<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 61-65


[STEP #61] Bridgette Reah Francisco: Akala ko ba napilayan ka?






"Salamat, Sandy. Ang sarap ng dinala mo, pero gabi na kaya umuwi ka na." Sabi ni Rico habang kumakain siya.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at mukhang kumakalam na rin ang sikmura ko. ARGH.

"Huh? Eh, sabay na lang kami ni Gette." Sabi ni Sandy na ikinabigla ko.
"Ako? Sasabay sayo-"
"Gette!" Sinaway ako ni Rico. "Uh, sorry Sandy, pero hindi siya uuwi ngayong gabi."
"HA?" Mas nauna pa si Sandy sa pagreact.
"HA? Ba't di ako uuwi?"

Tinitigan ako ni Rico na para bang may napakalaki kong atraso sa kanya.

"Hindi siya uuwi dahil sinabi ko." Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Sandy, "Kaya Sandy, mauna ka na lang."
"Abah~! Isusumbong kita kay Mama o kay Papa!" Sabi ko. Yes, I'm threatening him!
"Sige, mag sumbong ka! Para malaman nila na napaaway ako dahil sayo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Tawagan mo na lang sila. Di mo ba nakikita, napilayan ata ako tsaka ang sakit ng pisngi ko. Magpeperform pa naman kami bukas!"

Perform bukas?

"Tsaka, Gette. Kumain ka na ba? Baka ginugutom ka na?" Tanong ni Rico.
"Hindi pa. Obviously."
"May ulam pa ba doon? Yung dala ni Sandy?"
"Meron pa naman." Sabi ko.
"Kumain ka na!"
"Ayoko, hindi ko type ang lasa eh."
"Ano? eh, ang sarap nga eh! Nasarapan nga ako!"
"Haller. Magkaiba po kasi tayo ng taste!"

Tinitigan niya na naman ako.

"Kasalanan ko ba kung ayaw ko nun? Hindi ako nasasarapan. Sorry Sandy ah, mejo maarte kasi ang dila ko eh." Hindi naman umimik si Sandy at nakatitig lang si Rico sa akin na mukhang naniningil ng utang.

"Sige, Sandy. Umuwi ka na! Gabi na eh. Baka ano pang mangyari sayo." Sabi niya kay Sandy.
"Uh, ganun ba? O sige, uuwi na ako ah?" Sabi ni Sandy habang kinukuha ang malaki niyang bag.
"Gette, ihatid mo siya sa gate." Sabi ni Rico.
"Ano? Bakit?"
"Gette,"
"`kayyyyyy!"
"Hi-hindi, okay lang ako." Sabi ni Sandy.
"O narinig mo yun? Ba't di na lang kaya ikaw ang maghatid?"

Napatigil si Sandy at mukhang gusto niya ata ang idea ko. Nakita ko ring mukhang nanlilisik na naman ang mga mata ni Rico at para ko siyang inuutusan ng isang impossibleng bagay.

"OKAY FINE. Ako na!" Nagdabog pa ako bago ko binuksan ang pinto para kay Sandy.

Nakita ko ding pinipigilan ni Rico ang kanyang pagtawa. Naku!!!! Talaga naman oh. Noon gusto niya na dikit siya ng dikit kay Sandy, ngayon naman parang pinagtatabuyan na niya. Ano bang nangyari sa kanya? Nainlove sa akin?

"Hanggang dito lang ako." Sabi ko kay Sandy habang tinitingala ang gate nina Rico.
"Sige, salamat." Sabi ni Sandy. "Uh, Gette. Sorry dahil pumunta pa ako ngayon. Nag-aalala lang naman kasi ako sa kanya eh."
"Ahhhh. Naku Sandy, wala yun. Kung wala ka dito baka mamatay sa gutom yun dahil di rin naman ako marunong magluto. Marunong nga siyang magluto kaya lang mukhang napilayan ata."
"Uh, Salamat ulit."

Ang tagal namang umalis. Sumulyap pa kay Rico sa loob na mukhang busy dahil naglalakad-lakad kung saan-saan.

"Sige, alis na ako."

ANO PA BA KASING HINIHINTAY MO INENG?

NAKUUU. Para namang hindi kaya maglakad kahit hanggang gate kaya nagpapahatid pa. Yung Ricong yun talaga!!! Nang tuluyan ng makaalis si Sandy, agad akong bumalik kay Rico.

*Kumakalam ang sikmura*


Nakita ko si Rico sa kitchen at mukhang may ginagawa. Umupo ako sa upuan at sinandal ang mukha sa mesa.

*malilipasan ata ng gutom*

"Ba't pa kailangan ihatid si Sandy sa gate? Concern ka sa kanya dahil baka may kumagat na lamok kaya ipinahatid mo siya sa akin dahil mas maputi ako at baka mas ma-attract ang mga lamok sa akin?" Tanong ko.
"Ano ka ba! Wala ka bang utang na loob? Dinalhan na nga tayo ng pagkain nung tao tapos..."
"Excuse me! Ikaw lang ang dinalhan ng pagkain! Hindi TAYO."

Nakita kong nagluluto siya ng ulam at naaamoy ko rin sa kinauupuan ko. GOSH, ginugutom na ako.

"Ano bang ginagawa mo diyan?"

ALAM KONG NAGLULUTO SIYA. Pero kailangan kong marinig ang sagot niya.

"Mag-aral ka nga ng culinary!" Sabi niya (hindi ako sinagot).
"Para ano pa?"
"Para pagdating ko sa bahay galing trabaho, may pagkain ng nakahanda."

Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway. Nakatalikod siya sa akin at nagluluto at ang sarap niyang sabunutan!

"Alam kong spoiled brat ka pero magpakababae ka naman!" Dagdag niya.
"Teka nga, liniligawan mo ba talaga ako?"
"Oo!"
"Mag-ingat ka sa pananalita mo diyan kung ayaw mong mabasted ka!"
"Eto naman oh!"
"Ba't ka ba nagluluto riyan? May ulam naman dito, ulam ni Sandy! Yun nga lang, baka may gayuma!"

Humalakhak siya at nakinig sa akin.

"Ano? Umeepekto na ba?" Tanong ko.
"Hindi na niya ata ako magagayuma, I`m sooo under your spell." Sabi niya habang linagay sa hapagkainan ang linuto niya. "Kumain ka na!"
"Nalipasan na ako ng gutom!"
"Tapos, di ka na kakain?" Nakita kong siya na ang kumuha ng kutsara para sa akin at mukhang susubuan pa ata ako.

"Ako na nga!" Sabi ko.
"Wa`g na, sinisira mo ang porma ko!"
"Ako na sabi! Kakain na ako. Marunong akong sumubo!"

Tinitigan niya ako kaya wala na akong nagawa kundi pumayag na subuan.

"Uh, sorry. Naiwan ko yung lalagyan!" Nabigla ako nang pumasok si Sandy sa kitchen at nanlaki yung mga mata niya nang nakita kami.

"Ah, nakalagay lang malapit sa ref, Sandy. Salamat ulit!" Sabi ni Rico habang pinagpatuloy ang PAGPAPAKAIN SA AKIN.
"Akala ko ba napilayan ka? Ako na nga, baka idemanda mo pa ako dahil lang nyan!" Sabi ko habang nakikita si Sandyng tumitingin sa aming dalawa.
"Ang kulit mo naman, Gette! Ako na sabi eh!"

Nahulog pa ang kinuha ni Sandy.

"O, Ayos ka lan-" Bago ako matapos.
"Okay lang! So-sorry!"

NAGSESELOS SIYA. Si Rico naman, parang walang pakealam. Naiiisip ko tuloy kung ginagamit nga niya ako. Pero, di naman ata dahil kahit wala si Sandy eh sweet naman siya. What do you think?




[STEP #62] Bridgette Reah Francisco: Susuotin ko na...



Nakaalis na si Sandy at pinapainom ako ni Rico ng tubig nang bigla akong pumiglas kaya natapon niya yung baso at nabasag.

"So-sorry." Tutulong sana ako sa paglinis sa basag na baso kaya lang.
"Ako na. Baka masugatan ka ulit!" Sabi niya.

Sorry. Sorry. Nakaupo lang ako sa harap ng mesa at nakatingin sa kanya. Nagdududa parin kasi ako sa kanya. Natatakot na akong masaktan. AYOKO NA. Baka malaman ko lang na pinaselos niya lang pala si Sandy at ginawa pa akong pampaselos. Kung mangyayari yun, baka hindi ko na makayanan. Ta-transfer talaga ako ng school at hindi na ulit ako magpapakita kay Rico o kay Sandy... at sa mga kaibigan ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila.

"Nagdududa ka ba?" Tanong niya.

Ack~!

"uh, huh?"

Napaisip siya at ako naman... as if I don't get him.

"Wala... Matulog ka na!"
"O-okay!"

Agad akong umalis sa kitchen dahil ayoko ng awkward moments.

"Sa kwarto ka na lang matulog." Sigaw niya.
"H-Ha?"
"Ako na sa sofa."
"O-okay."

-.- Gosh. Nakakahiya naman `to. Parang ang dami kong dinalang problema sa kanya. Di bale, nanliligaw naman 'daw' kasi siya eh. Pero bakit parang nakakahiya parin?

Humiga ako sa kanyang kama at agad nakatulog... zzzzzzz.






...


Asan na ako? Ahhh, dito nga pala ako kina Rico natulog. Babangon na sana ako pero napansin ko ang kumot na nakapulupot sa buong katawan ko. Hindi ko naaalalang linagyan ko ng kumot ang sarili ko kagabi ah? Siguro si Rico... ???

Bumangon ako at tiningnan si Rico sa sofa. Kaya lang, wala siya. Pumunta ako sa kitchen at nakita kong may nakahandang almusal. 11:00am na pala. WTF? Bakit ganitong oras na akong nagising? Siguro pagod na pagod ako kahapon. Buti na lang at Sabado. May nakita ako note malapit sa pagkaing nakahanda sa mesa.

"Gette, good morning! Di na kita ginising, sorry. Mukha kasing ang sarap ng tulog mo eh. Pinaghanda kita ng pagkain. May lakad ako ngayon eh. Pumunta ka na lang mamaya sa birthday ni Hiro."

Nakita kong may maliit na invitation malapit sa note na binasa ko. Tiningnan ko ang kalendaryo at... "OMG, ngayon pala ang birthday ni Hiro!"

Ba't siya umalis... si Rico. Umupo ako at kinain yung hinanda niya. Hindi niya man lang sinabi kung saan siya pupunta. He is so mean.

*KRIIIIIIIIIIIING**

"Hello?"
"Gette, anong oras ka bang gumising?" SI RICO.
"Uhh. kanina."
"HEHE. Di bale na nga lang. Kumain ka diyan ah? Andito ako kina Hiro. Band practice."

HA? Kasali ka pa pala sa kanila? Kumain ka na ba? Pwede ba akong pumunta diyan? Sinong nandyan? nandyan ba si Sandy? Uuwi ka ba dito? Anong oras?

"Ahhh." Yun lang ang sinabi ko. LOL
"Nakita mo yung invitation?"
"Oo."
"Sa isang upuan diyan, may damit akong binili, sootin mo yan mamaya."

O.O

"Ang panget naman ng binili mo!" Sbai ko. Ack~!
"H-ha? Sorry, hindi mo nagustuhan? Hindi kasi ako marunong pumili eh."

Pink dress with laces...lace... and nothing but lace and ribbons. Okay na rin.

"S-so... B-Bibili ka ng iba o..."

Muntik na akong tumawa ng napakalakasssssssssssss. HAHAHAHAHA. Buti na lang at napigilan ko.

"Susuotin ko na..." HEHE.
"Talaga? Pero..."
"Bakit, ayaw mo?"
"H-hindi! Sige, sootin mo ah?"
"Okay... Bye."

GEEEZ. Ba't parang ang sarap niyang inisin? HAHAHA. Parang may kakaibang ligaya akong nararamdaman kapag iniinis ko siya. LOL. Bully talaga ako. HAHA. Anyway, Habang nagugustuhan ko ang ginagawa ko sa kanya, mas lumalaki ang chansa na mas lalo akong magkagusto sa kanya... natatakot ako... baka... si Sandy parin ang... gusto niya... hanggang ngayon.



[STEP #63] Bridgette Reah Francisco: tigil sabi eh.




Nandito na ako sa place na sinasabi dun sa invitation. Sinoot ko nga yung binigay ni Rico.

"Gette," Nakita ko si Hiro, pormal na pormal ang soot niya.
"Hiro, happy birthday." Sabay bigay ng regalong dali-dali kong pinili kanina.

Bigla niya akong yinakap.

"Thank you for coming! Ang ganda ng soot mo ah?"
"Ha? HEHE, salamat." Si Rico ang may pakana sa soot na `to.


Nagsimula na ang party, nakita ko si Rico pero doon siya nakaupo kasama ang kanilang banda. I saw Aaron! WHEW, Ba't sya andito? Invited? Hmmm, lumapit siya sa akin.

"Gette, Kamusta na?"
"Uh, okay lang."
"Kayo na ba ni Rico?"
"Hindi... pah."

Tumango siya.

"Talagang may pag-asa siya noh?"

Etong taong `to mukhang napag-iiwanan na ng panahon. Nakakabingi yung mga tanong niya.

"Ewan ko."

Maayos naman ang takbo ng party, except sa part na si Aaron ang kasama ko hanggang sa part na sasayaw na ang mga tao. Birthday `to ni Hiro, pero siya ang kumakanta ng mga kanta sa stage. And take note, hindi rock songs ang mga kanta - puro slow. Ibang klase, ayaw ni Hiro ng mga ganito noon eh. Nakaupo parin ako kasama si Aaron at mukhang *ehem* wala akong planong isayaw si Rico dahil andun siya kasama ang guitar niya at mukhang seryoso sa pagtutugtog!

"Gette, sayaw tayo!" Sabi ni Aaron.
"Ano? Hi-hindi ako pwede eh! I mean, ang sakit ng paa ko."
"Hubarin mo na lang yung sapatos mo!"
"Ha? A-ayoko." Napalingon ako sa stage kung nasaan sina Rico at Hiro, kaya lang seryoso sila sa kanilang ginagawa.



*You will always be a part of me,
I`m part of you...~*


"Gette, dance with me!"

Nabigla ako nang nakita ko si Aaron na inaabot ang kamay at lumuluhod sa harapan ko! Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Halaaa, pumayag ka na miss." Sabi nung isang lalaki.

Narinig ko na ang mga bulong-bulongang na... "Ang swerte naman niya." "Ang gwapo nung lalaki, pero maganda din naman siya kaya tama lang yan!"

Kinuha ko na ang kamay ni Aaron dahil sawang-sawa na ako sa mga usap-usapan tungkol sa akin.

"Pumayag ka rin!"
"Aaron, pwede ba! Wa`g mo naman akong ipahiya!" Sabi ko.

Tumingin ulit ako sa stage at nakita kong nakatingin na si Rico sa akin at mukhang galit na naman. Wait, ganyan naman lagi siyang makatingin eh...

"Aaron, tumigil na tayo!" Sabay kalas sa kamay ko pero hinawakan niya ito at talagang ayaw niyang kalasin ko.

"Aaron, tigil sabi eh."
"Ayoko. Minsan nga lang `to nangyayari. Wala si Rico, wala din si Hiro-"
"Oo nga naman, Aaron!" Napalingon si Aaron sa likod at nakita naming dalawa si Hiro.

"Hiro..." Tumingin ako sa stage at nakita ko si Rico...

Kung andito si Hiro, sino ang kakanta?

Sumulyap ulit ako sa stage...

"I-I`m sorry, it's the birthday boy." Binigay ni Aaron ang kamay ko kay Hiro...

Kung andito si Hiro, ibig sabihin si Rico ang kakanta. Habang binibigay ni Aaron ang kamay ko kay Hiro, nakita ko si Rico sa stage... seryosong seryoso.

"Hiro--"
"Gette it's my NIGHT so dance with me..."

ACK~!
MMMKAY...?

Si Rico... ???

"But, you listen to him!" Sabay turo kay Rico.





[STEP #64] Bridgette Reah Francisco: Yun lang yun...



"Listen to him?"

Ngumiti si Hiro sa akin habang isinasayaw niya ako. Kami na lang dalawa ang sumasayaw sa dancefloor at mukhang special part `to sa birthday niya. Pero ewan ko ba kung bakit parang sinasadya niyang nakaharap ako sa stage kaya kahit anong gawin ko sa pagsasayaw namin, talagang ganito lang ang itsura.

Dumilim ang paligid at tumigil din sa pag-uusap ang mga tao. Narinig ko ang gitarang tumutugtog ng isang pamilyar na kanta... na mukhang binabalewala ko lang noon.

"Whenever I'm weary from the battles that rage in my head
You make sense of madness when my sanity hangs by a thread
I lose my way but still you seam to understand..."

Narinig ko ang boses ni Rico. Eto na yata ang pinaka malamig na boses niyang narinig ko. NAKU, ano ba yan... nakaka...ano naman `to.

Nakatitig lang siya sa akin habang kinakanta yun.

"Hiro, uhm... ano `to?"

Ngumiti lang siya...

"Gette, aalis nga pala ako."
"Huh? Saan ka pupunta?"
"States... kaya I`ll do everything para mapasagot ka niya para naman hindi ako magsisi."
"Huh? Wait, wait..." Napatawa ako. "Are you threatening me?"
"Mmmm, I don't know." :)

Tumahimik siya nang nakita niyang tumingin ulit ako kay Rico.

"Now I can rest my worries and always be sure
That I won't be alone anymore
If I'd only known you were there all the time
All this time..."


OMG, I don't want to think that the lyrics were meant for me...pero... ba`t parang yun ang iniisip ko. Parang gusto kong maiyak. Ito ang unang pagkakataong na move ako sa isang kanta. At siguro ganito ang feeling ko ngayon dahil si Rico ang kumakanta... and of course I like the thought na ako ang kinakantahan niya.

"What song is that?"
"That song is for you... from him." Ngumiti ulit si Hiro.

"Uh... huh? I mean, title?"

Parang gusto kong magtatalon sa sinabi ni Hiro.

"Now and forever."

"...Until the day the ocean doesn't touch the sand
Now and forever
I will be your man..."

TUMULO ANG LINTIK KONG LUHA :'( . At hindi ko alam kung bakit. Maybe I was too moved.

Kinalas ko ang kamay ko sa kay Hiro para punasan ang mga luha ko. And this time, hindi na ako nag care sa mga usap-usapan ng mga tao sa paligid. Pakiramdam ko mag mga batong nakalagay sa tenga ko kaya hindi ko sila naririnig.

"H-Hiro. CR muna ako!" Sabi ko.
"Wa-wait! HAHA Don't tell me you are running away? No you can't! You can't run away from me. We are dancing..."

Hindi naman yunnn eh. Naiyak ako, baka maisahan ako ni Rico! Baka si Sandy parin ang gusto niya!

"...you can't run away from him either!"

"I'll try to show you each and every way I can
Now and forever I will be you man."

"C`mon Gette, don't be too blind! He loves you... too."
"Huh? Eh,"
"Natatawa nga ako eh dahil wala talaga siyang clue kung gusto mo ba siya o ano... napaka insensitive! O baka naman inaaway mo siya? HAHA, minsan nga gusto ko na siyang sapakin eh dahil mukhang nadedepress dahil napaka 'clueless' mo raw at di ka raw niya mabasa. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng treatment ba ang binibigay mo sa kanya! And take note, sinabi niya pang habang mas inaaway at sinasaktan mo siya, mas lalo ka niyang minamahal. GOD, he's very corny! Nerd talaga. Hindi niya alam kung gano siya ka swerte,"
"Ah. Talaga?"

TALAGA? BAKA... Kelan pa kayo naging close? LOL

"Yeah! He loves you sooo much! Ngayon nga baka mas gusto niyang siya ang sumasayaw sayo dito sa kantang dinidedicate niya sayo, kaya lang syempre di ako pumayag! Ano siya? Sineswerte, birthday ko ata no!"
"Hiro naman, wa`g ka ngang magbiro ng ganyan!"
"I`m not kidding! Haaay, he is sooo lucky! Tsk. And he doesn't know that! Sinabi niya pang gagawin niya ang lahat matanggal lang yang pagseselos mo kay Sandy! Bahala na raw kung clueless siya kung gusto mo ba siya o ano."

Nakita kong puno na ang dancefloor noong natapos ang song at pinaupo na rin ako ni Hiro. Nagulat nga ako dahil ni hindi man lang ako linapitan ni Rico! Nag CR ako at...

"Getttttte!!!! SORRY!" Nakita ko si Sam at Anya.
"Andito pala kayo?"

Of course! Pero hindi ko kasi sila nakita eh.

"Sorry, bilin kasi ni Hiro na wa`g daw kaming magpakita sayo until matapos yung sayaw niyo!" Sabi ni Anya.
"Huh? Ba`t naman?"
"Baka daw kasi magpupupunta ka kung saan saan kapag kasama kami!"

Nagtawanan kaming tatlo sa CR at may mga babae pang nakikiusisa kaya paglabas noong iba, sinarado ni Sam para kaming tatlo lang ang nasa loob.

"Nakita mo si Rico? Narinig mo ang kinanta niya? Para sayo yun!!! UYYYY."
"Ano baaah~! Kung para sa akin nga yun, ba't di man lang niya ako linapitan pagkatapos nun? Di nga siya nag text eh."


*TITITTTTTTTTT....
ONE MESSAGE...*

"May nag text!"
"O, kita mo na!" Agad nakiusisa si Sam at Anya sa nag text...

RICO:

Gette, hintayin mo ako mamaya,
sabay na tayong umuwi. Tinext ko na ang parents mo.


"YUN LANG?" Sabi ni Anya at Sam.
"Haaaay! Sabi ko naman s inyo eh. Yun lang yun... at hanggang doon na lang yun!" I said holding my frustration.

At mukhang nadisappoint din si Sam at Anya sa text ni Rico.





[STEP #65] Bridgette Reah Francisco: mamamatay ako



Lumabas na ako sa party venue kung saan dinaos ang party ni Hiro. Pagkatapos nang pag-uusap namin nina Sam at Anya kanina, hindi ko na sila nakita. At ngayon, ubos na ang mga tao. My God, asan na ba si Rico? Kulang na lang tumulong ako sa pagliligpit ng gamit dito. Kaya andito ako sa labas, sa gilid ng fountain. My gosh, tatawagan ko ba si Rico o uuwi na ako? Pabalik-balik ang pagtingin ko sa cellphone ko hanggang sa nakita ko si Hiro, papalabas na siya at mukhang uuwi na.

"Gette, hindi ka pa uuwi?"
"Huh? Nakita mo ba si Rico?"
"Uh... Oo, nandun pa siya sa loob ng backstage, nag-aayos. Sige Gette, mauna na ako!"
"Huh? Sasabay na lang..."
"Wa`g na! Pinapahintay ka niya diba?"

Tumango ako at tuluyan na siyang umalis.

"Sh1t, yung tanginang yun, isang oras na akong naghihintay dito ah?"

Umupo ako sa gilid ng fountain... "Five minutes na lang talaga, aalis na ako. Mag lalakad ako kung kailangan!"

"Gette!"

Lumingon ako at readyng ready na akong bugahan siya ng apoy. Kaya lang, mas una kong nakita ang rose na hawak niya sa kamay at pagkatapos ay nakita ko namana ng ngiti niya.

"Huh? Gette ka ryan, umuwi na tayo! Gabi na!"

Binigay niya sa akin ang rose.

"Hoy Rico, kung ano man yung iniisip mong porma diyan, mabuti pa tigil-tigilan mo na yan dahil nakakahiya na!"
"Ba't ka mahihiya eh tayo lang naman dalawa rito?"

Yung full moon lang ang ilaw namin dito bukod sa ilaw na nanggagaling sa fountain at mukhang sarado na ang party venue. Baka nga paalisin pa kami dito kung hindi pa kami magmamadali eh. Naka white suit siya at panay ang ngiti niya.

"Kahit na, yung mga empleyado rito!"

Hahawakan ko na sana ang kamay niya... ewan ko rin kung anong iniisip ko, basta gusto ko nang umuwi kaya hihilahin ko sana.

"S-Sorry,"
Kinuha niya ang kamay ko at linagay sa shoulders niya.
"Rico... buwisit ka talaga! Umuwi na nga tayo!"

Hindi siya nagsalita, ngiti lang nang ngiti ang mokong.

"Hoy! Wa`g kang ngumiti diyan! Hindi mo ba ako naririnig? Tsaka ang pangit-"

*KISSSSS*

He planted a kiss. I was so shocked.

"Alam mo ba, may nalaman ako."

At may gana pa siyang magsalita pagkatapos niya akong hinalikan ng pabiglabigla. Kulang na lang nga manigas ako dito at ang lakas-lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Hindi mo ba itatanong kung ano?"

BWISIT!

"Nalaman ko na ang isa sa mga bagay na nakakapag pahinahon sayo, ay ang halik ko."

Tinitigan niya ulit ako. And now, I can't look at him again. Bakit palaging ganito? OH GOSH! At kahit laging ganito, hindi ako nagsasawa. Feeling ko worth it lahat ng sakit na naramdaman ko noon. At dahil sa mga sinabi niya, gusto kong magsalita ng napakaraming words. Kaya lang I can`t think about anything but the moment. But if I talk about the moment, baka mamatay ako sa nerbyos kapag i-interrogate niya ako.

"Nalaman ko ring kapag hindi ka tumitingin sa mga mata ko, may tinatago ka!"
"Oo, may tinatago nga ako." Nahuli niya ang mga mata ko. At sinadya kong magpahuli.

"Coz Rico, you know what? I don't want to ruin your show but I really hate dancing without any song or music!" Sabi ko ng walang regrets at walang pagdadalawang isip.

"Well," Ngumiti siya at akala ko magpapalabas siya ng stage o banda para magkamusic naman, pero my expectations failed me. Pero bakit ayaw ko paring tumigil sa pagsasayaw? Feeling ko marami pa siyang gustong sabihin at mukhang alam niyang marami akong tanong.

"Nga pala, since we are dancing here... and alone... may itatanong ako."

Ngumiti siya.

Ehem, is that smile for me? and me only? Hindi pala... iba pala ang tanong ko.

"Naisayaw mo na ba si Sandy ng walang music?"
"Mmmm, hindi pa." Ngumiti siya.

VULLLSHYET. Eh ang dayadaya naman oh! Ba`t ako, ang cheap cheap nito! Tapos si Sandy... grrrr...

"Ahhhh, ganun ba?" I rolled my eyes.

He put his forehead on mine. KAYAAAAAAAAA... Wala akong takas sa mga mata niya.

"Pero hindi ko pa siya naisayaw ng ganito ka lapit. At hindi ko na siya isasayaw kahit malayo kami."

EHEM, I really really really really want to close my eyes right now. Baka kasi mabasa niya ang mga iniisip ko.

"May nalaman ulit ako,"
"Huh?"

Alam niyo ba kung bakit di ako makapalag ngayon kahit na pwede ko naman talaga siyang masapak o pumiglas o lumayas? Dahil konteng galaw ko lang baka mahalikan ko siya at mahimatay ko. Tsaka, damn it, feel na feel ko ang moment!

"Kapag ganito ka kalapit, wala ka ng takas sa akin!"
"Ahhh."

HULING HULI NIYA AKO.

"Pag may tinatago ka, hindi ka tumitingin sa akin. And since nahuli kita, wala ka ng pwedeng itago."

Silence.



*WHENEVER I`M WEARY... from the battles that rage
in my head...*

Pareho kaming napatingin sa itaas kung saan nanggagaling ang boses na napakalamig. We both saw Hiro standing at the balcony of the party venue. Nakadungaw siya sa amin at ngumiti ngiti pa.

"Anong ginagawa niya dyan?"
"I don`t know."

"Rico... I changed my mind. hehe, sorry, mejo late!" Sabi ni Hiro.

Nagngitian ang dalawa, tiningnan ako ni Rico.

"Don`t get distracted. This is our dance."

*I lose my way but still you seam to understand...
Now and forever...
I will be your man...*

"Yung kinanta ko kanina, para sayo yun!"
"Ahh,"
"But Gette,"
"Huh?"

Hindi ako huminga ng mga ten seconds...

"I`m sorry, I really don't know what to do!"

HUH? Ano? Bakit? Anong ibig niyang sabihin.

"Bata pa tayong dalawa... pero hindi ko alam kung panu makuha ang trust mo."
"huh?"
"Kung papaano kita i-convince na hindi ko na mahal si Sandy..."

Silence. Anong big niyang sabihin? Nag-aapologize siya? Is he giving up?

"Kahit ako kasi, hindi ko alam kung paano nangyari yun. After you revealed to me those things about Sandy and Hiro, I don`t know what to do. Nagalit ako kay Sandy, nagalit ako kay Hiro, nagalit ako... pati sayo. I planned to study somewhere far. Ayaw ko ng magpakita, I feel like I was decieved."

*I'll try to show you each and every way I can...*

Ako naman, I felt rejected that time! LOL

"After three days na nagbakasyon ako, I MISSED YOU..."

Nanlaki ang mata ko.

"I was surprised. Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang na miss ko, instead of Sandy."

HAAA? EHEM.

"Napatawad ko agad si Sandy and Hiro too... Walang kasalanan si Sandy kung mahal niya si Hiro, at walang kasalanan si Hiro kung mahal siya ni Sandy... Pero, I can't forgive you!"

ABAAAAAAA~! Nagalit pa siya sa akin? Kung alam niya lang kung paano ako naghirap at mga sakit na dinaanan ko!

"I don't know but I just can't forgive you. Araw-araw kitang iniisip, at nagagalit talaga ako sayo. I don`t know why."
"Ba't ako? Wala naman akong masamang ginagawa eh."

He kissed me again. SHYEEEET. Parang gusto na niyang ulit-ulitin ang ginagawa niya ah?

The song finished pero kinanta ulit ni Hiro. Binalik-balik ata. Kaya napatingin ako sa balcony, at nakita ko ang ibang taga Hero. Kumaway pa nga si Jishi sa akin.

Nininerbyos ako. Hindi na lang ako magsasalita.

"Hanggang sa nalaman ko na lang na nagkabalikan kayo ni Hiro."

O.O

"Galit na galit na talaga ako sayo. I named you on my mind. Tinawag kitang b1tch, flirt, malandi at kung anu-ano pa."

Lumapit pa siya ng konte sa akin.

"I want to hug you, but I also want to look at you in the eyes."

:'(

"Look at me in the eyes or else I`ll run away from you." Sabi ko and I know he was a bit shocked and maybe, disappointed? "You can hug me when you`re done." His face lightened up.

He smiled again...

*Now I can rest my worries and always be sure...
That I won't be alone anymore...*

"Sorry... kasi tinawag kitang ganun! I just want you to feel how angry I was that time."

*If I'd only known you were there all the time...*

"Hindi ko talaga alam kung bakit nagagalit ako sayo... hanggang sa narealize kong nagseselos ako... and I am thinking about you the whole time... I can't forgive myself for falling in love with someone I hate. But I can't forgive my self if I`ll let you go."


Then we both noticed that it rained... ROSES! Oo, may mga petals na nahuhulog galing sa balcony, may mga buong roses din... Kaya tumingala ako at nakita ko si Sam at Anya - sila ang nagpaulan ng roses.

I WAS SO TOUCHED THAT I CRIED.

"Then why are you sorry?" Tanong ko... I`m referring to this statement ---> 'I`m sorry, I really don't know what to do!'
"Sorry kasi hindi ko alam kung paano ko maiaalis sayo ang pagdududa na pinapaselos kita kay Sandy!" He wiped my tears.

ALAM MO RICO... I`m so convinced now! Kaya wa`g ka ng magdrama okay!

"Alam kong bata pa tayo... pero... I can take care of you... I promise."

I wiped my tears. Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko yung box na... ALAM KO NA~! O M G. OMG.

"Kaya... kung ayaw mong maniwala sa akin. PAKASALAN MO NA LANG AKO!"

Tumili si Anya at Sam. Kaya I can`t help but smile. I wish that the NIGHT would never end. Feeling ko isang buwan akong hindi makakatulog. Parang gusto kong balik-balikan ang moment na `to. OMG. Nagiging hysterical na ako dito. Hindi ko na alam... Feeling ko ang daya-daya ko na dahil... este... hindi ako madaya noooo~! Dapat lang yun sa kanya dahil sinaktan niya ako... noon.. Pero, makakatanggi pa ba talaga ako ngayon? HINDI NA DIBA?

*Until the day the ocean doesn't touch the sand...
Now and forever...
I will be your man...*

Sinoot niya sa akin ang singsing. HINDI AKO MAKAKATANGGI BECAUSE I LOVE HIM TOO~!

"Langya ka! Ang bata bata pa natin, gusto mo ng magpakasal!?"

He smiled. Kinuha ko ang isang singsing at ihahagis ko na sana... hahahaha... Tinitigan niya ang kamay kong nasa ere at inaantay sa gagawin ko.

"Sa tingin mo, anong gagawin ko?"

He was clueless. Pero pakiramdam ko, ready siya kung ano man ang gagawin ko... except for...


I KISSED HIM. I wrapped my arms on his neck. HE KISSED ME BACK.

"Walang hiya ka... ang bata-bata pa natin noh! Engagement siguro pwede pa!"

He stared at me...

"Pero mamamatay ako kung hindi ikaw ang pakakasalan ko!"

HE SMILED AND I KNOW HE IS HAPPY. I AM HAPPY TOOOOOOOOOOOOO~! VERY HAPPY~! He hugged me...


"This nerd will shut you up, Bridgette Reah Francisco!"
"YEAH RIGHT!"

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText