<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

sixtyone-sixtyfive


SIXTYONE
Celestine Herrera: Wa`g mo nga akong kausapin!




NALALAGLAG PARIN ANG PANGA KO DITO.

"I'm willing to wait." Dagdag niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa huling sinabi niya. Ayoko mang aminin pero ganun nga ang naramdaman ko. Relief~! Kailangan ko ng oras. Dahil hindi ako sigurado, kailangan ko pang mag-isip. Mag-iisip ako dahil alam kong wala akong pag-asa kay Gabriel. Pero ayoko namang sagutin na lang si Dexter dahil alam kong di ako, kailanman, mamahalin ng ungas na iyon. Ayokong gawin siyang panakip butas. Pero alam na alam ko ring hindi ko dapat pinapatagal ang ganitong mga bagay. Alam ko namang hindi tama na pinahihintay ang isang lalaking nagmamahal sayo ng tunay. Masakit yun, alam ko dahil naranasan ko na ring maghintay sa wala. Kaya... sa lalong madaling panahon, higit sa kailangan niyang malaman ang sagot ko, kailangan ko na rin mismong malaman kung ano ba talaga ang sagot ko.

Hinatid ako ni Dexter sa room. Sa klase pang ito, classmate ko si Gabriel. Nagmamadali nga si Dexter dahil may klase din siya at sa kabilang building pa.

"Sige, hintayin kita mamaya ah?" Sabi niya nang nasa labas pa kami ng classroom.
"O sige."

Nagkatinginan kami at nagngingitian.

"O sige na, Dex. Baka ma-late ka na niyan ah! Hehehe."

Nakita kong papalapit si Jana kasama si Cid.

"O sige." Ngumiti pa siya.

Nag-usap muna sila ni Cid bago siya tuluyang umalis.

Pumasok na rin kami nina Jana. At pagkapasok ko, nakita kong naglalampungan ng bonggangbongga si Gab at ang pinsan kong si Gianna.

"Mga walang hiya!" Bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig naman ni Jana.

Umupo kami sa likuran nilang dalawa.

"Psssh. Kani-kanina lang eh ngingiti-ngiti ka dun sa labas tapos mainit ang dugo mo pagkapasok?"

Siniko ko si Jana dahil lumingon si Gab samin.

Kinuha ko ang mga notebook ko at nagsimulang magsulat ng kung anu-ano. Ayoko lang pansinin si Gab eh.

Tapos, nakatingin parin si Gab sakin habang nakaholding hands siya kay Gianna. HUUU! Ano yan? Paselos?

"Cel," Tinatawag niya ako.

Cel, wa`g kang tumingin sa kanya! Naiinis ako sa kanya eh! Naglalampungan pa sila! Mga PDA! Leche! Nakakahiya kayo sa pamilya namin! Kulang na lang maghalikan kayo diyan! Halikan? Naiisip ko na naman yung paghahalikan nila sa bahay nina Gab! TERRIFYING!

"Cel!"

Inirapan ko siya.

"Oi! Anong sinabi ni Dexter sayo? Naku! Siniraan ako noh?"

WALA AKONG NARIRINIG! Sinisiraan? Bakit mo alam? Kasi hindi yun paninira! Totoo yun, Gab! Leche ka! May girlpren ka na, nangpepeste ka pa sa buhay ko!

"Cel?! Ba`t di mo ko pinapansin?"
"Couz? What's wrong?"

Ayan na si Gianna. Nakekealam pa.

Tiningnan ko silang dalawa pero hindi ako nagpakita ng ekspresyon. Linagay ko na lang ang daliri ko sa lips ko habang tumitingin sa likuran nila.

Umupo sila ng maays nang nakitang nandun na ang prof namin.

"Huy, Cel! Bakit? Anong nangyari?" Bulong ni Jana sakin habang palihim na tumatawa.
"Nanligaw si Dexter sakin..." Sinabi ko ng palihim.
"HAAA~!"

Halos marinig ng prof namin ang reaksyon ni Jana kaya sinulat na lang namin sa papel ang mga kailangan naming pag-usapan.

Pagkatapos ng klase, natapos din ang paper-chat namin ni Jana.

"Ay naku, bilisan na natin. Wa`g mong pansinin ang hunghang na yan." Sabi ni Jana.
"Sinabi mo pa."

Nagmadali ako sa pagliligpit ng gamit.

"Hoy Ciddie Boy, bilisan mo`t baka iwan kita. Parang pagong `to!"

Halos matawa ako sa panlalait ni Jana kay Cid. Wala talagang sinasanto ang babaeng `to. Pero kailangan ko paring ipakitang galit ako kaya hindi na ako tatawa.

"Tayo na!"

Nauna ako sa paglabas ng room. Talagang linagpasan ko si Gab ng walang tinginan. SUCCESS!

"Oy, Cel!!!" Half-running si Gab papunta sakin. "Okay ka lang?" Hinawakan niya ang braso ko.

Tinitigan ko siya.

Nakita kong nakasunod naman si Jana at Cid. Nandun pa sa likuran nila si Gianna at pinapanood kami ni Gab.

Pilit kong kinalas ang kamay niya sa braso ko.

"Oy~"
"Wa`g mo nga akong kausapin!" Inirapan ko siya at tiningnan si Gianna. "At wa'g mo rin akong sundan."




SIXTYTWO
Celestine Herrera: Malamang...







Lumipas ang isang linggo at ganun parin ang trato ko kay Gab. Naiisip kong baka masanay na siya. Mas maganda nga kung masanay na siya para hindi na ako magpapakahirap sa pang-iisnab at pang di-deadma sa kanya.

Bukod kasi sa pagpoproblema ko niyan, eh pinoproblema ko pa ang tungkol sa sinabi ni Dexter.

"Ipagpapatuloy mo ba talaga yan?" Tanong ni Jana habang dumadampot ng chips sa chichiryang binili namin sa canteen.
"Oo. Tsaka, madali lang naman eh, lalong-lalo na ngayong papalapit na ang midterms. Busy na ako, busy na rin siya. Mabuti na yung malaman niyang galit ako sa ginawa niya."
Tumango naman si Jana at halatang suportado ako.

"Tayo na? Magsisimula na yata yung practice game nila eh." Sabi niya.

Tiningnan ko ang wristwatch ko, at mukhang tama ang sinabi ni Jana. May practice game kasi sina Gab, este, sina Dexter ngayon eh.

Nagpunta na kami ni Jana sa gym at umupo sa bleachers. Napansin ko naman agad sina Gianna at ang ibang mga kaibigan niya sa cheering squad na panay ang wagayway sa banner na may nakamarkang 'Go, Gab!'

"Ba't di ka sumama dun sa kanila?" Natawa ako.
"Duh! Wala naman kaming meeting ng squad ngayon eh. Ang OA lang talaga niyang Gianna na yan."

Ilang sandali, nakita kong pumasok sa gym si Stacey, kaya natahimik ang mga kani-kanina lang eh naghihiyawang fansclub at girlfriend ni Gabriel.

Napatingin ako sa court at nakita kong kumakaway si Dexter, kaya kinawayan ko na rin.

"At kelan mo naman yan sasagutin?" Tanong ni Jana.
"Hindi ko alam eh."
"Naku, Cel! Wa`g mo ng patagalin yan!" Yinugyog ni Jana ang balikat ko.

Mas excited pa yata `to sakin eh.

"Daming fans niyan! Naku!"

Umiling na lang ako.

Grabe ang game, halos tambakan nila ang kalaban. Nakakainis lang dahil masyadong maraming fans ang unggoy na Gab na yan at pacute pa nang pacute. Ang malas pa eh siya yung laging nakakaiskor! Masyadong salida talaga ang bwisit na `to.

"Hoy! Ipasa mo naman yan sa kasama mo~!" Sigaw ko.

Pinagtitinginan tuloy ako dito.

Nakakainis lang eh, kanina pa `tong game dito tapos limang beses pa lang nakashoot si Dexter. Siya na lang lagi ang mayhawak ng bola, at sa tuwing nasa kanya, isho-shoot niya agad. Hindi tuloy makapagpasikat ang iba. Salida ka talaga, Gab! GRRR.

"Ano bang ikinakagalit mo diyan, eh panalo naman sila?" Tanong ni Jana pagkalabas namin sa gym.
"Ah eh basta! Nakakainis yung game!"

Hinihintay namin si Dexter sa labas ng lockerroom, manlilibre daw yun pag nanalo eh. Syempre, kasama si Jana at Cid sa ililibre niya.

"Magaling talagang maglaro si Gab, ano?" Sabi ni Cid.
Suminghap na lang ako dahil ayaw kong magreact.
"Oo, bata pa kami, naloloko na yun sa basketball eh."
"Kaya naman pala-"
"Wa`g na nga nating pag-usapan ang buang na yun. Tsss."

Mabuti't tumigil naman ang dalawa.

Ilang sandali'y lumabas na si Dexter. Nagmamadali pa siya.

"Pasensya na... natagalan ako."
"Okay lang! Congrats nga pala!" sabi ko.
"Oo nga, tinambakan niyo ang kalaban." Sabi ni Cid.

Nakaharap ako sa lockerroom kaya tanaw ko kung sinong mga lumalabas. Syempre, kailangan na naming umalis dahil andyan na yung superhero ninyo.

"Tayo na?" Aya ko.
"Oy, Jana? San kayo?" Tanong ni Gab.
"Kakain lang."
"Wow." Tiningnan niya kami isa-isa.

Sabi ko na nga ba, dapat nakaalis na kami kanina eh.

"Kayong apat? Pares-pares?" Ngumiti siya.
"Yeah! Pares-pares!" Sabi ni Jana. "Ikaw ba, san naman ang pares mo?"
"Ayyy. Ayun nasa loob pa ng CR. Nagpapaganda pa, syempre, dapat lang, ang gwapo kaya ng boyfriend niya." Tumawa pa siya.

Ang bwisit! Nakaya pang magmayabang?

"Ang hangin naman, alis na tayo? Baka bumagyo na!" Aya ko ulit.
"Oy Cel! Ikaw talaga! Biro lang! Bakit ganyan ka?"

Me? Deadma!

"Ano? Tayo na?" Sabi ko ulit.

Umalis kami.

"Hoy, Cel! ang bastos mo ah?!" Sigaw ni Gab.

Kainis! Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Sino kayang mas bastos satin?"
"Oo, alam ko! Kasalanan ko na! Nakakainis lang kasi eh!"
"Nakakainis ang alin?"
"Sorry!"

Nakakainis ang alin? Papatawarin na sana kita, pero bigla ka namang nag sorry?! NAKAKAINIS ANG ALIN? Come'on!

Umirap ako at tinalikuran siya.

"Cel!"
Sinundan niya na naman kami.
"Cel, yang lalaki lang bang yan ang makakasira sa friendship natin?" Sigaw niya.

Friendship mong mukha mo! Friendship?

Hindi ako makapagsalita. Pero tumigil ako para harapin siya. Cel, bilisan mo naman sa pag-iisip diyan ng sasabihin.

"Malamang..." Sabi ko. "Si Dexter na nga siguro."
"Hindi ako papayag." Tumingin siya kay Dexter. "Tandaan mo yan, Cel!" Pagkatapos ay tinalikuran niya kami.

Sinalubong naman siya agad ng girlfriend niyang si Gianna. At umalis na silang dalawa.

Ano ba ang dapat kong tandaan? Na hindi siya papayag na si Dexter ang makakasira sa friendship namin? Ano bang ginawa ni Dexter? Gusto niya lang namang makipagdate sa akin. Makakasama ba yun sa friendship namin ni Gab? I was waiting for him to tell me that it's something else...


SIXTYTHREE
Celestine Herrera: Maganda siya ah!






"Busog na busog ako, salamat Dex ah!" Sabi ko.

Nanlibre kasi siya ng Mcdo. Pero naisip kong hindi naman talaga kelangan `to eh, masyadong bongga naman `tong si Dexter, practice game lang naman yun. Anyway, salamat sa pagkain. Ako talaga, nagrereklamo pa!

"Walang anuman, nukaba!"
"Mas okay siguro kung kayo lang dalawa, ano?" Singit ni Jana. "Eeeeeh~! HAHA!"

Tawa nang tawa si Jana at Cid. Nakakahiya tuloy.

"Cel, kasi, sagutin mo na `tong kaibigan mo!" Sabi ni Cid.

Ngiting-ngiti lang kami ni Dexter.

"uyyy, namumula si Cel!" Nagtawanan ulit si Jana at Cid.
"Oy kayo, tumigil nga kayo jan! Kakahiya kay Dexter!" Sabi ko.
"Eh kelan mo ba kasi siya sasagutin?" Tanong ni Jana.

Ang linsyakk na Janang ito talaga oh! Hindi niya talaga mapigilan yung bunganga niya. Hayan tuloy, hiyang-hiya na ako kay Dexter dito. Ngingiti-ngiti lang `tong si Dexter pero pustahan, ilang na ilang na `to. Jusmiyo!

"Uhm-"
"Okay lang, hindi naman ako nagmamadali eh..." Sabi ni Dexter.
"Hindi ka nga nagmamadali pero ang panget naman kung hintay ka na lang ng hintay diba?" Tumawa ulit si Jana.

Ang sama na ng tingin ko kay Jana ngayon, kaya...

"Ohhh, sige na! Di na nga lang ako magsasalita! HEHEHE."
"Eh bakit Jana? Kayo ba ni Cid, may development na ba?"
"Development? Hah, are you kidding me?"

Napatingin ako kay cid at pulang-pula ang pisngi nito.

"Eeeeh! Cid, torpe mo talaga!"
"Oy, Cel! Wa'g ka nga diyan! Stop that!" Umirap si Jana.

Si Cid naman nakatitig kay Jana at mukhang nininerbyos ng todo-todo.

Nakakatawa tuloy silang tingnan, parang may something. Unfinished business? HAHA

"Hey, Dexter!" Biglang may tumapik sa likod ni Dexter.

Owww. Yung sexyng babae na nakita ko last week na kasa-kasama niya. Oo nga, nakalimutan ko ang tungkol dito ah? May mga kasama din yung babae, ibang chix naman. Ang gaganda talaga. Gianna-level, pero syempre, mas maganda yung pinsan ko, pinsan ko nga kasi diba? LOL

"Hey!" Ngumiti si Dexter.

Tiningnan ako nung babae.

"Hey, Cid!" Bati ng isa kay Cid.
"Oy, Shei, kayo pala! Eto nga pala si Jana at Cel... Upo kayo?" Offer ni Cid sa babaeng si 'Shei'.
"Uhmm-" Tiningnan nung babae si Jana na kaharap ni Cid. "-hahanap na lang kami ng ibang table. Okay lang." Ngumiti si Shei.

Abah, magkakakilala ang mga ito? Mejo napatingin din si Jana sa mga babae.

"Congrats ah? Nanalo kayo kanina." Sabi nung babae kay Dexter.
"Oo nga eh. Salamat!" Ngiting-ngiti din si Dexter sa babae.

Ano `to? Alis na lang kaya kami ni Jana noh? Nakakabanas eh. :-X

"Uhm, nga pala... Eto si Cel~" Sabi ni Dexter. "... eto naman si Jana."
"Ahhh." Tinitigan ako ng mabuti nung babae. "I'm Krizzy!" Sabay lahad ng kamay.
Tumango ako at syempre, nakipagshakehands.

Ewan ko lang kung bakit ako yung kinamayan niya.

Ngingiti-ngiti pa siya habang nakatingin kay Dexter. Ako naman, patingintingin sa Cokefloat kong ubos na, nagbabakasakaling may chocolate syrup pang naiwan. At pwede ring, nag bi-busy-busyhan.

"Pupunta ka rin ba sa party ni Joey next Saturday?" Tanong naman nung si Shei kay Cid.

Grabe naman `tong radar ko, simultaneous kung makasagap ng mga chismax sa tabi-tabi.

"Hmmm, tingnan ko lang. May party ulit? HAHA." Sabi ni Cid.
"Oo! Sana makapunta ka!" Ngumiti si Shei.
"Titingnan ko."

Napatingin tuloy ako sa reaksyon ni Jana, pero wala eh, pareho kami ng defense mechanism - ang paghahanap ng tira-tirang chocolate syrup sa ubos naming Cokefloat.

Dito naman ako kina Dexter...

"... ah ganun ba? Naku! HAHAHA O sige next time." Sabi ni Krizzy.

Shet? Ano daw yun? Hindi ko narinig yung mga sinabi.

"O Sige, hanap na kami ng table, ginugutom na kami eh." Sabi ni Krizzy.
"Oright!" Sabi ni Dexter sabay ngiti.
"See you around!" Ngiti naman ni Krizzy. "Kaw din, Cel!" Kinindatan niya pa ako bago umalis.

Nakakapagtaka dahil tahimik kaming apat nang umalis na ang mga babae.

"Sino naman yun?" Mataray ang pagkakatanong ni Jana kay Cid.

Siya ang bumasag sa katahimikan.

"Kaibigan!" Sagot ni Cid.
Tumango si Jana pero halatang hindi kontento.
"Totoo! K-Kaibigan naman talaga eh..." Nininerbyos na sagot ni Cid.
"-Kaibigan nga! Ano bah!" Sabi ni Jana.
"Oy Jana, nagseselos!" Biro ko.
"Selos? HAH!" Umirap siya.

HALA!? Totoo ba `to? Nagseselos yatang talaga si Jana.

"Jana... kaibigan ko yun... highschool classmates, you know..."
"Oo nga! Ba`t ka nag-eexplain? Loko!" Irap nang irap si Jana.

Natatawa naman ako dito. Napatingin tuloy ako sa nakatingin na saking si Dexter.

Umiling ako, "Nakakatuwa talaga `tong dalawang `to." Sabi ko sa kanya.
"Uhm... Cel." Kakaiba ang tono ng boses niya.
Kinabahan tuloy ako, "Yep?"
"Uhm... Krizzy's my ex..."
Nalaglag ang panga ko sabay, "Ah..." Ngumiti ako, "Maganda siya ah! At mukhang mabait." Sabi ko.


SIXTYFOUR
Celestine Herrera: Dahil naiinis ako sayo!






Pinatawag daw yung mga players dahil may meeting sila for the upcoming championship, kaya umalis na si Dexter pagkatapos naming mag Mcdo.

"Okay lang ba talaga, Cel?" Tanong ni Jana.
"Okay lang... Ano ba! Lagi naman akong umuuwi mag-isa eh."
"O sige, ingat ka! Ba`t di mo na lang kasi hintayin si Dexter? Heller, siguro isang oras o less than isang oras lang yung meeting nila."
"Ehh~ Wa`g na... may gagawin pa siguro yun with the team. At may gagawin din ako eh, kaya..."
"Asus naman..." Naka evil-smirk na si Jana. "If I know, may ayaw ka lang makita..."
"Hindi no! Hindi ganun yun!"

Si Jana talaga oh, kahit hindi naman yun ang dahilan ko, sinisingit pa. HMP! Wala na akong pakealam dun sa unggoy na yun! Mag lampungan sila habang-buhay noh! May Dexter naman ako. Ngayon pang naiisip ko ng baka sign na ito ng Panginoon para sakin. 'Celestine, move on! Eto ang isang lalaking kayang gawin ang lahat para sayo, siya ang reason kung bakit kailangan mo ng mag move on!' Parang ganun?

Mabuti na lang hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa gate ng subdivision.

Mapapatapat na naman ako sa bahay ng unggoy na yun, nakauwi na kaya siya? Tsk! Celestine, wa`g mong kalimutang war pa kayo nun kaya wa`g na wa`g kang lilingon sa bahay nila. Kahit sulyap lang, mabubulag ka ha! Alalahanin mong mo-move on ka na at kasama mo si Dexter!

Ehem! Wa`g na natin siyang isipin okay?

So... Dexter... Uhm, well, nakilala ko yung ex niya kanina. Ilang beses na kaya yun nagkagirlfriend? At ilang months o years kaya sila nung babae? Ba`t naman kaya sila nag break? Ano kayang naging problema nila? Mukhang mabait naman yung babae, maganda pa. Tsaka, mabait naman si Dexter... bakit kaya? Ayoko namang magtanong, nakakahiya. hmmmm?

Pero ang pagkakataon nga naman o, kung kelan busyng-busy ako sa pagtatanong at pag-iisip dito saka ko naman matitikman ULIT ang hagupit ng...

"MGA ASOOOOO!?"

"ARFFFF ARFFF ARFFFFF~!"

"What the potek?"

Lumingon lang ako apat na maiitim at isang puting aso na ang mukhang nag-aaway at dahil yata sa inis nila'y napag-isipan nilang ako na lang ang pagbuntunan ng galit!

"Takboooo!!!" Sigaw ko sa sarili ko!

Sus maygad! Katapusan na yata to ng pangalawang buhay ko. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, ganito din yung nangyari!

May kaibahan nga lang, dahil habang tumatakbo akong mangiyak-ngiyak nun, biglang may Gab na...

"Shoooo! Shoooo! Umalis nga kayo dito mga askal!"

Lumagapak ang ulo ko sa dibdib niya.

"Shooo!"

Kahol parin ng kahol ang mga aso.

Naramdaman ko ang palad niya sa ulo ko at ang braso niya sa bewang ko.

Ang dibdib na `to, kilala ko `to ah? Masakit mang isipin, pero ang bilis ng pintig ng puso ko. NAKAKAINIS! Bakit na naman bang puso ka, tumigil ka na diyan at baka ihagis kita ng bongga!

I pushed him away...

"O, bakit?"

Hindi ako nagsalita habang inayos ko ang sarili ko.

"So-Sorry na! Eh mabilis yung takbo mo eh, kaya ganun ang nangyari..." Sabi niya.

Unti-unti kong tiningnan ang mukha niya. At syempre, kaninong mukha pa ba ang bubulagta sakin eh sa pinakawalang hiyang bestfriend ko na ngayo'y pinakalintik kong kaaway!

"Tinutulungan lang naman kita eh. Kung wala ako dito, baka linantakan ka na ng mga asong yun~!"
"Oo na! Salamat!"

Dami mo pang sinasabi diyan?! Bakit, may angal ba ako sa ginawa mo?

Umalis ako pero hinawakan niyang mahigpit ang braso ko.

"Kaw talaga! Nagiging habit mo na yan ah? Tinatalikuran mo na lang ako lagi!"

Hinarap ko siya.

"Kasi, kung hindi kita tatalikuran, eh ako yung tatalikuran mo, hindi ba?"
"Huh? Ba`t mo naman naiisip yan? Eh ikaw `tong galit sakin. Hindi mo ko mapatawad dahil lang dun sa sinabi ko kay Dexter? Sorry na, kasalanan ko na kasi! Ano pa bang gusto mong gawin ko?"
"Yan kasi ang hirap sayo Gab eh. Alam mong mali, ginagawa mo parin! Tapos, magsosorry ka na lang sa huli? Ba`t di mo kaya isipin muna na mali yun kaya hindi mo gagawin kesa sa magsorry ka diba? Para saan pa yung mga pulis kung pwede namang magsorry? Ganun ba yun?"

Wow! Katono ko si Jun Pyo at Dao ah, panalo ba yung linya ko?

Wait, ang sakit ng braso ko ah? Nakaharap na ako sa kanya pero mahigpit parin ang hawak niya sakin.

"Kaya nga... nag sosorry na ako diba? Wala naman akong magagawa eh, nagawa ko na yun... Kaya sorry na!"
"Ewan ko sa`yo, Gab! Kay Dexter ka magsorry!"
"Huh? Ba`t naman ako magsosorry sa mokong na yun?"
"O see? Sa kanya ka may atraso! Naapektuhan lang ako sa atraso mo sa kanya, tapos sakin ka nagsosorry? Hah!"
"Pag magsosorry ba ako sa kanya ngayon, papansinin mo na ulit ako?"

Tahimik lang ako habang nagkakasalubong ang kilay at tinitingnan siyang kinukuha ang cellphone. Binitiwan niya ang braso ko at naglahad ng kamay.

"Akin na yung phone mo, tatawagan ko na."

OH NO! Kaya niya `to eh! Gagawin niya `to! Alam kong sisiw lang sa kanya `to. Ibig sabihin ba nun eh magiging okay na kami? NO!

"Ayoko!"
"Ba`t ayaw mo!?"
"Hindi naman sincere yung gagawin mo! Mag sosorry ka lang para magkaayos tayo, hindi dahil talagang nagsisisi ka!"
"Ano?! Mag sosorry na nga ako eh! Ano pa bang gusto mong gawin ko?"

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Ba`t gustong-gusto mong magkaayos tayo?" Humina ang tono ng boses ko.
"Bakit ayaw mo?"

Oh no! :-[ :'(

"Nakakainis ka, Gab! Madaya ka! Tumigil ka na nga diyan!"

Tinanggal ko ang mga kamay niya at tinalikuran siya ulit. Hindi ko na maatim tingnan siya at makita niyang mangiyak-ngiyak na ako. TALO AKO PA`G GANUN!

"Cel!" Tumakbo siya sa harapan ko.

Di ako makatingin sa kanya.

"B-Ba`t ayaw mo?!"

Halatang nakita niya ang mangiyak-ngiyak kong mga mata.

Nagpatuloy ako sa paglalakad... "Dahil naiinis ako sayo!" Sabi ko.
"Bakit?"

Bakit? Kung sasabihin ko ba sayo... ARGH! Naalala mo noon, Gab? Nung inaway mo ako dahil may gusto ako sayo? Naaalala mo pa ba yung mga sandaling yun? I faked everything! Para magkabati tayo, sinabi kong hindi yun totoo - kahit na totoong totoo naman yun!

How do I tell someone something they don't wanna hear?

Hindi na ako nagsalita.

"Bahala ka! Basta ako, hinding hindi ako titigil! Guguluhin at guguluhin kita hanggang sa wala ka ng ibang choice kundi ang makipagbati sakin!"



SIXTYFIVE
Celestine Herrera: Dex... tungkol sa-





*DING-DONG-DING*

Tapos na ang klase.

"Ce-les-tine!" May tono ang pagkakasabi ng pangalan ko.

At kung sino? Sino pa eh yung idol niyong si Gabriel Soriano.

"Sabay tayong mag lunch?"

Nakita kong lumabas si Gianna at mukhang nagmamadali. Ano naman kayang drama nun? Mukhang happy naman si Gabriel ah?

Ngiting-ngiti pa nga siya nang tiningnan ko siya.

"Maglunch ka ngang mag-isa!"
"Ang harsh naman..."
"Lika na, Dex, Jana..." Sabi ko.

"Oy Dexter, pre!!! Sorry nga pala!" Sabi niyang bigla kay Dexter.
"Sorry saan?"
"Sa biro ko. Sinabi ko sayong may date kami ni Cel, eh hindi ko naman alam na magseselos ka pala. Sorry, tsaka, di rin totoo yun ah!"

Kitams? Anong klaseng pagsosorry yan, Gab? Leche!

Masamang-masama na ang tingin ko kay Gab pero ngingiti-ngiti parin siya. Manhid talaga ang mokong na `to.

"Tayo na nga!" Umiiling ako habang umaalis.

Sa loob ng isang linggo, hindi ko alam kung ilang beses `tong nangyari. Laging ganito pero masaya ako't hindi siya nagsasawa sa pangungulit sakin.

Tabi kami ni Dexter sa upuan ng cafeteria ng biglang sumulpot out of nowhere si Gab.

"Excuse me~"

Talagang umupo siya sa gitna naming dalawa ni Dexter.

Masama na naman ang tingin ko sa kanya habang umiiling si Dexter. Nakangisi lang ang kumag habang tinitingnan ako.

"Ano na naman ba?"
"Wala lang... ganun na naman." Sabi niya habang ngumingisi.
"Anong 'ganun na naman'?"
"Lam mo na! Nakikipagbati na naman ako sayo. Mag dadalawang linggo na kitang sinusundan sundan at kinukulit, hindi ka pa ba nagsasawa?"

Mejo nainis at nairita ako sa sinabi niya kaya binugahan ko na...

"BAKIT? Nagsasawa ka na? EDI TUMIGIL KA NA!"

Tumingin si Dexter sakin.

Umirap ako kay Gab.

"Bakit? May sinabi ba akong nagsasawa ako? Tinatanong lang naman kita kung nagsasawa ka na, baka sakaling maisipan mo ng makipagbati sakin!"
"Ano ba talagang makukuha mo pag magbabati tayo?"
"Edi bestfriends ulit tayo! Alam mo namang ikaw ang bestfriend ko diba?"

SHHHHHH~T!

Nakalimutan ko yata kung bakit ako galit sa kanya eh. Lalo pa akong nagalit sa dahilan niya.

"Ewan ko sayo, Gab! Ba`t di mo gawing two-in-one yung girlfriend mo?"

Nga pala... ba`t di ko na masyadong nakikita si Gianna na kasama siya?

"Bestfriend and lover!" Sabi ko.

Natahimik siya. May problema kaya sila?

"Hindi! Iba ka, diba? Bestfriend kita simula noon, kaya ibang-iba talaga pag ikaw!"

Tahimik ulit siya at mukhang malalim ang iniisip. Iling lang ako nang iling habang tinitingnan siya.

"Cel naman, wa`g mo na akong pahirapan." Sabi niya.
"Ay naku, Gab! May girlfriend ka na, hinahanap mo pa ako... Buti pa magsama muna kayo ni Gianna, sakaling may mahanap kang bestfriend-material sa ugali niya."

Tahimik siya. Ako naman, tinitingnan yung iniinom ko.

"It's not about her, its about us!" Sabi niya.

HA? WHAT? MAY 'US' BAH? Napatingin ako sa kanyang nagbubuntong-hininga.

"Anyway, sige, mauna na ako..." Sabi niya.

Nakita kong kumakaway si Gianna sa malayo. Ngumiti siya at kinawayan niya rin. At umalis na si Gab sa tabi ko. Eto naman si ako, panay ang tingin sa pinsan kong may soot ng cute na dress. Astig ng fashion sense nitong pinsan ko eh, ang lalaki pa ng earings. Hay naku... ang ganda niya talaga! Nakakainsecure.

"Okay lang ba sayo yun?" Tanong bigla ni Dexter.
"Okay lang! Kasalanan niya yan! Ba`t pa kasi siya nagsinungaling sayo."
"Uhm, okay na ako. Wala na yun sakin..."
"Uh, gusto kong matuto siya sa ginawa niya." Nakatingin parin ako kay Gabriel at Gianna habang sinasamba ang pagiging bagay nila sa isa't-isa.
"Sigurado ka bang yun lang?" Napatingin ako kay Dexter.
"O-Oo naman!" Sinabi ko.

Hindi ko nga lang alam kung totoo ba yung sinagot ko sa tanong ni Dexter o hindi...

Gagabihin ako ngayon dahil kailangan ng tapusin yung project ko para sa finals. Buti't mabait si Dexter, tutulungan niya daw ako. MABAIT SI DEXTER DAHIL TUTULUNGAN NIYA AKO? HAHAHA Cel, loka! Nagpapabango yan sa`yo dahil nanliligaw nga diba?

"Uhm, Dex... salamat." Ngumiti ako.

Ihahatid niya din siguro ako sa amin ngayon.

Anu ba yan! Nakakahiya pala `to. Uhm... oo nga! Paano mo ba sasabihing payag ka ng maging girlfriend sa manliligaw mo? Hay, ang hirap. Nakakapraning!

Oo, sasagutin ko na siya. Sabi ko nga diba, ayokong paghintayin siya... Alam kong GUSTO ko parin yung unggoy na yun, pero you know, sa nakita ko kaninang masayang-masaya na sila ng pinsan ko't idinidiin niya pa saking kailangan niya ako dahil bestfriends kami, mas lalo kong nakikita yun as signs na sinabi ni Papa God. Kaya eto ako't susugal kay Dexter. Gusto ko rin si Dexter, hindi nga lang tulad ng pagkabuang ko kay Gab.

"Ako na ang magdadala." Sabay kuha niya sa mga libro ko.
"Uh... thanks!"

Gosh! Pinagpapawisan na ako ng malamig dito habang tinitingnan siyang fresh na fresh parin at kinakarga ang libro ko.

Go, Cel! For the win! "Dex... tungkol sa-"
"Oy Dex! Nandito ka pa?" Abah! Si Krizzy.

Tahimik ka muna, Cel.

"Oo, tinulungan ko pa kasi si Cel sa assignment niya eh."
Tumango si Krizzy, "Oyyy, paimpress! HAHA. Natapos niyo ba?" Sumulyap si Krizzy sakin pero bumalik ulit ang tingin niya kay Dex.
"Oo... Ikaw, ba`t nandito ka pa?"
"May klase ako sa ganitong oras eh." Sabi niya.
"Ah..."
"O sige ah! Bye!" Kinawayan niya ako at umalis.

Nakakailang tuloy. May interruption sa IMPORTANTENG sasabihin ko sa kanya, at ang interruption pang iyon ay yung EX niya.

"Ano yung sinasabi mo, Cel?" Tanong niya sakin.

Patay! Paano ko ba ulit sisimulan?

"Uhm... Tungkol sa-"


*Krrrrrrrrinnng~*

Shucks! At ngayon, phone ko naman!?

Tiningnan ko muna ang phone ko bago sinagot. Gaano ka importante ba `to at tawag pang talaga? Pwedeng text na lang?











:o









Calling... Nica Soriano...
Bakit tumatawag ang kapatid ni Gab?

"Hello?" Sinagot ko.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText