<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 21-25


21st fall

Serene Cruz: Excuse me-

"Serene, di ka ba papasok?"

Tanong ni Sophie habang hinahawakan ang kamay ko. Mukhang okay na siya at handa ng makipagbati kay Crayon. Mabuti na lang, at least panatag na ang loob ko ngayon.

"Serene?"

"Uh, hindi na Sophie. Ikaw na lang. Dito na lang ako," Sabay tingin sa hotel na malapit sa dagat. "balikan mo na lang ako mamaya pag tapos na."

Ang ganda ng resort na `to, grabe. Kahit gabi na, makikita mo parin ang kagandahan ng paligid. Buti na lang pumayag si Mama at Papa na pumunta ako dito at mag overnight kasama si Sophie at Crayon.

"Serene, wa`g mo namang ipahalata kay Dae na may gusto ka pa rin sa kanya!"

"Eh hindi naman sa ganun, ayoko lang na makita ako ni Francine. Baka anong sabihin nun!"

"Sigurado ka bang andito nga si Francine?"

"Hindi, pero naninigurado lang!" Sabay tingin sa loob ng isang malaking bar katabi ng hotrel at mukhang marami talagang tao dito.

"O sige, wa`g kang lumayo ah! Malaki ang resort na `to, baka mawala ka."

"Oo, hindi nga eh! Magpapahangin lang naman ako."

Pumasok na si Sophie habang nakaupo ako sa isang duyan. Ang daming tao, may mga foreigners at iba pa! Katabi ko si Sophie sa pagtulog mamaya kaya hindi na nag-alala si Mama kung saan ako mapupunta.

May nakita din akong mga lovers na dumadaan sa harapan ko habang nagpapahangin ako sa duyan. Andito kaya si Francine? Kung nandito siya, ibig sabihin nagkabalikan sila. Pero pag wala... ewan ko. Sana hindi! LOL. Ba`t ko ba `to iniisip?

"Hoy Serene... gumising ka dyan!"

Naaninaw ko ang pagmumukha ni Dae habang sinipa ang duyan.

"Dae?"

Nakatulog pala ako! Agad kong kinurot ang pisngi ko para malaman kung nananaginip pa ba ako o talagang gising na!

"Kung saan-saan ka nalang natutulog! Paano kung may gumahasa sayo dito? Punasan mo yung laway mo!"

ARGH! Pinunasan ko na agad at napatawa pa si Dae.

"Yuck!"

"Ipahid ko `to sayo ngayon eh!"

"YUCK! Ang dungis-dungis mo talaga kahit kelan."

Naisip kong kutusan si Dae, kaya lang natatakot akong baka panaginip lang talaga `to tapos maglaho siyang bigla dahil napaidlip nga ako!

"Ba`t ka andito?"

"Tapos na kami dun!"

"Ahhh, asan si Franc-este-Sophie?"

"Andun parin kasama si Crayon at sina Drake."

"Nagkabati na ba sila?" Unti-unti akong bumangon at umupo sa duyan at inayos ang sarili.

"Oo. Bati na sila."

Umupo din si Dae sa mismong duyan na kinauupuan ko. TUMABI PA TALAGA SIYA AH! Kaya... ano? WAAA~

"Iniwan mo sila?"

Si Francine, iniwan mo rin?

"Oo. Kasi sabi ni Sophie andito ka raw!"

Tahimik lang ako, baka kasi ang susunod na maitanong ko eh tungkol kay Francine at mabisto pa ako sa munting pagseselos ko. KAHIT WALA NAMAN TALAGA AKONG KARAPATAN.

"Serene, kumain na tayo! Ginugutom na ako tsaka naghihintay na sina Crayon sa loob." Tumayo siya.

Sinundan ko siya sa paglalakad. Mediocre siya ngayon. Minsan sobrang sweet, minsan sobrang kulit, minsan sobrang pikon at ngayon naman mukhang may invisible wall saming dalawa. Siguro nga nagkabalikan na sila ni Francine, kahit wala si Francine dito.

Umupo kami sa isang mahabang table kung saan nakaupo na si Sophie, Crayon, Drake, Grey, at Valen. Grabe, sobrang sweet nina Sophie at Crayon! Hindi ko nga alam kung nagseselos ako o naiinggit lalong lalo na kung katabi ko lang naman si Dae. Andito kaya si Francine?

"Ginugutom na ako, ang tagal naman ng order!" Sabi ni Grey.

Ang ganda talaga dito, mejo maraming tao at may sariling DJ pa sila para sa tugtugin! Lumingon ako sa right side ko at may nakita akong sumasayaw - sa harapan. Mukha ngang nagpo-propose ang lalaki eh dahil sa dami ng rosas sa table nila. Lumingon ako kay Dae pero nakita ko siyang umalis. PHEW, wala nga si Francine!

"Saan daw...-"

"Mag c-cr lang daw siya. ayaw mo kasing makinig eh! Nakatunganga ka dun sa sumasayaw!" Sagot ni Crayon.

Tumango ako at napansin ko yung cellphone ni Dae, naiwan niya ata! Aksidente ko namang naopen ang isang message na di pa niya nababasa.

Francine: Maybe the time isn`t right yet! Kumain ka na?

Para akong kinuryente pagkatapos kong mabasa ng aksidente ang message na yun. Anong ibig sabihin nun? Siguro hindi pa sila. Pero, nararamdaman kong malapit na. Napatingin ako sa CR at nakita ko si Dae pabalik na.

Lagot!! Paano ko ieexplain sa kanya na aksidente kong na open at nabasa ang message ni Francine? PATAY AKO! Pataaaay!

"Crayon. Uh... kasi..."

"Huh?"

Ano? Pwede kayang si Crayon na lang ang umamin na siya ang may sala?

"Ano, Serene?"

"w-Wala. Kasi eh... wala."

"Naiihi ka?"

"Huh? O-Hindi- Oo!"

Nakarating na ang lintik na Dae at agad naman binuksan ang cellphone niya.

"Andito na ang pagkain! YES!"

Agad akong tumayo... pupunta ako ng CR? iihi ako? Baka maihi ulit ako sa harapan ni Dae dahil na naman sa kaba. O, pupunta na lang sa room namin ni Sophie at magkulong dun, either way tatanggapin ko! Hindi naman siguro ako mamamatay sa gutom.

"Excuse me-"

Hinila ni Dae ang braso ko.

"Pinakealaman mo ba ang phone ko?"

I sighed, ngayon sobrang pikon na siya.

22nd fall

Serene Cruz: Listen, Dae.

"Pinakealaman mo ba ang phone ko?"

"H-Hindi ko naman binasa eh. Aksidente lang." Pilit kong binabawi ang braso ko. "Dae... mag C-CR ako."

Hindi niya parin ako pinakawalan.

"Pakealamera ka talaga noh, Serene?" Nanlaki ang mata ko. Lagooot! Galit nga talaga siya.

"Psst. Dae, tama na yan. Baka maihi ulit si Serene dito!" Sabi ni Grey.

Buti na lang at pinakawalan niya rin ako at agad na akong pumunta sa CR.

Napahinga ako ng malalim pagdating ko dun. Hindi ko na tuloy alam kung babalik ba ako o hindi na! Magkulong na lang kaya ako sa kwarto namin ni Sophie? Pero nagugutom na talaga ako! Babalik na lang ako, bahala na si Dae. Ano naman ngayon kung nabasa ko nga yun? Di niya naman siguro niya ako papatayin!

Dumating na ako sa table pero di na ulit ako pinansin ni Dae. Galit ba siya sakin?

Natapos na kaming kumain pero wala parin siyang kibo. Nagpapahangin silang lahat habang pinapanood ko sina Sophie at Crayon. Nakaupo ako sa sand at nakaharap sa dagat habang pinaglalaruan ko yung bonfire na ginawa ni Drake at Valen para sakin. Mag-isa lang akong nakaupo dito hanggang sa... "Nabasa mo ba yung message ni Francine?"

Yun ba naman ang sinalubnong na tanong sakin? TORTURE!

"Huh? Hindi. Bakit? Anong sabi niya?" Tanong ko habang pinapanood ang apoy.

Umupo siya sa tabi ko.

"Tama na nga yang pagsisinungaling mo!"

"Ehhh ano ba ngayon kung nabasa ko nga yun?" Pinandilatan ko ang masungit niyang mukha.

"Ba`t ayaw mong aminin?"

"Alam ko naman kasing magagalit ka na naman."

"Kasi naman, ang likot likot ng kamay mo. Naiwan ko lang ang phone ko sandali tapos agad mo namang pinakealaman."

"Sabi ko na nga kasi sayo diba? Aksidente, okay-"

"Aksidente?"

GRRRR...

"Dae, hindi ka ba marunong makipag-usap sakin ng hindi tayo nagtatalo?"

Tumahimik siya. Bahala siya! Nakakainis! Akala niya ba natutuwa ako sa mga nabasa ko sa phone niya? Hindi ata! Kung ano man yung misteryosong text ni Francine na 'Maybe the time isn`t right yet!', alam kong hindi ko yun gusto dahil alam kong tungkol yun sa pagbabalikan nila. Ibig sabihin lang nun, magkakabalikan sila pero PA hindi ngayon!

"Nasaktan ka ba?" Tanong niyang ikinagulat ko.

HAAAAAAAY, pause. Kinukurot ang puso ko sa tanong niyang tatlong-salita lang. Ang bilis ko talagang bumigay pag si Dae na!

"Ha? ba`t naman ako masasaktan?" Kumurapkurap ako habang di ako makatingin sa mga mata niya.

"'Maybe the time isn`t right yet!'"

"Hindi. Ba`t naman ako masasaktan?"

Tumango siya.

"Nag-alala ako, baka kasi nasaktan ka sa nabasa mo."

"Hindi ah! Eto naman oh! HEHEHE. Noon, siguro masasaktan ako. Pero ngayon? Di nah." I smiled and smiled.

Di raw ako marunong magsinungaling kaya siguro mukha na akong buang dito sa paningin niya. Hindi naman siya kumibo at para bang ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko.

"Serene, ba`t ba patuloy ka paring nagsisinungaling kahit alam mong hind-"

"Juskooo naman! Paano ba ang mukha ng mga nagsasabi ng totoo dahil gagayahin ko na? Sabi ko naman sayo diba?"

"Ang gusto ko lang naman eh sabihin mo yung totoo mong nararamdaman sakin!"

"Totoo naman `to ah? Tsaka, bakit ba? Kung sasabihin kong nasasaktan ako, anong gagawin mo?"

Tahimik lang siya.

"Yun naman pala eh! WALA! So, anong mapapala ko kung aamin ako?... ehmm, kahit di naman talaga totoo! Either way, wala akong... uhm... mapapala!" Sabi ko.

JUSCOOO. I`m stuttering. Kinakalawang na ang utak ko at ayaw pang mag process. Siguro kaya hindi epektibo ang pagsisinungaling ko. I evaluated his looks. Pero wala akong makuhang impormasyon.

Kaya ang ginawa ko? Naglaro na lang ako sa apoy na nasa harapan ko. Hinagis ko ang mga buhangin sa apoy! Feeling ko Harry Potter! Parang akong gumawa ng spell o ano... Daigon Alley ba yun? HAHAHA.

"DAIGON ALLEY!"

Napalingon si Dae sakin pero binalewala ko na lang. Para naman ma paniwala ko siya na balewala lang talaga lahat ng yun.

"Daigon alley!" Inulit ko pa habang hinagis ulit sa apoy ang mga buhangin.

Napatunganga siya sakin at... "Adik ka ba?" Tanong niya sakin.

"HUH?"

"Anong ginagawa mo?"

"Wala! Ginagaya ko lang sina Harry Potter." I smiled.

"Ano? So... yung mga sumpa-sumpa na yan? Bakit? Ina-apply mo na ba sakin?"

Ba`t niya ba talaga ako laging inaaway o ginagalit? Wala naman akong ginawa sa kanya ah? Ba`t ba gusto niya lagi naming pinag-uusapan ang tungkol sa feelings ko sa kanyang nakabaon na sa limot at kahibuturan ng aking puso? (kahit hindi naman talaga totoong nakabaon na.)

"Ba`t ko naman i-aapply sayo?" Tumawa pa ako para as if mukhang joke yung sinabi niya kahit sobrang affected na.

Ganito na ba talaga pag in love? Ganito ba talaga pag in love ka sa taong mukhang di ka naman gusto pero nag-eenjoy sa paglalaro sa feelings mo?

"Malay ko."

"Hindi ko i-aapply sayo noh. Listen, Dae." Nabigla siya sa biglang pag-iingles ko at pagiging mukhang TOTOO ko. Mejo gutsy ako ngayon dahil sa mga nabasa ko kanina. Feeling ko dapat kong isampal sa kanya na wala na talaga akong gusto kahit katiting. "FIRST, IF I REALLY LOVE YOU, hindi ko idadaan sa spell ang lahat. Gusto ko, voluntary akong mamahalin ng isang tao." EHEM, 'isang tao' ang ginamit ko para di masyadong mahalata. "SECOND, that is not a love spell! Pangalan yan ng lugar na---" then I realized it was hard to explain this part lalong lalo na kay Dae na mukhang walang interes at walang time sa pagbabasa ng Harry Potter. "... basta!"

Tumahimik siya.

That`s enough. Kumuha ulit ako ng sandakot na buhangin sa aking kamay...

"Paano kung sabihin ko sayong may gusto ako sayo?"

ANO? RAW?

23rd fall

Serene Cruz: Nostalgia.

"Paano kung sabihin ko sayong may gusto ako sayo?"

Napakawalan ko agad yung buhangin sa kamay ko. Kaya lang, umihip ang panirang hangin ng malakas. Ready na talaga akong sagutin yung tanong niya, este, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya kaya ewan ko kung makakabuti ba ang pagkapuwing ko o hindi.

"ARAAAAY." Napasigaw ako dahil mahapdi pala ang buhangin pag napunta sa mga mata.

Sigaw... hanggang sa puntong pati si Crayon nag-alala.

"Serene?" Mukhang lalapit na si Crayon pero pinigilan siya ni Dae.

"Napuwing siya. Ako na ang bahala!"

WHOAPAK!

"Okaaaay. Sabi mo eh!" Hindi na tuloy ang paglapit niya.

I rubbed my eyes. Ang sakit! Sobra! Parang may bangaw na pumasok sa mga mata ko at ayaw matanggal. Parang kiti-kiti.

"Araaaaay." Mejo kumalma ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Kahihiyan kay Dae.

Lumapit si Dae sakin at hinawakan niya ang kamay ko. Linapit niya ang mukha niya sa mga mata ko. SAYANG TALAGA, di ko masagot yung tanong niya dahil ang pangit ng nangyayari ngayon!

"ARAY~!" Pumiglas ako then I rubbed my eyes again!

"Wa`g Serene. Hihipan ko na nga!"

"Ang sakit eh!"

Hinipan nga niya. WAAAW, ang bango ng hininga niya! Gusto kong magcomment pero ayaw paring matanggal ng bruhong buhangin sa mata ko!

"Ikaw kasi eh. May pa Daigon Valley ka pang nalalaman diyan, yan tuloy!"

I rubbed it again, tapos nawala ba naman! Lintik talaga. Kainis! Parang nangyari lang yun para mawala yung question ni Dae kanina. BUWISIT TALAGA.

Then I realized... nakahawak pa pala siya sa mga kamay ko at ang lapit lapit niya na sa mukha ko na kahit si Crayon at Sophie ay nakatingin na saming dalawa (sa malayo) at mukhang nag-eexpect na ng kiss!

"Okay na ba~?"

"Mahapdi pa." I rubbed my eyes again.

At sa totoo lang, wala na talaga pero ayaw ko lang na bumalik siya sa posisyon niya kanina. Kahit one moment in time lang... kahit ngayon lang, ilapit niyo po sana siya sa akin LORD.

Hinipan niya ulit kaya napangiti ako sa di malamang kadahilanan.

"Ba`t ka ngumingiti?" Nagtaka ang mokong.

"Wala. Nostalgia."

"Huh?" Hindi parin niya ako pinakawalan.

"Dae! Kumuha ka kaya ng tubig at basain mo yan noh?" Sigaw ni Crayon.

Nagtawanan pa ang buong grupo kahit malayo naman talaga sila. Nakakahiya naman kaya...

"O-Okay na ako, Dae. Sige na!" Sabi ko.

Tumango siya at umayos pero mas malapit na siya sakin ngayon kesa kanina na hindi pa ako napuwing.

"Anong nostalgia?" Tinitigan niya ang mata ko at parang tinitingnan niya kung ayos na ba talaga ako.

"HA? Ang daya mo!"

"Bakit?"

"Eh kanina, binalewala ko yung huling tanong mo kasi may distraction! Tapos ngayon, hindi mo malimutan yung huling sinabi ko kahit may distraction din!?"

"O sige nga... sagutin mo yun?"

GEEZ, how can he act like it was nothing? Parang wala lang sa kanya yung tanong niya kanina. Parang wala siyang pakealam kung ano ang sasagutin ko.

"Dae, am I that worthless for you?" Tanong ko.

OO, TANONG KO! Baka akala niyo nananaginip na naman ako dahil mukhang di ko naman talaga kayang magtanong ng ganun pero ngayon... eto ang pinaka-ayaw ko eh, yung pinaparamdam sakin na wala akong halaga.

NOTE: Lagi yun nangyayari pag kasama ko si Dae kahit noon. Pero TODO NA `TONG inis ko ngayon.

"Oi, wa`g ka ngang umiyak!"

OMY Funny Goat! IIYAK PA LANG DAPAT AKO. Nauuna na siya sa mga nangyayari.

"Dae, hindi nga... ano? Am I that..."

"Worthless?"

Nakita ko sa mga mata niyang gusto niyang takasan ang tanong ko.

"W-Wait. Sagutin mo muna yung pinakaunang tanong ko. Paano kung sabihin ko sayong may gusto ako sayo?"

Dae, of course... I`ll never tell you the truth! Are you insane? Tanong mo pa lang, maling mali na eh. Dapat 'Paano kung may gusto ako sayo?'

"Edi sasabihin ko ang totoo, na wala akong gusto sayo!"

"O, yun naman pala yung isasagot mo eh. Ba`t ko ba kailangang marinig yan? Ba`t mo gustong itanong ko ulit yan?"

"Ba`t ayaw mong marinig yan?"

"Eh kasi lagi mo namang sinasabi yan. Para kang sirang plaka~"

Natahimik ako.

"Nostalgia, what about it?"

Bumawi pa talaga ang mokong! Kaya... humanda siya. bobombahan ko siya.

"Pag malapit ang mukha mo sakin, naaalala ko yung hinalikan kita noon."

Nanlaki ang mata niya. Buti nga sa kanya! HAHAHA

"O ano? May tanong ka pa?"

"Wala. Naalala ko tuloy ang masaklap kong first kiss na naibigay ko lang naman sa isang katulad mo!"

Nagkatinginan kami. Parang gusto ko siyang sabunutan at bugbugin ng mabuti. I chop-chop at ipakain sa mga pating para makontento ako. NAKAKAINIS. Nasabi ko ba sa inyo na hindi ko masyadong namamalayan ang mga luha ko kaya ngayon, kahit kinukurot ang puso ko, hindi na lang ako humihinga dahil takot akong may makita siyang tubig sa mga mata ko.

"Ano may tanong ka pa?"

TALO ULIT AKO! Akala ko talaga mananalo na ako ngayon.

24th fall

Serene Cruz: break na ata sila.

"Tulala ka na naman diyan!" Sabi ni Sophie sakin habang inaayos niya ang kanyang mga libro sa harapan ko.

"Huh? Eh..." Tumingin ako sa paligid.

Tapos na ang mga klase ko for today at nagkasundo kami ni Dae na magkita ngayon para sa tutorial session.

"Magkikita kayo ni fafa Dae diba? Tsaka... ba`t parang di ka masayang close na kayo ngayon?"

Napabuntong-hininga ako.

"Sophie, tama kaya `tong ginagawa ko?"

"Huh?"

"I mean, yung pagiging malapit ko kay Dae ngayon. Natatakot kasi ako eh, baka umasa ako."

"Asa ka naman ng asa eh." She laughed.

"Wa`g mo nga akong pagtawanan! Noon, gusto ko na lang maging kaibigan ni Dae. Pero ngayon, nang naging kaibigan ko na siya - narealize kong sana hindi ko na lang siya kinaibigan."

She sighed.

"Kasi mas nagiging mahirap sakin ang sitwasyon. Mas natatakot na ako ngayong mawala siya sakin o makuha siya ng iba dahil ganito na siya kalapit sakin."

"Wala namang masama sa ginagawa niyong pagiging malapit sa isa`t-isa eh. Pareho naman kayong walang BF at GF."

Yun na nga ang iniisip ko eh! Pareho kaming single! Alam niyo ba kung bakit bigla nalang akong naging ganito ka paranoid ngayon? Kasi, sa bahay kami nina Dae pupunta ngayon. Doon niya raw ako tuturuan dahil baka may makakita saming dalawa dito! Isipin niyo nga, sino ba ang pagtataguan niya? Hindi ba si Francine lang naman. There is no doubt about it. Ayaw niya lang na malaman ko ang katotohanan eh. Alam ko yun kaya nga natatakot na ako ngayon. Linalagyan ko kasi ng mga meaning yung mga ginagawa namin eh, tapos sa kanya parang wala lang. Tulad na lang nung nasa Beach Resort kami. At dahil naalala ko yun, pati na rin yung text message ni Francine na alala ko na!

"Serene, andito na si Dae. Umayos ka!"

Agad kong linigpit ang mga gamit ko at ang notebook kong puno na ng drawing ng kung anu-ano.

"Sophie, hinahanap ka ni Crayon."

"Uh. Oo, teka lang..."

"Tsaka... Serene, tayo na?"

Malalim parin ang iniisip ko nang iniwan namin si Sophie at papunta kami sa sasakyan ni Dae.

Nang nakaalis na kami sa skul, "Dae, ugh, okay lang ba sa mama mo na sa bahay niyo-"

"Okay lang!"

"Uhh, ba`t ayaw mo sa library?"

Tiningnan niya ako bago tumingin sa daan.

"Kasi... uh. Bakit? Ayaw mo sa bahay?"

"Hindi naman sa ganun, pero pwede naman tayo sa library diba?"

"Uh. Kasi... wala lang."

May tinatago siya! Sigurado talaga akong ayaw niya na sa library kami dahil ayaw niyang makita kaming dalawa ni Francine.

"Dahil ba kay... Francine?"

Hindi siya umimik.

And it hurts. Of course, kahit sinigawan niya man lang ako ng mga defensive na salita wala siyang sinabi. Ibig sbihin lang nun, ganun nga.

"Hay naku Dae. Okay lang naman sakin kung every weekend na lang tayo magkikita para magtutor sakin, tutal nagpapractice din naman kayo nina Crayon. Hindi na kailangan `to."

Tumingin ako sa labas - sa mga sasakyang dumadaan.

"Baka sisihin mo pa ako pag bumagsak ka." Sabi niya habang nakatingin sa daan.

GRRR. At binalewala niya lang talaga yung sinabi kong tungkol kay Francine. Gush, I don`t like this.

Tahimik lang kami hanggang nakarating na kami sa bahay nina Dae. Nakapunta na ako dito noon, nung birthday ng kapatid niyang si Bloom. Ilang taon na rin ang nakalipas, at ang ganda ganda na ng bahay nina Dae.

Palibhasa, mayaman talaga sila. Siya pa ang bunso at pinakamamahal sa kanila. Si ate Bloom naman, balita ko kay Sophie ikakasal na daw siya.

"Serene, ang bagal mong maglakad!"

"Uh, sorry." Hinabol ko siya.

"Wala ba ang mama at papa mo?"

"Nasa trabaho pa sila."

Binuksan ni Dae ang pintuan. At grabe, sobraaaang laki na talaga ng bahay nila. Nakita ko ang maraming frame sa dingding na nakasabit. Isa-isang portrait ng magkakapatid. Una si Arthur, sunod si Haji, sunod si Ate Bloom, huli si Dae. Bunso si Dae kaya siya ang pianaka-spoiled sa kanilang apat. Tsaka, siya na lang rin ang nag-aaral sa kanilang lahat.

"HELLLOOOO~!"

Bumulaga sakin ang isang magandang babae. Si Ate Bloom na kapatid ni Dae habang nagkalat sa living room ang mga magazine at may mga tao ring mukhang susukatan siya ng gown.

"Serene, ikaw ba yan?"

"Uh... Oo." I smiled.

"Serene, dito ka muna. Magbibihis lang ako." Sabi ni Dae habang dumiretso na sa kwarto niya.

"HUY DAE, ang snob mo talaga!" Sinigawan ng kanyang ate si Dae ng pabiro.

Kahit na nasa harapan ko ng ang mga sofa, ayaw ko paring umupo. Tinitigan ko si Dae habang umaakyat siya sa bonggang hagdanan ng kanilang bahay.

"WAHAHA. Buti andito ka Serene. Siguro dinala ka dito ni Dae dahil alam niyang invited ka talaga sa kasal ko. yeheyyy, sukatan niyo siya ng gown, DALI!" Sabay turo sakin at nagdagsaan naman sila at sinukatanb ako.

Wow. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Nagdadalawang isip tuloy ako kung umiiwas ba si Dae na makita kami ni Francine o sinadya niya `to?

"Kamusta ka na?" Umupo siya sa sofa habang nakatayo ako at sinusukatan na parang manika. "Ang ganda-ganda mo na ah." Tinulungan niya ang katulong nilang ilapag ang juice sa mesa.

"O-Okay lang." Ngumiti ulit ako at mejo naiilang pa sa kanya dahil ang tagal na naming di nagkikita.

"Anong okay lang? Kwentuhan mo nga ako?"

"Ehhh, wala naman kasing masyadong nangyari sa America eh. hehe, nag-aral lang ako tapos nagpalamig. hehe."

"Ganun ba? Taposss? Ba`t kayo andito ni Dae?" Ngumiti siya na para bang may masamang binabalak.

"Wala. Tutorial, hehe, alam mo na, Math." I tried to calm my self.

"Owww. Tapos, hindi ba nagseselos yung selosa niyang girlfriend?"

Nabigla ako. Dahil kilala niya pala si Francine. Of course naman, dapat lang kilala niya yun noh! Tsaka... hindi niya alam na nagbreak na sila?

"Ang totoo... break na ata sila."

"OWWWW." She frowned. "Ba`t di niya sinabi sakin."

Just as I thought, mukhang hindi pa talaga tanggap ni Dae ang kinahinatnan nila ni Francine.

"Tsk. Si Dae talaga. Siguro gusto ka na niya ano?" Tumawa siya.

"H-Hindi ah."

"Siguro nasakal siya sa Francine na yun? HMMMM." Nag-isip ng siyang mabuti. "Di bale... baka mainlab si Dae sayo. HAHAHA Naku... masaya yun!"

Naaalala ko tuloy na alam ng buong pamilya ni Dae ang feelings ko sa kanya. WAAA~

"Malaaaabong mangyari yan!"

Napalingon kaming dalawa ng ate ni Dae sa likod, at nakita ko siyang naka pambahay habang nakasandal sa gilid ng piano.

Ang gwapoooo niya. Kahit pambahay yung damit. WAAA~! Ang ganda-ganda. Kaya lang, nakakainis yung banat niya.

25th fall

Serene Cruz: Nakikinig naman ako eh.

"Malaaaabong mangyari yan!"

GRRR.

"Pssst. Sige ka, pag mainlab ka kay Serene di kita tutulungan." Tumawa ang ate ni Dae.

"As if naman magpapatulong ako sayo."

Nanlaki ang mata ko sa di malamang kadahilanan at agad napansin ni Dae. Siguro dahil sa sinabi niyang 'magpapatulong'.

"Tsaka, as if naman ma-iinlove nga ako sa kanya."

"Huy Dae, don't be rude."

Pasalamat ka talaga Dae at andito ako sa pamamahay niyo kaya di ko pwedeng labagin ang human rights dahil kaharap ko ang ate mo. GRRR.

"Ang ganda ganda na ni Serene ngayon, di mo ba napansin?" Ngumiti ang ate ni Dae sakin na para bang nangangampanya siya sa isang walang pag-asang kandidato.

Ininom ni Dae ang juice na para sana sakin.

"Hindi eh. Too bad." Ngumiti siya at, "Serene, lika na. Ano bang hindi mo naintindihan kanina?" Naglakad siya patungong garden nila habang nasa pockets ang mga kamay niya at para bang alam ko nang kailangan ko siyang sundan.

"Excuse me." Ngumiti ako kay Ate Bloom kahit na mejo gumagalaw na ng mag-isa ang mga muscles ko sa mukha dahil sa inis.

"Go Serene, kaya mo yan. Wa`g kang sumuko sa Dae na yan ah. Sayo lang ako boto." Ngumiti rin siya.

At sinundan ko na agad si Dae. Parang ang sarap niyang sipain. huhu. The whole world wants me to be with Dae, pero... ayaw parin ni Dae sakin. Mas okay yung storyang mala you-and-me-against-the-world kay sa sa me-and-the-world-against-you kasi kahit saang angulo tingnan, worth it pag nasaktan ka dun sa una. HAAAAY.

"Serene, nakikinig ka ba?" He sighed, at napatingin ako sa mukha niya. "Ano bang maganda sa mga bulaklak na tinititigan mo at kulang nalang eh mapuwing ka ulit?"

"Huh?"

Kanina pa pala ako nakatitig dun sa mga bulaklak habang nag-rereflect sa mga nangyayari. Dae flipped the pages of the book.

"Ngayon, hindi ka na sa mukha ko natutulala. Imbis na mag improve ka, parang... nagiging mas malabo ka na."

"Huh? Pwede ba, Dae? Tigilan mo nga yang pagiging vain mo diyan." Pinandilatan ko siya.

Masyado na talagang lumalaki ang ulo niya. ANG HIRAP TALAGA PAG ALAM NG CRUSH MONG CRUSH MO SIYA.

"Totoo naman eh. Nasasayang lang yung laway ko dito dahil turo ako ng turo samantalang nag d-daydream ka lang dyan."

"Anong daydream? Hindi ah. may iniisip lang ako."

"Pareho narin yun."

Nagkatitigan kami at ni isa samin ayaw bumitaw sa titig.

"OOOOYYYY. Kayo haaaa~" Pareho kaming lumingon sa loob.

Nakatingin pala at nakabantay si Ate Bloom saming dalawa. Kinindatan niya pa kami saka nagfocus siya ulit sa mga magazine.

"Dae, sige na. Turuan mo na ako." Kinuha ko yung libro sa kanya.

Huminga siya ng malalim at padabog na binigay ang lahat ng libro, "Kanina pa kita tinuturuan dito tapos di ka nakikinig."

"Nakikinig naman ako eh."

"Sige nga, ano yung tinuro ko?"

"Uhh-"

"Kita mo na. Kung gusto mong mag daydream, sabihin mo na lang."

Ba`t ba lagi na lang talaga kaming nagtatalo. Sino ba talaga ang may kasalanan saming dalawa pag nagtatalo kami?

Tumayo siya at pumasok sa loob dahil mukhang napansin niyang dumating na ang kanyang mama at papa. Close talaga si Dae sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa papa niya. Sinundan ko siya para naman makita ako ng mga magulang niya.

"Serene, andito ka pala." Sumulyap ang ang mama ni Dae sa kanya. "hmmm, tutorial?"

"Opo." Ngumiti siya.

Ang papa naman ni Dae, dumiretso na sa kwarto at mukhang pagod na pagod.

"Sorry ah, pagod kasi siya." Sabi ng mama ni Dae sakin nang napansin niyang sinundan ng mga mata ko ang papa niya.

Napahinga ako ng malalim, "Okay lang po." Kinabahan ako dun, akala ko di nya ako nakilala.

Mabait kasi ang papa ni Dae eh. Tsaka feeling ko kailangan kong magpabango sa kaniyang pamilya. HAHAHA >:D

"Serene, lika na!" Sabay kaladkad sakin.

"Dae, dahan-dahan naman." Sigaw ng mama niya.

"OPOOO." Pero patuloy parin akong kinaladkad.

Buti na lang at pagdating namin sa garden, tinuruan na ako ni Dae. HAAAY, at least hindi waste yung pagpunta ko dito. Kahit di ako napansin ng papa niya. HEHE

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText