<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Chapter 20 Let Me Share Your Pain


Chapter 20 Let Me Share Your Pain




Jini Punzalan: Hindi po ako yun!


"Bakit sya andito?"
Narinig ko yun kahit naka-upo ako sa sand na parang bata at gumuguhit ng heart gamit ang kamay ko. >.< Sabi na nga bang hindi ako welcome dito eh.

Hindi nga kami sumabay sa ibang taga Camera Club eh, FOR SHORT, nag punta kami ni JR dito na kami lang dalawa.

"Girlfriend ko sya eh!" Sabi ni JR kay Hayley! As if hindi ko narinig.
I'm crossing the line na pala, I'm in love with JR na kasi. GRRR... >.< If this continues talo na ako. Ang pasaporte ko sa pagiging hindi-ma-away ay ang 'Girlfriend ko sya eh'. Napakaswerte ko para protektahan ni JR. Pero mas maswerte ako kung mamahalin nya. LOL. Hindi naman ako mamahalin nun diba? He is a playboy. SIMPLY IMPOSSIBLE. Kahit na minsan na-ki-carried away ako sa dating at mga PAMBOBOLA nya, dapat hindi nya ako mahalata! Kung mahahalata nya ako, iinisin at pagtatawanan nya lang ako. :'(

"Jini! Mabuti at sumama ka!" Lumingon ako at si King pala.
"Huh? Thanks King!"
"Jini! Tumayo ka nga dyan!" Lumingon ako at nakita ko si JR na nasa loob ng pockets ang mga kamay.

Bigla syang naglakad papalayo. Papunta ata sa First Class na Hotel sa kanilang resort kung saan sya namumugad noong naBASAG ko ang ulo nya. Tumayo na rin ako agad at tiningnan muna ang ibang taga Camera Club. Si Hayley, King at Kenjie lang naman ang tumitingin sakin eh. Yung iba, nagpi-picture-picture na. Yung iba naman, naglakad na rin patungo dun sa Hotel.

"JR, teka!" Bago ko sinabi yan at hinabol si JR ay tumingin muna ako kay Kenjie. WALA NA TALAGA AKONG NARARAMDAMAN SA KANYA! This is BAD. BAD kasi ibig sabihin lang nun ay...SI JR NA TALAGA.

Hiningal ako sa paghahabol kay JR. Nakarating na kami dun sa the same room kung saan ko sya pinakain ng iPod - este - noodles. Well, umupo sya sa sofa at sinandal nya ang kanyang ulo. Ako naman, nakatayo lang sa left side nya.
"Ano?"
"Dito ka ba ma-?"
"Dito."
"Kung ganun!" Tinuro ko ang pintuan.
"Dito ka rin!"
"HAAA?" Eh? Dito rin ako?
"Oo naman no! Fully booked na ang first class na hotel ngayon, kung gusto mo, dun ka na lang sa HINDI first class na hotel. Dagdag pa yun sa bayad mo!"
"HA? Panu? Ano?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Wag ka ngang matakot dyan! Hindi naman kita pagsasamantalahan eh!" Tumayo sya at nag shower.

Napaupo ako sa sofa. Kung ganun? Kami lang dalawa ang matutulog dito mamayang gabi? WOWWW. Ay ano ba yan! Kung anu-anong malalaswang bagay ang pumapasok sa kokote ko! WAAAAH. This can't be happening. :( Kahit na isang gabi lang naman talaga kami dito, kahit na may araw pa naman at masyado pang maaga para isipin ang GABI, may ISANG GABI parin na matutulog kami sa iisang kwarto. >:( Lumapit ako sa banyo at naririnig ko ang lakas ng buhos ng shower.

"JR!?"
"O!?"
"Lalabas muna ako ah!?" Tumigil ang ingay ng shower at lumabas sya. Nakito ko ang kanyang KATAWAN. :P HAHAHA. Naka tuwalya lang sya ay ang basa-basa pa ng buhok nya.

Agad akong tumalikod.

"Ano ba?"
"Ano?"
"La-lalabas ako."
Tumawa sya. >:D "Ano ka ba? Para na mang hindi ka pa nakakita ng katawan ng lalaki ah! May dalawang kuya ka diba?"
"HE! Simula nung teenager na ako, wala na sila dito kaya...-" Unti-unti akong humarap sa kanya. Nakaharap sya sakin 1meter away at naka cross and arms. >:D with his EVIL SMILE.

Napapikit ako ng bahagya at tumingin sa sahig. I'm cool, I'm relaxed! I'm fine. WAAAH.
"Asus! Nahihiya ka pa huh!?" Unti-unti syang lumapit sakin.
"Oi JR! Wag huh? Wag ka ngang ganyan!?" Tumalikod ulit ako.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!"

Hindi ko naman sya naramdamang nasa malapit eh. Tumakbo na lang ako papalabas ng kwarto at agad sinarado ang pintuan!
Napahinga ako ng malalim. *SIGH* Muntikan na ako dun ah!!!!

"Miss. Ikaw yung?" Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko yung isa sa mga body guard na humahabol sakin noon.
"Yung---- Yung---- RAPE-?"
"Rape?"
Oo. Rape! Nung sumigaw ako na rinirape ako ni JR! EEEEEEEEEY. Andyan ka pala Kenjie! WAAAAH.
"Ma-ma-manong. Este, sir, este ano, Hindi po ako yun! Baka nagkakamali ka po! Uhm. Sige po! BABAY!" Agad akong umalis sa harapan nung guard na yun. Lintik na buhay, andyan pa si Kenjie habang sinabi nung mamang guard na RAPE. NAKUUUU!

"Jini?"
"HA?" Lumingon ako sa likuran. Hindi ko pala namalayan na sinusundan ako ni Kenjie.


---

Kenjie Chua: JR Te, imposible


"Kenjie Chua, right?" Sabi yun ni King Alvarez sakin na para bang ngayon lang kami nagkakilala.
"O-Oo!"
"HMMM..." Tumango tango sya habang humiga sa kama.

May dalawang kama dito sa room namin. Tama! Kaming dalawa ang magkasama. Marami kaming mga taga CC dito pero tig-da-dalawa lang kada isang room. Kung tutuusin, masyadong malaki ang room para sa dalawang tao lang. Tsaka hindi din pwedeng babae-lalaki ang nasa room. Well, in exception sa mga authorized persons like JR TE! And since fully booked na ang Hotel na ito, mukhang... GRRR...

Napa suntok ako sa dingding.
"Bakit?"
"Ha-ha? Wala." I'm worried for Jini.

"HAAAAY." Napahinga sya ng malalim habang humihikab. "How does it feel?" Linagay nya ang kamay nya sa ulo nya.

Kahit na isang gabi lang kami dito... hindi ko parin lubos maisip na Jini and his BF (na si JR TE PAH!) ay nasa isang room.

"HUH?"
"How does it feel to be the boyfriend of Jini, I mean. :) "
"Ha? UH." Bakit nya naman na tanong?
"Hindi ko maintindihan kung bakit mo sya nagawang iwan. :( " Hindi ko nga rin maintindihan eh.
"I will get her back."
"Pero, sa pinsan ko? It will be very impossible. UNLESS kung hindi mahal ni Jini si JR."

Pareho kaming napahinga ng malalim.
Hindi ko lubos maisip na nag-uusap kami ngayon, ni hindi ko nga sya tinitingnan sa mata kahit na magkapareho kami ng club eh.

~~~Brokeback! LOL. :D

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!"

Si Jini yun ah!?! Nasa tabing room lang ata namin sya. Tiningnan ko si King, pero natutulog na pala sya!

Agad akong lumabas sa room namin at naabutan ko si Jining humihingal habang nakasandal sa pinto ng room nila ni JR. Lalapitan ko na sana sya pero...
"Miss. Ikaw yung?" May sumulpot na guard ata o nasa maintainane unit ng hotel na to?
"Yung---- Yung---- RAPE-?"
"Rape?" Anong rape ang sinasabi?
"Ma-ma-manong. Este, sir, este ano, Hindi po ako yun! Baka nagkakamali ka po! Uhm. Sige po! BABAY!" Kumaripas sa takbo si Jini.

Sinundan ko sya, hindi nya ata ako napansin at mukhang may malalim na iniisip.

"Jini?"
"HA?" Lumingon sya. Nabigla ko ata.

Nagpunta kami dun sa place na may stairs na nakaharap sa beach.

"Anong rape?"
"Ri-ri-rape? Ah- Ah wala yun!" Hindi sya mapakali.
"UHUH. Ayos ka lang ba?"
Tiningnan nya ako.
"I mean, kayo lang dalawa ni JR sa iisang kwarto ah? Okay lang ba yun sayo?"
"HUH? Wala naman kaming gagawing masama eh, matutulog lang naman kami."
"Pero sa PLAYBOY na si JR Te, imposible."
"Pero sa BABAENG si Jini, posible."

Nanahimik kaming dalawa. Yeah! I trust her, kaya lang babae sya, lalaki si JR, BOYFRIEND nya si JR. ARGH. >:(

"Alam mo Kenj. Don't worry about me okay? Tsaka hindi naman ganun si JR kahit playboy yun!"
"Huh? Panu mo naman na sabi? Ilang years na ba kayo nagkakilala? This semester lang ata kayo nagkakilala eh!?"
"HUH? I've known him since grade 1!"
Grade 1? ANONG KALOKOHAN to? "Grade one?"
"Yeah! Classmates kami nung grade 1 up to grade 5."
Talaga? Hindi ko alam yun ah! OH GREAT! :(
"Ang alam ko, dinala sya ni Tita sa America pagka grade 6 namin kaya ayun."
Tita? Mama ba ni JR? OHW. So maybe she have met his mom!
"Kaya ayun, actually hindi ko sya nakilala nung una. Ang taba nya kasi noon tsaka may nerdy glasses pa!!! KAKATUWA NO? DESTINY?"
"Huh? AHHH." Destiny. Kinikilig sya sa mga sinasabi nya. Hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang lahat! ARGH.

"Ang saya no?" Napaka innocente ng mga tingin nya. Kung naiisip ko yung mga mata ni JR na napaka-HINDI-INOSENTE mas lalo lang akong nagagalit sa sarili ko. why did I let her fall for that FCUKING GUY at the first place?

Tumingin na lang ako sa dagat. I don't wanna ask further about JR Te. Malakas pala ang alon ngayon. TSSSK. Perfect for surfing?


---


Hayley Anderson: Bakit kailangan


Papunta sana ako ng beach nung narinig kong...
"Alam mo Kenj. Don't worry about me okay? Tsaka hindi naman ganun si JR kahit playboy yun!"
"Huh? Panu mo naman na sabi? Ilang years na ba kayo nagkakilala? This semester lang ata kayo nagkakilala eh!?"

Nagtago ako. Si Kenjie at Jini pala yung nag-uusap.

"HUH? I've known him since grade 1!"
"Grade one?"
"Yeah! Classmates kami nung grade 1 up to grade 5."

Umalis ako at bumalik ako sa room namin. Kung ganun? Since grade one pa pala sila magkakilala ni JR? TSSSK.
"Oi Hayley! Nakita mo ba yung sunblock ko?"

Napatingin ako kay Tanya. Magkasama kami sa iisang room. "Huh? Hindi eh!"
Umalis agad ako at nagpunta sa room ni JR.

I knocked.
Bumakas naman agad ang pinto.
"JR! Uhm..." Tumingin ako sa gilid nya at nakita ko ang surf board nya. Matagal-tagal ko na rin syang hindi nakita na nakahawak ng surfboard. "Mag su-surf ka?"
"Oo, malakas ang alon eh. :) "
"Pero diba?"
"-ano ngayon?... Bakit ka nga pala andito?"
Napakamot ako sa ulo ko.

"Si Jini... Magkaibigan na pala kayo since grade 1?"
"Oo? Saan mo naman yan narinig?" Naglakad papaalis si JR kaya sinundan ko sya.
"Kay Jini."
"UHH."
"I accidentaly heard it. Nag-uusap kasi sila ni Kenjie eh."

Tumigil sya sa paglalakad.
"Asan sila?"
"Sa front ng Hotel. Sa labas."

Nagpatuloy sya sa paglalakad at mas mabilis pa.
"JR, sandali!"
"What?"
"Bakit kailangan mo pang mag surf ngayon? Diba hindi ka na pinapayagan?"
"Talaga? I don't care. I wanna show my girlfriend my REAL hobby!"

Umalis sya. Naiwan ako dito. That Jini na naman. GRRRR... Nakakainis na talaga! I'm here na nga para bantayan si JR sa kanyang mga gagawin, tapos yung girlfriend nya naman pala ang magpapahamak. ARGH.

Is it possible that Joshua really in love with that girl? AHHHH. I need to tell his father about this. >:(


---


Joshua Rian Te: magagandang babae


"Bakit kailangan mo pang mag surf ngayon? Diba hindi ka na pinapayagan?"
"Talaga? I don't care. I wanna show my girlfriend my REAL hobby!"

I won't be like my brother. Bakit ba kailangan pang pagbawalan akong mag surf? Porke ba't magkapareho kami ng hobby ni Kuya eh, magkapareho din kami ng kapalaran? UNREASONABLE. Hindi naman ako mamamatay tulad nya eh. Why do I always get compared to him? Kahit magkapareho kami ng mukha? Magkapareho kami ng hobby? Hindi naman kami magkapareho ng ugali eh.

Nakikita ko si Jini at Kenjie.

"Jini! Asan na ba yung bikini mo?" >:D
"Huh?" Nalaglag ang panga nya.
"Wala diba? Hindi mo ba dinala o--?"
"Ano? Hi-hindi naman ako mags-swimming eh!"
"Hindi pwede!"

Tiningnan ko si Kenjie. Kay Jini naman sya nakatingin. Si Jini naman, parang naasiwa.

"Sige, sige, bumili ka na lang dun!" Itinuro ko yung souvenir store sa loob ng first class hotel.
"Ha? Bakit ba kailangan pa? Hindi naman ako."
"BUMILI KA SABI EH!"

Tiningnan ako ni Kenjie, nagulat ata sya sa inasal ko.

"Para saan nga kasi? TSSK." Kinamot ni Jini ang kanyang ulo. "Tsaka, wala naman akong pera eh."
"Edi, sabihin mo, i-charge sakin!"
"Naman oh!!!"

Biglang nagpakita si Tanya. PHEWWW. HOT girl. >:D Naka bikini na kasi sya.

"Oh Jini! Ba't di ka pa nagpapalit?"
"Huh?? EHHH?" Napakamot ulit sa ulo si Jini.
"Ano ba?! Bumili ka na dun."
"Ang totoo, hindi pa kasi ako nakakapag soot ng bikini eh."

Ang labo naman nya. Ano? HAHAHA. >:D napatawa kaming dalawa ni Tanya.

"JR, wag mo na lang syang pilitin!"

Oo nga naman, ba't ko ba sya pinipilit? Napahinga ako ng malalim. Napayuko si Jini. HAAAI naku, ang hirap naman kapag napaka inosente ng girlfriend mo no?! TSSSK. Pero noon, ako yung inosente saming dalawa habang binu-bully nya ako. Tiningnan nya ang surfboard ko.

"O sya sige. Hindi na lang kita pipilitin!" Ginulo ko ang buhok nya.
"A-ano yan? Mag-susurf ka ngayon?" Ngumiti sya at parang nagiging excited.
"Hindi muna, mamaya na pag malakas na talaga ang alon!"
"Ehh, mapanganib yan ah!"
"MAPANGANIB? HAHAHA >:D "

Naglakad ako papalayo sa kanila.
5, 4, 3, 2, 1... "JR! Saan ka pupunta?" Kitamz? Alam ko talaga na tatawagin nya ako, kaya nothing to worry kapag mag-wo-walk out ako. It's either, tatawagin nya ako, o susundan. >:D
"Dyan lang sa tabi-tabi. Maghahanap ng mga magagandang babae!"
"A-a-anong sabi mo?"
HAHAHA. Naging hysterical agad sya.
"A-Anong magandang babae!"
"Syempre. Yung mga, nakaBIKINI! HAAAAY, ang sarap ng buhay."
"ABAAAAAAAAAAH! HOOOOY! ARGGHHH. Hindi ako mags-swimming dyan sa dagat noh! Sa pool lang ako."
"Hindi pwedeng mag swimming sa pool kapag hindi nakabikini!"
"Edi, bibili ako?"
HAHAHA. >:D "OWS?"

Lumingon ako sa kanila!
Nakita ko si Jining nanggigigil ang mga kamay at tumatakbo patungo sakin. "IKAAAWWW. MANYAAAAAK!!!"
Tumakbo na rin ako. HAHAHA.. >:D

Si Tanya at Kenjie naman, nanonood lang samin. :)


---


Jini Punzalan: Saan sya pumunta?


ARGGHHH. Napilitan akong bumili ng two piece na BIKINI. PUCCCCHAAA naman oh! CONSERVATIVE type ako kaya hindi ako dapat nagso-soot ng mga sooting katulad nito! Kung hindi lang dahil doon sa ABS, este mga sinabi ni JR. HUHUHU. Ayokong mag swimming! Hindi naman ako marunong lumangoy.

Andito parin ako sa stairs, nawala na si Kenjie, Tanya, at JR. Asan na nga pala yung bakulaw na yun? Naghanap na kaya yun ng mga HOOOOT GIRLS~? O di kaya, may ka date na yun ngayon? Tsaka? si Hayley? Asan sya? Baka nag date na rin sila ni JR?
Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko. BOOBS - kulang, behind - kulang. HAHAHA. LOKALOKA na ata ako. Feeling ko I'm barenaked! Wish I could flow away to some other day! HAAAY. Umupo ulit ako sa stairs.

"HAAAAAAAAY! Ang sarap ng tulog ko!" Si King. Naman oh, sya yung unang makakakita sakin na naka-bikini. HAAAY.
"King! Ikaw pala!"
"Jini! Nakabihis ka na pala? Bagay sayo ang bikini mo ah!" Humikab ulit sya. Hindi man lang ba sya na amaze sakin? HEEE.HEHEHE. Hindi naman sya manyak tulad nung isang yun eh. GRRR...
"Ang init naman ngayon. Tsaka ang lakas ng alon!"
"Oo nga!"

Tumingin ako sa dagat at huminga ng malalim. May nakita akong helicopter. Napailing ako.

"TEKA, bakit? Si Tito?"
"HA?"

Tiningnan din ni King ang Helicopter.

"Dumating ang Papa ni JR!"
"Ganun?" Bakit parang kinakabahan si King?
"A-asan si JR?"
"Huh? Ang sabi nya maghahanap sya ng magagandang babae."

Nagtagpo ang dalawang kilay ni King.

"Wala ba syang sinabing iba?"
"Sabi nya, magsusurfing daw sya!"
"HA?" Nanlaki ang mga mata ni King.
"Bakit?" May hindi ata ako nalalaman ah!
Napaupo si King sa tabi ko. "Si JR! Hindi sya pinapayagang mag surf dahil sa kanyang kuya!"
"Anoooo?"
"Dalawang beses na tong nangyari. Eto ang pangatlo. Una, doon sa America, gusto nya talaga kasing mag surfing. Pero sa tuwing naghihintay sya sa alon, laging dadating ang papa nya para pigilan sya!"
"Bakit?"
"Namatay kasi yung kuya nya dahil na lunod eh!"
"HAAAA?"
"Sigurado akong papagalitan na naman sya ng kanyang papa. TSSSK."

Hindi ko alam yun ah! Mukhang... kasalanan ko to?! Gusto ko kasing malaman ang mga hilig nya. Pero, hindi naman siguro. Pero, nag-aalala na ako kay JR. Asan na ba sya?! ARGH...

"Baka pinatawag na yun ngayon! TSSSK."

Tumingin ako kay King, at umalis.

"Jini!"
"Hahanapin ko lang sya!"

Hinanap ko sya ng hinanap.
UGH, ganito ba talaga pag first time ka mag soot ng bikini? Pinagtitinginan ka ng mga tao? TSSSSK.

"Jini!"
"JR!?" Pag lingon ko, si Kenjie pala!
"Ang ganda mo ah!" Hinihingal na ako. TSSSK.
"Thanks! Asan si JR?"
"HUH? May sumundo sa kanyang body guard kanina!"
"HA? Saan sya pumunta?"
"Sa hotel ata!?"
"Wow Jini, I never thought you have that body!" NOOOO! Tanya, wag mo akong bilugin ngayon! I'm busy!

Tumakbo ako pabalik sa hotel at nagpunta sa room namin ni JR.

Bahagyang bukas ang pintuan, at may tao sa loob. Sumilip ako.

Si Hayley.
Ang Mama ni JR.
May lalaki beside sa Mama ni JR. Papa nya ata.
At si JR.

Tahimik. :'(



---


Joshua Rian Te: napaiyak kita


Naman oh! Hindi ko na naman magawa! Si Hayley talaga! GRRRR...
"Joshua! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mahinahon sa Papa.
"Pa, malaki na po ako!"
"Tito! Pasensya na po sa abala!"
"Hija! Mabuti na lang at sinabi mo sakin!"
"Excuse me po!" Umalis si Hayley...

"DO I REALLY NEED TO COME HERE JUST TO REMIND YOU THAT YOU ARE NOT ALLOWED TO SURF?" Ayan, mataas na ang boses ni Papa.
"C'mon, you always do that whenever you see me holding a surfboard."
"ANO KA BA? Can't you just live your life without that attitude? You are always causing trouble! Why do you have to be in that extreme sport? MAG SOCCER, BASKETBALL o KAHIT ano ka na! Wag lang yan!"
Tumahimik na lang ako. Si Mama din kasi tahimik.
"Bakit di mo gayahin si King?"

Napailing ako. Bakit lagi na lang akong kailangang manggaya? Nung buhay pa si kuya, gagayahin ko daw si kuya. Ginaya ko sya! At ngayong patay na sya, si King naman ang ipinapagaya sakin!?

"Joshua, I heard that you are doing that for your girlfriend? Gisto mo lang bang magpasikat? Mag soccer ka na lang kung gusto mo lang magpasikat!"
Napailing ako kay Mama. She knows that I have a girlfriend now? She knows?
"Sino ba yung girlfriend mo? Is she that important that you want to show your real interest?"
"Joshua! YOU NEED TO LET GO OF YOUR SPORTS! Lubayan mo na rin ang mga fraternities mo! TUMINO KA NAMAN SANA? WHY ARE YOU ACTING LIKE A SPOILED BRAT?"
Spoiled brat? ARGH. Oo nga! Hindi ako matino! GRRRR...

"WHY DON'T YOU JUST CONCENTRATE ON YOUR STUDIES! TAGAPAGMANA KA NG COMPANYA! DON'T DATE MANY GIRLS! Panu na lang kung may mabuntis ka sa kanila? At yung mga hindi pa karapat-dapat ang mabuntis mo?"
FCUK. Why is he like that? Ganyan na ba talaga ang tingin nya sakin? why does he have to tell those to me? And what does 'hindi karapatdapat mean'? ARGH. He is pissing me. Lagi na lang ganito. Everytime we meet, ganito lagi. Napapagalitan lagi ako. GODDAMNIT! I don't want anybody to take over my life! Ano ako, robot? DAMNIT! I'm reaching the boiling point of my patience.

Tumayo si Papa. At inayos nya ang kanyang suit.

"I need to go back! DON'T YOU EVER RIDE WITH THAT BOARD AGAIN!"
"Bakit ba?"
"YOU ARE TALKING BACK?"
"Of course I am! Malaki na ako and I know what's right and wrong!"
Lumapit si Mama sakin at pinigilan akong magsalita.
"YOU KNOW WHATS RIGHT AND WRONG? Tell me? Ang pagsuway ba sa utos ko ay tama o mali?"
"Pa, DON'T TRY TO BOX ME!"
"I'm not BOXING YOU! I'm guiding you!" This time, todo-todo na ang panggigigil ni Papa. GRRR...
"JR stop it, your dad just wanted to protect you!"
"I CAN PROTECT MYSELF!" Mejo pumiyok ang boses ko dahil mukhang tutulo na ata ang luha ko. ARGH. Why does it have to be like this? :'( Ang kapal ng mukha ni Papa! Hindi naman sya laging nandyan pero nagmamarunong sya! FCUK.
"TUMINO KA NAMAN PLEASE?" Humina ang boses ni Papa.
"If you think na hindi ako matino, why don't you just try to live with me? Watch me grow? See HOW MUCH I'VE GROWN?"
"YOU ARE VERY CHILDISH!"
"Don't you ever try to compare me to any body again! My brother and I are different individuals. And I tell you, I'm stronger than him! Kung ayaw mong mawalan ako ng respeto sayo, please, stop talking about something that you don't even know, PA!"

SH!T! I need to get outta here because I can't hold back my tears. Naiinis na talaga ako kay Papa! Simula na lang nung namatay si Kuya ganyan na talaga sya sakn. Si Kuya ang dapat na tagapagmana ng companya, pero namatay sya! And now, ako naman. Pero masyado naman ata syang mahigpit! SHIIIIIIIIIIITT!

I left them breathless. Wala silang masabi sa mga sinabi ko.
Pagdating ko sa door, my tears fell. Buti na lang at hindi nakita nina Mama at Papa, sinabi ko pa naman na I'm strong!

Si Jini! Nandito pala si Jini sa likod ng door. Umiiyak sya.

Oh well, she heard everything? We are both crying na! TSSSK.

She hugged me. :'(

Pumunta kami dun sa stairs. The sun is setting na pala. :'(

"HUHUHU..." Hinihingal sya sa pag-iyak. Ako naman, parang hindi ko na masyadong dinibdib. Lagi naman ganu eh, pero ngayon lang talaga ako nag fight back.
Nakakatawa naman tong isang to o! Grabe yung hingal nya dahil sa pag-iyak. Umalis na nga pala si Mama at Papa, bumalik ata sa trabaho.

Si Jini, steady lang na nakaupo sa isang step ng stairs. Ako naman nasa likuran nya. I don't know what to say! Bakit nga pala sya umiiyak? masyado bang madrama kami ni Papa?

HALAAAA! Naka bikini na pala sya! Ngayon ko lang nakita! ESTE - Ngayon ko lang napansin. TSSSK.

I HUGGED HER FROM THE BACK.

Nakaswimming trunks lang ako kaya my whole upper extremities is touching her back. My arms is wrapped around her. I can't believe na napaSOOT ko sya ng ganyan. Nabigla ko ata sya kasi naramdaman kong tumigil sya sa paghinga.

I whispered. "Shhh... Stop crying. Ang ganda mo pa naman ngayon!"
Hindi sya makagalaw. Parang natigilan ata sya.

My lips is nearly touching her ear. Bakit parang ayaw ko na syang bitiwan? I HUGGED HER TIGHTER.
I WANNA FEEL HER COMFORT. I LAID MY HEAD ON HER SHOULDER.

"Sorry kung napaiyak kita!" I LAID MY EYES ON HER SHOULDER. Hindi parin sya gumagalaw. And I'm still hugging her. The sun is setting down, nakaharap naman kasi kami sa sea.

~~~watta perpek moment ho! Sana may ganung moment ako with ganung-boyfriend din? Nakakatuloy laway. LOL

"JR" Humihingal sya kada sabi nya sa salita. "Bakit hindi mo sinabi sakin na hindi ka pala pwedeng mag surf? I don't wanna see you get hurt!" Humihingal parin.
"Sorry! Sorry! Sorry! Sorry! Sorry! Sorry! Sabi ni Tita you are doing it for your girl! Sorry Sorry! Sorry! Sorry!" Paulit-ulit nyang sinabi yun habang umiiyak. Napaiyak na tuloy ako. She felt so guilty about it. Narinig nga siguro nya ang lahat!?
"Sorry! Sorry! Sorry! Sorry!" Patuloy parin sya sa kanyang pagsosorry! Mas lalo lang tuloy akong umiyak. JINI NAMAN EH! Buti na lang at hindi nya siguro nakikita kasi nakasandal ako sa kanya. "Ano ba ang gagawin ko? Ano ang pwede kong gawin para sayo?"
Umiiyak parin sya. Please comfort me, Jini. Pero, simpleng ganito lang, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi pa ako nakita ng kahit na sinong umiyak. Kahit nung namatay si Kuya, hindi ako nagpakita ng luha sa harap ng ibang tao. Even with my mom and dad. WALA PANG NAKAKAKITA SAKING UMIYAK - NOT UNTIL NOW!

"Kung ganun?! Please depend on me!" DEPEND ON ME? "I'll comfort you! Kasalanan ko ang lahat! Don't worry! Baka, gusto lang talaga ng papa mong protektahan ka. Kaso, mali nga lang ang ginagawa nya."
Humarap sya sakin and she hugged me. My head is in her chest. TONG BABAENG TO, Hindi man lang nag-iisip! Ano kaya ang level ng IQ nya? O baka naman mas mataas ang EQ sa IQ nya? Buti na lang ako ang lalaki, kung hindi, naku!!! TSSK. Napaka careless talaga. HMPPF.
"Hindi ko alam na ganyan pala ka komplikado." Sinasabi nya yun habang hinplos ang buhok ko.

Sige na nga lang, I'll just treasure this moment. :)


---


Jini Punzalan: Susundan ko lang si JR


OHHHHHMYYYYYGOOOOOOD. Yun naman siguro talaga ang ini-expect ng marami na magiging reaction ko sa pag yakap ni JR sakin. WAAAAAAAAAH. His SEEEXY ABS touched my SEEEXY BACK! EHEM-EHEM-napakamanyak ko naman oh! Di porke't boyfriend ko sya (di naman totoo), eh ganun na ang pagnanasa ko. UNBELIEVABLE.

Kanina habang yinayakap ako ni JR hindi ako makagalaw! GOSSSSH! Masyadong maraming SKIN ang nagdikit saming dalawa. NAKAKAPANINDIG BALAHIBO! Napatingin ako sa salamin habang binabasa yung mukha ko. Andito ako sa CR. Kanina pa nga ako tinatawag nina Tanya dahil mag paparty kami sa poolside eh. (PARA NAMANG KAMI ANG MAY-ARI NG HOTEL). Sa bagay, andyan naman si JR. Pero, hindi lang naman kami ang tao dito ah? May tourists and many more. HAAAAY. GOOOOSH I'm falling even more in love with the devil! Panu ko to isisettle?

HMMMPF. Kung sa bagay, ang sarap naman kasi nung mga nangyari. WAAAH. I don't know anything about his feelings for me! Normal lang ba yun sa kanya or is it a new feeling? Isa lang ba ako sa mga babae nya or iba ako? WHO KNOWS? TSSSK.

May lumabas sa isang cubicle.

Si Hayley pala and she is smiling. Bakit laging ganito ang scene naming dalawa? Lagi syang sa cubicle sa CR lumalabas? HEHE. >:D
"He-Hayley!"
Huminga sya ng malalim bago sya nagsalita. "OH WELL, JR doesn't need me now because you are here na!"

Ano na naman ba? Away na naman ba ang hinahanap nya sakin? Hindi ko sya uurungan! NAKUUUUU! Ngayon pang MAHAL NA MAHAL ko na si JR eh.

Naglahad sya ng kamay.
"Let's be friends!?" Tiningnan ko ang kamay nya at nagtataka.
Nakishake-hands na lang ako.

"JINI!!!" Si Tanya na naman.
Tumakbo sya patungo samin, sa loob ng CR.

"Ano ba! Kanina pa kita tinatawag ah?! Tumulong ka naman dun sa barbeque o!"
Tumingin sya kay Hayley. "Andito ka rin pala Hayley? Ano ba kayo!!!"
Hinawakan ni Tanya ang kamay naming dalawa ni Hayley at hinila kami papalabas.

TSSSk. Ang ganda talaga ng BODY ni Tanya. TSSSK. Well, pati din si Hayley. Mga model naman kasi tong mga kasama ko eh.

Nakarating na kami doon sa pool side. Ang dami pala namin, at ang ingay pa nila. May nagsasayawan at kung anu-ano pa. Tumingin ako sa paligid, TSSS...Hindi lang pala kami talaga ang andito. Marami, sa banda dun, may mga high school girls. Sa kabilang banda, may mga lalaki naman. Dun naman, may parang isang pamilya. Sa banda dun...ay si JR! SH!T.

Bakit parang nahihiya na naman akong makita sya. Para din nung hinalikan ko sya. GOSH! This is not cool! Hindi ako tumingin sa kanya - nagpapa as-if na naman na hindi ko sya nakita. Nakita ko syang lumalapiiiit sakin. PUCHAAAA... Uh-oh! Lumapit ako kay Kenjie at tumulong sa pagbabarbeque.
"Uhhhh, Kenj? Anong maitutulong ko?" Bahagya akong tumingin kay JR na tumigil sa paglalakad. Nainis ata sya kasi ginulo nya ang buhok nya eh.

Unti-unting nahulog ang mga mata ko sa bandang-ABS nya ulit. Napasandal ako sa pinakamalapit na table sakin.

GOODNESS~! Bakit hindi ko talaga sya matiis?

"Jini?" Lumingon ako kay Kenjie habang nakahawak sya ng barbeque.
"HUH?"
"Bakit? Anong nangyayari sayo?"
"W-wala! Nahilo lang ako!"

Bigla syang napa hawak sa shoulders at kamay ko. "ANO? OKAY KA LANG BA?"

O.A. naman to oh! Parang binibiro ko lang sya eh! Kesa sa naman sabihin ko sa kanya na 'nagnanasa ako sa ABS ni JR'. NAKUUU. >.<

"Hindi-hindi oo-ookay lang ako!" Tumayo ako ng maayos.
"Bakit Jini? Napagod ka ba sa pagyakap sakin kanina?" WHAAAAAAT? Lumingon ako sa likuran namin.

Nakita ko si JR na nakangiting DEMONYO ulit. WHAAT?! mukhang, alam na alam nya na ang mga galaw ko ah! Alam nya siguro na nahihiya ako sa kanya pag may gagawin akong ganun?! WAAAH. Napailing si Kenjie.

"UH. Excuse me!"
NAKUUUU! Bakit ba hindi ko sya maharap? Kasi naman, hindi naman kasi kami talaga eh. Tsaka feeling ko na feeling nya na masyado akong feeling na totoo tong ginagawa namin. WAHAHA. Gets nyo? Ayoko namang isipin nya yun! Kung iisipin ko pa lang na pinagtatawanan nya ako dahil na inlove na ako sa kanya parang gusto ko ng lumayas sa PLANET EARTH. Naglakad ako sa pool side, at nasalubong ko si Hayley na may dala pang kung-anu-ano.

"Jini? May away na naman ba kayo ni JR?" Tumingin sya sa likuran ko kaya napatingin din ako, si JR pala. SUMUSUNOD SYA SAKIN.
"HUH? EH WALA NAMAN! I mean, hindi." Umalis ako at mas binilisan ko ang paglalakad.

Si Hayley kaya yung nagsumbong sa Papa ni JR? Hmmm. Di bale na nga, bakit ko ba yun iisipin? Problema ko ba yun?

"JINIIIIIIII! HOOOOOOOY! ANO BA YAN! NAPAKA TANGA MO NAMAN!" Lumingon ako on the right side, nakita ko si Anton na may hawak na iPod. EH? Bakit nya ako sinasabihan ng ganyan? TANGA?
"HUH?"
"ANONG KLASENG UOD BA ANG KUMAKAIN SA UTAK MO AT PARANG INAAYAWAN MO ANG GRASYA?!" Tinuro nya si JR!

Nagtawanan ang mga lalaki. Si Kenjie naman, nakita kong napailing ulit. Si King naman nginitian ako. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.

"PORKE BA'T ANG SEEEEXYY MO NGAYON DAHIL NAKABIKINI KA EEEHHH GANYAN KA NA? TSAKA HINDI KA BA GINIGINAW?"

Giniginaw---giniginaw---bakit pagkasabi nya ng giniginaw eh gininaw agad ako? NYE. Maginaw nga pero kaya ko pa naman, hindi pa naman kasi ako nababasa eh.

"HOY ANTON! Ano ulit yung sabi mo? SEXY? SEXY BA YAN? buto't balat lang ata yan eh!" Nagtawanan ulit sila. JR TALAGA! GRRRR...

Nagpatuloy ako sa pag lalakad. MAGINAW NA PALA HABANG LUMALALIM ANG GABI. Ngayon ko lang narealize na maginaw na pala talaga.

Limingon ako sa likod ko and... *BUMP****

Nagkabanggaan kami ni JR.

"Ano na naman ba ang mga iniisip mo at bakit parang iniiwasan mo na naman ako?"
Napayuko ako. WAAAHAHAHA. C'mon! Bakit hindi ako makapag concentrate sa mga sasabihin ko?
"Naiilang ka na naman?"
OO! YUN YUN EH! panu ko sasabihin? Na totorpe ako. :'(

"AAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napalingon ako sa 10 feet na pool sa bandang right side samin.
"OH MY GOD! AMY! AMY!" May apat na mukhang high school students na sumisigaw.

NALULUNOD ang kanilang kaibigan.
"AMYYY! AMYYY! ANDREA! ANDREA!"

Tutulungan ko? hindi naman ako marunong lumangoy. Lumingon ako kay JR, pero wala na sya sa tabi ko.

Lumangoy na pala sya at sinagip ang babaeng nalulunod.

"JR!" Hindi ako mapakali. Ewan ko kung tatawagin ko ba ang iba, o ang mga taga hotel o lalangoy din ba ako kahit hindi naman talaga ako marunong? ANO?! Ang lakas ng pintig ng puso ko grabe! Ang lakas lakas talaga.

Ilang sandali ang nakalipas, nasagip nga ni JR ang babae. Umubo-ubo pa sya. Si JR parang na pagod, basang-basa sya. Pinahiga nya ang babae habang umupo sya sa tabi, ako naman nakatayo lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?! Ano?! Kailangan ko bang i-mouth-to-mouth?

"Salamat! Salamat po! Salamat sa pag sagip kay Andrea!" Lubos ang pasasalamat ng mga babaeng sumisigaw kanina.

"Kaibigan nyo ba sya? Wala ba kayong kasamang marunong lumangoy?"
"Wala eh! Kasi, hindi kami papayagan kung ganun!" Sabi nung chinitang may bangs na tulad kay Cleopatra.

TAKTE. Napahawak ako sa magkabilang braso ko kasi umihip ang hangin. Umubo-ubo yung girl.

"Sa susunod, wag kayong magpunta dito kapag wala kayong kasamang ganun! Sa itsura nyo, mga high school students pa kayo no?"
"HUH? Hindi ah! Mag co-college na kami! Ano ka?" Sabi nung pandak na may strawberry-design ang bikini.

Ang ginaw talaga! DAMNIT!

Biglang may nagpasuot sa akin ng polo/jacket galing sa likuran. Lumingon ako, si Kenjie pala. Tumayo naman si JR, hindi nya naman nakita nung sinuot ni Kenjie sakin ang jacket dahil nasa likuran nya ako.

"Kuya, wag ka munang umalis. Baka kailangan nyang i-mouth-to-mouth!"
MOUTH TO MOUTH BA KAMO? AS IN LIPS TO LEEEEPZ? NO WAAAAY! JR KOOOO? WAG HUH? Kala nyo kahit fresh graduates kayo hindi ko kayo uurungan!! HAAAAAAH! >:D

"Hindi na, hindi naman sya napuruhan eh." Nagkamalay ang babae.

Tumalikod si JR at nakita nya kaming dalawa ni Kenjie.

"UHHH." Pinag laruan ko ang kamay ko.
"Magpapalit lang ako." Seryoso ang mukha nya habang ginugulo ang buhok nya. Umalis sya.

Binalik ko ang jacket ni Kenjie at..."Susundan ko lang si JR ah!"
Tumango naman sya.

At ngayon, ako na naman ang sumusunod kay JR.


----

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText