<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 31-35


31st fall

Serene Cruz: Crayon, stop that!

Nakarating na ako, at nininerbyos na ako kahit di pa ako nakakapasok. Inayos ko muna ang sarili ko. Syempre, kahit ganito ang nangyari o kung ano pa ang mangyayari, I don't want to look like a loser. Naaninaw ko na ang mga ilaw, pero bago ako makapasok ng lubusan...

*KRIIIING*

"Hello~"

"Serene." I heard a deep sigh.

DAE!

Napatigil ako sa paglalakad.

"Asan ka?-"

Pinatay ko na ang cellphone ko bago ko pa marinig ang pwede niyang sabihin. Ayan na naman ang mga luha ko. Kaya inabutan pa ako ng siyam-siyam sa labas dahil sa pagpapabalik ng luha ko sa kanikanilang mga glands. At sa wakas, napagdesisyonan kong wa`g ng huminga para makapasok na ako sa loob at malaman ko na kung ano talaga ang nangyari.

Nabigla ako dahil lahat ng tao nakatingin sa akin. Gusto kong hulaan kung bakit sila nakatingin sa akin. Dahil ba wala akong date? Dahil kaya alam ng lahat na si Dae yung date ko na hindi ako sinipot? Maganda ba ako ngayong gabi? O baka naman bakas sa mukha ko ang pag-iyak ko kanina? I laughed.

Oo, tumatawa ako sa sarili ko ngayon habang pumapasok ako dito at tinatahak ang red carpet ng mag-isa. LATE! Two-hours late. Sana worth it yung pagmumukha ko ngayon para di naman sila madismaya. Hindi ko makita si Dae, pero agad akong kinawayan ni Sophie kaya pumunta na rin ako sa table niya. Syempre, ako lang ang walang date doon.

"Serene!" She hugged me.

"Ba`t ka pa pumunta?" Tanong ni Chyna.

Siniko ni Mina si Chyna.

"Kasi... baka magduda si Mama at Papa eh." I tried to smile.

Tiningnan ko ang paligid at nakita kong bumalik na ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. I sighed.

Lahat naman ng tao sa table namin, nakatingin sa akin. Maliban na lang kay Crayon. I faked a smile.

"Crayon, anong nangyari... sayo?" Tinitigan niya ako na parang kakain ng tao.

I don't know but my cousin can really see through me. And I'm sure of that.

"Do you want me to kill Dae?" Tanong niya.

Natakot ako. Bakit niya yun sinabi? They're best friends! OMG.

"H-Huh?"

Nakita ko si Dae. Kinabahan ako, lalong lalo na nang may nakita akong nakakapit sa braso niya. He's soooo handsome tonight! Pero... I saw Francine.

"Shut up, Crayon!" Hinampas ni Sophie ang braso ni Crayon. "Hindi mo pa nga siya nakakausap eh!"

"Kahit na!"

WHOA. Galit si Crayon! I focused on Dae and Francine. Nakita kong lumingon si Dae sa table namin at mukhang hinanap ako. Nagtago ako kina Sophie para hindi niya ako makita. I sighed.

"Serene... pasensya ka na. Nabigla ako eh. Hindi kita tinawagan agad. Akala ko kasi tinanggihan mo na si Dae eh! Kasi kasama niya yung Francine na yan pagdating niya dito."

"Really?" I faked a smile.

Nagiging geisha na ata ako. Marunong ng ngumiti kahit nasasaktan.

"Akala ko naman may ibang date ka na. O baka pinag-usapan niyo na yan ni Dae. I never thought..." Lumingon si Sophie kay Crayon, "Serene, tanungin mo kaya si Dae?" She sighed. "Natatakot na kasi ako para sa kanila ni Crayon." She whispered.

OH NO~ Ako rin eh. Baka mag-away sila't dahil pa sakin. Madali lang naman `to eh. I`ll just pretend na okay lang naman talaga yung nangyari ngayong gabi at ibabaon ko sa limot ang lahat para di na sila mag-away. Kaya ko naman yun eh. As if hindi ko yun ginagawa - ang magpakamartyr! I just don't want to ruin their friendship. Ayaw kong magiging excuse pa yung feelings ko sa pag-aaway nilang dalawa.

"Crayon, uhhhh," I sighed. "Kumalma ka nga! Wala namang nangyari sakin eh."

His eyes were darted at mine.

"Cray-"

"Serene... can we talk?" T'was Dae.

Para akong nabunutan ng tinik. Talk? Ano pang pag-uusapan namin? Ayoko nga! Ayan tuloy, ewan ko kung kukumbinsihin ko pa ba si Crayon o hahayaan ko na lang siya. In one way or another, Dae deserves to be hated by someone who cares for me.

Nagkatinginan ang dalawa. Nagkatitigan. I'm so sorry, I really can't afford to see them like this just because of me.

"Crayon, stop that!" Napalingon si Crayon sakin.

Tiningnan ko na rin si Dae at pinandilatan, "Ako ang kakausapin mo diba?"

Tumango siya at sinenyasan niya si Francine na maghintay. Binalewala ko silang dalawa pero hindi ko parin alam kung bakit nakita kong napailing si Francine nang lumabas kami ni Dae sa hall. Whatever, I'm not in the mood to be thinking about them.

32nd fall

Serene Cruz: OKAY~

Nasa likod ko siya ngayon at nasa labas na kami ng hall. Ayokong humarap sa kanya. I decided to think about his words thoroughly before answering him. I don't want to destroy anything - especially his friendship with Crayon.

"Serene, sorry."

Sorry? HUH? Gross!

"Okay..." lang?

"Anong okay? You can punch me if you want!" Napalingon ako sa kanya.

Naramdaman kong willing talaga siyang magpabugbog sakin.

"That's useless."

"Sige na!"

"Dae, wala na tayong magagawa."

Nasaktan mo na ako eh. Para namang gagaan ang feeling ko kapag masaktan kita physically. Atsaka, di naman kita masasaktan emotionally dahil wala ka namang emosyon para sakin.

"Galit si Crayon."

Why? Kung di ba siya galit, di rin siya hihingi ng tawad?

"Galit ka rin." He said.

Hinarap ko siya para makita ko ang ekspresyon ng mukha niya.

"Si Francine kasi, tinawagan ako kanina, di daw siya tutuloy ng Hong Kong."

My system began to talk like crazy. TANG***! SO? SO WHAT? Pagkatapos ng excuse na yan, nag-eexpect siya ng kapatawaran sakin? OMY Funny Goat! Sana man lang mas reasonable nun!

"Eh, naiwan ko ang phone ko sa bahay dahil sinundo ko siya sa airport. Tsaka, ewan ko baka nag lowbat na yun."

I sighed. OMY. I'm so thankful that he can't read my mind like Edward Cullen. Nagmumura na ako! What kind of excuses are those?

"Susunduin na rin sana kita, kaso nagmadali pa kami ni Francine sa parlor tapos nagbihis pa siya."

Kung ngingiti si Dae ngayon baka hubarin ko na `tong mga heels ko at ibato sa kanya.

"Tsaka... pagdating namin dito, mejo late na rin eh. Hinanap kita kasi baka nakarating ka na, pero hindi pa pala. Kaya nanghiram ako ng phone kay Francine para matawagan ka, pero binabaan mo naman ako!"

WHAT? Anong klaseng mga excuses yan? Para bang sinisisi pa ako. Parang ako pa ang may kasalanan sa lahat na nangyari.

He stared at me. He waited for my response. But I'm not that stupid to say something like 'okay lang' right now.

"Uhh, sige na. Bugbugin mo na ako!" He said.

Pinandilatan ko na lang siya.

"Sorry."

Tumango ako, to end this up. I stared at him while he was also staring at me. Sana man lang napansin niya ang effort ko para sa gabing `to.

"Uhh sige, ganito na lang..." He sighed. "Bukas, pupunta kami ni Francine sa farm nila... malapit lang yun dito. Uhh, bibisita lang kami dahil yun daw ang sabi ng papa niya. Come with us."

COME WITH US? That's the most stupid invitation I have ever heard in my entire life. Paano niya nasabi o natanong yun? Sa tingin ba niya papayag ako. Nagkakamali siya!

"What? Yoko nga."

"Sige na... that's my peace offering."

PEACE OFFERING! Okay na yung chocolate sakin para peace offering, bakit yung ganung klaseng bagay pa?

"Sige na. Wa`g kang mag-alala, pumayag na si Francine dito. Sabi din kasi niya na may kasalanan din siya sa nangyari."

I am... so hurt. It's very painful. Very very very painful to hear his words. Kahit hindi niya naman ako binasted pero mas masakit pa to sa pambabasted niya sakin noon. Paano niya nasasabi sa harapan ko ang mga bagay na `to?

"Okay na! Di naman ako galit sa inyo eh! Kaya wa'g niyo na akong isama." Sabi ko.

"Serene, sige na. Hayaan mo ngang makabawi si Francine sayo. Hayaan mo ngang makabawi kami sayo." He is slowly raising his voice.

"Dae~ bulag ka ba? Ang sabi ko... ayaw ko... ayaw kong madamay sa inyo. Paano kung mamatay ako dahil sa kagat ni Fran-"

"Nagbago na siya!"

Pause. Buffering. Sila na ba ulit? Nagbago na raw siya eh.

"Serene, trust me. Sige na naman. Isang araw lang naman yun eh."

"Ano baaaaaaaaaaa!"

Hinawakan niya ang braso ko kaya't nagpumiglas ako.

"Serene, sige na, please? Para naman makita ni Crayon na ayos na tayong dalawa."

Huminga ako ng malalim. I'm so humiliated but I need to hide it. I'm so pissed but I need to conceal it.

"Serene, pramis ko sayo, mag-eenjoy ka dun! Sige na... sumama ka na."

"OKAY~"

Lecheee... ang kulit nya! Ba't ba di niya kayang sila lang dalawa ang pumunta dun? Ba't isasama pa ako? It's like taking me to the highest mountain, showing me the world, and saying 'this is what you can't have'. argh.

33rd fall

Serene Cruz: hindi naman ako naghahanap eh.

"O sige, susunduin ka namin bukas. Promise na talaga `to! Ayoko ng mapahiya sa mga parents mo."

Yun ang huling sinabi niya. Wala siyang kaalam-alam na hindi siya napahiya kina mama at papa. Wala siyang kaalam-alam na pinagtakpan ko na siya. Pinagtakpan ko siya kahit sinaktan niya ako.

Bumalik na kami sa loob. As expected, di nga talaga titigil si Dae kapag di ako papayag. Bumalik na siya kay Francine, at hindi ko pa siya natatanong kung sila na ba ulit. Ayoko ngang magtanong eh. Pero alam kong malalaman at malalaman ko rin ang katotohanan, lalong lalo na't kasama ko silang dalawa bukas.

"Serene, ano daw?" Tanong ni Sophie.

Lahat ng nasa table, tumingin ulit sakin. Pati si Crayon.

"Okay na kami."

They all paused for a while. Until Crayon said, "Anong okay?"

"Sinundo niya si Francine sa airport dahil di siya tumuloy sa Hong Kong, nagbihis si Francine at naiwan ni Dae ang phone niya sa bahay. Tinawagan niya ako gamit ang phone ni Francine pero binabaan ko dahil nainis ako."

WHOA! What an explanation, Serene. Ginawa mong dehado ang sarili mo. Pero yun naman talaga ang nangyari diba? It sounds like my fault. But I was hurt.

"W-wait... so?" Tumaas ang kilay ni Sophie.

"I'm at fault... partly."

I am definitely protecting Dae, unconsciously? Or consciously? I don't know.

"Tapos? What about the DATE?" Tanong ni Chyna.

Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Uh, well. Di naman siguro ako palalabasin dito dahil wala akong date... Tsaka, isasama rin nila ako bukas." I smiled.

"Saan?" Tanong ni Sophie."

"Bastaaa... kina Francine daw."

"Okay lang ba?" They looked at each other.

Tumango naman ako.

So there goes my night. It was a very HAPPY night, the sarcasm. Nakikita kong masaya si Sophie at Crayon. Nakikita kong nagkabati si Dae at Crayon. Masaya siya. At least nalang hindi ko nakitang sumayaw si Dae at si Francine sa harapan ko. Pansin ko nga eh parang tahimik lang silang dalawa sa table nila. Habang ako naman dito, lonely pa sa night ang drama. Mag-isa sa table at nagmumukhang tanga.

*KRIIIIIIINGGG*

"Hello~"

"Hello?" I rubbed my eyes.

Kinuha ko ang relo kong nakalapag sa higaan, 11:00am na, pero gusto ko pang matulog.

"Serene, kanina pa ako tumatawag ah. Ano ready ka na ba?"

T`was Dae. Oh great! Hindi pa nga ako bumabangon tapos nagtatanong siya kung ready na ba ako? WTH? Okay, I found a lame excuse.

"Dae, kayo na lang... kasi-"

"Anong kami? Nagpromise ka diba?"

Napakamot ako sa ulo.

"Eh kakagising ko lang. Matatagalan kayo."

"Kasalanan ko ba yun? Alam mo namang may lakad tayo ngayon tapos ang tagal mong gumising!"

WAIT NGA. Ba`t niya ba ako pinapagalitan? May kasalanan siya sakin tapos ganun siya kung magalit.

Binaba ko yung phone. Hindi ko na siya sinagot at agad akong bumangon para maligo, magbihis, at mag-ayos ng mga gamit.

Anong klaseng farm ba yung pupuntahan namin at bakit ako nadadamay sa mga ganitong sitwasyon? I stared outside the window. Mukhang uulan ata ngayon. Si Dae ang nagd-drive ng sasakyan at si Francine ang nasa frontseat. Mag-isa lang ako sa likuran, habang nakasandal sa window at nagmumuni-muni. Ba`t di sila mag-usap diyan? Di ko tuloy malaman kung sila na ba o hindi pa rin.

"Uhhh."

I saw Dae's eyes on the mirror.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko.

"Mejo."

"Uhhh, anong gagawin natin doon?" Tanong ko ulit.

"Bibisitahin ko lang ang farm." Sagot ni Francine.

Ganun naman pala eh, ba't kailangan ko pang sumama? Whatever, tumingin na lang ulit ako sa labas.

"Serene, gising!" Naaninaw ko ang mukha ni Dae. "Andito na tayo." Dagdag niya habang ginigising ako.

Nakatulog na naman ako. Lumabas ako sa sasakyan at linanghap ang sariwang hangin. WOW, ang ganda dito. SUPER.

"Ang ganda diba?" Tanong ni Dae.

"H-Huh?"

Hinanap ko si Francine, pero hindi ko siya makita sa paligid. Asan siya? Panaginip lang ba `to? Ba't kami lang dalawa ngayon? Tiningnan ko si Dae na nakatingin sa malawak na lawa sa harap namin.

"Asan si Francine?"

I forgot to tell you that I'm still pissed everytime I look at him.

"Andun." Tinuro niya ang isang bahay sa malayo. May mga kabayo akong nakita. Mukhang eto ang unang pagkakataong makakita ako ng kabayo.

"Wow!"

"Hmmm?"

"Wala." I'm disturbed with his presence.

Tinitigan niya ako habang nakatingin ako sa mga kabayo.

"First time mong makakita ng kabayo?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako.

"Wala bang kabayo sa States?"

"Meron, pero hindi naman ako naghahanap eh." I'm still pissed so don't talk to me like nothing happened.

Kahit na nag-uusap kaming parang wala siyang atraso sakin, mas lalo akong naiinis. Mas gusto ko atang mag-isa na lang ako dito kesa kasama ko siya o silang dalawa ng hinayupak niyang Francine.

"O diba, sabi ko sayo may makukuha ka nga sa trip na `to! Ngumiti ka na d'yan!" He smiled.

Nagkasalubong ang kilay ko? Why is he smiling? Sipain ko siya diyan eh. Kala mo ganun yun kadali, huh Dae? Okay, put the blame on me! Bakit ba kasi ako sumama.

34th fall

Serene Cruz: Tinanong ba kita?

"Dahan-dahan lang, Serene ah?" Sigaw ni Dae sakin.

NYENYENYEHHH~! Kainis! Bahala kayo diyan. Wala akong pakealam sa inyong dalawa ni Francine. Ewan ko kung nag-uusap ba sila o ano, basta ang alam ko sasakay ako sa kabayo!

"Bakit kailangang hawakan mo pa yang tali?" Tanong ko dun sa tagapangalaga ng kabayo.

"Kasi mailap pa `tong isang `to eh."

Tumango ako.

At isa pa, first time ko rin tong sumakay ng kabayo. WOW, feeling ko ang tangkad ko. Lumingon ako kina Dae. Nakatayo silang dalawa sa malayo. Magkaharap sila at mukhang may pinag-uusapan nga. Ewan ko ba pero nanggigigil ako pagnakikiita ko silang dalawa. Francine caressed Dae's face. WAAAH. Whatever, Serene! Your such a loser.

Naramdaman kong nabigla ang kabayong sinasakyan ko. The next thing I know, he's galloping! Asan na yung mamang hinahawakan yung tali? Nawala! At ako? OH NO! OH NO! OH NO!

"AAAAH~!" That shout from me was enough to catch Dae's attention from afar.

Papunta ang kabayo sa kanila. OHMYF.

"AAAAAAH~!" I shouted.

Nakita na rin ako ni Francine kaya't nag panic siya. Agad kong hinila ang tali, bahala na, pati ako nagpapanic na kaya bahala na kung anong epekto nun. Buti na lang at lumiko ang kabayo! Kaya lang pagliko nito, nakita kong tumakbo si Francine papalayo kay Dae at sinalubong ang kabayo!

"AAAAAAAAAAH~!" Her shout was sharper than mine.

Syempre, nadaganan siya ng kabayo! AND HEY, I`m still with it! Buti na lang at nakuha ng tagapangalaga yung tali bago pa ako madisgrasya. I can feel my hands trembling overtime. My heart was pounding too fast that I can't think of anything but getting away from the horse. My tears kept falling, though I don't know why. I'm scared.

"Okay ka lang ba?" Tanong ng tagapangalaga sakin.

Lumingon ako kina Dae, at nakita ko si Francine. Maraming tao at tinulungan siyang tumayo. Maputik na yung damit niya, pati nga yung mukha niya. And Dae was there, helping her too. HEY, ako rin ah... stop! Hindi ito ang oras para isiping binabalewala na naman ako ng hinayupak na Dae na yan. Tumakbo ako sa kanila...

"Francine, sorry!" I said.

Hindi siya sumagot, at andaming taong nakapaligid sa kanya!

"Francine, di ko-"

"DAMNN your stup*d!" She cried. "Ba't mo pa sinakyan yun kung hindi ka naman pala marunong?"

I'm still trembling and scared.

"Serene," I felt Dae's hands on my arms. "Ikaww talaga! Delikado yun ah! Ba't mo ginawa yun? Paano kung masaktan si Francine? Paano kung nadisgrasya-?"

My tears were still falling. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko! I'm scared!

"Serene!" Yinugyog niya ang buong katawan ko para matauhan. "Pano kung-"

"Ano? Pano kung nasugatan si Francine? Ehhh bakit? Di ba delikado ang buhay ko, huh Dae?"

He paused.

"Ba't ba laging ang gagaling ng mga dahilan mo? Pinapunta mo ako dito para maisip ni Crayon na okay na tayo!" Tiningnan ko sina Francine na papunta sa mansyon. "Tapos, pinapagalitan mo ako ngayon dahil muntik ko ng maaksidente si Francine? Ano ba talaga ako sayo? Wala ba akong halaga sayo?" Sa wakas, nasabi ko na rin ang mga salitang noon ko pa gustong sabihin.

"I'm just telling you that it's dangerous! Bakit mo pa inungkat yan?-"

"DAEEE~!" Sigaw ni Francine.

Agad namang tumakbo si Dae para habulin sina Francine. Nasugatan ata siya. Ang hinayupak talaga na Dae na yun! Imagine? Yun pa ang sinabi niya? Pagkatapos ng lahat-lahat? Lagi na lang siyang may hidden agenda! Lagi niyang pinapakitang nag-aalala siya sakin, pero ang totoo naman talaga eh yung mga tao sa paligid ko lang ang gusto niya. Napaka-walang-hiya niya talaga! Ba't ko ba kasi siya mahal? Wala naman siyang ginawa kundi manakit? Ayoko na talaga! Ayoko na! Ayoko na! Tama na `to. Tama na ang kahibangang `to.

I'm still crying while sitting on the stairway of Francine's mansion. Bored ako kaya tinatapon ko na lang yung mga batong nahahawakan ko. Dumidilim. Uulan nga talaga yata! I can't believe that I have a very large amount of tears inside my eyes. Kahit ngayon di parin humuhupa eh. Para akong loser dito habang nagtatapon ng mga bato at nakaupo lang sa hagdanan. Di man lang makapasok dahil nahihiya sa nagawa kanina. Kasalanan ko ba yun? Buti na nga lang at napaliko ko yung kabayo eh. Isipin niyo marunong pala akong mangabayo? HAHAHA >:D I smiled.

Tumingala ako at nakita ko si Dae sa harapan ko. Tinitigan ko siya gamit ang mga matang may bahid ng inis.

"Okay na siya."

"Tinanong ba kita?" Pinandilatan ko siya at nagpatuloy sa pagtatapon ng mga bato.

"Serene," Lumingon ako at nakita ko si Francine sa likuran na nakatayo malapit sa pintuan. "Mahal mo pa ba si Dae?"

Napatayo ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Este, alam ko kung anong sagot pero di ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling. Nangangapa na rin ako kung anong mga salita ang sasabihin ko kung aamin nga ako. And why the hell did she ask about it?

35th fall

Serene Cruz: The game is over

"Francine, tama na yan. Iwan mo na lang muna kami ni Serene!" Sabi ni Dae.

"No, Dae. Para saan pa ba yung pag-away ko sa kanya noon kung hindi ko nararamdamang may gusto parin siya sayo?" Sabi ni Francine.

WTH? So, hindi pala talaga siya nagsisisi sa ginawa niya sakin noon? How dare...

"If I know, ginawa niya siguro yung kanina dahil nagseselos siya satin!"

What? My tears are falling again. Ba't niya nasasabi yun? Paano niya nasasabi yun?

"Francine, stop that! Sabi ko, iwan mo muna kaming dalawa!"

Pinandilatan mun ako ni Francine bago siya tuluyang umalis.

"Dae, uuwi na ako." Sabi ko habang humihikbi.

"Serene," He sighed. "mahal mo pa ba ako?"

His question was devastating. Pati siya? At sa mga panahong ito, kaya niya pa yang itanong? Umiiyak parin ako at hindi ko pa masagot dahil hindi pa ako makahinga.

"Serene...-"

Inhale... exhale...

"OO!"

Sinabi ko na lang ang totoo. I promise, pagkatapos ng araw na `to, magmo-move on na ako. Promise, this is the last.

"Pero-"

"SHHHHHHHHH!"

I put my index finger on his lips. Hindi ko siya hahayaang magsalita dahil lagi akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Tama na. Tapos na yun. Tapos na yung mga oras na hinahayaan ko siyang saktan ako. Magsisimula ako ng bago ngayon! At sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Di bale nang magalit siya sakin. Di bale na kung di na kami maging mag kaibigan ulit. Bahala na. Sasabihin ko na ang lahat para iwan na ang sakit.

"Mahal kita. Noon pa." Hikbi parin ako ng hikbi. "Ang sakit-sakit na, Dae."

Pinunasan ko ang sarili kong luha. Eto na yata ang pinakamasakit. Di bale na kung ilang beses niya akong indianin, pero ang maramdaman siya sa harapan ko't walang magawa habang umiiyak ako - pinakamasakit.

"Hinahayaan na lang kitang saktan ako ng ganito dahil-" Hindi ko makompleto ng hindi ako humihinga ng malalim, "-dahil akala ko, madedevelop ka rin sakin!"

He stared at me and did nothing to lessen the pain.

"Lagi na lang akong umaasa na mapansin mo, kahit alam kong hindi!"

Ngumiti ako kahit na parang waterfalls na ang luha ko.

"Bobo kasi ako eh. Ang tanga-tanga ko."

I looked away.

"Eh kung tutuusin, bobo ka rin eh!"

Yung mga mahal mo, ang papangit ng ugali! Nakakainis!

"Andito naman ako, naghahanap ka pa ng iba."

Tinitigan ko siya.

"Syempre. Di mo naman kasalanan yun, sinusunod mo lang naman ang puso mo. Pero, di mo rin ako masisisi, sinusunod ko lang ang puso ko!"

Umiling siya, "Serene, ayaw kitang saktan-"

"WHAT?" I smiled, "Okay! Okay. Kung yun ang gusto mo."

Huh? Eh, ilang beses mo na akong nasaktan ah.

"Kung ayaw mo akong saktan-" May bagong batalyon ng luha ang nahulog galing sa kani-kanilang mga glands. "-wag ka ng magsalita ngayon, okay! This is the last time that I'll let you hurt me... kaya sana, pwede, wa'g masyadong masakit? Wa'g ka na lang munang magsalita."

I sighed.

"Kasi, kahit yung mga sinasabi ko eh, masakit para sakin! Kung nasasaktan na nga ako sa sinasabi ko, paano na lang kung magsasalita ka pa, diba?"

I laughed again while I wiped my tears.

"Dae, mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa puntong nagiging loser na ako at nagiging martyr."

Hikbi parin ako ng hikbi. Napansin kong dumidilim na kahit hapon pa lang at mukhang uulan.

"Serene, I don't want to hurt you but-" Natigilan siya.

"But what?" I smiled another faint smile. "Buti naman at nagiging matalino ka na. Di mo na rin yun dinagdagan kasi magiging contradictory na sa una mong sinabi na 'I don't want to hurt you'."

I caressed his face. I memorized every bit of his face. I loved his eyes. I loved his nose. I love him, still. I love him even to the point of letting go. I love even his honesty - that hurted me.

"Dae, I love you and my God it hurts! Di bale, tama na yun. Tama na yung nalaman mo yan. Sawang-sawa na akong masaktan eh."

I want to kiss him for the last time. LOL. Pero naisip kong baka di ko na naman makalimutan ang halik ko sa kanya at di na naman ako makamove-on. Kaya linapit ko na lang yung mukha ko sa mukha niya, remembering his smell will be enough for me.

"AHH~!" I heard Francine's shout.

Lumabas siya sa likuran ng pintuan at galit na galit. Kanina pa siguro siyang nakikinig sa mga sinabi ko kay Dae at mukhang natakot siyang halikan ko siya.

"I told you! May gusto ka nga kay Dae! Well, sorry ka na lang at wala siyang gusto sayo! Hindi mo siya maaakit!" She pointed me.

Pinunasan ko ang luha ko at sinigurado kong hindi muna ako iiyak hanggang sa mawala na ako sa harapan nila.

"Oo. May gusto ako sa kanya, pero kahit kailan-" I glanced at Dae's eyes. "Kahit kailan, di ko hiningi ang pag-ibig niya!"

Katahimikan. Naramdaman ko ang ulan sa braso ko, hindi pa ganun ka lakas kaya andito parin kami sa labas.

"The game is over, you can both live happily ever after!"

MY GOSH, yung luha ko hindi ko napigilan. Agad kong pinunasan at nagwalk-out na rin ako. Nang linagpasan ko si Dae, akala ko hihilahin niya ang braso ko o susundan niya ako, pero wala eh. Hindi niya na ako sinundan, nag-aabang na lang ako ng masasakyan ngayon kahit na umuulan. Pero di na ako makapaghintay, tumakbo na lang ako papalayo sa lugar na yun. Kahit na wala akong nakikitang bahay dito, tumatakbo parin ako papuntang hindi-ko-alam para lang makalayo.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText