<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 26-30


26th fall

Serene Cruz: Shhh~

"Absent daw si Dae." Sabi ni Sophie sakin saka binaba yung phone.

Katatawag niya lang kay Crayon at yun agad ang binalita niya sakin. Wala naman akong care kung absent nga siya. Baka nagbulakbol o baka tinatamad. Ginulo ko ang buhok ko sa inis?

"O, ano?" Nagtaka si Sophie sa ginawa ko.

"Bakit daw?"

"Na-ospital daw ang papa niya." Pagkarinig ko sa sinabi ni Sophie hindi na ako nag-isip.

Matinding muscle-coordination dahil dumiretso na talaga ang mga paa ko sa hospital. Ack~. Grabe ako, ni hindi ko na inisip kung may pasok pa ba ako o wala basta dumiretso na ako. Mamaya pa daw si Sophie pupunta pag dating ni Cryon, eh ang tagal pa nung mokong na yun kaya nauna na ako.

Nakita ko agad si Dae sa labas ng room. Mag-isa.

"D-Dae,"

He looked problematic. Nakasandal ang mga kamay niya sa noo niya.

"O... ba`t ka andito?"

Ang sarap niya paring sapakin sa mga pagkakataong nagsalita na siya.

"Uhh. Kamusta na si Tito?" Tanong ko.

"Okay na siya." Sinandal niya ang kanyang likod sa upuan. Tumabi ako sa kanya para makausap siya.

"Kelan lang siya naospital?"

"Kaninang umaga."

Hmm, sa pagkakaalam ko, may sakit daw sa puso ang papa ni Dae. Pero parang ayaw kong pag-usapan dahil ayaw kong maisip niya ang mga bagay na yun at mag-alala siya. Tahimik kaming dalawa hanggang sa naisipan kong magsalita.

"Siguro dahil sa stress."

Tumango siya at pinikit ang kanyang mga mata habang nakasandal parin ang likod sa upuan.

"Saan yung room niya?"

Itinuro niya ang malapit na room sa amin, pupuntahan ko na sana pero pakiramdam ko marami pa akong itatanong.

"Uhh, gising ba siya?"

"Oo."

SHUCKS, wala akong dalang kahit ano bukod sa bag ko at mga libro. Dapat kasi bumili nalang muna ako ng prutas o bulaklak. Nakapikit parin ang mga mata ni Dae. Mukhang pagod siya.

"Anong oras siyang naospital?"

"2-" He sighed. "A.M."

Kaya pala. Hindi pa siguro siya natutulog!

"Okay lang bang pumasok-"

"Oo."

Kaya tumayo na ako at unti-unti kong binuksan ang pintuan sa room niya at naaninaw ko ang mama ni Dae, si Ate Bloom, at si Kuya Arthur.

"O, Serene." Pinaupo ako ng mama ni Dae sa tabi niya.

Kaharap ko ang kuya ni Dae at si Ate Bloom naman ay nasa tabi ni Tito.

"Serene? Yung kababata ni Dae?" Tanong ni Tito.

Napabuntong-hininga ako. HAAAY salamat, naaalala niya pala ako.

"Opo." Tinitigan ko si tito. "Okay na po ba kayo?"

Tumawa siya, "Oo. HMMM, buti na lang at gising pa si Dae sa mga oras na yun..."

"Ahhh. Ganun po ba? Uhh," Tiningnan nila ako. "Pasensya na po, uhhh, kasi nagmadali akong pumunta dito... kasi... nag-alala ako... dahil kahapon... uhhh."

Nagtawanan ulit sila. Nakakainis at nakakaintimidate dahil hindi ko alam kung anong nakakatawa? Siguro hindi sila sana`y ng mga nilalang na tulad ko - na mejo maingay - or what?

"Wa`g kang mag-alala Serene, ayos na ako. Stress lang yun." Ngumiti ang papa ni Dae sakin.

"Ahhh."

"Nasa labas ba si Dae?"

"Opo."

"Naku. Baka nastress din yun, puntahan mo na lang muna siya kasi hindi pa yun natutulog." Ngumiti silang apat.

Nagdadalawang-isip pa ako dahil ayaw ko naman talagang makasama ang mokong na yun dahil mag-aaway lang ulit kami. Kaya lang tinulak na ako ni Ate Bloom papalabas, "Sige naaa~ hindi yun makatulog kagabi dahil ikaw ang iniisip niya eh." Nagtawanan silang apat.

WHAAAAT? Joke ba yun o pwede na rin akong maniwala? Lumabas na lang ako dahil nap-pressure ako doon sa kanila. Nakita ko si Dae na nakaupo parin at nakapikit ang mga mata. Tinabihan ko siya. Hindi naman siguro totoo yung sinabi ni ate Bloom. Joke.

"Uhh, Dae. May ipapagawa ka ba sakin? Babalik pa kasi ako sa school-" Sumandal siya sa balikat ko.

"Wala na."

"Huh? Uhhh."

OH NO. Dae, don`t be too close to me. Nagwawala na ang puso ko. PLEASE? PLEASE? PLEASE?

"Can I sleep?" Tanong niya sakin habang nakapikit parina ng mga mata niya.

"Uhhh. O-" I don`t know what to do. "-O. Pero, dito?"

Tumango siya. Kaya pinahiga ko siya sa lap ko. Ang pangit ng feeling. Bakit kaya gusto kong umiyak? Kasi nakikita ko siyang natutulog sa harapan ko? Bakit kaya? Siguro masyado akong masaya dahil kahit ganito lang... nararamdaman ko siya. I caressed his face. Whew, is this one of my first time to see his face and hold him like this? Mukha nga, mejo ignorante pa kasi ako sa kanya. Para akong probinsyanang pinakawalan sa New York.

"Dae, bobo ka talaga." Sabi ko.

Oo, pinagsasamantalahan ko ang pagiging tulog at helpless niya para pagalitan siya.

"Andito na nga ako, naghahanap ka pa ng iba. Hanap ka ng hanap d`yan eh wala ka namang mahanap. Ayaw mo lang kasing tingnan kung sino ang nasa harapan mo." I sighed.

Nakita kong paparating sina Sophie kasama ang buong banda.

"OOOOOO-"

"SHHHHH~!" Agad kong pinigilan ang bunganga ni Crayon. "Natutulog siya." I whispered.

Naghalakhakan silang lahat at, "May dapat ba kaming malaman?" sabi ni Crayon ng nakangisi.

I shook my head.

"WOKIEE."

"Shhh~" Napakamot siya ng ulo at pumasok na sila sa room ng papa nia Dae.

Napatingin ulit ako kay Dae, he is fast asleep. He looks so gentle. I want him to lay like this forever. I LOVE HIM. I LOVE HIM and I can`t help it. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin na kahit ang tagal na naming magkakilala o magkaibigan at ang tagal ko na siyang mahal, eh ayaw ko paring magsawa sa kanya. Minsan nakakainis na dahil ayaw talagang makinig ng sarili ko sakin. Para bang sinasabi ko na lang na 'mamahalin at mamahalin ko parin siya kahit anong mangyari.' Yun nga eh, mejo nakakabwisit minsan.

"Is he sleeping?" Napatingin ako sa babae sa harapan ko.

It was... Francine.

27th fall

Serene Cruz: Anong ibig niyong sabihin?

"Fran-cine." Para akong nabuntan ng tinik.

Tumindig ang balahibo ko at parang may physical reaction na nangyayari sa kaluluwa ko. Para akong na trauma nung huli ko siyang nakita na ganito ka lapit. Gusto kong tumakbo o tumalon at parang hinahanap ko ang nakakatakot na mga kuko niya.

"Is he sleeping?" Inulit niya ang tanong niya.

"O-Oo." I`m stuttering. I`m scared.

Tumango siya. Tapos nagiging maamo ang mukha niya. Hindi ba siya nagseselos sa posisyon namin? O baka naman kasi di na sila mag-on? OMYYYY.

"Mind if I-" Umamba siyang parang papalitan ako.

"Yes... I-I mean, I don't mind."

Kinarga ko ang ulo ni Dae at tumabi naman si Francine sa akin at dahan-dahan kong linipat ang ulo ni Dae sa lap ni Francine. Nakatayo ako ngayon sa harapan nila at hindi ko alam kung anong gagawin ko at anong gamit ko dito. Kaya umupo ako sa upuan sa harapan nila.

"Sorry nga pala... sa ginawa ko." Sinulyapan niya ang braso ko.

Wala na dun ang sugat. Wala din namang scar. Madaling magpatawad, pero para kasi akong na trauma sa ginawa niya.

"Okay lang."

Anong sasabihin ko? Naniintindihan ko siya? Eh hindi ko naman naintindihan kung bakit niya yun ginawa sakin.

Mga 15 minutes kaming tahimik at natutulog lang si Dae. She caressed Dae's face with her hand. Siguro naka-ilang ulit na siyang naging ganyan ka lapit kay Dae noh? My gash, ang swerte nga naman ng magiging girlfriend niya.

"Hoy Ser-" Lumabas si Sophie at natigilan siya nang nakita niya si Francine.

"Bakit, Sophie?"

"Wala." Ngumiti siya habang sinulyapan sina Francine at Dae tapos umupo siya sa tabi ko.

Ilang sandali ang nakalipas, lumabas din sina Crayon at umupo sila sa tabi ko.

"Diba may klase ka pa?" Tanong ni Crayon.

"O-Wala na. Wala na akong magagawa, natapos na rin yun eh." Sabay tingin ko sa relo.

Crayon sighed then he smiled an evil-smile.

Lumabas din si Ate Bloom, "O, Francine, andito ka pala."

"Hello." Francine smiled.

Ang sama parin ng tingin ni Sophie sa kanya kaya siniko ko na.

"Kanina pa ba siya natutulog?" Tanong ni Ate Bloom kay Francine.

"Yeah."

Kainis! Ako dapat ang andun eh. Well, there's no room for jealousy. I sighed.

Tiningnan ako ni Ate Bloom, "Sabi ni papa ang ganda-ganda mo na daw, Serene."

WAAA? LOL, I blushed. Tapos, nagising si Dae. Para akong kinabahan. Hindi pala... kinabahan talaga! Ayaw ko kasing makita ang reaksyon niya kung makita niya si Francine. At ayaw ko ring nakikita niya ako dito na parang nasa tabi-tabi lang at pakalat-kalat.

"A-Ate, p-paki sabi na lang kay tito 'thanks'." Sabi ko habang sinulyapan ko ang mga dala ni Francine - mga fruits at flowers na ngayon ko lang napansin. "M-May pasok pa kasi ako."

"Huh? Ahh. Okay! Sana sinabi mo - ihahatid na-" Tiningnan niya si Dae na bagong gising at mukhang nakuha ko na ang gusto niyang mangyari.

Nagkatinginan si Francine at si Dae at alam kong ayoko na...

"Okay lang. Malapit lang naman yun eh." I smiled fakely tapos agad kong inayos ang mga gamit ko at lahat-lahat.

"Serene, saan ka pupunta?" Lumingon ako kay Dae habang nagwawala na ang puso ko.

"School."

"Ganun ba?" Tumango siya at tiningnan ulit si Francine. "Ate, ihatid mo si Serene."

SHEEEET. Ipinasa ako sa iba? LOL. Of course, ganun ang mangyayari. Andyan si Francine eh.

"Huh? Ikaw-"

"Okay lang Ate. Kaya ko naman eh." I smiled.

Agad na akong umalis, I don't want to hear anything from him anymore. Bakit ba ako nagkakaganito? Umaasa na nga ba ako? Mukhang umaasa na nga ako. GRRR.

Sinundan ako nina Crayon.

"Couz, uwi ka na?"

"Oo." Sabi ko. Syempre, ba`t ko aamining uuwi na ako sa harapan ni Dae? Mapagkakamalan lang akong nagseselos.

Hinabol ako ni Sophie at magkasabay na kaming naglakad ngayon. Nasa likuran namin sina Crayon at ang iba pa. Pumasok na silang lahat sa sasakyan ni Grey. Buti na lang at malaki ang sasakyan niya kaya kasya kaming anim. Ako ang pinakahuling pumasok at ako lang mag-isa sa likuran.

Tahimik ako habang pinapaandar ni Grey ang sasakyan niya habang hindi ko namamalayang silang lahat pala ay tinitingnan ang facial expression ko.

"Ano?"

Isa-isa silang nagtawanan.

"Sige sige... deny ka pa. Ayan tuloy." Sabi ni Valen.

I smiled, "Anong ibig niyong sabihin?"

"Nakuuu Serene, pasensya ka na talaga kay Dae. Kahit kami, di namin siya maintindihan pag lovelife na." Sabi ni Grey habang sumulyap siya sakin sa salamin at tumingin ulit sa daanan.

"Oo nga. tsss, tapos hindi pa maayawan ni Dae si Francine dahil maganda." Sabi ni Valen.

"Maganda naman si Serene ah?" Sophie defended.

"Oo nga eh. Sa tagal nating magkakilala ba`t kaya di ka pa niya makita?"

I sighed.

"Haaay, ba`t ba kayo nag-aalala? Makukuha din ni Serene si Dae, eventually. I`m sure. Kung hindi naman ako sure, edi gagawa na ako ng paraan."

"WUUUU, Crayon`s dark plans!" Nagtawanan sila.

"HEHE, joke. Hindi naman sa ganun pero susubaybayan ko lang silang dalawa. Tingnan natin kung anong mangyayari." Lumingon si Crayon sakin with his evil smile, again.

Napangiti ako, kahit na mejo stressed na rin ako at nasasaktan.

"Humanap ka na kasi ng iba, Serene." Sabi ni Grey.

"Wa`g na!" Sabi ni Crayon.

"Para magselos yung Dae na yan."

"Wa`g na, Serene."

Ano ba naman `to sila oh.

"Wala ka bang suitor? - of course, wala! Tinatanong pa ba yun? eh lahat ng nagtatanong ng tungkol sa`yo sa skul eh binabarahan na agad ng mga salitang 'Kay Dae na yan.' O 'Gusto mo bang mabugbog ng Chapter Review?' Paano ka magkakaroon ng manliligaw?" Nagtawanan ulit silang lahat.

Ewan ko kung maiinsulto ba ako. GRRR. Haaay, hindi naman kasi ako naghahanap ng iba eh. Kung si Dae ang mahal ko, si Dae lang talaga. My heart is already closed and occupied by him. Tumingin ako sa labas. Ano na kayang ginagawa ni Dae at Francine ngayon? Anong pinag-usapan nila?

Natahimik kaming lahat ng tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Ang tanging naririnig namin ay isang kanta, *You are my sweetest downfall, I loved you first...*.

"Downfall, eh? How can it be sweet?" I sighed as we listened to the song. I'm starting to think about that diary again. "Dapat kasi sunog na yun, yan tuloy hindi parin ako linulubayan." Napalingon si Crayon at Sophie sakin.

28th fall

Serene Cruz: makakahanap din ako ng iba.

"Serene, ikaw NALANG ang date ko sa Seasonal Ball." Sabay lapag ng invitation sa mesa.

Nasa pavilion ako at tahimik na iniisip kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng assignment namin sa Philosophy.

Napalingon ako at nakita kong marami ang tumingin sa akin. Si Dae ang nagsalita! At ano nga ulit ang sinabi niya? Nakatayo siya sa harapan ko at parang may hinihintay na sagot.

"HA?"

"Ang sabi ko, ikaw na lang ang date ko sa Seasonal Ball."

"A-Ano? Anong 'nalang' at huh?"

Teka, I'm so confused. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pag-iisip. Seasonal Ball - nangyayari yan pag malapit nang matapos ang semester at narealize kong malapit na nga pala. At teka, ako daw ang date niya tapos may 'nalang' pa. Magagalit ba ako o masisiyahan?

"Anong 'nalang', huh?" Sinapak ko sa kanyang tiyan ang invitation.

"Bakit? Ayaw mo?"

Nakita kong mukhang nanlalaki na ang mga mata ng mga tao sa paligid at parang may mga excited at ewan ko ba.

"Kung gusto mo talaga akong ma-date sa ball, sana mejo wa`g naman harsh ang pagkakasabi!" Sabi ko.

"So ano, ayaw mo o gusto?"

I sighed. Lintik talaga `tong si Dae o. Ayaw ko o gusto? Pag sasabihin kong gusto ko nga talong talo na naman ako.

"Bakit ako? Asan ba si Francine?"

"Di siya makakapunta. Kukunin daw siya ng papa niya sa araw na yan."

"Wha-. Bakit? Saan daw siya pupunta?"

WOOO. LOL. Di na siguro siya dito mag-aaral ano? Wala na akong karibal kay Dae. YES. Maganda `to.

"Vacation lang daw sa Hong Kong, for one week." Sabi niya.

WHAT? Akala ko pa naman. nakakainis.

"Huh? So, kung andito siya - kung di siya pupuntang Hong Kong-"

"Wa`g mo na nga yang tanungin. So, Ano? Oo o hindi?"

Naramdaman ko na naman ang mga nanlalaking tenga ng mga tao sa paligid. Linigpit ko na ang mga libro ko at kinuha ang bag ko at agad na akong umalis, pero bago yun marami akong narinig na... "Serene, oo na - dali!!!"

Oo na, Dali? Grabe, ang swerte naman talaga ni Dae ano? Kung kailangan niya ng extra, andito lang ako. Kung ayaw niya sakin, dun siya kay Francine. Grabe no? Kahit noon, si Dae na lagi ang number one sa puso ko. Pero kahit kailan, hindi pa niya ako naiisip. Nagflashback sa isipan ko ang pinakaunang araw/gabi na nakaharap ko si Dae - the 'STORMY NIGHT'. I sighed. Sumusunod pala sakin si Dae.

"Ano ba Serene, may klase pa ako." Lumingon ako kay Dae.

NAKAKAINIS talaga siya. Siya na nga yung humihingi ng pabor, siya pa yung demanding.

"Si Francine na lang kasi yung imbitahin mo." I said while hiding my frustration.

"Wala kasi siya eh." Tumingin siya sa relo niya. "Sige na, mali-late na ako."

"Ayoko nga."

Natigilan siya. Agad ko namang pinagsisihan ang sinabi ko.

"Bakit? May date ka na ba?" Tanong niya with all the confidence in the world.

"W-Wala." I can't look at him.

"Yun naman pala eh. Edi, sige na. Pwede ako, kaya sumama ka na lang sakin." Tapos agad umalis.

*DING-DONG-DING*

Napakamot ako sa ulo, habang nakita ko si Sophie, Mina at Chyna na papunta sa akin.

"Anong nangyari sayo? Di ko maexplain kung masaya ka ba o galit?" Sabi ni Chyna.

"Did Dae invite you?" Tanong ni Sophie with her evil smile.

Paano ni Sophie nalaman? Pinandilatan ako ni Chyna at Mina.

"Sabi ni Crayon, aalis daw si Francine that day kaya wala siya sa Seasonal Ball. So, probably Dae will invite you." Sabi ni Sophie.

"Hay naku, ewan ko lang huh? Hindi ko alam kung dapat ba talagang suportahan kita kay Dae o hindi. Eh lagi ka na lang nasasaktan sa kanya eh." Sabi ni Chyna.

"Oo nga. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang intensyon niya sayo. So ano Serene, tinanggap mo ba?"

I sighed when we take our seats at the cafe.

"I can't..." Tinitigan nila ako. "...reject him."

Nagpahayag ng pagkadismaya ang tatlo at para bang nag-unahan sila sa pagbubuntong-hininga. Nanggigil pa si Chyna sakin.

"NAKUUU, Serene talaga. Yung utak moooo gamitin mo." Sabi ni Chyna kasabay ang panggigigil.

I frowned, "Eh... Bahala na, makakahanap din ako ng iba."

Sophie and Mina both laughed at me.

"Kay Dae ka na sa paningin ng mga tao sa buong campus. Saan ka makakahanap ng iba?" Tanong ni Sophie habang nangangalumbaba.

"I don't know."

29th fall

Serene Cruz: Payag na ako,

*DING-DOOONG-DINNNG*

"Okay, dismissed!"

Yun na lang ang naabutan ko sa huling klase namin sa Philosophy. Inayos ko ang mukha ko dahil kakagising ko lang. Nagsitayuan at naglabasan na ng classroom ang mga kaklase kong di ko naman kilala. I sighed as I stared blankly at my bag. Pasensya na, bagong gising lang ako. hehe

"Kahit last na, tinulugan mo?" Someone chuckled from behind me.

Lumingon ako para tingnan kung sino, at nakita ko ang hindi naman ganun ka pamilyar na mukha.

"Inantok ako eh." Linigpit ko na ang gamit ko at humandang lumabas dahil kaming dalawa na lang ang naiwan sa classroom.

I was surprised because he came to me and helped me organize my things.

Pagkatapos naming iligpit yun, naconscious ako sa pagmumukha ko baka kasi may dumi ako sa mukha o laway. Napatitig ako sa mukha niya, at talagang namangha ako dahil narealize kong nag-gwapuhan ako sa kanya. Pero hindi ako sigurado kung sino ang mas gwapo sa kanila ni Dae. Kung aalisin natin ang katotohanan na mahal ko si Dae, mejo maiisip kong mas gwapo ito dahil-

"What`s wrong?"

Ack~ Masyado akong tumitig sa mukha niya. Nakakahiya.

"I`m Nico, by the way." Sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

Agad akong napatayo at linagay ang bag ko sa balikat ko at kinuha ang kamay niya, "Ser-"

"Serene, right?" Ngumiti siya.

I don't know if I'll be surprised.

"Uhhh?" Ngumiti ako, hindi ko rin alam kung tatanungin ko ba siya kung saan niya nalaman ang pangalan ko o hindi.

"Next class?" Sabi niya habang ngumingiti at mukhang natutuwa siya sakin.

I sighed, "Mamaya pa." Tapos magkasabay kaming umalis sa classroom.

Magkasabay din kaming naglakad sa corridor.

"So... Saan ka pupunta ngayon? With your friends?" Tanong niya.

I shook my head, "Pavilion?" Wala sina Sophie ngayon, may pasok.

"Good, papunta din ako dun eh."

Tumango ako.

"HMMM, totoo palang mahirap kang lapitan." Sabay tingin sa paligid.

"Huh?" Tumingin narin ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan kami ng mga tao - mapa babae man o lalaki.

Pagkatapos nila kaming tingnan eh agad silang nag-uusap.

"Last day of the sem na ngayon, isipin mo nga... ngayon mo lang ako nakilala diba?" He smiled again.

"Uhh. Oo."

"Kasi, kung hindi ka nagmamadali papaalis ng Philosophy class, eh lagi ka namang tulog." He chuckled.

Napatawa rin ako dahil sa kahihiyan, "Really? Binabantayan mo ba ako?"

"Sort of."

Nakarating na kami sa pavilion. Ang alam ko kasi, anytime this time, dadaan si Dae dito. Tulad nung inimbita niya ako sa Seasonal Ball. HMM, Hindi ko pa nga pala siya nasagot sa invitation niya. Ngayon ko na lang sasagutin, malapit na rin yun eh. Sinabi ko na rin kina mama at papa na si Dae ang magiging date ko kaya pinayagan na nila ako. For short, hindi sila papayag kung hindi si Dae o si Crayon ang ka date ko sa Seasonal Ball. Ang hirap, pero solve na ang problemang yan. Nakabili na nga ako ng isusuot eh, excited na talaga ako.

"May date ka na ba sa Ball?" Tanong ni Nico.

"Uhm, yeah."

"Ahhh. It`s one of them in that band?" Nagsasalita siya na parang alam na namin ang pinag-uusapan.

"Yeah." I can't help but smile.

"Dae Tanseco? Or Crayon Cruz?"

"Dae." I smiled again.

"Ohhh, I see." He looked at me. "You like him, right?"

Ngayon, mejo weird na `to ah. Este, tanggap na yun dahil marami naman talagang nakakaalam sa feelings ko para kay Dae. Si Dae lang ata ang walang alam o baka ayaw niyang marinig.

"Uhhh. Mejo." Sabi ko. "What`s your course?"

"Same with yours."

Sabay dungaw sa sangkaterbang accounting books.

"Wow. Haaai, siguro matalino ka noh? Hindi kasi ako marunong eh."

He laughed, "Hindi naman. Pero ano ba ang hindi mo alam? Baka matutulungan kita?"

Next week na ang exams, tapos ang Seasonal Ball. Kaya mejo nakaahon ako for this sem. Thanks Dae!

"Ah. Okay na, for this sem. Si Dae kasi yung nagtuturo sakin eh." Napatingin ako sa paligid at hinahanap si Dae.

"Wow. Date na, tutor pa!" Tumawa siya.

"Oo nga eh."

SA WAKAS! Naaninaw ko si Dae, nagmamadali. Alam kong may pasok siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo patungo sa kanya.

"DAE~" I waved my hands.

Tumigil siya sa paglalakad.

"Payag na ako, sa Seasonal Ball!" Sabi ko.

"Ow? Kala ko pa naman kung ano na, eh ang alam ko pumayag ka na last time diba?" He smiled an evil smile.

Hinampas ko ang braso niya.

"Oy ang feeling na `to. Hindi pa no."

Kinurot niya ang pisngi ko.

"Namumula ka na naman!" GRRR, his evil smile! "Sige na... may pasok pa ako."

"Ahh."

Agad niya akong tinalikuran.

"Kukunin na lang kita sa bahay niyo sa gabi ng Seasonal Ball."

Agad siyang umalis. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! EHEM, I`ll try to compose my self again. Bumalik ako sa pavilion na parang excited at gusto kong yakapin si Nico. HAHAHAH~ Ang sweet ni Dae ngayon ah? HMM, di bale na kung masaktan ako paminsan-minsan! HAHAHA.

30th fall

Serene Cruz: nag-hihintay siya eh

"WAAAW, ang ganda-ganda mo na!" Sabi ng bading na kaibigan ni Kuya na nagmi-make up sakin.

"Ano ba? Kapatid kaya yan ni Red!" Sabi ng kabarkadang babae ni Kuya.

Namimis ko na tuloy si Kuya!

"Teka, sino ba ang date mo?"

"Si Dae..." Sabi ni mama. "Dae Tanseco."

"T-talaga?" Parang na-excite ang mga kaibigan ni Kuya.

"Oo."

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Wow, bulag na siguro si Dae pag hindi pa niya ako sabihan ng maganda. HEHE.

Isang oras na ang nakalipas, wala pa si Dae.

Isa at kalahati. Natatakot na ako dahil naiisip kong baka hindi ako siputin ni Dae. Pero, imposible naman yun dahil wala naman si Francine at wala na siyang ibang pwedeng imbitahin kundi ako.

"Serene, late na si Dae ah?" Sabi ni papa.

"Huh? Oo nga eh." Binaba ko ang cellphone ko dahil kanina ko pa hinahagilap si Dae.

Pero patay ata ang cellphone niya eh. Gusto kong umiyak pero ayaw ko dahil ayaw kong masira ang gabi ko at ayaw ko ring mapahiya ako sa papa ko, ngumiti na lang ako.

"Serene... late na late ka na talaga ah? Baka nasiraan si Dae, tawagan mo." Sabi ni mama.

"Huh? Oo nga eh, si Sophie kasi ang tinatawagan ko." Sabi ko, and yes I lied.

Nakakainis na, gusto ko ng umiyak pero baka masira yung make-up na pinaghirapan nila. Ang walang hiyang Dae na yun, iindianin yata ako eh. Nakakainis talaga siya. Sana di na lang kasi niya ako yinaya eh. NAKAKAINIS.

*KRIIIIIING*

"Dae!" Agad kong sinagot ang cellphone ko at tiningnan nila ako.

"Serene~" T'was Sophie.

"Asan ka? Nasa bahay ka pa ba?" Tanong niya.

"O-Oo." Tumalikod ako kina Mama at Papa.

Dahil sa tono ng boses niya, parang may sasabihin siya saking hindi ko gustong marinig.

"Andyan ba sina Tita at Tito?"

"oo~" My voice broke.

"Shhh. Ganito ah, magtaxi ka na lang papunta dito." Sabi niya.

WHAT?

"B-Bakit?"

"A-Andito na si... Dae." She whispered.

"Huh?"

"Oo, basta. I-eexplain ko na lang sayo pagdating mo. Ah, eh, kung gusto mo wa'g ka na lang munang pumunta."

Naramdaman kong nakikinig sina mama at papa. Bakit di ako pinapapunta ni Sophie? Siguro may nangyari! Natatakot ako, baka masaktan ako!

"Serene?"

"O-"

"Ano? Magbihis ka na-" Sabi ni Sophie habang nag-aalinlangan.

"O sige, Dae, magtataxi ako. Asan ka nga ulit nasiraan?" Sinulyapan ko si Mama at Papa.

napabuntong hininga silang lahat. OMG, I really, really really wanna cry right now. Kahit di ko alam kung anong nangyari - pero nasasaktan ako.

"Huh?" nabigla si Sophie sa naging desisyon ko.

"Sige, bye." I smiled as I put the phone down.

"HAY, nasiraan siya?" Tanong ni Papa.

"Sayang naman." They all smiled.

"Di pa naman tapos eh, aalis na ako. Late na kami... t-tsaka, nag-hihintay siya eh. Kawawa naman." Agad akong umalis ng walang pag-aalinlangan.

Mabuti na lang at kahit papaano, sinwerte ako't agad kong nakita ang isang taxi. Pumasok na ako at kinawayan silang lahat.

"Serene, ingat ka!" Sabi ni mama.

Ngumiti na lang ako dahil pakiramdam ko, kapag magsasalita ako, maririnig nila ang panginginig ng boses ko. I LIED TO MY PARENTS.

Tahimik sa loob ng taxi pagkatapos kong banggitin ang lugar kung saan naganap ang Seasonal Ball. Ang naririnig ko na lang ay yung walang hiyang kanta na ewan ko kung sino ang kumanta...

Nakakainis, di ko mapigilan ang mga luha ko kasi ang dami ko ng iniisip. Baka may ibang date si Dae? sino? Teka, ba't yun ang tanong ko? Dapat, ang tanong ko, bakit di niya man lang ako tinawagan? Mali rin. Mali ang mga tanong, parang martyr. Kung ganun, anong tanong ko?

*I've known you for so long. You are a friend of mine. But is this all we'd ever be?

I've loved you ever since. You are a friend of mine. But babe, is this all we ever could be?*

"Hija, sayang yung make-up mo. wa`g kang umiyak." Sabi ng driver tapos pinatay niya ang tugtugin.

Napatawa ako kahit umiiyak. Nakakainis naman talaga ako at si Dae!

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText