<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 16-20


16th fall

Serene Cruz: Anong ibang tao?

"Who`s Miss Cruz?" Tanong ng prof ko habang papapasok ako sa classroom.

GEEZ, Late again! Kahit na kaklase ko sina Crayon ngayon, late parin!

Mag-iisang buwan na ako sa Pilipinas at isang buwan na rin ako sa eskwelahan na `to pero di parin ako nasasanay sa oras at temperatura! Kaya laging late sa klase. tssk,

"Miss Cruz?"

Siniko ako ni Sophie.

"Uh, yes? Sir?"

"I`m sorry," Sabi niya habang linapag sa harapan ko ang isang test paper. "You failed this quiz, again."

MY GEEEZ! I failed! Math `to! Mahina ako sa math! Waaaa~!

"Uh. Ganun po ba-"

"Okaaay, let`s continue..."

Ewan ko kung mamomroblema ba ako sa grade kong `to eh alam ko namang wala na akong pag-asa! grrr. Alam ko na! Magpapatutor ako kay Crayon! Lumingon ako kay Crayon pero tinuro niya si Dae na nakaupo sa harapan niya!

"My goodness, Serene! Kailangan mo ata ng tutor!" sabi ni Chyna.

"Tulungan niyo naman ako oh!" Sabi ko kahit alam kong impossible dahil iba ang schedule naming apat. "Kahit every weekends lang!"

"Hmmm, eh kay Dae ka na lang kaya magpatutor!?" Sabi ni Sophie.

Habang tumatagal ata mukhang nahahawa na `tong si Sophie kay Crayon!

"Huh? Ba`t naman ako-"

"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Lumingon ako`t nakita si Dae.

Nang ibinaling ko naman kay Sophie ang paningin ko, huli na ang lahat. Nag-tanan na sila ni Crayon. Tumingin naman ako kina Chyna at agad namang umalis na parang naiihi ang dalawa.

"HAHAHAHAHAHA >:D " Nabigla na lang ako sa tawa ni Dae! "Hindi ka parin nagbabago!"

Hinahawakan niya ang test paper kong may flying colors of red!

"Nakakahiya ka talaga! tsk tsk tsk!"

Kinuha ko ang test paper ko, kaso hindi rin ako nagtagumpay. "Akin na nga yan!" Nang-iinis na naman siya!

"Kinakahiya mo ba `tong score mo?"

"Hindi ah! Akin na sabi!" Hindi ko parin makuha ang testpaper ko.

Hanggang sa mukhang naging crowded na ang pavilion - kung saan kami nagtatambay.

"Dae, akin na sabi!"

"hehehe >:D "

"Dae..." Sorry, wala na akong choice eh! "Si Francine!" Sabay turo sa likuran niya at ang galing ko pang umarte!

Kaya napalingon siya`t nakuha ko rin ang testpaper ko! Agad ko `tong tinago.

Nang ibinaling na niya ang tingin niya sa akin, tahimik na siya at seryoso. Sinasabi ko na nga ba, affected parin siya! Ganito rin siya noon pag si Charlotte eh! Ke swerte-swerte naman ng mga babaeng inibig niya! He`s the reason for the teardrops on my bed kaya dapat lang iniingatan siya! GRRR.

"Ang bobo mo naman Serene! Eh ang dali-dali lang niyan!" Sabi niya nang narealize nyang ginawa ko lang pala yung bitag!

At least, di siya nakipagtalo. Pero nakita ko ang pagbabago niya ng mood.

"Sige nga! Turuan mo nga ako!" Hinamon ko siya sa kabila ng mood swing niya. :D

Nabigla na lang ako`t pumayag siya at ngayon, tutor ko na siya! Imagine? Si Dae? Si Dae na ang akala ko noon eh hanggang pangarap na lang ang kausapin siya`y tutor ko na ngayon? May dahilan talaga `to!

"Naintindihan mo na?" Tanong niya sakin pagkatapos niya akong turuan.

May maiintindihan ba talaga ako neto kung malapit kami sa isa`t-isa ngayon? Hindi ako makapagconcentrate!

"Serene, naintindihan mo ba?" Inulit niya nang namalayang nakatunganga ako sa mukha niya.

"O-OO!"

"Ows? Sige, sagutin mo `to!"

waaa.

"Uh, pakiulit?"

Nagkasalubong ang kilay niya, "Ano? Akala ko naintindihan mo?"

"Eh, may hindi pa ako naiintindihan eh!"

HAHAHA, Oo! Meron nga akong hindi pa naiintindihan hanggang ngayon! Kung bakit hindi niya ako MAHAL! hahahahaha Inulit niya nga ang tinuro niya. He`s so patient! Wow.

"Hoy Serene! Abnormal ka ba? Hindi ka naman tumitingin sa papel eh! Sa mukha ko lang nakatitig yang mga mata mo! Umayos ka nga!"

WHAAAT? Akala ko di niya namalayan yun.

"Uhh, may iniisip lang ako!"

Napasinghap siya, "Ano ang iniisip mo?"

"Uhhh, kung kamusta na yung mga kaklase ko sa Philosophy?" Sabi ko.

Hindi ko rin alam kung bakit yun ang binanggit ko.

"Naku! Nag d-daydream ka ba? May crush ka siguro dun noh? wa`g ka ngang mag-isip ng walang kwentang bagay! Andito ako sa harapan mo..." He paused.

At feeling ko na naman kinilig ako sa sinabi niya! Ewan ko kung bakit! Wala naman siyang binanggit na mahal niya ako! NAKUUUU ABNORMAL NA TALAGA ATA AKO. Obsessed na! This is bad!

"Isipin mo na lang yung tinuturo ko!"

"Ah, Okay! Sorry."

"Tsss, kung mahina ka sa math ba`t etong course na `to ang kinuha mo?" Sabi niya sa tonong pinapashift na ako!

"Wala eh, gusto ko!"

"Apat na taon tayong math ang inaatupag! Kaya wa`g mong sabihin saking apat na taon din akong magiging tutor mo!"

Ngayon, sinisermonan niya na ako! GRRR.

"Ehhh, wa`g ka na kasing mag alala! Ngayon lang `to!" Sabi ko.

"Hmmm, sa IQ mong yan? Baka nga higit pa sa apat!"

NAKAKAINIS TALAGA! Ayan na naman yang pang-iinis niyang nakakainsulto!

"Edi wa`g mo na nga lang akong turuan! Maghahanap na lang ako ng ibang tutor! AS IF NAMAN PINILI KITA EH! AS IF NAMAN DI AKO MAKAKAHANAP NG IBA!" Napalakas ang boses ko kaya marami ang nakarinig.

Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nakatingin na kasi ang ibang tao sa amin at showbiz masyado `tong isang `to!

"Tumigil ka nga! Magconcentrate ka kasi sa pinag-uusapan nating dalawa! Wa`g kang mag-isip ng kung anu-ano!"

"Eh iniinsulto mo na ako eh! Asan na ba si Crayon, sa kanya na ako magpapaturo!" Sabay tayo ko`t linigpit ang mga gamit ko.

Tumayo din siya at tinulungan ako sa pagliligpit! TSK. Akala ko pa naman pipigilan niya ako eh willing pala siyang itaboy ako. Pagkalabas ko sa pavilion, sa amin parin nakatitig ang mga tao!

Ako ang unang lumabas pero ang bilis niyang napunta sa unahan ko`t hinila pa ako.

"Akala mo namang hindi ka iinsultuhin ni Crayon? Mabuti na yang ako na talaga ang nagsasabi sayo! Hindi yung ibang tao?"

How should I react? Hinahawakan niya ang kamay ko at hinihila.

"Sa library na kita tuturuan!" Sabi niya.

"Ah-Uh. Anong ibang tao?" Talagang tinanong ko pa talaga yun noh?

Nanahimik na lang kaming dalawa. Mukhang nagseselos talaga siya kay Crayon. Huh? Ba`t siya magseselos, may gusto ba siya sakin? Tsaka... kung magseselos siya, humanap naman siya ng ibang tao! Ba`t si Crayon pa!? HAHAHA. >:D

17th fall

Serene Cruz: Kung nagseselos ka kay Crayon,

Nakalipas ang dalawang linggo, narealize kong mejo effective nga ang pagtututor ni Dae sakin! Kasi nakakuha ako ng mejo magandang grade sa subject na iyon. Nasa cafe kami kasama sina Chyna, Mina at Sophie ngayon at pagkatapos kong kumain eh aalis ulit ako dahil nagkasundo kami ni Dae na magkita ulit sa library para makapagtutor ulit siya. Ang bilis ng flip ni Sophie sa pages ng libro niya kaya mejo nagtaka ako.

"Sophie, okay ka lang ba?"

"Huh? Oo." She tried to smile.

"Uh, ngayong sabado," Sabi ko habang tini-twist ang spagetti. "I mean, bukas, sasama ka sa gig nina Crayon? Sa... Te Beach Resort daw ata?"

"Uh, hindi. May gagawin ata ako." She frowned.

"Sophie, may problema ka ba?" Tinanong ko na talaga.

"Uh... W-Wala." Sabi niya.

Kinakabahan ako, mukhang may problema siya. At ano naman kaya yun? Ilang sandali ang nakalipas, "Uh, Serene, Mine, Chyna, pupunta lang ako sa library ah? Aayusin ko pa yung thesis namin."

Agad umalis si Sophie.

"A-Anong problema dun?" Tanong ko kay Mina at Chyna na kanina pa tahimik.

*1 message recieved*

Dae: Hui, asan ka na!? Dalian mo! Baboy!

Walang hiya, makikinig muna ako kay Mina at Chyna bago ako umalis!

"Kasi, nag-away sila ni Crayon!" Agad sinabi ni Chyna.

"Ha? Bakit? Kelan lang? Ba`t di niya sinabi sakin?"

"Feeling ko, sasabihin niya rin sayo pero hindi niya pa kaya! Hindi nga niya sinabi samin eh kaso nahahalata namin." Sabi ni Mina.

"Ba`t di ko nahahalata?"

"Kasi naman po... lagi kang may tutorial session kay Dae kaya yun!"

I sighed.

"Ba`t daw sila nag-away?"

"Ang alam namin, eh... dahil ata sa MGA third party!" Sabi ni Chyna habang pinipilit sinisigaw ang salitang MGA.

"Ano? Sinong mga third party?"

"Kilala mo ba si... Sophia?"

"Hindi."

"Siya yun student nung highschool na inexchange kay Charlotte! Balita noon na nagdi-date daw si Crayon at si Sophia, pero hindi naging sila! At ngayon naging si Sophie at si Crayon na!"

"Uhhh, Tapos?"

"Classmate ni Crayon si Sophia ngayon sa Philosophy subject niya tapos Mina spotted them together last week!" Siniko ni Chyna si Mina.

"Tapos?"

"Ang alam ko, si Sophie din kasi may thesis sa Philosophy subject niya tapos yung ka groupmate niya daw ay isang lalaki na pinagseselosan ng todo-todo ni Crayon dahil masyado dawng caring yung lalaki sa kanya!"

"Tapos yun na ang mga third party?"

"Oo, yun lang ang alam namin! Hindi ko alam kung sinong inaway nino o sinong nakipag-away kanino!"

I sighed again, "Si Crayon naman yun eh, maaayos din yan!" Sabi ko.

"Sana nga,"

Naku naku... Natatakot ako para sa kanilang dalawa! Mejo seloso din kasi si Crayon tapos etong si Sophie naman mukhang hindi alam ang gagawin! Pero iba na talaga pag may kasalin caring na third party at past love! OH NO~!

*krriiiing*

"Hello?" Agad akong tumayo kasi alam kong si Dae na ang tatawag.

I arranged my things then left.

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG PAGHINTAYIN AKO DITO NG FIVE MINUTES!" Sabi niya sakin sa library.

Napatingin ang mga tao.

"Dae! Shhhh."

"Ang tagal mo naman kasi! Saan ka ba nagpupupunta? Sino ang kasama mo`t anong ginawa niyo?" Sabi niya.

"Tumigil ka nga! Kumain lang ako sa cafe... kasama si..." Parang nakita ko si Sophie.

"Si? Si? Sino?" Tanong ni Dae.

"Si ano...! Si Sophie at sina Chyna at Mina!" Pinandilatan ko si Dae. "Napaka impatient mo naman! Bilis na, turuan mo na ako!"

"Nakakainis ka talaga! Kain ka lang ng kain tapos ako pinaghihintay mo dito!?"

"Edi sa susunod, sumama ka na sakin pagkakain ako para masaya ka na!"

"Sinabi ko ba yun? Eh ang point ko lang naman eh ba`t ang tagal mo!"

"HOOOO MY GOODNESS, five minutes!?"

"SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH~!" Napatingin sa akin lahat ng mga estudyanteng uhaw sa katahimikan kaya huminahon ako.

Pinagtawanan pa ako ni Dae dahil sa kahihiyan na napala ko! Nakakainis, ba`t di si Dae ang tingnan nila? Maingay din naman siya eh!

Pagkatapos nung talo namin, tinuruan niya ako, pero ewan ko ba... parang hinahanap ko si Sophie. Parang nag-aalala ako.

"Uh Dae,"

"Ano?"

"Kamusta si Crayon?"

Tinitigan niya ako at alam kong may halo `tong pagtataka at pagkabigla.

"I mean, hindi ba mainitin ang ulo niya ngayon?"

Tahimik lang siya at parang may hinihintay pang tanong kaya dumiretso na ako sa totoong tanong ko!

"May dini-date ba siyang iba?"

"H-Huh?"

"Meron... ba?"

Takot akong marinig ang sagot niya! Natatakot ako baka totoo yung hinala ko! Pero hindi naman siguro!

"Wala, ba`t mo natanong? Eh alam mo namang sila ni Sophie diba?"

"Kasi..."

*TUUUUUUUUUUG!*

May narinig akong malakas na pagsasarado ng libro habang nakikita ko si Sophie umiiyak at nagwo-walk out; at sinundan nung isang matangkad at maputing lalaki. At si Crayon naman, nagkasalubong ang kilay habang nakatayo sa harap nung libro at may kasamang isang matangkad na babae.

"Si Sophia at Crayon?" Sabi ni Dae kaya napalingon ako sa kanya.

Lalapitan ko na sana si Crayon at sasampalin ko na! Mukhang totoo ang hinala ko! Paano naman mangyayaring mag walk-out si Sophie ng umiiyak kung hindi niya sinaktan!

Kaya lang, hinawakan ni Dae ang braso ko. Kaso inis na inis na ako para pigilan eh.

"Bitiwan mo ako, Dae! Ang walang hiyang Crayon na yan!!!!" >:(

Hinigpitan niya pa lalo ang paghawak sa braso ko.

"Bitiwan mo sabi ako! Kung nagseselos ka kay Crayon, isa ka ng malaking bobo! hindi mo ba nakikita-"

Linapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Nasa library tayo! Tsaka..." he sighed, "Walang kinalaman dito ang pagseselos ko kay Crayon sayo, kaya sundan mo na si Sophie! Ako na ang bahala kay Crayon!"

Anong ibig niyang sabihin? Na, na... nagseselos nga siya? Kanikanina lang para akong kumukulong tubig eh ngayon para na akong binuhusan ng yelo! Hindi ako nakagalaw kahit nung binitawan na niya ang aking braso!

I want to snap out of it. Alam kong marami pa akong gagawin pero ayaw talagang sumunod ng mga paa ko, hindi ko moment `to pero bakit parang nagiging moment ko nga to? WAAAA~

"Serene, bilis na! Baka makalayo na si Sophie!"

18th fall

Serene Cruz: Anong happy meal!?

"Sophie! Sophie!" Sabi ko habang half-running na!

Papalabas na siya sa school at mukhang itinaboy niya na rin yung groupmate niyang humahabol sa kanya! Tumigil siya sa paglalakad nang naka-labas na kami sa school.

"Sophie, okay ka lang ba? Anong nangyari?" Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Nakakainis talaga siya!" Sabi niya habang umiiyak.

Yinakap ko siya at pinakalma.

"Sophie, bakit? Anong nangyari?"

"Eh kasi... Nagseselos siya sa partner ko! Nakakainis talaga oh! Ba`t ba ayaw niyang maniwala sakin!"

Yinayakap ko parin siya kahit nagpumiglas na dahil sa inis na nararamdaman. Pumasok kami sa pinakamalapit na fastfood at binilhan ko na siya ng ice cream. Wala naman kasi akong ibang alam tungkol sa mga comfort foods.

"Ano ba talaga kasi ang nangyayari sa inyo?" Tanong ko sa kanya.

"Si Chad, partner ko sa Philo, okay! Kailangan naming matapos yung ginagawa namin kaya nagdo-double time kami. Feeling naman ni Crayon na nanliligaw si Chad sakin kaya nagtampo siya!"

"Ganun ba?"

Muntik na akong matawa. Kasi naman, hindi ko ma-imagine ang mukha ni Crayon na nagtatampo! Marunong pala yun sa mga ganung feelings?

"Tapos? Bakit ganito na kayo ngayon?"

"Ewan ko Serene, masyado na ata siyang nag tampo eh kaya humanap na ng iba!"

Unti-unti kong na realize na seryoso na `to! Kasi naman... kasama nga ni Crayon si Sophia kanina!

"Sabagay, si Sophie-ya naman ang nauna sa akin!" Sabi niya habang nakangiti pero namumugto parin ang mga mata. "Isipin mo nga! Mag kalapit lang yung pangalan namin! Mas maganda lang pakinggan yung sa kanya!"

"Sophie naman eh! Tumigil ka nga!"

"Totoo naman eh! Feeling ko bigla lang akong sumulpot sa buhay ni Crayon noong higschool! Tapos, parang aksidente lang na nainlove siya sakin, kaya ngayon... nakarecover na siya sa aksidenteng nangyari!"

"Sophie..... tumigil ka nga! baka masampal kita diyan eh! Wa`g mo nga akong artehan!"

Umiyak siya... Umiyak nang umiyak... Masakit ba yung sinabi ko? Pero kasi...

"Serene... alam mo ba kung anong sinabi niya kanina?"

"H-Hindi!"

"Nagkasalubong kami, kasama ko si Chad, kasama niya si Sophie-ya... Tapos, hindi ko namalayan na kasama niya pala si Sophie nung una kaya 'Crayon, sorry matatapos na `to ngayong araw na `to! Sorry talaga.' Tapos, nakita ko si Sophia, sabi ni Crayon sakin okay lang daw kahit di na namin yun tapusin!"

"Talaga? Sinabi niya yun?"

Parang nag-init ang ulo ko! SUPER! Ang Crayon na yun talaga! Tapos, ngayon? Sinong kumakausap sa kanya, si Dae - ang Ama ng Heartbreak? NOOO!

Umiyak nang umiyak si Sophie... "Sophie... nakipagbreak ka na ba? Uh... Anong gagawin ko? i mean..."

ARGH, anong gagawin ko? bestfriend ko `to! Pinsan ko siya! Kay Crayon ako magagalit diba? Pero... hindi ko pa naririnig yung side niya! Takte!

*KRIIIING*

*KRIIIING*

Patuloy na pinapatay ni Sophie ang mga tawag na mukhang kay Crayon galing! Umorder pa ako ng marami para mejo magtagal kami sa fastfood nang nakita kong pinatay niya na talaga ang phone niya.

*KRIIIING*

"Hello?"

"Hello Dae?"

"Asan kayo?"

"S-Sa... Jollibee malapit ng school!"

"Ano? Tsk. Kala ko pa naman nasa bahay ka na nina Sophie... Papunta na kami diyan!" Sabi ni Dae habang naririnig ko ang malakas na music. Ginagamit nila ang sasakyan niya!

"Huh? Asan ka?"

"Papapasok na sana kami sa subdivision nina Sophie... eh andyan lang pala kayo! Kasama ko si Crayon!"

"Bakit? Makikipagbreak na siya! Ibigay mo nga sa kanya ang cellphone!"

"Can I take your order ma`am!"

"Teka lang, Dae." Linagay ko ang phone malapit sa shoulders ko saka... "Dalawang N2, large fries, large coke, tapos... uh, palabok? meron ba? Okay, Rocky Road na sundae at Hot Caramel..."

Napatunganga ang cashier.

"Hello?" Lingay ko ulit ang phone ko sa tenga ko.

"Dagdagan niyo na rin ng isang happymeal!"

"Happy meal? Eh wala yun di-" Si Dae? "Walang happy meal dito! Sa Mcdo yun!"

Lumingon ako kay Sophie at doon nakita kong si Crayon na ang ka table niya. Lalapit na sana ako, kaso pinigilan ako ni Dae.

"Hayaan mo muna sila, nang magkaliwanagan sila!"

Tumango ako, pero naiinis ako dahil umiiyak si Sophie at mejo nagkakasalubong pa ang kilay ni Crayon!

Kinuha ni Dae ang order namin, at siya na rin ang nagbayad! LIBRE?! UYYYYY, Hahah.

Kulang na lang tumili yung cashier, akala ko talaga napatunganga siya kanina dahil sa dami ng order ko, kaso yun pala dahil sa gwapong kasama ko. Grrrr...

Hinila niya ako sa isa pang table. Ilinapag niya ang mga pagkain.

"Anong plano mo sa mga ito?" Tanong niya.

"eh ano pa! kakainin!"

"Ang dami naman nito!"

"Ba`t ka nagrereklamo! Eh bayaran na lang kaya kita! Hindi naman sasama ang loob ko eh!"

"Wala pang happymeal!"

"Anong happy meal!? Palibhasa di ka marunong kumain sa mga fastfood kaya di mo alam kung saan ang happymeal!"

Linantakan ko na yung pagkain! Bahala na nga si Dae siyan, bahala na siya kung anong isipin niya! As if naman di niya ako nakitang naihi noon! Ang dami ko ng kahihiyan sa harapan niya eh ba`t pa ako mahihiya ngayon?

"Dahan-dahan lang! Baka mamaya magka LBM ka!"

"Tseh!" Pati yung laway ko ata napunta sa mukha niya.

"Yuck! Nakakadiri ka talaga Serene!" Sabay punas sa mukha nya.

"HEHEHE :D"

"Kung crush kita, baka nadiscourage na ako sayo!" Sabay tingin niya kina Sophie.

Parang gusto kong magtanong kung ano pala ang tingin niya sa akin, kaya lang... natatakot akong marining na 'KAIBIGAN' lang. :(

Pero naiisip ko yung sinabi niya kanina? Yung binulong niya sakin na... 'walang kinalaman dito ang pagseselos ko kay Crayon.' WHAAAA~! Ano kaya talaga ang tunay niyang nararamdaman sakin?

HMMM.

Ilang sandali ang nakalipas nang natapos ko na ang pagkain, tumayo na si Sophie at iniwan niya si Crayon sa table.

19th fall

Serene Cruz: Dae... tapos na kami!

"Serene, alis na ako! Uuwi na ako." Naiiyak parin ang mga mata niya.

"S-Sophie... Ano? okay na ba?" Tinanong ko pa kahit obvious na hindi pa!

"Ewan ko," she shook her head tapos umalis.

Parang gusto kong lapitan si Crayon. Gusto kong magtanong sa kanya, kaya lang pinipigilan ako ng mga tingin ni Dae.

"Serene, hayaan mo muna siya! Alis na tayo." Sabay tayo.

"Huh? P-Pero si C-Crayon?"

"Hindi naman siguro siya magpapakamatay!"

"P-Pero hindi ko alam ang side niya!!!"

Umalis parin si Dae at linapitan si Crayon para magpaalam. Binalikan niya ako, ayaw ko parin tumayo. Natatakot ako para kay Crayon. Nalulungkot ako, naiinis ako sa kanya, naaawa. Pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong ma feel dahil hindi ko alam ang side niya!

"Serene! Lika na!"

"P-Pero gusto kong marinig ang sasabihin niya!"

"Halika na sabi eh!" Kinuha niya na talaga ang kamay ko pero nagpumiglas ako.

Napatayo ako dahil sa paghila niya. Napalakad din ako dahil sa paghila niya kaso, pinilit ko parin kaya nabangga ko yung statue ni Jollibee at mejo na out-balance kaya kinailangan ng tulong KO. Oh no!

"D-Dae! Tulong! Ayusin mo naman oh!" Nasa labas na kami ng fastfood habang pilit kung hinahawakan for support ang mga kamay ni Jollibee. Nakatingin na yung guard sa amin.

Linagay ni Dae yung kamay niya sa kanyang noo, "Serene naman eh!" He was half-smiling! "Mamamatay na talaga ata ako sa mga kahihiyan mo!"

"ehhh."

Kaya, inayos niya rin. HEHE. Nakakahiya yun ah! Hindi lang sa mga tao, pati narin sa kanya! Ang gaga ko talaga para makagawa ng isang nakakahiyang bagay sa harap ng lalaking pinakamamahal ko. HEHE, bahala na nga, nangyari na eh!

"Ayan, mapilit ka kasi! Buti nalang malakas ako!" Sabi niya with evil smile.

"Heh. Eh kasi hinila mo ako eh!"

"Ang kulit mo talaga!"

"Ayan tuloy, hindi ko nakausap si Crayon! Kasalanan mo `to Dae."

Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Bukod sa weird naming pagtatalo, sikat din siya eh kaya di maiiwasan.

"Nakakainis ka! Wa`g mong sabihing nagseselos ka parin kay CRAYON sa puntong ito!" Napatingin samin ang mga tao.

Tinakpan niya ang bibig ko at hinila papunta sa sasakyan niya. Ipinasok niya ako sa front seat at siya naman sa driver`s seat.

"Nakakahiya ka!" Yun lang ang nasabi niya.

"Eh kawawa naman si Crayon eh! Gusto kong malaman kung ano ang side niya!" Bababa na sana ako pero...

"Eh alam ko ang side niya kaya wa`g mo na siyang istorbohin sa pagmumuni-muni niya ngayon! Okay!"

Katahimikan.

Umalis din kami sa lugar na yun pero nakadikit yung mga mata ko sa loob ng fastfood chain kung nasaan si Crayon.

"May klase ka pa ba?"

"Huh? O-Oo. Philosophy." Sabi ko habang tinitingnan si Dae na nakadrive.

First time ko to sa car niya! WAAA~ Ang bango. Ang sarap dito! Sana dito na lang ako lagi... KASAMA SIYA! Waaa~ Ayan na naman ako, nagiging corny! Ang korny-korny ko! Supeeer korny talaga.

"Namumula ka ah!" Sabay tingin sa akin sa salamin.

"H-Huh? Ah. Wala... `to."

WAAAAH. Ehem. Dumating na kami sa school, pagkalabas namin sa sasakyan niya tiningnan ko ang relo ko and I`m 10 minutes late sa Philo! Pero, hindi ako natatakot. Parang wala lang. Okay lang yun!

"Anong oras ba ang Philo mo?"

"Uh, ngayon na?" Napalingon siya sakin.

"Anooo? Edi umalis ka na!"

"P-Pero... yung... tungkol kay..."

"Mamaya na! Hihintayin kita after ng Philosophy mo!"

Ayaw ko paring umalis. Sa dalawang dahilan: Gusto kong malaman, ngayon na, ang side ni Crayon. AT, si Dae. I`m getting attached into him.

"Sige na! tayo na!" Sabi niya habang nauna sa paglalakad!

"H-huh?" Inabutan ko siya, "Bakit? Saan ka pupunta?"

Ang alam ko wala na siyang klase eh!

"Hihintayin sabi kita!"

"Saan ka maghihintay?"

Nakita kong halos lahat ng mga mata ay nakatingin samin at may... "GO SERENE~!!!!!!!!!" Pa akong narinig galing sa ewan.

"Loko yun ah!" I stopped walking.

Nag-alala ako`t baka magalit si Dae sa sinigaw niya. O baka maisip ni Dae na mahal ko parin siya.

"Hayaan mo na yun!" Sabi niya kaya naglakad ulit ako.

Bakit ang dami kong supporters dito? At bakit halos kilala ako ng lahat? Alam din nila ang past namin ni Dae! Bakit ganun? HAAAAAAAY. Ang dami kong tanong pero mamaya na muna yan, I need to keep those wonders muna.

"Uhhh, saan ka nga ulit maghihintay?" Tanong ko ulit.

"Sa labas ng room niyo!"

"Ano? eh,"

"Ano? Ayaw mo!?"

Nakarating na kami sa room at nakikita ko na ang teacher namin, naglelecture!

"O sige. Ikaw bahala!" Pumasok na ako.

WAAA~! buti na lang at mejo good mood tong teacher ko. :D Anyway, kinikilig ako kay Dae. Paa ko siyang BF! ang galing! hmmm, nasa labas lang siya`t naghihintay sakin! WAHAHAHA, Naku, sana mainlab na siya sakin. Juskoooo~!

"Miss Cruz? Why are you smiling?" Napalingon sakin ang mga klassmate ko.

"uh.. ma`am. Wa-wala po!" Tapos naglecture ulit siya.

Buwisit naman oh! Wala ba silang makita? ganito ba talaga ako kuminang na kahit mejo ngumingiti lang naman eh tinatawag na! Isang oras sa purgatoryo at natapos rin ang pagkahabahabang lecture na feeling ko wala naman talaga akong naintindihan. Agad na akong umalis ng room, mas nauna pa ako sa teacher. Eh kasi... naghihintay si Dae.

"Dae... tapos na kami!" Sabi ko habang nakikita ko siyang nakasandal sa wall ng room namin.

"Okay... Lika na!"

HUUUUUUUUU~! Parang gusto ko siyang talian! Ayaw ko na siyang pakawalan! LOL, as if naman kami na!

Papunta ata kami sa library, tutorial session ba ang mangyayari? O orientation sa nangyayari kina Sophie at Crayon.

20th fall

Serene Cruz: Sa... uhm... gig?

"Si Sophia dini-date ni Crayon noon, pero hindi niya linigawan! Kaibigan lang talaga ang turing niya kay Sophia."

Tumango ako pagkatapos ibinulong ni Dae sakin ang mga sagot sa tanong ko tungkol kay Sophia.

"At bakit sila magkasama kanina?"

"Kasi... nagpapaturo daw si Sophia ng guitar kay Crayon. Alam ni Crayon na magseselos si Sophie, kaya nga yinaya niya si Sophie na sumama sa kanila kapag magtuturo na siya, kaso... busy si Sophie sa thesis niya with that other guy, kaya mas lalong nainis si Crayon!"

Unti-unti kong narealize ang situation. I can`t blame anyone! Not Sophie - natural lang kasi wala naman siyang gusto sa Chad na yun at trabaho lang ang inaatupag niya. Not Crayon - mahal niya si Sophie kaya natural lang na magselos siya, he tried his best to keep their trust pero walang nangyari.

"Masyado naman yatang komplikado!" Sabi ko while I tilted my head.

Buti na lang wala akong boyfriend! HAAAY. Pero kung iisipin ko, ang galing naman ng pinag-awayan nila. "Communication breakdown lang pala? Eh wala namang nag cheat! May kasalanan si Sophie - kasi napabayaan niya yung boyfriend niya. May kasalanan si Crayon - kasi ang dami niyang sinabing masasakit na bagay!" I sighed.

"Oo. for short, kahit na ganun ang nangyari, mahal parin nila ang isa`t-isa!"

Nagkatinginan kami ni Dae: awkward moment.

"Pero, nagwalk-out si Sophie kanina. Ano kaya ang sabi ni Crayon?" Sabi ko.

"Hindi ko alam! Ang alam ko, hahamunin ni Crayon si Sophie na sumama bukas o pumunta bukas sa Te Beach Resort sa gig namin, pag sumama siya OKAY NA SILA."

Tumango ulit ako.

"Kaya ikaw, kailangan mong kumbinshihin si Sophie na pumunta bukas sa Beach Resort kung gusto mong magkaayos ang dalawa!" He flipped the page of the book.

"Okay. Sana nga mapapayag ko siya!" I smiled.

At ngayong klaro na sa akin ang mga nangyayari, bumabalik na sa akin ang mga thoughts like... bakit maraming nakakakilala sa akin at bakit maraming nakakaalam sa past namin ni Dae!

"Uh Dae..."

"Hmmm?" Nakatingin siya sa libro at mukhang naghahanap ng pwede niyang ituro sakin.

"Bakit maraming nakakakilala sakin?"

"Ewan ko." Sagot niya habang nakatitig parin sa libro.

I bit my lip, "Bakit alam nila yung... 'noon'?"

Tumingin siya sa akin at... "Ewan ko."

Sagutin mo naman ng tama Dae! Ba`t puro ewan? GRRR! Pero, hindi ko na lang pinansin o sinaway ang kanyang mga sagot dahil baka nga naman hindi niya alam at kagagawan lang pala ni Crayon ang lahat. O baka naman grabe yung research ng mga fans nila sa mga past-life nina Dae. Napabuntong-hininga ako.

"Serene... kumuha ka pa ng libro dun, ubos na yata `to eh!" Sabi niya habang itinuro ang isang bookshelf.

"Ba`t ako?"

"Magpapaturo ka ba o hindi?"

Tumayo ako habang palihim na nagdadabog. Nakakainis talaga siya! Masyadong pa-importante. Naku, pasalamat siya`t mejo natututo din naman ako sa mga itinuturo niya!

Lumapit ako sa mga libro at nagsimulang magbasa ng mga pamagat. Hmmm, kumuha ako ng limang libro na mukhang pwede niyang ituro sa akin, papabalik na sana ako pero napatago ako sa bookshelf na pinanggalingan ko dahil nakita ko si Dae na katabi si Francine. Nakaupo si Francine sa upuan ko kanina.

Parang kinukurot ang puso ko. Nasasaktan na naman ba kaya ako? HAHAHA. Nakakatuwa naman, nakita ko nga lang silang magkasama eh ganito na makapagreact si HEART. >.<>

*1 message recieved*

Dae: Puntahan mo na lang muna si sophie, kita na lang tayo sa gig bukas.

I sighed. Papaano yung gamit ko? Nasa sasakyan pa niya ang iba kong gamit ah! Well, makukuha ko parin siguro yun bukas. Dahan-dahan kong binalik ang mga libro sa pinanggalingan nila at nagmadaling umalis. Tinitigan ko pa ang seryosong mukha ni Dae bago ako umalis. Yung mukha niyang nakaharap kay Francine.

Kahit anong gawin ko, lagi ko paring pinupuri ang pagiging 'swerte' ni Francine dahil mahal siya ni Dae.

Pag labas ko ng library, napahinga ako ng malalim.

"Hindi na pala ako humihinga kanina!" I smiled. Kahit wala naman talaga akong kasama.

Feeling ko tuloy natutuwa ako sa nangyari kahit mukha akong naubusan ako ng energy. Kasi, alam mo yun, at least wala ng hinanakit si Dae sakin. Kahit na masaktan ako... okay lang. TEKA NGA! ERASE! Ayoko nga noh! Hindi naman ako nasasaktan eh. Hindi ah! Nakangisi nga ako ngayon eh.

"Serene, ba`t ka natatawa na parang naiiyak?" Bumulaga sakin sina Chyna at Mina na nakasalubong ko habang papalabas ako sa school.

"Asan si Dae?" Tanong ni Mina.

"Ah. Andun sa library, kasama si..."

"Si?"

"Si.. Francine."

"HA? Ba`t mo hinayaan?"

"Eh... ha?"

"Ano? Haaay naku! Kung ba`t ka pa naman kasi pinanganak na martyr!"

Ilang sandali ang nakalipas, nang makawala na ako sa sermon ng dalawa kong kaibigan, nauntog ako sa gate nina Sophie.

"Hoy Serene!" Buti na lang at nakaupo lang pala at nag-eemote si Sophie sa harap ng bahay nila.

"Oi. Sophie."

Pinapasok niya agad ako at pinaupo sa upuan katabi sa kanya. Malapit nang gumabi pero dumayo parin ako sa kanila para lang sa modus operandi namin ni Dae.

"Ba`t tulala ka?"

Hindi ko namalayang 15 minutes na kaming nakaupo na walang kibo.

"Huh? Uh... Pumunta ka bukas ah?" Sabi ko habang binalewala ang mga tanong niya.

"Sa... uhm... gig?"

"Oo."

"Uhh. Okay."

I tried to smile for her. My smile was supposed to be sincere - because I`m really happy for her and for them.

"Anong nangyari? May problema ka ba?"

"Wala."

"Serene naman eh! Bakit? Anong ginawa ni Dae sayo?" Hinawakan ni Sophie ang braso ko.

Saka lang ako nagising sa pagkatulala ko at nakita ko ang kanyang namumugtong mga mata at pag-aalala sa akin. Kagagaling niya pa lang sa isang problema, ayoko nang sabihin sa kanya ang akin.

"Serene, noong hindi ko sinabi sayo ang problema ko anong naramdaman mo?"

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText