<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 56-60


Stage 56.
It will rain, Denise





"Cause there'll be no sunlight if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby..."

Oh my God! I'm almost in tears! Yung feeling na parang gusto ko lumunok para kumalma pero di ko magawa kasi may bumabarang masakit sa lalamunan ko.

HE SHOWED UP! Hindi ginagamit yung stage pero talagang may live band at nandun siya!

Stunned ang lahat! Nakatingin lang at kinikilig sa kanya. Tili nang tili ang mga babae sa ball, pero siya, diretso lang ang tingin niya sakin.

Nang sinundan ng mga tao kung saan siya nakatingin, napatingin din ang lahat samin.

Oh ano kayo ngayon!? Mga useless! Walang binatbat! Maypa vandal-vandal pa kayong nalalaman diyan! Ayan na o kita niyo ba? Knight in shining armor ko, wala ng makakatalo diyan ah? Sige! Pagtripan niyo pa ako! Benjamin Jimenez is in love with me! He is! Yun ang kinaiinggitan niyo sa akin kaya sige at ipakita niyo pa kung gaano kayo ka insecure sakin! Yung ginagawa ni Bench ang nagpaudyok sakin ang paniwalaan ang lahat ng mga diliryong sinabi niya sakin.

Nagwalk-out si Candice at ang kanyang mga kasama. Nakita ko talaga kasi malaking pangkat din kasi yung mga kaibigan niya. May isang babae pa dung umiiyak habang nagwowalk-out.

"Si Jenny ba yun?" Sabi nung isang babae na kanina pa tili nang tili at binibilang ang lahat ng nagwo-walk-out.

YES! This man in front of you drives everyone crazy... And I mean everyone! Halos kalahati ng mga babae sa ball ang nagwalk-out. Of course kasi alam nilang lahat. Sa mga tingin pa lang ni Bench na nakatoon sa akin, sapat na yun para maging hudyat sa pagkabigo nila.

"Nah! Bench is a playboy anyway." May narinig akong nagsabi nun.

Sa lahat ng mga narinig ko, iyon ang nakapagpabago sa isip ko.

He is a playboy! Heart breaker diba? Masasaktan niya lang ako kung bibigay ako.

Pero wala eh. Tumulo yung luha ko bago pa ako makapagpatuloy sa pag-isip. :-[ :'(

Lumapit si Bench sa akin. Papalapit siya nang papalapit nang naramdaman ko ang paglayo ni Lance sakin. He's giving up. Giving way... to my real 'owner'. Excuse the word but I'd have to say this... he owns me in everyway. Benjamin Jimenez owns me. And whatever he'll ask right now, I'm sure I'll say yes.

Tinakpan ko na lang ang nakangangang bibig ko nang papalapit na siya ng papalapit sakin...

"It will rain, Denise, if you won't say 'Yes'." Aniya.

His face is glowing. Naka coat and tie na naman siya at bagong gupit. Nakangisi at ipinapakita yung dimples niya. Mabango.

"I've been such a jerk before. Immature. But this time it's for sure. Everything has changed. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko. Mahal na kita, noon pa. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Nalaman ko na lang na mahal na pala kita nang nasa kalagitnaan na pala ako sa pagmamahal sayo. So I guess what I'm saying is, my life has changed and I want you to be with me in every single change I'll have in the future. And I want to be part of the every single change you'll have in your life too. I love you so please be Mrs. Jimenez for me." Ipinakita niya sakin ang isang engagement ring na may maliliit na diamonds na nakapalibot sa isa pang mas malaking diamond.


Tumili ang lahat!

"He is serious!"
"He's got to be!!! Marriage?!? Talagang seryoso!"

Umulan nga.

"I love you too, Bench! And I'm gonna be Mrs. Jimenez!"

Tuwang-tuwa ako at di ko nanapigilan ang luha ko. Hinalikan niya ako at hinagkan pagkatapos. Sobrang saya niya kaya halos binuhat niya na ako sa pagkakayakap.

Dumating din sina Brent na sobrang saya din. Nandun din pala yung kambal niya.

Umulan nga...

Umulan ng palakpakan!

I'm f*ckin engaged to Benjamin Jimenez! He is not perfect. Playboy nga siya noon. But I'm not perfect either. Nobody is. All we need is to try to love each other perfectly. That's it, I guess. Finally, I can say... I'm in love! Really in love!




Stage 57.
Just saying...






"I felt like we ruined the ball." Sabi ko nang nakita kong halos nagsialisan lahat ng mga kaninay sobrang pa cute sa mga paparazzi.

Nakapulupot parin ang braso ni Bench sakin at ngiting-ngiti.

May nagpicture din samin. Yung iba mga paparazzi, yung iba ay mga kaibigan namin.

Masyadong showbiz ang proposal ni Bench sakin na may iilang mukhang galing sa magazine or newspaper pa talagang nag iinterview sa kanya ilang sandali ang nakalipas.

"Miss Denise Gozon." May tumawag saking may dalang cellphone/recorder.

Tinignan ko si Bench, mukhang busy siya sa interview. Sina Brent naman at yung ibang mga kasama niya ay nakihalo na sa party...

"Yes?"
"Can I ask some few questions?"

Tinignan ko siya, mukha namang mabait tsaka hindi naman siguro masakit kung sasagot ako sa iilang questions.

"Okay," Sabi ko.

First time yata ako ma interview tungkol sa lovelife. Kadalasan yung mga tungkol sa damit ko at mga events ang iniinterview sakin.

"Are you happy right now?" Tanong niya habang inilapit sakin ang phone para marecord ang sagot ko.
"Oo naman."

Para namang sarcastic na tanong yun. Well, let's ignore that. She's just some reporter or blogger.

"Now that he's proposed to you, everyones freaking out cuz they think you'll be just like his any other girl. What are your opinions?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kahit matagal ko ng iniisip yun wala parin akong maisagot sa mga tanong niya.

"Well, I guess people don't need to 'freak out' for me. Come what may." Sabi ko.

Kinda p*ssed. >:(

"So you think he's serious now?"

Why did I even think of letting her ask me some 'FEW' questions?

"Yes, of course. I mean, ni isa sa naging girlfriend niya di niya niyayang magpakasal. Ako lang... He's crazy if he's not serious." Sabi ko with utmost confidence hoping it would silence her.

Pero di siya natinag. >:(

"So you are his first love... I mean not technically pero ikaw kasi as far as I know he was never really serious with his past 'girlfriends'."

WHAT THE F? NO I'M NOT, girl! May isa pang nauna sakin. Pero heck I won't dare tell her.

"Yes. Of course." Sabi ko ng wala sa sarili.
"Hey!" Hinawakan ni Bench ang baywang ko.

OMG! Tinitigan ko siya. I frowned. Sinenyasan ko siyang tanggalin niya yung kamay niya dun.

"Thanks Miss Denise, sa time." Ngumiti yung nag interview at umalis agad.

"Ang arte naman nito." Sabi ni Bench nang ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya.

Umiling na lang ako.

"I love you, Bench but I know exactly who you are." Sabi ko.
"Yes you do." Hinalikan niya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay. "Let's go."
"Huh? Saan?" Tanong ko.
"Umuwi. Don't tell me your waiting for your date to dance you tonight. We have no business here anymore." Aniya.

Tinanggal niya ang coat at pinasoot sakin.

His gentleman instincts again. Sweet Bench, I love you so much but I still have my own insecurities and issues. >:(

Pagkarating namin sa sasakyan niya nakangiti parin siya.

"Denise... What's wrong? Di ka ba masaya?" Tanong niya.
"Masaya." Ngumiti ako.
"Ako. Sobrang saya! Finally! Ang tagal kong hinintay 'to."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Don't worry. Trust me. Noon ko pa gustong sabihin sayo 'to pero I know you won't believe cuz of our past. Just stop thinking about it. Dahil ako, matagal ko ng kinalimutan yun. Simula nung minahal na kita. You probably don't know that I've been blocking and black mailing boys who 'get in my way' kahit di pa naman talaga kita nililigawan. Noon hindi ko alam kung bakit ayaw kong may magkagusto sayo or kung may manligaw sayo, I thought it's just cuz I want you as my companion always. But Denise, I realized that I can't bear to watch you smile with someone not me. I have fought against myself until I've given up... Nung binigay na ni Dad sakin ang authority sa companya as my training, napagdesisyonan kong itigil na lahat ng kahibangang nagawa ko and start living my life seriously. I want you to know that I'm also serious with this." Hinawakan niya ang engagement ring at hinalikan ang kamay ko. "I love you so much."

"I love you more." Halos mangiyak-ngiyak ako sa mga sinabi niya. :'( :-[ :-X

Pumunta kami sa isang coffee shop para bumili ng frappe at bumalik ulit sa sasakyan.

"Now, where do you wanna go? Sa condo natin?" Tanong niya with his evil smile.

Err. NATIN? Condo natin? :-[

"No, Bench. Uuwi ako. Alam ko ang iniisip mo at tigilan mo na yan. Hindi pa tayo lumagpas ng 24 hours ganyan na ang iniisp mo. Hmp!" Hinampas ko ang dibdib niya.
"Okay!" Tumawa siya. "Does that mean we can do it tomorrow?"
"Ugh, Bench! Stop that!"

Hinila niya ako papunta sa dibdib niya. For God's sake nandito kami sa labas ng sasakyan niya at naka dress pa naman ako kaya mas lalong nakakaagaw-pansin. CEO 'to ng airlines company ang katabi ko at masyadong sikat tapos ganito ang ginagawa niya. Talaga 'tong si Bench!

Umamba pa siyang hahalikan ako.

"Bench!"

I pushed his face away. Tumawa naman siya.

"Let's go home! i mean... ako... sa bahay namin." Sabi ko.

HAHA! Naughty Bench is naughty. Now everyone's staring at us. :-[

"Okay Mrs Jimenez." Umikot siya at pumunta sa driver's seat. "But I'm afraid your clothes have to go home... not you."

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan ang dala-dala kong frappe at nilapag malapit sa manibela. He started kissing me. Steamy hot kisses that I couldn't resist.







 :-*





Nang matapos yun (na talagang mejo mahaba-haba at halos ma carried away ako)...

"Ugh Bench, let me go home." Sabi ko.

I couldn't even look at him. Baka malaman niya pang ayaw ko pala talagang umuwi! Hay malandi Denise but we have to go home! I may consider 'it' soon, but not now.

"You know Denise, I can always give our children a good future kahit di ka na magtrabaho. So don't worry 'kay?" Then his evil smirk.

Sinabunutan ko na!

"Kakasagot ko lang sayo ah?! Gusto mo yata ng break-up agad! Sige ka!" Sabi ko.

Kainis 'to!

"Okay okay!" Tumawa siya. "Just saying..."

Hinalikan niya ang noo ko. :o

God I couldn't believe that we're really in this situation. Mahal niya talaga ako. At mahal ko rin siya. Kami na!

Benjamin Jimenez is mine. At kung sa tingin ng iba ay di siya seryoso sa akin, ba't pa nila kinailangang mag walk-out kanina sa ball. I need to have more faith in him. More faith in us.




Stage 58.
I love you more.







"Hi! Good morning!" Malat ang boses niya mukhang kakagising lang.

Kakarating ko lang sa school nang tinawagan niya ako. Text kasi kami nang text kagabi tungkol sa pag amin ko at sa pagkamangha niya.

"Hi!" Sabi ko halos mapangisi sa kilig.
"Just woke up. Nasa school ka na?" Tanong niya.
"Yup!"

Naglalakad ako patungo sa klase. Tatlong linggo na lang at finals na. I can't wait to spend my summer with Bench. Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

"Should have fetch you at home. Sinabi mo na ba kay tito?"

I rolled my eyes.

"Hindi. Pero alam niya na yung 'engagement' na sinabi mo simula pa nung sinabi mo sa board na tayo na. It doesn't matter."
"It matters to me. I'll fetch you later after school. Haharapin ko yung parents mo." Humalakhak siya para bang di makapaniwala sa sinabi niya.
"Ows? You have the guts?" Tawa ko.
"Of course, baby." Ngayon naman seryoso na. "For you."

Katahimikan. OMG! Di na lang talaga ako nagsalita ng ilang saglit kasi naghuhuramentado na naman yung sistema ko. :-[ :-[ :-[

"Aryt then." Sabi ko.
"Nasa classroom ka na?"
"Almost there."
"Okay. You take care and call me if you need me. Need to get ready for work. Okay? Titext kita pagdating ko ng office."
"Okay! Take care din."
"Love you Mrs. Jimenez."

OMG.

"Love you too Mr. Jimenez."
"No. I love you more."

Di ko na makakaya 'to! Natigil na talaga ako sa paglalakad. Siguro pinagtitinginan na ako ng mga tao. Parang hibang lang. Pero syempre, alam nila kung sinong kausap ko ngayon. Lahat yata nakasaksi sa nangyari sa ball.

"Sige na... You get ready. I have to go." Sabi ko.
"Okay..." Tumawa pa siya saka ko binaba.

Tapos humingang malalim. Grabe. Heavy. HAHA!

Saka ko nakita ang mga tao. Yes. Kanina pa ako naglalakad pero dahil occupied ako sa conversation namin ni Bench di ko nakita yung mga nagbubulung-bulungan tungkol sakin.

Ayan na naman ang mga insecure. Hay nako!

"Denise!" Pambungad sakin ni Eliana.
"Eli!" Sabi ko. "You heard the news-"
"I know. We have no time for that. Tayo na. Alis na lang tayo." Aniya.
"Huh? Bakit?"

Hinila niya ako palayo sa classroom.

Sa mukha niya mukhang nahihirapan siya sa pag explain.

"There's a bunch of girls after you. I'm sure ma hahighblood ka lang dito at baka magkagulo pa. Let's go."
"Wait! After me? Bakit?"
"Don't ask. I don't know either. Siguro may gusto kay Bench or ano."
"So? Wala naman akong kasalanan! Edi harapin sila." Sabi ko.
"No!"

Hinila niya na naman ako.

"I promised Bench, Denise. Di ka pwedeng makipag-away or he's gonna kill me." Sabi niya ng wala sa sarili at hinihila niya pa ako. Nagmamadali.
"What? Isa ka na rin kina Kuya Joe. Na demote ka na yata."
"I'm not paid no. You're my best friend and my future cousin-in-law if there's something like that."

Sa sobrang bilis niya nabunggo tuloy siya. Ayan. At ngayon mukhang siya pa dapat ang protektahan ko.

"Sorry, Eli...WOW! PARANG DOUBLE MEANING!

Si Yuan ang nabangga niya. Hinawakan ni Yuan ang magkabilang braso niya at pinatayo. :D

And now, Eliana has lost her cool.

"Excuse me, Yuan ah. Nagmamadali kami." Ako na lang ang humila kay Eliana palayo sa kanya.

Naghang yata si cousin-in-law sa mukha ni Yuan. Mukhang ilang dekadang di nagkasalubong.

And so... nahanap kami ng 'bunch of girls' na sinasabi ni Eli.

They all crossed their arms and raise their brows.

"Denise Cordelia Gozon, there you are." Nangunguna na naman si Candice.

Nandoon din ang mga kaibigang babae ni Lance.

"Anong kailangan niyo sakin. I heard hinahanap niyo ako. If you're here to congratulate me, thanks!" Ngumisi ako na nakapagpahigh-blood sa mga kaibigan ni Lance.

"Aba't ang kapal ng muk-" Halos sabunutan ako buti at napigilan ni Jenny.

Yes! Nandun si Jenny!

"Jenny, you know what? Sa lahat ng mga 'pinormahan' ni Bench I thought you're the most normal. Ngayon, narealize kong tulad ka lang din nila. Obsessed kay Bench kaya di ako mapapalampas kasi ako yung sineryoso niya. As if may magagawa pa kayo-"
"Hindi kami nandito Denise para i-congratulate ka sa trophy mo."

EXCUSE ME? Trophy ko? Si Bench?

"We're here to expose how evil you are!" Sinigawan ako nung highblood!

"Oh my gosh. oh my gosh." Now I can here Eliana chanting while dialing Bench's number sa gilid.





Stage 59.
kahit sino, di pwedeng pumasok.








Ipinakita nila ang pictures nung nag confess si Lance sakin, nung nagwalk out ako at iba pang 'pananakit' na ginawa ko kay Lance.

"Sinabi mong 'I don't deserve you, Lance.'" Sabi nung kaibigan ni Lance. "You don't deserve him cuz you think you deserve Bench? Ganun ba yun?" Biglang sigaw niya.

Sa galit niya hinampas niya sa mukha ko ang pictures na ipinakita niya.

Easy, Denise. I can actually sue her for this... Sue them all. Pero di ako ganun ka babaw tulad nila. If they have some problem with me, edi sabihin nila, wa'g lang sana akong saktan o insultuhin.

Halos matawa ako sa sinabi niya.

"You've got it all wrong, girl." Sabay iling ko.

Ang gusto kong sabihin kay Lance sakin ay masyado siyang mabait para sakin. He's too good for me. kaya naman nasabi ko na, 'I don't deserve him.' Hindi tulad ng akala niya. Baluktot talaga ang pag-isiip ng mga tao. Well, not all maybe, siguro yung mga in love baluktot. Gaya ko, kahit alam kung mejo loko si Bench pero go parin ako ng go!

"All wrong? Alam naming lahat ni si Bench ang gusto mo noon pa!" Aniya. "Si Candice! Ikaw ang dahilan sa break-up nila! Ikaw ang gumawa ng paraan para mag break sila!"

Si Candice naman mukhang pusang naiipit sa mukha niya. Malungkot, gustong umiyak at plastik.

"If he really DID love her, nothing can break them apart. Kahit na may gumawa ng paraan para magbreak sila..." Sabi ko.
"See?!" Tinuro-turo ako ng ngayong mangiyak-ngiyak ng si Candice. "I told you!" Sabi niya sa mga kasama niya. "It was her! Ngayon, inamin niya na sa harap natin. And I'm sure siya din ang may pakana sa pag layo ni Bench kay Jenny! God knows what she did! She probably seduced Bench-"
"Hey! Seduced? I don't need to. Ano bang mga pumapasok sa kokote ninyo at ganyan kayo makapag-isip. What's this? Samahan ng mga Nasaktan ni Bench? Ngayon tinutuligsa niyo ako kasi kitang-kita niyo ang pagseseryoso niya sakin?"
"Hell no!" Sigaw ni Candice.

Si Jenny naman, tahimik sa gilid. Bruha! Di makatingin sakin! Cheap ka at nakisama ka dito! Akala ko papantay siya kay Muse, yun naman pala, si Candice lang ang kapantay.

"We just want the world to know that you don't really like Bench you social climbing wh0re!" Sigaw niya. "Ginagamit mo lang si Eliana at si Bench para makaangat ka! Hindi ka naman talaga MAYAMAN eh! You just wanna be one!"

Eto na! Di na talaga ako makakapagpigil. True. I've been such a wh0re for fame and popularity. Pero tapos na yun lahat. Noon yun. Noong grade school na walang pumapansin sakin, noong highschool na wala kang kaibigan kung di ka maganda at may ibubuga, pero ngayon I know better. Hindi ako nagpakahirap para kaibiganin si Eliana at Bench. Nangyari lang siyang bigla. Wala akong frame up o planong ginawa para maging kaibigan ko sila. And now, they are telling me that I did this all to be popular!?

"Hindi nga ako mayaman, sinong may sabing mayaman ako?" Sabi ko. "GET OVER IT! Magkaibigan kami ni Eli at mahal ako ni Bench. Period. Wala kayong alam kaya tumahimik na lang kayo. Magkaibigan kami simula pa noon kaya wala kang alam, Candice. Don't you dare tell me that I'm using them. Kung gusto niyong umeksena at magpapansin kay Bench kaya niyo 'to ginagawa, well, guess what, lalong di niya kayo papansinin. You are all too low for him. And I won't stoop down to your level."

Sa galit nung kaibigan ni Lance at ni Candice sakin ay halos sinabunutan na nila ako. Buti at pinigilan nina Jenny at iba pa nilang kasama.

Tumawa na lang ako kahit badtrip din.

"USER!" Sigaw nila. "Buti nga sayo! Sana mag enjoy ka sa mga vandal tungkol sayo..."

Hinila ako ni Eli habang nakikinig pa ako sa mga sinasabi ng kaibigan ni Lance.

Nakita ko rin si Renzo doon na tumatawa. Kainis talaga.

"Let's go, Denise!" Sabi ni Eli habang tumitingin pa sa cellphone. "Bench isn't answering. He's probably in a meeting. Alis na tayo sa gulo." Sabi niya.

Nakita ko sa corridors yung malaking vandal. 'Denise is a b1tch'. Sana ma expel kung sino man ang gumawa nito.

KAINIS!

Bigla na lang akong nasabuyan ng orange juice! Nasali pa yung kamay ni Eli na nakahawak sa kamay ko.

"What the?" Sigaw ni Eli sa mga babaeng nakasalubong namin.

Hindi ko kilala. Ganun ka maimpluwensya si Bench. Kahit yung mga di ko kilala, inlove na in love sa kanya.

"Opppss. Sorry!" Anila tapos tumawa.

I was really speechless! Nakatingin lang ako sa damit kong kulay orange na.

"Stop it na!" Sigaw ni Eliana.

Nakita ko sina Nina, Tanika at Abby na nakatingin sa malayo. Mukhang naawa sa kalagayan ko.

"Di bale D, huhupa din ito. Mejo nabigla lang ang mga tao. Ganito pala pag nasa school ka? Hay." Sabi ni Eli habang nililinisan ang kamay niya.

"AHHH!" Sumigaw na lang ako sa inis at galit ko.

Pagkatapos kong sumigaw, nakita ko ang mga taong mukhang natakot sa maaring gawin ko.

Pumunta ako sa Discipline office. I reported, "Jenny Zafra, Candice San Juan, Lorenzo de Ocampo, at lahat ng kaibigan nila. I was harassed. May mga vandals pa sa walls na sila ang gumawa."
"Do you have evidence?" Tanong ng officer.
"I don't, but Eliana Jimenez is my witness." Sabi ko at tumingin kay Eliana.
"Oo. totoo po yun." Sabi ni Eli ng walang pag-aalinlangan.

At dahil sa impluwensya ng mga Jimenez at sa magandang record ni Eli, papatawan ng kaparusahan ang mga walang hiyang binanggit ko.

Umuwi si Eli para magbihis. Ako naman, uuwi na sana pero narealize kong kailangan kong sabihin lahat ng nangyari kay Bench. Sabi niay iti-text niya ako pag nasa office na siya, walang ni isang text ang dumating at di rin siya sumasagot sa mga tawag ko.

"Mr. Jimenez is in a meeting." Sabi nung secretary.
"Mr. Jimenez? Which one, si tito o si Bench?"
"Si Sir Bench po, Miss Gozon." Aniya halos di makatingin sa mga mata ko.
"Whatever meeting is that, I know he'll let me in. Will you tell him na naghihintay ako sa kanya ngayon? See this?" Sabay pakita ko sa kulay orange kong damit.
"Sorry po talaga, Miss Denise, bilin niya po sakin... kahit sino, di pwedeng pumasok. Kahit ako."

Sa sobrang inis ko that day, hindi ko sinunod ang secretary.

Pinigilan niya pa ako pagkarating ko sa pintuan.

"Sorry po talaga, di pwede."

Pero huli na ang lahat. Nabuksan ko ang pinto sa office niya.

THERE IS NO MEETING! He is talking with a girl in a black dress. THEY WERE LAUGHING UNTIL HE SAW ME!

Nawala yung tawa niya. Nanlaki ang mata ko lalo na nung lumingon ang babaeng naka kulay itim sakin.


Tumangkad at lalong gumanda pero kilalang-kilala ko siya. Halos di ako makahinga. Gumuho ang mundo ko nang nagtagpo ang aming mga mata.













"Muse."





Stage 60.
No...Denise...No






I felt so stupid! THEY WERE LAUGHING! At sa araw pa pagkatapos ko siyang sagutin!? Really!? :( >:( >:( >:( >:(

Hindi namna mukhang ngayon lang silang nagkita. Actually, mukha pang matagal na noong nagkita silang muli. THEY LOOK LIKE GOOD FRIENDS! Well, siguro dahil malayo si Muse kay Bench. Pagitan nila yung couch at table ni Bench. But I can only imagine what they'd do if they are inside Bench's condo.

UGH! >:( >:( >:( >:( >:(

Umalis ako!

Sinundan ako ni Bench pero yung naabutan niya na lang ay ang pag sarado ng elevator.

"Denise! Wait!"

Tapos sarado na.

I know he'll take the other elevator. >:(

Nang nasa baba na ako. Nagmadali akong lumabas ng building nila para makahanap ng taxi. Worst! Kahit 'tong orange juice na nasa damit ko ay wala sa katiting sa ginawa ni Bench.

I get it now, Bench! Everything is just for revenge, right? Buhol-buhol ang pag-iisip ko. Ang dami kong tanong at gusto kong kumalma pero ayaw ng sistema ko. >:( >:( :'( :'( :'(

AFTER EVERYTHING? Na-bully ako sa school, sinaktan si Lance, nagyabang na ako ang mahal niya, pero ngayon... parang gumuho ang mundo ko. DI NAMAN PALA TOTOO! Kapal ng mukha ko dun ah? Mas lalo tuloy akong walang mukhang maihaharap kina Candice. I'm sure pagtatawanan nila ako. Pero di bale, haharapin ko sila. Sila din naman ah? Niloko din ni Bench! NOW I'M EFFIN PART OF THAT SAMAHAN NG MGA NASAKTAN NI BENCH! :'( :'( :'(

May kakaibang kurot akong naramdaman nang bumungad ang mukha niya sakin. Hirap at hinihingal. Ginamit niya ang stairs.

"Denise." Hingal niya.

Tinalikuran ko siya at halos tumakbo at pumara na ng taxi.

Hinila niya ang braso ko.

"W-Wait!" Sabi niya.

He looked disappointed, displeased, whatever! :'( :'( :'(

I don't care! Kung mukha siyang nasaktan o nabigo, hindi ibig sabihin nun na dahil mawawala na ako sa kanya! Kasi siguro, kaya siya nasasaktan o nabibigo ngayon ay dahil alam niyang mawawala na ako bago pa niya ako mas lalong masaktan.

"Denise, I-" Hinihingal parin siya.

Nasa 16th floor yung office niya at di ko alam kung paano niya ginawang gamitin ang hagdanan papuntang first floor.
 >:( >:(


"Shut up, Bench!"
"Denise-"

Hinarap ko siya.

My tears were almost out! Gusto kong maramdaman ulit yung noon! Maramdamang wala akong pakiramdam sa kanya. Yung di ko siya ganito kamahal, pero wala eh, hindi ko na maalala kung paano yung dati. Di ko na maalala kung paano yung pakiramdam na di ko siya mahal.

"One question, Bench." Sabi ko at kinurap ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Hiningal parin siya. Niluwangan niya ang kanyang tie at mukhang handa siyang sagutin ang tanong ko. Pumarada yung taxi at naghihintay na sa pag-alis ko.

"Kailan kayo unang nagkita ni Muse mula noon?" Tanong kong seryoso.

I'm trying not to break my voice and burst into tears.

Pumikit siya. His guilty face now showing. Tumingin siya sa lupa nang dumilat. Struggling to say the words.

"Third year... high school." Aniya.

GOODNESS! 4 years?! Apat na taon niyang tinago sakin? At ako, kahit ano wala akong tinago sa kanya bukod sa pagtingin ko tapos siya may lihim pala sakin mula pa noon. Hanggang nagkami di niya sinabi sakin. That alone can prove me so many things. >:( >:( >:(

Kinuha ko ang engagement ring sa daliri ko...

"No... Denise... No..." Umiling siya ng dahan dahan.

Tinapon ko ang engagement ring na binigay niya at pumasok sa taxi.

THAT'S WHAT YOU GET, BENCH! I HATE HIM RIGHT NOW! >:( >:( >:(

"I don't want to see you again." Sabi ko sa kanya bago umalis ang taxi.





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText