<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 21-25


SIGN 21~
Summer: AWWWW SURE!







Napahinga ako ng malalim pagkatapos kong ilublob ang buong katawan, pati ulo, sa bath tub. Matutulog ako ng maaga ngayong gabi, I don't wanna be disturbed by anyone.

"I don't believe in love anymore." I sighed. "Ridiculous."

Kakabasa ko pa lang sa 24 signs. And yes... I don't believe in LOVE anymore, pero naniniwala ako sa mga signs na yun.

*KRRIIIIING*



Narinig ko ang cellphone kong nagri-ring kaya umalis ako ng banyo. Nakatuwalya lang ako at syempre, underwearssss.

"Hello?"
"Summer, ba't ngayon mo lang sinagot? Halos buong araw akong tumatawag sayo ah." Sabi ni Kevin. "I'm missing you so much."
"Kevin... Let's move on. Please move on."

Naramdaman kong biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Paglingon ko naman sa pintuan, biglang nahulog ang tuwalya ko.

Binuksan nung pumasok ang ilaw ng room ko.

"Oh! Ikaw pala-" T'was Kyla.
"Kyla! Sabi ko, may nakacheck-in na diyan!" Sigaw ni Lex sa labas.

Hindi makatingin ng diretso si Kyla sakin. So what kung naka bra't panty lang ako? Babae ka naman ah? Tsss. LOKA talaga ako. Pinatay ko ang cellphone ko kahit di pa ako nagpapaalam kay Kevin.

"Kyla... Si Summer ang-" Pati si Lex na bigla ding pumasok eh na tigilan ng tingnan ako.

I sighed. MGA GAG0!

"Sorry." Sabi ni Lex.

Pinulot ko ang tuwalya at linagay ko na lang sa shoulders ko.

"Ngayon ko lang nalamang pwede pala kayong maging akyat-bahay." Linapag ko ang cellphone ko sa mesa.

Ginamit ko na rin ang tuwalya para patuyuin ang buhok ko habang ang dalawa naman ay parang istatwang nakatayo malapit sa pintuan.

"Uhmm, I'm sorry. Kinuha ko yung duplicate keys. Kala ko kasi nagsisinungaling si..." Tinakpan niya ang mga mata ni Lex. "... Lex. I'm sorry, Summer."

"Awww, how sweet..." Binulong ko ang sarcasm na `to sa sarili ko. "Ahhh, I mean... It's okay!" Ngumiti pa ako.

Kinaladkad niya si Lex papalabas ng kwarto.

"Sorry, Summer? NYENYE~" Ginaya ko ang boses ni Kyla habang pinapatuyo ang buhok ko.

I stopped.

"HAY! Ano na ba tong nangyayari? Ba't ako naiinis sa Kylang yaon? I can't be jealous!"

I sighed. Grabe, indi pwedeng ganito na lang. Di pwede noh!

At dahil sa pagdadamdam ko sa bagay na hindi ko pa malaman kung ano na ba talaga, eh nakatulog na ako.

"AYYYY!" Sigaw ko.

Muntik na kasing mahulog ang platong linilinisan ko. Maaga ulit ako sa trabaho at nagbabakasakaling maaga na rin akong matapos, di tulad kagabi.

"Oi dai, diba sinabi ni Sir Lex na wala kang duty ngayon?" Sabi ng manager namin.
"Ahhh-"

"Andito ba si Summer?" Malayo pa lang, narinig ko na agad ang mala anghel na boses ni Kyla.

"Yes?" Agad ko siyang hinarap.

Kasama niya si Lex. Nakataas na ang kilay ni Lex nang nabaon ang mga mata ko sa kanya.

"May trabaho ka ba?" Tanong ni Kyla.
"Wala siyang trabaho... day off niya ngayon."
"Uhh. Yeah. Wala naman."
"Ahhh."
"Bakit? Anong gagawin niyo ngayon? Pwedeng sumama?" Sumulyap pa ako kay Lex at tiningnan ang ekspresyon niya.

Ewan ko pero napangiti ang kumag habang tumitingin kung saan saan. Hinawakan naman ni Kyla ang braso niya pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko.

"Uhhh. Mag vi-videoke lang sana kami." Sabay turo sa videoke room ng restaurant.
"Oohh! Okay lang bang sumama?" I smiled and evil smile.

Tumingin si Kyla kay Lex, "Okay lang ba?"

Nagkibit balikat si Lex. Kung ayaw niya, eh sabihin niya na lang! Madali naman akong kausap eh. Pero sa puntong ito, di ko kayang umurong. Ayokong umurong. Pakapalan na ng mukha ang labanan dito at wala akong pakealam kung anong maging reaksyon ng dalawa.

"O sige... Sumama ka." Kyla smiled. "Para masaya." She glanced at Lex.

Sumunod ako sa kanilang dalawa kaya lang biglang tumigil si Kyla...

"Uhhh. Pwede favor?" Hinintay niya ang sagot ko.
"Uhm sure!"
"Pwede uhm, dalhan mo kami ng... dalawang halo-halo, juice, ano pa ba...? Hmmmm- Mamaya na lang ang iba." She smiled.
"AWWWW SURE!"

Tumalikod na ako bago ko pa maipakita ang pinaka panget na ekspresyon ng mukha ko. AYYYY! At talagang sinabi pang 'mamaya na lang ang iba', ibig sabihin lang nun eh marami pang susunod. Si Lex naman, mukhang natutuwa sa biglang pagbabago ng mga reaksyon ko at hinahayaan ang pag-iinarte ng ex niya. NAKUUUU!

Humanda yung Kyla na yun, dapat may ma achieve si Lex na isang sign ulit para maging akin na siya. WAHAHAHAHA.

LOL. SUMMER! NUKABA! Pero, hindi eh. Talagang... nakakainis. HAAAAAAAAAAAAAA~ Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. I'm not in lurveee! I don't believe in love anymore. I'MMMM JUST... INSECURE!? Eto ang unang pagkakataong na associate ko ang sarili ko sa word na insecure!

Ay ewan! Basta... HUMANDA SILA! HUMANDA SI LEX, gagawa siya ng sign sa ayaw't gusto niya. HUMANDA SI KYLA, pababagsakin ko siya.



SIGN 22~
Summer: Talagang di ko yun sinadya.







"Humanda na talaga yung Kyla." Sabi ko sa sarili ko habang nanginginig na sa gigil ang kamay ko.

Pumasok ako sa loob ng videoke room at naabutan kong kumakanta si Kyla.

Linapag ko ang mga dala ko sa table. At talagang sinadya kong magbuhos-buhos pa ng juice sa harapan ng dalawa para masabuyan ko ng juice si Kyla. HA HA HA. I'm the evil witch!

"AHHHH~!" Sigaw niya ng nakamicrophone nang nagtagumpay ako sa mga evil plans ko.

Agad tumayo si Lex para tumulong sa pagpunas sa basang-basang dress ni Kyla.

"S-Sorry." HAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0">
"Awwww. O-Okay lang."

Nakatayo ako habang nag pa-pa-as if na nagpapanic habang pinapanood ang dalawa na nagtutulungan sa pagpunas ng damit ni Kyla.

"Naku... Sorry talaga." 8)

Sumulyap si Lex sakin kaya todo ang pagbibigay ko ng nakakaawang ekspresyon.

"Ikaw? Na basa kaba?" Tanong ni Kyla sakin habang tinitingnan ang damit ko.
"Hi-Hindi naman..."
"Summer, kunan mo nga ng damit si Kyla sa kwarto niya." Sabi ni Lex sakin, seryoso.
"Hu- owkaaay."
"Wa'g na, Summer~!" Singit ni Kyla. "Okay na `to Lex, di naman ako masyadong nabasa eh. Okay lang, Summer. Wa'g na."
"Okay!"

I smiled secretly. Pero unti-unting napawi ang ngiti ko nung na rerealize na mukhang nagmomoment ang dalawa habang nakatingin ako sa kanila.

"Ui... Ehemmm. Sinong susunod na kakanta?" Tanong ko.

Umayos silang dalawa at halatang di parin comfortable dahil sa nangyari.

"Hindi naman kumakanta si Lex eh."
"Haaaaa?"
"Yep... Kaya, ikaw ang susunod."

Naguguluhan ako ngayon.

Una, naiirita na ako sa kabaitang ipinapakita ng Kylang eto. Alam kong di niya naman alam na sinadya ko yung kanina, pero dapat nabadtrip na siya ngayon dahil dun.
Pangalawa. For God's sake, I'm targeting '6. kinanta niya ang kantang gusto ko.' Paano niya kakantahin ang gusto ko kung di naman talaga siya kumakanta? At mukhang bad trip pa siya dahil sa nagawa ko.
Pangatlo. Paano ko nga ba naisip na gawing milestones at goals ang 24 signs ko? Lechugas.

"Ha? Okay~ Then... Ang kakantahin ko ay... Constantly."
"Wowww! Nice choice." Sabi ni Kyla.

Tsss. Naiirita na ako sa kabaitan ng babaitang ito.

Sumulyap ako kay Lex at nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin kaya mejo naintimidate ako.

"L-Lex, ikaw... gu-gusto mong kumanta? O di ka siguro marunong kumanta noh?" Ngumisi ako kahit na kinakabahan.

Di siya sumagot. O M GEE. He's angry again? Ganyan ang mga mata niya pag galit siya sakin.

"Whoa, wait. Tinawag mo ba siyang 'Lex'?" Tanong ni Kyla.
"O-Oo."

Tiningnan ni Kyla si Lex, "Kelan mo pa hinayaang tawagin ka ng employee mo ng 'Lex' lang?" Tanong niya.

Nagkibit balikat siya.

"Uhhh. Bakit? Uhhh, is there any problem?" Singit ko.

Nagiging epal na ata ako dito.

Hinintay ni Kyla ang sagot ni Lex pero talagang di siya sumagot.

"So... Anyway, yeah... Constantly ba yung title ng kakantahin mo, Summer?"
"Oo." Weird.
"Summer... Kumuha ka ulit ng juice dun. Naubos yung juice dito dahil binuhos mo kay Kyla." Sabi ni Lex.

ACK~! Hindi ako gaga para aminin yan no!

"Lex~ Don't act like that!" Sabi ni Kyla.
"Okay lang yun... Sorry ulit. Talagang di ko yun sinadya." Matinding acting na hindi tumalab kay Lex.

Kinuha ko na yung mga baso ulit at umalis na ng walang pasabi at walang tingin-tingin sa kanila.

Now, I don't know if my plans worked. Bakit pa kasi may pa plano-plano pa akong nalalaman eh.

"Constantly, you’re on my mind. Thinking about you all the time. I can’t sleep no matter what I do. I just keep on thinking ‘bout you."

Tumindig ang mga balahibo ko nang pagdating ko ay kumakanta na si Lex. Manghang-mangha si Kyla habang pinapakinggan si Lex at pinapanood.
Pero mas lalo akong mukhang nakuryente nang nakita ko ang eksenang linagay ni Kyla ang ulo niya sa shoulders ni Lex.

Sumulyap si Lex sakin at naabutan niya pa akong nakatitig kay Kyla at parang dinaramdam ang eksena ng dalawa. I looked away.

6 years ang relationship nila. I've known him for, what, a month? I can't defeat that.
And honestly, I think I'm beginning to long for Lex's attention.

24 (impossible) signs

1. may sports car siya.
2. he'll chase me with his sports car.
3. masusukahan ko siya.
4. papagalitan ako sa sobrang pag-inom.
5. mapuputulan ako ng takong na kasama siya.
6. kinanta niya ang kantang gusto ko.
7. he'll dance with me (sweet music).
8. He'll gimme a heart-shaped chocolate.
9. He'll give me three roses.
10. he'll kiss me on the rain.
11. he'll introduce me to his parents.
12. pasado ako sa at least tatlong subjects sa panahong kilala ko na siya.
13. aaminin niya sa aking mahal niya ako - of course, before I do.
14. he'll cook for me.
15. he'll cry in front of me.
16. inakbayan niya ako in public.
17. he gives me a balloon.
18. He'll take a picture of me.
19. tatanggapin siya ni mama at papa.
20. ililibre ako sa isang mamahaling restaurant ng kahit anong gusto ko.
21. he'll catch me when i fall.
22. he'll choose me over another girl.
23. may earing siya.


24. kapag pinunasan niya ang luha ko kapag iiyak ako.



SIGN 23~
Summer: Naaw.







OKAY! Alam kong mejo may violation ako dun sa isang yun. Kasi talagang sinadya ko yung paghamon kay Lex para lang makanta niya. Pero who cares? Wala naman sa rules na di pwedeng sadyain ko ang mga moment at ba't ba pinoproblema itech eh ako lang naman at ang konsensya ko ang magkalaban?

Ano pa ba ang kailangan niyang ma achieve na sign? Tsaka... pag na achieve niya naman lahat, anong mangyayari sa akin? Paano kung maachieve niya yun lahat pero yung Kyla paring yun ang mahal niya, sorry na lang ako? ARGH!

So what about these things? Ano bang nangyayari sakin at bakit ko iniisip ang ganito? Unang una, I can't fall in love. Pangalawa, ayaw ko sa Lex na yun. Pangatlo, ba't parang gusto kong maging hobby ang pakikipagkompetisyon kay Kyla?

OH COME ON! I'm sooooo confused!

"Miss na miss ko na ang white island." Sabi ni Kyla habang hinahawakan ang hat niya sa ulo niya.

Eh kamusta na kaya yung akin na galing Taiwan? Tsss.

Nandito kami sa yate ng Sortee Beach Club. Minsan tuloy gusto kong magtanong kung may sportscar ba si Lex.

"Ganun parin naman yung itsura. Wala masyadong pinagbago." Sabi ni Lex.

Out of place ako dito. Usapang matatanda ang nangyayari eh.

Tumayo si Kyla sa edge ng yate. Titanic-style kumbaga.

"Natatandaan mo ba Lex? Nung tayo pa... Ganito lagi ang ginagawa ko?" She smiled.

Napasinghap ako at tiningnan ang asul na dagat. Mahulog ka sana para maiwan ka na dito!

"Mag-ingat ka, Kyla." Yun lang ang sinabi ni Lex.

She spread her arms. Titanic ang dating.

"Lex, tulungan mo siya o. Yung sa Titanic!" Sabi ko kay Lex. Iinisin ko sana pero,
"Hayaan mo siya, ganyan na talaga yan."

"AHHHH~!"

Nakita kong tumalon ng sabay ang tatlong dolphin at bumagal ang takbo ng yate.

"Kyla!!!"

Nahulog na rin si Kyla gaya ng wish ko. Nabigla ata siya sa mga dolphins.

Na stuck ako sa iisang ekspresyon pagkatapos kong puntahan ang crew at ipatigil ang yate. Dala-dala ko kasi ang mga tuwalya habang pinapanood na yinayakap ni Kyla si Lex.

"Sorry." Kyla cried.
"Sabi ko naman sayo na mag ingat ka kapag ganun diba?" I heard the frustration inside Lex's voice.
"Hindi kasi ako sanay na di ka katabi pag ginagawa ko yun."

Napasinghap ako't parang ang sarap tadjakan ang dalawa. Bakit puro bayolente ang mga naiisip kong gagawin?

Inabot ko ang tuwalya kay Lex at hindi parin tumitigil si Kyla sa pag-iyak.

At sa inis ko sa eksena, umalis na ako sa harapan nila ng walang imik.

Okay, now, breath! Magyo-yoga na muna ako. Mejo na stressed ako sa dami ng iniisip ko. Wala akong inisip hanggang sa nakarating na kami sa nasabing white island.

Okay naman, mukhang abandonadong isla na may mga caves and all that. Badtrip nga kasi ang daming fleas sa dagat. Kung di lang sila maliliit eh kinutusan ko na sila.

"Ahhhhwch!" Sigaw ni Kyla.

Yun naman pala, nakagat ng flea. Heller, nakagat na ako ilang beses simula kanina pero di naman ako sumigaw ng ganoon. Pathetic. HUUUU. Natatakot na ako, ba't ba ang init talaga ng ulo ko sa kanya? Gusto ko na ata si lex eh.

"Ang ganda nung islang yun ano?" Tanong ni Lex sa akin nung papauwi na kami.

Nakatingin lang ako sunset sa harapan ko habang dinadama ang hangin.

"Yeah. Nasaan si Kyla?"
"Ayun, natutulog." Sabi niya.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong wala siyang t-shirt. LOL. I traced his abs... tulo-laway na afterwards. LOL. I looked away. Pinandilatan ko ang kawalan.

"Did you have fun?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Lumayo ako ng konti sa kanya.

"Fun? HAH." Sumulyap ako sa kanya.

Nakita ko ulit ang mga mata niyang parang binabasa ako.

"So... di pala marunong lumangoy si Kyla andddd... she's kinda lampa?" Sabi ko para mejo mainterrupt ang mga titig niya.
"Oo."
"Awww. She SUPPEEEER needs a man like you." Sabi ko. "Ba't di kayo nagpakasal?" Tanong ko.
"Bata pa namin nun. Ba't kami magpapakasal?" Sabi niya.
"Anong bata? Right age na yan no." Sabi ko kahit mejo masakit sakin.
"We were 20 that time."
"20?"
"Oo. Twenty."
"Anong twenty? Diba 6 years kayo?"

His eyes looked sharper.

"Three years lang kami. Hey, did you try to research about us?" Sabi niya.
"Naaw." Deny ko.

Anong 3 years? Sabi ni manang, 6 years daw!

"If you want to research about me, why not ask me directly?"
"Research about you? Hell no. Yun ang narinig ko kay Manang. Di ako nagtanong or whatever."
"Okay." Tiningnan niya ako.
"What? Di ka naniniwala?"
"Wala. I just thought, you might want to hear some things about us."




SIGN 24~
Summer: Ba't mo naitanong?






My GOD! Grabe, umiral ang pride ko.

"Naaaw. Para saan pa? Wala naman akong pakealam sa inyo." Sabi ko.

Tumawa siya ng napakalakas. Nabigla ako sa reaksyon niya sa sinabi ko.

"Sige... Sasabihin ko sayo."

Loko. Sabi ko, wala akong pakealam sa inyo.

Nakatingin lang ako sa sunset ng mabuti at nagkukunwaring hindi interesado sa sinasabi niya.

"Tatlong taon kaming mag-on ni Kyla. Naging anim sa lahat ng tao sa paligid dahil sinekreto namin ni Kyla ang break-up namin."
"Bakit?" Tinitigan niya ulit ako with evil smirk pa. "I... mean...-"

Shucks, mahalata pa na interesado ako.

"-dahil magagalit ang parents ko kapag nalaman nilang nag break na kami. At mas lalong magagalit ang parents ni Kyla pag nalamang nag break kami dahil nahuli ko siyang nakipaghalikan sa isang lalaki."
"Na-Nakipaghalikan?"

Naalala ko ang case ni Lauren at Kevin.

"Oo. I didn't like the thought of it..." Sabi niya. "My girlfriend, kissing another guy."
"Bakit? Kasi mahal mo siya, o kasi naapakan ang pride mo."
"Both."
"Masyadong matayog ang pride mo. At masyadong mababaw ang pagmamahal mo." Sabi ko.

Oi! Matino yung sinabi ko ah. 8)

Tinitigan niya ako.

"Oo, alam ko."

"Lex! Iniwan mo naman ako." Sabi ni Kyla galing sa likuran.

Ay ang ganda na ng usapan namin, umepal pa. Grrrr.

Iniwan ko silang dalawa. Di bale na si Lex, as if naman. ARGH! Hanggang dito ba naman, may lalaki ulit akong mugugustuhan? GEEEZ. Kakaiba pa `to dahil masyado akong nagiging desperada.

"Lex, the party is on Wednesday!" Sabi ni Kyla nang papapasok silang dalawa ni Lex sa kwarto niya.

Kakarating lang namin galing sa white island at di ko alam kung bakit bigla na lang silang nagtatalo.

"I can't." Sabi ni Lex.
"Lex! Hinihingi na ng mama at papa mo ang pangalan ng fiancee mo! Hanggang ngayon parin ba... dinadamdam mo parin yung nangyari? C'mon, I've been rebounding for four years now and still?"

Sumandal ako sa pintuan nila at linapit ko ang tenga ko sa loob. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Kyla, wa'g mo kong madaliin."
"Lex! Minamadali ba kita? Eh apat na taon yung binigay ko sayong time ah?"

Ay. Usapang matatanda. I chuckled.

"Lex, I've been loving you since then. Tiniis ko kahit ilang beses mo kong sinaktan. Sumugal ako at pumayag akong maging girlfriend mo kahit di mo naman talaga ako linigawan dahil gusto lang ng mga magulang natin. Iniwan ko ang lahat ng mga ginagawa ko noon para lang sumabay sa pagiging Mr.Perfect mo. Sumugal ako kahit alam kong di mo naman ako mahal. Sa ikalawang taon ko lang narinig sayo ang mga salitang 'I love you', it took you that long Lex. Pero ba't ang bilis mo ata akong nakalimutan?" Narinig ko ang hikbi ni Kyla.

Ano `to? Drama na! Patay. Masama ba ang nakikinig sa mga usapan ng iba?

"Kyla, tama na... Let's move on." Suminghap si Lex. "Okay? I don't love you anymore."

Tumahimik. As in... Sobrang tahimik.

"-Kyla!" Sigaw ni Lex.

Narinig ko ulit ang hikbi ni Kyla.

Oh my, did she plant a kiss? :o

"Lex! We'll end up with each other... Alam kong alam mo yun."
"Hindi, Kyla." He sighed.

*TOOOOG~!*




Patayyyyy! Lagoooot! Naabutan ako ni Kyla na nasa labas at nasa posisyong nakikinig sa pinag-uusapan nila.

Nakita na rin ako ni Lex.

NOOO! I did not hear everything. HA HA. :D" title="" class="smiley" border="0">

"Excuse me." Namumugto ang mga mata ni Kyla at umalis na siya. LOL. Alis na rin ako ah! LAGOT! Di naman siguro masyadong halata na nakikinig ako sa usapan kanina.

Hinila ni Lex ang braso ko.

"What? I-I... I'll sleep na!" Sabi ko sabay turo sa kwarto ko sa harapan ng kwarto niya.

His earing shined again.

"Summer, kailangan bang ma achieve lahat ng signs para mahalin mo ang isang tao?" Tanong ni Lex sakin, seryoso.
"Ha? Ba't mo naitanong?"

Oo nga? Kailangan ba?



SIGN 25~
Summer: mali eh.











"Paano mo nalaman ang tungkol sa signs?"
"Binanggit mo sakin nung lasing ka."

Napailing ako.

"Nabasa mo ba?"
"Hindi. Kaya nga tinatanong kita ngayon kung kailangan pa ba yon."

Hindi ako nagsalita.

"Kung kailangan pa yon, akin na~" Sabi niya.
"Anong akin na? Yoko nga!"
"Of course... You wont need the signs to fall in love." Nag-isip siya.

Ano bang mga pinagsasabi niya. Napansin kong nakahawak parin siya sa braso ko.

"Summer, alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko. At eto ang pinakaunang pagkakataong may sasabihan ako neto..."

Nakatingin lang ako kay Lex habang seryosong-seryoso ang mukha niya.

"I like you..."





O.O

"HAHAHAHAHAHA." :D" title="" class="smiley" border="0"> Tumawa ako ng pagkalakas-lakas. "Sinabi mo na sakin yan noon. Nukaba!" Sabi ko.
"Lex???" Narinig ko si Kyla sa likuran.

Bumalik siya?

"Summer..." Tiningnan ako ni Kyla.

Namumugto parin ang mata nito at parang mas lalo niyang dinamdam ang narinig niya.

"Kyla." Binitawan ni Lex ang braso ko. "I'm sorry. Dapat sana sinabihan kita tungkol dito."

Namuo ulit ang mga luha sa mata ni Kyla. Teka nga... nakakabanas na ang mga ito ah? Ba't parang naiipit ako? Tsaka, seryosohan na ba ito?

Nakatitig parin si Kyla sa akin.

"Te-teka, ano `to? Wala akong kinalaman dito." Sabi ko at umambang aalis.
"No!" Hinila ako ni Lex sa likuran niya.

Lex! Ano ba `tong ginagawa mo? Niloloko lang yata ako dito eh. Sa pagkakaalam ko, may problema silang dalawa ni Kyla. Sigurado akong tungkol iyon sa isang party (na narinig ko kanina sa usapan nila), at something like fiancee blah! Naguguluhan ako.
Nahihilo na ako. Nalilito pa. Pero di ako makaimik dahil out of place ako dito.

"That was the first time I heard you say that." Sabi ni Kyla habang tumutulo ang kanyang mga luha.
"A-Eh-Excuse-"
"Ilang araw pa ba kayong magkakilala? I can't believe this!" Todo na ang tulo ng mga luha niya. "Ginagamit mo lang siya, diba Lex?"
"No, I'm not. Sorry, Kyla." Sabi ni Lex in a calming tone.

Kyla shook her head then she walked away.

"Shucks!" Kinalas ko ang braso ko sa kamay ni Lex.
"Summer!" Hinawakan niya ulit ako.

Nakita kong mukhang frustrated na rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Can we talk?"
"Shut up, Lex! Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi mo, naguguluhan na ako! Sobra~"
"Kaya nga, I want to talk to you!"

Kinalas ko ulit ang braso ko sa kamay niya.

Don't fool me. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
I can't talk to him right now. Alam ko kung anong nangyayari. Sigurado akong ginagamit niya lang ako para mapagwalk-out ng ganoon si Kyla. Ako ang naiipit dito eh. Nakakainis lang dahil mejo nagugustuhan ko na siya at isang kalabit niya lang eh mukhang maniniwala na akong talagang gusto niya ako, pero HALATANG hindi dahil sa sitwasyon namin ngayon.

"Kyla!" Tinawag ko si Kyla.

Suminghap ako nang nakita kong tumigil siya sa paglalakad nang nakalabas na kami sa hotel at nakaharap na siya sa dagat.

"Kyla... Uhm, I'm sorry. Wa'g kang maniwala kay Lex. Hindi totoo yung mga sinabi niya kanina. I know what he's up to."

Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak niya.

"I knew it. Napansin ko na nung una ko kayong nakita... I'm pretty sure that he likes you, he's interested with you..."

Leche, naniwala!

"Uh. Hindi kasi... mali eh. Hindi yun totoo. Ikaw na nga yung nagsabi na isang buwan pa lang kaming magkakilala, kaya impossible."
"Alam ko," Humikbi siya.

Di ko alam kung mag-ooffer ba ako ng tissue o titingnan ko na lang siya. I'm doing this now because I want to correct my past faults. Ayoko ng mangyari ulit ang nangyari kay Lauren at Kevin.

"Hindi eh. I knew it. Ma pride siyang tao, at hindi mo maiisip kung gaano ka tayog ang pride niya." Humikbi siya. "I can't accept this, I've been with him for how many years... I've never seen him that way to any girl."

You have got to be kidding me! Ba't siya naniwala? Uto-uto din ba itong sang `to?

"Hindi, kasi Kyla... ginagamit... niya lang... ako."

Ang sakit palang umamin sa iniisip mo kung kasalungat yun sa tunay mong gustong paniwalaan. I wanna believe in Lex. But some part of me just CANNOT.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText