seventysix-eighty
SEVENTYSIX
Celestine Herrera: Oo, mali yun.
"Gusto kong magstrolling." Sabi ko sa kanila pagkatapos naming kumain.
"Ngayon? Eh gabi na..." Sabi ni mama.
"Okay lang naman eh. Maraming tao dito. Tsaka, sasamahan naman siya ni Gab. Diba Gab?"
Nakatingin kaming lahat kay Gab.
"P-Pero, okay lang naman po kahit mag-isa lang ako..." Sinabi ko iyon dahil nakikita kong naguguluhan si Gabriel kung anong isasagot niya.
"Ano? Oy, bakit parang... cold... yung treatment niyo sa isa't-isa? Huh? Nag-away ba kayo?"
Napaisip pati sina mama at papa sa sinabi ng mama ni Gab.
"Ano? Hindi po ah! Talagang tinatamad lang ako." Sagot agad ni Gab.
Hay naku, `tong mokong na `to! Takot talagang mabuking na nag-away kami dahil lang sa babae. Makatarungan naman siguro yun dahil pinsan ko naman yung pinag-awayan namin.
Nakatingin parin sila kay Gab.
"Ay halika na nga, Cel!" Biglang tumayo si Gab at hinawakan ang kamay ko.
Hinila niya ako patayo.
Asus! Hindi niya naman kailangang pilitin ang sarili niya kung ayaw niya talaga eh.
Hehe... pero mabuti na rin `to kasi alam kong galit at naiinis parin siya sakin. So kailangan friendly ako sa kanya para makonsensya ang kumag. LOL. Hindi naman sa nagpapakonsensya ako dito...
Hinila niya ako palabas ng hotel.
"O, saan mo gustong pumunta?" Umiling siya sabay bitiw niya sa kamay ko.
"Uhm... Gab... kasi hindi mo naman kailangang sumama eh."
"Ano bah, wa`g ka ngang magdrama diyan!"
"Totoo naman eh. Alam kong..." Pataas na sana ang tono ng boses ko kaya hininaan ko. "Alam kong ayaw mo naman talagang sumama..."
"Asus! Andami mo pang arte diyan! Saan mo ba gustong pumanta kasi?" Tumingin si Gab sa paligid.
Kakainis naman. Ba`t mukhang hindi siya naiinis? Mukhang nagiging mabait pa siya ngayon...
Ah alam ko na! Iniinis lang ako nito kasi napansin niyang nagiging friendly na rin ako.
"Doon!" Sabay turo ko sa buhangin.
"Huh? Dyan lang?"
"Oo! Sabi ko naman diba, di ko na kailangan ng kasama. Tatambay lang naman ako dyan eh!"
Naglakad siya at umupo kung saan ako tumuro.
"Okay. Nandito na tayo." Ngumiti siya sakin.
Ako naman, nakatayo lang at nakatingin sa kanya.
"Lika na!" Sabay lagay ng palad sa tabi. Para bang pinapaupo ako sa tabi niya.
At si ako naman hindi alam kung anong ire-react. Para akong umaayaw na tumatango. Kaya imbis na ipakita ko sa kanya ang tuliro kong ekspresyon, lumapit na lang ako at umupo sa tabi niya.
Okay, Cel! Again, wa'g kang aanga-anga diyan. Pa-cool lang yang si Gab, ang totoo inis na inis yan ngayon dahil kasama ka. Kaya wa'g kang magpaloko. Ipagpatuloy mo lang din yung pagiging cool mo dyan!
"Hayyy, busog na busog ako." Sabi ko.
"Ako rin!" Sabay buntong hininga niya at tingala sa mga tala.
"Diba pagod kah?"
"Oo."
Nakatingala parin siya habang tinitingnan ko.
"Uhm, kung napipilitan ka lang dito... okay lang naman na ako lang mag-isa eh."
"Baka magduda pa ulit sila, dito na ako..."
SABI NA NGA BAH EH! BWISIT TALAGA!
Napailing ako at tumingin sa kawalan.
O, Cel? Ba't ka parang nadidisappoint jan?
"Uhh.. Wa`g kang mag-alala, ako na mismo ang hahanap ng palusot kung magduda man sila."
Tiningnan niya ako.
"Tinataboy mo ba ako?" Seryosong tanong niya.
Umiling-iling naman ako at hindi ako makatingin sa kanya.
"Nag aalala lang naman ako eh, b-baka kasi ayaw mo... K-Kasi nga diba, gaya ng sabi mo... baka magduda sila... eh kung napipilitan ka lang naman..."
"O edi, hindi ako napipilitan... Happy now?"
HARUUUUU! Ayun, Cel! Ganun ang hinihintay mo diba? Okay! Ayun! Lumabas ang tunay na kulay ng mokong...
Tahimik na lang ako kasi baka masupalpal ko to dito. Ayoko namang makipag-away or anything sa kanya. Diba nga sabi ko magpapakabait na ako sa kanya?
Nakatingala parin siya at feel na feel niya pa talaga yata ang moment niya habang tinitingnan ang mga tala.
Ako naman dito, tingin-tingin lang sa paligid. Maraming tao. Sa unahan naman may nakaupo ding gaya namin, kaya lang ready sila... may nakalatag na pagkain sa harapan nila.
"Inggit ka ba? Asan na yung Dexter mo?"
Ngyek! Nakita niya yatang tingin ako nang tingin dun sa magkasintahan sa unahan namin.
"Huh? Hindi no!" Ayun tumaas ang boses ko.
Asan na ba yung pagiging friendly jan?
"Asus... kunwari ka pa! Hindi lang kita pinansin ng ilang buwan eh hindi ka na nagshi-share sakin..."
WHAT THE? Nakakabigla naman yung linya niya. Tsaka, mukha pang naiklian siya sa mga ILANG BUWAN niyang pang-aapi sa akin ah? And as if namang nagshi-share ako sa kanya tungkol samin ni Dexter.
"Ano namang ishi-share ko? Tsss."
"Yung lablayp mo, ano pa bah?"
"At kelan ka naman naging concern sa lablayp ko?" Tumaas ang kilay ko.
Nakita kong ngumiti siya.
AFFFF? Bakit siya ngumingiti? Yung tipong ngayon ko lang nakita ulit after how many years. LOL
"Ngayon lang..." Flashed another creepy smile. "Ano? Balita ko kayo na raw?"
DUH! AS IN DUH! Sinong linoloko nito? At anong balita ang pinagsasabi niya? Saan ibinalita yan at kakasuhan ko ng libel ang istasyon at reporter!
But then again, kailangan friendly ang tono ko. Di pwedeng mahalata niyang naiirita na ulit ako sa kanya. I got a feeling kasi na ganun ang gusto niyang mangyari kaya nang-iinis to ngayon. PATAASAN NA NG PRIDE TOH!
Tumawa ako. "Kung ano man yung balitang narinig mo..." O kung meron ngang usap-usapan na ganun. At nagdududa akong gawa-gawa mo lang, Gab. "... hindi yan totoo. Hindi naging kami ever ni Dexter."
"Huh? Panu yun? Binasted mo?"
"Uhmmm. Hindi naman sa ganun pero... naintindihan niya rin naman kasi ang sitwasyon ko nun eh."
"Oh talaga?" Naka evil smile parin. "Mali pala yung narinig kong balita?"
Kinikimkim ko na ang inis ko dito ah. "Oo, mali yun." Ngumiti na rin ako.
Katahimikan.
"Ikaw bah, kumusta ka na? Galit ka parin ba sakin?"
O ano ka ngayon? Panlaban ko yan ah! Tingnan natin kung makakapag evil smile ka pa riyan.
Tumingin siya sa likuran ko. Mukhang winawala yata ang usapan ah?
Pagtingin ko sa likuran, may isang german sheperd na pakalat-kalat at sumisinghot-singhot sa buhok ko.
"AHHHHHHHHHH!" Halos mapaos ako sa sigaw ko.
Mukha pang nakawala ito kasi may tali pah.
"Shoooo!" Sabay tayo ni Gab at hila sakin sa likuran niya.
Kainis, ba`t may eksenang ganito palagi ang mga aso? At ang masaklap pa, naiwala ko yung tanong ko kay Gab! GRRRR...
SEVENTYSEVENCelestine Herrera: Sandali nga!
Hindi parin nakakaalis ang aso. Singhot parin siya ng singhot sa tabi-tabi. Buhangin lang naman yung sinisinghot niya eh, ano bah! Lokong aso.
Umayos kaming dalawa ni Gab. Tinitingnan ko parin ang asong singhot ng singhot. Pero ang totoo, naiilang ako kay Gab ngayon kaya tingin na lang ako ng tingin sa aso kesa makatingin ako kay Gab.
Kung galit pa siya, okay fine. Pero kung okay na siya, magkahalo ang emosyon ko. Masaya, maninibago, maiilang... Syempre, kumapal ang mukha kong tratuhin siya ng mabuti dahil alam kong galit siya sakin. At pag nalaman kong okay na siya, at tatratuhin ko siyang bait-baitan parin, nakakailang na.
"Sa tingin mo ba makikipag-usap ako sa`yo kung galit pa ako sayo?" Biglang sinabi niya.
Nagflashback lahit sakin yung mga beses na nagkagalit kami, nagalit siya sakin at nag-away kami. Tama! Hindi niya nga ako pinapansin o kinakausap nun.
"Uhh..." Napatingin ako sa kanya.
"Pickles! Bad dog!" May isang mukhang matipunong boses akong narinig galing sa likuran.
Napaisip ako sandali pero ang mata ko'y kay Gab parin. Syempre, sino ba ang makakawala sa mga titig niya ngayon. Tagos sa puso. Kung sana hindi ko alam na mahal na mahal niya yung ex niya eh maiisip ko ng sakin talaga siya may gusto.
"O! Bad! Lika na! What are you doing here... Tsss."
Napatingin kami ni Gab sa nagsasalita sa likuran. Kanina pa kasi at mejo malakas ang boses kaya tiningnan namin kung sino.
Ang pangalan pala nung asong singhot nang singhot ay Pickles.
Tumambad sakin ang amo nitong ka height ni Gabriel. Mejo payat siya pero matipuno parin, makikita mo kasi ang hugis ng muscles ng braso niya.
"Uhm... Nagulo ba kayo ng aso ko?" Tumingin siya sakin.
LOADING...
His face lightened up.
"Celestine?!"
Hindi ko maisip kung saan at kelan ko nakilala etong lalaking tumatawag sakin na nasa harap ko ngayon pero... ilang sandali... pagkatapos kong sumulyap sa mukha ni Gab na mukhang naiipit ang reaksyon...
Nasabi ko ang pangalan niya.
"Eiji?!"
He flashed a smile.
"Cel!"
Yinakap niya ako kahit hawak niya pa yung tali ng aso kaya hayun, singhot ng singhot ang aso sa legs ko.
Masaya na sana ako dahil nagkita kami ni Eiji at yumayakap siya sakin, pero sana naman... please... sana walang aso sa picture.
Biglang kinalas ni Gab ang pagkakayakap ni Eiji sakin at kinuha ako sa tabi niya.
Nag-iba ang ekspresyon ni Eiji.
"Sorry pare, pero takot kasi si Cel sa aso."
Napatingin si Eiji sa aso niya.
"Hi-Hindi naman sa... uhm... Eiji! IKaw na ba talaga yan?" Iniba ko ang usapan at ngiting-ngiti pa ako para lang ma distract sila.
"Sorry, Cel. Hindi ko alam na takot ka pala sa aso." He smiled at me. "Ilang years din kasi akong hindi nakapag communicate sayo."
Oh GAAH! Nakakaguilty naman talaga yung nangyari.
Tumingin si Eiji kay Gabriel. At sa mukha naman ni Gabriel makikita mong masaya siya dahil napipikon `tong si Eiji.
"Tong kayabangang `to... kilalang-kilala ko `to ah?"
HALA! OH MAYYYY GOOLAY! Mortal na magkaaway pala `tong dalawang `to!
"Cel... close na kayo nito?"
"Uh-Uhmmm."
Tinulak ni Gab si Eiji. Tinulak na rin ni Eiji si Gab buti na lang naisip kong pumagitna sa kanila.
"Hoy! Hoy! Unang pagkikita natin `to after how many years! Wala namang ganyanan!"
"Pagsabihan mo nga yang EX BESTFRIEND MO, Cel! Wala naman akoing ginagawa dito, tapos sabat siya ng sabat diyan!" Sigaw ni Gab.
"Wow! Ex bestfriend? May ganun? Bakit? Sino ba yung present bestfriend niya?? IKAW GAB?"
"Wowow~! Sandali nga! Ano ba yang pinag uusapan ninyo? My gahd!"
"Ikaw sumusobra ka na talaga! Namimikon ka, pero pikon ka rin pala!" Tinuro-turo pa ni Gab si Eiji.
OH MY GOSH! WHAT A MESS!
SEVENTYEIGHT
Celestine Herrera: Good night nga lang ang tinext ko eh.
"Wow... ang tangkad mo na!" Sabi ko sabay measure ng height ni Eiji.
Ngumiti siya at sumulyap kay Gab na nandun lang malapit sa door ng hotel nanonood samin. Malayo siya para makapag-usap kami ng maayos ng long lost bestfriend ko.
"I mean... matangkad ka na noon, pero mas tumangkad ka ngayon."
"Ikaw naman... parang di na tumangkad ah? HAHA"
Nagtawanan kaming dalawa.
"Nakuuu! Sobrang na miss kita! Buti naman marunong ka pang magtagalog! HAHA."
"Oo naman. Si mama kasi naiinis pag ingles ako ng ingles kahit nasa bahay na at siya ang kausap ko."
"Aww. Kaya naman pala!"
Katahimikan. Eto yung pakiramdam pag matagal na kayong hindi nagkikita nung tao at hindi mo alam kung ganun parin ba ang dapat pagtrato mo sa kanya. Iba na kasi eh... iba na yung mga tingin niya. Mukhang maraming nagbago.
"Namiss kita..." Yinakap niya ako. "Ramdam ko ang mga pagbabago sayo." Sabi niya.
Nagkatitigan kami.
"Makakahabol pa kaya ako?" Tanong niya.
"Uhmmm... oo naman!"
Kaya lang hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Anong mga istorya ba ang gusto niyang marinig? At ano naman ang sasabihin ko?
Umupo kami sa inupuan namin ni Gabriel kanina.
"Kamusta na?"
"Eto, okay lang. Ikaw ba?"
"Okay lang din. Ano ba yan, napaka broad naman ng okay... hehe."
"Yun din ang iniisip ko. Uhm... Saan ka nag-aaral?"
"Sa Ireland parin. Katatapos ko lang ng highschool eh. Hindi ko pa alam kung saan ako mag co-college, dito ba o dun parin."
"Cool."
"Ikaw, kamusta ang pag-aaral mo?"
"Okay lang. Mejo mahirap ang Business pero kaya din naman."
"Nga pala," Sabay pakita sa cellphone niya. "Penge ng cell number mo."
Binigay ko agad ang cell number ko.
"May boyfriend ka na ba?" Tanong niya.
"Wala."
"Nagkaboyfriend?"
"Hindi..." Tumawa ako.
"Hindi nga?"
"Wala talaga."
Tinitigan niya ako.
"Sa ganda mong yan?"
"Asus bolero! Eh kung maganda ako, nagustuhan na sana ako ng taong gusto ko!" Umirap ako.
"Huh? HAHA. Sino ba yung taong gusto mo at uupakan ko! Ang tanga naman niya, di ka niya makita!"
Gusto? Wala nga ala akong gusto ngayon! Ano bah! Anong Gab? Walang Gab!
"Wala... joke lang yun! Pero totoo, talagang wala pa akong boypren!" Tumaas ang boses ko.
"Haha! Napaka imposible naman ng sinasabi mo. Ilang taon ang lumipas, ibang-iba ka na ngayon kaya yun ang una kong naisip... na siguro nagkaboypren kana kasi dalagang-dalaga ka na at ang ganda-ganda mo pa. Imposibleng walang nabighani sayo. Nakakabighani ka eh!"
Ows? Ibig sabihin nabighani kita? Asus!
"Ikaw? Nagkagirlfriend ka na ba?"
"Oo eh."
"Whoaa! Ilang beses?"
"Dalawa..."
"HAHAHA. Talaga? Baka namang labing dalawa? Sa mukha mong yan! Marami kang mabibiktima riyan! HAHAHA."
"HAHA! Ikaw talaga! Hindi naman ako ganun..."
Nagtawanan kami.
"Pssst, Cel! Tulog na tayo!" Napatingin ako sa nagpapansing si Gab.
"Huh?-"
"Kayo lang dalawa ang magkasama?" Tanong ni Eiji.
Ewan ko ba pero mukhang uminit ang pisngi ko sa tanong niya, "Hindi ah!"
"Tayo na..." Lumapit na talaga si Gab.
"Kasama namin sina mama at papa." Sabi ko kay Eiji. "Teka nga lang, Gab! Nag-uusap pa kami-"
"Pare, sensya na. Kakarating lang namin dito eh. Bumyahe kami kanina. Pagod yata si Cel."
"Huh? Eh di pa naman ako inaantok eh."
Nagkatitigan si Eiji at Gab.
"Ganun ba? Sige Cel... Magpahinga ka na lang muna."
Lintik talagang Gab na to, kala mo kung sino.
Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Sige Eiji, pasensya ka na ah. Bukas ulit."
Tumayo na rin si Eiji, "Ok sure!"
Yinakap niya ulit ako ng mahigpit.
"Kung hindi ka makatulog, itext mo lang ako ah. HAHAHA." Sabi niya.
"O sige!" Ngumiti ako.
Pagkatapos nun ay naglakad na kami papasok ng hotel ni Gab.
"Asus nagpaloko ka naman sa mambobolang yun?" Sabi niya.
"Huh? Anong nagpaloko?"
"Harutan kayo nang harutan kanina eh. Kala mo siguro di ko narinig."
"Okay, edi narinig mo na... Anong problema dun?"
Teka! Cel! Kala ko ba magpapakabait ka sa kanya? Pero, ano namang pwedeng bait-baitang reaksyon ang pwede kong sabihin sa kanya? Wala diba?!
Umiling lang siya at pumasok sa elevator. Kaming dalawa lang ang tao.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng 'good night, eiji!' para kay Eiji.
"At ngayon, may textmate kana?"
"Text mate ka diyan. Good night nga lang ang tinext ko eh."
Lumabas kami sa elevator at nakita ko ang sign na 3rd floor, nakarating naman ako agad sa room namin.
"Tulog ka agad ah. Wag ka ng magtext ng text diyan... Mamamasyal pa tayo bukas."
Nasa tapat ng room namin ang room nila. Kaya nakatunganga ako sa pintuan habang tinitingnan siyang papasok.
"Good night, Gab!" Sabi ko. Tumigil sandali ang pagsasarado niya sa pintuan, akala ko may sasabihin siya, pero sinara niya na `to ng tuluyan.
Pumasok na rin ako at nakita kong tulog an tulog na sina mama at papa. Humiga ako sa kama ko at nakita ang text ni Eiji. 'Sweet dreams, Cel. '
Inayos ko ang kumot ko. Hindi ako makapaniwalang nagkita ulit kami ni Eiji after how many years.
Pagpikit ng mga mata ko, naramdaman ko ang antok ko. Tama si Gab, pagod nga ako sa byahe... HAAAY.
*Tiit-Tiiiit-tiiit*
Eiji?
"Good night, Cel..."
Hindi `to si Eiji!
Gabriel Soriano!
SEVENTYNINE
Celestine Herrera: Sinong kasama mo?
"Bilis naman, Celestine!"
"Oo na kasi Gabriel Isaac!" Tumakbo ako papunta kay Gab.
Napatigil akong bigla, halos masobrahan kasi yung takbo ko... eh kasi naman itong si Gabriel, nang-aapura. Muntik na nga akong sumalpok sa dibdib niya sa kakatakbo ko eh. Napatigil lang ako kasi topless yung mokong at ang kintab pa ng dibdib...abs... kala mo naman nabuhusan ng cooking oil! Halos matanggal ang mga eyeballs ko sa mga mata ko.
"SUS! Ano ba naman yan! Magbihis ka nga dun!"
"Huh?"
Nadivert agad yung tingin ko galing sa abs niya patungo sa sarili ko.
"Magbihis ka dun..." Sabi niya sabay hila sakin.
Binitiwan ko ang kamay niya.
"Ano bang problema mo? Eh ang ganda naman ng dress na `to!?"
"Dress?"
Tinuro niya yung cleavage... may ganun nga ba?
"Hoy! OA ka huh? Hindi naman ganun ka kita at wala naman akong ganyan!"
Nakakahiya naman oh!
"May pa two-piece two-piece ka na jan, tanggalin mo nga yan!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya...
"Ano? Huy wa`g ka ngang feeling jan! Di yan ang ibig kong sabihin! Mag bihis ka dun ng mas desente."
"Hoy hoy hoy, Gabriel Isaac, nasa beach po tayo at anong iniexpect mo? Class A ang beach na `to, kaya kita mo yan?" Sabay turo ko sa mga babaeng kaedad ko rin namang nakatwopiece lang sa paligid. "Ganun dapat yung soot. Buti na nga lang at may dress pa sa ibabaw nitong cute na two piece ko no!" Inirapan ko siya.
Natahimik siya. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Kaya sinamantala ko na ang katahimikan niya, pinagnasaan ko na yung abs niya. Kelan ba siya nagkaroon ng ganyan at bakit parang di ko namalayan? Haller, Celestine girl, sa tuwing nagkikita ba kayo nag to-topless ba siya?
"Oh see? Ikaw nga diyan, topless! Naka shorts ka lang tapos ako gusto mong balutin?!"
Mukhang natauhan naman ang mokong kaya nagpatuloy sa paglalakad...
"Halika na nga, nasasayang lang ang oras natin eh!"
Sinabayan ko na siya sa paglalakad.
Grabe, ang ganda ng Sortee! Maraming tao ngayon, peak season ba? Siguro sem break din ng iba kaya maraming tao.
"Iniwan mo ba ang cellphone mo?" Tanong ni Gab.
"Oo, sabi mo eh. Bakit ba?"
AHA! Alam ko kung bakit! Kanina ko pa yan iniisip eh. Siguro ayaw niyang ma text ko si Eiji or something! AYIEEE, Gab!!! Kaw ha!!!
"Then, good! Mag bo-boating tayo! Baka mabasa lang yun!" Tinuro niya ang mga bangka at binilisan ang paglalakad.
Lintik talaga ang kurimaw na `to oh, akala ko naman... hay naku! Cel naman kasi, don't overthink! OKAY? Sinundan ko na siya pagkatapos ko dinamdam ang kaonting kabiguang natamo ko dahil sa pagiging feeling...
Sumakay na siya agad sa boat kaya sinundan ko na siya...
"Dahan-dahan!" Kinuha niya ang kamay ko.
Sa mga sandaling iyon, may naramdaman akong kakaiba. bago. Ewan ko kung bakit bago. Hindi ko maisip kung paano naging bago at bakit...
"Dito..." Sabay lahad ng palad sa upuang katabi niya.
Wala akong masabi sa kanya at di ako makatingin sa mukha niya.
Bago talaga `tong nararamdaman ko. Fresh like summer breeze... pero ayoko ng isipin, i-eenjoy ko na lang `to, baka kasi sa isang iglap ulit, magbabago ang lahat at papangit na ulit ang samahan namin.
Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sakin. Bago talaga.
Pagkaandar ng bangka... glass boat... naamoy ko ang simoy ng hangin. At naamoy ko pagbabago sa kanya - na sana di ko na lang naamoy kasi... ang pitong buwan kong paghihirap, nauwi lang sa wala...
"Dolphins!" Sabay turo niya sa mukhang nagsasayawang dolphins sa paligid.
Malayu-layo na rin pala ang inabot namin, di ko namalayan.
"WOW!"
Bigla niyang kinuha ang camera at picture lang ng picture.
"SMILE!" Sabi niya sakin.
Nakasimangot ako habang tinitingnan siya.
"Ano bah!"
Saka lang ako ngumiti.
"Akala ko ba di tayo magdadala ng gadgets? Dala mo siguro yung cellphone mo no?"
"Di ah! Camera lang ang dala ko!"
Tinapat niya ang camera saming dalawa kaya ngumiti ako.
"Ayan, may picture na tayo!"
Masaya yung boating! Ang dami kong isdang nakita at mga corals!
"Nakakagutom naman, kain muna tayo?"
"Sige dun tayo!" Sabay turo niya sa isang seafood restaurant.
Pagkatapos naming kumain, saka ko lang naisip sina mama at papa.
"Gab! Patay! alam ba nina mama at papa na nandito tayo? Wala tayong mga cellphone ah, baka hinahanap na tayo?!"
"Alam nila noh, tsaka hayaan mo na nga yung matatanda, andun silang apat sa spa. Abala ang mga iyon."
Tumango ako.
Nagbanana boating din kami ni Gabriel, iniwan niya nga yung camera niya eh kasi baka mabasa lang. Pati Kayaking eh natry na rin namin. Nakakatuwa nga eh kasi papalubog na ang araw nung nag kayak kami...
"At ngayon, saan naman tayo magdi-dinner?"
"Uhhmmmm, dun!" Sabay turo sa isang seafood restaurant na nasa gitna ng dagat. "Ako manglilibre!"
Nag volunteer na talaga akong manlibre kasi kanina pa siya libre ng libre sakin, yung Kayaking, banana boat, lunch, glass boat siya ang gumastos, pati yung ice cream binili ko kanyang pera parin.
"O sige!"
Tinahak namin ang daan patungo dun sa napili kong restaurant na nasa gitna ng dagat... ilang sandali, nakaramdam ako ng ilang.
"Uhmmm... hehe... tama kaya na dito?" Tanong ko kay Gab nang nakita kong puro magkasintahan ang mga pumapasok sa restaurant.
Papalapit na kami nang nakita kong hugis puso ang pintuan at ang dami pang mga romantic lights sa tabi-tabi...
"Wow! Ano toh..." Tumawa siya. "Happy valentine's day? HAHA"
"Tumatawa ka diyan eh naiilang ako."
"Asus!" Inakbayan niya ako.
GABRIEL, seriously, tama na please...
"Eh ano naman ngayon? Alam ba nila na hindi tayo, hindi naman diba? Bahala sila kung anong iisipin nila. Tsaka... wala namang nakakakilala sa atin dito eh."
Celestine, go with the flow, okay?!
"Uhmm, okay!" Pumasok kami sa loob at kumuha ng table.
Pang apatan yung nakuha namin kasi halos ubos na ang pang dalawa...
Pagkatapos naming umorder...
"Cel!"
"Uy, Eiji! Sinong kasama mo?"
Narinig ko ang buntong-hininga ni Gabriel.
"Wala eh... Would you mind if I?" Sabay turo sa upuan.
Tiningnan ko si Gab... pero naisip kong kahit ayaw ni Gab na nandito si Eiji, it would be rude if I refuse...
"Sure sure..."
"Text ako ng text sayo, di ka nagrereply. Iimbitahan ko sana kayong mag jetski eh..."
Tiningnan ko si Gab na nakatingin lang sa labas. Sana naman batiin niya si Eiji noh, nakakapressure kasi.
EIGHTY
Celestine Herrera: makapagkita naman tayo pag-uwi...
Dumating na ang order namin, sumunod din naman yung order ni Eiji.
"Okay ka lang ba, Gab?"
Inum kasi ng inom si Gab ng tubig kaya natanong tuloy siya ni Eiji.
"Okay lang naman." Halatang sarcastic na sagot niya.
Kumain na rin kami ilang sandali ang nakalipas...
"Nga pala, sabi ni mama, baka mag stay muna kami dito sa Pinas." Ngumiti si Eiji.
"Talaga? Edi maganda! Ibig sabihin dito ka mag-aaral?"
"Uhm, hindi ko pa alam pero gusto ko sanang dito na lang mag-aral. Tsaka sa skul niyo na lang ako mag-aaral..."
"Oo nga! Masaya yun, magkikita na tayo araw-araw! Tulad ng dati..." Nginitian ko rin siya.
"Oo nga eh. I want to make up to you. Ang tagal nating hindi nagkita at hindi nag-usap... gusto kong bumalik sa dati..."
Natahimik ako at napatingin ulit kay Gab na patuloy sa pagkain kahit halata namang walang gana at naiinis pa yung mukha.
"Alam niyo, sa totoo lang, nabigla ako nang nakita ko kayong magkasama..."
Napatingin si Gab kay Eiji.
"I didn't mean anything, Gab. Don't get me wrong. Hindi ko kasi akalaing magkakasundo kayong dalawa..."
"As friends?" Tanong ni Gab kay Eiji.
Tumango si Eiji, "Oo..."
"Ahh hindi ko nga rin alam panu kami nagkalapit nitong si Gab eh. Siguro dahil magkapitbahay naman kami at lagi kaming magkaklase."
"Kaya naman pala... siguro kung nandito pa ako noon, baka tayo yung close na close ano?"
Hindi ko alam kung tumigil si Gab sa pagkain o talagang tapos na siya.
"Oo nga eh..." Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Gab tapos kay Eiji ulit.
Nakatitig lang si Eiji sakin...
"Simula nung umalis ka, andami ng nagbago."
Ngumiti si Eiji at dumungaw sa pagkain niya, sumulyap din siya kay Gab bago tumingin ulit sakin.
"Kung di kaya ako umalis sa tingin mo ba, ganun parin ang mga pagbabago?"
Nagkibit balikat na lang ako.
Hanggang sa paglabas namin sa restaurant, ganun parin ang eksena. Nag-uusap kami ni Eiji samantalang walang imik naman `tong si Gab.
"Kelan kayo uuwi?" Tanong ni Eiji.
"Uhm... Gab, kelan nga ba tayo uuwi?" Tinanong ko si Gab para naman at least may masabi siya.
"Ewan ko..."
TSK! Gab naman eh, bakit ganun sagot mo?
"Uhm, siguro mga tatlong araw lang kami dito eh... kaya... siguro sa makalawa... Kayo?"
"Kami kasi bukas na eh, isang linggo din kami dito. Kaya bukas, uuwi na kami."
"Huh? Bukas agad?"
"Oo, bukas ng umaga... Kaya nga gusto ko sanang makasama ka today eh... kaya lang hindi kita nacontact kanina..."
Naglalakad-lakad na kami sa tabi ng dagat pabalik ng hotel. Si Gab naman tingin nang tingin sa mga party sa tabi-tabi. Gabi na at masyadong malamig ang simoy ng hangin.
"Naku... sayang na man. Di bale, meron pa naman tayong ngayon eh." Ngumiti ako.
"Oi, Celestine. Bored na bored na ako dito. Kayo na nga lang munang dalawa. Aalis ako."
Hindi ko nagustuhan ang hirit ni Gab.
"Ano? Saan ka pupunta?"
"Diyan lang..." Sabay turo sa isang beach party... Malapit din naman sa kinatatayuan namin.
"Huh? Ano namang gagawin mo diyan?"
Nagseselos siguro `to...
"Ano pa, edi magpaparty... Napapanis yung laway ko sa kakasama sa inyo eh." Bigla siyang may kinawayan galing dun sa party. "May mga kakilala din ako dun..."
"Huh? Sino naman?" Tiningnan ko yung mga kinawayan niya. Halos babae lahat eh... Tsaka, di ko kilala ah. Sino naman ang mga iyon?
"Mga kaibigan ko sa States..."
"Ahh. O-O sige..."
Tiningnan niya ako.
"Wa'g kayong lumayo. Dito ka lang. Dito lang kayo mag-usap. Ayokong nawawala ka sa paningin ko kahit nandun ako..." Umalis siya.
Wala akong nasabi. Masyado kong dinama yung sinabi niya sakin. Akala ko namang may mas malalim pang kahulugan yun, wala eh noh! Pwede bah, wa'g nga tayong ilusyunada Celestine!
"Wow..." Saka ko binaling ang tingin ko kay Eiji. "Napansin kong iba yung trato ni Gab sa`yo ah."
"I-Iba? Hindi naman ah..."
"May something ba sa inyo?"
"Wala naman..." Napatingin ako sa buhangin... wish ko lang!
Tumango si Eiji. "Nung nakita ko kayo kanina sa restaurant, kung hindi ko kayo kilala siguro maiisipan kong magboypren kayo..."
"Hehe... kasi mejo romantic yung restaurant eh kaya siguro ganun."
Tumango lang si Eiji.
Marami kaming napag-usapan. Syempre, interesado ako sa mga nangyari sa kanya dun sa Ireland. Kung sino ang mga naging kaibigan at naging girlfriend niya dun; kung paano mamuhay dun; at kung maganda ba ang lugar.
Tingin ako nang tingin sa beach party na sinalihan ni Gab. Kasi naman, yung idol niyo may dalawang babaeng katabi. Isang babae sa magkabilang sides. Tawanan pa sila ng tawanan habang umiinom.
"Nga pala, may pinsan akong sa school niyo nag-aaral. Baka kilala mo."
"Hmm? Anong pangalan?" Napatingin ako kay Eiji.
"Dexter... Dexter Salvador."
Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi niya.
"Kilala ko siya!"
"Whoa... really?"
"Oo! Uhmmm, kaibigan ko siya!"
"Wow. Talaga..."
Ewan ko parang namangha ako sa nalaman ko kaya di ko maalis ang mata ko kay Eiji.
"Oh, ba`t ganyan ka makatingin?" Ngumiti siya. "Don't tell me... you..."
"HAHA Wala, eh namangha lang ako. It's a small world!"
"Oo nga eh. Hmm, hindi kami masyadong nag uusap nung pinsan ko kaya di kita naitanong sa kanya..."
Nakatingin parin ako kay Eiji at iniisip ko kung bakit di ko naisip na magpinsan sila ngayong parehong Salvador ang apelyido nila.
"Ba't di ko napansin yun! Palagi kaming magkasama ni Dexter pero ni minsan di ko naisip na magpinsan kayo..."
Tumawa siya.
"Kaya pala mejo hawig kayo." Napahawak ako sa pisngi niya at natawa sa sarili ko. "Mata at ilong! My gosh... ang tanga ko! Tapos, Salvador pa kayong pareho."
Napasulyap ulit ako sa beach party... pero wala na si Gab dun.
Ilang sandali ang nakalipas, nagpasya akong bumalik na sa hotel kasi hindi ko na talaga makita si Gab at nag-aalala na ako.
"Uhm, Eiji... Hindi ko na makita si Gab eh... Kaya pwedeng punta muna ako sa hotel?"
"Oh sure. Gabi na rin naman eh. Baka hinahanap ka na ng parents mo..."
Hinanap namin si Gab sa buong party, pero wala siya kaya hinatid na ako ni Eiji sa Hotel.
"Cel, thanks for tonight!" Sabi ni Eiji nang nasa harapan na kami ng hotel.
"Thanks din! So ano, text text na lang para makapagkita naman tayo pag-uwi..."
"Okay sige..."
Nagngitian pa kami bago ako pumasok sa loob. Pagkapasok ko naman, halos magtatakbo ako patungo sa room nina Gab para lang tingnan kung nandon na ba siya. Syempre, nag-aalala ako noh!
"Gab?" Iniwasan kong sumigaw habang binubuksan ang pintuan ng kwarto nila.
Nabigla ako dahil wala pa ang mama at papa ni Gab. Siya lang mag-isa at nakahiga sa kama.
Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;