<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

F-arcs


F1.Ideal Girl






Naweirduhan ako sa biglang pagpapakilala sa akin ni Kitchie San Juan. Tulala nga ako hanggang paglabas ng room. Kung di lang ako kinalabit ni Emily at binigyan ako ng weirdong tingin habang nakasalubong namin si Jason ay hindi na talaga ako mag iisip pa ng kahit ano.

"Alis na kami ni Jason, bye!"
"Uy... Teka... Maxine, pupunta kami ng Starbucks baka gusto mong-"Siniko ni Emily si Jason at ngayon, silang dalawa na ang may weird na tingin.

May tiningnan sila sa likuran ko kaya pati ako`y napatingin.

Si Chad!!!

Pero bago ko pa ibinalik ang tingin ko sa kanilang dalawa, nawala na sila ng parang bula. Mukhang alam din ni Emily na mejo malapit kami ni Chad nung highschool ah?

"Maxine..."
"Hi!"

Ngumiti siya. :D

"Kanina pa kita hinihintay."

NAGHIHINTAY SIYA!? OMG!

"Uh... Bakit?" :o ???
"Uhm... wala lang. Uuwi ka na ba?"

Sabay kaming naglakad.

"Hindi pa."
"Ganun ba? Wanna grab a bite?"

Grabe! Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon!

"Sure..."

Nahiya ako nang inimbitahan ko siyang kumain ng cake sa malapit na pastries shop sa school namin. Nalaman ko kasing hindi pala mahilig sa sweets si Chad. Pero sabi niya, okay lang naman daw.

"Kamusta ang first day of school?"
"Okay lang naman... nagkaroon ako agad ng mga kaibigan!"
"Oo nga eh. Napansin kong may kasama ka nga kanina. Kilala mo pala si Jason? Kaklase ko siya."
"Ah! Kaibigan yun ni Emily, yung kasama ko kanina." Sabay subo ko sa chocolate cake ni niorder ko.

Si Chad naman, umiinom ng kape.

"Buti na man. Wala ka kasing masyadong kaibigan sa mga kaklase mo kaya nag-aalala ako."

NAG-AALALA! Concern si Chad sakiiiin? Halos matunaw ako sa ngiti at mga tingin niya nang natigilan ako pagkasabi niya nun.

"Oo nga eh. Hindi naman kasi ako ganun ka-friendly. Nahihiya kasi ako eh."

Pagkasabi ko ng friendly, naalala ko si Kitchie.

"Kilala mo ba si Kitchie San Juan?" Tanong ko.
"Catherine San Juan? Yung nanalong Miss Teen?"
"Oo."
"Oo. Kilala ko siya. Nagkakilala na kami simula highschool dahil siya ang representative sa school nila. Nakikita ko rin siya tuwing lumalabas kami ng mga kaibigan ko. Tsaka family friend."
"Ahhh. Sikat pala talaga siya. Nagkakilala kami kanina sa school. Mag kaklase kasi kami."
"She`s a good influence. Maganda, matalino, mabait, bagay kayong magkaibigan nun."

Ngayong sinabi yun ni Chad, naiisip ko tuloy kung ano ang tipo niyang babae. Bakit hanggang ngayon di pa siya nag kakagirlfriend? O baka naman nagkagirlfriend siya bago ako lumipat nung Junior years namin? Hindi naman siya tulad ko na school-bahay lang ang buong buhay. Lumalabas siya diba? Nagba-barhop tulad ng iba kong mga schoolmates. Bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend?

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

Nasobraan yata ako sa pag-iisip kaya napatunganga ako sa gwapong mukha ni Chad.

"Uh... Wala. Uhm... Iniisip ko lang kung... uh..." Nakakahiya naman `to. "Ano`ng tipo mong babae..."

Natawa siya at mukhang natuwa sa tanong ko.

"Hmmm. Yung simple lang." May bahid parin ng halakhak ang kanyang sagot.
"Simple? Kung ganun, gusto mo yung mga simpleng babae sa school?"

Hindi ko naman alam kung bakit ko yun natanong. :o

"Hmmm. Kasi para sa akin. Di naman talaga kailan na may standards or something like that. Kung gusto mo ang isang tao, gusto mo siya. Kung mahal mo siya, mahal mo nga siya kahit anong standards pa meron ka balewala na yun."

Napatango ako sa sinabi ni Chad.

"Ang lalim..." :o

Nagtawanan kami. ;D ;D ;D

Gusto ko sanang magtanong kung bakit wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon, kaya lang biglang nag ring ang cellphone ko.

*KRRRRRRRRRRRRRRING!*

Unknown number.

F2.FHM Model





Cancel!

"Sino yun?"
"Uh, unknown number eh."

Ngumiti siya. :o

"Dami sigurong nagtitext sa`yo at nakikipagkaibigan." Sabay tingin niya sa phone ko.
"Wala no. Wala rin naman kasing nakakaalam masyado sa number ko."
"Ah! Now that you mentioned it. Can I have your number?"

OH MY! Eto na talaga! Nafifeel ko na magkakaroon na kami ng development ni Chad koooo!

"Sure!" :D

Habang linalagay ko ang numero ko sa phone ni Chad, nag-ring ulit ang cellphone ko.

Unknown number ulit! Masagot nga at nang mapagalitan ko.

"Excuse me." At pumunta ako ng CR.

"Hell-"
"Hello?" Narinig ko ang boses ni Brent. "Ba`t di mo sinasagot ang tawag ko? Asan ka na?"
"BRENT CRUZ?"

Saka ko naalala na ihahatid niya nga pala ako sa bahay.

"Saan mo nakuha ang numero ko?"
"Hindi yan ang tanong! Ang tanong ay kung nasaan ka na."
"Hay naku! Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka na. At kung nagmamadali ka kasi may lakad ka... Edi umalis ka na. Wa`g mo na akong hintayin, pwede?" :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; ">
"Ang taray mo naman. I know where you are, Maxine. Binibigyan lang kita ng pagkakataong makasama si Chad. At ngayon, pinapaalalahanan lang kita na mag a-alas syete na at nandito ako sa Arts Parking Lot sa loob ng school, naghihintay sa`yo. Kailangan mo ng pumunta dito o ako ang pupunta diyan at masisira pa ang diskarte mo sa kanya."
"WHATEVER, BRENT!"

Binabaan ko siya ng phone! Bakit ang hilig-hilig niyang magbanta. Akala niya namamanipula niya ang lahat sa mga banta niya? Grrr! Pero Okay,tama siya, mag aalas syete na nga. Kailangan ko ng pumunta sa kanya. Hindi naman sa pinagbabawalan akong umuwi ng gabing-gabi na, kaya lang dahil sa malayo ang bahay namin, ako na mismo ang may gustong umuwi ng maaga.

Nakabalik na ako sa table namin ni Chad. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na si Brent ang kasama ko pag-uwi o hindi.

"Chad, kailangan ko ng umuwi."
"Ah, sure! Gusto mo ihatid kita?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong isagot eh.

"O, susunduin ka ba?" Sabi niya sabay tingin sa phone na hawak-hawak ko.
"O-oo eh. Babalik na lang ako ng school." :-X
"Ah, sige."

*1 message received*
Unknown number: Save my number, aryt?

Kapal muks talaga `tong si Brent! GRRRRR!

Lumabas na kami sa pastries shop ni Chad at hinatid ako sa gate ng school.

"So... sige, papasok na lang ako sa school, Chad! Salamat ng marami!" Ngumiti ako.
Tumango siya, "Sige, you take care okay?" Tumingin siya sa paligid at parang hinahanap ang sundo ko. "Hope this will happen often."

KYAAAAAAAA~! Sana lamunin na ako ng lupa! Uminit ang pisngi ko at biglang kinabahan. Ang laki ng ngiti ko! Sa labas kasi nakapark ang sasakyan ni Chad kaya di na siya papasok.

"I`ll text you now, so you can text me when you get home, okay?"
"Okay!"

Hinintay niya akong makapasok sa loob ng school bago umalis.

Nang naramdaman kong nakaalis na siya, saka ako tumakbo patungong parking lot. Malayo pa lang ako nakita ko na si Brent na nakasandal sa itim niyang Porsche at si... (sino `tong babaeng matangkad na `to at maganda mukhang modelo na hindi naman si Lia?) nakasandal sa kanya. Ang sweet ng dalawa, halos maghalikan na! Nawalan tuloy ako ng ganang tumakbo at magmadali patungo dun.

Hinihingal pa ako nang nakita niya ako at bahagyang lumayo sa babaeng modelo. Sino ba `to? Ang ganda niya ah. Kamukha nung nanalong Miss Universe.

"Wow... Sana pala mejo tinagalan ko pa."

Ngumisi si Brent, umirap naman ako. Hindi ko talaga maiwasang humanga sa legs ng kasama niya. Hindi siya kasing puti ni Lia kaya lang ang ganda talaga ng hubog ng katawan niya, at maganda pa siya! Sexy! Gorgeous!

"I should go now..." Nakangiti ang babae habang kinikindatan si Brent.

Hinalikan pa niya si Brent! Habang ngiting-ngiti ang manyakis!

Nawala din ng parang bula ang babae. At sinubukan akong akbayan ni Brent pero di ko siya pinagbigyan.

"Brent, tama na nga yan! Flirt! Manyak! Pwede ba!? Wa`g mo nga akong hawakan. Wa`g kang ngingiti-ngiti diyan! Nakakainis ka!"

May isang parte saking gumuho nang nakita kong naghalikan silang dalawa. Grrr! Kasi naman, pinagbigyan ko siya kanina nang nakita ko silang dalawa ni Lia kasi hindi niya naman ako nakita. Baka ayaw niyang makita ko siya na may kasama. (Ano ba `tong iniisip ko? Hindi ko alam kung bakit binibigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong mag-isip ng ganito. EWWW) Pero nang harap-harapan ko siyang nakitang hinalikan nung babaeng yun, gosh! nainis ako!

"Hindi ako tulad ng mga babae mo!"
"Sinong nagsabi sayong tulad ka nila?"

Binuksan niya ang pintaun sa front seat.

"Get in. Let`s go home."

Sa ilang sandali ng pagsimangot ko habang nakatingin sa kanya, naisipan ko kung bakit ako nagpapaapekto sa kanya. Ano naman ngayon? Pero sana tumahimik na lang `tong si Brent! Mas gusto ko pang tumahimik siya kesa sa marinig ko yung mga pambobola niya.

Pumasok ako at sinarado niya naman agad. Pagkapasok niya, inayos niya ang seatbelt ko. Gusto ko sanang umangal pero masyadong malakas ang dating ng kanyang kilos para mapaangal pa ako.

"Ang kapal din ng mukha mo no? HALATANG-HALATA na ang mga pambobola mo, nambobola ka parin. Ang tanga naman talaga ng mga babae ngayon. Sobrang tanga! Sayang, magaganda pa naman."

Ngumiti siya habang pinapaandar ang sasakyan.

"Sino yung kasama mo kanina? Akala ko si Lia ang girlfriend mo?"
"I told you... Wala akong girlfriend?"

SHUT UP! Anong tawag mo dun?

"Amanda Myers."
"Amanda Myers?" :o

Mukhang yun yung bagong modelo sa isang alcoholic drink ah?

"Model... Wow!" Sarcasm. "Sayang, nagpauto." Sabay tingin ko sa labas.

Paalis na kami ng school.

"FHM model."

Tiningnan ko siya. Nakangisi siya.

"Wow! Pinagmamalaki mo talaga ah? Syempre! Ang gaganda kaya ng mga babae mo? Tapos nakita pa kita kanina kasama si Lia. Ano ba yan, my gosh!"
"Lia`s a friend." Nakangisi parin siya.



Ngisi nang ngisi ang mokong at ako naman napapagod na sa kakasimangot!



"You sound jealous." Ngumisi siya at tumingin sakin paghinto ng sasakyan sa pulang traffic light.


F3.Brent-resistant





"Hindi... ako... nagseselos!"
"At anong tawag mo diyan?" Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang di maipinta kong mukha.
"Naiinis lang ako kasi ang dami-dami mong babae! Iba-iba-"
"Isn`t it the same thing? Naiinis ka sa dami ng babae ko, nagseselos ka nga!"

Umirap na lang ako pagkatapos naming magtitigan. Alam kong di ako mananalo sa pinagtatalunan namin. Sa kanya? Ako? Mananalo? Wala nag mas magaling pang bumaluktot ng istorya sa kanya!

Naramdaman kong tinitingnan-tingnan niya ako sa salamin.

"Tumigil ka nga!" Sabi ko.

Tumawa siya ng marahan.

"Ano bang nakakatawa?"
"Oh yes, of course! Di nga naman pala nakakatawa ang pagseselos mo!"

Dahil gigil na gigil na ako habang pinipigilan ko ang sarili kong magalit, pero ginagalit niya parin ako, binatukan ko na siya!

"Aray naman!"
"Yan ang bagay sayo!"

Lumiko ng konti ang sasakyan niya pagkabatok ko. Halatang nabigla siya. Pero nakangisi parin siya kahit ginawa ko yun.

"Mababangga tayo nito."
"Mabangga na kung mabangga! Wa`g ka ngang masyadong feeling, Brent! Hindi ibig sabihin na dahil gwapo ka, eh mabibilog mo na ang utak ng lahat ng babaeng makilala mo!"

Tumingin siya sa akin nang nakangisi ulit. Bakit ba hindi matanggal-tanggal ang ngisi sa mukha niya?

"So, inaamin mo na gwapo ako?"
"OMG! Tingnan mo nga naman kung gaano ka ka puno sa sarili mo? Ang whole point ko naman dun ay na hindi ako magpapaapekto sayo! Hindi ako nagseselos at hindi ako naniniwala sa kahit anong kasinungalingan mo! YUN ANG POINT DUN! Ang MAIN IDEA ay ang pagiging FLIRT-PROOF at BRENT-RESISTANT ko! Hindi yung pagiging gwapo mo!"

Umirap ako at tawa siya nang tawa.

"Okay! Chill! I got your point! HAHA! Flirt-proof, Brent-resistant!? The precise reason why I like you..."

Grabe! Pwede lumabas ako dito sa sasakyan niya habang nakaandar? Bakti ba kasi halos mag iisang oras ang byahe galing skul patungong bahay? Hindi ko talaga kayang magkasama kami ni Brent ng kahit limang minuto man lang. Hindi pwedeng hindi ako mainis sa tuwing nagkakasama kaming dalawa!

"...a lot."

Umiling na lang ako.

"Hay! Ilang babae na kaya ang nasabihan mo niyan ano? Anyway, wala akong pakealam kung ilan at kung sinu-sino! I don`t care."

*1 message received*
Chad: You home? Ü

Napangiti ako pagkabasa ko nun.

"So... anong ginawa niyo ni Chad sa date niyo?"
"Date? Hindi kami nag date! Kumain lang kami."
"Okay, so kamusta yung pag kain niyo?"
"Ba`t ka interesado?"
"Alam niya bang ako ang maghahatid sa`yo sa bahay niyo?"

Pagkatanong niya nun, kinabahan ako. Baka kasi dahil ayaw kong malaman ni Chad na si Brent ang naghahatid sa akin, eh gagawin niyang pang blackmail yun.

"Hindi, pero sasabihin ko rin sa kanya. Di naman kasi masyadong importante."
"Knowing him, he probably offered to bring you home." Sumulyap siya sa akin.

Guilty tuloy ako sa inisip ko kanina.

"Oo. Pero di ko naman kayang abalahin pa siya alam kong malayo ang bahay nila, di tulad mong nasa unahan lang ng Domino Heights. Atsaka, sigurado akong iintrigahin na naman ako nina mama at papa."

Ligtas kasi si Brent dahil kilala na siya.

"Natatakot ka bang magselos siya pag nalaman niyang ako ang naghahatid sa`yo?"
"Hindi! Bakit naman yun magseselos eh wala naman siyang gusto sa akin at wala namang namamagitan sa ating dalawa! DUH!"

Ilang sandaling katahimikan.

Tumitingin-tingin na lang ako sa labas at binibilang ang mga posteng dinadaanan.

Nag reply ako kay Chad.
Maxine: Almost there. Thanks! :)


"Ang harsh mo naman sa akin! Kelan mo kaya mararamdamang gusto mo talaga ako at hindi yung si Chad na yan?" Nagsalita din siya. Hindi ako makapaniwalang yun ang laman ng utak niya sa ilang sandaling katahimikang yun.
"My gosh! Tanong ba yan? Obyus naman na kahit sinong babae... pwera na lang sa mga nabibilog mo... mas pipiliin si Chad kesa sa isang playboy na tulad mo!"

Tiningnan niya ako at hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko ang pintuan at...

"Bye, my favorite girl!" Kumindat siya.
"Bye!" :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; ">
"How cold..." Ngumisi siya.
"Ganyan talaga ang turing ko sa mga playboy." Tinaas ko ang kilay ko. 8)
"You`re gonna fall in love with me, Maxine Alvarado."

Halos tumindig ang balahibo ko at kinabahan ng todo-todo pagkasabi niya nun. Paano ba naman kasi, para niya akong sinumpa!





"I won`t fall for you... ever, Brent Cruz!" At padabog na sinarado ang pintuan.



Pumasok ako agad sa bahay. Narinig kong umalis na ang sasakyan niya.




*1 message receive!*
Brent: Let`s see bout that! :D" title="" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; ">



Shivers down my spine. I`m cursed, am I not?


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText