<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

fiftyone-fiftyfive


FIFTYONE
Celestine Herrera: kahit di ka boto sa kanya...





Wala ang papa at mama ni Gab sa gabing iyon kaya malayang tumambay si Gianna sa kanilang living room. Si Mica naman, nasa kwarto daw at nag s-study. At ako? Narito sa kusina... Ang lecheng Gab kasi na yan, sinabihan si manang na manood na lang daw siya ng Tayong Dalawa sa kwarto niya kasi ako na daw ang bahala. Alam kong may karapatan si Manang manood nun kaso nakakainis lang kasi ako pa talaga ang inutusan niya. Ba`t di kaya si Gianna?

Ay naku, Cel! Loka! Panu niya uutusan si Gianna?

Hay di bale na nga... para namang pinagluluto ako dito, hindi naman. Pinaghuhugas lang ng pinggan. Okay na rin `to kesa sa makita kong mag lampungan ang dalawa sa sala. Si mama at papa naman kasi, pumayag na dito muna ako kina Gab at samahan ang pinsan ko. Sus naman, jusmiyo! Pero di naman kami dito matutulog ano, magkamatayan na pero pati ako di ako papayag na dito matutulog ang Gianna na yan! Kahit na kasama pa ako at katabi ko pa siya, di ako papayag.

"Hayyy sawakas! Tapos na." Sabay lagay ko ng isang plato sa lalagyan nito.

Kakapagod maghugas ng pinggan. Pinagpawisan pa ako ng todo. Naaalala ko tuloy ang pagtatalo namin ni Kuya Sky dahil lang sa paghuhugas ng pinggan.

Papunta akong sala habang pinupunasan ang kamay nang nakita ko ang sana`y hindi ko na lang nakita...

Kung ano yun?

Drumrolls! Heart beats!


Naghahalikan ang dalawa. :-[ :'(

Napunta ulit ako malapit sa ref at kumuha ako ng baso at linagyan ng tubig at ininom na parang kanina pa uhaw na uhaw... halos malunod na nga ako sa pagkakainom ko eh.

Napaubo tuloy ako.

"Cel?" Sigaw ni Gab.

Patay! Narinig ako kahit malayo ang kitchen!

"Wala!"

Umubo pa ako. Lanya.

Tapos na ba ang show? Pwede na ba akong lumabas? Malamang tapos na! Eh nakapagsalita yung isa eh.

"Cel?" At hayun siya, nakatayo na malapit sakin.

Wa`g kang mag-alala, wala akong nakita! Leche! Sarap mong batukan.

"Ano? Umiinom ako ng tubig at nabilaukan ako..." Umubo ulit ako.

Sinulyapan ko ang labi niya. MY GAAAD! Ilang years ko ng nakikita yan pero... wala... tapos? AHHHH!

Hinugasan ko ang baso at binalik na.

"Dun na tayo sa sala." Sabi ni Gab.

Hindi na ako sumagot at umupo na sa kabilang sofa dun sa sala.

As if naman gusto niyong nandito ako. Kung pwede pa nga lang eh ipatapon niyo ako sa labas para magawa niyo na mga gusto niyo.

Umupo si Gab sa tabi ni Gianna. As in, tabing-tabi talaga ah? Dikit na dikit ang dalawa. Illegal na yata yang ginagawa nila eh. Mag kaholdinghands pa.

Horror pa talaga ang nasa TV. Buti di naman ako masyadong matatakutin. Isa pa, hindi ko masyadong naiisip ang movie dahil sa pag-iisip sa nakita ko.

Nakakaiyak talaga yun. Parang magrereklamo na talaga ako. Bakit ganito ang nangyayayri sa buhay ko? Bakit ganyan sila? Payag naman akong silang dalawa eh, wa`g na lang sanang ipamukha sakin. HUHUHU

Alam ko na! Iisipin ko na lang na kaya nangyayari ito para masaktan ako ng todo at makumbinsi ang sarili kong kalimutan na si Gabriel.

"Cel, popcorn!" Offer ni Gianna.
"Salamat."

Kumain din naman ako. May pasubo-subo effect pa ang dalawa. Hindi ako tumitingin sa kanila ah? Sa TV ako tumitingin. Malawak lang talaga ang peripheral vision ko kaya halos 360degrees sa paligid ang nakikita ko. Mas malinaw pa `to pag si Gab na ang tinitingnan.

May bulong-bulungan pa ang dalawa at kurutan.

Gusto ko ngang mag tanong kung nanonood pa ba sila sa TV, kung hindi eh manonood na lang sana ako kay Santino... Pero narealize kong baka tapos na ang Santino ngayon.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng popcorn habang wala sa sarili.

"Cel, kayo na ba ni Dexter?" Biglang tanong ni Gianna.

Nanonood ako sa TV at kumakain parin ng popcorn habang, "Hindi... pa." Wala sa sarili. O baka naman, sinasadya ko na?

"Ow? Nanliligaw siya sayo?"
"Mejo."
"Cel, di nga?" Si Gab naman.

Saka pa lang kumalas yung mga mata ko sa TV at tumingin sa kanilang dalawa.

"Oo."
"Kelan lang siya nanligaw?"
"Kanina."
"Gusto mo ba siya?" Seryoso si Gab.

Ano? Anong isasagot ko?

"Gusto?" Eh mahal ko na yata... este... ano? "Okay naman siya, mabait."
"Masaya ka ba pag kasama siya?"
"Oo naman."
"Sinasaktan ka ba niya?"

Aypotek! Sinaktan? Eh ikaw lang yata ang nananakit sakin eh!

"Di naman..." Tumawa pa ako ng bahagya.
"Ahh. Edi, mabuti. Pero di ko sinasabing boto ako sa kanya ah? Sinasabi ko lang eh... masaya na ako kung saan ka masaya."

Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Ano `to Gab? Pinapaubaya mo na ba ako? Kahit totoong pinapaubaya niya na ako, kahit papaano, may something parin sa sinabi niya... Bakit di siya boto?

"Ba`t ba parang ayaw mo talaga sa kanya?"
"Onga, Gab." Tanong ni Gianna habang tinatapik ang mukha ni Gab.
"Yabang kasi eh."
"Yabang? Mas mayabang ka pa nga dun eh."
"Di ah! Ah basta... Yoko sa kanya."
"Sino pala ang gusto mo para sakin?"
"Wala." Diretso ang sagot niya.
"Huh?"
"Ba`t wala?" Tanong ni Gianna habang linalambing si Gab.
"Basta, wala." Sabay kuha niya ng popcorn galing sakin. "Basta... kung masaya ka... yun na."
"Awww." Lambing ulit ni Gianna kay Gab.

"Okay!" Sinadya kong ngumiti.
"Oh? Bakit?"
"Wala lang! heheh."
"Parang sira `to..."
"Ibig sabihin, masaya ka na rin para samin ni Dexter kung sakaling maging kami kahit di ka boto sa kanya..." Ngumiti ako at tumitig sa TV.

Kahit mejo umuurong yung mga salita niya... mejo kadudaduda... ayoko ng isipin. Wala ng urungan `to.



FIFTYTWO
Celestine Herrera: Sinong boyfriend mo?




Sa gabing iyon, magkatabi kaming natulog ni Gianna sa kwarto ko. Nakahug siya sa teddy bear niyang bigay di umano ni Gabriel. Nakakainggit. Ang laki kasi ng teddy bear.

Habang ako dito, pillow lang ang yinayakap.

"Cel..."
"Hmmm?" Napatingin ako sa kanya.

Pareho na kaming nakatingin lang sa ceiling.

"Lapit na ang birthday ni Gab. Dalawang araw na lang, birthday niya na... anong regalo mo sa kanya?"
"H-Huh? Oo nga noh? Uhm... ewan? Hindi ko pa alam eh. Maghahanap pa siguro ako."
"Ganun ba? O sige... anong magandang iregalo sa kanya? Bestfriend mo siya diba, alam mo kung ano ang mga gusto niya."
"Uhh. Sa pagkakaalam ko... gusto niya ng sporty stuffs or yung magagamit niyang pambasketball."
"Ahhh. Hmmm. So anong ibibigay mo?"
"Hindi ko pa naiisip eh."

At dahil totoong hindi ko pa naiisip at wala pa akong ideya kung ano ang ibibigay ko kay Gabriel sa birthday niya... sa birthday niyang sa Lunes na at di pa ako sigurado kung magkakasama nga kami dahil kay Gianna, naisipan kong pumunta sa mall para maghanap.

"Sorry talaga Dex ah? Wala na kasi akong maisip na paraan eh."

Nagpasama na rin ako kay Dexter para mas maliwanagan ako kung ano talaga ang ibibigay ko. Since halos magkapareho naman sila ni Gab ng hobby, makakatulong siya.

"Okay lang, nu ka ba! Mabuti nga `to eh, bored kasi ako."
"Hehehe. Salamat talaga."

Nakakalimang tindahan na kami ng sporty stuffs pero wala parin akong napipili.

Hindi naman ako kapos sa pera, pero wala lang talaga akong mapili.

"Pasensya ka na, Dex ah? Matagal na tayo dito, di parin ako nakakapili."
"Haha. Ganyan talaga yan. Pag ako din kasi mamimili ng gift para sa isang babae, di rin ako nakakapili."
"Ganun ba? Naku... paano na kaya ito."
"Mabuti pa, kumain nalang muna tayo... baka sakaling makapag-isip ka kung anong ibibigay mo sa kanya."

Huh? Pwede rin. Pero baka kasi... mahal yung bibilhin ko... LOL. Di bale ng magutom ako, maibigay ko lang yung gusto ko.

"Libre kita!" Sabi niya agad.
"Huh? O sige bah!"

Ang kapalmuks ko talaga. Hindi man lang ako nag offer na kanya-kanya na lang.

Pagkatapos niyang umorder, saka ko naramdaman ang hiya. Nakakahiya naman `tong ginagawa ko. Ako na nga yung nagpasama sa kanya ako pa `tong nagpapalibre.

"Salamat talaga, Dexter ah? Grabe... Super! Nahihiya tuloy ako." Charing.
"Wa`g ka ng magpasalamat. Ganito naman talaga pag manliligaw diba?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang pinapakita ko sa kanya, ang alam ko, nakangiti siya at tinititigan ako sa mata.

Gusto ko si Dexter... pero... okay. Gusto ko siya. Gusto ko siyang kaibigan. Hindi ako sigurado kung may pag-asa bang magustuhan ko siya ng higit pa dun. At hindi ko na nga `to seseryosohin, baka joke niya lang `to.

"Nu ka ba Dex! Wa`g ka ngang ganyan." Tumawa pa ako kahit pekeng-peke ito habang hinintay ang sasabihin niya.
"Cel... I`m serious."

Saka naman dumating ang order naming dalawa.

Tahimik kaming habang linalapag ng waiter ang pagkain.

"Sorry." Yun lang ang nasabi ko pag-alis ng waiter.

Kinuha niya ang kamay kong nasa mesa, "I`ll wait for you."

Sa puntong iyon, halo-halo ang emsyon ko. Kinakabahan, natatakot, nag-aalala, at masaya. Alam ko sa sarili kong hindi ko pa siya gusto ng tulad ng gusto niya, pero masaya ako dahil baka ito na ang hudyat ng TOTOONG pagmo-move-on ko kay Gab.

Pagkatapos akong ipaubaya ni Gab, eto naman ang nangyayayri. Ibig sabihin lang talaga nito`y hindi talaga kami ni Gab ang para sa isa`t-isa.

Habang kumakain ako, kinumbinsi ko ang sarili kong ito na nga ang sign na binigay ng Panginoon sakin. Sigurado na akong ito na nga iyon. Kailangan ko lang bigyan ng pagkakataon si Dexter na manligaw sakin, at mahalin siya.

"Cel... ano, naisip mo na ba kung ano ang ibibigay mo kay Gab?" Tanong ni Dexter sakin.

Kanina pa kami naglilibot sa mall pagkatapos naming kumain, pero mukhang nakalimutan ko na yata ang tunay na sadya namin dito.

"Huh? Uh.. hehehe. hindi parin eh. Wala talaga akong maisip."
"Naku... paano na yan. Bukas na ang kaarawan niya diba?"
"Oo nga eh."

Pansamantala kong nakalimutan si Gab ah? Masyado akong preoccupied kay Dexter.

"Hindi nalang siguro ako bibili ngayon. Bukas na lang." Sabi ko.

Apat na oras na kasi kami dito sa mall eh. Halos alasyete na.

"Talaga? Sigurado ka?" Nakangiti siya.
"Oo. Di bale... Di rin naman papansinin ni Gab yung regalo ko. Bukas na lang ako bibili." Ngumiti ako sa kanya.

Habang naglalakad kami sa mall at nag-uusap. Bigla kong nasulyapan ang isang pamilyar na mukha kasama ang isang hindi ko kilala. Magkaholdinghands ang dalawa at parang ang saya-saya.

Ito yata ang pinakanakakawindang sa araw na ito. Sana hindi ko na lang nakita, mas matatahimik siguro ako.

"Gianna!" Tinawag ko na para makasiguro.
"C-Cel..." Bigla siyang napalingon sakin sabay bitiw sa kamay ng kaholdinghands.

Isang matangos ang ilong, hindi masyadong matangkad kung ikukumpara kay Gab, at moreno. Sino itong kasama ng pinsan kong girlpren ng bespren ko? Sino ito?

Tumakbo si Gianna sakin at mas lalong ikinabigla ang nakitang kasama ko.

"Dexter..." Pero di siya nag-alinlangang lumapit.

"Cel... Uhmmm" Sabay tingin niya sa lalaking kaholding hands niya kanina.

Papalapit na rin yung lalaki.

"Bibili sana ako ng gift for Gab."

Tumango ako. Base sa boses niya, tama ang hinala ko.

Kinabahan ako lalo at inisip ko kung totoo ba `tong mga naiisip ko.

"Dino, teka lang. Usap muna kami ng pinsan ko."

Hinila niya ako papalayo kay Dexter at sa Dinong sinasabi niya.

"Gianna, Sino yun?" Tanong ko.

Susuntukin kita kung sasabihin mong...

"Shhh. Please. Alam mong mahal ko si Gab diba? Tsaka, mahal din ako ni Gab. Kaso... mahirap lang kalimutan kung umabot na kayo ng ilang years ng boyfriend mo eh."
"HA?" Sasapakin na talaga kita. Pero di ko pa nage-gets eh.
"Basta... couz, sasabhin ko sayo ang lahat. Wa`g mong sabihin kay Gab na nakita mo ko ngayon ah? Please, please, please???"

Hindi ako umimik.

"Baka patayin niya yung boyfriend ko. Please."
"B-Boyfriend? Sinong boyfriend mo?" Diba si Gab.
"Shhhh... Boyfriend ko pa si Dino... P-pero... naghahanap ako ng paraan para magbreak na kami eh. Sa ngayon, secret muna natin `to ah? Pramis, magb-break din kami. Wa`g mong sabihin kay Gab ah? Magpramis ka-"
"Gianna, lika na. Ginugutom na ako eh! Dinner na nga tayo!" Sabi nung Dino.
"Oo na. Teka lang."

Hinila niya ako pabalik kay Dexter. Nagkasalubong na ang mga kilay ko pero siya, nakangiti parin sa harap namin ni Dexter.

"Uyy kayo ha? Kayo na ba? Cel, ako ang unang makakaalam ah kung kayo na? Anyway, Cel, Dex, alis na kami ah? sige. Goodluck na lang sa inyo."

Hinila niya yung si Dino palayo samin at umalis na silang dalawa.

ANO YUN? Anong nangyari?

"Cel..."
Nakatingin parin ako sa kanilang dalawa kahit malayo na.
"Sino yung kasama ng pinsan mo?"

OH NOOOOO! Dalawa ang boyfriend ni Gianna??? ANONG GAGAWIN KO? SI GAB!!!! Paano na si Gab??? Pero diba nga, magb-break din si Gianna at yung Dino?! Hihintayin ko na lang na mangyari yun? Para okay na sila ni GAB???? ANOOOO? ANOOOO?




FIFTYTHREE
Celestine Herrera: Masasaktan si Gab!





"Ano, sasabihin mo ba kay Gab?" Tanong ni Dexter habang pinapark ang sasakyan niya sa harap ng bahay.

Nakabili ako ng regalo. Yun nga lang... hindi pang sports yung nabili ko. Bracelet ang binili ko. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang binili ko eh. Basta... lalo tuloy akong nahiya kay Dexter dahil sinama ko pa siya kahit di naman sports-thing yung binili ko.

"Uh... ang alin?"
"Boyfriend din ni Gianna yung kasama niya kanina di ba?"
"Huh? Paano mo nalaman?" Nagmamaang-maangan pa ako dito.
"Bakit, hindi ba?"
"Uh..." Napabuntong-hininga ako.
"Mag-ingat ka na lang muna sa desisyon mo."

Wala akong masabi.

Tumingin si Dexter sakin.

"Basta, andito lang ako."
"Salamat, Dex."

Ilang sandali ang nakalipas, binuksan ko na ang pinto at kumabas. Hinintay ko munang umalis ang sasakyan ni Dexter bago sana ako papasok sa bahay, kaso, hindi pa ako nakapasok...

"Mukhang lumalalim na talaga ang relasyon ninyong dalawa ng unggoy na yun ah?" Si Gab.
"Ahhh." Wala akong masabi.

Pumasok na naman kasi sa isip ko yung nakita ko kanina.

Sasabihin ko ba kay Gab ang nakita ko? Ano naman kaya ang tunay na rason ni Gianna sa pag t-two time? Pero... wala namang tamang rason para mag two-time eh. Ano ba `to???!

"Baka pati birthday ko, makalimutan mo na dahil sa pag-iisip mo dun sa lalaking yon!"
"Huh? Grabe ka naman...-"
"Hay... basta, magpakita ka sakin bukas ah? Baka di na naman tayo magkikita nito."

Umiling ako.

Wala talaga akong masabi kasi ang laman na lang ng isip ko ngayon eh yung nakita ko kanina.

"Excited na tuloy ako sa gift sakin ni Gianna."
"G-Gianna?"
"Oo! Tsaka... ikaw? May gift ka na ba para sakin?"

Sasagot na sana ako, kaya lang biglang tumunog ang cellphone niya.

*Krrrriiiing~*

"Hello?" Sumulyap siya sakin bago tumalikod.

Sino naman kaya yang kausap niya?

"Si Celestine? Nag-uusap kami ngayon..."

Nabanggit ang pangalan ko! Si Gianna kaya yan?

"Ikaw nga ang pinag-uusapan namin eh." Ngumiti si Gab. "Huh? Wala... basta... bakit?"

Sumulyap ulit si Gabriel sakin.

"Wala naman..." Seryoso ang ekspresyon niya. "Sige... bye... Love you too." At binaba ang cellphone.

"Sino yun? Anong sabi?" Tanong ko.
"Si Gianna. Tinatanong kung nag-usap na ba daw tayo ngayong araw na `to..."
"H-Huh? B-Bakit?"

Ang bruhang yon! Talagang guilty na guilty sa ginawa niya. Sasabihin ko ba o hindi? Naku! Nakuuuu! Hindi ko na lang muna sasabihin. Birthday kasi ni Gabriel bukas eh, baka masira yung araw niya. Pasalamat talaga si Gianna at timing na timing siyang nabuking kung hindi... naku.

"Hindi ko alam. Hindi niya naman sinabi eh." Ngumiti siya. "May usapan kayo no? May surprise ba siya?"

Lanya! Lanya talaga! Ang tanga naman nitong taong `to! Hindi ko maatim na makita at marinig ang mga pinagsasabi niya. Para bang umaasa talaga siyang mahal na mahal siya ni Gianna kahit nangangaliwa naman yung isa. Argh!

"Wala naman. Ewan ko sa kanya." Umirap na lang ako dahil di ko mapigilan ang inis ko.

Lalagpasan ko na sana siya pero...

"Teka..."

Hinawakan niya ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya... nakangiti siya at hawak parin ang kamay ko. Tiningnan ko kung totoo ba talagang hawak niya nga ang kamay ko pero... nung nakita kong totoo nga, binitawan niya naman agad `to.

"Uh... Uhmm... Wala..."

Tinitigan ko siya... Para bang may gusto pa akong marinig sa kanya... pero wala naman pala talaga siyang sasabihin.

"Pumunta ka sa bahay bukas ng gabi ah? May kainan dun."
"O... Ok." Wala naman akong magagawa. Kasi baka pati mga magulang ko, pupunta din sa bahay nina Gab.
"O sige, pumasok ka na sa loob. Baka maabutan tayo ng madaling araw dito, ikaw pa ang unang makakagreet sakin..." Ngumisi siya.
"Huh? Ano naman ngayon? Bakit ayaw mo?!" Kainis talaga `tong si Gab.
Kinurot niya ang pisngi ko, "Loko lang!" Matamis na naman ang ngiti niya. "Grabe... ilang linggo tayong di masyadong nag-uusap, kung nag-uusap man... maraming istorbo. Na miss tuloy kita..."
"M-M-Miss?"
"Oo."

Nagkatinginan kaming dalawa.

Cel, ayan ka na naman... wa`g mo kasing bigyan ng meaning ang lahat ng yan!

"Miss na rin kita!" Yinakap ko siya.

Hindi ko alam kung nagnanakaw ba ako ng pagkakataon o ano... basta.

"Sige... pasok na ako sa loob. Advance happy birthday! MAg kita na lang tayo bukas."

Umalis ako ng hindi lumilingon sa kanya. Wala din siyang naging imik pagkatapos ng sinabi ko.

Tumatakbo ako pero unti-unting humina ang takbo ko nung malapit na ako sa pintuan ng bahay.

*Kriiiiing!*

"Hello?"

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto.

"Sinabi mo ba sa kanya?"
"Hindi..." Si Gianna ang tumatawag.
"Good!"
"Gianna... kelan mo sasabihin sa kanya? Di tama ang ginagawa mo eh."
"Ah basta... hindi ko pa alam... magulo pa ang isipan ko eh."
"Huh? Ano ka ba?! Masasaktan si Gab!"
"Hindi naman siya masasaktan kung hindi mo sasabihin diba?"
"Pero-"
"Sige na! Bye na! Chinicheck ko lang kung sinabi mo! Bye!"

Binaba niya naman ang cellphone.

Nauubusan na talaga ako ng pasensya kay Gianna. Ayaw ko rin namang sabihin kay Gab ang nangyayari kasi baka masira ang birthday niya. At higit sa lahat... ayaw ko siyang masaktan.



FIFTYFOUR
Celestine Herrera: good luck kay Gianna!






Naiinis ako sa sarili ko kaya hindi ako sumabay kay Gab papunta sa school. Naiinis ako dahil hindi ko matanggap na hindi ko talaga kayang sabihin kay Gabriel ang lahat ng alam ko. Inagahan ko na nga ang paggising ko para mauna ako sa kanya at hindi ko muna siya makausap sa mga oras na ito sa araw na ito.

Happy birthday, Gab! Sana masaya ang araw mo ngayon.

Kung ako ang makakapagpasaya sayo, sigurado akong sasaya ka talaga parati. Kaso hindi eh.

Umupo si Dexter sa harapan ko... may usapan kasi kaming magkikita sa cafeteria.

"May kainan daw kina Gab... invited ako."
"Oo eh. Buti naman inimbita ka niya."
"Oo nga eh. Akala ko hindi..."
Tumawa ako ng wala sa sarili, "Bakit nga naman hindi?"

Katahimikan.

"Bumati ka na ba?"
"Hindi pa eh."
"Bakit naman? Baka maunahan ka."
"Ayaw niya namang ako ang mauna."

Pasensya na... mejo nakikita na naman ulit ang nakakainis na parte ng pagkatao ko. Ganito lang siguro pag masyado kang maraming iniisip, ginagawa at sinasabi mo ang mga bagay-bagay nang hindi nag-iisip.

Tiningnan ni Dexter ang paligid ng cafeteria bago nagsalita ulit.

"Can you promise me something?"

Napatingin ako sa kanya.

"Ano?"
"Pasensya na, Cel. Hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko pero talagang nagpapakatanga ka na sa lalaking iyon-"
"Alam ko! Alam ko!" Sinabi ko ito ng may tonong parang naiirita. "Alam ko na yan. Alam ko na rin kung ano ang dapat kong gawin. At ginagawa ko na... proseso kasi ito... kaya..."

Napabuntong hininga si Dexter.

"Pasensya na. Gusto ko lang namang tuluyan mo na siyang makalimutan."

Naging mabilis ang araw na iyon. Sa dalawang klase namin ni Gab, wala siya. Absent. Hindi ko na lang inintindi, baka ayaw niyang pumasok kasi birthday niya. Kaya lang...

"Cel, asan si Gianna?" Tanong ni Jana sakin.
"Ewan. Bakit? Wala din ba siya?"
"Wala eh."
"Siguro magkasama sila ni Gab."

Nagkibit-balikat na lang kami ni Jana papuntang library.

Kahit na wala masyado kaming pinag-usapan tungkol kay Gab, siya lang ang laman ng isip ko. Kung bakit siya absent? Asan si Gianna? Magkasama ba sila? Anong ginagawa nila? Date ba?

Hanggang sa lumabas na kami ni Jana sa library.

"Anong regalo mo kay Gab?"
"Uhhh. Bracelet?"
Ngumisi siya, "Bracelet? Asussss. Korni mo naman! Bracelet pa... parang magjowa! Hmmmm. HAHAHA."
"Eh sa wala akong maisip eh. Korni ba? Ibibigay ko pa ba sa kanya?"
"Gaga! Syempre, ibigay mo na!-"

Bago pa madugtungan ni Jana ang sinasabi niya... nabulabog na kami dahil may isang babaeng nagmamadaling tumatakbo at sinagasaan pa kaming dalawa ni Jana.

Syempre... kilala ko kung sino iyon kaya kinabahan ako.

Sino yun? Si Gianna! Si Gianna na tumatakbo at umiiyak. Pulang-pula ang pisngi niya. Tumatakbo siya palabas ng school.

Nakatingin lahat ng tao sa pinangyarihan... at sa tinakbuhan ng pinsan ko. Si Gab. Kaya mas lalo akong kinabahan.

"Anong nangyari dun?" Yun ang bulongbulungan.

Seryoso ang mukha ni Gab. Hindi mukhang birthday niya, kundi mukhang biyernesanto. Nanginginig ang mga paa ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Gusto kong pumunta kay Gab at magtanong pero natatakot ako baka di niya ako sagutin.

"Cel... ano kaya ang nangyari?"

Nakatayo parin si Gab doon at parang walang balak na umalis. Wala siyang balak umalis hanggang sa lumapit ako.

"Gab, sandali..."

Naglalakad lang siya pero lakadtakbo ang ginawa ko para abutan siya.

"Anong nangyari?"
"WALA!" Parang kulog ang pagkakasabi niya.

Dumilim ang kalangitan... hindi lang dahil gumagabi na, kundi dahil mukhang uulan din.

"Gab? Anong wala?! Birthday mo ngayon-"
"Birthday?!"

Lalo siyang nagmadali sa paglalakad papunta sa sasakyan niya. Hinabol ko siya. Nang pumasok na siya sa sasakyan niya, hinampas niya ang manibela. Pumasok na rin ako dahil natatakot ako sa kung ano man ang binabalak niyang gawin.

"Gab, b-bakit?"

Seryoso parin ang mukha niya habang nakatulala sa manibela.

"May nangyari ba-"
"Mali ako eh!" Sabi niya.
"B-bakit?"
"Pero hindi mo naman ako masisisi! Leche!"

Nakikita ko sa mga mata niyang pinipigilan niya ang mga luha niya.

"B-Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?"
"Inakusahan ko siyang may ibang boyfriend!!!"
"Ha?"

Wala na akong naidugtong.

"Damn! Isang wrong send niya lang sakin... nakakainis talaga ako! Hindi ko man lang siya pina explain!"

Siya pa ang nagsisisi ngayon sa ginawa niya? Ganun ba niya talaga ka mahal ang pinsan ko?

Katahimikan lang ang umukupa sa loob ng sasakyan niya. Tulala siya habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan. Tinatanaw ko na lang sa bintana ang unti-unting pagbuhos ng ulan. Malalaki ang patak nito at halatang matagal huhupa.

Pinaandar niya ang sasakyan sa gitna ng ulan. Saan naman kaya siya pupunta? Saan kami pupunta? Mabilis ang pagpapatakbo niya at sinusuyod niya ang mga daanan.

"Hinahanap mo siya?" Tanong ko.
"Oo." Hindi parin nawawala ang inis sa boses niya.

Huminto siya sa isang kalye dahil masyado nang malakas ang ulan at wala nang masyadong nakikita sa labas.

"Kasalanan ko talaga `to!" Sabay sandal niya sa manibela.
"G-Gab... hindi naman siguro... b-bakit mo nga pala naisipang may ibang boyfriend siya?"
"Na wrong send siya sakin ng dapat para sa... ewan ko kung kanino. Tinanong ko lang naman siya kanina eh kasi nagtataka ako... Lecheng buhay `to oh! Sa birthday ko pa?"

Tapos? Ano? Inamin ba ni Gianna?

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko!!! Padalos-dalos ako kung mag-isip! Kaya ayan! Nawala tuloy siya sakin!"

May lumandas na luha sa pisngi niya. Pero agad niya naman `tong pinunasan.

Tinititigan ko siya habang pinupunasan niya ang sariling luha. Walangya talaga... kung pwede lang wa`g na lang siyang umiyak ng ganyan, nawawalan kasi ako ng lakas dito. Sana ako na lang ang minahal niya, hindi talaga siya luluha ng ganyan. Habang tumatagal kami dito, lalong tumataas ang tingin ko kay Gianna. Masyado siyang makapangyarihan kay Gabriel. Nakakainggit. Pero, mas nagagalit na ako ngayon. Kung haharap man yun sa akin ngayon, kakalimutan ko na talagang magpinsan kami at kakalbuhin ko na siya. Seryoso. Naiinis na ako ng sobra-sobra sa kanya! Sobra-sobra! Maaring di ko na magawang makipagplastikan sa kanya. Maaring di ko na maatim ang pagngiti sa harapan niya.

"Gab, kalimutan mo na lang muna yan. Diba may kainan sa bahay niyo ngayon? Baka hinahanap ka na."

Kinuha niya ang cellphone niya. Baka tiningnan niya kung may naghahanap ba sa kanya... pero... sana yun na lang ang ginawa niya.

"A-Ako na lang ang kakausap kay Gianna, kung gusto mo." Oo. Dahil gigil na gigil ako ngayon, baka magkasabunutan kaming dalawa. Wala akong sasantuhin dito. Basta itong BESTFRIEND ko na ang nasasaktan, wala ng kadugo akong kikilalanin.

Linagay niya ang cellphone niya sa tenga niya.

"Hello?"

Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ulit ang ulan. At hinawakan ko ang regalong ibibigay ko kay Gab.

"Gianna... I`m sorry."

Napatingin ako sa kanya habang mas lalo kong hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa regalo.

"Pasenya na`t napagbintangan kita... Alam kong di mo yun magagawa diba?"

OH MY! Anong hindi!?

"I`m sorry. Please..."

Sumulyap si Gabriel sa akin.

"Mag-isa lang ako. Asan ka? Pupuntahan kita."

Gusto kong magsalita laban kay Gianna, kaya lang halatang hindi ako papaniwalaan ni Gabriel. Ayaw ko ring masira ang birthday niya. Ayoko ring pangunahan si Gianna, kasi alam kong waal akong karapatan.

Binaba ni Gab ang cellphone niya at tiningnan ako.

"Kukunin mo siya? O-Okay na ba kayo?"
"I`ll try to fix things..."
"P-Para saan pa? I mean..."
"Kasalanan ko eh, hindi ako nagtiwala sa kanya."

Ilang saglit din akong di nagsalita.

"Ano? Kita na lang tayo sa bahay niyo. Susunduin mo pa siya diba?"
"Huh? Ah... Oo."
"Bababa na ako..." Sinubukan kong buksan ang pintuan ng sasakyan niya pero hinila niya ako.
"Pasensya ka na, Cel. Kailangan ko talaga siya eh. Kailangan kong makipag-ayos sa kanya para makauwi na..."

Tiningnan ko ulit ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Alam ko. Kaya nga nagvolunteer akong bumaba na diba?" Umuulan pa naman. Wala pa akong payong.
"Sorry... at salamat! Babalikan kita dito pagkahatid ko sa kanya sa bahay."
"Wa`g na..." Ngumiti ako.

Alam kong di niya rin naman ako babalikan eh. Baka hindi na siya papayagan ng mga magulang niyang umalis dahil marami na sigurong tao sa bahay nila.

Kinuha ko ang regalo ko sa kanya, "Happy birthday, Gab." at binigay.
"Salamat, Cel!" Tinanggap niya naman agad at linagay sa harapan.

Yinakap niya ako. Maginaw ngayon, pero nawala ang ginaw ko dahil sa yakap niya. At alam na alam ko na pagkatapos ng panandaliang yakap niya, giginawin ulit ako.

"Sige... good luck kay Gianna!" Ngumiti ako at lumabas. Tumakbo pa ako para sumilong sa waiting shed.

May sinigaw siya, peri hindi ko na narinig dahil sa lakas ng buhos ng ulan sa pagitan namin.

Kumaway na lang ako. I assumed he said goodbye. Umalis din naman siya agad pagkatapos kong kumaway.



FIFTYFIVE
Celestine Herrera: Nagsinungaling ka na naman ba?





Pinagmasdan ko ang paglayo ni Gab hanggang sa nawala na ito ng tuluyan sa paningin ko.

Lumalakas ang ulan... pero wala parin akong ginagawa dito. MAy cellphone naman ako, di naman lowbat pero wala akong planong buksan ito o tumawag ng kung sino. Gusto ko lang talagang maramdaman ang mga pangyayari ngayon.

Binuksan ko ang palad ko at sinalo ko ang ilang patak ng ulan sa labas ng waiting shed.

Ilang sandali ang nakalipas, mejo humupa ang ulan. Wala parin ako sa mood dumungaw sa cellphone o umuwi. Oo, wala ako sa mood umuwi. Alam ko na kung anong tatambad sa akin dun kung uuwi man ako. Sigurado akong maraming tao kina Gab, nandun na rin siguro ang teammates niya. At sigurado akong nandun na rin si Gianna. Siguro nagkabati na ang dalawa ngayon.

Nagsimula akong maglakad kahit umaambon pa. Umaambon? Hindi, talagang umuulan pa. May mga jeep na ring halos ipapasakay na ako dahil sa sitwasyon pero tumanggi ako.

Malapit-lapit na rin naman ang bahay namin dito eh. Mga ilang kanto lang siguro eh makakarating na ako sa entrance ng subdivision.

Linakad ko na kahit maginaw na at umaambon parin. Feeling ko magkakasakit ako bukas... pero hindi naman siguro ano? Malakas naman yata ako.

Syempre, kahit anong mangyari, makakarating at makakarating ako sa loob ng subdivision. Kahit anong bagyo pa ang dumating, pag pursigido kang umuwi, makakarating ka. Mabagal man ang lakad mo, maginaw man ang daanan, maraming temptations, at masama na ang pakiramdam mo, pag pursigido ka... kaya! Pagtapak ko sa street namin, saka tumigil ang ulan. Kasabay ng pagtigil ng ulan ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Feeling ko lalabas na ito sa kaba ko.

At dahil hindi naman talaga ako makakauwi kung hindi ako dadaan kina Gab, "Celestine!"

Wala pa ako sa sarili kaya di ko namalayang si Gab na pala yung nagmamadaling lumabas ng bahay at hinarap ako.

Halos madurog ako sa pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko.

"O, Gab-"
"Saan ka ba nagsu-susoot? Alam mo bang hinanap kita kanina? Halos tatlong oras kang hindi makontak! Alalang alala ako sayo! Pati mga magulang mo, alalang alala sayo! Halos mapatay ako ni Sky!"

Mejo nagkaroon na ako ng malay dahil sa sigaw niya.

"Cel!" Palabas na si Kuya sa sasakyan niya. Kakarating niya lang yata.
"Kuy-"
"Ikaw bata ka! Saan ka ba nagsususoot? Lam mo bang pinagtakpan pa kita kay mama at papa para lang hindi masira ang gabi nila? Sinabi ni Gab na wa`g kang umalis doon dahil susunduin ka lang niya, tapos umalis ka naman?"
"Ha?"

Sinabi niya ba yun?

Tumingin ako kay Gab at naramdaman ko ang... galit sa mga mata niya.

"Hindi ko narining eh!"

Napabuntong-hininga silang dalawa.

"Kahit di mo narinig, dapat alam mo na yun! Hindi naman kita hahayaang tumayo lang dun habang umuulan!" Galit talaga ang mga mata ni Gab sakin.
"O sige na! Tama na nga yan... ang importante, nakauwi yan ng safe dito. Kung hindi, lagot ka talaga sakin Gab! Cel, pumasok ka na dun sa loob, kumain ka na at magpakita kina mama at papa." Tapos umalis si Kuya kasama ang mga kaibigan niyang mukhang galing din kina Gab.

Kaming dalawa na lang ni Gabriel ang nasa labas ngayon... wala akong ganang kumain pero alam kong kailangan kong magpakita kina mama at papa.

"Papasok muna ak-" Lalagpasan ko sana siya pero pinigilan niya ako.
"Nakakainis ka!" Sabi niya. "Pinag-alala mo ako!"
"Sorry. Kasalanan ko, hindi kita narinig." Sinabi ko ito ng parang walang gana. "Papasukin mo na ako sa loob, mas nag-aalala si mama at papa."
"Magbihis ka muna sa bahay niyo..."
"Huh?"
"Nabasa ka sa ulan diba? Naglakad ka ba papunta dito?"

Hindi ako nagsalita.

"Ba't ka naglakad? May taxi naman, may jeep!"
"Eh sa gusto ko eh."
"Magkakasakit ka niyan!" Umiling siya. "Lika na nga sa bahay niyo... mag bihis ka dun, saka tayo bumalik sa bahay!" Hinila niya ako patungo sa bahay namin.

"Gab!" May sumigaw galing sa likuran... at syempre, kilala ko yun! Si Gianna!

Tumigil si Gab sa paglalakad at binitiwan ang kamay ko.

"Hinahanap ka ng mga kaibigan mo sa loob, nandito ka lang pala!" Tapos tumingin si Gianna sakin. "Oi, Celestine! Saan ka ba galing?" Nakangiti siya habang naglakad papunta samin ni Gab.
"Ahh-"
"Kanina ka pa namin hinihintay eh... alalang alala sayo si Kuya Sky."
"Oo. Sorry."

"Gab! Pare! Happy birthday!" Sabi nung iba pang mga kaibigan ni Gabriel na kararating lang.
"Oi!" Kumaway siya pero hindi niya linapitan.
"Gab, lapitan mo kaya sila?" Sabi ni Gianna.
"Mamaya na... sasamahan ko muna si Cel sa bahay nila..."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Gianna. Nagkasalubong ang kilay niya habang tinitingnan si Gab.

"Ha? Bakit?"
"Ayaw magbihis eh, basang-basa..."
"Ha?" Hinawakan ni Gianna ang damit ko. "Di naman ah?"
"Hindi na... natuyo na kasi. Kaya nga-"
"O sige sige... ako na lang maghahatid sa kanya sa bahay niya tapos sabay kaming babalik sa inyo. Puntahan mo na sila dun!"
"Ha?"

O sige na Gab! Tama na yan... bumigay ka na kay Gianna.

"Wa`g na Gianna, hintayin mo na lang muna ako sa bahay. Maiintindihan naman siguro ng mga kaibigan ko kung sasabihin ko sa kanila."

Natahimik si Gianna. Ako tuloy ang parang gustong sumingit sa pagsasalita ni Gabriel.

"Lika na, Cel!"

Iniwan namin si Gianna dun habang papunta kami ni Gab sa bahay.

"Gab, di mo naman kailangang samahan pa ako eh. Kaya ko naman." Sabi ko.

Hindi siya nagsalita.

"Iniwan mo si Gianna dun, baka magkagalit ulit kayo... kababati niyo lang diba?"

Hindi siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

"Magbihis ka na." Sabi niya habang umuupo sa sofa ng sala namin.

Dumiretso na lang ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay.

Bumalik ako sa sala at andun parin siya nakaupo. Ngumiti siya nung nakita ako.

"Bakit?"

Umiling siya.

Bakit naman yun nakangiti? May dumi sa mukha ko? O baka naman kasi pambahay ang soot ko? Magbibihis sana ako ulit pero...

"Tayo na sa bahay."
"P-Pero... okay lang ba `to?"
"Okay lang yan!"

Natigilan lang ako habang nakatingin siya sakin.

"Lika na!" Tapos hinila niya ulit ako palabas ng bahay.

Minsan gusto kong magreklamo sa kanya. Gusto kong sabihing nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. Gusto kong malaman niyang nalilito ako sa tuwing mabait siya sakin, sa tuwing feeling ko mahal niya rin ako, naguguluhan ako. Kaya lang... gusto ko mang malaman niya ang mga ito, ayoko namang tumigil siya sa pagiging ganyan.

Dumating kami sa bahay nila at agad naman siyang nawala sa tabi ko. May inasikasong mga kaibigan. Nakita ko doon sina Dexter at ang buong team. Pero una kong pinuntahan sina mama at papa, bago ako pumunta kina Dexter.

Pagkatapos kong kumain at nakipagkwentuhan sa nag aalalang sina Dexter at Jana, nakita ko si Gianna.

"Gianna!" Tumayo ako at iniwan muna sina Jana, Dexter at ang team.
"Oh, Cel! Bakit?!"

Hinila ko siya palabas ng bahay nina Gab.

"Paano mo nalusutan si Gab?"

Nakangiti siya sa mga taong nakasalubong namin habang hinihila ko siya dun sa walang tao. Minsan ang sarap sapakin ni Gianna. Sayang at pinsan ko siya.

"Nagsinungaling ka na naman ba?"
"Hindi no! Of course, hindi. Wala na kami ni Dino... kaya wala nang sabit."
"Ano? Tapos? Sinabi mo sa kanyang kayo ni Dino habang kayo ni Gab?"
"Hindi! Ano ka ba? Ba`t ko naman yun sasabihin? Ano ako, tanga?"

Umiling siya.

"Tsaka, wa`g mong sabihin sa kanya ah? Tsk... wa`g kang makealam saming dalawa, okay? Pasok na nga ako sa loob, ano bang ginagawa natin dito?"

Umalis siya habang umiiling.

Yeah, right. Siguro mali ang pagiging pakealamera ko sa kanilang dalawa. Pero anong magagawa ko, concern ako eh.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText