Fall 36-40
36th fall
Serene Cruz: Dae, mahal mo ba ako?
Nakalayo na ako. Or should I say, wala na ako sa teritoryo nina Francine. And I don't know what to do and where am I. Kahit na ewan ko kung saan na ako ngayon, hindi parin ako natatakot. Mas nangingibabaw kasi sakin ngayon ang pag-iisip na lumayo. Buti na nga lang at nakalayo ako. Pero ang lakas ng ulan at basang-basa na ako. Nanginginig pa ako sa lamig. Mabuti na lang at may waiting shed akong nakita kaya dito muna ako sa ngayon.
I sighed in relief as I stared at the rain. It's raining so hard! Hindi ko pa napapansing umiiyak parin ako hanggang ngayon. Mas lalo pa akong naiyak nang maisip ko ang sitwasyon ko ngayon.
"Broken-hearted."
I laughed while crying.
"Basted. Basang sisiw. Lost!"
Naghanap pa ako ng mga mas worst na salita. I hugged my knees. Nasa gilid ako ng waiting shed at pinapanood ko na rin ang mga sasakyang dumadaan paminsan-minsan. MY GULAY, sana hindi pa ako lowbat - bahala na kung basa yung phone ko. I didn't bother to take my phone out because I don't want to be disturbed right now.
"Sana lang hindi kumidlat o kumulog! My gosh, di ko na kakayanin."
Yun din ang isang kinakatakutan ko. Pinaniniwalaan ko kasing kapag hahawakan ko ang cellphone ko, mas lalaki ang posibilidad na tamaan ako ng kidlat.
Tama! Hindi ko parin na get-over ang phobia na yan. Hanggang ngayon, takot parin ako sa kulog at kidlat. Well, mabuti na lang at wala ngayon kahit malakas ang ulan.
I rubbed my palms.
"ACHOOOO."
WHAAAAT? Mukhang sisipunin ako ah? Lord, sana hindi. matinding kamalasan na ata ang dadanasin ko. WAAAA~!
Then I noticed a taxi stopped in front of me or the waiting shed.
Naaninaw ko agad ang mukha ni Dae, kaya mejo nagiging NORM na yun sa katawan ko ngayon ang iwasan siya. Kahit umuulan, umalis ako sa waiting shed at balak ko pang maglayas at pupunta ulit sa kung-saan, si Batman na ang bahala.
Hinila niya ako kaso nagpumiglas ako. My GASH, it's raining and why can't he just stay with Francine and leave me alone to rot in hell? Kaya tumakbo ako nang nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas, pero less 50% yung stamina ko kaya agad niya akong naabutan at hinila (masakit nga yung kamay ko, pati kuko) patungong waiting shed.
"Ano ka ba? Magpapakamatay ka ba?"
Tinitigan ko siya ng mabuti. Nanlilisik yung mga mata ko sa mga sandaling ito. Wala na akong pakealam sa kanya kaya bakit pa siya nangengealam sakin?
Umiyak na naman ako, goodness, hindi na ba `to matatapos? Hindi na rin ako nagsalita.
"Giniginaw ka pa!" He touched my arms.
Nanlilisik parin ang mga mata ko. Nang lumapit siya sakin, lumayo ako sa kanya.
"Ano ba? Wa'g ka na ngang mag-inarte sa mga oras na `to? Paano kung lagnatin ka?"
NYENYENYE~ ang daming sinasabi. Baka magpabola na naman ako dito at maisipang concern siya kahit alam ko namang GRRR ewan.
Lumapit siya sakin at umambang yayakapin ako. Pero sinuntok ko ang dibdib niya kaya napaatras siya.
"Bakit ka andito?" Napahikbi ako.
Lalong lumakas ang ulan.
"Eh-"
"Si Francine walang kasama dun! Ba't ka andito?" Tanong ko.
PLEAAAAAAAAAASE, stop the rain? OR PLEASE, bigyan niyo na ako ng taxi ngayon din para makaalis na ako dito.
"Symepre, baka anong mangyari sayo. Safe naman si Francine dun kasi nasa kanila siya. Alam mo ba kung saan ka pupunta ha?"
Lalo pang tumulo ang luha ko.
"Ni hindi mo nga alam kung saan ang lugar na `to! Hindi mo nga alam kung papano ka uuwi sa inyo!"
Pinapagalitan niya ba ako? Nagsimula na akong maghanap ng taxi na paparating.
"Di mo ba talaga ako naiintindihan, Dae?"
Tumahimik siya. Ang pagpunta niya dito ngayon, mas lalong nakakapagpasakit sa puso ko.
Pumara ako ng taxi pero pinigilan niya ako. Di rin naman tumigil ang taxi dahil may sakay.
"Okay, I get it. Umalis ka na, ako pa ang papara ng taxi, pag humupa na ang ulan." Sabi niya habang bumubuntong-hininga.
Tinitigan ko na naman siyang may kasamang poot. Hindi ko talaga mapigilang magalit sa kanya. Pero, susundin ko ba siya? Baka paghihintayin ko pa ang ulan na humupa, manlambot na naman ako't maisipan ko na namang mahal ko ang pinakawalang hiyang lalaki sa balat ng lupa.
May napansin ulit akong taxi at pinara ulit ako at pinigilan niya na naman ako.
"Ano ba!" Sigaw niya.
Hindi na ako nagsalita. Bakit ngayon pa nagsilabasan ang mga taxi? Sana kanina pa nung wala pa si Dae.
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Ganyan ba kababa ang IQ mo?"
NAKAKAINIS! Nang-iinsulto pa ang isang `to.
"Kung mababa ang IQ ko, mas mababa parin ang IQ mo, Dae!" Lumuha na naman ako. "Kasi, hindi mo naiintindihan eh. Nasasaktan ako at ayoko na, kaya pwede ba, the least thing you can do for me is to not hurt me so get out of my life!" Sabay para ko sa taxi.
Tahimik lang siya habang tinitingnan akong pinupunasan ang sarili kong luha.
"Dae, mahal mo ba ako?" I gathered all my confidence just to ask him this question.
Para may closure. Para marinig ko mismo sa kanya ang sagot niya. Para masaktan ako ng husto at may saktong rason para iwan ko siya ngayon. I even swallowed my pride.
"Hin-, uhh, I-I-I don't want to hurt you."
Napapikit ako sa sakit. GRABE. Todo na `to. Wala na bang mas masakit pa dito?
"Yun yun eh. Salamat sa pagiging honest mo, Dae. Buti na nga lang at ikaw ang minahal ko." My tears flowed again. "My gosh, kahit ngayon, I'm still thankful that I love you. Ikaw ang minahal ko at hindi mo ako ginamit kahit alam na alam mong mahal na mahal kita. Hindi mo ako linigawan kahit alam mong patay na patay ako sayo. SALAMAT DAE. Pero tama na."
Sa kabutihang palad (kahit masamang masama na ang sinapit ko), kahit na mejo lumagpas na ang taxi sa amin, tumigil parin ito. Hinabol ko ang taxi kahit malakas ang ulan. Si Dae naman, hindi parin ata nakakagalaw dahil sa mga binitiwan kong salita. Buti nga sa kanya. Di naman siguro siya masasaktan nun dahil wala naman siyang pakealam sakin.
Pumasok na ako sa taxi pero nakita ko si Dae sa labas. Pinilit niyang buksan ang pinto pero syempre hindi ako pumayag. Basang basa na siya sa ulan kaya binuksan ko ang window.
"Dae, wa'g kang mag-alala, ako na ang bahala kay Crayon. Di kayo mag-aaway, promise!" Ngumiti ako sabay andar ng taxi.
Dae was... just standing in the rain staring at me. I stared at him too but it's too late. Nakaalis na ang taxi pero di ko parin maalis ang mga mata ko sa kanya. Nakatayo lang siya, mag-isa at mukhang may malalim na iniisip, sa ulan. Ilang sandali ang nakalipas, di ko na siya makita.
I can't believe that I left him there. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. MILAGRO. This is a start! Napabuntong-hininga ako habang pinupunasan ang mga luha ko at tumitingin sa labas.
37th fall
Serene Cruz: Kaya, Crayon, sana...
Agad kong sinarado ang pintuan sa bahay na para bang sinusundan parin ako ng kung sino kahit hindi na.
"Anong nangyari sayo?"
Bumulagta sakin si Crayon kasama si Ney at kumakain ng popcorn habang nanonood ng TV.
Nabigla ako kaya napahinga ako ng malalim bago binalewala ang tanong nilang dalawa. "Asan si Mama at Papa, Ney?"
"Wala pa. Nasa trabaho." Sabay tingin sakin na may halong pagtataka.
It's still 6:30pm. Akala ko 10pm na. I sighed. Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ko ang sarili ko habang papunta sa kwarto.
"Hoy! Ano, kamusta? Anong nangyari?" Sumunod na pala si Crayon sakin.
Eto ang pinakakinakatakutan ko eh. Ang tanungin ako ni Crayon ng ganito. Pero alam ko na ang isasagot ko.
"Ano? Wala." I said.
Ack~ Akala ko ba alam ko na ang isasagot ko?
"Anong wala?"
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto nang dumungaw ako kay Ney at pinagmasdan siyang nanonood ng TV.
"Basta...-"
"Basang-basa ka ah? nagpaulan ka ba?" Tanong ni Crayon.
"Ah.. Oo nga pala. Magbibihis lang ako ah!" Sabi ko habang umuubo.
"O sige..." He was hesitant. "Bilisan mo ah? Tsaka, lumabas ka kaagad pag tapos ka nang magbihis." Then he went back to Ney.
Nagbihis na ako pero natagalan parin ako bago nakalabas. Nanlalamig ako pero mainit. EWAN. Lalagnatin ata ako eh. Kahit na gusto ko nang magkulong muna sa kwarto, hinarap ko parin si Crayon. Pero wala parin akong masabi kaya nasa harap ko lang siya ngayon sa hapag kainan. Nakatingin lang siya sakin habang pinipilit kong kumain.
"Ano?" Tanong ko habang tinitingnan siyang nakatunganga sa harapan ko.
Mabuti na rin yang andyan siya kesa sa mag-isa lang ako dito habang kumakain, maiisip ko na naman si Dae at kakawawain na naman ako ng mga maiisip ko. Yun rin yung ayaw kong mangyari pag mag-isa lang ako sa kwarto eh - natatakot akong umiyak ng umiyak buong gabi.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
Sinubo ko ang pagkain bago ako nag-isip ng sasabihin.
"Kasi..." I stared at him.
He's just staring at me too. Wala siyang pinapakitang ekspresyon. Yung tipong kahit sabihin ko sa kanya ngayong muntik na akong mapatay ni Dae eh tatawa lang siya at di magagalit.
"Binasted ako ni Dae." I said.
Wala akong ganang kumain pero kumakain parin ako, for the sake of eating something.
"Ano pa?"
"H-Huh?"
"Anong bago dun, eh noon ka pa niya nabasted ah." Sabi niya while smiling.
I smiled too.
"Yun nga, mas masakit lang talaga `to ngayon kasi... umamin ako." I sighed.
Napailing siya, "Masakit nga yan. tsk tsk tsk." he laughed.
"Crayon, gusto mong kumain ng tinidor?" Sabi ko habang tinututukan siya ng tinidor.
"Hindi." He was still laughing.
"Todo yung iyak mo noh?"
I touched my eyebags.
"Ang laki ng eyebags mo eh."
Uminom ako ng tubig. Wow, di ba siya galit? Mabuti na lang!
"Nakakainis talaga yung Dae na yun. Biruin mo, para ka niyang dinala dun kina Francine para lang saktan?"
Hey, nag-iba ang ekspresyon niya.
"P-pero, hindi g-ganun-"
Nauubusan na naman ako ng mga salita. Isip, Serene!
"Oo! Bahala kayo diyan. Problema niya na yun." Siningit niya.
"H-Huh?"
"Hmmmm, well, wa'g mo na lang dibdibin masyado." He winked.
Ano ba `tong pinsan ko? Wa'g dibdibin? Okay, I'm trying my best. Tsaka, mukhang gusto kong dibdibin dahil naiinis na talaga ako kay Dae eh.
"Pero, Crayon, uhhh hindi ko pa kayang makipag-usap kay Dae eh. Di muna ako magpapakita sa mga gig o practice niyo ah." Naku, sana tama yung mga choice of words ko.
He was still silent.
"K-Kasi... alam mo na. Desidido na talaga akong mag move-on."
"Ows? Eh... ilang years ka nga sa States? Naka move=on ka ba?"
"Eh... Iba na `to ngayon."
"Okay... Naiintindihan kita." He smiled again, and his smile was creepy.
"Ba't ka ngumingiti?"
"Wala lang." Nangalumbaba siya sa harapan ko habang tinapos ko yung pagkain ko.
He is really creepy. Ayaw ko tuloy isipin kung ano ang magiging mga plano niya.
"Kaya, Crayon, sana... makipag cooperate ka na lang sakin ah? Sana umatras ka na sa mga plano mo." Inunahan ko na talaga siya.
I know Crayon. I know that his smiles from the very beginning were up for something.
"Oo nga kasi eh. I just want to make you smile through smiling!" He made a face.
Or am I overrating his creepy smiles? Either way, ganun parin ang desisyon ko. I'll move on.
38th fall
Serene Cruz: S-sure?
*coughs*
"Really? Naku... sinasabi ko na nga ba. Walang kwenta yang Dae na yan!" Sabi ni Chyna.
"Nagkita na ba kayo pagkatapos nun?" Tanong ni Mina.
"Hindi pa." I sighed.
"Nabasa ka pa sa ulan ah! At hanggang ngayon di ka parin nakakaget-over sa ubo mo. My God." Sabi ni Sophie.
I tried not to coughe again, pero inuubo talaga ako eh. Sinabi ko na sa kanila ang bawat detalye na nangyari nang nagpunta kami kina Francine. Nasa mall kami ngayon, sa loob ng isang coffee shop.
"Kaya pala hindi ka pumunta sa gig nila kahapon?" Tanong ni Sophie.
Isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang para sakin.
"So, panu na yan?" Tanong ni Sophie.
"Anong panu? Wala. Okay lang. Di naman kami eh." I smiled.
Nakatingin lang sila sakin at walang sinasabi.
"Tsaka, makakalimutan ko rin siya. Someday."
Ilang sandali ang nakalipas, pinag-usapan naman namin ang tungkol sa enrollment para sa 2nd sem, lovelife ni Mina at iba pa.
Lumingon ako kung saan-saan, para tingnan ang mga tao sa paligid nang bigla kong nakita si Nico - yung kaklase ko sa Philo. Kumaway siya sakin kaya kinawayan ko rin siya. Nasa kabilang table siya kasama yung mga kaibigan niya (I assume).
"Hay naku. Mabuti pa kayo ni Crayon noh, Sophie?" Sabi ni Mina kaya napalingon ulit ako sa kanila.
"Syempre naman, kahit mejo makulet yun di naman siya torpe."
Pinag-uusapan namin yung manliligaw ni Mina na torpe. Hay, mabuti pa siya, torpe lang ang problema. HEY, ba't ko ba iniisip `to? Di ko na problema si Dae ngayon noh!
"Look who's coming!" Sabi ni Chyna.
Napalingon agad ako. My heart skipped a beat. Pakiramdam ko kasi si Dae yung nakita nila.
"Hi, Serene!" Naaninaw ko si Nico sa harapan ko.
"Oi, Nico!" Napatayo ako sa bigla.
"Uh, nakakaistorbo ba ako? Kakamustahin lang sana kita." He smiled.
"Owww-"
"Hindi, actually. Mag C-CR nga kaming tatlo eh." Nagkatinginan silang tatlo. "Diba?" Sabi ni Sophie.
"Oo nga. Sige, mag reretouch muna kami ah! Serene, babalik lang kami-"
"Huh? Ako. sasama ako!"
"Wa'g na!" Sabay pa nilang sinabi.
"T-Teka. Nico, eto nga pala si Sophie, Mina at Chyna. He's Nico." Sabi ko while trying to hold them up.
"Hello~" Sabi ni Nico.
Nagpacute pa silang tatlo, "Hello!"
"Classmate ko siya sa Phil-"
"Bye na, Serene! Mag CCR lang talaga kami, naiihi na ako eh." Sabi ni Sophie habang naghalakhakan sila paalis at para bang kinikilig papuntang CR.
Anong nangyari sa kanila? They're weird!
"S-Sorry." Sabi ni Nico with his puppy eyes.
"Okay lang noh!" I'm still wondering about the reaction of the three.
Kaya nakatingin ako sa kanila habang papasok sila sa CR. Mukhang matatagalan silang tatlo dun, feeling ko kasi sinadya nilang umalis.
"Umupo ka." Tinuro ko ang upuan malapit sakin.
Umupo naman siya.
"Kamusta?"
*Cough*
Takteng ubo. Nakakaturn-off.
"Sorry. Excuse me."
"Ow. Your sick?"
"Uh, hindi. Inuubo lang."
"Parang ganun na rin yun." Nag-iba ang ekspresyon niya. "Nagiging maulan this past few days, nagpaulan ka ba?"
"Huh? Hindi."
Tinitigan ko ang coffee na inorder ko. Tinawag siya ng isang kaibigan niya at sinenyasan niya naman `to.
"Uhh. So, how's the Ball?"
Napatingin ako sa kanya. Matagal na yun. Pero, nang binanggit niya parang kahapon lang.
"Okay... lang." I tried to smile.
He smiled back.
"Kamusta ang date niyo ni vocalist?" He winked.
OH NO~! Di ba niya alam? Di niya alam ang nangyari? I was about to spit out lies like, 'okay lang, nag-enjoy ako sa company niya.' Kaya lang mejo nakita niya ang frustration sa mukha ko.
"Bakit? May nangyari ba?" He caught my eyes.
Ayaw kong magsalita kaya nagkibit-balikat nalang ako.
"Di ka ba niya sinipot?" He asked worried.
OH MY, naapakan niya ang katotohanan.
"Oo." Tumawa ako nang nakita kong seryoso ang mukha niya. "Bakit? Di mo ba nakita? Late ako ng dalawang oras sa party kaya dramatic entrance yung nangyari. Na late ako kasi hinintay ko siya, yun pala, nauna na pala siya." I laughed again.
Tinitigan niya lang ako. He tried to decipher my expression and thoughts.
"Ba't ka pa niya inimbita kung ganun lang ang gagawin niya?"
Nabigla ako sa tanong niya. Kasi, di ko rin naman alam yung isasagot ko.
"Uh... may emergency eh. May dumating... este... bumalik... kaya... pero, okay lang. Nakarating naman ako on time." I smiled.
"No, that's not okay! Kahit sino pa ang dumating o bumalik, kung ikaw ang inimbita niya, ikaw parin ang idi-date niya." I'm shocked again.
Masyado siyang nag-aalala sakin. I didn't even think about that.
"Sorry. Sana pala nagpunta ako sa Ball." He said. "Di kasi ako pumunta kasi wala akong date eh."
TOINK. So, dapat pala di ako pumunta noon kasi wala akong date?
"Kung alam ko lang na wala ka ring date nun, pumunta sana ako."
EHEM? What was that again? He's weird. Malalim ang iniisip niya pagkatapos niyang sabihin yun.
"Hindi ka pumunta? Wala kang date? Ba't wala kang date?"
Oh com'on. Paano siya mawawalan ng date? Eh ang gwapo niya? Wala ba siyang inimbita? O wala bang umimbita sa kanya? Therefore, every girl at school is stooopid? Ibinaling ko ang tingin ko sa mga kaibigan niya, may mga babae naman dun, ba't kaya wala siyang date?
"Hmmm, tinatamad akong maghanap ng date eh. Nakahanap na sana ako, pero may date niya... tapos, it turned out to be... uhh." He frowned.
Tumingin siya sa likuran ko, "Andito na sila. Sige, Serene... babalik na ko ah! Kita na lang tayo sa school. Hope we'll be classmates again." He tried to smile but I know his smile was fake. "Can I be your date next Seasonal Ball?"
Nabigla ulit ako. Grabe, malayo pa yun pero may umiimbita na sakin? Hindi ako sumagot. Hindi ako makapag-isip ng mabuti! Paano kung imbitahin ako ni Dae? LOL. Ba't ko ba yun iniisip? Come on! Nico is inviting me...
"S-sure?"
He laughed, "Don't worry. Sisiputin kita."
I gave him a weird look.
"And... you can cancel if whenever you want. I just want to make sure that you will have a serious date for the next semester." Tapos bumalik siya kaagad sa table nila.
WOW. Grabe. Ang bait niya. LOL. Hindi ko ika-cancel noh! Wala naman akong ibang guy-friend except kina Crayon at si... Nico.
"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY babae!" Sigaw ni Sophie habang nanggigigil.
39th fall
Serene Cruz: Tapos?
"Bakit?"
"Kaibigan mo pala si Nico Lee? Ba't di mo sinabi?"
Umupo na sila sa kanikanilang mga inupuan kanina. Si Mina at Sophie naman ay nakatingin sa table nina Nico.
"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Chyna.
Lumingon naman sina Sophie sakin. Ba't ba ang O-OA ng mga reaction nila kay Nico. Siguro, dahil gwapo siya.
"Uhh, yung nangyari sa Seasonal Ball?" Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata nila.
"What? Ba't yun ang pinag-usapan niyo?" Tanong ni Mina.
"Ganun na ba kayo ka close?" Tanong ni Sophie.
"Anong sinabi mo?" Dinagdagan ulit ng isa pang tanong ni Chyna.
"Uhhh, hindi naman kami close pero napag-usapan kasi namin ang Seasonal Ball nung huli ko siyang nakita kaya kinamusta niya yung nangyari sakin."
Tahimik lang sila habang hinihintay ang idaragdag ko.
"Syempre, inamin ko sa kanya yung nangyari. Kaya lang, wala siya sa Seasonal Ball eh. Wala daw siyang date-"
"WALA SIYANG DATE?" Sabay ang sigaw nilang tatlo.
Sabay din nilang tinakpan ang mga bibig nila.
"Teka nga, bakit ba? Anong nangyayari sa inyo? Crush niyo si Nico noh?" I whispered.
Tahimik lang sila habang nacoconscious.
"Ay, oo nga pala." Sophie sighed. "Nakalimutan kong tatlong taon ka palang nakulong sa States at di bumalik dito kahit isang araw." They laughed.
"Oo nga pala!" Sabi ni Chyna habang tinitingnan ang table nina Nico.
Marami siyang kaibigan and they all look elite.
"Bakit? Sino siya?" Tanong ko.
"My God. Wala ba kayong TFC dun?" Chyna asked ignoring my question.
"Bakit kasi?"
"Narinig mo na ba yung show na Pinoy Big Brother?"
"Ha?" Napatawa ako ng bahagya. "Big Brother."
"Pinoy Big Brother. Yung... basta... sa ABSCBN." Sabi ni Sophie.
"Okay. Bakit?"
"Kasama siya dun! Showbiz yun! Pero tapos na syempre yung PBB teen edition last summer. Isa siya sa 5 finalists! Tapos, super sikat siya dahil ang gwapo." Sabi ni Sophie.
Unti-unti kong narerealize kung ano na talaga ang tunay na nangyayari.
"Tapos?"
"Tapos OMG, kilala mo siya at pinapansin ka niya! WOW. Ang alam ko, di pa raw siya nagkaka-girlfriend ever since. Silent type kasi eh pero marami naman daw siyang kaibigan!" Sabi ni Chyna.
"Naku. Ang alam ko, sa Hereux daw siya mag-aaral sa college pero di ko alam na talagang nag-aaral na nga siya ng college ngayon! Imagine, sa isang sem ko sa Hereux di ko pa siya nakikita, tapos ikaw??" Mina laughed.
"Ang swerte mo!" Sabi ni Sophie.
MY GOOLAY, I can't even understand them. Okay, so ipagpapalagay ko na lang na `tong si Nico eh isang artista or someone connected on show business.
Lumingon ulit ako sa table nina Nico. Nakatayo na silang lahat at handa ng umalis. Nakatingin pa sila sa table namin kaya lalo akong naconscious. My goodness, all of them are goodlooking.
"Serene," Nasa tabi ko na pala si Nico, nakatayo. "Alis na kami ah!"
Narinig ko pa ang kaonting tili nina Sophie at parang nagtaka ang mga kaibigan ni Nico.
"Uh." Tumango ako.
He smiled. Tumili na naman sina Sophie.
Kumaway siya habang papaalis na sila. Kaya kinawayan ko rin siya. Hanggang ngayon, excited parin sina Sophie at para bang kino-congratulate ako sa bago kong kaibigang bigatin.
40th fall
Serene Cruz: Tapos?
Tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan at nakahiga sa kwarto ko. Kung magkakaganito ako buong linggong `to, baka mamatay na ako! Ano kayang ginagawa ni Dae ngayon? Di parin kami nagkikita simula noon. Haaaay, bakit ganito? Bakit nakakalimutan kong sinaktan niya ako? Nakakalimutan ko ang mga dapat kong isipin para tuluyan ko na siyang makalimutan! ARGH!
"Serene!" Tinatawag ako ni Crayon.
*knock-knock-knock!*
Bumangon ako at binuksan ko ang pintuan sa kwarto ko. Andito si Crayon kasi ina-assemble daw nila ni Ney ang padala ni Kuya na laruan. Ang ganda nga nun eh, kaso wala naman akong interes sa pag-aassemble ng kung ano lalong lalo na pag kaharap ko `tong si Crayon, nakakairita eh.
"What?"
"Hindi ka ba lalabas diyan sa lungga mo?" Linagay niya ang kamay niya sa pintuan ko.
"Eh tinatamad ako eh."
"Naku, couz. Lika na! Tingnan mo yung ginawa namin ni Ney."
Kaya naman sumama ako sa kanya at nakita ko ang malapit nang matapos na laruang eroplano. Hindi ako sure kung laruan siya o display lang. Whatever. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan silang dalawa na tinatapos `to.
"Alam mo, para kang hopeless kapag nagkukulong ka sa kwarto." Sabi ni Crayon.
"Haller, anong gusto mong gawin ko. Bored ako eh."
"Hmmm, i-date mo na lang si Dae." He throwed the first evil smile for today.
I sighed. Walang hiya talaga. Ba't ba isinisingit si Dae sa mga usapan? Hindi naman siya kailangan eh.
"Kayo na lang kaya ni Dae?" Sabi ko na may halong pagkainis.
He laughed, "Eh di naman ako type ni fafa Dae eh. tsaka, excuse me... di ko rin siya type noh!" Ayan na naman ang Crayon's-bading-syndrome.
"Bakit? Type ba niya ako at type ko PA ba siya?"
Tumawa na naman siya, "Ewan ko."
"Eh yun naman pala eh." Pinandilatan ko siya. "Hindi mo naman pala alam!"
GRRR, eto ang ayaw ko eh. Pag nag-uusap kami tungkol kay Dae dumarating sa puntong parang inaamin ko ulit na may gusto parin ako kay Dae kahit todo na ang deny ko.
Mas lalo pa siyang tumawa... "Yun nga eh! Hindi ko alam." Tumawa siya ng tumawa.
Gusto kong mag-isip na mukhang may something sa sinasabi ni Crayon pero naiinis ako dahil yun nga mismo ang ayaw ko. Ayaw kong may marinig ulit.
"Ney, wa`g kang tutulad sa ate mong martyr na, tanga pah!" Sumama pa sa tawanan si Ney.
"Di naman yun mangyayari---"
Buwisit talaga. Binu-bully ata ako dito. Kinuha ko ang telepono at agad kong tinawagan si Sophie.
"Sinong tinatawagan mo?"
"Si Sophie..."
"Isusumbong mo ako?"
Pinandilatan ko ulit si Crayon habang inaaninaw ang evil-smile niya, "Hindi. Para lang magkaroon naman ako ng matinong kausap."
"Hello~" Sophie answered.
"Hello, Sophie."
"Serene, o ano?"
"Wala. Naiinis lang ako dito sa bahay. Andito kasi si Crayon."
"HAHAHA, Sabi ko na nga ba't tatawag ka."
"Huh?"
"Kasi, I'm sure kukulitin ka na naman ng Crayon na yan."
"Uh."
"Sabi niya kasi sakin na pupunta siya sa inyo. Tapos nagtext siya sakin kanina na di ka raw lumalabas ng kwarto, kaya iinisin ka raw niya."
Napatingin ako kay Crayon. Crayon... is really a lovable person. He's sweet, kahit na makulit talaga siya.
Napasinghap ako, "Nakakainis talaga siya."
Napatingin si Crayon sakin kaya pinandilatan ko ulit siya at lumabas na ng bahay dahil ayaw kong marinig niya ang pinag-usapan namin ni Sophie.
"May lakad ka bukas?" Tanong ni Sophie.
"Wala."
"Sumama ka na lang samin."
Agad kong naisip na kasama si Dae o ang banda.
"Huh? Sinong kasama?"
"Si Crayon."
"Kayo lang dalawa?" I'm wrong?
"Oo."
"Swear?"
"Oo."
Napaisip ako.
"Naloloka ka na ba? Sa tingin mo sasama ako, eh mukhang date niyo yan eh." Sabi ko.
"Hindi... talaga, swear."
Nag-iisip na naman ako na baka may masamang balak ang mga kumag.
"Hindi na, Sophie."
"Awww, gusto ko lang namang ipasyal ka eh. Lumabas ka naman diyan."
"O sige..."
"Yehey."
"I mean, lalabas ako. Pero di ako sasama sa inyo."
"Huh?"
Tahimik lang ako habang nangangapa ng mga salita.
"Hindi ko isasama si Dae noh, baka akala mo. Ano siya, siniswerte? HMMM, ngayon pa na andyan na si papa Nico!!!" Tumili si Sophie.
"O siya...sige na nga. Pero wa`g mong sabihin kay Crayon na sasama ako bukas ah. Iiwan niyo na lang ako bukas sa kahit saang bookstore o coffeeshop ng mall, okay na ko ron."
"Hmmm?"
"Sige na... baka monthsary niyo bukas, mabadtrip pa si Crayon dahil nandyan ako. Huh? Kung manonood kayo ng sine, sa bookstore lang ako tatambay."
"O sige... basta lumabas ka lang diyan, baka pumangit ka sa kakaisip kay Dae." Narinig ko ang pagtawa niya ng malakas.
Dae na naman? Pano ko di maiisip si Dae kung lahat nalang ng tao eh siya ang bukambibig?
"Pati ba naman ikaw, Sophie?" Pumasok ako sa loob dahil handa na kong ibaba ang telepono.
"HAHAHAHA >:D Totoo naman eh."
"Whatever. Wa'g mo ng ipaalala, sige na... bye."
Binaba ko ang phone.
*KRIIINNNNNG*
"Hello~"
"Hello. Nukaba..." Narinig ko ulit ang tawa ni Sophie.
"Alam mo, may virus ata yung boyfriend mo eh. Nacontaminate ka na. Naku Sophie... lagot ka..." Biniro ko siya.
"HEHEHE. Wala lang. When I look in your eyes I still go crazy... that old flame comes alive, it starts burning inside, waaaay deep down inside." Nainis ako sa kanta niya kaya binaba ko ulit ang phone.
*KRIIIIIIIING*
"I still go crazy... Wa'g mo nang isipin si Dae, wala kang mapapala."
"OO~!"
Binaba ko ulit. Geeez, ang kulit ni Sophie.
*KRIIIIIIING*
"SABING DI KO NA NGA KASI IISIPIN SI DAE EH!"
Wala akong narinig na nagsalita. Napalingon si Crayon sakin at nabigla sa isinigaw ko sa phone.
"Serene?"
OMG. Please kill me. Kill me now.
"Uh? hello? Serene... ano? I-I mean..."
"D-D-Dae?"
"Uhhh. Andyan daw si Crayon sa inyo?"
"O----"
I can hear my heart beating really fast and loud.
"--O, teka lang ah." Binigay ko agad ang phone kay Crayon at kumaripas na ng takbo at nagkulong ulit sa kwarto.
WULAAAAAAAAANG HEYA!
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;