seventyone-seventyfive
SEVENTYONE
Celestine Herrera: Paano?
"Cel,"
May tumatawag sakin habang nakaupo ako at yakap ang mga tuhod sa isang bench sa school namin. Wala na masyadong tao kaya okay lang naman siguro `tong ginagawa ko.
"Cel," Si Dexter `to.
Hindi ako gumalaw. Tumigil na rin ang mga luha ko. Siguro napagod na sila sa kakalabas sa mata ko, wala naman silang nagagawa sa sitwasyon eh. As if namang pag nakita ni Gab na umiiyak ako, pupuntahan ako at itatahan... hindi naman.
"Cel,"
Suminghap ako at tumingala. Nakita ko ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Dexter.
Pinunasan niya ang pisngi kong may papatuyong mga luha.
"What happened?"
Umupo siya sa tabi ko kasama parin ang nag-aalalang ekspresyon niya.
Umiling ako habang pinipigilan ang sarili kong umiyak ulit. Bakit ba pag may nagtatanong sayo kung anong nangyari eh naiiyak ka ulit?
"Inaway ka ba ni Gianna?" Tanong niya.
"H-Hindi..." Sabi ko.
Tahimik kaming dalawa. Alam kong nahihirapan si Dexter ngayon. Alam kong hindi niya alam ang gagawin niya sa akin.
Eto ang ayaw ko eh... ayaw kong makaperwisyo sa ibang tao... lalong lalo na sa isang taong importante sayo at mahal ka pa.
"Nag-away kayo ni Gab?" Tanong niya gamit ang malamyang boses.
"H-Hindi..."
Eh ano palang problema, Cel?
"Hindi naman nila ako inaway eh... may kasalanan din ako." Sabi ko.
Katahimikan ulit.
"Sorry, Dex ah?"
"Sorry saan?"
"Kasi... alam kong nag-aalala ka sakin..."
Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng saloobin ko ngayon.
"Alam mo palang nag-aalala ako sayo, ba`t ka umiiyak sa harapan ko?"
Napatingin ako sa mga mata ni Dexter. Seryoso ang pagkakasabi niya at halatang nahirapan siya sa paghugot ng lakas para masabi niya yun.
"So-Sorry..."
Guiltyng-guitly ako. Alam kong hindi sapat ang mga sorry ko.
Oo nga pala... Lahat ng pagmamahal dito sa mundo, kailangan ng kapalit. Hindi pwedeng magmamahal ka, at wala kang pagmamahal na matatanggap... tao lang tayo at kailangan natin ng refill sa bawat pusong naubusan ng pagmamahal dahil sa sobrang pagmamahal. Pero... mukhang... in my case, iba. Para bang kahit anong gawin ko, hindi nauubusan ang puso ko.
Hindi nga nauubusan ang puso ko ng pagmamahal pero ganito naman ang nangyayari sakin - NASASAKTAN NG TODO! Ayokong matulad si Dexter sa akin.
"Dex..."
"Hmmm?"
"Tungkol dun sa... panliligaw mo..."
ACK~! Cel, what the heck? Anong espirito ba ang sumapi sayo at ang lakas ng loob mong i-open ang topic na yan?
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Dexter. Mukhang natatakot siya sa sasabihin ko. Tutal, naglakas loob na rin lang ako sa pag-open ng topic, lulubuslubosin ko na.
"Hindi ko alam kung kaya kong magmahal... ulit."
Sa sinabi ko, naramdaman ko kung gaano ka wasak ang puso ko.
Tumango siya.
"I like you... But I don't wanna be unfair..."
Tumango ulit siya kaya lalo akong kinabahan dahil hindi na siya umiimik.
"At alam kong kung makakalimutan ko man siya, matatagalan pa ako. I don't want you to wait... dahil hindi rin naman ako siguradong makakalimutan ko siya."
Tango ulit ang sagot niya.
"Can we be friends?" Tanong ko.
Katahimikan.
Tumango siya habang ngumingiti.
"Sure."
Simple lang ang pagkakasabi niya at parang nabunutan na ako ng tinik.
Sorry talaga, Dex. Ayoko lang pagsamantalahan ang pagmamahal mo. Ayokong matulad ka sakin. Ayokong maubusan ka ng pagmamahal sa puso mo dahil wala akong maibigay sayo. Ayokong puro problema na lang ang nasasabi ko sayo.
Mabait talaga si Dexter. Kahit na ganun ang sinabi ko at nangyari, hinatid niya parin ako sa bahay pauwi na parang walang nangyari.
Pero handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Kung hindi niya man ako pansinin sa mga sumunod na araw, maiintindihan ko. Pero hindi eh, ganun parin ang trato niya sakin.
Lumipas ang tatlong linggo...
"G-Gab, uhm-"
Sa ika-labingsiyam na pagkakataon, tinalikuran ulit ako ni Gabriel.
Kakatapos lang ng klase at nagbabalak akong sumabay sa pag-uwi sa kanya kaso dineadma ulit ako. Umalis siya nang wala man lang imik sa akin o kay Gianna.
Umiling si Jana habang nakikita ang mukha kong bigo ulit.
"Stop trying! Hindi ka na papansinin ng mababaw na yun. Hayaan mo na!"
Malapit ng matapos ang sem at magsu-summer na. Maraming nangyari sa taong `to. Puro away bati ang drama namin ni Gabriel. Ngayon, magkaaway ulit kami. Siguro pabalikbalik na lang kaming dalawa sa dalawang sitwasyon na yan, ang pagiging magkaibigan at magkaaway.
Maybe, I should learn to accept that some things in life are just too precious to complicate further. Masyadong malaking bagay sakin ang pagkakaibigan namin kaya dapat hanggang dito na lang kami.
"Cel, mauna na ako?" Tapos dumungaw si Dexter sa cellphone niya.
Para bang marami siyang katext at marami siyang ginagawa.
Tumango na lang ako nung papaalis na siya.
Si Gianna naman, hindi pumasok ngayon. Nagiging abnormal yung pagpasok niya sa klase... sa tuwing pumapasok naman siya, lagi niyang tinatawag si Gab, pero as usual, hindi siya pinapansin.
"Ay naku!" Biglang sigaw ni Jana nang napansing natutulala na naman ako sa harapan ni Gabriel na umalis na. "Umalis na nga tayo!"
Napabuntong-hininga ako.
"Nawala na nga si Gab, wala pa si Dexter..." Umiling si Jana nung papalabas kami sa classroom. "Cel, I think this is a start!"
Hinarap niya akong bigla with her cheshire smile.
"Start?"
"Diba... may plano tayo noon pero di natuloy dahil sa lintik mong feelings mo kay Gab?"
"O... tapos, ano ulit? Magpaplano ulit tayong ihuhulog ko siya sa mga bitag ko? Tapos... mag e-expect na maiinlove siya?"
"HINDI! Loka! Yung plano naman ngayon ay... ang pag momove-on mo. At wala na tayong gagamiting tao!"
Akala kong tungkol sa resbak niya kay Gab yung plano, hindi pala.
Ngumingisi-ngisi pa si Jana, para bang ang ibig sabihin niya dun sa huling sinabi niya eh may ginagamit kaming tao. Siguro si Dexter ang tinutukoy niya... kaya ngayong wala na si Dex, wala na rin daw siyang magagamit na tao. Loka talaga `tong si Jana.
"Paano?"
And I think it's time.
SEVENTYTWO
Celestine Herrera: masyado pa akong nabigla nun eh.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos ulit i-reveal sakin ni Jana ang planong iyon.
"Pagkatapos nun, eh magiging happy ka na!" Nakangiti pa siya pagkatapos ng mahabang sermon.
"Hindi madali yan-"
"Kelan pa ba naging madali yan, hindi pa naman ever diba?"
Magdadalawang linggo na ang nakalipas nang sumuko ako sa paghahabol kay Gab. Mejo busy na rin si Dexter kaya si Jana na ang lagi kong kasama.
Hindi ko nga lang alam kung busy ba si Dexter o talagang umiiwas lang sakin. Kung umiiwas man siya, okay lang, naiintindihan ko. Ang importante ay magkaibigan parin kami.
"OKAY!" Sabi kong bigla kay Jana.
Kitang-kita dito sa kinauupuan namin sa cafeteria si Gab tawa nang tawa kasama ang ibang teammates sa basketball.
Pero sabi nga nung kantang mag-iisang buwan ko ng pinakikinggan na kanta, 'If loving you is all that means to me, then being happy is all I'd hope you'd be.' Kung masaya siyang ganito, edi okay lang sakin. Ang gagawin ko na lang ay hayaan siya.
"Okay, ayoko na. Ayoko na talaga. Tama na `to!" Napailing ako sabay sampal sa sariling mukha. "I need to stop myself!"
Ngumiti si Jana.
At sa ilang taon ko dito sa mundong `to, ngayon ko lang talaga naramdamang may isang bagay akong kailangang gawin at hindi pwedeng mamaya na o bukas na, kailangan kong gawin `to ngayon na!
"Okay, so... hintayin mo ko dito kasi pagkatapos ng last meeting namin, pupuntahan natin si Cid at ihahatid ka namin pauwi sa bahay niyo."
Tumango ako.
Nakakahiya naman kay Cid pero okay lang naman daw sabi ni Jana kasi nadadaanan naman yung subdivision namin bago yung sa kanila. Tsaka last day of the semester na rin `to tapos summer na, kaya okay na okay lang daw.
"At wa`g na wa`g mong kalimutan yung sinabi ko sayo ah?"
"Oo... hindi ko na papansinin si Gab, deadma lang sa kanya kahit anong mangyari."
"Pero kung siya yung makikipag-usap sayo, edi kausapin mo. Pero kung ayaw niya, edi deadma ka na lang. Tsaka, pag hindi maganda yung trato niya sayo, still, you have to treat him well."
Tumango ulit ako. Hindi madali yung pinagagawa ni Jana sakin, pero alam kong hindi impossible.
Iniwan ako ni Jana sa bleachers at bumaba na sa court kung saan nagmi-meeting yung cheering sqaud. Naroon din si Gianna at halatang tinitingnan niya ang bawat kilos ni Gab sa court. Ayan tuloy sinisita ni Stacey.
Si Gab naman nandun sa court, pawis na pawis habang nagsho-shoot ng bola. Minsan ngumingiti `to pag may pinag-uusapan sila ng teammates niya habang nagpapractice, kung minsan naman seryosong-seryoso sa pagsho-shoot.
Nandoon na rin si Dexter pero hindi siya masyadong sumasali sa practice, text lang siya ng text sa bench.
Okay, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako pumunta dito para kay Gab o kay Dexter! Pumunta ako dito dahil hinihintay ko si Jana.
Nakita kong sumulyap si Gabriel sakin. Ano kayang naiisip niya ngayon? HMMM? Well, whatever! Bahala na nga siya diyan.
"Cel, sorry natagalan ako." Sabi ni Jana habang nagti-text.
"Okay lang noh! Nakakaenjoy din namang manood sa practice."
"Enjoy?"
"Oo."
Nagdududa pa yata `to sa ibig sabihin kong enjoy.
"Ang totoo, nainip ako dito! Loka! Sinabi ko lang namang enjoy manood kasi ayokong amining naiinip ako." Tumawa ako at inirapan siya.
Kaya ayun, nagtawanan nalang kaming dalawa papalabas ng gym.
Pagkalabas namin sa gym, si Gab agad ang nakita ko. Sorpresa naman masyado! Kinabahan tuloy ako, syempre, ngayon pa lang mati-test yung tigas ng loob ko.
"Teka lang..." Tumigil si Jana sa paglalakad at linagay ang cellphone sa tenga. "Hello, Cid?" Tapos tinalikuran ako.
Ako naman, patingin-tingin lang sa paligid. Nakita kong nagmamadali ulit si Dexter patungong somewhere. Gusto ko sana siyang kausapin kaso malayo siya dito eh. Magkasalungat pa nga yung direksyon ng dadaanan namin...
"Haha! O sige ba, maganda yun!" Tawa nang tawa si Gab habang kinakausap sina Jude at ibang teammates.
Naririnig ko yung mga boses nila, malapit lang kasi sila samin. At kung hindi ako nagkakamali, nakita niya na yata ako dito. O baka naman, feeling ako masyado? HEHE
"Okay, sige pupunta na kami ni Celestine diyan!" Humarap na si Jana sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Gab!"
May tumatawag kay Gab galing sa likuran namin. Pero si Gab, nakikipagkwentuhan parin dun sa teammates niya.
"GAB!"
Ayun mas imposibleng hindi yun marinig. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, si Gianna naman pala.
Nakatalikod si Gab samin kaya hindi ko makita yung reaksyon niya.
Papalapit na ng papalapit si Gianna sa kanya...
"Gab, please?" Hinawakan ni Gianna ang braso ni Gab saka `to lumingon sa kanya.
"Don't interrupt when I'm ignoring you, Cel!"
CEL... CEL! CEL! Parang may bumagsak na timba galing sa langit sa pagkakasabi ni Gab nun sa mukha ni Gianna.
Halos matawa pa nga ako dito sa kinatatayuan namin ni Jana. Si Jana naman, kahit kabababa pa lang sa cellphone, eh tumatawa na ng napakalakas.
Napatingin tuloy si Gab samin, "... I-I mean, Gianna."
Dahil yata sa kahihiyan, umalis na agad si Gabriel.
Nagsimula na rin kaming maglakad ni Jana papunta kay Cid.
"HAHAHAHA LOSER! Ano daw? Cel? Tinawag niyang Cel yung pinakamamahal niyang ex!? HAHAHA LOKO! Heller! As if naman maghahabol pa siya sayo noh! HAHAHA"
"Oo nga eh! Grabe, buti napigilan ko yung pagtawa ko, masyado pa akong nabigla nun eh."
"SAYANG! Sana tumawa ka ng malakas! HAHA"
SEVENTYTHREE
Celestine Herrera: Hindi pala sila pumasok sa trabaho...
Nakisama na rin ang panahon pagkatapos ng 2nd semester. Pinagbakasyon ako nina Mama at Papa sa probinsya kaya hindi na kami nagkita ni Gabriel. Kahit na sobrang miss ko na siya, wala akong magagawa. Minsan, para akong tanga, napapaluha na lang akong bigla sa tabi-tabi pag naiisip ko siya. Pagbalik ko kaya, papansinin niya na ako? Namimiss niya rin kaya ako? Naiisip niya rin kaya ako?
Pero gaya ng sabi ni Jana, hinding-hindi na ulit ako maghahabol sa kanya. Tama na yung halos buong teenage-life ko'y siya lang yung laman... tama na yun. Kailangan ko na ng bagong pahina sa buhay ko. Yun namang wala na siya...
Pagbalik ko sa bahay hanggang sa simula na naman ng pasukan sa susunod na semester, ganun parin ang trato niya sakin... parang hangin. Pakiramdam ko nga, lumala na ngayon kasi di niya na talaga ako tinitingnan. Masakit... syempre, yung taong pinakamamahal mo binabalewala ka lang. Okay lang sana kung di mo siya kilala, eh eto bestfriend ko `to eh.
Pagkalipas pa ng limang buwan, ganun parin. NAKAKABWISIT NA! Ang tagal naman naming magkabati! SHET NA MALAGKET! `Tong gag0ng `to, pinapahirapan ako ng todo!? Ilang buwan na lang eh mag-iisang taon na kaming nagde-deadmahan!
"Sa tingin mo, Cel, babalik pa kaya yun si... Gianna?" Tanong ni Jana habang kumakain kami ng Mr. Chips sa isang bench.
Natanong niya yun kasi naman, dumaan kanina yung idol niyong si Gabriel Soriano.
"Hindi ko alam eh... Siguro..."
Nga pala, umalis na si Gianna, bumalik ng Japan. Pitong buwan na rin ang nakalipas simula nung huli ko siyang nakita sa school. Nagui-guilty nga ako eh kasi hindi na kami nagkausap simula nun.
"Hindi ka parin ba tinitingnan ni Gab?" Halos natatawang tanong ni Jana.
"Oo..." Patingin-tingin sa malayo.
Ano bah! Wala na akong pakialam. It`s like 7 months ago... wala na.
"Charing!" Sabay kurot sa pisngi ko. "Edi ano ngayon, naka move-on ka na diba?"
Tiningnan ko siya, "Mejo..."
"Good! Ma-aacomplish na yung plano! Salamat naman at sa wakas..." Tumingin siya sa malayo.
Kumuha ako sa Mr. Chips niya at tiningnan siya.
"Sana nga lang... mag-cooperate ang lahat."
"Huh?"
Tiningnan niya ako with evil smile.
"Magpapatuloy yang pagmo-move-on mo kung di ka papansinin ni Gab dahil di mo rin naman siya pinapansin... pero kung papansinin ka na niya..." Nagkibit-balikat siya.
Napaisip din ako sa sinabi ni Jana... Pero kelan naman kaya mangyayari yun? Yung pansinin ulit ako ni Gab? Okay lang siguro kung ako yung papansin sa kanya, posible pa iyon, pero siya yung papansin sakin? Laugh out loud! Super taas ng pride nun. Siya yata yung may pinakamataas na pride sa balat ng lupa eh.
Kakagising ko lang sa unang araw ng bakasyon ko... sembreak na naman at masakit mang aminin, wala akong patutunguhan ngayong bakasyong `to.
"12PM na pala..." Pero inaantok parin ako.
Humiga lang ako at yinayakap ang unan.
Pero ilang sandali ang nakalipas, kumalam ang tiyan ko. Sayang, ang sarap pang matulog pero ginugutom naman ako. Bumangon ako.
*Tok-tok-tok*
Pero bago ako makalabas ng kwarto, yun ang narinig ko.
Sheyt, kala ko ba next week pa ang sembreak ng med school? Ba`t nandito na si Kuya Sky? Tsaka... si mama at papa nasa trabaho eh.
"Teka~!" Napakamot ako sa ulo habang inaabot yung tsinelas kong nasa ilalim ng kama.
*Tok-tok-tok-tok*
Mas malakas na katok naman.
Kinamot ko ang ulo ko tapos, "TEKA!"
Pagkahawak ko sa doorknob, may dumaan sa utak kong ideya. Pero syempre, binalewala ko na lang kasi IMPOSSIBLE. Pero...
"G-Gab?" Natigilan ako habang naaninaw ang mukha niya pagkabukas koi ng pinto.
Tama pala yung ideyang dumaan sa utak ko.
"B-Bakit k-"
"Tinatawag ka ni tita... gumising ka na raw." K-kinakausap niya ako!
OMG!
Kahit na hindi naman siya makatingin sa mga mata ko, kinausap niya parin ako.
Calm down, Cel! Nakamove-on ka na! Hayaan mo na yan! Act normal...
"Ah..." Napakamot ako sa ulo.
Shet na malagkit... hindi pa ako nagsusuklay. NAKU NAMAN!
"Hindi pala sila pumasok sa trabaho..." Linagpasan ko siya para pumunta na sa living room...
Sumunod naman siya sakin.
Wala naman pala sila sa sala, nasa kitchen sila kasama ang mama at papa ni Gabriel...
"Oh sa wakas nagising ka na!" Sabi ni mama.
Ba`t nandito sila?
"Pasensya ka na Gab ah? Nahirapan ka bang gisingin siya?"
"Hindi naman po... gising na yata siya pagdating ko dun."
Tumango si Mama at ngumiti.
Tapos pinagpatuloy na nila yung naputol nilang usapan dahil sa pagdating ko...
"Sayang naman kung ganun..." Sabi ni mama sa mama ni Gab.
"Ganun din kay Sky..."
Nauuhaw ako at feeling ko mabaho pa ang hininga ko kaya kumuha ako ng baso at uminom ng tubig...
"So, ano, si Cel at Gab lang ang madadala sa bakasyon?" Singit ng papa ni Gabriel.
Muntik ko ng isuka yung tubig na ininom ko.
Bakasyon? What bakasyon?
SEVENTYFOUR
Celestine Herrera: Bakit, Gab?
Okay, Cel, kumalma ka lang muna diyan. Wa`g kang magpakit ng kahit anong reaksyon na makakapagpa-feeling sa Gab na yan.
Umupo ulit ako sa table. Nakatingin lang si Gabriel sa akin at ang feeling niya namang hindi ko napapansin ang pagtitig niya sakin. Siguro binabantayan nito ang reaksyon ko.
"Magbabakasyon po tayo? Saan?" Nakangiti pa ako at pinakita kong excited ako sa kanila.
"Sa Sortee... Kaya lang, hindi makakasama ang kuya mo dahil sa med school at si Nica naman nasa lola niya pa..." Sabi ni Papa.
"Naku... sayang naman!" Sabi ko.
Natahimik sila.
"Etong si Gab naman... ayaw pa yatang sumama." Sabi ni tita.
"Tinatamad ako..."
"Ikaw talaga! Anong tinatamad ka, eh wala ka namang ginagawa sa bahay? Gusto mo bang mag paiwan?"
Nakatingin ako kay Gab tapos sinulyapan niya ako.
"Sasama ako! Kelan po ba?" Tanong ko kay tita.
"Bukas."
Ngiting-ngiti pa ako pero kinakabahan na pala.
"Kita mo? Mabuti pa si Cel, sasama!"
Sinulyapan ako ni Gab.
"Bukas na po pala yun? Ma, pwede na bang mag impake?"
"Oo sige, anak! HAHA. Excited ka ah? Okay lang ba sayo kahit hindi kasama si Gab?"
Kung sasabihin kong, 'okay lang' baka iisipin ni Gabriel na may kung anong nararamdaman parin ako pag nandyan siya. Pwes, mali siya, dahil wala na! KAYA...
"Gusto ko sanang sumama si Gab..." Sabay tingin sa kanya at ngiti.
Nakatingin lang siya sakin with his emotionless face. BAHALA KA KUNG AYAW MONG NGUMITI~! Basta, I'm okay now, so you need to be okay too!
"Pero kung ayaw niya... o baka may gagawin siya this break... okay lang din. Ako kasi, wala akong gagawin eh... Bored din ako dito sa bahay kaya sasama ako."
"Oh really?" Sabi ni Gab. "O sige... sasama na rin ako."
Ang lalaki ng mga ngiti ng mga magulang namin. Pinilit ko na ring ngumiti kahit na halos mabilaukan ako sa desisyon niyang pabigla-bigla!
"Okay! Edi okay na ang lahat! Mag impake na tayo! We're going to Sortee tomorrow!"
Shucks! Ayan tuloy, sumama pa si Gabriel.
Pakiramdam ko tuloy alam niyang ayaw ko talagang makasama siya sa bakasyon kaya para mainis ako lalo, sasama siya. Ay ewan, Cel!
"Okay, sige... Cel, Gab, mag impake na kayo... Tsaka... kung gusto niyo, mamili na rin kayo ngayon..."
"K-Kami?"
"Oo."
AYOKO NA! TAMA NA YUNG BAKASYON NA MAGKASAMA KAMI. Ayokong makisama sa kanya ngayon! Nahihirapan na nga akong magpaka-nice dito tapos magkakasama pa kami sa pamimili? HELL NO!
"Wa'g na po... Si Jana na lang ang isasama ko. Baka kasi busy si Gab eh..."
Pagkatapos kong sabihin yun, umakyat na ako sa kwarto para wala na silang masabi.
"My gosh, Cel! Umayos ka..." Sabi ko sa sarili ko habang papasok sa loob.
*tok-tok-tok*
Kakapasok ko pa nga lang may kumakatok na? Ano `to, sinusundan ako?
Binuksan ko ang pintuan. Si Gab na naman. Abah, nagiging hobby niya na ulit ang pansinin ako ah?
"Bakit?" Ngiti pa, Cel!
Nagkasalubong ang mga kilay niya.
"Buti naisipan mong sumama... Kung iniisip mong magback-out ngayon dahil sasama ako, mas mabuti pang wa'g mo na lang gawin..."
HUH? Ano ba `tong pinagsasabi niya. Seryosong mukha pa ang sinalubong niya sa ngiti kong pinaghirapan pa.
"Bakit? Haha... Hindi ko naman yun iniisip eh. Talagang gusto ko lang magbakasyon. Sumama ka man o hindi, okay lang. Mas mabuti nga yung kasama ka, diba? Mas masaya..."
"A-Anong ibig s-sabihin mo?"
"Uhmmm, sasama ako sa vacation? Bakit? Ikaw?"
"S-Sasama din..."
"O yun naman pala eh, edi masaya!"
Nagtititigan lang kami. Halos ngumingiti pa nga ang reaksyon ko ngayon habang seryoso siya at mukhang nagtataka.
"Bakit, Gab?" Ngiti pa ulit ako.
O ano ka ngayon? Alam kong pumarito ka para ipangalandakan saking nag-aaway parin tayo pero pasensya ka na pero wala na akong hinanakit sayo. I'm cool. And you should be cool to me too! Kung hindi mo man malimutan yung pagsisinungaling ko sayo, bahala ka na diyan sa buhay mo. Basta ako, nakalimutan ko na yung mga pang-aapi mo sakin. GANUN LANG YUN!
SEVENTYFIVE
Celestine Herrera: Aray...
Walang imikan hanggang sa nakarating na kami sa Sortee.
Si Papa ang nag di-drive, si tito ang nasa front seat, si Mama at tita ang nasa unahan, kami ni Gab ang nasa huli. Dinala kasi nila ang sasakyan nina Gab eh kaya heto kami't papunta sa Sortee Beach Club. Malayo pala yun sa pyer dito.
Nakatingin ako sa labas habang pinapanood ang paglubog ng araw sa dagat. Excited na talaga akong mag beach dahil nakikita kong ang ganda-ganda ng lugar na `to!
"Cel, Gab, may problema ba kayo?"
Umupo ako ng maayos pagkatanong ng mama ni Gab samin nito. Tinanggal din ni Gab ang earphones niya.
"Uhm... wala naman po." Sabi ko.
"Kanina ko pa napapansing wala kayong imik diyan sa isa't-isa ah?"
Walang imik? Baka si Gab lang ang walang imik diyan? Eh kanina pagbaba namin sa barko, kinuha ko pa ang bag niya tapos sinabi ko 'Eto na ang bag mo Gab', inisnaban ba naman ang byuti ko? Kinuha lang yung bag at di man lang tumingin sakin. Kaya sabihin niyo kung sinong gustong makipag-usap sa mokong na yan?
"Ah hehe... sorry po, inaantok lang ako." Sabi ko sabay tingin kay Gab. "Tsaka, nakikinig din kasi ng iPod si Gab eh." Nginitian ko si Gab.
At syempre, yung idol niyo emotionless parin hanggang dito.
"Gab, pahiram ng kabilang earphone, gusto kong marinig yung mga pinapakinggan mo..."
"O..." Sabi niya pagkabigay ng kabilang earphone.
Buti naman at nag-usap na ulit si mama at si tita kaya wala ng pumansin saming dalawa. Plastik talaga ng Gab na `to! Pakitang-tao lang yata yung ginagawa niya...
"Nandito na tayo!" Sabi ni mama at dali-dali silang lumabas sa sasakyan.
Lumabas na din kami ni Gab pero nakalimutan niya yatang nakakabit ang isang earphone sakin kaya hindi niya naman tinanggal sa ears ko.
NAKALIMUTAN NIYA BA TALAGA O GANUN LANG SIYA KA-HARSH?
Tapos hindi pa siya nag-offer na dalhin yung gamit ko kahit na mabigat `to. Hindi naman sa masyado akong nagfe-feeling-feelingan dito pero nakakainis lang tingnang mukhang ang gaan-gaan ng dala niya tapos mabigat `tong sakin. HAY NAKU! NAKAKAINIS TALAGA!
"Hay ang bigat!" Sabay lapag ko sa gamit ko dun sa reception hall.
"Kung ba`t ba kasi dinala ang buong bahay..." Sabi niya.
KITA NIYO? Nakakainis ang halimaw na `to! Kagagaling lang namin sa byahe tapos ganito na siya makaasta. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi umirap dito sa kawalan.
"Tigtatatlo sa isang kwarto." Sabi ng papa ni Gab samin. "Magkatabi lang din ang mga kwarto kaya okay lang..."
"Okay po..." Sabay ngiti ko.
"O, Gab, byernesanto yata ang mukha mo? Bakit?"
Hindi naman talaga pang-byernesanto yung mukha niya, talagang emotionless lang.
"Inaantok lang talaga ako, pa."
"Inaantok? O sige, ngayong gabi, matutulog ka para bukas papasyal na lang kayo ni Cel. Pero magdi-dinner muna tayo? Okay ba yun?"
"Oo, mas mabuting ganun."
"Buti pa tong si Cel, alive na alive parin."
"Syempre naman po! Hindi naman kasi ako napilitan papunta dito eh." Sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin, napipilitan ako?" Sabi ni Gab.
Naku naman oh! Sino bang linsyak na nagsabing ganun ang ibig kong sabihin? Eh tanga pala tong mokong na `to! Pasalamat ka at under therapy ako ngayon at hindi ako pwedeng magpalabas ng kahit maasim na mukha sa harapan mo para windangin ka!
"Hindi ko naman sinasabi yun ah?"
Hindi siya tumitingin sakin kaya binalewala ko na lang siya.
"Mamamasyal na rin ako ngayong gabi... mukhang masaya dito eh." Sabay tingin ko sa labas ng hotel.
Mukhang masaya nga! Maraming tao sa labas eh.
"Naku, Gab... you need to accompany Cel kung mamamasyal siya. She can't be alone." Sabi ng papa niya.
"Huh? Ayoko!"
Mokong ka!? AYOKO? Ang bilis pa ng sagot niya! Edi wa`g mo! Nakakainis na talaga huh?
"Okay lang po... kaya ko namang mag-isa."
"Huh? Hind-"
"Tayo na!" Biglang singit ni papa. "Room 307 tayo, Cel. 308 naman kayo..." Sabi niya kay tito.
"Iwan na natin yung mga baggage sa mga rooms."
Tapos ang bilis naman makaalis ni tito at ni papa, tinulungan yata sina mama sa pagdadala ng mga baggage kahit marami namang room boy.
Oo nga?! Marami namang room boy bakit walang tumutulong sakin dito? Siyet! Eh alam ko namang walang puso iyang si Gabriel na yan kaya di na ako aasa.
May nakita akong isang roomboy na dumaan. Si Gabriel naman, nandun umupo sa sofa ng reception hall, tinatamad talaga yatang umalis.
Ako na nga lang ang maghahanap-buhay dito. Hahanap ako ng roomboy para madala na tong bag na `to.
Dinala ko ang mabigat na bag sa gitna ng reception hall with all my 'pitiful expression'.
"Aray ang bigat..." I murmured.
Syempre, ni-make sure kong may mga employee sa palagid para mapansin ako at kunin tong bagahe.
Ayan na, may papalapit ng naka polo at mukhang employee o room boy dito. Habang papalapit siya, mas lalo pang tumindi ang pag-aacting ko. May pa hilot-hilot sa kamay effect pa.
Pakiramdam ko tuloy sinasaniban na ako ng mga kabalbalan ni Jana kahit wala siya dito, masyado na akong maraming alam sa mga plano-planong ganito eh.
"Aray..."
"Uhm, ma'am ako na lang po ang mag-"
Kinuha naman ni Gabriel ang bag ko bago pa nakuha nung HOT room boy. Ngayon ko lang napansing hot yung roomboy na yun, lumapit kasi eh. Parang si Jacob Black? Ewan ko bah. Pero teka, may pumapapel dito oh!
"Ako na..." Gamit niya ang malamig na boses niya.
At malamig na tingin niya sakin.
"Magkasama kaming dalawa..." Sabi niya kay Jacob Black-look alike.
"Ah, sige sir..." Tapos umalis din naman yung roomboy.
Nagsimulang maglakad si Gabriel bitbit ang bag niya at bag ko.
Nakakaguilty tuloy.
At nakakainis. Ba`t niya naman ginawa yun? Dapat hinayaan niya na lang ako diba? Masyadong pakitang-tao tong kurimaw na `to. NAKAKAINIS! DAPAT INIINIS NIYA NA LANG AKO EH! Ayan tuloy, wala akong clue kung paano re-react pag siya naman ang mukhang okay na.Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;