<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Chapter 26 Hearts In Love, Hearts Broken


Chapter 26 Hearts In Love, Hearts Broken



Jini Punzalan: Nagtatanong lang


>.< Hindi ako nakatulog kagabi. Hinintay ko ang text ni JR. Hindi sya nag text eh. Ano kayang nangyari sa kanya??! Kanina pa ako nakaupo dito sa Lounge at tinatanaw ko ang mga taong naglalabas-pasok sa aba't ibang building. Busy na talaga ang lahat! Bukas na kasi ang Hearts Festival. HEARTS FESTIVAL!? Panu na yung gift ko sa kanya? Busy sila ngayon dahil sa pag-p-prepare. Kaya lang, hindi ako makapunta sa kanila dahil sa groupwork namin. Ang dami kasi, ako pa ang inaasahan ng mga kagrupo ko dahil hindi naman kasi takot ang mga yun kung bumagsak sila sa subject na to eh. Ako naman, takot. Dahil, bukod sa mawawalan ako ng scholarship; masisira pa ako sa mama at papa ni JR. Baka isipin nilang dahil kay JR eh nagloko na ako. Baka paghiwalayin pa kami! Tumingala ako sa langit at tinaas ang celphone ko.

Sira ba to o walang signal? Bakit di sya nagti-text? Sabagay, di naman talaga sya nagti-text sakin kahit noon. Tsaka, busy siguro sya ngayon. Pero, kahit na, totohanan na ang amin ngayon kaya dapat..may responsibilidad na syaaa... HUHUHU. Panu ba to???! Di na tuloy ako makapagconcentrate sa groupwork ko! PATAYYYY. :'(

"AAAAAAAAAAAAAATEEEEE!" Biglang may yumakap sakin.

Sino? Si Andrea pala. Sino pa bang tumatawag saking Ate? Sya lang naman diba?

"Andrea! Kaw pala!" Hindi ko maialis ang kamay nya sakin.
"ATE.. Ang saya saya koooo!" Tumingin ako sa mukha nya. Ang pula-pula at umiyak sya.

Ano bang ginawa ko at...-

"Si JR!!!"

Ginawa ko? O ginawa ni JR? >:(
Sa puntong ito. Libu-libo ang pumasok sa kokote ko. Ano? Sinagot na siya ni JR? Di naman pwede, kami na nga! LOL. Aba! Malay ko kung FLING lang pala ako ni JR? Jini. Nukaba. Stop. Tsaka, ano? Siguro may nangyari sa kanila?! AAAAAH. Hindi nga. Ang bakulaw na yun! Ano na naman kaya? Ba't nagdulot kay Andrea ng tears of joy? Takte..

"Ate.." Pinunasan nya ang mga luha nya.
"Ano? Hehe. Ba't ka umiiyak? Tsaka, anong JR?" Nagpa-as-if ako na binabasa ko ang libro sa harapan ko kahit baliktad naman. :D
"Ate!!!" Napatingin ako sa kamay kong hinawakan nya.
"Ano nga? Bakit?" Nakipagplastikan na naman ako sa pamamagitan ng pagngiti at pagmukhang INTERESADO sa sasabihin nya.

Pero kahit na hindi ako interesado sa side nya. Interesado ako sa ginawa ng magaling kong boyfriend. GRRR...

"Nasabi ko ba sayo na magkasabay kami ng birthday ni JR, ate?"
"UHH? Ohw? Talaga? Grabe...este..." Kelan ba ang birthday ni JR?
"OO! Tsaka, may formal party na gaganapin sa resort nila! YEY. Doon ko ihi-held ang birthday ko. Tsaka, lam mo? Kagabi? Hinatid nya ako! WAAAAAH. Kinikilig na naman ako."

Kikiligin sana ako kung hindi ang boyfriend ko ang nagpapakilig sayo. >:( GAAAAAAAAHD. Naiinis na yata ako sa nyetang to! Walang hiya. Jini...cool ka lang! Wala syang kasalanan. Dahil, hindi nya alam! HUHUHU. Yun yun eh! Hindi nya alam... Sasabihin ko na... sasabihin ko na talaga... UHMMM..

"Ate, Kainggit ka! Kasi, hinihintay ka pala nya no para ihatid?"

OHHHW. :(

"Wow. congrats!" LOL.
"Ate naman, masyado kang late-reaction! Sabi ko, kakainggit ka! Wala ka ata sa sarili eh."

TALAGANG TALAGA! >:( COOOOL ka lang Jini. BREATH. Hingaaaa....

"Hindi. Iniisip ko kasi ang-----partyyy.. kelan ba?"
"ASUS. Nukaba! Syempre! Sa birthday namin!"

Yun nga eh. Di ko alam ang birthday ni JR. at sayo. :'(

"AHHHH. Okay, ang lapit na pala!?" HEHE. AS-IFFFF!?
"Oo! Maghanda ka ng damit ate ah?! Tsaka, dapat may date ka! Kanino ka sasama?"
"Ah? Ako? Syempre...kay JR na lang siguro. La na kasing iba eh."

And then...eventually. Sasabihin ko sa kanya ang katotohanan. >:D

"Huh? eh. Sya ang escort ko! Nukaba?! Ate naman, sige kanino?"

WHAAAAAAAAAAAAT. Napahiya ako dun ah? WAAAH. Ayoko ng magsalita.

"UHM. sino pa ba?"

Actually. wala na akong meisip. HUHU

"Nakuuu ate. Humanap ka! TSSSK. Dapat yung gwapo huh? Ba't di si Kenjie Chua!? Ang gwapo nun eh!"

Talaga? Eh kayo na lang kaya? LOL.

"AHH. may date na siguro yun. Sige. Pag-iisipan ko na lang!"

Katahimikan... Nagbasa ulit ako sa baliktad na libro. :(

"AAAAAAAAAH. oo nga pala! Hearts Festival bukas. Bibigyan ko ng cake si JR! ATEEE, Magugustuhan nya kaya yun?"
"Huh? Siguro. :) " Nakatingin parin sa libro.
"Ikaw ate? Sinong bibigyan mo ng gift o cake? May mahal ka na ba ate?" Napatingin ako sa kanya.

AAAAAAAAAAAAAH. Ang amo ng mukha nyaaa. walang hiya. Hindi ako makapag taray.. HUHU

"HOOOOOOOOOOOOY ANDREAAAAAAAA." Lumingon ako.

Nakita ko si Andreang nanginginig sa takot. Sino kaya yung tumawag?

"Nu ba? Ikaw? Ang dami pa nating ginagawa ah? Takas ka ng takas!" Si Tanya pala!
"A-aah.. Sorry. Ate..este.. Tanya."

Ang taray talaga kahit kelan...

"Bilis na! Balik ka na dun!" Tinuro ni Tanya ang Building kung saan ang CC office.

Umalis agad si Andrea. Langhya. Muntik na ako dun ah.

"Jini! Buti na lang at sinabi ni JR samin na may pinagkakaabalahan ka! Buti rin di umangal ang mga taga CC. Bilisan mo na sa group report mo ng makabalik ka na sa CC huh? Bago ka pa nga lang dun grabe ka na kung makaabsent sa mga club activities. Ni Hindi pa nga namin alam kung MODEL ka ba o PHOTOGRAPHER."

Langya. Tong si Tanya talaga. Ewan ko kung concern o nanglalait o nang-iinsulto. GRRR.

"Kamusta na si JR?" LOL. Nagbasa ulit ako. EEEEEEH. AS-IF.
"Huh? Ayun... nakikipaglandian kay Andrea!" Ngumisi sya. >:( Ano daw?

Napatigil ako.

"Huh?"
Binatukan nya ako, "Haha.. tingnan mo to! Di mabiro! Tsaka, kung sakaling ganun? Okay lang ba sayo?" Sumandal sya sa balikat ko.
"A-anong....?"
"Asus... Let's face it. He is a playboy, right?"
"Uh..."

So? Nakikipaglandian si JR kay Andrea?

"Teka nga... Ano ba? Uhm... nangungumusta lang naman ako ah?"
"OO nga! Nagtatanong lang din ako no!"
"HAAAY naku.... hindi na nga lang kita iintrigahin. Basta, wag kang mag-alala, di ko pababayaang magkalapit si Andrea at JR noh?" Na shock ako dun ah?

WHAAAAAAT? Hehe. bakit? May gusto din sya kay JR? Tiningnan ko sya.

"Ano ang tingin na yan? Hindi ko yun gagawin para sayo no? Isipin mo na lang! Kung magiging si JR at Andrea, mas lalong magpupursigi si Kenjie sayo. Ako ang mawawalan ng lovelife neto! GRRRR.." WAAAH. False alarm. Phew... buti na lang. Labyo Tanya!
"AHHH."
"Kayaaaa. Bilisan mo na sa group work na yan!!! DAHIL...? Ayaw mong maagaw si JR diba?"

AGREE!

"Tsaka...panu mo bibilisan ang groupwork na yan kung ikaw lang mag-isa attttt baliktad ka pang magbasa ng libro?"

WAAAAAAAAAAAH.

"Dyan ka na nga!!!" Umalis sya... WAAAAAH.

Nakakahiya yun! Di bali, si Tanya lang naman eh. TSSSK. HUHUHU. Natatakot na tuloy ako. Baka maagaw ni Andrea si JR! Pero...gagawa na lang ako ng paraan! BUKAS! Bibigyan ko si JR nggg... ano nga ba???

READERS tulungan nyo naman ako o? Ano? HUHU


---


Joshua Rian Te: Hindi ano! Sino!


HAAAAAAAAAAY. "Pahinga muna ako." Sinabi ko kay Kenjie at sa iba. ASAN NA BA SI JINI?

Okay, alam ko. May groupwork. Pero, tinatanong ko pa rin. GRRR... Ngayon ko lang narealize na....baguhan pa pala ako sa pag-ibig at pagiging boyfriend. DAHIL ATA SA OBSESSION ko ni Jini eh, ayoko na ng wala sya sa paningin ko. LINTIK. PANU BA TOOO?

"JR, kanina ka pa pahinga ng pahinga ah?" Sabi ni Tanya.
"Huh?" Oo nga pala. Ngayon ko lang napansin. Na sa loob ng isang oras, limang ulit akong nagpahinga. :'( .

Bukas...Hearts Festival. Anong ibibigay ko kay Jini? LOL. Hindi bagay sakin yan. Patay tayo dyan. Lalaki ata ako, dapat, babae ang may iibibigay. :) Excited na tuloy ako sa ibibigay nya. WAAAH. Ano ba yaaan? Sana sabihin nya na lang na mahal nya ako sa harap ng maraming tao. Bahala na kung may masaktan. TSSSK. Napaka-selfish ko ba? HMP. Eto namang si Jini, nakakaasar na minsan yung kabaitan. Mejo nasosobraan. :'( LECHE.

"O sige! Back to work!"
"Naku! hindi pa nga nag-iisang minuto eh, back to work na? pero, ilang beses ka namang magpapahinga. Nakuuu.." Umalis si Tanya.

TSSS. Kung sakaling magreresign ako sa Club na to, si Andrea ang papalit sakin. HAHA. >:D

"JR! Dinalhan kita ng juice!!!" Binigay sakin ni Andrea ang juice na hawak nya.
"Mukhang masarap ah?"
"Oo!"

Kinuha ko ang juice at ininom.

"Salamat!" Ngumiti ako.
"Bakit ang bilis mong mapagod ngayon?"

"Di naman, wala kasing motivation eh!" Ngiti ulit.
"Huh? Ano pala ang motivation mo?"

Tinanong pa?

"Hindi ano! Sino!" Ngumiti ako at bumalik sa trabaho.

Ilang sandali... narinig ko si Tanyang sumigaw ng... "ANDREAAAAAAAAAAAAA. WAG KA NGANG TUMUNGANGA DYAAAN. TUMULONG KAAAAAAAAA!"

Naku.


---


Jini Punzalan: AAAAAAAAAAH. >:(


UMAGA NA! At ang una kong nakita ay si Kenjie. :) HMM. Alam nyo kung anong ibibigay ko kay JR? WALAAAA. Hahaha. Tama. Wala akong maisip eh. Sasabihin ko na lang kung gano ko sya ka mahal aaaaat----ehem. Joke. May ibibigay ako. Dala-dala ko nga ngayon eh. Kaso, hindi ko pwedeng sabihin senyu! Baka batuhin nyo lang akong kamatis at bigla nyong ayawan ang storyang to. HAHAHA.

"Jini!" Si Ken.
"Oi Ken." Kanina ko pa sya nakikita pero di ko sya tinitingnan. NAG-IISIP kasi.

Tinago ko yung dala ko sa locker. HEHE. >.<>.< Last year, sya ang pinagkakaabalahan ko. At ngayon, ni hindi ko na sya naiisip. Ganyan talaga ang buhay. Di bale, masaya naman ako. DIBA? :)

Bigla nyang linabas ang kamay nya at pinakita ang wrist nya. O.O

Nakita ko yung binigay kong bracelet noon. Anong ibig nyang sabihin? He will bring us back together? NYEK. Pero, ayoko na! Si JR na ang boyfriend ko. Pero, pag inexplain ko sa kanya ang katotohanan, baka di sya maniwala. Patay. Bakit? Ano? Ganyan na ba ako kaganda?

"Jini-paki tanggal sa kamay ko." TOINKS. Ang grabe ko namang mag-isip. Mejo, sobra.
"Huh?"
"Pag tinanggal mo to. Ibig sabihin, kailangan na talaga kitang pakawalan."

Nakatingin lang ako sa wrist nya. Tapos, agad kong hinawakan ang bracelet ng walang pag-aalinlangan. Kaya lang, hindi ko agad nakita yung lock at nahirapan akong tanggalin ang bracelet.

1...2...3...seconds.

4....5.......9.......18.....27.....50...seconds.

1minute....HUMINGA NG MALALIM. natanggal ko rin. HAAAY. Kapagod. Dapat kasi matataas ang kuko ko para mas madali. HMP.

"Ateee." WEH? Si Andrea? Tinago ko agad ang bracelet.
"AHAAAAAAAA! Si Kenjie pala ang bibigyan mo ng gift!!? Kaw talaga ate. Di mo sinasabi."
"Huh? Ah.. hindi..eh.."
"Hindi Andrea...Actually-" Hindi pa natatapos si Kenjie-
"Nakita ko si JR, dumaan dito. Pero, nawala syang bigla. Nakita nyo ba?"

Napatingin ako sa dala nya. >.<

"Hindi eh.." Sabi ko.
"UHHH. Ganun ba? Ibibigay ko sana tong cake na gawa kooo!"
"ANOOOO?" YOOOO. Nasobraan ko ata ang pagreact.
"OO! Ate. Sige, maiwan ko muna kayo!!!!"

Iniwan nya kami ni Kenjie sa locker room.

"Bakit Jini? Uhm, di nya ba alam na ex mo si JR? Tsaka---"
"Wag mo munang sabihin sa kanya? PLEASE? Ako ang magsasabi?"
"O--okay."

Iniwan ko si Kenjie sa locker room at nagsimulang maghanap kay JR. Walang pasok ngayon, may marraige booth, horror house (na couples lang ang pwedeng pumasok), know-your-future (na couples lang din ang pwede), Love Cafe (na couples lang din..o kahit sino basta may kasamang babae pag lalake, o lalake pag babae. hehehe), Fast Dating (para sa mga single), at kung anu-ano pang kalokohan sa skul namin.

BAWAL maglakad mag-isa. PERO, naglalakad akong mag-isa sa paghahanap kay JR. Dala-dala ko ulit ang ibibigay ko sa kanya.

"Pareho kami ng ibibigay ni Andrea, kaya dapat man lang maunahan ko syaaaa.. NOOOO!" WAAAH.
"Excuse me miss, IKAW LANG MAG-ISA AH? Gusto mo??---"
"Hindi! MAY BOYFRIEND NA AKO."
"Ngeee. sayang naman. Pero bakit mag-isa ka?" Lumingon ako.

"Kaw pala King! Hinahanap ko si JR eh! Ikaw?" Tumitingin ako sa paligid.
"Tulungan na kita. Na trap ako kanina dun sa singles booth. Ngayon lang ako pinakawalan. Samahan na lang kita sa paglalakad. Alam mo naman ngayon, di pwedeng mag-isa!"
"Nakuuuu salamat!!!"
Tiningnan nya ang dala ko. "HULA KO. Cake for JR?! NOOOOHH?"

WAAAAAAAAAAAH. Parang gusto kong sumabog. Sinabi nya pa. Nalaman nyo tuloy. NOOO. Hehe. sige, pwede na kayong magwalk-out sa storyng ito. :(

Ngumiti na lang ako.

"Ang lalaking yun talaga, ang swerte-swerte." Napabuntung hininga sya. :)

Biglang may dumaan sa gitna namin ni King. THE FLASH. At hindi lang sya basta-bastang dumaan. To the point na---natangay at nahulog nya ang dala kong cake. NATAPOOOON ANG PINAGHIRAPAN KOOOO??? NOOOO!!!

Pinaghirapan ko yun dahil alam kong alam ni JR na hindi ako marunong magluto. Naalala nyo ba nung andun kami kina Andrea? Nung sinabi nya sakin na pag kami na, eh hindi nya ako paglulutuin?! Ayoko nun! Gusto ko syang ipagluto. Kaya laaaang.

Tumunganga ako.

"Si Andrea yun ah?" Yumuko si King ainayos ang cake na ngayon ay para ng tiratira ng mga asongkalye.

:'( Si ANDREA? ANG? ANO? DUMAAN? NAGTAPON? NG CAKE? PAREHO PA KAMI NG IBIBIGAY TAPOOOOS???? GANUN LAAAANGG? Nakakainisssss!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.

Napaiyak ako. Nakakainis. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Masamang pangitain ba to? Anong klaseng Hearts Festival ang meron ako ngayon? Bakit ganyan? Ibig sabihin ba nito eh hindi kami para sa isa't isa? Pinunasan ni King ang luha ko, pero, umiwas ako.

"NAKAKAINIS NAMAN OH! Ginawa ko pa naman yun para kay JR. Para di nya na ako masabihan ng di-marunong-magluto. Tapos? Tapos? Si Andrea pa ang nakatapon! Yung babaeng yun?! Ginawa ko pa naman ang lahat para di sya masaktan!" Maging ang sariling kaligayahan ko, sinakripisyo ko na! Tapos.. Tapos..

"Jini. Tama na." Hinaplos ni King ang buhok ko.
"Gawin mo na lang ulit, O----Si JR ata yung pinagkakaguluhan dun sa singles booth ah?"

Napatingin ako. Kaya siguro may nagsitakbuhang babae kanina!?! At pati rin si Andrea, tumakbo. PERO...-

"Jini. Alam ng lahat na single si JR kaya---"
"AAAAAAAAAAH. >:( " Napaupo ako at umiyak nalang dahil sa inis. ARGH..

Kasalanan ko to! KASALANAN KO TO. Pero, kelangan pa bang matapon yung cake? Kelangan pa bang pagkaguluhan si JR? Kelangan pa bang si Andrea ang makatapon? Kelangan pa bang magkapareho kami ng ibibigay ni Andrea? Bakit kelangan pa? WAAAAAAAAAH.



---


Joshua Rian Te: Yes, I do.


UMAGA NA! Kung wala akong girlfriend ngayong araw na to, sigurado akong di ako pupunta ng skul. Pagtatawanan lang ako ng mga kaibigan ko. HMPPP. SI JINI!

Galing. Umagang-umaga sya agad ang nakikita ko. May ibibigay ako sa kanya! Sosorpresahin ko sya. Humanda sya!!! >.< Lumiko sya sa Locker Room. Kaya dahan-dahan akong naglakad patungong locker room. Sumilip ako,


para makita lang ang isang bagay na sumira sa BUONG araw ko. GRRRR... Bakit pa kasi ako tumingin? BINIBIGYAN NI JINI SI KENJIE NG BRACELET? Agad akong umalis. Sapat nang eksplinasyon ang nakita ko ngayon-ngayon lang na may gusto parin si Jini kay Kenjie. AAAAAAAAAAAAH. Ang tanga-tanga ko! Maybe she is still in pain nung nagtapat ako? O baka naman, masyado ko syang hinahayaan? Ano bang mali samin?

Naglakad ako, pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. GRRRR. Bakit sa mga ganitong pagkakataon pa? Hearts Festival ngayon ah? Jini? NAKAKAINIS KA!!! Kaya siguro hindi nya pinagsasabi ang tungkol samin dahil may iba syang gusto? Tsaka, that night nung sila ni King ang magkasama at umiiyak sya, di kaya nasasakal ko na sya? O baka naman sinabi nya kay King na narealize nya na si Kenjie ang mahal nya. Ayaw nya lang akong masaktan kaya dinadahan-dahan nya? At unang hakbang para makalimot ako sa kanya ay ang pagiging busy nya!? WAAAAAAAAAAH. I feel so bad. Galit ako sa sarili ko. Galit ako kay Jini!!! GALIT NA GALIT AKO!!!!!!

"JR. May girlfriend ka ba?"

Linapitan ako ng tatlong babaeng may suot na weird na damit.

"WALA!!" :'(
"NGEEE. nagtatanong lang naman kami, wag kang sumigaw!!!" Sabi nung may suot na tenga ng kuneho.
"OO nga!"

:( Wala akong girlfriend ngayong araw na to!! Ayoko na. Aalis na ako. Matutulog.

"JR sandali!" Sabi ulit nung babae.
"May nakiusap kasi samin na hanapin ka raw para sa marraige booth namin eh!!! PLEASE?"
"WALAAAAAA AKONG PAKEALAM!!!"

Takte. Wag nyo akong aartehan ngayon dahil hindi ko pa gusto ang kondisyon ng puso ko. NAMAN OH! Kung kelan pa ako nagmahal----grrr... Kaya nag walk-out na ako sa kanila. Kaya lang, ilang sandali, dumami na sila. Ang daming babaeng umaligid sakin. Hinanap ko nga si Jini eh. HEH! Ba't ko ba hinahanap ang babaeng yun? Walang hiya. Andami namang admirer non, di ako papansinin. HEH! Ba't yan ang iniisip ko? Dapat ang iniisip ko, eh nangangaliwa sya at pinaglalaruan nya lang ako. GRRR...

Dahil sa pag-iisip ko. Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga babaeng yun sa marraige booth. Sino bang nag-utos sa kanila at magkano ang binayad? Bakit parang desidido talaga silang mahuli ako.

"BITIWAN NYO NGA AKO!!" >:( Kainis na talaga. Ewan ko ba kung nahahighblood na ako o namamatay. Siguro pareho. >:( NATAKOT KO ata ang mga babae kaya umalis sila ng kusa. WAAAH. First time ko atang nanakot ng babae ah? PATAY. Asan na ang pagkaplayboy ko? Bakit ganito na lang ang nangyayari? Bakit hindi na ako yung dati. AHHH. Bahala kayo, eh sa wala ako sa mood eh. >:(

Baka si Jini ang may pakana nung marraige booth?

Lumingon ako sa may marraige booth at nakita kong tinitingnan ako ng mga babaeng natakot ko. Nginitian ko sila. (Pinilit kong ngumiti). HMMMP. Linapitan ko sila. Baka nga kasi, si Jini ang may pakana. EHHHH! Teka, ba't ko ba yun iniisip? Eh sa galit na galit na ako sa kanya! May pasecret-lovers pa kasing nalalaman. Kung seryoso sya sakin, ba't di na lang nya ipagsabi? O ba't kelangan pa naming ilihim! Magalit ako ngayon, ipagsisigawan ko sa buong mundo!!! HINDIIIII! Hindi. Ayoko na. NASASAKTAN NA AKO. Hindi na. Hindi na kami. Hindi ko na sya girlfriend! Yun naman talaga siguro ang gusto nya diba?

"Sino ba ang nag-utos?" Si Jini?
"Secretooo!" Hiyaw nila.

Nakatayo ako sa gitna nung booth nung may tinawag sila galing sa labas... Nakita ko namang may tumakbno pero, binalewala ko na. Si Jini siguro yun, at galit pa ako sa kanya. Hindi ko sya papansinin! >:(

"JR! Nahanap din kita!" Jini? O...Lumingon ako.

Huminga ng malalim.

ANDREA. :'(

"O. Andrea?" Napilitan ulit akong ngumiti.
"JR!!!!" Yinakap nya ako. At binigay ang dala nyang box.
"Ano to?"
"Cake! Ako ang gumawa nyan para sayo!!!"
"AH. :) "

Naghiyawan ang lahat ng nasa booth. :(

"KASALAN NA! KASALAN NA! KASALAN NA!" Patuloy silang sumisigaw...

"Amy Andrea Tanseco... Will you take Joshua Rian Te as your husband?"
"Yes, I do." Naghiyawan na naman.

Wala ba akong magagawa? Meron na akooong....oo nga pala. :(

"Joshua Rian Te. Will you take Amy Andrea Tanseco as your wife?"

Hindi ako agad sumagot. Naghiyawan sila.

Naisip ko lang. Hindi naman to totoo eh. So, ano ngayon kung O-oo ako para sa kasiyahan ni Andrea? TSaka...lumingon ako sa labas. Nakita ko si Jini at King papalapit. :(

"Yes, I do."
"YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!" Ang gulo-gulo na nya at nakita kong ang saya-saya ni Andrea. >.< Aalis na sana ako nung hinawakan ni Andrea ang kamay ko at..."Para sayo ang cake na to! I like you!"

Yumuko pa sya habang inaabot ang cake. WAAAAH. I'm caught in a difficult situation. And worse, Jini is coming. ARGH. Paninindigan ko na lang to!!!

"You may now kiss the bride...-"

No way! I wont kiss her!!! >:( Tumingin ako kay Jini, at mukhang alam na nya kung ano ang nangyayari. :'(


---


Jini Punzalan: Nasasaktan na ako.


"You may now kiss the bride...-" No way! Hindi!!!!

Tumingin si JR sakin kaya pinigilan ko ang luha ko. Nasasaktan ako pero ayos lang, kasalanan ko naman eh. Pero...

*KISSSSSS*

"YIIIIIIIIIIIIIIIEEE!" Naghiyawan ang lahat ng tao.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tumulo na talaga sya at hindi ko mapunasan dahil nanginginig ang kamay ko. Si King naman, mukhang gulat din sa nangyari!

Nagwalk-out si JR. (AWWW YUNG LUHA KO!!!)

"JR!!!! Pakipooooot!!!" Sigaw ni Andrea. Naghiyawan ulit ang lahat ng tao.

>:( Galit ako kay Andrea. Pero, wala syang ginagawang masama - este, wala syang kasalanan kasi di nya naman alam eh!!! Sinundan ko si JR. Sinundan din ako ni King.

"JRRR!!!" Hindi man lang sya lumingon!! Nadaanan na namin yung cake na natapon, binalewala ko. Ang importante, eh maabutan ko sya.

"Jini!" Sigaw ni King. Tumigil sya sa paglalakad.

Siguro, naintindihan nya na kelangan namin ni JR ng pagkakataon.

"JRRRRR! J R! J R!" Bakit di sya lumilingon?

Parang wala syang naririnig? Bakit? Dapat nga, ako yung magalit kasi naghalikan sila ni Andrea. Kaya lang...tumigil sya sa paglalakad.

"JR! Sandali. Hintay! Ba't di mo ako pinapansin?" Humarap sya sakin.

Natakot ako sa mga mata nya. GALIT NA GALIT SYA.

"Asan na?" He extended his hand.
"Huh?" Hindi ko na pigilan ang luha ko.
"Asan na yung akin, Jini?" ANONG?

???

"BINIGYAN MO NG REGALO SI KENJIE DIBA? SIGURO MERON DIN KAY KING? ANO? ASAN NA YUNG AKIN?" Nabigla ako!
"Ano bahng...-"
"Ano? Parepareho lang ba kaming tatlo?"
"Ano???! Ano bang pinagsasabi mo? HA? Ba't ka ba nagagalit? Wala akong regalo kay King at Kenjie ah!"
"At ang sakin?"
"WALA DIN" Wala na! :'(

Tumawa sya at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko ulit sya.

"JR!!! Bakit ba? Nasira yung-"
"Mabuti pa si Andrea may regalo sakin. Yung girlfriend ko, wala!"
"Bakit? Regalo lang ba ang importante sayo?"

Napaka materialistic! Kita nyo? Una yung utang ko, ngayon regalo.

"Bakit Jini? Hindi na nga tayo nagkikita, hindi mo pa maamin na boyfriend mo ako! Para kay Andrea? Bakit, di ka ba natatakot na baka mainlove ako kay Andrea?"

*SLAAAAAP***

Tama ba yun? EWAN NA. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Nasasaktan ako." Yun lang ang nasabi ko.
"Ako rin." Nag walk-out sya.


Sige. Hindi na kita susundan! HINDI NA! Kala mo ha? HUHUH. Ayoko na syang sundan dahil hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. ARGHHH!. Kasalanan ko to. Pero, nasasaktan na ako. :'( Anong gagawin ko? Galit na galit na sya sakin! Galit din ako sa kanya, pero, alam kong mas galit sya sakin. Anong ibig sabihin ng gift ko kay Kenjie? Baka yung bracelet kanina. MISINTERPRETATIONS. OH NO! Pero, hinalikan nya si Andrea. KASALANAN KO NAMAN! Pero---ba't... ARGH. Ang cake pah. Akala nya wala akong gift sa kanya. WAAAAAH. NAKAKAINIS SYA!

PERO MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SYA. :'(


---


Joshua Rian Te: Ako rin.


Sinapak nya ako.

"Nasasaktan na ako." Maybe, because I can sense na masakit yung pinagsasabi ko. PERO HINDI KO NA MAPIGILAN ANG SARILI KO.
"Ako rin." WALK-OUT.

Bakit sya lang ba ang nasasaktan? Napaka selfish nya naman! Hindi nya ba ako iniisip? Akala nya siguro yung regalo nya ang kelangan ko. Tsaka, hindi ko inakalang mas may ibibigay pa sya kay Kenjie kay sa sakin. GRRR. Tama na rin yung nakita nya kami ni Andrea. Pero, nasaktan ko sya. WAAAH. I wanna turn back and hug her tight. Pero, masyado akong galit para gawin yun. >:( Galit ako sa kanya. GALIT NA GALIT. Bakit kelangan nya pang isipin si Andrea. GRRR... Tinakot ko lang naman sya nung sinabi kong maiinlab na ako kay Andrea eh. Pero...nasaktan ko sya. Kahit pala mahal na mahal mo yung tao, masasaktan mo pa rin sya. GRRR. Galit na galit parin ako.

PERO MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SYA. :'(

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText