29th
29th~
Summer: Pupunta parin ako.
Hinang-hina ako nang dumating sabay. Wala na akong lakas para umiyak. Nandoon si Aliyah at Nadine sa bahay.
Mukha silang may pinagkakaguluhan na newspaper.
Wala na akong lakas para usisain pa ang dalawa.
Didiretso na sana ako sa kwarto nang napansin ko nung nakita nila ako, tinago nila iyon.
"Ano yan?" Tanong ko.
"W-Wala." Sabay silang dalawa.
Natigilan ako at tinignan silang dalawa sa mata.
Napabuntong-hininga sila.
"May party na gaganapin sa Sortee bukas."
Ipinakita nila ang newspaper na naka frontpage ang Sortee. Parang may bubuksan silang bagong resort.
New resort. New life.
Tinignan ko ito at nakita si Lex kasama ang kanyang mama sa frontpage.
"May sakit daw ang papa ni Lex." Sabi ni Aliyah. "At... nasa Pilipinas na siya."
"Alam ko." Sabi ko ng walang gana.
"P-Paano mo nalaman?"
"Nag-usap kami ni Kyla kanina. 3 days ago, nakarating na siya dito. Ni hindi niya ako tinext o tinawagan! Yun lang yun! Ayoko na!" Sabi ko.
Aalis na sana ako at papasok na sa kwarto.
"Nagpunta siya dito." Sabi ni Nadine.
Para siyang pinipigilan ni Aliyah sa sinabi niya.
"Si-Sinabi niya samin na wa'g daw naming sabihin sayo ang pagpunta niya dito at pagdating niya sa Pilipinas."
"Yeah yeah! I get it now!" Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang pintuan.
"Summer!" Kinatok nila ang pintuan ko.
"Summer!"
Napapikit na lang ako sa sakit.
"Wa'g kayong mag alala, di ako magpapakamatay dito. I just need to rest... and forget!" Sabi ko.
"Summer?" Nag iba ang tono ng boses nila.
"summer." Si Mama. "Mag impake ka."
Akala ko ipapadala niya ulit ako sa US for good...
"Bakit?" Tanong ko. Binuksan ko ang pinto.
Niyakap niya ako. Pati si Nadine at Aliyah nag iyakan na.
"You'll go to Sortee tomorrow and clear everything."
Inayos ni mama ang buhok ko.
"Tell Lex everything you know... your feelings... everything. Then after that, kung wala paring mangyari. Leave him." Sabi ni mama at niyakap ulit ako.
Gusto kong umiyak pero di ko na magawa. Ubos na ang lakas ko.
"Sasamahan ka namin." Sabi n Aliyah.
"Wa'g na. Tatapusin ko 'to mag-isa." Sabi ko.
Hinayaan nia ako. Grabe supportive na supportive silang lahat sakin. Ang daming pinadalang pera.
Halos hindi ako makatulog sa gabing yun. Maaga akong umalis. Hinatid ako ni Aliyah at Nadine sa sakayan ng barge. Halos dalawang oras na byahe yun. Kung ordinaryon araw, di nila yun gagawin. Pero iba 'to.
"Mag ingat ka. Don't do anything foolish." Sabi ni Nadine.
Ngumiti naman ako.
"Uuwi din siguro ako bukas. Isang araw ko lang sasabihin sa kanya ang nangyari. di na ako magtatagal." Sabi ko.
"This party is for Sortee, Summer. Magtatayo ng airport dun para ms madaling mapuntahan ng turista. At the same time, celebration for their new resort located in Cambodia. At... may sakit si tito." Sabi ni Aliyah. "I heard from my mom, na nanghihingi na siya ng apo... kay Lex."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Para kasing may isa pang bagay na di niya sinasabi sakin.
"Engagement din ba 'to ni Lex?" Tanong ko kahit sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.
Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak at kakapuyat.
Nagkatinginan silang dalawa ni Nadine.
"Hindi ako sigurado... pero sa t-tingin ko ganun." Sabi niya.
Halos di ako makahinga. Natigilan ako at pinigilan ko din ang paghinga ko.
"Pero di ako sigurado. I just don't want you to be surprised if something like that happens..."
Niyakap nila ako.
"Kahit na ganun nga. Pupunta parin ako."
Gusto ko lang sabihin sa kanya ang totoo, di bale na kung di kami magkatuluyan.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;