<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

P-arcs


P-arcs





P1.Textmate VS Date





"Max?"
"H-Huh??"
"You're spacing out..." Sabi ni Chad habang naglalakad kami sa loob ng mall.
"Ah... Sorry... Uh, kahit saan na..." Sabi ko.

Tinanong niya kasi ako kung saan ko daw gustong pumunta. Eh hindi ko naman alam at kakatext lang ni Brent sakin kung nag ho-holding hands na ba raw kami ni Chad.

Kainis! Ano ba yung mga iniisip niya. Namamasyal lang naman kami, may holding hands na agad. Tsaka di naman ganyan si Chad eh. Di tulad niya.

Quote
Maxine:
Hindi no! Loko! Hindi naman siya manyak tulad mo.

"O sige, gutom ka na ba? Kumain muna tayo?"
"Sige bah. Mejo ginugutom na rin ako."

Napili namin sa T.G.I.F. kumain. Nahihiya nga ako kay Chad kasi libre niya lahat.

"Thanks, Chad ah?"
"Ano ka ba, wala yun. Ako naman yung yumaya makipagdate sayo eh. Kaya ako ang sasagot."

Sa totoo lang, kung ako naman ang nagbayad sa kinain namin ngayon, di ko rin naman yun mababayaran, kukulangin ang pera ko. Makapaghugas na nga lang ng plato.

Quote
Brent:
So? Ano na ang ginagawa niyo?

Type ko agad... :-X

Quote
Maxine:
Kumakain.

Quote
Brent:
Anong kinakain mo?

Quote
Maxine:
Ewan ko. Basta may mashed potatoes. Ba't ka ba tanong nang tanong?

Quote
Brent:
Anong gusto mo? Magtatanong ako dito o susundan ko kayo?

Quote
Maxine:
Eww! stalker!

Quote
Brent:
Kaya nga diba, magtatanong na lang kesa mag s-stalk ako.

Quote
Maxine:
So kaya mo talagang mag stalk! Kakahiya ka!

Gwapo ka pa naman, stalker ka pala!

"Max?"
"Y-yes?"
"Sino yung ka text mo? Kanina ko pa napapansin text ka ng text."
"Ah! Yung teammates ko, tungkol sa uhmmm, victory party namin."
"Ow!? Talaga? San nga pala ang victory party niyo."

LOL! Sige Maxine! Magsinungaling ka pa!

"Yun nga eh, hindi ako sigurado kung makakapunta ba ako. Kasi, sa isang bar."
"Ohh Talaga? Saang bar ba?"
"Sa Core daw?"
"Galing ako dun last friday ah. Hmmm, ba't naman sa bar?"
"Ewan ko nga, sila yung nag desisyon dito eh."

Quote
Brent:
Ikaw lang naman ang ii-stalk ko eh.

Ugh! Brent!

Quote
Maxine:
Whatever! What are you doing?

Quote
Brent:
Nag gy-gym ako ngayon. Bakit? Stalk mo rin ako?

Quote
Maxine:
Just curious. Sino ka text mo.

Quote
Brent:
Kaw lang naman. Kainis nga. May katext akong may kadate na iba. I date mo rin ako, please?

Quote
Maxine:
Asa ka pa. Di pala kayo nag ti-text ni Kitchie?

Quote
Brent:
Minsan lang. Bakit? Di naman ako interesado.

Quote
Maxine:
Ah okay!

"So ano na daw?" Sabi ni Chad na parang naghihintay sa atensyon ko.

Naguilty naman ako agad dahil text ako ng text kay Brent dito.

"Uh, ewan ko eh. Itetext ko pa mamaya sina mama at papa. Anyway, sa Friday pa naman eh."
"Oo nga. Or you can talk to them later."
"Oo nga! Good idea!"

Pagkatapos naming kumain. Napansin kong may mukhang magandang palabas sa sine.

"Nood tayo ng sine?" Sabi niya.
"Yun nga rin ang iniisip ko eh! Sige!"

Dahil sa excitement ko, may muntik akong nabunggo na lalaki. Buti na lang ay hinawakan ni Chad ang bewang ko para di tuluyang mabunggo.
 :-[
"Uh, sorry! Salamat."

Nahiya tuloy ako.

Ngumiti siya sakin. "Just be careful." Sabay haplos sa mukha ko.

Ang bait niya talaga. Feeling ko namumula na ang pisngi ko dahil sa tingin niya at mga ngiti niya.

Nandoon na kami sa loob. Hindi pa nagsisimula ang movie kaya nag CR muna ako. (Excuse para makasilip sa phone.)

Quote
Brent:
Ay, galit?

Quote
Brent:
Ano ng ginagawa niyo?

Quote
Brent:
Nagkakamabutihan na ba kayo?

Loko talaga `tong si Brent ano?

Quote
Maxine:
Nagkakamabutihan ka jan! Manonood kami ng sine!

Quote
Brent:
Ang tagal naman makareply!

Quote
Maxine:
Ikaw kaya idate ko, tapos itetext ko si Chad magugustuhan mo ba?

Quote
Brent:
Hindi! Kaya wag mo na nga lang akong pansinin! Ba't nagrereply ka pa?

Quote
Maxine:
Eh text ka nang text eh! Sige! Di na ako magrereply! Gag0!

Kainis! Pasalamat siya diyan at nagrereply pa ako.


Quote
Brent:
Sorry. Kainis lang kasi, nanood na kayo ng sine, tayo di pa.

Whatever. Di ko na nireplyan. Kaya hayun, nanood na kami ni Chad ng sine. Pero halos nakasimangot ako buong oras dahil kay Brent.

Quote
Brent:
Anong pinapanood niyo?

Di ako magrereply!

Quote
Brent:
Nabo-bored na ako, nasa bahay niyo ba si Carlo?

CARLO? Kainis! Don't tell me pupunta siya sa bahay! Lagot ako! Paano kung nasa labas ng bahay nakapark ang sasakyan niya tapos ihahatid ako ni Chad doon. Lagot ako!

Quote
Maxine:
Tumigil ka nga, Brent! Mambabae ka dun kung bored ka.

Quote
Brent:
Ayoko. Kahit di ka loyal sakin, loyal parin ako sayo.

Quote
Maxine:
Pick up line!

Quote
Brent:
Di ah!

Quote
Maxine:
Whatever! Basta wa'g kang pumunta sa bahay.

Pagkatapos naming nanood ng sine, napagdesisyonan naming umuwi na. Alas syete na rin kasi.

"Okay lang ba sayo na ihahatid kita sa bahay niyo?"
"Oo bah."



P2.Pag-alis






"Salamat, Chad!"
"Ako nga dapat mag pasalamat sayo eh."

Ngumiti siya. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

Grabe, kinabahan ako. Bumilis ang takbo ng puso ko. Pumikit siyang bigla at hinalikan ako sa pisngi.

"Ang saya ko today." Ngumiti siya.

Grabe, pakiramdam ko ang pula-pula ang pisngi ko, wala akong masabi. di ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko.

"Ako rin."

Tumingin ako sa paligid at napabuntong hininga.

Salamat naman at wala yung lintik na yun.

"Uh, sige. M-Mauna na ako." Sabi ko.
"Wait..."

Lumabas siya at binuksan ang pintuan galing sa labas ng nakangiti.

"S-Salamat, Chad."

Nakaharap ako sa gate, samantalang nakaharap siya sa sasakyan at nakangiti.

Sa itaas ng gate may nakita akong kamay na pakaway-kaway.

Langya! Ang langyang yun! Talagang ang kapal ng mukha! Teka! Patay!!! Baka makita siya ni Chad. Dapat umalis na agad si Chad.

"Uhh, lumalalim na ang gabi, Chad. Baka hinahanap ka na sa inyo."
"Yep. I should go now."

Nagtitigan pa kami. Nakangiti siya kaya eto ngingiti-ngiti din ako. Di lang yon, namumula pa.

Bumalik na siya sa driver's seat.

"Max, you should get inside." Sabay ngiti niya.
"Uh, di na... Gusto kong makita kang umaalis. Gusto ko i-make sure na maayos ka." Ngumiti ako. ;D

Ngumiti din siya.

"Thanks! Well then, good night! Let's do this again, ayt?"
"Sure!"

Kumaway siya at unti-unting umalis.

Nakatayo parin ako sa labas nang binuksan ni Brent ang gate.

"Nakaalis naba siya..."

Hayun, sinapaksapak ko na. Todo naman yung sangga niya gamit ng dalawang braso pero umaabot parin ang sapak ko sa ulo niya.

"Bakit??" Sabi niya gamit ang maamong boses.
"'Bakit?' Ba't ka nandito? Diba sabi ko sayo wa'g kang pumunta dito??"
"Oh, easy lang... Naglaro lang kami ni Carlo ng Basketball kanina. Ang OA mo naman. Tsaka di naman ako nakita ni Chad ah?"
"Tseh! Kahit na!"
"O sige, sige... Aalis na rin naman ako eh."

Para namang naguilty agad ako sa sinabi niya.

"Huh? Paano? Sasakyan mo?"
"Kukunin lang ako nina Paul at Ara ngayon. Papunta na sila dito."

Umupo siya sa upuan sa labas ng bahay. Ayaw ko naman siyang iwan dito. Nakakaguilty. Parang ayaw ko nga siyang umalis eh. Kaya lang...baka mag fee-feeling naman `to pag di ako pumayag. Kaya umupo ako sa isa pang upuan.

"Ba't di mo dinala ang sasakyan mo?"
"Para di makita ni Chad na nasa labas ang sasakyan ko..."

Napatingin ako sa parking space namin sa bahay, nandun na ang sasakyan namin. Di na kaxa kay Brent. o.O

Mas lalo naman akong naguilty sa sinabi niya... Err...

"Maxine! Nandito ka na pala." Lumabas si papa nang nakita ako.
"Saan ka ba galing? Akala ko kayo ni Brent magkasama."
"Pa." Nagmano ako. "Uh, sa mall lang po."
"Pumasok muna kayo sa loob. ba't nandito kayo." Papasok ulit si papa sa loob ng bahay.

"Dito na lang po ako, tito. Aalis na rin po ako ngayon... Naghihintay na lang po ng sundo..." Ngumiti siya.

Para namang ako yung kontrabida dito. errr.

"Oh? Sige, Maxine, samahan mo muna si Brent jan hanggang makaalis na. Papasok muna ako sa loob..." Pumasok sa loob si Papa at tinawag si Carlo.

Napailing ako.

"Kailangan pa talagang utusan ka ng papa mong hintayin ako hanggang makaalis... Samantalang, si Chad, ikaw na mismo ang nagsabing gusto mo siyang nakikitang umaalis. Gusto mong i-make sure na maayos siya. Hindi ka ba concerned sakin." May evil smirk pa siya. Para bang sarcasm yung tanong niya.

Mukhang alam niya na ang sagot, pero tinanong niya pa. Para mang-inis lang.

Kainis naman `to. Kita ngang umupo ako dito sa harap niya at hinihintay yung twin niya... Talagang alam ng mokong na MEJOOOOOO concerned ako sa kanya. Kaya hayan at ngising ngisi. Abot tenga.

"Napaka chismoso mo talaga. Nakikinig ka pala sa usapan eh..." Inirapan ko ulit.
"Syempre, I'm curious."
"Wehh? Curious ka jan."
"Malay ko, nag a-i love you na kayo, ako na lang ang huli sa balita."

Sinapak ko ulit.

"Aray naman..."
"I love you ka jan! Ang OA mo!"
"Oo! May pag-asa diba? Iniyakan mo siya noon. Ngayon naman, mukhang siya na ang mag hahabol sayo." Ngumisi siya.

Kakainis naman `tong si Brent. Ba`t niya sinasabi yang mga bagay na yan. Hmp!

"But then again, we'll see about your response to his feelings... Pag sasabihin ba niyang 'I love you', mag a-i love you ka rin?" Nakangisi parin siya.
"Ba't ka ba dumarating sa ganung usapan..."
"Kasi doon din yan patungo..."

*Beeep-Beeep-Beeep*

*Krrriiiing-Krrriiiing-Kriiingg*

"Ooppps, they're here."

Tumayo ako at binuksan ang gate. Nakita ko si Ara sa fornt seat at si Paul sa driver's.

"Maxxx!" Sabay kaway niya. "Hi! We're fetching Brent." Sabay ngiti. "Ewan ko ba ba't di yan nagdala ng kotse."
"Oo nga eh." LOL "Wait lang, tawagin ko siya."

Nawala si Brent sa kinauupuan niya at nakita kong palabas ng bahay...

"Dude, balik ka ulit dito!" Narinig ko ang sigaw ni Carlo.
"Sure, dude!"

Dude! :o

Dire-diretso ang lakad niya sa gate papunta sakin.

"Nagpaalam lang ako kina tita at tito, pati kay Carlo. Bye Max!"

Pagkalapit niy sakin, umambang hahalikan ako pero nakailag ako.

"Grrr! Brent!"
"Sus! Max, wa'g ka ng pakipot. I saw you! hahaha!"
"Shh!" Napailing ako at nahiya sa sinabi ni Ara.

Umupo na siya sa likuran...

"Goodnight, Max!" Sabi niya habang binababa ang mirror ng sasakyan. "Mag a-i love you ka rin ba??" Kumindat siya.

Kay Chad? Si Chad yung tinutukoy niya, syempre.

Napakibit-balikat ako. ang totoo, hindi ko din alam.

"Bye Ara, Paul... Brent! Ingat kayo..." Ngumiti ako sa kanila.
"Thanks, Max!"

Nagbeso kami ni Ara saka niya tinaas ang mirror niya.

Linapitan ko si Brent.

"Text me pag nakauwi na kayo..." Sabi ko.
"Of course." Ngumisi siya at tinaas na din ang mirror.

Umalis din agad.

Ayokong nakikitang umaalis si Brent.





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText