<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 36-40


Stage 36.
Happy birthday...





Nasa labas na kami ng bar. Hinihila niya parin ako na parang walang nakatingin sa aming dalawa. Lahat yata ng tao nakatingin samin eh. Halos ma samid na ako sa pagkakahila niya.

"Bench, ano ba!"

Hindi pamilyar ang sasakyan na binuksan niya. Cool. Tinignan ko talaga ang buong sasakyan kaya di ko namalayang nasa front seat na pala ako at umikot na siya at nasa driver's seat na.

Seryoso siyang nakatingin sakin. Tinititigan akong mabuti. Tinitigan ko rin siya. Oh I get it... Mas gumwapo siya ngayon. Lalong gumwapo. Kumurba ang kanyang labi at nakita ko ulit ang pamilyar niyang dimple. Ang mga mata niya, nakatitig parin sa mga mata ko. Tapos tumitibok ng malakas ang puso ko.

What is this? Am I tensed? Bakit ako kinakabahan?

Napalunok ako.

You're denying it, Denise.

Binawi ko ang tingin ko at tumingin sa labas. Di parin niya inaalis ang mga mata niya sakin.

"Alam ko kung anong ginagawa mo, Bench." Sabi ko. Halos mapaos.

He sighed. Di parin inaalis ang tingin niya sakin.

"You're ruining everything, Bench! First time kong magkaroon ng date, ipinagkait mo pa sakin. At ngayon... eto ka at mang-iinis sa kanya-"
"He's not the right guy for you, Denise."
"Then who is?" Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa kanya.

Hindi ko naman ganun ka gusto o mahal si Renzo. Halos di ko pa nga siya kilala, getting-to-know-each-other stage pa lang tapos bakit inis na inis ako kay Bench?

May kinuha siya sa likuran. Tatlong maitim na paper bag.

"These are my gifts for you, Denise. Eto sa Christmas. Eto naman Sa New Year. Eto naman sa Birthday mong ilang minuto na lang..."

Tinignan ko siya. Nakangiti na parang wala lang.

"Christian Louboutin ito. Diba gusto mo 'to, sabi mo sakin noon?"

Binuksan niya ang isang paperbag at ipinakita ang nasa loob ng box. Isang pink high-heeled pumps na may gold sa gilid. Christian Louboutin.

Kung noon siguro matatanggap ko 'to tulad sa pagtanggap ko sa mga regalo niya, pero ngayon, parang isinusuka ko na ang lahat at di ko alam kung bakit.

"And this one's a bag from Louis Vuitton-"
"Bench, stop it!"

Hindi ko siya tinignan dahil alam kong hindi ang mga regalo niya ang makakapagpalambot ng puso ko, kundi ang kanyang mga mata. He's deadly and we all know that. Ganito kaya ang nararamdaman ng mga girls na naiinlove sa kanya?

"Kung gusto mong malaman kung bakit hindi siya para sayo, I'll tell you. After your birthday, that is.>:( >:( >:(

Tinignan ko siya. Disappointed kasi di ko man lang hinawakan ang mga regalo niya.

"You listen, Bench." Tumingin ulit ako sa labas para di ko malimutan ang tatlong linggo kong inisip na script para sa kanya. "I know what you are up to. Kilala mo ako. Alam mo kung gaano ko ka gusto ang lahat ng luho sa buong daigdig. Gusto ko ang spotlight at isa akong social climber. Pero hinding hindi mo ako mauuto sa mga gifts mong 'to. Alam ko kung ano ang gusto mo! Wa'g na wa'g mo na ulit akong bigyan ng mga ganito. Ayokong umasa kang mapapaibig mo ako at mapapaikot para lang mapaghigantihan si Muse!"

Sinulyapan ko siya. Mukha niya? Shocked at sobrang nakakaantig. Bwisit! AYOKO NITO! Kanina ko pa napapansin ang sarili ko. Ginulo niya ang buhok niya huminga ng malalim, trying to look cool and calm. :-[ :-[ :-[ :-[ :-[

"Can't take this anymore." Binuksan ko ang pintuan ng bago niyang sasakyan.

Akala ko hindi ko mabubuksan yun kasi bago nga at di ako pamilyar kung paano pero adrenaline rush na!

Umalis ako sa sasakyan niya. Nasa harapan ako ng sasakyan niya naglalakad habang pinupunasan ang mga luha. Bakit ako umiiyak?

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa sasakyan niya.

Uuwi na ako. Di ako babalik sa bar... Aalis na ako. Bwisit na Bench! Sinira niya ang lahat!

Napatingala ako nang may nakitang sumabog sa langit at iba-ibang kulay ang nahulog. Natigilan ako sa gulat at sa ganda, pareho.

"Happy birthday..." Sabi ni Bench sa di gaanong kalayuan. Nakatayo parin siya malapit sa kanyang bagong sasakyan.

Fireworks! Sobrang ganda.

Lumingon ako sa kanya. Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata...

Don't fool me. >:( >:( :-\ :-\ :-[ :-[

Napalunok ako. Siya ang may pakana ng fireworks na yun? Alas dose na at ibig sabihin birthday ko na nga!

Tumakbo ako papuntang kalsada at agad pumara ng taxi palayo sa kanya.

I know he's evil. He is trying to conceal it. Gusto niyang paniwalaan ko na malungkot siya sa mga sinabi ko...  Gusto niyang masilaw ako sa yaman at sa makukuha ko kung papatol ako sa kanya. Estupido! Alam niyang alam kong ganyan siya ka playboy tapos ako pa ang pagtitripan niya? At kung gusto niyang maghiganti, sana di niya ako kinaibigan at di niya ako ginawang 'close friend'.

"Saan tayo, miss?" Tanong ng taxi driver.

Sinagot ko at tumingala ulit sa fireworks. Nakita ko pa kung saan ito galing. At ang mas masama pa dun, nakita kong sina Kuya Joe at iba pa niyang bodyguards ang nagsisindi sa bawat fireworks na lumilipad pataas.

Holy Sht!

Wala kang makukuha sakin Bench! Yun lang ang nasa isip ko at sinasabi ko ito pabalik-balik parang sirang plaka.

Napapikit na lang ako nang lumandas ang luha sa pisngi ko at sa wakas na amin sa sarili na...

Ang walang hiyang yun... mukhang nagtagumpay siya sa paghihiganti niya ah?!

Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya. Nasasaktan akong nakita siyang malungkot kahit hindi ako siguradong malungkot nga siya. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya kayang paniwalaan. Nasasaktan ako kasi gusto niyang maghiganti!

Kung hinayaan ko sila ni Muse noon, maghihiganti pa kaya siya? Kung hinayaan ko siya noon, magiging ganito kaya kaming dalawa?

Napabuntong-hininga ako.

I give up thinking... He won! I think I'm in love with him!






Stage 37.
Baka mapatay ko pa 






Denise. Kala mo lang inlove ka sa kanya dahil sa kagwapohan niya, katawan, yaman at diskarte niya! Yun lang yun! Gosh!

Binalik-balik ko ang pag iisip nun para maalis sa isip ko ang pag-amin ko sa sarili ko.

He is perfect... almost... perfect. Kung di lang siya playboy, totoong mahal niya ako at kung di niya sana ako sinumpa eh baka matagal na kaming nagpakasal.

Gah! In love ako sa kanya at kailangan kong lumayo. Be with someone else! NOW!

"Finally! A date with you!" Ngumiti si Renzo pagkasundo niya sakin sa labas ng subdivision namin.

Papalubog na ang araw at manonood kami ng sine tapos kakain. Simple lang. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa ever kasama ang isang lalaki except kay Bench.

Teka, ba't ko ba siya iniisip? BURA NA!!!

*Inbox*

Bench:
Are you still mad at me?

Hindi ito coincidence! Alam ko! Alam kong kaya ngayon siya nag ti-text sakin pagkatapos ng lahat ng nangyari dahil alam niya kung ano ang gagawin ko ngayon.

Denise:
Yes, I am. Don't text me. At wa'g mo akong sundan.

"Saan tayo pupunta?" Tumingin si Renzo sa phone ko kaya ibinaba ko at linagay sa purse.
"Uh... Sa mall? Kain muna tayo?" Sabi ko.
"Saka nood ng sine?" Ngumiti siya.
"Oo."

Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa eksena doon sa bar kasi nahihiya akong maalala yun.

Kumain kami sa isang restaurant. Spare ribs tsaka strawberry shortcake ang inorder ko. Tingin nang tingin ako sa paligid baka nandyan si Bench. Mukha tuloy akong gaga.

"Are you okay?" Tanong ni Renzo.
"Yep... Pasensya ka na." Sabi ko.
"Shall we watch a movie?" Tanong niya.
"Sige, uh, sure!"

Tingin parin ako nang tingin sa paligid. Hindi ko na talaga masyadong napagtutuonan ng pansin si Renzo dahil dito sa paranoia ko. Hindi pa naman nagrereply si Bench. Siguro nasa paligid lang talaga yun. Tingnan natin Bench kung pati sa sine ay masundan mo kami! Ha! Paranoid noh?

Chainsaw Massacre 3D ang pinanood namin. Gulat na gulat ako sa bawat eksena. Langya, paranoid kasi eh! Shet! Napatingin ako sa paligid kahit madilim. Di mana siguro kayang sumunod dito ni Bench noh? Gagastos pa siya... OHHH! Of course gagastos yun. Piso lang sa kanya ang gastos na gagawin niya.

Feeling ko talaga.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Renzo.

Hiyang-hiya na talaga ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama pero si Bench ang laman ng utak ko. Ang walang hiyang yun na mukhang wala naman talaga dito sa paligid ay iniisip ko.

"Oo. Natatakot lang ako sa scenes." Sabi ko.

Hinawakan niya ang ulo ko. Ngayon ko lang narealize na nasa likuran at nakaakbay na pala sakin ang mga braso niya. Linagay niya ang ulo ko sa kanyang leeg.

"Para di ka matakot." Aniya.

Halos di ako gumalaw. Di ako kumportable. Parang weird. Parang di tama.

Pagkatapos nung movie, nawala yung paranoia ko kay Bench. Effective yung ginawa ni Renzo ah!

Nasa sasakyan niya na kami at aalis na. Uuwi na. Puyat na puyat ako dahil siguro 'to sa pagiging paranoid ko.

"Saan na tayo ngayon?" Mukhang hindi pa napapagod si Renzo.
"Uwi na?" Tanong ko.

Sumimangot siya.

"Mukhang marami kang iniisip ah? May problema ba?"
"Wala naman." Sabi ko.

Lumapit siya ng konti sakin. Nasa driver's seat siya, nasa front seat ako. Hindi niya pa sinoot ang seatbelts niya.

Napabuntong-hininga siya.

"If you're worried, let me take your worries away..."

O.M.G. Kinabahan ako. Sobrang kaba!

Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na. Nakatitig siya sakin. Nararamdaman ko na ang hininga niya.

"Renzo, hindi-" Hindi ko na natuloy kasi nagkasalubong na ang mga ilong namin at maghahalikan na talaga.

Sa sobrang kaba at adrenaline rush ko, tinulak ko siya pabalik sa upuan niya! Nabigla yata pero maslalong nagpursigi at umilit pa.

"Renzo, teka lang! Hindi-" Tinulak ko ulit.

Sht! Parang rape lang ah! OMG! Di tama to! At this point, naiisip ko na bigla-bigla ang lahat ng pwedeng mangyari kung magpatuloy siya at ayaw ko nun. Ang masama pa, di siya tumitigil.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at ayan na! Hahalikan niya na talaga ako! Nagpumiglas ako. Tinulak ko siya at nandiri ako sa kanya! Rapist tendencies! My God, Denise! Umalis ka na!

Uulitin niya pa sana pero biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan, may humila sa braso ko palabas nito at hinila ni9ya pa ang t-shirt na soot ni Renzo.

"Sh1t denise!" Sigaw niya tapos ay sinuntok si Renzo sa panga at sa mukha.

Dumugo ang labi ni Renzo. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Bench! Tama na!" Hinila ko ang baywang ni Bench palayo kay Renzo na nasa loob parin ng sasakyan.

I swear to God, kung di ko siya hinila patay na si Renzo ngayon!

"Tama na!"

"Walang hiya ka, Renzo!!! F-ck you!"

Hindi makapagsalita si Renzo, iniinda lang ang sakit sa suntok ni Bench.

"Tama na!" Hinila ko ulit kasi susugurin niya yata! "Tama na, Bench!"

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang dibdib niya. Pormal ang soot niya. Mukhang inalis lang ang coat sa tux. Parang kaaattend lang ng party o di kaya naman ay board meeting...

"Tama na, please!"
"Tama na, Denise? Do you even know what you're talking about!?" Sinigawan niya ako sa sobrang galit niya.

Galit na galit siya. Hindi ko alam kung kanino pero pakiramdam ko sakin...

Napabuntong-hininga siya. Kinakalma yata ang sarili niya.

"Joe, dalawang gulong. Hayaan niyo siya dito sa carpark."

What? At nandoon si Kuya Joe sa unahan na nakaabang lang sa sasabihin ni Bench. Tumango siya at kumilos na kasama ang isa pang bodyguard ni Bench.

Anong 'dalawang gulong'? What?

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya at hinila.

"Let's go! Baka mapatay ko pa yang walang hiyang yan. Pasalamat siya at dalawang gulong lang ang gusto kong putukin nina Joe. Sarap ipa impound ng sasakyan niya pati na rin yung mukha!"

Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nanggigigil at nagngingitngit siya sa galit pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.





Stage 38.
take her home.






Tumunog bigla ang sasakyan niya at umilaw pa nang papalapit kami. Eto yung sasakyan nung birthday ko. Walang duda ay bago 'to.

"Magtataxi-"
"Sakay." Aniya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Pinunasan ko ang kaonting luha sa pisngi ko sa kakaiyak ko kanina. Hindi parin humuhupa ang kaba ko. Dinig na dinig ko parin ang puso ko.

Binuksan niya ang pintuan, pumasok na man ako. Pumayag na lang kasi nahihirapan akong makipagtalo sa lagay kong to. I suddenly felt stupid. Alam ni Bench noon pa na ganoon si Renzo. Hindi ko nga lang alam kung paano niya nalaman pero binantaan niya ako. At eto namang si ako... hindi man lang nag background check sa kanya.

Umikot siya at pumasok, pagkatapos ay pinaandar para makaalis na kami sa carpark.

Two-seater lang ang sportscar. Kulay itim at may napansin akong Mercedes-Benz na simbolo sa manibela. Hindi ako magaling sa sasakyan kaya di ko matukoy kung anong klaseng Mercedes-Benz  'to.

Tumingin ako sa labas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminto sa traffic light.

"God! Sana di kita hinayaan sa kanya!" Bigla niyang tinulak ang manibela na ikinabigla ko.

Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip.

"Kaya ko naman ang sarili ko-"
"Kaya? Muntik ka ng na rape tapos sasabihin mo sakin kaya mo?" Nabigla ulit ako sa galit na ipinakita niya. Parang ako lang yung mang ri-rape ah? Ba't sakin 'to nagagalit?
"Hello! If hindi ka pumunta dun, edi nasuntok ko na yung ano niya!" Pinandilatan ko siya.
"May gana ka pa talagang mag taray eh umiyak ka lang naman kanina!?"
"Eh sa nabigla ako!"

Napabuntong-hininga siya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at sumulyap sakin.

Kainis! Kung makatingin parang totoong concerned siya.

"Oo. Hindi naman ako nahalikan o nahawakan."
"Talagang hindi..." Humalakhak pa siya na parang sarcastic o galit nakataas ang isang kilay. "Wouldn't let that happen."
"Whatever, Bench."

Tama naman siya dun. Salamat sa kanya at na save ako. Pero yun nga, sisipain ko na sana yung chaka ni Renzo eh dumating siyang bigla. Umiyak lang naman ako sa kaba eh. Pero salamat na rin diba? Haaay! Ano ba 'to. Talagang ayaw ko lang dumikit sa kanya ngayon kasi nagugustuhan ko na siya.

Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong di kami papunta sa bahay. Bago ko pa natanong sa kanya, ay nag open na siya ng ibang topic.

"Natanggap mo na ba yung regalo mo?" Tanong niya.
"Anong regalo?"
"Ipinadala ko sa bahay niyo kanina." Ngumisi siya.

Weird nito. Parang di galit kanina.

"Hindi. Pero kung me ganun, ibabalik ko parin yun sayo kasi hindi ko iyon matatanggap."
"Bakit? Noon, tinatanggap mo naman ang mga regalo ko ah?" Ngumisi ulit siya na para bang may light bulb na umilaw sa utak niya.
"Iba yung noon sa ngayon." Sabi ko.
"Bakit? Anong nag-iba?" Lalo siyang ngumisi. The evil smile I've missed.

Hindi ako makatingin ng mas matagal sa limang segundo sa mga mata niya kaya tumingin na lang ako sa daanan. Ibinalik niya din ang tingin niya sa daanan.

"Sa akin kasi... kung ano yung noon, ganun parin ngayon."

Napalingon ako pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Ano nga ba? So talagang di niya ako gusto!? Ganun?! I knew it! Kung ano man yung pinagsasabi niya last year, wala yun. Assuming lang talaga ako!!! Sa kaka assume ko, eto ako at di siya maalis sa utak!

"Teka, saan tayo pupunta?" Tanong ko nang natauhan ako.

Kinuha niya ang iPhone niya at may tinawagan.

"Hello Joe, asan na kayo? Lapit na kami sa 777, bilisan ninyo, ayokong may makakita. She'll be in big trouble... Okay, good." Tapos binaba.

Ano yung pinag-usapan?

"Saan tayo?" Tanong ko.
"Club 777."
"Ha? Wala ako sa mood mag clubbing..."
"Ako rin..." Huminga siya ng malalim at nag park sa harap ng Club 777.
"Diba bawal mag park dito?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at bumaba. Binuksan ulit ang pinto at bumaba naman ako.

Kinuha niya ulit ang phone niya at nakita ko yung SUV nila papalapit na rin samin.

"Lapit na pala sila." Aniya.
"Bench, what are you doing?" Tanong ko.
"Your friend, my cousin, Eliana Jimenez has been drinking, crying and dancing like a whore in this club for the past 50 minutes. We are gonna take her home. Come." Naglakad siya papasok.
"WHAT?"

Sa bigla ko ay sinundan ko na lang siya.





Stage 39.
Let's sleep.






Pumasok kami sa loob. Maraming tao, as usual. Pero nasa pintuan pa lang kami, kitang kita ko na si Eliana. Naka black-laced dress. Maiksi yun at mas lalong umiksi dahil sa disturbing na pagsasayaw niya. Naghihiyawan ang mga tao at tuwang-tuwa sa kanyang malanding pagsasayaw. Parang pumula ang pisngi ko sa hiya. Sumulyap ako kay Bench na umiiling na.

"Let's go." Sabi ko nang nakitang natigilan siya dahil sa hiya.

Sa adrenaline rush, agad kaming nakarating ni Bench sa stage kung saan nagsasayaw si Eli.

"Eliana!" Tawag ko.

Hindi niya ako naririnig.

May nag-abot pa sa kanya ng isang shot. Buti at kinuha iyon ni Bench bago niya pa nalagok. Hinila ko na rin siya.

Nagpumiglas pa ito.

"Sino ka? Ayoko! Ayoko!"

Nagtulungan pa kami ni Bench sa pagkaladkad sa kanya.

"Eliana, umayos ka!" Sabi ko.

Wala siyang sinabi. Parang walang malay. Naglalakad na wala lang.

Pero nang nakalabas na kami sa Club 777, napagtanto kong basa ang pisngi niya at umiiyak siya.

"Are you okay?" Tanong ko.

Bigla niya akong yinakap!

"Ayaw niya yata sakin! Pangit ba ako?"

WHAT IN THE WORLD IS THIS? :o :o :o

"Joe, ihatid mo sa condo." Sabi ni Bench sa mga bodyguards niyang naka abang. "Mauna na kami ni Denise dun." Dagdag niya.

Sinakay namin si Eliana sa SUV nina Bench. Tapos sumakay kami ni Bench sa bago niyang sasakyan.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan niya.
"Just drunk..." Aniya at pinaandar ang sasakyan.
"Parang broken-hearted.:-X

Tumingin siya sakin.

"Alam kong minsan walang preno siya kung uminom pero di naman siya umiiyak ah?" Sabi ko. "Tapos ganun pa yung sinabi niya sakin."

Nag-isip si Bench sa kawalan.

Ngayon ko lang narealize na mejo nag-iba siya. Tulad ng iniisip ko kanina sa carpark, naka formal attire siya, tux na tinanggal ang coat. Mukha siyang... businessman. But then again, that's what he is. Nineteen years old kaming dalawa pero simula nang umalis siya at nagpunta ng Hawaii and other places God knows where, ay parang iba na siya.

Dahil siguro sa 70% na shares sa kompanya nilang pinapasan niya na ngayon. Mas seryoso, gwapo at...

Tinignan niya ako nang nagstop kami sa traffic light. Nasindak naman ako sa tingin niya at napagtantong kanina pa pala ako nakatingin! Agad akong tumingin si traffic lights.

Ngumisi siya. He licked his lips and smiled again.

"Namumula ka." Sinabi niya pa talaga!

AWKWARD!

Anong nagbago sa kanya? Wala! Ganun parin. Yun nga lang... ngayon, mas seryoso, mas mas gwapo at mas... evil.

Evil siya noon pero mas sumobra ngayon. He's back with a vengeance! Kung noon ay may dala siyang isang milyon in exchange sa tiwala at pagmamahal ko, ngayon hindi lang isang milyon ang dala niya. Dala niya ang buong mundo para lang makuha ako.

Natatakot ako.

"Kelan mo 'to binili?" Sabi ko, para baguhin ang topic, habang tumitingin sa buong sasakyan niya.
"Last December. Mercedes-Benz SL-Class, mabilis 'to atsaka maganda kaya gusto ko."

Nakatingin parin siya sa akin. Intimidating. Buti at nag green light kaya nakatoon ulit siya sa kalsada.

"Uh... Saan ka galing today?:-X :-[

Halos mabilaukan ako sa sarili kong tanong. Ba't yun ang tanong ko? Syempre, curious ako dahil bigla siyang sumulpot kanina sa carpark.

"Business meeting." Sabi niya.
"Ba't ka pumunta sa carpark?" Tanong ko sa kanya.
"To save you..." Sumulyap siya.
"Bench, don't be ridiculous!"
"I warned you! Diba sabi ko sayo dapat layuan mo siya. Ayaw mong makinig kaya pinasusundan kita."
"What?!" Para akong nabigla pero di naman talaga kasi alam ko ang pinaggagagawa niya.

Pero nakakabigla parin.

Ngayon, mas lalo pa akong nahihilo sa lahat ng mga nangyari. Last year, nagpahiwatig si Bench na parang may gusto siya sakin pero ayokong maniwala kasi binantaan niya ako noon na papaibigin niya ako at sasaktan. Ngayon parang ewan na talaga!

Pinindot niya ang elevator habang tinutulungan namin si Eliana na umayos sa pagtayo. Umiiyak parin siya.

"Denise..." Daing ni Eliana. "Ipinagpalit niya ako..."

Hanggang sa nasa condo niya na kami.

Binuhat ni Bench si Eliana papuntang guestroom.

"Dito na kayong dalawa matulog sa condo."
"Huh? Pero si Dad-"
"He agreed."
"What? Nagpaalam ka sa kanya?"

Nandilat siya sakin at ngumisi.

Prepared siya masyado... para bang... nasa plano.

"He left me for that girl~!" Nakahiga na si Eliana pero iyak parin ng iyak.
"Tigas kasi ng ulo eh." Sabi ni Bench. "Hindi na nga pinapalabas, pumupuslit parin para makita lang yung lalaki niya."
"Huh? Alam mo ba kung sino?" Tanong ko.
"Of course. Yuan Tan. The half-chinese."

Dumilat si Eliana nang narinig ang pangalan ni Yuan.

"Dahil di ako chinese di kami pwede! Anong klaseng excuse!? Ayun! Iniwan ako!"

Umiling si Bench at linagay ang index finger sa mga labi niya.

Tumingin siya sakin.

"Pag nalaman 'to ng Dad niya, sigurado akong ipapadala siya sa abroad. At pagnagkaganun, ikaw na lang ang nasa school. Wala ako. Wala si Eliana."

Nilapitan niya ako at hinila palabas sa kwarto na para kay Eliana.

"Huh?" Parang naririnig ko na naman ang kaba sa dibdib ko.

"Get in my room. Change. Let's sleep."

Inakbayan niya ako at ngumisi siya.





Stage 40.
Sweet revenge





Lahat ng mga ginagawa niya sobrang nakakatukso. Gusto kong komprontahin siya at tanungin kung gusto niya ba ako o hindi. Pero kung tatanungin ko siya, pakiramdam ko siya ang nanalo.

Dalawang room lang meron ang malaking condo niya. Guest room tsaka yung sa kanya kaya walang choice.

"Hoy, Bench. Sa labas ka matulog! Dun ka! Kala mo nakalimutan kong manyak ka?!" Sigaw ko nang nakita kong seryoso siya sa sinabi niya.

Nakatuwalya na siya at maliligo. Ayoko tuloy maligo kasi uneasy ako na nandito ako sa condo niya.

"Condo ko 'to, ikaw nga dapat yung nasa labas!" Tumawa siya.
"Ikaw kaya yung nagsabing dito ako matulog! Sana umuwi na lang ako!" Sabi ko.
"Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Evil smile.
"Anong walang tiwala ang pinagsasabi mo diyan!"

Nilapitan niya ako. OMG! Nakatuwalya siya at di matanggal yung mga mata ko sa bakas ng kalamnan niya. Abs! At mukhang mas madalas pa siyang nag wo-work out kesa sa noon ah.

Binato ko siya ng unan pero umilag siya.

"Wala kang tiwala sa sarili mo kasi alam mong matutukso ka sakin, ano?"
"Heh! Sayo ako walang tiwala!" Sabi ko pero pulang-pula na talaga ang pisngi ko.
"Walang nanunukso kung walang matutukso." Ngumisi siya at naligo na.

Okay! Easy Denise! Alam mong playful lang talaga yang si Benjamin Jimenez kaya hayaan mo na! Alam mo ding first time niyo 'tong matulog na magkatabi kaya wa'g kang magpadala sa kanya. Mahal mo siya pero hindi siya mapapagkatiwalaan kaya wa'g kang magpaloko. Ayokong tumulad kay Eliana no! Whatever happened with her alam kong dahil nagpaloko siya. Well, I'll just ask her tomorrow.

Tinignan ko sa closet niya kung nandun parin ba yung ibang damit ko na iniwan ko dito ages ago. Tama, nandun parin yung shorts tsaka white t-shirt ko. Eto na lang yung itutulog ko ngayon. Nasa tabi nito ang kanyang mga damit, t-shirt, shorts, at iba pa.

Habang tinitignan ko ito, napapangiti ako. Parang... I belong here. We belong to each other. He's evil, I am evil. Denise and Bench, kaming dalawa evil. Kailangan namin yung isa't-isa. May damit at keys ako sa condo niya tapos binibilhan niya ako ng kahit anong gusto ko. Alam kong binibilhan niya din naman yung mga babae niya pero parang ako yung uuwian niya pagkatapos ng lahat.

He's almost perfect... Everything is almost perfect. Pero joke lang yun! Nagpapaloko lang ako! Kasi alam kong kahit anong gawin ko, paghihiganti lang ang habol niya sakin.

Agad kong pinalitan ang damit ko. Buti at na zip ko agad yung shorts bago pa siya natapos maligo. God! Kinabahan ako dun ah!?

"Namumutla ka?" Tanong niya pero nakangisi parin.

Basa yung buhok niya at magulo. Kumikinang yung abs niya dahil kakaligo niya lang! SUPER DUPER HOT na parang gusto ko na lang mahimatay tsaka kalimutan ang nakaraan. Errr... Makamundong pagnanasa!

Tumalon ako papunta sa kama niya at ibinalot ang sarili ko sa comforter.

"Sa labas ka matulog!" Sabi ko.
"Its my condo. Kung gusto kong tumabi sayo, tatabi ako." Sabi niya.

Ang sabihin mo, its your world, kung gusto mo yun talaga ang masusunod.

At ang kapal ng mukha talaga ng mokong! Masyadong confident sa pangangatawan at nagawa pang tanggalin ang tuwalya sa harapan ko. WALA AKONG NAKITA! PROMISE! Agad kong tinakpan ang mukha ko ng comforter.

Narinig ko ang halakhak niya.

He's a manwhore! Damn it!

"Stop it Bench, its not working! Matutulog na ako." Sabi ko.

Narinig ko ang pagbukas ng closet niya at pagbibihis niya. Kahit naka full ang aircon pinagpapawisan ako ng todo-todo. Walang hiya! Kung nakamamatay lang ang punyetang hotness na yan, matagal ng patay ang mokong na 'to. Di mo talaga maidedeny na kaya siya pinagkakaguluhan ng babae eh dahil sa kagandang lalaki niya.

"I wish that monkey learned his lesson." Sabi niya.

"Talaga!" Sabi ko.

Tinanggal ko na ang comforter sa mukha ko. Nakita kong naka boxers lang siya at susuotin na ang puting sando na ipangtutulog niya yata.

"Siguro nandun pa yun sa carpark. Kainis! Kung sana alam ko lang na ganun siya." Sabi ko.

ANG SABIHIN MO DENISE! ALAM MONG MAS MANYAK PA ITONG KASAMA MONG MATUTULOG TONIGHT PERO SUMAMA KA! Where is your logic? Baka naiwan mo sa bahay? Kanina ka pa pumapalpak diyan eh.

"Hindi lang siya... hindi lang siya ang gusto kong matuto... kundi silang lahat."

Humiga siya sa tabi ko. Mejo lumayo ako. My God! Tama ba itong pinaggagawa ko? Hindi kaya ako matukso sa kanya? Hindi naman siguro. Masama ako pero hindi naman masyadong malandi kaya kaya ko ito.

"Huh?" Tanong ko.

Nakahiga kaming dalawa. Humarap siya sakin, nakaharap din ako sa kanya.

"Dapat alam ng lahat na ikaw ay sa akin lang."

Napalunok ako. He is half-smiling but his eyes look serious.

Natawa ako sa sinabi niya. Itinawa ko na lang ang pagtibok ng puso kong parang nagmamadaling kabayo.

"One of your strategies, eh? To get to me?" Sabi ko.
"Yes. Coz finally, you want to have someone in a romantic way."
"Ganun ba? Hinintay mo ito bago ka pumorma? After how many years, sisimulan mo na ang revenge mo."

Pumikit siya na para bang nahihirapan.

"Yes... my revenge. Sweet revenge." Hinaplos niya ang mukha ko.

Shet! Narinig mo yun?! Finally inamin niya pero may kung anong pwersa na parang gusto kong bumigay na lang at kumawala.

This man wants his revenge. At alam kong nagwagi na siya cos he is Benjamin Jimenez, he gets who he wants how he wants. But I'm Denise Gozon, hinding hindi ako papayag.






Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText