<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

ninetyone-ninetyfive


NINETYONE
Celestine Herrera: Sa Gardens...







2:00AM

Hindi ako makatulog! Kanina ko pa pinipikit ang mga mata ko pero ayaw talagang matulog ng utak ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi maabsorb ng utak ko ang mga sinabi ni Gabriel! Totoo kaya yun? Yung nangyari? Parang panaginip eh...

Ilang beses kong inisip na magtatapat siya sa akin pero kahit kailan di ko naisip na magkakatotoo din pala yun. Sobrang saya ng pakiramdam ngayong totoo na talaga siya! SOBRA!

*Ting-ting-tiiiing*

Message galing kay Gabriel!

Gab: Can't sleep. :) Good night! I love you...

HEHEHE. Kinikilig naman ako!!!

Ako: Can't sleep too... :) Tulog ka na...
Gab: Kita tayo bukas ah?
Ako: Sure!
Gab: Tulog na tayo... :)
Ako: Okay. Good night!
Gab: I love you...
Ako: I love you too. :)

GRABEEE! Hindi ako makapaniwala! Nakita niyo yung last message na nisend ko? I LOVE YOU TOOOOO! Hindi ko kailanman inisip na makakapag i love you TOO ako kay Gabriel! Naku naman!!!

Nakatulog ako na si Gab parin ang iniisip. Hindi na bago sakin yan... Halos ilang taon akong ganyan gabi-gabi pero mas masaya nga lang ngayon kasi ngiting-ngiti ako habang iniisip siya. Nakangiti ako hindi dahil nakakakilig ang iniisip ko, kundi dahil nakakakilig ang nangyayari.

"Celestine, hoy! Gumising ka nga diyan! Tanghali na..."

Naaninaw ko ang mukha ni Kuya. Worms eye view pa talaga.

"Bakit, kuya?" I rubbed my eyes.

"Gumising ka na! Alas dos na ng hapon. Hindi ka ba kakain?"
"Whaat? Alas dos?"
"Oo! Ang sarap yata ng tulog mo?"
"Ang tagal ko kasing nakatulog kagabi..." Bumangon ako.

May hawak pa siyang kape habang malaya siyang tumitingin-tingin sa mga gamit ko.

"Kuya? Sinong nagsabing pwede kang pumasok dito?" Sabay hagis ko ng unan sa kanya.

Hinagis niya pabalik at bull's eye naman sa mukha ko.

"Aray!"

"Magbihis ka na diyan! Hindi mo ba alam? Na ospital si Gab! Pumunta na si mama at papa kanina sa ospital. Bilin nila sakin na gisingin na daw kita nang madalaw mo si Gab kasi hinahanap ka daw niya!"
"Na ospital si Gabbb?"
"Oo! Bingi ka ba?"

OMG! Siguro dahil masyado siyang nag paulan!

"Wa'g kang mag alala, simpleng ubo at sipon lang...pero mataas ang lagnat niya." Sabay higop sa kape.

Agad akong umalis ng kwarto para makaligo na at pumunta sa ospital. Si Kuya Sky naman, sunod nang sunod.

"Magkasama daw kayo kahapon..." Sabi niya na mukhang tanong na rin.
"O-Oo."
"San ba kayo pumunta?"
"Uhmmm..." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Kinuha ko ang tuwalya at pumasok agad sa banyo...

"Sa Gardens..." Pagkatapos nun, agad kong binuksan ang shower para kung may tanong pa siya eh hindi ko na marinig.

At kung marinig ko man, may alibi akong hindi ko narinig dahil sa shower diba?

Pero teka nga... kami na ba talaga ni Gabriel? UHMMMM... Kami na ba? Wala naman siyang sinabing kami na? Hindi niya rin naman sinabing girlfriend niya na ako o boyfriend ko na siya? Paano nga ba yun? Kasi naman, hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya hindi ako sigurado kung kami na nga talaga.

Nagmadali akong pumunta sa ospital na sinabi ni Kuya... Nakakabanas nga eh kasi hindi nag rereply si Gabriel sa mga text ko. Siguro malala? OHHH WA'G NAMAN SANA! Mas lalo akong nag aalala nyan eh. Ako pa naman yung dahilan.

Naghintay akong magbukas ang elevator. Napansin ko agad ang amoy ng gamot sa paligid. Hay ang tagal namang maka baba ng elevator, nasa ika-pitong palapag pa naman si Gab. Pagpapawisan ako ng walang preno dito eh. Tsaka, sino kaya ang nagbabantay sa kanya? Hay naku... Siguro ang mama at papa niya.

Natigil ako sa pag iisip ng kung anu-ano nang nag bago ang simoy ng hangin sa kinatatayuan ko.

Paglingon ko naman sa naging katabi ko, napansin ko agad ang dala dala niyang mga rosas. Ah, kaya pala nagka amoy-bulaklak dito.

Nakita ko ang maputi at kulot na babaeng may hawak-hawak nito. Kakulay pa ng kuko at labi niya ang mga rosas na dala-dala. Seryoso siyang nakatingin sa kabubukas lang na elevator habang ako'y napanganga.

*TING!*






















"Oh, ba't parang nakakita ka ng multo?"

:o



NINETYTWO
Celestine Herrera: E-Excuse me.






Pumasok kaming dalawa sa elevator.

"Bibisitahin ko si Gabriel. Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ni Kuya Sky tulog ka pa. Tsaka wala si Gab sa bahay nila, may sakit daw. Kaya, I'm here."

Tingnan niya ako gamit ang maarte niyang mga mata.

"Ano?"

Nihead-to-foot niya ako.

"By any chance, are you also visiting him?"

HALLER? Obyus ba? alangan naman magpapa ospital din ako? Ang rason na nagkita kami dito ngayon eh dahil may isang taong malapit sa amin na naospital!

"Oo."
"La ka man lang dala?"

*TING!*

OH MY GOSH!

She stepped out. Diridiretso naman ang lakad niya habang sinusundan ko lang siya. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba ang pag punta ko dito o baka dapat umalis na lang ako? Ano sa tingin niyo?

HINDI! BAHALA SIYA! Pupunta ako! Ngayon pa ba ako susuko na narinig ko na kay Gabriel na ako ang mahal niya? HINDI! Ipaglalaban ko `to!

"Celestine..."
"Huh?"

Tumigil siya sa harap ng pintuan.

"Can you open the door for me?" Sabi niya habang ipinapakita ang mga kamay na nakahawak sa flowers.

"O-okay."

Una akong pumasok. Nakita ko agad ang ngiti ni Gab sa higaan niya. Masigla naman ang mukha niya kaya napangiti na rin ako. Pero nawala din agad ang ngiti ko nang pumasok na si Gianna.

Siya lang mag isa sa room, siguro nakaalis na ang mama at papa niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Gabriel.

Naunsa si Gianna, tapos lumingon siya sakin.

???

"Oo nga Cel. Why are you here?"

Napanganga ako nang tinanong ako ni Gianna nun. At one point, naisipan ko ring baka ako nga ang tinatanong ni Gabriel.

"Hindi si Cel ang tinatanong ko. Ikaw, Gianna."
"Oh..." linagay niya ang bulaklak sa table.

C'mon Gabriel! Why don't you tell her na boyfriend na kita? O girlfriend mo na ako?!

"Can't you see? I'm visiting you?" Umupo siya sa upuan malapit kay Gab.

Nakatingin parin si Gabriel sa kanya. Habang ako, nakatayo parin dito.

Ang ganda ni Gianna ngayon. :( SOBRA! Mas lalo pa yata siyang gumanda.. dulot siguro ng clima sa Japan. Mag iisang taon na siyang nawala ah. Ba't pa siya bumalik?

Hindi man lang makatingin si Gabriel sakin. Kay Gianna lang talaga siya nakatutok at hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon ang nasa mukha niya ngayon.

"Ano ba kasing nangyari? Why are you-"
"Why are you here?"
"Why? I said I'm visiting you!"
"Tapos? May gana ka pang magpakita sakin?"

Galit na galit ang boses ni Gab. Parang ako yung naapektuhan sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Nasasaktan. Minahal niya si Gianna. At maaring mahal niya parin si Gianna hanggang ngayon. Pero sinabi niya ng mahal niya ako diba? At naniniwala ako sa kanya.

Kaya lang...ewan ko. Ba't ibang iba ang naramdaman ko nang marinig ko ang huling sinabi niya?

"Okay, I was wrong Gab! Sorry! I'm apologizing for all the hurts I've caused you..."

Tahimik lang si Gab habang nakatingin sa kawalan.

Tiningnan ako ni Gianna habang nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko. Ewan ko pero bakit parang kailangan kong umalis dito?

"It's too late." Sabi ni Gabriel.
"Gab, I love you... I still do..." Umiyak si Gianna sa harapan ni Gabriel.

Celestine, ano pa bang ginagawa mo diyan?

"Bakit ngayon pa, Gianna?"

Hindi ko ulit alam pero bakit ako nasasaktan? Nasasaktan ako sa sinabi ni Gab.

Bakit ngayon pa? Bakit, Gab? Kung sana kahapon niya yun sinabi sa'yo, edi pwede pa sana? :(

"E-Excuse me."

Tumingin silang dalawa sakin.

Tumunganga pa ako ng ilang segundo bago tuluyang lumabas. Hinintay kong sabihin ni Gab ang mga gusto kong marinig, hinintay kong ipaglaban niya ang pagmamahal niya sakin, pero walang dumating.



NINETYTHREE
Celestine Herrera: I'm out of the picture







Nakapangalumbaba ako sa harap ni Jana pagkatapos kong sabihin ang lahat ng nangyari na yun sa kanya.

"Tapos? Hanggang ngayon, di pa rin siya nag ti-text?"
"Oo."

Wala na akong lakas.

Pag uwi ko ng bahay kahapon, kahit luha wala na akong mailabas. Nawalan na ako ng lakas. At natatakot ako. Natatakot dahil hindi ko lubos maisip na ganito na lang kung makaapekto si Gab sa buhay ko. Ayaw ko siyang mawala kaya kahit kaibigan na lang sana, okay lang. Ayaw na ayaw ko siyang mawala na kahit kaaway, okay na rin! At ngayong umasa ako at naniwala...hindi ko na alam.

Gab, bakit ka ganyan?

"May mga bagay na dapat noon ko pa ginagawa, pero hindi ko ma gawa gawa. Naiinis ako sa sarili ko!"

Linagay ko ang mga palad ko sa mukha ko. Umiiling naman si Jana.

Na discharge na si Gab sa araw ding iyon. Pagkatapos nun, hindi siya nagpakita. Ayaw ko rin naman siyang makita eh. Hindi ako ready sa mga sasabihin ko. At alam kong pati siya eh hindi ready.

"Sa tingin mo Jana, mahal niya pa si Gianna?"

Umiling si Gianna.

"Kung totoong hindi niya na mahal si Gianna, sana hindi naman siya galit."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Na... pakiramdam ko, hindi niya naman talaga mahal si Gianna. Pero sana naman, wa'g na siyang magalit sa pinsan mo."

Hindi ko makuha. Siguro ang ibig niyang sabihin ay siguro MAHAL NIYA PA SI GIANNA, KASI KUNG HINDI NIYA NA `TO MAHAL, DAPAT HINDI SIYA GALIT!

"Ahhh! Huli na `to! Promise! Huli na yun!" sabi ko.
"Kailangan niyo lang mag usap, Cel."
"Nakita ko, Jana!" Grabe, desperadang desperada na ang tono ng boses ko. "MAHAL PA NI GIANNA SI GAB! inamin niya sa harapan ko! At si Gab, galit parin hanggang ngayon sa ginawa ni Gianna sa kanya noon!"
"Calm down-"
"Isa lang ang ibig sabihin non! I'm out of the picture. They probably are together now, and there's nothing I can do about it... Wala akong magawa kasi mahal ko LANG siya......"

Ngayon pa ulit tumulo ang luha ko pagkatapos ng mga nangyari!

Pinunasan ko agad ang bawat luhang lumandas sa pisngi ko.

"Ganun lang yun, Jana? Pag wala yung una, ako muna. At ngayong nagbalik na siya, echepwera?"

Si Jana, umiyak na rin sa harapan ko habang tinatahan ako.

Patay na! Nagdadramahan na kami! Nasa loob pa naman kami ng cafeteria.

Ilang sandali, tumahan din naman ako. Pero tulala parin.

BAKIT BA GANITO!? Ang unfair naman!

"Kung may balak siyang kausapin ako, ba't di kahapon? Ba't di ngayon? Hindi naman kami malayo ah? Kapit-bahay, bestfriends, schoolmates, classmates. WALA!"

"Hey!" Inayos ko ang sarili ko nang biglang dumating si Eiji. "What's wrong?"

Pero nakita niya parin yata ang namumugtong mga mata ko.

"Saw Gab a while ago. May GF na ba siya?"

Tahimik lang kami ni Jana.

"Ganda kasi ng kasama niya kanina!"

OH GREAT! That was probably Gianna! NANDITO SIYA SA LOOB NG SCHOOL? WHAT THE HECK?

"Excuse me..." Kumaripas ako sa paglalakad.

I need to get outta here! PLEASE?! Ang bilis ng lakad ko palabas ng gate. Gusto ko lang umuwi, magkulong sa kwarto, at i-isolate ang sarili sa kahit kanino.


Papaliko ako ng gate na aksidente kong nakita silang dalawa, magkasama... ANG SAKIT!!!


"Cel?" Linagpasan ko si Dexter.

Pinansin niya na sana ako... pero wala pa sa timing! Ayokong kumausap ng kahit kanino ngayon. Kasi kung paaminin pa ako kung bakit ako malungkot, wala lang din akong masabi at maipakita kundi ang luha ko.

"Cel!" Linagay ni Dexter ang kamay niya sa balikat ko. "I'm sorry."

Hinarap niya ako pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Okay..okay na... Okay lang yun." Sabi ko sa pag-aakalang makakaalis din naman agad.

"Are you okay?" Tiningnan niya ang mga mata ko. "It's about Gab again?"

Hindi ko parin matingnan ang mga mata niya.

"Gab, again?" Tiningnan niya ako ng mas mabuti at nakahawak na ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

Wala akong nagawa kundi pumiglas, dahil kung hindi... baka bumuhos ulit ang luha ko.

Umalis na ako, diridiretso ang pagmartsa papalabas.



Baka hindi talaga para sa akin `to. :'(



NINETYFOUR
Celestine Herrera: in the midst of thinking about how to win me back




Humiga lang ako sa kama at gusto lang matulog. Maaga pa, pero wala na akong gana. Kanina pa ring nang ring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Hindi ko rin binabasa ang mga mensahe.

Ayoko ng umiyak. Sawang-sawa na ako. eto na talaga... hindi na biro. SAWA NA AKO! MAHAL NA MAHAL ko parin si Gabriel hanggang ngayon pero sawang-sawa na ako sa pagmamahal kong yun. TAMA NA, CEL! Ayaw mo paring tumigil, pero tama na.

Nakatulog ako sa kwarto dahil sa pagod sa kakaiyak. Gumising lang ako ng kumatok si Kuya sa pintuan habang sumisigaw...

Cel? Cel? Nandito si Jana...

Ang cellphone ko naman, ring parin nang ring. Bakit nandito si Jana? Pagtingin ko sa orasan, 7pm na ah?

Pinapasok ko si Jana sa kwarto. Halatang mejo nagpapanic siya pero hindi na ako makapagpanic ng katulad niya, wala na akong lakas.

Umupo ako sa kama habang siya nakatayo at tinitingnan ako.

Cel, alam kong nasaktan ka masyado...sobra!” Nakuha ng cellphone ko ang atensyon niya. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag namin...

Pagod na ako, Jana...” sabi ko.

Alam ko, kaya nga inisip ko pang mabuti kung pupuntahan pa kita o hindi eh. Kaya lang, napagdesisyonan kong pumunta na lang talaga, para wala akong pagsisisihan kung ano man ang mangyari sa inyong dalawa.

Tiningnan ko si Jana.

Cel, naospital ulit si Gab.
Huh? ano...bakit daw? Bumalik yung sakit niya?” Tanong ko with the i-don't-care tone.
Cel... pag alis mo kanina, nagkita si Gab at si Dexter, nagsuntukan sila... tapos sumali pa si Eiji! silang dalawa laban kay Gab! Si Gab, hindi lumalaban!!!
WHAT?

I mean... what?

Oo! Nabugbog siya, sobra!

NAG AALALA AKO!

Linsyak! Totoo! Pero ayoko na! Ba't di siya lumaban? Siguro dahil guilty siya!

Pupunta ako ng ospital...” Walang pag aalinlangan na sinabi ko yun.

Sigurado ka?
Oo. Pero tapos na ang lahat. Pupunta ako dun dahil alam ko...alam kong ako ang dahilan ng lahat ng `to. Pero tama na... Ayoko na! Sobra sobra na akong nasasaktan.

Hindi niyo siguro ako naiintindihan ano? Kasi sawa na ako, kaya lang may gana pa akong pumunta kay Gab sa ospital.

Totoo. Mahal ko parin siya kahit sinaktan niya ako. Naawa ako sa kanya dahil naospital ulit siya. Concern parin ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya...

At totoo... na hindi na tama. ayoko na!

Kasama pala ni Jana si Cid kaya siya ang nagdrive para samin papuntang ospital.

Nakakapagtaka talaga, hindi rin nakarating sa pamilya ni Gab na sina Salvador ang sumuntok sa kanya.
Hayaan mo na, Cid. Siguro dahil alam niyang siya yung may kasalanan. Guilty eh... kaya hindi niya na lang sinabi.

Nakita kong siniko ni Jana si Cid. Pagkatapos nun eh tahimik na lang silang dalawa hanggang sa nakarating kami sa ospital.

Pagdating namin sa labas ng room, nakita kong tumayo si Gianna.

Anong ginagawa mo dito?” Mangiyak-ngiyak na sabi niya.

BWISIT! Wa'g mo kong tanungin ng ganyan! Wala ako sa mood at dahil yun sa inyong dalawa ni Gab tapos ipapakita mo sakin ang pagmumukhang yan! Pasensya na, inis na inis ako! sobra!

Ate, Cel!” sabay yakap sakin ng kakalabas lang sa room ni Gab na si Nica.
Nica, kamusta si Gab?
Uhh... He wants to talk to you...” Sabi niya sakin.

Lumabas na rin ang mga magulang ni Gab. Ganun din ang sinabi nila sa akin. Sobrang kabado ako... oo, eto na ang katapusan ng lahat! Alam ko, Gab! Di mo na ako kailangang takutin ng ganito, dahil pati ako, gusto ko ng matapos.

Pumasok ako sa loob. Nakita ko agad ang mukha niya. May pasa pero bwisit, hanggang ngayon hindi ko parin ma deny na ang guwapo niya......Cel, wala ka na sa lugar! TAMA NA!! PLEASE! KAHIT ANONG GWAPO NG MUKHA NIYA, kung masasaktan ka rin lang...wa`g na!

I'm sorry.” Yun ang sabi niya.
shhh” Sabi ko. “Tama na... alam ko. Hindi mo na kailangang mag sorry.
Pero galit ka ra-
Gab pwede ako na lang muna ang magsasalita sa ngayon?
Pero andami kong gustong sabihin sa'yo-
Please?

Natahimik siya. Umupo ako sa kama niya.

Gab... You know how much I love you...” Inumpisahan ko sapinaka root cause ng lahat ng to. “I was wrong coz from the very beginning, we are just friends...nothing more. Mali akong hiningi ang hindi mo kayang ibigay.
Cel, I love you, too...-
If that was true... why did you let me slip away?
Gusto ko lang mag kaayos kaming dalawa ni Gianna. Kasi pinsan mo siya. somehow, ayokong may di kami pagkakaunawaan ng kahit na sinong malapit sa'yo.


No, that's not enough!

Gab, bakit mo ako hinayaang umalis na lang nung na ospital ka? Ni hindi mo man lang inexplain sakin kung bakit... ni hindi mo man lang ako tinext, hindi mo ako tinawagan! HINDI KA NAGPARAMDAM!
Kasi alam kong galit ka! I was thinking of the best way to get you back after that hospital-incident, Cel!
Tapos??? Magkasama kayo ni Gianna, in the midst of thinking about how to win me back after that incident?

Gusto kong maiyak, kaso mas galit ako ngayon kesa nasasaktan.

I know... I'm stupid!” sabi niya. “Sinabi ni Gianna sakin na tutulungan niya ako sa'yo. Tinutulungan niya ako, Cel. To get you back!!!” Umiyak siya.
To get me back? Asan na? Bakit ang sagwa ng mukha niya sa labas, huh Gab? Bakit galit siya na nandito ako?

No, this is not right! Panu ako maniniwala? I CAN'T BELIEVE IN HIM ANYMORE! THAT WAS TOO MUCH!

Gab... I'm tired. I'm wrong to love someone who doesn't even give a d@mn!
Cel, no I'm not letting you go...” Hinawakan niya ang kamay ko.
Gab, mahal na mahal kita! Pero sa tuwing nasasaktan ako, nanghihina ako. Ayoko ang feeling na sa tuwing binibitin mo ako, sinasaktan, at iniiwan sa ereng nag-iisa, eh para akong namamatay at nawawalan ng lakas. I don't like how crippled I am with you gone. Gab, tama na! Nakakapagod na... sige na... you're free...” Tumayo ako.

Alam kong may pagkakataong pagsisisihan ko 'to. Kaya lang, ang tanging gusto kong mangyari na lang ngayon ay ang pakawalan siya para makawala na rin ako. Gusto kong matutong wala siya.

Cel, hindi lang ikaw ang pagod!” sabi niya.

I walked away.

Pagod na rin akong nakikita kang nasasaktan! Please!!!!!!!

Sinarado ko ang pintuan.

For the first time in my life, I think I'm being brave!

Nakita ko si Nica, Gianna, si Jana at Cid sa labas naghihintay.

Tumayo si Gianna... masama parin ang tingin niya sakin.

Can we talk?



NINETYFIVE
Celestine Herrera: I know, I'll surely regret this, couz...




Pumayag akong makipag-usap kay Gianna. Pero nagkasundo na kami ng sarili ko, na kahit anong sabihin niya, hinding hindi na

magbabago ang isip ko.

Lumabas kami ng ospital at nagpunta sa pinakamalapit na Starbucks.

"Mahal ko si Gab." Yun ang panimula ni Gianna.
"Kung tungkol diyan ang pag uusapan natin, then go ahead. Love him."
"Ang kapal mo talaga!" Bigla niyang sinabi.

Uminit yung dugo ko. :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="border-top-width: 0px; border-right-width: 0px; border-bottom-width: 0px; border-left-width: 0px; border-style: initial; border-color: initial; vertical-align: bottom; "> Bakit? Anong makapal sa sinabi ko?

"Hindi mo ba nakikita? Ikaw ang mahal niya ngayon!"

Hindi ako umimik.

"Mahal ko siya, totoo! Pero hindi na ako ang mahal niya ngayon, Cel... Ikaw na... Sinubukan kong makipagbalikan sa kanya, pero ikaw na ang sigaw ng puso niya! Di mo ba naiintindihan yun."

Hindi ko nga maintindihan. Weird kasi para kay Gianna na sabihin sakin lahat ng to. Sa pagkakaalam ko kasi, selfish itong isang `to. Kung hindi man lang din mapupunta sa kanya ang gusto niya, edi wa`g na sa iba...lalong lalo na sakin.

"I tried, Cel but he didn't accept my love anymore! Pero bago ko pa lang sinubukan, naghanda na ako sa mga mangyayari. Pinagsisisihan ko, totoo, na pinakawalan ko pa siya noon. Kaya eto ako ngayon, pinagbabayaran ang mga kasalanan ko."

Nakatingin lang ako sa kapeng inorder ko, di ako makatingin sa kay Gianna.

Galit ako sa kanya... sa kanyang mga sinasabi. Galit ako sa lahat.

*SLAP!*

Bigla akong sinampal ni Gianna. Hindi ko alam kung para san yun.

Napatingin ako sa mukha niya, mangiyak-ngiyak siya at ang pula-pula ng pisngi.

Nabigla ako sa sampal niya kaya nasa pisngi ko parin ang palad ko. Para san yun?

"Cel! Nakakainis ka! Di mo ba nakikita? Mahal ka ni Gab! Pero anong ginawa nung dalawang Knight in Shining Armor mo? HA? Muntik ng mamatay si Gab sa ginawa nila eh! Tapos, hinayaan mo lang na ganun? Ano ha masaya ka na? Sa isang linggo, dalawang ulit naospital si Gab dahil sayo? Masaya ka na, hah, Cel? Eto na ba yung gusto mo?" Humikbi siya.

Hindi ko alam kung bakit may isang parte saking umiiyak din. Umiiyak, pero hindi lumalabas sa mata.

"Tinulungan ko pa siya sa`yo dahil iniisip kong ikaw na nga talaga siguro ang para sa kanya dahil simula pa noon ay alam ko ng mahal na mahal mo siya at ginagawa mo ang lahat para sa kanya... pero ngayon, look at you?! I don't know what you told him during your visit... But I want you to know all these."

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong masabi... WALA. Nasaktan ako kaya di niyo ako masisisi. At ngayon, alam

ko ring marami akong nasaktan. Si Gianna, Dexter... si Gab.

"Alam mo kung bakit? Coz I think you deserve him! Alam kong galit ka sa amin! Yes! Nakita mo kaming dalawang magkasama, ang totoo, nag p-prepare kami ng surpresa para sayo tapos papalpak lahat dahil dito? GOD! Now, Cel...you need to decide. You need to forgive him. You should make Gab happy." May luhang lumandas sa pisngi niya. "Please. You're the only person who can do that. Bumalik ka sa ospital ngayon, and tell him that you love him!"

Ewan ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa lahat ng mga taong `to na all my life, sinalo ko lahat ng sakit para sa taong mahal ko. Ngayon lang ako natauhan, kaya sana pakiusap, wag nila akong pangunahan sa desisyon ko kasi wala silang alam...hindi sila ang sumalo sa lahat ng sakit na yun sa mahabang panahon.

Alam ko rin na eto na naman, kumakatok na sa pintuan ko ang lahat ng bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko pero ayaw kong sa tuwing nawawala ang lahat ng `to ay halos mamatay-matay ako.

I don't like the feeling of how crippled I am when he's gone. I don't like to think that I depend too much on him. And it's all true. There's nothing I can do about it because that's the sad truth. I need him so much in my life that it scares me. I

CAN'T IMAGINE LIFE WITHOUT HIM. :-[

BUT WHAT IF MY LIFE SHOULD BE SPENT WITHOUT HIM, then what will happen to me?

Tumayo ako.

"If he really wants me in his life, he'll make that happen. No one can make that happen for him, not even you."

Sumimangot ang mukha niya at mas lalong pumula ang ilong.

"I know, I'll surely regret this, couz..."

Then I walked away.


Paano kung...
Paano kung pumunta ako kay Gab at nakipag ayos ako?
Paano kung masaya na ako ngayon at masaya na rin si Gab?
Ganun lang sana kadali ang lahat eh kung makikipag ayos ako.



Anong pumasok sa isipan ko na umalis ako at hinayaan ang lahat na ganito?

Hindi ko rin alam.

Nagsisisi ako. Maraming pumasok sa isipan kong mga "What if..." What-ifs.

But I really don't know why I think its the right decision. Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong magsisisi ako ginawa ko parin.

If he really wants me in his life, he'll make that happen. No one can make that happen for him, not even you.


Nagsorry si Eiji at Dexter sa akin hindi ko alam kung bakit sakin sila nag so-sorry. Kay Gab dapat sila magsosorry eh.

"Cel, sabay na tayo for the next subject!" sabi ni Jana sakin.
"O bah!" I smiled.

Isang linggo ng absent si Gab. Ang huling banggit ko sa pangalan niya ay yung nagsorry si Eiji at Dexter sakin last week. Ang alam ko, nagsorry din sila kay Gab pagkatapos nilang magsorry sakin.

Huminga akong malalim.

Lumiko kami ni Jana sa huling corridor papuntang classroom.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText