<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 26-30


Stage 26.
You know what I mean...






Enrolled na ako at bukas, pasukan na ulit!

Nasa Coffee Bean kaming dalawa ni Eliana pero para namang ako lang mag-isa. Paano ba naman kasi, text nang text ang ingratita!

Umamba akong aagawin yung phone pero agad namang nabawi.

"Nu ka ba!" Sabi niya.

Kinaumagahan pagkatapos ng gabing iyon sa hacienda nila, umuwi na kami. Wala namang masyadong nangyari. Binalewala ko lang si Bench... as usual. Balik sa dati. Gym. Hang-out. Gym...

"Maghanap ka nga ng libangan sa iba." Aniya.
"You're texting...'him'?" Tanong ko habang nakapangalumbaba.

Ngumiti siya. Para bang kinikilig.

"Oo."

Napailing ako.

"Sino ba yan?"
"Hindi naman kami eh!" Sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.
"Sino nga?"
"Basta!" Nakakagat-labi pa si Eliana.

Humanda ka kung malaman ko kung sino yan!

Anyhow... tama si Eliana. Sina Nina, Abby, at Tanika pare-parehong may lovelife... Si Eliana, eto at mukhang meron na din, kakalabas niya pa lang sa real world may ganun na agad. Si Bench naman, mukhang preoccupied kay Jenny... Ako na lang ang walang lovelife. Kaya siguro pakiramdam ko bored ako. Dapat kasi sa ganitong edad diba dapat may kaharutan ka, ba't ako wala?

"Where's your Bench? Para tantanan mo na ako." Sabi ni Eliana habang nakatitig sa cellphone niya.
"Idunno. Siguro kasama si Jenny." Sabi ko.
"Itext mo." Tinitigan niya ako habang umiinom ng frappe.
"Why?"
"La lang! Itext mo..." Sabi niya.

Okay.

Text:
Bench, where are you?

Agad nag reply!

Bench:
Nkikipagdate. Bakit?

Ako:
LOL. Okay! enjoy!

Bench:
Pipigilan mo ba ako o hindi?

Ako:
Anong pinagsasabi mo?

Bench:
Tsss. You know what I mean...

Ako:
Alam ko namang gusto mo si Jenny... for real eh. Haha! Kaya enjoy.

Bench:
You know I don't.

Di ko na nireplyan.

Pagkatingin ko kay Eliana, nakatingin na siya sakin, with her evil grin.

"Ano?" Tanong ko.
"You think Bench is serious with Jenny?" Tanong niya nakangiti parin.
"Oo." Sabi ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Bakit?" Tanong niya.

Katahimikan.

Nakita ko si Candice sa labas, mukha na namang galit ang bilis pa ng lakad. Ewan ko kung saan papunta...

"I think he reminds him of her..." Napalunok ako sa sinabi ko.
"Exactly! Kung gusto man niya si Jenny... o kung napapalapit man siya kay Jenny, dahil lang yun dun. Wala nang iba. Kilala ko si Brent. Alam ko kung paano siya kumilos." Sabi ni Eliana.

Katahimikan ulit. Di ako makapag-isip ng maayos.

"Ni minsan ba di sumagi sa isip mo na baka ikaw ang gusto niya, D?"

Halos ma iluwa ko yung frappe pagkarinig ko nun.

Natawa pa ako ng bahagya, "Ano? He hates me..." Sabi ko.
"Sinusunod ka niya... Kahit ano... Kahit sabihin mo sigurong magpakamatay siya, gagawin niya yun... para sayo." Umiling si Eliana.
"Sinusunod niya ako kasi nag eenjoy siya sa ginagawa niya."
"Sabihin mo nga, kung hate mo ang isang tao, magagawa mo pa kayang sundin ang mga utos niya?"

H-Hindi... ???

"It's his revenge... nag-kukunwari lang siya."

Umiling na lang si Eliana. Alam niyang kahit anong pilit niya, hinding hindi sasagi sa isip kong magugustuhan ako ni Bench o kaming dalawa ang mag iibigan sa huli. Kasi alam kong galit siya sakin... simula pa lang... galit na siya sakin...




Stage 27.
Don't ask me to chase her




Tinanghali ako sa first day of school ng second sem. Di na kasi ako nasanay sa oras ng pag gising kahit di naman talaga ganun ka aga yung pasok ko.

"Denise!!!" Halos madaganan ako ni Nina, Tanika at Abby nang sinalubong ako.

"What??-"

Hinila nila ako papuntang locker room kung saan marami na ding mga tao. Halos di na nga namin makita ang mga nangyayari. Narinig ko na lang ang lagapak ng pisngi!

*PAK*

"Kawawa naman... kawawa talaga..." Bulung-bulungan ng mga tao.

Si Jenny, sinampal ni Candice! WTF?!

"Kapal kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Candice. "Kay bata-bata mo pa, malandi ka na! Stop flirting with Bench! Alam mo girl, kung di ka pa na-oorient dito, si Bench ang notorious playboy, gagamitin ka lang niya. Kung makapagsalita ka akala mo naman ang tagal niyo ng magkakilala!"

Hindi pa nakunteto si Candice at kinausap pa ang mga taong nakiusisa.

"Ladies and Gentlemen, eto si Jenny Zafra, ang bagong dinidate ni Bench."
"Di kami nag di-"
"Akala niya sisikat siya sa ginagawa niya! hah!" Tumawa pa io, parang witch lang! "Akala niya naman seseryosohin siya... Hello? Isang tulad niya, seseryosohin? Well, Jenny, to tell you frankly, ako lang ang sineryoso ni Bench. Kami lang ang nagtagal, kaya wa'g kang mangarap girl!"
"Hindi ako nangangarap! Wala akong pakealam sa inyo at kung anuman ang sabihin ninyo... Hindi ko siya ginagamit."

Grabe, kumakati na talaga ang buong katawan ko at gusto ko ng sugurin si Candice at pagsasampalin sa mga sinasabi niya. Walang hiya na hahighblood ako. Hindi ko nga feel si Jenny pero alam kong wala siyang ginagawang masama! Bwisit!

Bago pa madugtungan ni Jenny ang mga sinabi niya...

"Akin na ang timba..." Sabi ni Candice sa isa sa mga kampon niya.

BINUHUSAN NIYA NG TUBIG SI JENNY! >:( >:( >:(

"Padaanin niyo nga ako!" Sigaw ko nang di ko na talaga ma take!

Saka pa ako napansin ng mga tao. Mga bwisit kayo, nakatunganga lang kayo diyan at nakiusisa, wala ni isang nakialam!

Imbis na ang lapit-lapit ko na kay Candice... Hinarangan ako ng kamay ni Bench.

"Bench..."
"Ako na ang bahala..." Aniya.

"Bench..." Takot na sambit ni Candice.

"ANONG GINAWA MO!?"

Grabe! Galit na galit si Bench! >:( >:( >:(

"Ginawa ko lang ang nababag-"
"Get out of my sight..."
"Tama naman ako diba-"
"NOW!"

Napaiyak si Candice at nag walk-out!

Sa sobrang bwisit ko, susundan ko na sana habang nakatitig pa si Bench kay Jenny na basang-basa... Pero bago niya nilapitan si Jenny, hinawakan niya ang braso ko.

"Hayaan mo na yun." Seryoso.

Hinubad niya ang kanyang jacket at sinuot kay Jenny. Pero inayawan siya nito.

"Umalis na nga kayo dito? Anong tinitingin-tingin niyo?" Pinalayas ko ang mga tao...

"Iwan niyo ako dito." Sabi ni Jenny na nakaupo sa floor.

Hindi sinusoot ang jacket na bigay ni Bench.

Ipinilit ito ni Bench... pero...

"Stop it, Bench! Alam kong tama si Candice!!!" Sigaw niya kay Bench.

Si Bench naman tahimik.

"Na hindi ka kailanman magseseryoso!"

Tumayo si Jenny para harapin si Bench. Si Bench, may guilty-face. Si Jenny, galit.

"I'm sorry... Hindi ko inaasahang gagawin niya 'to sayo."
"It's all your fault! Kung di sana ganun ka daming babae ang sinaktan mo, di sana ganito. Alam kong di ka magseseryoso!"
"I'm sor-"

*PAK!*

ABAAAAAAAAH! Lecheng! Ba't inis talaga ako sa tuwing sinasampal si Bench. Pakiramdam ko ako lang ang pwedeng gumanon sa kanya. Parang sa tuwing may nananampal sa kanya, isang bahagi sa akin ang namamatay. Sobrang sakit... lalo na pagnakikita ko ang mukha niyang nasasaktan din.

"Alam kong di mo ako seseryosohin! Kahit na sabihin ko sayong..." Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga pisngi. "Mahal na kita..."

At nag walk-out.

Ngayon... kami na lang dalawa. Napalunok ako.

Tinignan niya ako... His sad eyes... :(


Mahal ka daw niya... habulin mo! Pero walang boses na lumalabas sakin. :o :o :o

Seryoso niya akong tinitigan. His sad eyes and dark look... Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko alam kung ganito din ba yung mukha niya noon nang iniwan siya ng kanyang first love. Hindi ko kasi kayang tignan ang mukha niya nun... pero ngayon, kaya ko na... siguro nasasanay na akong makita siyang nasasaktan dahil sakin.

"Don't ask me to chase her..." At nag walk-out na rin.

What the efff?! Sinong makakapasok sa school na ganito ang nangyayari sa kanya? Hindi ko siya nasundan pero pursigido akong hanapin siya. Hindi ko na uulitin ang nangyari noon.

I'll be the light in his dark eyes... unlike what I did years ago...





Stage 28.
Lalong lalo na...







"Hello, Kuya Joe?"

Ang sakit sakit na ng paa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa school at pumupuntang rooftop para tignan kung nandun ba ang inyong prinsipe.

"Alam niyo ba kung nasan si Bench?"
"Di naman. Bakit? May nangyari ba?" Sabi niya.

Tinawagan ko na at magpapatulong ako.

"Paki hanap naman po oh, hindi ko mahanap eh, kailangan ko siyang makita."
"Etext mo na lang." Sabi niya.
"Naka-off yung cellphone niya.>:(
"O Sige..."

Ayun, nag tatatakbo na ako para lang mahanap ko siya.

"Hello, Eli?" Tinawagan ko na ang isa pang di mahagilap. "Where are you?"
"Huh? Uh..."
"Nakita mo ba si Bench? Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko.
"Hindi eh... Bakit ba?"
"Text me pag nakita mo siya ah? O di kaya, tawagan mo ako."
"O-Okay! Why?"

Di ko na sinagot at tumawag pa sa ibang taong maaring nakakita sa kanya.

Tapos biglang nag dilim ang paligid. Hindi ako nakapanood ng news pero feeling ko may bagyong papasok si Pinas.

"Oh nooo... Hindi ko pa siya nakikita." Bulong ko sa sarili ko habang tinatawagan siya.

Nag ring ang phone niya! Pero walang sumasagot!



Napatakbo ako sa labas ng school. Pumara ng taxi, bakasakaling nakauwi na siya. Pero bago pa ako tuluyang nakarating sa bahay nila, naabutan ko yung sasakyan niyang nakapark sa isang parke.

"Dito na lang." Sabi ko sa driver at inabot na ang bayad.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang swing. Seryosong nag-iisip at ganun parin ang ekspresyon. May nakita pa akong mga lata ng Heineken sa katabing bench. May hawak siyang isang lata, umiinom.

Hindi niya talaga sinundan, huh?

"Kung guilty ka kasi ako ang nagtulak sayo kay Jenny, kaya di mo siya sinundan... useless lang yan. Sana sinundan mo na. Inutos ko man o hindi... kasi halata naman sayo na mukhang gusto mo na rin siya."

Hinarap ko siya at tinitigan. Nakatingin siya sa kawalan.

"Everything was for you." Sabi niya.

Nakakapagpabagabag talaga sakin sa tuwing may sinasabi siyang tulad nito. Hindi ko alam kung bakit.

"Halata sayo na gusto mo na rin siya-"
"Its easy to like her, Denise. Pero ayaw ko siyang paasahin, kasi alam kong... alam kong may naaalala lang ako sa kanya. Yun lang yun."

Napalunok ako. Sa wakas, tinignan niya na ako ngayon, mukha pang galit kaya kinabahan ako.

"A-Akala ko...:o :o :o
"No, Denise. Kinaibigan ko siya because you asked me to." Galit at seryoso talaga ang mukha niya. "And now... I feel so guilty..."

"Hindi ba yun naman yung gusto mo? Makipagflirt sa mga babae?" Sabi ko. Gusto kong alisin sa utak ko ang katotohanang na-gui-guilty na rin ako. Kasi ako ang nag utos...

"Sinabi ko sayo diba? Na ayaw ko!?" Biglang tumaas ang boses niya!

"So!? Are you blaming me!?>:( >:( >:(

Sa inis niya napapikit na lang siya.

"You are blaming me... Alam ko kasalanan ko. Pero diba simula pa noon ginagawa mo na 'to, Bench? Diba pinapaiyak mo na talaga sila?"

"You don't get it-"

"Alam ko! Simula pa lang... ako na yung may kasalanan para sayo!-"

"You don't get it, Denise! Wa'g mo ngang ipilit yang baluktot mong rason! Hindi mo ba nararamdaman?-"

Grabe! Pareho kaming dalawang nag hahyperventilate. Totoong sinabi ko kanina na ico-comfort ko siya. Pero ngayong lumantad ang katotohanan... parang naguguluhan na ako.

"Nararamdaman, syempre! Nararamdaman ko na sinisisi mo ako... HANGGANG NGAYON! Sinisisi mo ako sa pagkawala niya...:'( :-[ >:( >:( >:(





Napapikit siya at napayuko, hindi ko alam bakit.

"Muse was the right girl for you, Bench, pero we're just twelve that time! At ayaw ng mga magulang mo sa kanya! Patawarin mo ako kung nagawa ko man sa inyo yun-"
"Stop being so dense! Stop dragging her name here! Wala siyang kinalaman dito! This is about you and me!"

Ayan na naman siya. Napalunok ako. Hinawakan niya ang swing ko at hinila ako palapit sa kanya... Dahan-dahan niya akong hinalikan...

At sa unang pagkakataon, nasampal ko siya ng seryoso!

*PAK*

Matagal siyang nakarecover sa sampal ko. Natigilan talaga yata sa ginawa ko.

"We grew up together... at alam kong ginagawa mo 'to para gantihan ako sa nangyari noon!"

Aalis na sana ako nang hinila niya ang braso ko.

"Stop it, Bench. Alam mong di ako tulad ng iba. Kilala kita at kilala mo ako... Useless lang ang pagpapanggap mo."

Tama. Ilang beses niya ng pinararamdam sakin na may gusto siya sakin pero kahit kailan, di ako naniwala. Dagdagan pa ng pambababae niya, alam kong gusto niya lang maghigante sa mga nagawa ko.

"Kilala mo rin ako, Denise... Hindi ako titigil pag di ko nakukuha ang gusto ko..."

Hinila ko ang braso ko galing sa kamay niyang nakahawak. Aalis na talaga ako! Gusto? Gusto niya ako? HAHAHA! As if Denise Cordelia Gozon would believe him. Halos kabisado ko ang bituka niyan... alam na alam ko ang pasikotsikot niya, kilalang-kilala ko siya. Alam kong paghihiganti lang lahat ng ito. Siya na rin ang nagsabi noon na maghihiganti siya sakin.








"Lalong lalo na pag mahal ko..."



Nagpatuloy ako sa paglalakad. Yes, Bench isn't one of my loyal allies... In fact, he's the main enemy. The pretentious prince is the main enemy.





SPECIAL EPISODE: The flashback!


Stage 29.
mahal mo ako...





It was always those closest to us who also wished us dead.

Yun lang ang naiisip ko sa relasyon at pakikitungo naming dalawa sa isa't-isa ni Bench. Bata pa lang kami, parang aso at pusa na kami kung mag-away. Hindi kami nagkakasundo, pero close kaming dalawa.

Madalas akong umiiyak para mapagalitan siya. Oo, ganun ako noon. Alam niyo naman ang sakit ng mga bata. Martyr naman siya at sinasalo lahat ng mga paghuhuramentado ng kanyang Daddy. Close sila ng Daddy at Mommy niya... pero isang araw... nadungisan ito...

Ayokong balikan ang alaalang ito pero kailangan. Lalong lalo na ngayong nahahalungkat ito.

"Bench!" Tawag ko imbes na Benj.

"Sandali lang." Tinatalikuran niya ako para magpunta sa bahay ng mga magsasaka sa hacienda nila noon.

"Tinatawag ka na! For lunch!" Sigaw ko habang sinusundan siya.

Palaging ganito sa buong summer na iyon. Twelve years old kaming dalawa. Tuwing summer kasi, sa hacienda nila ako tumutuloy para makalaro si Eliana.

Sa pagsunod ko sa kanya, doon ko nalamang nakikipagkita pala siya sa apo ng isang magsasaka nila. Si Muse.

Si Muse. Maganda. Makinis. Kutis porselana. Maagang nagdalaga at maiksi ang buhok. Kilala ko siya kasi paminsan-minsan, nakikipaglaro siya kay Eliana. Pero yun nga lang, boring siyang kalaro dahil hindi naman talaga siya naglalaro pa... Hobby niya ang pagsusuklay, pag-aayos at iba pa.

Nagtago ako. Nakita kong binigyan niya ng bulaklak ang si Muse. Pumula agad ang pisngi nito at hinalikan siya sa cheeks!

Halos napanganga ako! God, my innocence! We were only twelve! Pero di ako umapila, nagtago parin ako at naisipang komprontahin si Bench pagkatapos.

"Bench..." Nagulat siya nang nakita ako habang papaalis na siya, isang oras ang nakalipas.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Lagot ka! Isusumbong kita sa Daddy mo!"
"Huh? Anong p-pinagsasabi mo?"
"Akala mo ba di ko nakita? Kayo ni Muse!"
"Huh?" Tumawa pa siya! "H-Hindi no! Lika na nga!" At hinila ako pabalik sa mansyon.

Ilang beses niyang pinagkaila sakin yun. >:( >:( >:(

"Sige! Itanggi mo pa Bench!" Sabi ko sa kanya nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na loob na magpakita sa kanilang dalawa habang naglalambingan.

"Denise! Wa'g ka ngang makealam. Kahit kailan ka talaga!" Sabay taboy sakin.

Nasa may batis sila ng kanilang hacienda.

"Akala niyo ba ako lang ang nakakaalam? Hoy, imbis na ako ang problemahin niyo, problemahin niyo ang mga taong nakakakita sa inyo!" Sabi ko.
"Ano naman ngayon kung may makaalam? Wala naman kaming ginagawang masama!"

Ewan ko kung bakit pero nararamdaman kong di tama yung mga nangyayari.

Mabait si Muse. May mga bonding moments din kami noon. Pero dahil sa pagiging madamot ko sa magpinsan ay hindi ko siya gaanong pinapansin. Sinumbong ko sila kay Eliana. Kaya hayun at nadulas si Eliana at pinagsabi sa mga tao sa mansyon na ganoon. Di kalaunan ay nalaman din ng Daddy at Mommy niya.

"Denise..." Tinawag ako ni Muse habang nagtatago sa mga palumpong sa hardin nina Bench. Pinagbawalan na silang dalawang magkita.

"What?"

"Pakibigay 'to kay Benj oh." Sabay abot sakin ng kapirasong papel.

Kinuha ko agad.

"Sa tingin mo, ba't ko ibibigay 'to?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Please? Kailangan naming magkita!" Sabi niya.
"Bakit?"
"Miss na miss ko na siya." Namula pa ito at ngumiti.

Hindi na nahiya. :-[

"Baliw ka ba? You're dating Benjamin Jimenez, the owner of this land. Isang malaking iskandalo 'tong pinaggagagawa niyo!" Sabi ko.
"Bakit Denise? Minamaliit mo ba ako? Porke't anak lang ako ng mahirap, ganun na agad? Porke ba't anak mayaman siya, di na pwede! Sinabi niyang mahal niya ako at ipaglalaban niya ako, papaniwalaan ko siya dahil alam kong totoo yun!"

Halos matawa ako sa sinabi niya.

"This isn't fairytale! Wake up, girl! Twelve years old pa lang tayo, sa tingin mo after five years kayo parin? Syempre hindi! Mag-isip ka! Gamitin mo yung kokote mo. Wa'g kang gumawa ng mga bagay na ikakahiya mo pagdating ng panahon." Sabi ko. >:( >:( >:(
"Mas mabuti pang pagsisihan ko dahil nagawa ko kesa sa pagsisihan ko kasi di ko ginawa!"

Umiyak siya sa harapan ko. Hindi ko ma-take! Si Bench? Si Bench na inaaway ko ay napa-inlove ang babaeng 'to!?

"N-Nagkita ba kayo ni Muse?" Pabulong na sinabi ni Bench sakin nang dumaan ako sa kwarto niya.

Bantay sarado siya ng mga guards nila. Hindi ko alam bakit di pwede sila. Pero pakiramdam ko, tama lang yun.

"Hindi." At nilagpasan siya.

Hindi ko pinakita ang papel na binigay ni Muse sakin.

"Your son is just twelve years old! Sabi ng mga katulong, nakikita nilang naghahalikan sila nung babaeng yun sa may batis. What the!" Sigaw ng Daddy ni Bench sa loob ng working room nila ng kanyang Mommy sa loob ng mansyon.

Naririnig ko sa labas. Curios lang. hehe. Di naman chismosa... Nagkataon lang na napadaan ako kaya tumigil at nakinig.

"I know... I know..." Mahinahong sinabi ng kanyang Mommy.
"He's our only son. Gusto kong maayos ang buhay niya. Hindi naman sa ayaw ko sa mga mahihirap, I don't care who he'll love... just not now! It's not the right time! Masyado pa siyang bata."
"Hindi naman siguro ganun si Benj, hon." Sabi ng Mommy niya. "But I know what you mean... I don't know if its the right thing, though."
"You heard your son, right! Nagmamarunong! Parang alam niya na lahat ng bagay sa mundo kung makapagsalita..."

Biglang pumasok si Bench na nasa likuran ko pala at kanina pa nakikinig.

"But I love her, Dad!" Aniya. :'( :'( :'(

Laglag panga talaga ako sa pangyayaring yon. Nabigla ang Daddy at Mommy niya sa pagsulpot niya bigla.

"You don't know what your talking about."

Na awa ako sa kanya. Sumasakit ang puso ko sa tuwing ganoon ang nangyayari. Para bang walang pwedeng magpaiyak sa kanya kundi ako... ako lang... ako ang gagawa ng paraan para mamulat siya sa katangahan niya. Magagalit siya sakin ngayon pero balang araw pasasalamatan niya ako lalo na pag mag mahal na siya ng iba.

"Bench..." Bulong ko. "Nagkita kami ni Muse kanina... Binigay niya sakin 'to." Yung papel.

Magkikita daw sila sa batis, bukas ng madaling araw. Syempre binasa ko muna bago ko binigay sa kanya.

Original yun kasi sulat kamay ni Muse kaya di siya nagdalawang isip. Umalis agad ako para bayaran ng 500 pesos ang taga ligo ng mga kabayo nilang si Kiko.

"Kiko... pumunta ka mamayang madaling araw sa batis at landiin mo si Muse. Halikan o yakapin mo lang ah?>:D >:D >:D
"Huh? Bakit?"
"Para matapos na ang kahibangan ni Benj Jimenez."

Siguro ay naintindihan din ako ni Kiko at sa tindi na rin siguro ng pangangailangan niya kaya't sinunod niya ako.

Commencing my devastating evil plan. :P >:D

Kinaumagahan, nagising ako sa balitang umalis na sina Muse sa hacienda. Pinalayas di umano ni Benjamin Jimenez.

Guilty ako masyado. Di bale na't buti na lang ay back to normal na si Bench na di ko naman nakikita.

"Guess what..." Sabi ni Eliana.

Seryoso habang kumakain kami ng almusal.

"Pinalayas din niya si Kiko." Aniya habang sinusubo ang sunny side-up egg.

Napalunok ako.

"At dahil dun... sinabi niya kay Bench na ikaw ang may pakana ng lahat."

Tug-tog.....tug-tog. Parang nag skip-beat ang heart ko dun ah!

May tinitignan si Eliana sa likuran kong mas lalo kong ikinakaba.

Paglingon ko... si Bench... Mukhang hindi nakatulog at nakatingin sakin ang galit na mga mata.

Umupo siya sa tabi ko na parang walang nangyari.

"Sorry... I-I did it for your own good-"
"Sino ka para idikta sakin ang nakakabuti para sakin!" Biglang-bigla ako nang sinigawan niya ako. "Do you even care, Denise? O yung kababawan at inggit mo lang ang pinaiiral mo!?"

Parang nasaktan ako dun! I care for him kaya ko yun ginawa! Inilayo ko ang babaeng maaring makasira sa magandang samahan nila ng kanyang mommy at daddy!

Si Eliana nakabasag talaga ng pinggan at baso nang narinig kaming dalawang nagtatalo!

"Kababawan at inggit!? Really Bench? I can't believe ganun ka babaw ang tingin mo sakin! Napakaengot mo at di mo magamit ang utak mo!" Sabi ko. Pinatulan ko talaga kahit na mangiyak-ngiyak ako, nasaktan sa sinabi niya. :'( :'( :-[ :-[
"Wala kang ginawa kundi makealam kahit alam kong wala kang pakealam! AHH!" Sobrang inis niya halos itapon niya lahat ng gamit na mahawakan.

Ginulo niya ang kanyang buhok.

"God, I can't believe you! Ang tanga-tanga mo! Palibhasa wala kang alam kundi mang-api! Hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng iba! Hindi ka pa nagmamahal kaya manahimik ka na lang sana!" Magwa-walk-out na sana siya...
"Balang araw, marerealize mo din na tama ang mga ginawa ko para sayo!" Tumulo na talaga ang luha ko. Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya sakin.  :-[ :-[ :-[ :'( :'( :'(




Hinarap niya ako at naglakad papunta sakin. Galit ang kanyang mga mata. Galit na galit. Sobrang inis. Gulong-gulo ang kanyang buhok. :o





"Balang araw, mararamdaman mo rin ang naranasan ko. Magmamahal ka ng sobra at mababasag ang puso mo. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako sayo... Kung hindi ko man mabasag ang puso mo tulad ng pagbasag mo sakin, babasagin ko din ito dahil mahal mo na ako."

The evil prince cursed me. :'( :'( :'(






Stage 30.
futile, too






Pagkatapos ng tatlong linggo, hindi parin pumasok si Bench. Ayokong magtanong kahit kanino kung nasaan na siya dahil alam kong ako na naman ang dahilan kung bakit siya nawala. Ayoko ring malaman ng lahat na hindi ko alam kung nasan siya.

"Ehe-Ehem..."

Hinintay kong umalis ang mga kaklase ko bago ko pinuntahan sa table niya ang professor kong paalis na rin sana.

"Prof... How about Bench Jimenez?" Tanong ko.
"Anong ibig mong sabihin?:o
"Enrolled siya sa klase na 'to pero di siya pumapasok diba?" Hininaan ko ang boses ko.
"Ah.. Hindi mo ba alam?" Nagtaka si Prof. "He's taking special classes online coz his Dad asked the school."
"Ah...:-\

Dami ko pa sanang tanong eh ayun at umalis na si Prof.

"Ang walang hiyang Bench na yun ginamit pa talaga ang kapangyarihan niya para takasan ako!?" Sabi ko kay Eliana habang kumakain ito ng crepe. "Excuse na lang sa family niyo pero si Bench lang ang tinutukoy ko."
"Paano ba naman kasi... Kayong dalawa, kung hindi nagkakasundo ng mabuti, nag-aaway naman." Umiling siya.
"Nahihiya siguro yun sa sinabi niya sakin." Sabi ko.

Natahimik si Eliana tapos nag evil smile.

"Paano kung... totoo ang sinabi ni Bench sayo?" Sabi niya.

Tinitigan ko na lang siya. Ngiting-ngiti ito habang sinisimot ng crepe niya. Pinandilatan ko na lang. >:D

"Impossible."
"Hmmmm." Nag evil smile ulit.

Pagkatapos ay nagpaalam siyang umalis. Siguro ay makikipagkita sa mystery man niya.

Ayun at sinundan ko at nakitang pumunta sa isang liblib na lugar sa school at pumasok sa tinted na sasakyan ni... TENENENENTENEN! Tama ang hinala ko. Si Yuan Tan nga ang kanyang mystery man!

Si Yuan Tan na ang alam ko ay dinidate si Tanika, really??? OMG! Sabay tingin ko sa mga taong dumadaan sa labas ng Coffee Bean. Nasa two-seater tabel ako ngayon. Para bang naiinis pag tinitignan ko ang upuan sa harapan kong walang nakaupo.

"Hey! Denise! You're alone?" Sabi ng isang friend kong sosyalera habang umiinom ng frappe niya at paalis na.
"Mmm no... I mean... Oo, pero may hinihintay ako." Ngumiti ako. Plastik.

Tumango naman yung sosyalera at umalis. Kainis minsan pag iniisip ko. Halos lahat ng tao sa edad ko ay may lovelife talaga. Kahit yung kalandian lang tulad kay Eliana... Kalandian, syempre! Kasi impossibleng legal yung kanila. Secreto iyon kaya nga patago sila kung magkita. Kung bakit sila patago, ay ewan ko na lang... Tinatamad akong makitsismis... Tinatamad akong mag move on... ewan ko kung saan.

Asan na ba kasi si Bench? Kung hindi siya umalis edi hindi sana ako mag-isa, tinatamad at walang gana?! Pero okay na rin na wala siya at walang manggugulo sakin. Kung ganun na rin man yung treatment niya sakin, mas mabuti pa sigurong wala siya.

Sina Nina, Tanika, at Abby sigurado akong nasa kani-kanilang lovelife ang mga iyon. At ngayon naman pati pa talaga si Eliana. Ewan ko lang pala kay Tanika kung nasan man siya ngayon sa lovelife niyang nag to-two-time.

"Hello there, Denise!" Biglang sumalubong sakin ang ngiti ni Brent habang nakapangalumbaba ako at nakatitig sa upuan sa harapan kong inupuan na niya.

Nakangiti ito, halos abot tenga. Nagka heart attack naman ako dun! Akala ko si Bench eh.

"Why are you here?" Tanong ko.
"Ang sama mo yatang makatingin sa inuupuan ko ah. Parang papatay." Humalakhak siya. "Missing someone?"

Tinitigan ko siya na parang papatay ng tao ulit.

"I know what you mean, Brent. And I'm not missing you're cousin." Sabi ko habang umiiling.
"Okay. Sinabi mo eh." Sabi niya at nakatitig parin sakin.
"Ba't ka nandito? At ano ang pakay mo?" Tanong ko. >:(
Tumawa ulit siya. Tawa nang tawa eh nabu-bwisit ako dito sa mga tanong at panunuya niya. "Napadaan lang naman."
"Napadaan? Bakit? Saan ka galing eh ang layo ng lugar niyo dito sa school namin ah? Ang sabihin mo, pinapunta ka dito ni Bench para sirain ang araw ko..." Sabi ko. Mas lalo siyang nakiliti. Kainis!
"Oh! Chill ka lang. Ba't mo naman maiisip yun? Ganun na ba talaga kasama si Bench para sayo?" Tumawa siya. "At kaya niya namang sirain ang araw mo, ba't ipapadala niya pa ako?"

So this means... Bench is just around the corner?

"Kasi wala siya dito..." Sabi ko.
"Do you know where he is?" Tanong ni Brent sakin.
"Nope."
"Do you wanna know?"

Napatingin ako sa kanya. Alam ko talaga ang pakay niya dito. Sigurado akong nautusan ito ni Bench na icheck kung may signs and symptoms ba ako sa pagkakagusto sa kanya.

"I don't and I don't care..." Inirapan ko siya.
"Yun ba ang gusto mong ibalita ko sa kanya?" Tanong niya. "Pagkatapos mo siyang saktan?"

WTF? Pare-pareho kayong mga Jimenez mga manloloko! Kainis! Kainis! Hindi ako makapagsalita sa inis ko. At imbes na magsasalita na ako at pakakawalan ko na sana ang mga murang nasa isip ko...

"He's in Hawaii. He'll be spending his coming birthday and most probably Christmas there... Susunod ako sa kanya sometime in December with my family. Now if you want me to tell him how much you DON'T care about him on his birthday, then it's fine with me... but I doubt if it's fine with him." Ngumiti siya.
"Kung hindi pa yun sapat para sa kanya... pakisabi na rin na tigilan niya na ang pagdadrama niya. Revenge is futile. I won't waste my time thinking about him and his whereabouts. Verbatim."
"Ang galing!" Sabi niya at napatayo na, aalis na yata. "Kilalang kilala ka na talaga niya."

Napailing si Brent. :o

Nagtaka naman ako dun... Tapos may binigay siyang mukhang invitation. Kulay pula at gold ang nakasulat. :o :o :o GALING KAY BENCH!






"Escaping from me is futile, too." Nasa gold italic letters.

At umalis na si Brent.

WHAT THE FFFF?


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText