<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

A arcs


A1.Favorite Girl








"Alvarado!"

Bumangon ako at agad tinali ang buhok.

"ALVARADO!"
"Po! Sandali lang po!"

Ang lakas namang makasigaw ng coach dito. Nagpapahinga lang naman yung tao sa ilalim ng ng puno eh. Hindi pa nga lang ako nag lilimang minuto dito tapos nag aalburoto na yung isang yun. Hay nako, makakamiss tuloy yung dati kong school. Kung bakit pa kasi ako lumipat dito?

Dalawang taon na lang sana at ga-graduate na ako sa dating highschool na pinapasukan ko eh tapos ilinipat pa ako ni mama dito, ayan tuloy kailangan kong magsimula ulit ng bagong buhay.

"Ahhhh! Ang gwapooo!"

Ang sigawang naririnig niyo ay ang hiyawan ng mga tao doon sa gymnasium namin. Ngayon kasi ipapakilala ang mga varsity. Excited din naman ako sa pagpapakilala nila sa mga varsity kasi kasali ako dun. At kasali din yung crush kong si Chad kaya dapat nandun ako. Kaso, nakakaenganyo kasi ang lugar na `to. Masarap ang simoy ng hangin at ang sarap pagpahingaan.

"ALVARADO!"

"Nakakayamot naman `tong school na `to. Buti nakakapamukaw loob yung gwapong team captain na si Chad." Ngumiti-ngiti ako habang inisip ang gwapong mukha ng crush ko na unang araw pa lang dito ay nakilala ko na agad dahil sa kabaitang pinakita.

Pagkatapos kong suotin ang sapatos ko, tumayo na ako at tumakbo. Kaya lang, wala pang tatlong hakbang sa pagtakbo, nadapa na ako. May nakaharang kasing kung...ano.

"OUCH!" Sigaw ng nakaharang.

Mali... may nakaharang na kung...sino.

"Aray!"

Naapakan ko ang dibdib niya kaya pumilipit siya sa sakit habang ang isang paa ko naman ay na naipit sa braso niya kaya nadapa ako mismo sa dibdib niya at ang mukha ko sa damuhan ang diretso.

"What the?" Sabi niya.

"Sorry." :-[

Natagalan kaming gumalaw at umayos dahil sa hirap ng posisyon naming dalawa.

"Sorry! Sorry!" Tumayo ako ng maayos.

Lininis niya naman ang kanyang jersey at bumangon.

"Kung madapa ka na lang sana sa akin, ayusin mo naman. Siguraduhin mong insakto ang posisyon!"

Tumayo siya at hindi parin tumigil sa paglilinis sa jersey niya.

"Huh?"

Ngumiti siya. Nakakapanindig balahibo. May matino bang lalaking ngumingiti sa nangyaring yun? Muntik na siyang ma stroke sa ginawa ko eh.

"ALVARADOOOO~!"

Ngumisi siya habang tinitingnan ako ulo-sa-paa. Ano yan? May halong pangungutyang ngiti? Imbes na magpasalamat ako dahil hindi siya nagalit sa pagkakatilapon ko sa kanya, e parang mas na weirduhan ako.

"Ang sabi ko, ayusin mo yung pagkakadapa sakin next time. Siguraduhin mong yung mukha mo, nasa mukha ko na." Tumaas ang kilay niya habang ngumingisi.

Naramdaman kong tumaas ang altapresyon ko at ang tanging naisip ko na lang ay ang mga salitang ito.

"Ang kapal mo! Tss. Ang angas!"

Pinandilatan ko siya at sa isang iglap bigla niyang linapit ang mukha niya sakin. Nakangisi parin siya at nakakapanindig-balahibo. ANG FEELING NAMAN TALAGA NG ISANG `TO! Sino ba siya?

Sinampal ko na agad ng malakas.

"OUCH!" Ininda niya ang sakit ng nakangisi parin.

Umalis na ako sa harapan niya patungong gymnasium.


"Masyado kang payat para maging volleyball player. Pero ang lakas mong manampal. Now I know, Maxine Alvarado!" Sigaw niya.

HUH? At kilala niya pa pala ako. Kumpletong pangalan pa huh?

May biglang pumito galing sa gym. Akala ko si Coach Mariz yun, yun pala yung asawa niyang coach din ng Basketball Varsity.

"Brent Cruz! HALIKA NA DITOOOOOO!" Nanggagalaiti siya habang nakatingin sa may likuran ko.

Napatigil ako sa pagtakbo at lumingon sa likuran.

BRENT CRUZ? Siya?! Siya si Brent Cruz?!


:o :o :o




A2.Weird






Brent Damien Cruz. Basketball Varsity number 1. Ara Cruz's twin brother. Vil Cruz's and Celine Jimenez-Cruz's Son. Meaning. T

he Governor's Son at tagapagmana ng Santos-Cruz Lands
.

Sinarado ko ang locker ko at sandaling huminga ng malalim habang nasa kandado pa ang susi.

"Naku naku! sooner or later, magsasawa din yan si Brent sa selosang girlfriend niyang yun at ikaw ang pipiliin niya, Maan." Sabi ng isang babae.

Nasa loob kaya kami ng locker room kaya hindi ko kasalanan kung narinig ko man yun o hindi diba? Tsk.

"Sus! Yung Bianca na yun? Asa pa siyang mapansin ni Brent! HA!"

Inayos ko ang mga libro ko sa loob ng bag.

"Ayan na, ayan na! 'See ya later, pretty.' Omg!"
"Patingin-patingin ng text niya!"
"OMG! Si Brent nga!"
"AHH! Nakakakilig!"
"Hala, Maan! Baka totoong hiniwalayan niya na si Amber para sayo?"

WHAT THE? Hindi ko maintindihan ang mga babaeng ito? Hindi naman sa nakikinig ako pero mga tanga ba sila? Ilang babae pala ang meron yang Brent Cruz na yan? Tapos umaasa pa silang magustuhan nun? Kung 'magustuhan' nga sila ni Brent, tapos ano naman, eh marami namang ibang babaeng ang iyon, edi masasaktan lang din sila?

Yan kasi ang hirap sa ibang babae eh. Alam na nga nilang playboy yung lalaki, didikit-dikit pa sila tapos aasa-asa pa. Anak ng tupa, mga timang pala kayo eh. Tigilan niyo na lang yang kahibangan niyo pwede? Tsss.

Napailing ako habang papalabas ng locker room at lumipat ng girl's washroom.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Nakakairita naman `tong mga baby hair, kailan pa ba kayo magiging adult ng maayos ko ng matali ang buhok ko? Tingin ako nang tingin sa salamin hanggang sa may dalawang babaeng biglang pumasok.

Umiiyak yung isa.

"Alison, okay lang yan. Naku!" Habang tinatahan ang nasabing si Alison.

Nakatingin lang ako sa salamin at inaayos parin ang buhok ko.

Pasensya na, bago pa lang talaga ako sa school na `to at wala akong kilala bukod sa mga ka grupo ko sa volleyball kaya nagsisikap akong atleast ma kilala ang iba pang mga schoolmate ko.

"Ano bang nangyari? Ba't ka umiiyak?" Tanong ko kay Alison.

Hikbi parin siya ng hikbi.

May dala-dala siyang papel, mukhang love letter. Hindi pala iyon love letter! Puno kasi ng mga curse words at kung anu-ano pang pang-iinis. Nakita kong galing sa isang nagngangalang 'Brent's real girlfriend' daw nanggaling ang sulat. Sino naman kaya yung Brent's Real Girlfriend na yun?

"Hay naku! Gusto ko pa naman yun si Brent! Kaso, yun naman pala... totoo palang playboy yun! Hayaan mo na, Alison! `Kala ko talaga ikaw lang ang gusto niya! Grrr. Nakakadiscourage." Tumingin sa akin yung babaeng tumatahan kay Alison habang umiiling.

Napatango ako ng slow motion. 'AHH~!' Another victim of that notorious Brent Cruz. Anak ng tipaklong naman!

"Magsama silang dalawa nung Charlene na yun!!!" Iyak parin ng iyak si Alison.

Ahhh. Ok. Charlene. Nag sisimula na akong mag-isip na ang mga babae sa school na `to ayPURO mga tanga. Isang araw pa lang ako dito, alam ko ng playboy yang si Brent Cruz. Ngayong isang linggo na ako, napatunayan ko na. Samantalang kayo, dalawang taon na yata kayo dito, hindi niyo parin ma gets-gets.

Hay naku naman buhay ka!

Nagspray ako ng cologne panghuli sa dapat kong gagawin dito sa loob ng washroom bago umalis. Pero bago ko pa nagawa, may narinig na akong tawanan sa labas.



"Hala, sina Ara! Tayo na, Alison!"

Tiningnan ko lang silang dalawa sa salamin.

"Miss, uhm,"
"Maxine." Sabay ngiti.
"diba ikaw yung bagong lipat dito?"
"Oo, bakit?"
"Naku, hindi mo siguro alam na pag paparating na yung grupo ni Ara Cruz sa washroom eh kailangan ng mag evacuate ng kung sinong nasa loob pa nito kasi ang gusto nila, sila lang ng buong grupo ang-" Hindi na niya natapos kasi hinila na siya nung Alison papalabas.

HUH? Ano na naman `tong panibagong natuklasan ko sa ibang estudyante ng school na `to?

Papalapit na ng papalapit ang mga boses na narinig ko kanina.

"Ugh!" May biglang pumasok at tingnan ako, parang nandidiri.

Excuse me? Walang nakakadiri sa mukha ko, maayos at malinis yata ako na pagkatao.

"What? What are you waiting for?" Sabi niya na para bang nag eexpect siya na alam ko kung anong sinasabi niya.

May pumasok na isa. "Uh, the newbie... Hindi niya siguro alam."

Sa mukha ng mga ito, mukhang sila yata ang nasa kikay-category ng school na `to. Magaganda at maaarte sa katawan.

May tatlo pang pumasok. Pero agad kong nahulaan kung sino sa kanila ang leader ng grupo. Nakasimangot siya at mukhang badtrip.

"Girls, girls!" Sabi nung pinakamatangkad habang nginunguso ako.

Nagkibit balikat yung unang pumasok at nginitian ako, "Lagot ka!"

Nasa harapan ko na ang leader nila. Nakataas ang kilay niya. Nihead-to-foot ako at ilang segundo pang nakataas ang kilay niya bago niya `to binaba.

"Uh, Miss, umalis ka na lang kung ayaw mo ng away." Sabi nung isa.
"Huh? Bakit? Ni hindi ko pa nga napipindot itong spray ko para malagyan ko na ang sarili ko ng cologne tapos pinapaalis niyo na ako?"

Parang dismayado sila at mukhang mas natatakot pa sila sa gagawin ng lider nila sa akin.

Huminga ng malalim ang babaeng nasa harapan ko. Maganda siya. Maputi, makinis, mapupula ang mga labi (kahit walang lipstick di tulad ng mga kasama niya), kulot ang buhok, maganda ang pares ng mata, matangkad, matangos ang ilong. Linagay niya ang buhok sa tenga at naglahad ng kamay.

Mas nabigla ulit ang mga kasama niya sa ginawa niya kesa sa akin.

"Maxine Alvarado," Ngumiti siya. "so it's true. Maganda ka nga."

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko eh ngayon ko lang talaga siya nakita.

"Ara Ysabel Cruz. Friends?"
"Sure!" Sabay shake ko sa kamay niya.

WEIRD! Bakit naglaglagan ang mga panga ng mga kasama niya at walang kahit na sinong umimik sa kanila. Weird. Ang weird talaga.

"Uh, sige ah? Mmm alis na ako, susunduin na kasi ako eh. Bye."
"Bye!" Ngumiti yung magandang si Ara.


A3.Cough







"Ano ba naman yan Maxine Alvarado!" Nasigawan ako ng captain namin sa volleyball.

Mainitin talaga ang ulo nitong si Chloe de Silva - ang team captain namin. Tulad nina Brent, Ara, Chad, senior na rin si Chloe. Ako ang baguhan dito kaya utos siya ng utos sa akin at madali siyang naiirita kahit wala naman akong ginagawang masama.

"Bilisan mo naman ang pagkuha ng bola! Pwede?!" Sigaw niya.

Nag tawanan naman sila ng iba ko pang teammate. Hello? Sino ba kasi ang loka-lokang nag s-spike tapos na a-out ang bola? Wala namang control itong ibang teammates ko eh. Grr...

"Bilis na!"

Nakita ko sina Ara sa malayo na nakatingin sa amin. Nakakahiya tuloy, tatakbo-takbo ako dito at pawis na pawis tapos andami pa namang estudyante na nasa paligid.

"I-spike mo na! Bilis!!!" Sigaw ulit ni Chloe.
"Eto na!" Pinulot ko ang bola at inispike na papuntang court.

Malayo ako sa court. Binalewala ko na rin ang kontrol sa bola dahil pagod na ako.

*Pak!*

Napanganga ang lahat.

"Richaaaard!" Sigaw ni Chloe.

Tapos bigla nagkagulo at nagtipon ang lahat sa volleyball court.

"Maxine! Ano ba yang ginagawa mooooo!?"

Patay! Natamaan ko si Richard o Chad na president ng student council. Nandoon din pala siya malapit sa court!

Tumakbo ako papalapit ng court. Kahit na nakikita kong umaaso na ang mga ilong ni Chloe at pulang-pula na ang pisngi dahil sa nagawa ko.

At naroon si Chad, pinagkakaguluhan! Kulang na lang ay kargahin siya ng mga babae papuntang clinic.

"Sorry! Sorry!" Sabi ko kay Chad na iniinda pa ang sakit sa ulo.

Ang sama ng tingin ng mga babae sa akin dun lalong lalo na si Chloe.

"Maxine, dito ka lang! Hintayin mo ang pagbabalik ko! Humanda ka, paparusahan kita! Naintindihan mo ba yon?!" Sigaw siya nang sigaw kahit nasa harapan lang niya ako. "Chad... Lika na, dadalhin na kita sa clinic! Tabi nga kayo!" Sabay tulak sa ibang babaeng nakikiusisa.

"Lagot ka!" Sabi ng isang teammate ko. "Crush ni Chloe si Chad kaya galit na galit yun!"
"Naku! I'm sure, ipapatakbo ka nun ng 100 laps sa quadrangle!"
"O baka naman paglilinisin ka nun ng Wash Room! Lagot ka talaga, Maxine! Kay bagu-bago mo, ang dami mo ng atraso!"

Kinabahan ako sa sinabi nila. O hindi! Anong mangyayari sakin pagbalik niya? At ang crush ko pang si Chad ang natamaan ng bola!? HUHU. Ang malas talaga.

Kilala ang school na `to na school ng mga mayayaman kaya maraming estudyante ang maiimpluwensya ang pamilya. Sigurado ako, pagmalaman `to ng mga magulang ni Chad, baka lagot ako lalo! Tapos, hindi naman kasama ang pamilya ko sa 'maiimpluwensyang pamilya' kaya lalo akong kawawa! Patay!

Hindi na ako mapakali sa loob ng court habang iniisip ang mga mangyayari sa akin.

"Pssst!" Napalingon ako.

Nakita kong ang nakangiting Brent Cruz sa kabilang bakod.

"Ang lakas mo palang maka spike! Sa bagay, naramdaman ko na yun nung sinampal mo ako." Sabay hawak sa pisngi niyang sinampal ko nun. "Nakakapanlinlang ang kapayatan mo ah. Akala ng lahat ordinaryong volleyball player ka lang." Tumingin siya sa malayo, sa tinayuan ko kanina habang inispike ko ang bola. "Sinong mag aakalang kahit ganun ka layo, aabot pa talaga dito? Amazing power! Dumugo pa talaga ang ilong ni Chad." Nakakakilabot ang ngiti niya.
"Dumugo ang ilong ni Chad?" :o

Umakyat siya sa bakod na nag nagbubukod sa volleyball court. Ewan ko ba kung bakit nabilaukan ako sa sarili kong laway nang nakita siyang umakyat ng bakod at biglang sumulpot sa harapan ko ng nakangiti. Painfully handsome. Ngayon alam ko na kung bakit masyadong maraming babaeng nahuhumaling sa kanya. Tinanggal ko ang mga aso na bumabara sa logic ko.

"Yup!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila.
"Teka! San ta`yo pupunta?"
"Edi sa`n pa? Sa clinic, kung san siya dinala! Ikaw ang may sala diba? Dapat nandun ka!"
"P-Pero sabi ng captain dito lang daw ako at may parusa pa daw siya sa akin."
"Si Chloe bah?" Ngumiti ulit siya. "Parusa? Ha."

Nagpatuloy siya sa paghila.

Bago kami tuluyang nakarating sa clinic, nakita ko sina Ara at ang mga kaibigan niya malapit dun at kinakausap si Chloe.

"Narinig kong paparusahan mo si Maxine Alvarado?" Dinig na dinig ko ang boses ni Ara.

Pero umaasta si Brent na hindi niya yun narinig at nagpatuloy sa paghila sakin.

"Teka nga. Sina Ara yun ah?"
"Hmm? Hayaan mo na yang spoiled brat na yan!" Sabi niya at binalewala ang daing ko.
"Spoiled brat?"
"Yup. She's a spoiled brat and my twin sister." Sumulyap siya sa akin at kinindatan ako. "Kilala mo pala siya? Inaway ka ba?"
"Hi-Hindi naman. Ang bait niya nga eh."
Tumango siya.

Kaya ayun, dumiretso na kami sa clinic. Sa labas ng clinic ay ang mga nag-aalalang babae kanina. Ang samang makatingin sa akin ng mga ito ah?

"Maxine Alvarado diba?" Bulong nung isa sa kasama niya.

Di na nahiya! Hello! Naririnig ko yung bulungan niyo!

"Lika na!" Sabay hila sakin ni Brent sa loob ng clinic.

Ngayon ko lang naisip na kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga babae dahil hawak-hawak ni Brent ang kamay ko. Aagd ko itong binawi. Ngumisi naman ang haliparot at nagkibit-balikat nang tiningnan ko siya ng masama. Flirt! Playboy!

"Chad!" Agad kong pinuntahan si Chad na nakaupo sa kama ng clinic.

Nakilala ko si Chad sa first day of school nang nawala ako sa corridors at sinamahan ako papuntang classroom. Nagpakilala siya as Chad Martinez. Dahil sa kanyang kagwapuhan, napatanong ako sa kaklase kong suplada kung sino ba si Chad Martinez sa school na `to. Ang sinagot ng kaklase ko ay siya lang naman daw ang president ng student council at top 1 ng klase sa whole fourth year!

"Okay lang ako." Sabay ngiti ni Chad sa akin.
"Sorry talaga! Sorry!!!"

Ngumiti siya lalo. Ang mga mata niya halos kumislap na.

"I'm okay, Miss Maxine Alvarado. Thanks for being concerned."
"Uh... Uhm..." Nag peace-sign ako. ;D

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang full name ko at bakit maraming nakakaalam ng fullname ko? Ke bago-bago ko dito.

Napatawa siya ng marahan at tiningnan ulit ako, "Ang cute mo."

Wow! Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Ehem ehem." Biglang sumabad si Brent. "Sige, Chad. Pahinga ka na muna, alis na kami ni Maxine."
"Uh... O sige."

Hinila ulit ako ni Brent, mabilis lang nangyari ang lahat ng iyon.

"Kailan ka pa inubo?" Tanong ko pagkalabas namin ng clinic.
"Kanina lang, nung nagselos ako..." Ngumisi ulit siya at parang natutuwa sa nakitang ekspresyon sa mukha ko.


A4.Ara Ysabel Cruz, bully?






Hindi na talaga nahiya ang kumag sa mga pambobola niya! Alam na alam na ng lahat ng babaeng bolero at playboy siya pero ang kapal parin ng mukha para mambola pa ng tuloy-tuloy.

"Uh, t-team mates. O-Okay, I'll take over."

Naka assemble kami sa court. Isang straight line kami ng teammates ko habang hinihintay ang team captain na si Chloe.

"Wala pa si Chloe, uh, may problema yata kaya ako na muna..." Sabi ng assistant team captain.

Asan naman kaya yun si Chloe? Huli ko siyang nakita nung papunta kami ni Brent sa clinic eh. Kausap siya nina Ara. Narinig ko pa nga ang pangalan ko na pinag-uusapan nila.

"C-Chloe?"

Nabunutan ako ng tinik nang biglang tumambad ang team captain namin sa harapan.

"Anong nangyari sa-"
"Shut up, okay?" Pinandilatan niya ang assistant team captain.

Nakanganga kaming lahat habang tinitingnan siya sa harapan. Basang basa siya at para siyang pinaliguan sa putikan. Anong nangyari sa kanya?

Tinitigan niya ako. Ang mga teammates ko, halatang takot na rin kahit ako lang naman dito ang mukhang malalagot maya maya.

"Dismissed!"

Sabay-sabay napabuntong hininga ang team at agad nagsipuntahan sa locker room.

Nakapagtataka. Umasa kasi akong ibibitay niya ako ng patiwarik at papatayin sa pamamagitan ng pagbabato. Bakit walang ganung eksena?

Hindi sa hindi ako masaya dahil hindi niya yun ginawa. Masaya ako! Syempre, sino bang nasa tamang pag iisip na malulungkot dahil hindi siya binitay? Kaya lang... ay ewan ko! Tama na nga yan, Maxine! Dapat kasi inuuna mong magbihis na sa locker eh. Tapos maghanda ka ng kung anong peace offering para dun sa crush mong nabali ang ilong dahil sa spike mo!

"Maxine!" Tinawag ako ni Chloe.

"Uh," Hinarap ko siya.

Sabi ko na nga ba! Sana pala umalis na ako diretso kanina at pumunta na ng locker room!

"Palalagpasin ko `to ngayon, huh!" Tumingin siya sa paligid.

Nakita ko sa bandang kanan ang grupo nina Ara. Sa kaliwa naman ay ang tatlong kaibigan ni Chloe na nakikita kong kasakasama niya tuwing breaktime.

"Sa oras na malaman kong didikitdikit ka kay Chad, malalagot ka na talaga!"
"Pero hindi naman ako dumidikit-"
"At di ka rin pwedeng dumikit kay Brent!"

Umalis siya agad sa harapan ko. Ni hindi man lang ako nakapag salita para sa sarili ko.

Nakapagtataka, hindi naman ako dumidikit sa kanila ah? Napabuntong hininga na lang ako habang binubuksan ang locker ko. Siguro ganun lang talaga kung titingnan mo sa perspektibo ng ibang tao.

"Oh hayan! HAHAHA!"

May narinig akong ingay sa kabilang echelon ng locker room. Dinig ko ang mga hinulog na libro galing kung saan at ang tawanan ng isang malaking grupo ng mga babae.

Lumapit ako at nakita ko sina Ara at ang kanyang mga kikay friends dun sa crime scene.

Sinipa nung isa ang mga librong nakalatag sa sahig. Dalawang babae ang nakita kong walang magawa na nakasandal lang sa locker at mukhang takot na takot sa nangyari.

"Sa susunod kasi, kilalanin niyo kung sinong kinakalaban niyo! Akala niyo ba di ko alam na kayo ang nag vavandal ng 'I hate you Ara' sa mga corridors?" Sabi ni Ara. "This is your first warning!"

Kinuha naman nung matangkad ang bag nung isang babae at tinapon ang mga libro sa loob.

"Kung ayaw niyong matulad sa Chloe de Silva na yun, wa'g niyo akong babanggain! Gusto niyo yatang maligo sa putik?" Ngumiti si Ara nang nakita niyang takot na takot ang dalawa. "Oh well, since hindi naman ganun ka lala ang nagawa niyo, hindi muna putik ang ipaliligo ko sa inyo! Lia, ang timba?"

Nagdala ang isa sa kanila ng isang timba ng tubig. Binigay ni Lia ang timba kay Ara pero tiningnan lang siya ni Ara ng nakataas ang kilay.

"What? I can't carry that! Ikaw ang bumuhos sa kanila! Hello!"

"Tama na!" Bigla akong nagpakita sa pagtatago ko.

"Maxine!" Ngumiti si Ara sa akin.

Taliwas iyon sa inaasahan ko. Akala ko mabibigla siya at mag aalala sa sasabihin ko tungkol sa kanya. Akala ko natatakot siyang isipin kong masama yung ginagawa niya. Pero hindi eh. Mali ako, kasi nandoon lang siya, nakangiti, kasama ang buong tiwala niya sa kanyang sarili na minsan ay naiisip kong, tulad ni Brent, overconfident siyang masyado.

Umambang bubuhusan na ni Lia ang mga babae.

"Lia, stop that! I've changed my mind." Pinandilatan niya si Lia at ngumiti ulit sa akin.

"Masama yung ginagawa niyo. Kawawa naman sila." Sabay tingin ko sa dalawang babae. "Tsaka, kayo din ba ang gumawa kay Chloe nun?"

Tumawa si Ara. Matinding tawa. Pero kahit anong tawa niya, may natitira paring pagka elegante sa kanya.

"I don't believe this. Ang bait mo! You don't know how Chloe likes Chad so much that she'll probably stone you to death!" Umiling siya.

Alam ko.

"At itong mga babaeng `to?"

Sinipa ni Ara ang mga librong nakaharang sa kanya.

"Mga babaeng desperada. Nagpapakalat ng hate mails at kung anu-ano pa tungkol sa akin. Gusto niyo lang namang masali sa grupo ko diba?" Tanong niya sa mga babae. "Para mapalapit sa kapatid ko. Ang gwapo ng kapatid ko, ano? Tsk tsk." Linapitan niya ang dalawa. "Too bad, I dont like you both." Tumawa siya sa mukha ng dalawang babae. "At ngayon,"  Lumambot ang boses niyang bigla. "Too disappointed? Binabangga niyo na ako just because wala kayo sa socialcircle ko? And you're threatening me cuz you're brother is a senator," Sigaw niya sa isa. "And you're Dad is a stockholder of my mom's company?" sigaw niya sa isa. "Yiiii! Katakot naman!" Ngumisi siya. "I'm so scared. Really. Di ako makapaniwalang sinabi niyo yun, nakakasuka! Ginamit niyo ba talaga ang mga salitang iyon? Don't make me laugh!" Hinaplos niya ang mukha ng isa. "Kung iniisip niyong sosyal kayo dahil dun at dahil sa Louis Vuitton niyong mga bag ay pwede na kayo sa grupo ko. Think again! Dahil sa mga pagyayabang ninyo sa akin, naging loser kayo sa paningin ko! And I hate loser friends." Tumayo siya.

Ngayon, unti-unti kong napagtanto kung anong klaseng mga tao ang nandito sa eskwelahang pinapasukan ko. Naintindihan ko kung paano umaandar ang lahat.

"Maxine,"
Mejo napatalon ako nang tinawag ako ni Ara.
"By the way, they are girls from your class. Sabihin mo lang sakin kung magkakaproblema ka sa kanila." Ngumiti siya at umalis din naman sila.

Hindi ko rin naisip na magkakaproblema ako sa dalawa. Kasi naman, sinong matitino ba ang magdadala ng problema sa taong nagligtas sa kanila diba? Kung ako, linigtas nino, hinding hindi ko kayang bigyan ng problema ang taong nag ligtas sa akin.

Hindi ko naisip yun hanggang sa nung pumasok ako ng classroom at nadapang bigla dahil sa dalawang paang nakaharang sa daanan ko.

May narinig akong mahinahong pagtawa at, "Sorry!"

Naaninaw ko ang mukha ng dalawang babaeng linigtas ko kahapon. Nakangisi silang dalawa. Para bang nakahuli ng bagong biktima.

Nagtawanan silang dalawa habang patayo ako.

Tama si Ara!

"Maxine!" Napatingin kaming lahat sa prinsipeng tumawag sa akin na nasa pintuan.

Nakita ko ring kumaway ang isang demonyong nakangisi sa tabi niya.

Sa puntong ito, alam ko, hindi magiging madali ang buhay ko dito.



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText