<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Kabanata 6-10



Kabanata 6.
Unang Araw


Napawi din ang mga pag-iisip kong landiin siya nang kinaumagahan habang nagtricycle ako papunta school ay nadaanan ko siya sa kalsadang nagbubuhat ulit ng mga kahoy kasama ang mga magsasaka. WTF?! Stupid, Rosie! Paano mo nagawang magustuhan ang isang yan? Totoong gwapo siya pero ba't kailangan may 'scenes' pang nagbubuhat siya ng mga kahoy?

Kung may kaya sila, dapat hindi niya yan ginagawa hindi ba? Siguro iba ang definition ng 'may kaya' dito.

Umiling ako pagkapasok ko sa Alegria National HS. As usual, bumungad sakin ang clouds na nakikita kong tinatabunan ang tuktok ng mga bundok na nakapaligid. Hindi ako naka-uniform samantalang halos lahat ng mga tao doon ay nakauniform na.
Out of boredom siguro kaya ko naisip na okay si Jacob. EW!

6-Dandelion ang section ko. Napag alaman ko ring puro bulaklak ang mga section dito.

"Nasan na ba yung si Jacob?" Sabi nung pamilyar na lalaki pagkapasok ko sa classroom namin.

Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante at hindi ako yung tipong ngingiti at magpapakilala. Umupo lang ako dun at naghintay ng teacher. Si Jacob ba ka niyo? Ayun at nagsasaka na naman sa bukid!

"Maaga pa kaya." Sabi nung maganda at maarteng babae na hula ko ay girlfriend ni Jacob.

Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Nakita ko namang tumaas ang kilay nung maganda at mukhang may nilapitan siya sa likuran.
*THUG*

Napalingon ako sa mga gamit na bumaha sa sahig. Notebooks, lapis, ballpen, pencilcase na nasira, papel at iba pa. Pinulot nung babaeng malalaki ang salamin at nakafishtail braids na kasama din nina Jacob nung nakita ko sila dito. Akala ko ba friends sila.

Pinagmasdan ko ang ibang babae na kaklase ko at puro sila nagbubulung-bulungan at walang tumutulong sa kanya.

"Ooopps! Sorry. Di ko sinasadya. Nandyan ka pala." Sabi nung maganda sa nakasalamin.

Tahimik lang yung nakasalamin habang pinupulot ang mga notebook niya.

"Buti nga sayo." Pabulong na sabi nung maganda at inapakan niya ang iilang notebook sa sahig. "Yan ang nakukuha mo!" Sabi niya at nagmartsa patungo sa upuan niya.

May bullying din pala dito, ano? Mas worst pa yata kasi akala ko talaga ay matatalik silang magkaibigan.

Nang nakuha na ni fishtail braids ang mga notebook niya, umupo siya malapit kay miss maganda at agad siyang tinulak nito.

"Wa'g ka nga dito! Baho mo! Dun ka na sa likuran! Diyan si Jacob!" Sabay turo sa uupuan sana ni fishtail.

Tahimik lang siya at mahinahong umalis at umupo sa likuran ko.

"Eunice!" Sigaw ng pamilyar na boses galing sa likuran.

Napalingon ako at nakitang tinutulungan ni Jacob si girl firshtail braids. Inayos niya ang mga aklat na nakakalat at tinulungang niya itong makatayo. Nang tumingin na siya sa mga mata ni Eunice (yung maganda na umaway kay girl fishtail braid), seryoso na at galit.

"J-Jacob, siya naman yung nauna." Sabi ni Eunice.

Yung mga tao dito sa classroom walang imikan at nakatingin lang sa pangyayari. Ang sarap lang sumingit pero ayoko lang makaagaw ng atensyon ngayong bago pa ako.

Umiling si Jacob at tumunog na ang bell! Magsisimula na ang klase. Nagsiupuan silang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Ako lang yata ang walang katabi. Si Jacob at girl fishtail ay nasa likuran ko at magkatabi na.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran at nakita ulit ang galit na ekspresyon ni Jacob. Dahan-dahan ko ulit binalik ang paningin ko sa harapan kung saan nandun na ang teacher. Si Mrs Gonzalo ang aming adviser. Mataba siya at may malaking eye-glass sa mga mata. Kulot at maiksi ang buhok... tinawag niya ako.

"May bago kayong kaklase!" Aniya pagkatapos niyang sinabi na ang buong section nila noong 5th year ang napunta sa 6th Dandelion. "Roseen Aranjuez?" Tumingin siya galing sa papel na hinahawakan at sa aming mga estudyante niya.

Tinaas ko ang kamay ko.

"Lika dito, Roseen."

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ro-shan po, di Roseen." Sabi ko at humalakhak ng kaonti ang ibang kaklase ko.
"I'm sorry. Roshan pala." Aniya. "Roseanne Aranjuez. Sana kaibiganin niyo siya dahil alam kong matatalik na magkaibigan na kayong lahat dito at bago pa siya."
"YES MRS GONZALO!" Sabay sigaw ng mga kaklase ko.
"Ngayon... dahil magkakakilala na kayo, di ko kayo hahayaang umupo sa mga gusto niyong upuan."

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko sa protesta. Nasa harap pa ako at hiyang-hiya dahil di niya pa ako pinapabalik.

"Everybody stand up! Let's do this through alphabetical order okay?" aniya.

Ang iba ay nasiyahan, ang iba naman mas lalong nagprotesta. Si Eunice nagpoprotesta at yung iba pang mga lalaki.

"And pairing... So boys mauuna tapos girls since dalawang upuan naman yung magkakatabi."

Tinawag si Valdez (si girl fishtail) at si Leo Yu (yung kausap ni Jacob nung nalaman kong kilala niya ako), sa harapan sila pinaupo. Ilang sandali na lang ay halos maubos na ang nakatayong estudyante at komportable ng nakaupo sa mga upuan nila.

Hanggang sa... kaming dalawa na lang ni Jacob ang natira! Ano ang apelyido niya at bakit kaming dalawa na lang ang natititira? Patay! Kaming dalawa ang magtatabi nito!



Kabanata 7.
Jacob Buenaventura


"Aranjuez, Buenaventura." Sabay turo ni Mrs Gonzalo sa huling upuan kung saan kami uupo ni Jacob.

Buenaventura pala ang apelyido ni Jacob. Jacob Buenaventura? Mukhang mayaman pero hindi naman pala.

Umiling si Jacob habang umuupo sa upuan sa tabi ko. Para bang ayaw niya akong katabi.

"Kung ayaw mo sakin eh magprotesta ka kay Mrs Gonzalo!" Sabi ko ng pabulong sa kanya.
"Hindi naman ako tanga. Alam kong walang pag-asa." Aniya ng pabulong din.
"Baka sakali..." Sabi ko at umiiling din. "Ayoko rin naman sayo eh. Pag nangyaring papayag siya, tayong dalawa yung masisiyahan." Pabulong ko ulit na sinabi habang nagsasalita na si Mrs Gonzalo.

"Yung mga katabi niyo ay ang partner niyo sa halos lahat ng activities sa school." Napailing at protesta si Jacob habang ginugulo ang buhok niya. Pati na rin ang ibang kaklase ko.

"Exchange tayo, pre!" Sabi nung isa sa mga kaibigan ni Jacob sa kanya sabay tingin sakin. "Gusto ko diyan."

Yuck!

"Sa laboratory, thesis at marami pang iba. Alam niyo naman siguro ang patakaran at pananaw ng school na ito hindi ba? Learning is best when you collaborate with a partner. That way, hindi kayo gaanong marami kung saan yung iba ay nagiging pabigat na lang, at hindi rin kayo nag-iisa at may tututlong sayo. Lift up, 6 Dandelion!" Sabi ni Mrs Gonzalo.

"Ikaw na lang kaya ang magprotesta sa kanya?" Bulong ni Jacob sakin. "Inuutusan mo pa ako eh."
"Mag aaksaya lang ako ng laway." Sabi ko. "Ikaw itong ayaw na ayaw tumabi sakin, ako pa ang ipapagsalita mo?"
"Bakit?" tumingin siya sakin. "Gusto mo ba akong katabi?"
"Hindi no!" Sabi ko nang nakasimangot. "Ano ka?"
"Eh yun naman pala. Edi ikaw na ang umapila doon." Sabi niya. "Kung di ka mag-aapila dun ibig sabihin gusto mo akong makatabi... siguro nga may gusto ka sakin eh!"

Ako naman ngayon ang napatingin sa kanya. Nakangiti siya habang nagkukunwaring nakikinig kay Mrs Gonzalo.

"Binablackmail mo ba ako? Kay kapal din naman ng mukha mo para sabihin mo saking may gusto ako sayo ah? For your information, yung ex ko sa Maynila, mayaman, may sasakyan at hindi taga bukid."
"So?" Sabi niya at tumingin na rin sakin.
"So? Hindi ka kailanman papasa sa taste ko. Magkasalungat kayong dalawa kaya wa'g ka ng mangarap!" Sabi ko at naririnig ko na ang puso ko sa inis ko.
"Mangarap? Baka ikaw diyan yung nangangarap!" Humalakhak pa siya.

May gana talaga ang lalaking ito na magmayabang ano? Para bang sinong mayaman kung makapagsalita! Parang kung sinong gwapo!?

"Gusto kong sumuka sa mga pinagsasabi mo!" Sabi ko.
"Noong isang araw pa ako sumusuka pagnakikita kita."

"Ehe-ehem!" Sabi ni Mrs Gonzalo habang pinapanood na kami ng buong klase. "Mukhang agad-agad na close kayong dalawa diyan ah?"

Napatingin kami sa sahig ni Jacob. Parehong hiyang-hiya sa nangyari.

"Alam kong nagku-kwentuhan kayong dalawa pero sana mamaya na yan at makinig kayo sa grading system at sa mga subject na kinukuha niyo bago kayo mag chikahan diyan."

Chikahan? You wish! Grrrr! Nakakainis si Jacob! Di ko alam kung paano ko nagawang isiping pwede siyang maging prospect ng lovelife ngayong ganyan ang pag-uugali niya! Grrr!



Kabanata 8.
Nagsimula Ang Lahat


"Kumusta ang first day?" Tanong ni Auntie Precy nang naghapunan kami.

Bago pa ako makapagsalita ay dinagdagan niya na agad.

"Balita ko ay marami ka na dawng close kasi nakikipagchikahan ka na raw buong araw."

Napatingin si Mama, papa at Maggie sakin. Umiling na lang ako at kumain.

MARAMI Akong close? Really? At nakikipagchikahan ako? Kay Jacob, malamang. Pero di yun pakikipag chikahan! Pakikipagbangayan iyon.

Lumipas ang isang buwan na ganun parin ang trato namin ni Jacob sa isa't-isa. Depressing masyado dito sa bukid. Gusto ko ng bumalik sa Maynila kaso wala kaming matitirhan doon. Siguro ay sasayangin ko na talaga ang buong taon ko dito sa bukid. Sana buong taon lang at di buong buhay!

Nagpunta na dito si James, yung boyfriend ni Maggie. Welcome na welcome siya lalo na ni mama. Nalaman kasi ng isang iyon na mayaman si James at gwapo naman talaga kaya ayun at walang bukambibig kundi ang kahusayan ni Maggie sa pagpili ng mga lalaki.

"Kaya ikaw, Rosie... galingan mo!" Tumatango-tango pa si mama.

Galingan ko? Napairap na lang ako. PAANO AKO MAGHAHANTING NG MAYAMAN DITO SA BUKID EH PURO BUKID ANG NAKIKITA KO?

Tsaka, itong si mama parang pakiramdam niya kahihiyan kung hindi mayaman ang boyfriend mo.

"Magaganda yata kayo kaya dapat mayaman." Sabi niya isang araw bago ako pumunta sa school.

Bad trip tuloy ako. Kung sana di ako iniwan ni Callix, masaya na si mama ngayon. Pero kung mayaman, gwapo pero manyak at masama ang ugali, salamat na lang at ayoko.

Maaga na naman ako sa school at nasaksihan ko na naman ang paulit-ulit na pambubully ni Eunice kay April (fishtail braid).

"Kala niya dahil kasama siya lagi ni Jacob at pinagtatanggol ang ganda niya na."

Maraming nagkakagusto sa kumag na Jacob na yun. Isa si Eunice doon. Halos kada section may isa o dalawang babaeng malayang nagpapahayag ng damdamin kay Jacob tulad ni Eunice. Kung bibilangin natin pati ang mga palihim na nagkakagusto sa kanya, aabot tayo sa isang daan.

Maraming naiinsecure kay April dahil pinagtatanggol siya ni Jacob at lagi silang magkasama.

"Akin na nga yan!" Kinuha ulit ni Eunice ang bag ni April at as usual ay ibubuhos niya na naman ang mga laman nito sa sahig.
"Boring!" Sabi ko nang nag agawan sila ng bag at pinapanood lang ng mga kaklase nila.

Tumingina ng lahat sakin.

"Isang buwan na ako dito, isang buwan mo na rin yan ginagawa. Kung gusto mo si Jacob, edi sabihin mo sa kanya, hindi yung nambubully ka. Tingin mo magugustuhan ka niya sa ginagawa mo? Hindi! Lalo siyang aayaw sayo."

Dahan-dahan siyang lumapit sa upuan ko. Humihinga siya ng malalim at mabilis habang naglalakad papunta sakin.

Maganda siya pero nakakatakot. Sayang.

"Wa'g ka ngang makealam, transferee!" Aniya. "Kala mo naman ganda mo?! Porke't kilala ka ng halos lahat ng 6th at 5th years eh galing mo na. Hoooy, kilala ka nila kasi bago ka. Yun lang yun!"

Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto ko na lang matawa. Napaka engot!

"Tumatawa ka?" Sabay agaw niya sa bag ko.

Ayan, pinagkaguluhan na ang classroom namin. Marami ng nakatingin na taga ibang section.

"Akin na yan!" Sigaw niya at kinuha ang bag ko na agad ko namang binawi.

"EUNICE!" Sigaw agad ni Jacob pagkarating niya. "Ano bah!" Kinuha niya ang bag ko, binigay sakin at tumayo sa gitna namin ni Eunice. "Tigilan mo na nga yang pambubully mo!"
"Nakekealam eh! Pakealamera!" Sabi ni Eunice sakin.
"Pwede ba?" Umiling ako sa likuran ni Jacob.
"Kita mo na!? Ano bang pakealam mo sa away namin ni April?" Sigaw ni Eunice sakin.
"Naiinis ako sa pabalik-balik na pang-aaway mo. Para kang bata. Immature!" Sabi ko.

Mas lalo pang nagalit si Eunice. Tinignan ako ni Jacob at tumingin ulit siya kay Eunice.

"Inaway mo na naman si April?" Tanong niya at nag iba agad ang ekspresyon ni Eunice.
"E-Eh kasi..."
"Tigilan mo na yan, Eunice. Please? Wala ka namang nakukuha diyan eh. Isasama mo pa ang isang to." Sabay turo sakin.

'isang 'to'. HAHA! Yun ba yung pangalan ko? Kahit na isang buwan na kaming seatmates ni Jacob di ko pa siya naririnig na binanggit ang 'Roseanne'.

Napabuntong-hininga si Eunice at bumalik na sa upuan niya. Kinawayan ni April si Jacob at tumango lang si Jacob, umupo sa tabi ko.

"Hindi ka ba magpapasalamat sakin dahil pinagtanggol ko ang girlfriend mo?" Sinalubong ko siya ng inis pagkatapos pumasok ng Chemistry Teacher namin.
"Hindi ko siya girlfriend!" Aniya.
"Ay okay, edi close friend." Sabi ko.
Tumingin siya sakin. Sa sobrang lapit naming dalawa kitang kita ko ang features ng mukha niya, perpekto! Sobrang gwapong moreno ng katabi ko. Hindi kataka-takang maraming nagkakagusto...
"Close friend, mr. Knight in Shining Armor." Sabi ko.
Napabuntong-hininga siya, "Pwede ba, tigilan mo ako, Roseanne."

Napanganga ako sa bigla. Biglang-bigla! First-name ko, binanggit niya! After one month?! Yung nganga ko unti-unting naging ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tumaas ang kilay niya.
"Sinabi mong 'Roseanne' eh. Isang buwan na tayong magkatabi, di ko pa naririnig na tinawag mo ako... Well, except nung enrolment..." Sabi ko nang nakangiti.
Tumingin siya sakin, "Anong enrolment?"

Tinignan ko lang siya at nakita kong pumula ang pisngi niya at tumingin pabalik sa Chem teacher namin sa harapan. Nahiya yata. HAHA!


Kabanata 9.
Kumpletong Pangalan

Agad umalis si Jacob nung naglunch break sa araw na yun. Uuwi ako sa BAHAY NI LOLA para kumain pero bago ako makalabas ng Alegria HS may malamig na kamay na humawak sakin.

Si fishtail/April pala! Inayos niya ang eyeglasses niya bago siya nagsalita.

"S-Sana di mo na lang ako t-tinulungan kanina." Sabi niya habang binabangga ng iba't-ibang estudyanteng gutom na at gusto ng umuwi.
"Okay lang. Di naman kita tinulungan... Talagang nainis lang ako sa Eunice na yun-"
"Ayan t-tuloy nadamay ka pa. Pero salamat ah?" Sabi niya. "April nga pala ang pangalan ko. Roseanne, diba?"
Tumango ako.

Inayos niya ang bag sa balikat niya, "Friends?" Ngumiti siya.

Ito na siguro ang first time sa talambuhay ko na may nag anyaya saking makipagkaibigan. Meron din naman akong naging kabigan noong elementary, kaya lang di ganito ka pormal na kailangan pang edeklara na magkaibigan na kayo. Bigla-bigla na lang nangyayari yung iba eh.

Tumango ako at umalis din siya. Pagkabalik ko para sa hapon... nandoon na si Jacob sa tabi ng upuan ko. Umupo ako sa tabi niya at biglang-bigla ako nang kumaway si April sakin.

"Magkaibigan na kayo?" Tanong ni Jacob na tumataas ang kilay.
Nagkibit-balikat na lang ako.
"Buti para may good influence na sayo." Aniya.
"Hay nako! Ano ba talaga ang problema mo at inis na inis ka sakin?" Sabi ko. Paano ba naman kasi, araw-araw kaming nagbabangayan.

I get it! Mayabang 'tong sang 'to kaya sa inis ko ay kinakalaban ko na rin.

"Ikaw? Anong problema mo sa mga mahihirap?" Tanong niyang seryoso sakin.

Napatunganga ako at inisip ng mabuti kung saan siya humuhugot ng drama niya.

"Sabi mo sakin diba, mayabang ako, kala ko kung sino akong mayaman. Wala bang karapatan ang mga mahihirap sayo? Napaka mata-pobre mo nam-" Pinutol ko siya at nilagay ang kamay ko malapit sa bibig niya.
"Hep! Tigilan mo na ako ah? Una tayong nagkita, tinawag mo akong pangit! Anong klaseng lalaki ka para tawagin ang isang babaeng pangit?"
Suminghap siya at inirapan ako.
"Tapos ngayon tinatawag mo akong mata-pobre? Ano pa ba? Huh?" Sabi ko at umiiling lang siya sa tabi ko.
"Eh masungit ka masyado!" Biglang sabi niya na nakaagaw pansin sa lahat.

"Ehe-Ehem... Mr. Buenaventura, may sinasabi ka ba?" Tanong ng English 27 Thesis Writing teacher namin.

"W-Wala po." Namula ulit ang pisngi niya.
"So...as I was saying..." Nagpatuloy yung teacher pero di parin ako nakikinig.

Si Jacob lang laman ng isip ko. Kainis lang eh! Buti nga sa kanya at napahiya siya. Nakatingin siya sa nagsasalitang teacher pero nalaman kong di pala siya nakikinig nung...

"Sinabi mo pa saking mayaman ang boypren, wala akong pakealam. Di ako nagtanong." Bigla niya na naman akong binanatan na para bang isang buong buwan niya itong itinago sa sarili at sa wakas ay nasabi niya rin.
"O edi kalimutan mo na-"
"Bakit? Pagmahirap ba di pwedeng maging boypren mo? Dapat mayaman lang?" Sabi niya sa mukha ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Maaring pang-iinis ang pakay niya nang sinabi niya iyon pero iba ang pagkakainterpret ko kaya napangiti ako. Napatingin ulit siya sa teacher at mukhang galit.

"Ehe-Ehem... Mr. Buenaventura at Ms. Aranjuez. I think you two are not listening." Sabi nung teacher nang nakatingin na ang busyng mga kaklase namin saming dalawa.

Napanganga kaming dalawa ni Jacob.

"Please get a disciplinary form from the DSA office. Reason: Talking while classes are going on or I will not take your outputs for today."

Tumango kaming dalawa ni Jacob.

"But before that, please get one one-fourth sheet of paper, write your names. As you can see... Kanina pa nagpass ng ganun ang mga kaklase niyo, kayong dalawa na lang ang kulang. Thesis writing is by pairs, kayong dalawa ang magpapartner, but I know it's not a problem, right? Since nagchichikahan naman kayong dalawa edi kaya niyo ng gumawa ng Thesis at the end of the term?"

Pumula ang pisngi ko nang nakita ko ang mga kaklase kong nagbubulung-bulungan at tumatawa. Si April naman ay nakakagat labi at umiiling sa tabi. Nakataas naman ang kilay ni Eunice at pabulong na sinasabing 'karma!' Tumatawa pa.

Napatingin ako kay Jacob na kumuha na ng 1/4 sheet of paper at unang isinulat ang KUMPLETO AT WALANG WRONG SPELLING NA PANGALAN KO.

ROSEANNE L. ARANJUEZ
JACOB ANTONIO S. BUENAVENTURA
ENGLISH 27 - THESIS WRITING


Kabanata 10.
Sating Dalawa


Naglakad kami ni Jacob papuntang DSA, nagbabangayan parin...

"Kasalanan mo 'to!" Aniya.
"Anong ako? Kung di mo ako iniinis eh di 'to mangyayari sakin." Sabi ko naman.
"Anong sakin? SATIN! Sating dalawa! Kung di mo rin sana ako kinakausap-"
"Eh kinakausap mo ako eh, sasagutin kita. Anong gusto mo? Makikinig na lang ako sa mga panlalait mo?"
"Ikaw itong unang nanglait at nagsusungit! Kainis talaga!"

Natigil siya nang nakarating na kami sa DSA Office.

"Anong kasalanan?" Sabay tingin ng nakaglasses at matabang teacher na nandoon.
"Talking while classes are going on?" Sabi ko.

Tumingin siya sakin at kay Jacob at nanlaki ang mga mata niya.

"Jacob Buenaventura tsaka Roseanne Aranjuez... 6 Dandelion." Sabi ni Jacob ng inililista ang pangalan namin.
"Isang buwan na ah? Mag uniform ka na Aranjuez." Sabay tingin ni Jacob at nung teacher sakin. "Bukas pag di ka pa nag uuniform, bibigyan ulit kita ng red form..." Tumingin siya saming dalawa ni Jacob. "Tandaan, tatlong red forms, suspended!"

Tumango na lang kaming dalawa ni Jacob. May uniform na ako pero ayoko pang suotin iyon pero mukhang wala akong magagawa. Pero dahil Friday bukas, mag P-P.E attire ako kasi P.E namin.

Pabalik na kami sa classroom nang nagsimula na naman ng sermon si Jacob.

"Ayan kasi, may pa chix-chix ka pang nalalaman sa pagsusoot ng mga damit na yan." Aniya habang tinuturo ang damit kong bili ni Callix noon.
"Anong problema mo dito? Maganda kaya! Fashion ang tawag diyan! Wala yan dito sa bukid..." Umirap ako.
"Kita mo na? Napaka-judgemental mo. May mas magagandang damit pa diyan, ano. Ang sinasabi ko lang naman ay kung sana nag uniform ka na lang. Nag-aaral ka kaya dapat mag uniform ka."
"Yes, pa!"

Nag-irapan ulit kaming dalawa bago makapasok sa classroom. Mga mata ng mga kaklase namin ay nakatingin samin ni Jacob habang binibigay ang red form. Nang natapos na ang araw na iyon, maraming nakiusyuso kay Jacob dahil sa red form na nakuha naming dalawa pero di niya ito inentertain.

"Jacob!" Sabi ko nang papaalis na siya. "Yung thesis?"
"Malayo pa yun. Kung gusto mo eh simulan mo na lang. May gagawin pa ako."
Kainis talaga! Anong akala niya sakin? Grrrr. "Siguraduhin mo lang na importante yang gagawin mo!" Pero tinalikuran niya na ako bago pa ako natapos sa pagsasalita at nakita kong sinalubong siya sa labas ni Eunice.

Makikipagdate? O baka magsasaka na naman sa bukid? Whatever! Makapunta na nga lang ng library at nang masimulan ko ng konti ang introduction ng thesis namin. Ni hindi ko pa alam kung anong topic naming dalawa.

Pagkatapos ng nakakaantok na pagtatambay ko sa library ay namulat na rin ako sa katotohanan na wala akong makikita dito. Inis na inis ako kay Jacob. Puro bangayan lang ang nangyayari samin at nakakuha pa kami ng red form. Dalawang red form nalang, Rosie, at suspended ka na! Habang nakaupos sa library, tinext ko si Maggie na nakakuha ako ng red form today dahil kay Jacob.

"Uh?" Tumingin ako sa nagsasalita at nakita ang malalaking glasses ni April. "Di ka pa ba uuwi?" Tanong niya.
"Uh..." tinignan ko ang relo ko. 5:15pm. "Uuwi na." Kinuha ko ang bag ko at tumayo na.
"Sabay na tayong lumabas." Anyaya niya.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Pagkalabas namin ng library may narinig agad akong parang tumutugtog sa isa sa mga classroom. Samantalang sa grounds naman ng school, marami pang estudyante, yung iba nag vo-volleyball, soccer at basketball. Tumingin si April sa basketball court at inayos ang glasses niya.

"Di ko alam na may club activities pala ang school na 'to. Di pa ako nakakauwi ng ganito ka tagal eh." Sabi ko habang tinitignan ang mga estudyanteng nag papractice. Some normal school, eh?
Tumango si April, "Lika na?"
"T-Teka lang." Sabi ko. "Gusto kong tignan muna ang mga clubs. Di ka ba kasali sa isa dito?"
"Uhh. Kasali... Sa Math Circle."
Tumango ako, "May modeling kaya dito o photography something na club?" Tinignan ko si April pero di siya umimik.

Naglakad ako papuntang basketball court at nakita ang dalawang lalaki sa mga kaklase ko na nag babasketball.

"Apriiiil!" Tinawag si April ng isa sa kanila. "Asan si Jacob?"
Inayos ulit ni April ang glasses niya bago siya sumagot, "N-Nasa banda... Susunod lang daw siya."
Napatingin ako kay April.

Eto pala yung sinasabi ni Jacob na gagawin niya?! Tapos kasama siya sa basketball varsity at banda? Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, narinig ko ang banda na tumutugtog ng isang pamilyar at lumang kanta. Ilang beses ko na 'tong narinig pero ngayon ko lang iyon na appreciate, lalo na nung lumapit na ako sa pinagkaguluhang classroom kung saan naroon ang banda at si Jacob mismo ang kumakanta at nag-gigitara kasama si Leo at iba pang kaklase namin.

"Pag automatic na ang luha, tuwing nag hahating gabi. Pag imposibleng mapatawa, di na madapuan ng ngiti. Kumapit ka kaya sa akin ng ikaw ay maitangay sa kalayaan ng ligaya..."

Sparkling good! Napangiti ako habang nakikipagsiksikan sa mga babaeng tumitili sa labas ng classroom. Kitang-kita ko si Jacob na seryosong kumakanta at mas lalong nakita ang kagwapuhan niya habang kumakanta.

Gwapo pero suplado, magaling pang kumanta at mukhang player din ng basketball... Kahit na di siya tulad ni Callix na mayaman, he's definitely the most attractive guy I've ever met. Sa halip ng mga kahiya-hiyang pagsasaka scenes with all his sparkling abs and sweat, nakita ko sa kanya ang isang gwapo... mabait? pero totoong tao...

Dinig na dinig ko ang puso ko habang naririnig siyang kumakanta.

"Jacoooob! Ang gwapo mo!!!" Sabi nung babae sa likuran ko kaya ayan tuloy at napatingin siya sakin.

Kasabay ng pag lakas ng pintig ng puso ko ay ang pagpula ng pisngi ko, lalo na nung nagkatinginan na kaming dalawa habang seryoso siyang kumakanta. Napaalis tuloy ako doon sa classroom at sa school. Napauwi ako ng bahay ng di nagpapaalam kay April at parang magha-heart attack sa sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko.





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText