<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 1-5


Stage 1.
You only need me.







Alam ko na noon kung paano. Kaya hanggang ngayon, I'm living the dream. Malapit ako kay Bench simula pa pagkabata. Pero ngayong nalaman ko kung paano ko siya magagamit, edi may benefit na ako sa kanya. O0

Hindi ko na siya kailangang maging boyfriend. Kasi pag boyfriend ang gusto mo sa kanya, mag-eexpire ka lang. At ayoko yun. Gusto ko yung hindi nag-eexpire.

"You're so late! Buti di natunaw yung make up ko! Jeez!" Pinandilatan ko siya nang nakitang bumukas ang bintana sa itim na SUV nila.
"Ba't di ka kasi sumama na lang sa mama at papa mo?" Tanong niya habang binuksan ang pintuan para sakin... with evil smile.
"They wanna be early. And I can't, you know." Sabay pakita sa hairdo, make-up, at damit ko. "I'm surprised! Wala kang date?" Tinignan ko ang tabi niyang walang tao/babae.

Tumawa siya. Umiling naman ako.

"One-week-girlfriends." Sabay pa kaming dalawa sa pagsabi nun. "I know." Umiling ulit ako.
"Let's go, Joe!" Sabi niya sa driver/guard niya.

Minsan solo siyang nag mamaneho ng kanyang sportscar o ng SUV, minsan lang siya nagpapasundo sa personal bodyguard niya. Sa mga okasyon lang tulad nito.  Ngayon ang age of coming ni Eliana. Debut. Ngayon siya ipapakilala sa lahat. Eighteen years siyang tinago sa lahat. Sa wakas! Ipapakilala na siya. Magco-college na din siya sa university na pinapasukan namin ni Bench. Magfi-first year pa lang siya habang parehong mag thi-third year college na ni Bench.

Tinignan ko si Bench, nakatingin siya labas habang nakapangalumbaba pero nakangiti. >:)

"Are you in love or something?" Napatanong tuloy ako.
Tinignan niya ako. "Of course not." Tumawa siya.
"Ba't ka nakangiti jan? May turiring ka yata eh?"
"Sakit mo namang magsalita. Masaya lang ako! Di ba pwedeng ngumiti?"

Nakita kong tumingin si Joe samin sa likod gamit ang salamin sa harapan.

"Kuya Joe, sa lahat ng driver ni Bench, kaw talaga pinaka ayaw ko. Nakikinig ka kasi." Sabi ko.
Tumawa si Bench at kinurot ang pisngi ko.
"Ano bah!" Ayun, nabatukan ko.

Kinuha ko ang pressed powder ko at tinignan ang sarili sa salamin. Pumula ang pisngi ko dahil sa kurot ni Bench.

Tinignan ko pabalik si Bench, nakangiti parin at tumitingin sakin.

"Ba't di na lang kayo ang magkatuluyan?" Tanong ni Joe habang pinapark ang sasakyan sa Plaza Maria Clara.

"Like ew? May STD yata 'tong si Bench. No thanks na lang. Gusto ko pang mabuhay ng matagal."

Nagtawanan silang dalawa. Kainis talaga! Ganyan palagi lalo na pag si Kuya Joe ang kasama niya. Mejo matanda na si Kuya Joe at matagal ng bodyguard ni Bench.

Pumasok kami sa loob. Late kami.

"Ladies and gentlemen!" Sabi nung emcee. "Ms. Eliana Jimenez, daughter of Mr. Andrew Jimenez!"

Nagpalakpakan ang lahat. Umupo kami ni Bench sa harapan at pumalakpak na din.
Hindi binanggit ang mama ni Eliana. Yung mama niya kasi, patay na. Yung tumatayong mama niya ngayon ay ang bagong asawa ni Tito Drew.

Miracle baby si Eliana. Ipinanganak siya habang comatose ang mama niya. Dahil hindi talaga alam ng halos lahat ng tao yun, akala ng iba, anak sa labas siya. Lalo na't homeschooled siya, mas kapanipaniwala tuloy na anak siya sa labas.

Kumaway si Eliana at mukhang masayang-masaya. Ngumiti siya samin ni Bench. Halatang excited sa kalayaan na binigay sa kanya ng kanyang Daddy.

"You're extra popular... tulad ng gusto mong mangyari." Sabi ni Bench sakin sabay turo sa isang lalaking may dalang malaking camera at kanina pa picture nang picture samin.

Tumingin ako kay Bench. Nakangiti ulit siya.

All because of him. At ngayong nandyan si Eliana, mas lalo akong mapapabilang sa mga sikat.

"Hey! Sorry I'm late!" Sabay halik ni Ara Cruz sakin. Si Ara Cruz ang isa sa pinsan nina Bench. Umupo pa siya sa tabi ko.
"Where's Brent?" Tanong ko at hinanap ang kanyang kapatid.
"Uh!" Nakatingin siya kay Eliana at kumaway. "He's with his girlfriend."
"What girlfriend do you mean?" Tanong ni Bench. Humalakhak pa ang isang 'to. Pareho kasi silang playboy nung Brent. Mag pinsan talaga. Pero I tell you, mas malala ang sang 'to... Mas malala si Bench!

Kung si Brent ay malapit lang talaga sa babae at nakakainlove pa. Ang isang 'to wala talaga. Puro sex ang nasa isip. Manyak na manyak.

"Maxine Alvarado. His soon-to-be-girlfriend. Sabi niya." Tumawa si Ara at Bench.
"He's still chasing that girl? Move on." Umiling si Bench.

Sayang, wala si Brent. Hindi makokompleto ang picture perfect ko. Alam kong di ko sila kadugo at maaring magmumukha akong sampid, pero gusto nila ako at matagal ko na silang kilala. I belong. Kung nandito si Brent, mas lalo akong sisikat. Pati sa kabilang school. Lalo na ngayong may paparazzi pa sa tabi. Nyahaha!

"Bit sad, eh?" Bulong ni Bench sakin. "Sikat ka na sa school. And now, your target is...their school?"

Ngumiti ako. I can't believe he knows almost everything bout me.

"You won't need Brent to do that. You only need me." Kinindatan niya ako.


Stage 2.
If that's what you wish.






"Excited na talaga ako!" Sabi ni Eliana habang hinhalungkat ang susootin niya para bukas sa first day of school namin.

"Don't forget. Wa'g kang maniwala kahit kanino. Don't trust anyone. Don't be too friendly." Sabi ko.

Binibrainwash ko siya dahil hindi niyo aam kung gaano siya ka inosente sa outside world. Nagplano na din kami ni Bench na samahan siya mamayang gabi sa isang bar at painumin ng kahit konti para di siya manibago. Para siyang probinsyana na ngayon lang talaga maeexpose sa real world. ::)

Tumango siya ng nakangiti.

"Excited na rin ako mamaya. Bilisan niyo ah?" Sabi niya.

Kinuha ko ang gym bag ko at tinali ang buhok.

"Wheres Bench?" Tanong niya.

"He'll be here in a minute. Late na naman. Sa condo niya siya natulog. You know, baka may babaeng dinala na naman." Sabi ko.

"Hindi na talaga natuto." Umiling si Eliana.

Nasa bahay kami nina Eliana at nagpapasundo ako kay Bench dahil mag gi-gym kaming dalawa.

"Eli, Bench is here!" Sigaw ni Tita na step-mom ni Eliana.

Hinatid kami ni Eliana palabas ng gate. Siya pa nga ang nagbukas nito.

"Ingat kayo ah?" Sabi niya.

Kumaway na lang kaming dalawa ni Bench at humarurot na siya. Ibang klase tong magpatakbo 80-100kph! Naiinis ako minsan. Pinagtityagaan ko na nga lang sumama sa kanya sa gym dahil wala kaming driver today.

"Langya naman Bench oh, mamatay naman tayo dito..." Sabi ko nang tumigil siya sa stoplight.
"Don't worry, di tayo mamatay sa pagkabangga... sa nerbyos lang." Tumawa siya.

Umirap na lang ako. Ang walang hiyang demonyo talaga. Kainis! Sobra! Dumating kami at agad akong tumungtong sa treadmill at nagsimula. Si Bench din, nandun na. Pero ilang sandali lang... habang nageehersisyo parin ako sa treadmill. Nakita ko na siyang may kaharutan!

Tinanggal ko ang earphones ko para makasagap ng mga sinasabi niya sa katalakan niya...

OH MY! NO WAY! Si Candice San Juan. Gusto kong lumapit.

"Have we met before?" Sabi ni Bench sa kanya.
"No... but we're schoolmates." Ngumiti pa si Candice.
"Oh! Pamilyar ka talaga sakin... hmmm."

Nagpacute pa itong si Candice.

"Magkamukha kayo ng grandma ko.." Sabi ni Bench.

Tumawa si Candice at nagpacute ulit.

Umiling ako at umirap sa kawalan. Ang kapal muks talaga nitong si Bench! Hindi nahiya sa balat niya! Alam ng lahat kung paano siya dumiskarte. Alam din ng lahat kung ano ang gusto niya sa mga babae, pero nagpapauto parin ang mga ito. Parang na hypnotize lang! Ang nakakainis pa dito, si Candice pa talaga! Ayaw ko sa bia#ch na yan! Alam mo yun? May mga tao lang talagang ayaw mo na lang bigla. Unang tingin mo pa lang, di mo na siya agad feel! Ganun yung feeling ko sa kanya!

"Pero mas kamukha mo siya kung itatali mo ang buhok mo." Ngumisi si Bench habang hinahawakan at inayos ang buhok ni Candice, may dalang chancing pa! >:D

Naku naman!

"Bench!" Tinawag ko na. "Inuuhaw ako. Can you please get our water." Sabi ko at ngumiti. Plastik.

Sa lahat ng taong kilala ko, si Bench lang ang nakakabasa sa mga plastik kong ngiti. Tiniklop ko ang braso ko at itinaas ang isang kilay habang tinitignan ko si Bench.

"I'll be right back, baby." Sabi niya kay Candice.

Ngumiti si Candice kay Bench at pagkaalis nito ay tumingin na sakin.

"Are you jealous?" Tanong niya. "Sumisingit ka pa eh!"

Ayan! Yan yung ayaw ko sa kanya! Kung makapagsalita, akala niya ang ganda niya. Yes, maganda siya, totoo. Model type, matangkad, matangos ang ilong, makintab ang buhok. Lahat. Hindi naman yun dumidiskarte si Bench kung di maganda. Okay lang sakin kahit sino... Amanda Myers, Janice Villanueva, Tina Tiu at kung sinu-sino pang mga sikat na babae niya noon. Walang pinalagpas si Bench, lahat pinatulan niya, pinaiyak. Wala akong pakealam! Pero ito kasing si Candice, isa siya sa rivals ko sa school noong high school!

Classmate na kami ngayong college at inaagaw niya ang atensyon ng mga tao sa pamamagitan ng pag momodelo at pagpapakita sa iba't-ibang fashion blogs! Okay lang sakin na paiyakin siya ni Bench! SYEMPRE! Nyahahaha! Ang ayoko lang ay dahil siya si Candice - annoying feelingera! Ipagkakalat niya na in love si Bench sa kanya, kahit di naman talaga! AAHHH! Kahit sino Bench, wa'g lang 'tong sang 'to!

"No I'm not! Why would I be? Besides, gusto ka lang naman niyang ikama."
"Ang sabihin mo... inggit ka lang kasi walang nangliligaw sayo!" Tumawa pa siya.

KAINIS! PASALAMAT SIYA AT BINALAAN KO SIYA!

"Okay then! Go get Bench! Sa huli, ikaw ang iiyak. At sa panahong yun, pagtatawanan kita habang humahalik ka sa lupa."

Pagkatapos kong sabihin yun, dumating agad si Bench.

"Here's your water." Sabay abot sakin.

Matalas parin ang tinginan namin ni Candice.

"Hey hey hey! Anong nangyari sa inyo?" Tumawa si Bench. "Easy..." Sabay hawak sa baywang ko.
"I think this girl is crazy about you, Bench." Tinuro ako ni Candice. "Siniraan ka niya sakin."
"Easy..." Sabi ni Bench. "Don't worry bout her... ganyan talaga siya. Eto..." Binagay niya ang calling card niya. "Just text me up, mmmkay?" Kumindat si Bench at hinila ako palayo sa kay Candice.

"What's wrong with you?" Tanong niya sakin.

Nakahawak parin siya sa baywang ko.

"Chansing ka talagang unggoy ka!" Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.
"Di ka naman ganito noon ah? No comment ka sa girls ko. Why now?" Tanong niya ng nakangisi.
"Because I just hate her!" Sabi ko.

Nasa lob kami ng sasakyan niya.

"Why?"

Natahimik ako. Hindi ko kasi alam basta ayaw ko lang sa babaeng yun!

"Wala naman akong sineseryoso diba? one-week-girlfrends nga diba? you don't have to deal with her forever."

Ngumisi siya kaya hinampas ko ng stufftoy kong iniwan ko sa sasakyan niya.

"Okay, okay, I won't date her.." Humalakhak ang unggoy at inayos ang buhok niyang kakahaircut lang kahapon.

Sa sobrang gwapo niya maraming nagkakandarapa sa kanya. Samahan pa ng pagiging madiskarte, pera at hotness, marami talagang magpapaloko. Sa sobrang dami, di ko na malaman kung ilan na ang naging girlfriend niya. Ilan na rin kaya ang ninakawan niya ng virginity? Sagad sa buto ang kagwapuhan at hotness niya. Gym nang gym! Yummy ang katawan at kumpleto ang abs! Wala ka ng hihingin pa sa kanya. Lahat yata mahuhulog sa mga mata niyang mala-demonyo. Alam mong manyakis pero maginoo naman kaya sige ka nang sige. Sugal kahit alam mong mali. At sa huli, uuwi kang luhaan. Wala ka ng magagawa kasi tapos na.

"Date her. Patagalin mo... para mas masakit." Sabi ko.

Tumingin siya sakin with his evil smile.

"If that's what you wish.>:D

At eto pa... hindi ko alam kung bakit sunod siya nang sunod sa utos ko. Benjamin Jimenez. Evil... Denise Cordelia Gozon... more... evil. ;)





Stage 3.
That was an observation





"Let's go!" Nasa gitna namin ni Bench si Eliana papasok sa Core.

Balak naming mag bar hop ngayon at ito ang unang bar na pinuntahan namin. Papasok palang, naagaw na namin ang tingin at atensyon ng mga tao lalong lalo na ang mga schoolmates kong nandun.

"So, Eli... This is called a bar--" Binatukan ko si Bench.
"Tigilan mo nga si Eliana, Bench!" Nakangisi ito habang tinitignan ako. "Alam niya. Di siya ganun ka ignorante." Sabi ko.
"Harsh mo namang magsalita." Nag-sad face si Eliana pero ngumiti din. "Oo. Alam ko na 'to. Sa internet tsaka sa magazines no. Everyone is dancing, drinking and smoking." Sabi niya.
"Well of course you don't have to do all that." Sabi ni Bench. "Just dance... drink... a little."

Tumango ako. Palingon-lingon si Bench habang sinasabi niya ang mga iyon. Narealize kong nandun pala si Candice! Parang nakita ko siya sa crowd! Maraming nakatingin samin at alam kong curious sila sa kay Eliana.

Maganda si Eliana. Matangkad ng konti sakin. Mahaba ang buhok. Natural na brown ang buhok niya. Matangos ang ilong at maputi. Ganun talaga ang karaniwang description sa pamilya nila. Litaw na litaw ang dugong espanyol.

"So...-"
"So aalis ka na kasi maghahanap ka na naman ng bagong biktima?" Inunahan ko si Bench. "Shoo!"
Ngumisi siya. Ayan na naman ang 'the-look' niya. Ganyan siya sa tuwing may biktimang nakikita.
"Let's meet here ater one hour." Sabi ni Bench.
"Aryt!" Sabi ko.

Umalis siya at pumunta doon sa banda kung saan ko nakita si Candice. Naaninaw ko din yung mga kaibigan ko...

"Denise!" Excited silang lumapit sakin.
Ngumiti ako at ipinakita si Eliana. "This is Eliana Jimenez." Sabi ko. "El, si Tanika, Abby at Nina."

Naglahad sila isa-isa ng kamay. Nag order si Nina ng margarita at pinainum si El. Syempre, ang mga kaibigan kong 'to, alam kong excited lang sila dahil kay Eliana. Alam din nilang pinsan 'to ni Bench. Si Bench naman, aside sa halos public figure na siya, marami pang kaibigang mayaman at sikat. Sa mga babaeng social climber na hindi pinalad na maging si Denise Gozon, langit na sa kanila ang sumunod sakin at halos sambahin ako.

"Where's Benj Jimenez?"

Trivia: Ang tunay na nickname ni Bench ay Benj. Bench ang tawag ko kaya nahawa na rin ang halos kalahati ng populasyon.

"He's with Candice." Sabi ko. 8)

Nakita kong dinala na ni Tanika at Abby si Eliana sa dancefloor.

"What? Kakabreak lang nila ni Phoebe ah?"
Tinignan ko na lang si Nina habang nilagok ang Margarita. "What's new..."

Hinayaan ko si Eliana na sumayaw sa dancefloor. Hindi naman talaga ako interesado masyado sa bars. Si Bench itong maimpluwensya kaya palagi ako dito. Marami ding hanga sakin. Straight As yung mga grades ko sa school kahit na sobrang dalas ako sa mga bars. Ganun talaga.

Naupo ako malapit sa bartender habang tinitignan sina Eliana. Parang nagwawala sa dancefloor.

Sa tuwing nagba-barhop kami. Ako ang pinakasikat. Umiinom din pero di ako tulad nila. Hindi ako umiinom ng higit pa sa kaya ko. Sigurista ako. Lahat sila wasted, ako lang ang sober. You need to be wiser to be on top.

"Hi, Denise." Sabi ng biglang umupo sa harapan ko.

He offered me a shot of another margarita. Magtatatlong baso na ako.

Ngumiti ako sa lalaking gwapo sa harapan ko. Si Lance Ramos:D :-[

"Do I know you?" Sabi ko. >:D

Syempre. Kilala ko siya! Kinabahan nga ako bigla nang lumapit siya. THIS IS THE FIRST TIME EVER NA LUMAPIT SIYA SAKIN. Actually, ilang beses na akong nalapitan ng lalaki, pero hanggang dun lang yun. Hindi tulad ngayon.

"Lance Ramos." Naglahad siya ng kamay.
Pinilit kong magmukhang annoyed kahit ang sarap sa pakiramdam!
"You know, crush kita, noon pa." Ngumiti siya.
"Don't be too fast. I'm not drunk." Sabi ko. ;)

Tumawa siya.

"Wish to hang out with you... anywhere. sa school maybe. Pero masyado kang busy eh."
Nagkibit balikat ako. Ininum niya ang beer na hawak niya.
"That's too bad." Sabi ko habang nakapangalumbaba at pinaglaruan ang lemon ng margarita.
"Maybe we could exchange num-"

"Denise..." Bench interrupted. >:(

Di lang yun, hinila niya ang braso ko kaya napatayo ako.

"What?" Gumuho talaga yung mundo ko. >:(

Bwisit na Bench. Magharutan pa kayo dun ni Candice! Malapit na kaming magkaigihan ni Lance-gwapo eh! Imbis na minsan lang yun sa isang dekadang mangyari...ipinagkait pa!

May gusto yata 'to sakin eh!

Itinuro niya si Eliana.

Mali ako. Wala siyang gusto sakin. HAHA!

"She's been dancing like a slÜt! Ilan na kaya ang nainom niyan!?" Tumawa siya pero agad sumugod para pigilan ang pinsan niya.

Napasugod na rin ako at hinila naming dalawa si Eliana Jimenez palabas ng bar. She's wasted. ;D :P

"Dad's gonna kill me." Sabi niya. "Pag may media."
Zigzag ang lakad ni Eliana. :-\
"You're too busy flirting with Lance."



"Are you blaming me?"
 >:(




"Wala akong sinabi. That... was an observation."

Nakakunot ang noo ko pero nakaya niya pang ngumisi habang pinahiga namin si Eliana sa loob ng SUV.

"Let's go home." Aniya.

Sumakay kami. Nasa front seat ako. Si Bench ang magd-drive.

"Ano? Napainlove mo na ba si Candice?" Tanong ko.
"What do you think?"

Ipinakita niya ang iPhone niyang may conversation:
--See you in my condo later tonight?
Yes sure!-- (Candice San Juan)

"As you wish." Pinaandar niya ang sasakyan.

That fast.





Stage 4.
Let's just hang out.





Si Benjamin S. Jimenez, tagapagmana ng overall ari-arian ng ama at ina niya dahil first born sa pamilya. Only son. Pamangkin ni Governor Vilfred Cruz. Mayayaman ang mga Jimenez. Mas yumaman lang sila dahil madiskarte ang papa ni Bench. Lumago ang negosyo nila at dumami ang lupain.

Noong bata pa kami, di siya masyadong nagsasalita. Pero kapag nagsalita siya, wagas naman sa banat at pang-iinis. Nagsimula kami sa mga batang away nang away. Ilang beses ko siyang napaiyak noon dahil sa pagsusumbong ko sa Dad niya. Pinapagalitan siya agad nito pag inaaway ako.

Nang nag teenager kami, nagsimula na siyang magbinata. Di mahirap bihagin ang mga babae para sa kanya. Mayaman, matangkad, gwapa, dimples, killer smile, killer eyes,hot, angas at diskarte. Kumpleto siya. Mahilig siya sa sports: basketball, bowling, frizbee, swimming... etc.

Kinatok ko ang pintuan ng condo niya. Tatlong beses. Walang sumasagot. Bihis na bihis ako, 7:00am sa umaga. First day of school. Mamaya pa ang klase kaso excited si Eliana. Susunduin kasi namin siya ni Bench.

Kinuha ko ang susi ko sa condo niya. Yep... mero ako niyan!

"Bench!"

Dumiretso ako sa kwarto niya. Malinis ang kanyang condo. Walang bakas ng ano mang paghaharutan kagabi.

"Uhmm." Umungol siya nang binuksan ko ang pintuan. Walang damit pang-itaas at hula ko boxers lang ang suot. Natabunan kasi ng kumot niya ang ibaba.

"Tayo na!" Binuksan ko ang blinds kaya lumiwanag ang kwarto niya. "How was last night?"
"Mmmmkay."

Tinignan ko ang cellphone. Ang mokong! Daming katext!

Candice: Thank you... I love you.

Hinagis ko sa dibdib niya ang iPhone kaya nabigla siya at tumayo. Humikab pa ito at ginulo ang buhok.

"Let's go na!!!" Yinugyog ko ang katawan niya pero hinila niya ako palapit sa kanya at humiga ulit ito. "AHH!" Muntik ko na ngang mahalikan eh.

Sinampal ko na.

"Okay... okay!" Tumakbo ito sa banyo.

Naka boxers nga lang. Napailing ako.

"Bench... Papuntahin mo dito si Manang para malinisan na 'tong... condo mo."

Inayos ko ang higaan niya.

"Sayang talaga kagabi! Lance Ramos na talaga yun... Haaay!" Sabi ko nang nandun na kami sa loob ng sasakyan niya.
"Di ka pa ba nadadala? Yung mga nagtatangkang makipag friends sayong type mo di natutuloy..." Evil smile habang nagstop kami sa traffic light.
"Nagkakataon lang yun."

Pagkatapos naming sinundo si Eliana at nagpuntang school... narealize kong totoo ang sinabi ni Bench.

"Bye El! Ingat ka ha? Don't forget, ayt? Yung mga tips ko." Sabi ko nang nidrop namin siya ni Bench sa unang klase niya.

Excited siya at tango lang nang tango. May hangover pa yata 'to eh.

"Wala namang pasok today eh. Let's just hang out." Sabi ni Bench papalayo kami sa room ni Eliana.

Habang sinasabi niya yun, parang nakita ko si Lance na dumaan sa maraming tao. Naririnig ko rin ang iPhone ni Bench na kanina pa nagri-ring.

"Yan si Bench at Denise...blahblahblah" Freshmen. Tsk. Sikat talaga kami.

Ngumiti siyang lumabas ang dimples.

Kinuha ko sa bulsa niya ang iPhone niya.

"It's Candice! Sagutin mo. Hang out with her. Make her fall harder!" Sabi ko at umalis sa harapan niya para hanapin si Lance.

Di ko na siya pinasagot.

At tama siya sa sinabi niya kanina...

Nagtagpo ang landas namin ni Lance... pero ni hindi niya ako pinansin! Sa inis ko nung araw na yun, sinira ko na rin ang araw ng mga kaibigan ko.

"Iwan mo na nga yung boyfriend mo, Nina! Hindi ka niya masyadong tinitext diba? Hindi ka niya mahal!" Sabi ko. Bitter.
"Sobra ka naman, Denise." Sabi ni Tanika. "Di naman ganyan lagi eh. Tsaka... ganun talaga pag long time bf mo na."
"Hay! Ewan ko sa iyo, Nina. Basta kung ako sayo... iiwan ko na siya. Hula ko may iba siya kaya siya ganyan."

Halos di makangiti si Nina sakin. Alam ko ang iniisip nila. Alam nilang di pa ako kailanman nagkaboyfriend o niligawan man lang. Kahit anong sabihin ko about relationships ay invalid kasi wala akong karanasan! Wala naman akong pakealam kung di ako magkaboyfriend eh. I'm contented with being on top of my social circle.

Habang nakasimangot ako sa cafe... nakita ko ang diretsong tingin ni Candice sakin. Nakataas ang isang kilay. Sa tabi niya ay ang makinang na lalaking pangarap ang lahat. Naagaw nila ang atensyon ng madlang tao... Benjamin Jimenez with his new girl.

"Kala niya naman." Bitter kong binulong sa sarili. >:( >:( >:(



Stage 5.
Paranoid mo naman.





Pagkalipas ng isang buwan, mejo nasasanay na si Eliana sa dami ng tao at sa iaasal niya sa mga ito. Nagkaroon din siya ng maraming kaibigan sa klase niya. Narealize ko yun nang naabutan ko siyang nakikipag-usap sa mga kaklase niya. Pinapalibutan siya ng mga ito, mapa babae man o lalaki. Aniya marami din daw nag ti-text sa kanya.

"Eliana." Tinawag ko siya galing sa labas ng classroom nila.

Iniwan niya ang mga kaklase niya at sumama sakin.

"Where's Bench?" Tanong niya.
"With Candice, most likely." Sabi ko. :o

Walang development! Tama! Wala parin akong matanggap na feedback galing kay Lance. Wala na talagang pag-asa kaya lulubayan ko na ang pag-iisip ko sa kanya. Nabigla naman ako dun sa may biglang bumuhos sa damit ko!

"What the?!" Hinayupak! >:( >:( >:(

Nakakabadtrip! Ang sarap ibully kung sino man siya! Halos lahat ng taong nakakita ay napanganga.

Unti-unti kong inabsorb ang lahat at tinignan kung sino ang nakadisgrasya sakin.

Mali. Di siya disgrasya. Nang nakita kong halos ngumisi si Candice sa harapan ko hawak-hawak ang isang lata ng Pepsi, napakunot ang noo ko.

"Ano bang problema mo?"
"Ikaw ang problema ko! Paharang-harang ka sa dinadaanan ko eh!"

Basang-basa ang lower part ng top ko sa softdrinks niya.

"Ang luwang ng daanan, ta's sinabi mong humaharang kami?" Singit ni Eliana.

Binalewala ito ni Candice. Alam niya yatang pinsan niya si Bench.

Ngumisi ako. Hinawakan bigla ang lata ng Pepsi na dala niya at binuhos ang natira sa mukha niya.

"Paharang-harang ka sa paningin ko!"

Hinila ko si Eliana paalis sa scene. Narinig ko ang tili ni Candice sa inis.

Linagpasan ko ang mga nagtsismisan at nakita ko si Bench sa dulo ng mga tao. Nakangisi.

"Leche ka! Anong problema nung girlfriend mo at napagbuntunan ako!?"

Tumawa silang dalawa ni Eliana.

"Napagbuntunan ka o siya ang napagbuntunan mo?" Sabi ni Eliana. "Siya yata ang natalo eh."

Umirap na lang ako sa kawalan. Di parin naaalis sa isip ko ang basa kong top.

"Ang tagal kasi nung mga utos mo. Okay na ba yung one month? Nag lie low na ako sa kanya eh." Sabi ni Bench.
"At bakit ako nasali?"
"Ewan ko ba dun." Humalakhak ito.
"Hindi nagtatanda, nakakainis! Wa'g mo muna siyang i-break. Patagalin mo pa. Pahirapan mo. Hanggang manisay siya diyan at kaawaan ng lahat." Sabi ko.
"Yes, ma'am."

Napailing si Eliana.

"Ibang klase talaga kayong dalawa. Hindi niyo yata kayang mabuhay ng wala ang isa't-isa." Sinabi niya yun ng parang di sinasadya.

Nakita niya kasing kumaway yung sandamukal na classmates niyang puro weird, nerd at nasabi ko na ba yung weeeiirrrd?

"Uy! Hello!" Excited naman si hija.
"Lika! Sumama ka samin, mag mo-movie marathon kami dun sa gazebo!" Sabi nung isang weird. Weird number 1.
"Movie marathon? Sa Gazebo?" Sumingit pa talaga ako. May pandidiri pa sa mukha ko.

Napawi ang ngiti ng lahat ng weird sa mundo.

"Anong i-mo-movie marathon niyo? Wall-E? At bakit sa gazebo?-"
"Uhhh. Eto nga pala si-" Di pa natapos si Eliana sa pagpapakilala sakin...
"Denise Gozon. Bench Jimenez." Sabi nung weird number 2.
"Are you stalking me?" Mas lalong nakakadiring tingin sa kanila.

Halos matawa si Bench sa likuran ko.

"Hindi. Kilala ka ng lahat." Weird number 3.
"OMG. As in? Pati yung mga samahan ng mga weird?"
"Tama na Denise..." Halos matawa si Eliana.

Pero seryoso ako! What? Don't tell me sasama siya diyan sa mga weird?

"Pasensya na talaga kayo sa kanya ah? Ganyan talaga siya. Hehe! Sige bah!! Sama ako. Denise, Bench, hintayin niyo ko please?" Puppy eyes. ;)

Ako naman... nandidiri-look. ::)

"Okay fine."

Umalis din sila.

"Hula ko sa halos sampung weird na kasama niya may isang nagkukunwaring weird para lang makasama at makaclose si Eliana."
"Paranoid mo naman." Tumawa si Bench.
"I'm not paranoid. Alam ko. Alam na alam ko ang mga hasang ng mga tao sa school na 'to."

Nagwifi ako sa cellphone ko para ipakita kay Bench ang sinsabi ko.

Ilang blogs ang nakita ko agad na may lamang balita tungkol kanina.

"See?"

Denise Gozon, binuhusan ng Coke si Candice San Juan.

"Mga blog 'to ng mga kaibigan niyang naninira sakin. Binuhusan ko siya dahil binuhusan niya ako. And it's not Coke... it's Pepsi." Umiling ako.

"Pati yung Coke at Pepsi, damay sa mga maling nakita mo. HAHA!"
Tumawa si Bench. Nakakunot ang noo ko.

Marami akong kaibigan... baka akala niyo puro bad things ang ginagawa ko. Mabuti din ako sa mga mabuti sakin. Pero syempre, halos lahat ng tao dito nangangarap maging ako, kaya di maiiwasan na may manira sakin.

 

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText