya ako nandito sa harapan niyo. Hoping that you... especially her... would believe me."

May ipinakita siya ulit. Picture ni Brent na naghihintay sa isang lugar kung saan maraming roses. Nakaupo siya at mukhang malungkot.

"This is a picture of my twin waiting for that girl to come after his birthday last year. Hindi pumunta yung girl because... again... nobody would believe a playboy."

Nagbulung-bulongan ang mga tao.

"I know you think he's proposing for another girl with this picture kasi yung isang girl ang dumating... but he's not. He never proposed to anyone..."

Lalong lumakas ang bulung-bulungan.

"Alam kong mayroon na kayong feeling kung sino ang mga babaeng tinutukoy ko, pero to avod misunderstanding... I want you to know that the only girl my twin loved is Maxine Alvarado..."

Halos di makapagpatuloy si Ara sa pagsasalita dahil sa ingay na naggagaling sa schoolmates ko.

"I never wanted to say this n public because I know she's a very privte person kaya lang di ko kayang manahimik na lang lalong lalo na kung alam ko yung tama. Her 'scandalous' pictures were posted on the net para siraan siya kay Brent... those attempts were futile. My twin is deeply in love with her... AND we all know she's not that type of girl. Everyone is in denial na siya ang mahal ng twin ko. Akala nila na madi-discourage ang twin ko sa tuwing makikita ang mga pictures na yun."

Ipinakita niya yung mga nakakahiyang pictures pero saglit lang. Buti na lang.

"What's wrong with these pictures? She's with other guys? They aren't even kissing! Wala! Nothin's wrong but everyone chose to believe that there is! Kasi alam nila na she should only be with one guy... my twin... Brent Damien J. Cruz. And nobody cared to post these pictures."

Ipinakita niya ang mga larawan na kami lang ni Brent. At yung larawan kong nasa mga bisig niya habang kinukuha ako sa gitna ng bar.

Sheeemaaay! Nakatingin halos lahat ng mga tao.

"I won't mention anyone here...or who's to blame... but I want you all to keep that in mind. Para maliwanagan na ang lahat ng issue kay Maxine Alvarado. Max, this is for you!" Ngumiti siya sakin.

Pero ganun pa man kinakabahan parin ako dahil sa pag-alis ni Brent.

"Sa tingin ko sinabi mo na ang lahat." Sabi ni Brent ng di nakla microphone pero dinig parin siya dahil natahimik ang lahat ng nakita ko siyang pumunta sa stage,

Akala ko doon siya pipirmi, pero hindi pala. Lumapit siya sakin. Umalis tuloy ang ibang taong nakapaligid sakin. Nakangiti siya at kumikinang ang diamond earring niya.

"Hindi masasayang ang pakikinig niyo sa twin ko." Sabi niya. "Dahil huli na 'to..."

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga tao. Kilig na kilig ang mga babae, Sinuportaan naman siya ng barkada at teammates niya.

"Maxine Theodora Alvarado..." Linabas niya ang isang red na box.

Agad akong pinagpawisan kas alam ko kung anong nasa loob. Akala ko sa sine at palabas ko lang makikita ang mga ito pero di ko alam na sa isang iglap, mararanasan ko rin.

"Alam kong bata pa tayo, pero ayoko nang pakawalan 'to..."

Binuksan niya at naaninaw ko ang isang singsing na may diamond sa gitna at dalawang diamond sa magkabilang dulo.

"I've never been and never will be in love with anyone like I am with you." Ngumiti siya. "And I never want to part with you... ever again."

Katahimikan.

"So... Marry me."

O-M-G! Sa hindi mabilang na beses, inutusan ulit ako ni Brent Damien Cruz. At eto na! Eto na ang pinakapaborito ko. Hindi niya talaga ako tinanong. Inutusan na talaga ako. Para bang wala nang kawala.

Halos mapaiyak ako.

Alam kong may mga taong masasaktan sa gagawin ko. Pero ayokong saktan ang taong pinakamamahal ko para pagtakpan ang tunay kong nararamdaman. Kaya I'm sorry... I'm sorry kung may masasaktan ako ngayong magpapakatotoo na ako. Life is short. Love. Kung masaktan ako, bahala na. Kung masaktan ko sila... bahala na. Just for this time... I want to be selfish. Just this one. Kasi di ko kayang makita siya ulit na malungkot ang mga mata at namamalimos ng pagmamahal kong kaya ko namang ibigay.

"Yes!"

Umulan ng palakpakan... lalo na nung hinalikan niya ako.





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText