<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 61-65


Stage 61.
I'd give her my loyalty





Umiyak ako sa loob ng taxi. Lalo na nung nakita kong di niya ako sinundan. Hinintay niya lang na mawala sa paningin niya ang taxi.

Gosh I'm stupid! Sabi na nga ba diba? Yun yung matagal ko ng iniisip eh. Paanong sa apat na taon nagawa niyang itago sa akin ang IMPORTANTENG bagay na yun? Importante, dahil buong buhay ko nabubuhay ako sa kaba na baka maghiganti siya sakin dahil kay Muse.

Nagkulong ako sa kwarto. I tried to hold back my tears cuz I don't want my parents to notice. Baka tanungin pa nila ako kung bakit namumugto ang mga mata ko at wala akong maisagot.

Naka-off ang phone ko at nakahiga lang ako sa kama. Di ko alam anong oras na. Di rin ako bababa para kumain. Maghihintay lang akong mag-umaga. Buti at Sabado na bukas. Pagkatapos nito, magsisimula na akong mag-aral para sa finals. Straight As this sem! Kaya ko 'to! Next sem, 4th year college na ako. Pagkatapos kong gumraduate, maglu-lawschool ako tulad ni Mommy at Daddy. Malay ko may mas mamahalin pa ako dun kay Bench diba?

"Denise? Denise?" Sabay katok ni manang.

Pinunasan ko ang konting luha sa pisngi ko.

"Manang, tapos na po akong kumain. Inaantok ako. Matutulog na." Sabi ko at pinikit ang mga mata.

"Huh? Sabi ng mama mo bumaba ka na raw! Diba may usapan kayo ni Sir Bench?"

Dumilat ako. What BENCH?

Kinatok ulit ako ni manang.

"Wala naman manang ah. Wala akong naaalala?" Sabi ko pero ayan na at nag-uunahan na naman ang bawat pintig ng puso ko.

Kinakabahan ako. Oo nga pala! Sabi ni Bench, kukunin niya ako from school para makipag-usap kay Mommy at Daddy.

"Aysus! 'tong batang 'to! Tawagin ko ang mama mo ngayon-"
"Manang! Wa'g na po!" Sabay talon at punta ko sa saradong bintana. "Lalabas na ako. Wait lang."
"O sige, hinihintay ka na sa hapag. Bilisan mo na." Umalis si Manang.

Dumungaw ako at nakita ang Benz ni Bench. Oh God! It's freakin real!?

Pumunta ako ng banyo para mag ayos. I need to look pretty! Sinuklay ko ang kulot na dulo ng buhok ko. Inayos ko din ang 'perfect' kong kilay. Perfect talaga ang tawag ko kasi ito yung gusto kong parte sa mukha ko. Tulad kasi nung kay Audrey Hepburn. Linagyan ko ng lipbalm ang lips ko. Yun lang. Wa'g na ang lipgloss, baka akala ni Bench nag effort ako sa pagdating niya. Tapos umalis na.

Pagkahawak ko ng doorknob para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba.

"O, ba't natagalan ka, Denise?" Pambungad na sabi ni Dad pagkarating ko sa table.

Nandun na si Bench! Sitting BESIDE my chair. Gosh gosh gosh! Di ko siya tinignan. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Daddy ang totoo?

"Nakatulog po kasi ako." Sabi ko at umupo sa upuan para kumain.

Halos di ako makakain dahil nandiyan siya, nakatitig sakin. Ba't mo ba ako tinititigan, Bench? Kainis! Ba't ka nandito? Si Muse na lang kaya ang lokohin mo! Kainis! Gusto kong baliin 'tong kutsarang hinahawakan ko sa inis eh.

"You okay?" Nagsalita!
"Dad... saan ba magandang mag Law?" Sabi ko binalewala ang tanong ni Bench.

Si Mommy lang ang nakapansin. Hindi namalayan ni dad.

"Hmm let's see. UP or Ateneo, I guess?" Tanong niya.
"I want to be a lawyer."
"Do you, now?" Ngumisi si daddy. "Kala ko ba magpapakasal muna kayo ni Bench?"

Halos mailuwa ko yung tubig. Umiinom kasi ako habang sinasabi yun ni dad.

"Hindi ba, Bench?" Sabi ni dad at tumingin kay Bench. "Kahapon sa ball niyo, sinagot mo na siya, Denise? Is it true?"
"Actually, dad-" Bago ko masabi yung totoo...
"Opo. Finally, sinagot niya na ako tito." Tapos hinawakan niya ang kamay ko.

GRRRRR! Sinulyapan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Parang gusto kong kalasin yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ayoko namang makita ni Daddy at mommy na nag-aaway kami. Pero totoong ayoko na. Dahil sa bilis ng pintig ng puso ko nakakalimutan ko na kung dahil ba 'to sa galit ko o dahil kinikilig ako at mahal ko parin siya.

Di pala madaling magkunwaring di mo siya mahal. Mahirap palang kalimutan yung feelings mo agad.

Tumawa si dad.

"Hindi ko talaga akalain na magiging kayo." Sabay tingin saming dalawa ni Bench. "Diba noon, away kayo ng away? Para kayong aso at pusa. Bench... are you really for real? Mahal moi ba talaga si Denise?"

Napalunok naman ako sa tanong ni Daddy! OMG! Nakakahiya.

Si mommy naman, tinitignan si Bench... tapos ako... parang nawe-weirduhan.

"Opo. Mahal ko si Denise. In fact, I'm here to ask you if we can get married soon."

Si daddy naman ngayon ang nabilaukan.

"Ehe-ehem." Hinaplos ni mommy ang likod ni dad.
"Okay ka lang, dad?"
"O-Okay... You know, Bench. Kilala kita simula pa nung mga bata kayo ni Denise. At alam ko kung ano ang pinaggagawa mo nung teenager kayo. Pero alam kong ngayong hinihingi mo siya sakin ay seryoso ka na."
"-Opo-"
"I just hope that this time its for real, Bench. Kung may lalaking mang gusto ko para sa anak ko, ikaw na yun. Kaya wa'g mo siyang saktan. Don't break my trust."

Jusko! Kakahiya si Dad! Ang daming pinagsasabi!

*Kring-Kring!*

May tumunog na cellphone kaya naputol yung mga sinabi ni dad.

"I think that's mine." Sabi ni mommy.

Hindi umaalis ng table si mommy kung di urgent pero ngayon ay umalis siya at sinagot.

"Opo, seryoso po ako. Don't worry tito." Hinawakan ni Bench ng mas mahigpit ang kamay ko. "I wouldn't go this far if I weren't. I'd give her everything she wants. I'd give her my loyalty and my heart... forever."

Pinandilatan ko siya. Si dad naman tinitigan siyang mabuti. Pasalamat siya't di ganun kabilis mawala ang pag-aalala ko sa kanya kaya di ko siya kayang ilaglag kay daddy. Not now, probably. But real soon... Ayaw ko namang maabala pa ako sa pag-iisip kung saan ako magsisimula sa pag-eexplain tungkol kay Muse kaya hinayaan ko siya.

"Dad-" Sabi ni mommy. "May emergency sa firm. I need to go."
"Now?" Sabi ni daddy habang umiinom ng tubig.
"Yes. Pero di naman ganun ka lala."
"I'll go with you." Tapos tumayo si dad.
"Wa'g na. Stay here with them." Sabi ni mommy.
"No... No... Kaya na nila dito. let's go."
"Bench, Denise, okay lang ba sa inyo?"

NOOO!

"Dad! Stay-"
"Di... Okay lang po! Mag-ingat kayo!" Sabi ni Bench.
"Sure Bench, we'll be back soon. May pagkain diyan sa ref in case gusto niyo ng snack. Nandyan din si manang." Sabi ni mommy at nagmadaling umalis.

GREAT! Ngayon, kaming dalawa na lang! God! Magkukulong na lang ako sa kwarto.





Stage 62.
one more chance.





Sinundan ako ni Bench sa sala nang nakaalis na si mommy at daddy. Si manang, ayun at nagliligpit sa kusina.

"Denise, listen to me..."
"Bench, baka akala mo okay na tayo at kakausapin na kita? Pinagbigyan lang kita dahil ayokong masira ka sa mommy at daddy ko ng di nila nalalaman kung ano ang tunay na nangyari-"
"Denise, si Muse-"
"Shut up, Bench, I don't want to hear it!" Sabi ko at binuksan ang TV.

Naka full ang volume at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na naiinis na siya. Yan ang bagay sayo! Tseh!

Umupo ako sa sofa. Umupo siya sa tabi ko, tahimik at mukhang galit sa ginawa ko.

Ang mokong, inagaw ba naman ang remote sa akin tapos pinatay ang TV!

"Denise, hear me... Hindi ko intensyong manakit sayo..." Habang sinasabi niya ito ay umalis na ako sa sofa at pupunta ng hagdanan para makapasok na sa kwarto at lubayan na ng demonyong ito.

Sinundan niya parin ako. Pinipigilan niya sa bawat salitang sinasabi niya. Hinahawakan niya paminsan-minsan ang nagpupumiglas kong kamay.

"Alam kong lalong lalayo ang loob mo sakin kung malaman mong nahanap ko siya. True, I wanted revenge cuz I'm mad at you. Pero nung nakita ko na ulit siya..."

Sinundan parin ako sa hagdanan. Umakyat din ang kurimaw!

"I realized that I don't feel the same anymore. Hinanap ko siya at akala ko masisiyahan ako kung mangyari yun pero I was wrong. I cared more for you than my revenge... than her-"
"OH SHUT UP, BENCH!" Ngayon hinarap ko siya.



Isang metro na lang kwarto ko na. Pagkaharap ko sa kanya... nakita ko ang galit at bigong mukha niya. Ginulo niya ang buhok niya sa inis at tinulak ako sa dingding malapit sa kwarto ko.




"Make me..." Sabay lagay ng mga kamay niya sa magkabilang panig ng wall.

Ngayon, nakasandal na ako. Helpless. He's frustrated.

I'm trapped in his arms and his face... so close.

"You damn listen or I'll kiss you."

Nanghina ako at di ko namalayang sa sobrang gulat ko wala ng lumabas sa bibig ko.

"I WANTED TO AVENGE OUR LOST LOVE, Denise. Hinanap ko siya. Ilang tao ang pinaghanap ko sa kanya. When at last I found her, I realized that I care for you more than I care for our love thats lost. In fact, right now, I don't even think it was love. Kasi nung minahal na kita, ibang-iba na. Its way too intense that I can't even get a hold of myself. I don't care if you don't feel the same with me basta ang gusto ko sa akin ka lang. And I know its wrong...its selfish. But it doesn't matter to me. I'm Benjamin Jimenez, soon CEO of that freakin airline company and my mom's brewery and I need you to stay with me. I don't care what it takes. Kahapon, sinabi mo sakin mahal mo rin ako... Tapos ngayon, with that stupid mistake, mawawala lahat ng pinaghirapan ko, guess what, I won't let it happen. I won't let you leave me."

FCK IT! God! Bakit ganito? Parang sa litanyang sinabi niya nawala ang galit ko sa kanya.

All I can see now is his eyes... lonely. And he said he needs me...

"She was there that moment coz I told her what happened. Galing siyang Davao, doon siya nakatira. HINDI KAMI NAGKIKITA ARAW-ARAW, I know thats what you think, we don't communicate, but I know she's there. She's cool with us, cool with me... We're cool. We're friends. What happened ages ago... wala na yun. Hindi ko na siya mahal. In fact, nung minahal na kita, I started to doubt if I ever did love her. Coz like what I said, this ones different-"
"Pero bakit di mo sinabi sakin noon? Would you rather betray me? kung mahal mo ako, sana sinabi mo ang lahat! Kung gusto mo ang trust ko, sana hindi ka nag lihim!"

Now, I'm crying. Can't believe I'm really crying. I mean, kaya ko palang umiyak sa harapan niya at ipakitang nasasaktan ako.

"TRUST ME." Pinunasan ni Bench ang luha ko habang tumutulo ito.
"Earn it, Bench." Sabi ko.
"Bukas, magkita kayo ni Muse. Ipapaliwanag niya ang lahat sayo-"
"Oh no no no, Bench! I won't do that! Hindi ako magpapakita sa babaeng yun!" Sigaw ko.
"Please, Denise!"
"No! No! Over my dead body! No!" At tinalikuran para magkulong sa kwarto.

Bago ako makapasok, hinila niya ang braso ko. Tatanggalin ko na sana pero nabigla ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

"Oh my god!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

BENJAMIN GODAMN JIMENEZ KNEELING IN FRONT OF ME. You've got to be kidding me!

"Please, Denise. Let her prove it. Please... one... more... chance... for me please."

Mas lalo akong umiyak at wala ng nagawa.

Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. If he's lying, I've gotta say 'Standing Ovation!'. I just hope he's not.

"Okay! Stand up now-"

Nung tumayo siya, hinalikan niya ako. Deep kisses. Hinayaan ko siya.

I know how evil he can be. Paano kung si tulad noon kay Jenny... pinilit ko si Bench na lokohin siya. Paano kung si Muse naman ang pumipilit sa kanya ngayon? Gulong ng buhay nga naman. Ngayon ako na ang kawawa.

But I love this man... with all of me. :'( :'( :'(




Stage 63.
You are going down





'Ang pinakamahirap na karibal sa pag-ibig ay hindi yung mga malalanding nakapaligid sa kanya. Kundi yung minahal niya ng sobra, bago ka.' Ito lang ang laman ng isip ko nang papunta ako sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Muse.

Ang sabi ni Bench, puntahan ko daw siya sa office niya pagkatapos naming magkita ni Muse.

Nag-ayos talaga ako para sa araw na 'to. Naka dress akong pula at sinoot ko finally yung isa sa maraming ibinigay na sapatos si Bench sakin. Inayos ko ang buhok ko bago binuksan ng guard ang pintuan ng restaurant para sakin.

Nakita ko agad si Muse. Paano ba naman kasi, nakapula din ang ingratita. Pula din ang kanyang lipstick at nakatali ang mahaba at straight niyang buhok.

Ang paghaharap. Bakit nakapula kaming dalawa? And most importantly, may pambili na pala siya ng mga damit ngayon? Eh nagta-trabaho lang sila sa hacienda nina Eli noon at mas pobre pa sa daga ah? And Bench said she lives in Davao... may pambili pa ng plane ticket ah?

"Hi, Denise. Tagal na nating di nagkita." Sabi niya at ngumisi.

Kinuha niya ang menu at naghanap ng maoorder.

"Let's not prolong this, Muse. Tapusin na natin. Wala rin naman akong ganang kumain dahil hindi ko gusto ang view." Sabi ko pagkaupo.

"Baked Ziti at Milk Tea, please." Aniya.

Nakakasuka pati ang pinili niyang combinasyon ng pagkain. Umalis ang waiter pagkatapos akong tanungin kung anong gusto ko. Di ako umorder. Ayokong kumain.

Pero ang di natatanggal sa isip ko ay kung meron na nga ba talaga siyang pera?

Kahapon naka itim na dress siya. Ngayon, pula. May pambili talaga?

"Tanungin mo na ako." Sabi niya.
"Just tell me everything." Sabi ko.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Ayaw ko ring malaman niyang naiinsecure ako sa samahan nila ni Bench.

"Gusto mo talagang malaman lahat?" Tanong niya.
"Isn't that why I came here? Well, sa totoo lang, di ko naman talaga gustong pumunta dito. Bench begged me to see you. Kahit ayaw ko..."

Sumimangot siya pagkasabi ko nun.

"Alam mo, Denise? Di ka parin nagbabago." Aniya. "Kung ano ka dati, ganun ka parin ngayon. Kaya naman ayoko na..." Umiling siya.

Mukha siyang nasasaktan at naguguluhan.

"Ayokong si Bench ang manakit sayo... gusto ko... ako."

For a moment, I thought she was posessed by a demon. Nanlilisik ang mga mata niya at mukhang galit na galit. Anong ibig niyang sabihin?

"Pinahanap ako ni Bench kasi mahal niya parin ako. Alam kong alam mo yan. Nung nahanap niya na ako, gusto niyang maghiganti sayo. Gusto niya akong ibalik sa hacienda nina Eliana, pero di niya ginawa... Alam mo kung bakit? Kasi ayaw niyang malaman mo na nahanap niya na ako dahil gusto niyang mainlove ka sa kanya para saktan ka, tulad ng ginawa mo saming dalawa."

Tumaas ang kilay ko.

"And guess what? Nagawa niya na! He asked me to marry him a year ago nung akala niya ay hopeless ka ng mainlove kasi ang gusto mo lang ay ang pagiging sikat. Kaya tinanggihan ko siya at sinabi kong saka ko siya papakasalan kung napaikot ka na niya. Kaya eto ngayon at sinusuyo ka niya. Kasi naman, sabik na siyang makasal kaming dalawa."

Nanlaki ang mata ko at gusto kong tumawa. She's a beginner. A beginner in lying. >:(

Dumating ang order niya at di ko na talaga mapigilan ang tawa ko. Now she looks pissed.

"I'm sorry..." Sabay tawa ko.
"In fact, buwan buwan akong pinapadalhan ni Bench ng mga damit at kung anu-ano pa. Pati pera."

Wait a minute... that's not impossible there. Napawi ang tawa ko.

"How can I be sure that you're telling the truth?" Tanong ko. :o
"Kung ayaw mong maniwala, edi wa'g. Ako parin naman ang mananalo eh. Papakasalan ko siya. Kung maniniwala ka naman at iiwan mo siya, okay parin, sasabihin ko na lang kay Bench na di bale na, magpapakasal parin kami."

Kumain siya nung inorder niya.

"Tumatawa kami nung nadatnan mo kami sa office niya dahil naaawa kami sa iyo. Pinapaikot ka lang namin, Denise. Ngayon, ikaw na ang bahalang mag desisyon. Tanungin mo si Bench, sigurado akong idedeny niya ang mga sinasabi ko kasi akala niya, pag di ka niya napaniwala, di na ako magpapakasal sa kanya. HAHA!"

Habang kumakain siya naiinis naman ako sa kinauupuan ko! Nakatingin siya sakin habang sarap na sarap siya sa kinakain niya. Mukhang ngayon lang siya nakakain niyan.

"Nakakaawa ka. Anong gagawin mo ngayon? Kung sana hinayaan mo kami ni Bench noon, di ka sana nasasaktan ngayon. Pakealamera ka kasi." Ngumisi ulit.

I'm 80% sure she's lying. Pero naiinis ako kay Bench. Bakit niya pa ako pinapunta dito? At bakit siya nakikipagkaibigan pa sa Muse na 'to ngayong ganito naman pala kasahol ang ugali. Alam kong masama rin akong tao, maraming kapintasan, pero... Let's just say this is my karma. Kasi noon, nagawa ko silang traydorin, ngayon ako naman ang ta-traydorin niya o nila. But I did that to save Bench. We were too young and he can't be inlove with this kind of girl. Kahit na mabait naman talaga siya noon. Whatever happened in the past 6 years na humubog sa kanya sa pagkatao niya ngayon, hindi ko na alam. Most probably, she got bitter cuz of what I did to them. :'(

Ganun parin ang ginagawa niya: kumakain habang tumitingin sakin. Uminom siya ng milk tea. At nakita kong mejo napailing siya pagkatapos niyang uminom ng tea. She's not used to these things, I knew it!

"Thanks for the info, Muse." Sabi ko at ngumisi.

Nabigla siya sa ekspresyon ko.

"Now you can marry, Bench."

Ngumisi siya. Akala niya naman nagpatalo na ako.

"You see... If karma's a b1tch. I'm b1tchier." Sabay kuha at tapon ng milk tea sa ulo niya.

Napatingin yung mga tao. Dun ko namalayang nandun pala yung iilan sa kaibigan ni Candice at napicturan na ang mga ginawa ko. I walked away. Di siya makagalaw for some seconds. Pero nung nakagalaw na siya, tumakbo siya sakin at hinila ang buhok ko.

"NAPAKAWALANG HIYA MO! ARGH!" Sigaw niya.

Sinampal-sampal ko habang ginugulo niya ang buhok ko.

Inawat siya ng waiter. Inayos ko ang sarili ko. Siya naman, sobrang gulo at basa ng buhok at damit niya.

Tinuro-turo niya ako!

"Humanda ka! Hindi kayo magkakatuluyan ni Bench! Akala mo siguro!?"
"OO NA NGA SABI! Ano bang problema mo? Sinabi mo na sakin na kayo ang magpapakasal diba? Edi hindi na kami magkakatuluyan! I don't effin care, b1tch. But I tell you, sa oras na malaman kong di totoo ang sinasabi mo, hindi lang 500 pesos ang isusuhol ko sa taong magpapabalik sayo sa putik! Buti pa ngayon pa lang, magbalot-balot ka na at umuwi sa inyo, magtanim ng kamote at magpakasaya na lang. Baka pagsisihan mo at binangga mo ako."


Iniwan ko siya na kinakabahan at di maitsura. Puno ng milktea ang katawan at nabigla. Sabi na nga ba! She's a liar! I can't believe Bench trusted her! dumiretso ako kay Bench. Wala ng nasa isip ko kundi...

"Malalagot ka sakin, Bench. Alam kong di totoo yung mga sinabi ni Muse. Well at least I can say, 80% sure ako na di totoo. But the thought that you're friends with her? You are going down too."





Stage 64.
Mahal na mahal






*Kriiing...Kring...*

"Hello?" Si Eliana.
"Hello!"

Pumasok ako sa taxi...

"Jimenez Group Building, manong." Sabi ko.

"Anong nangyayari sa'yo? May nangyari ba sa inyo ni Bench?" Tanong niya.
"Oo. Iniwan ko siya. Tinapon ko yung engagement ring." Sabi ko.
"HUH?" Halos lumabas yung bibig niya sa cellphone ko. "BAKIT?"
"Nahuli ko sila ni Muse sa office niya."
"MUSE? Sinong Muse? MUSE? Yung Muse?"
"Ano bah, Eli! Stop chanting her name!"
"T-Teka. Muse? Si Muse nga?"
"Oo! Sino pa ba!"
"Tapos? Wait... Where are you? Pupuntahan kita."
"Wa'g na. I can handle, Bench. Kung gusto mo, sa bahay ka na lang maghintay."

Tapos binaba ko.

Eliana doesn't know anything about Muse. Malamang! Kasi kung sinabi ni Bench yun, malamang alam ko na noon na nahanap na ni Bench si Muse.

Pagkarating ko sa harap ng building nila, nagbayad ako sa driver at dumiretso ako sa elevator. May kasama pa akong mukhang stock holder nila na papunta din sa 16th floor.

"Denise Gozon?" Tanong niya, kanina pa tingin nang tingin sakin.

Ngumiti ako. Usual, plastic smile. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman.

"Can't believe I'm shaking hands to the future wife of the future CEO." Tumawa siya. "I'm Mr. Lim."
"Nice meeting you too, Mr. Lim. I'm just visiting my future husband." Ngumisi ako. ;D

Halos matawa ako sa sinabi ko...

"That's if he can persuade me right now.>:D

Ngayon, napawi ang ngiti ni Mr. Lim at nagmukhang confused.

*TING!*

Iniwan ko si Mr. Lim at dumiretso sa pintuan ng office ni Bench. May humarang sakin, yung secretary na halos lumuhod na para di ako makapasok. Inayos ko ang bag kong nakasabit lang sa braso ko...

"Ms. Denise-Ms. Denise... Si Mr. Jimenez po ba?" Tanong niya.

Mukha silang badtrip lahat sa opisinang ito. Yung iba nga parang ang samang makatingin sakin. Ano bang nagawa ko at ganito sila?

"Oo. Bakit? Haharangin mo na naman ako? Sino bang kasama niya?!" Sabi ko.

Yumuko siya sa takot.

"Wala po... A-Ano... tuloy po kayo. Sana magkaayos na kayo ni Sir." Tapos binuksan niya ang pintuan.

Pumasok ako agad at nakita ko si Bench na nakasandal lang sa upuan niya at pinaglalaruan ang ballpen ng nakatulala. Nang nakita ako, agad tumalon at tumayo.

"Denise, kamust-" Nakangiti pa siya.

"I DON'T GET IT!" Sa sigaw ko pakiramdam ko narinig ng mga tao sa labas. "I don't get why are you even friends with that b1tch, Bench!"
"Denise... Bakit? Anong sinabi niya? Anong nangyari-"

Lumapit siya sakin.

"Don't come near me!"

Baka halikan ako nito at maging pusong mamon na naman ako. Alam ko na hindi naman siguro talaga nagsisinungaling si Bench. Pero sa ngayon, gusto kong sabihin at ilabas ang galit at inis ko sa kanya. These past few days he's seen the worst ever Denise and I can't believe he's still here. Kung pagkatapos ng away namin ngayon ay nandyan parin siya, magpapakasal na talaga ako sa kanya, kahit saang simbahan at kahit kailan.

Natigilan siya. Dalawang metro ang layo namin sa isa't-isa.

"Sinabi nung babae mo-"
"Stop it! Di ko siya 'babae'-"
"whatever! Sinabi niya sakin na laro lang 'to lahat! Sabi niya, pagnapaikot at naloko mo ako, papakasalan ka na niya! Oh? Happy now? Napaikot at naloko mo na ako! Nasaktan mo na ako! Pakasal na kayo!"

Ayan na naman ang nagbabantang luha ko.

"Shh! That's not true, Denise. That's not true-"
"Sabi niya, kahit di mo na raw ako mapasagot, basta nasaktan ako, okay na sa kanya yun. Pwede na kayong magpakasal! Kung totoo yung sinabi niya, Bench, itigil mo na 'to..."
"Denise! I am not fooling you! Never! Ano bang sinabi- ganun ang sinabi niya sayo- paanong?"
"YES, BENCH! You're friends with your 'Muse'. And she's like that... I assume you are, too!"
"Denise!" Linagay niya ang palad niya sa noo niya. "Denise, hindi ko alam. She told me she's cool. Okay na kami. Kaya naman akala ko okay na talaga."
"And you're giving her money? I don't care about your money, Bench. Pero she told me, as evidence, na binibigyan mo siya ng pera para matustusan ang ano mang luho niya-"
"NO! Denise, No! Binigyan ko siya ng pera, oo! Pero ngayon lang! Kasi ako ang nagpapunta sa kanya dito galing Davao! Gusto kong magkita kayo para may closure tayo sa kanya!"
"And where's she staying, Bench? Sa condo mo?"
"NO! I paid for her stay in sa Shangri-La! I gave her pocket money just for this week dahil plano ko talagang ipagharap kayo later this week para masabi niya ang totoo-"
"SO YUN ANG TOTOO, yung sinabi niya?:'(
"Hindi... Hindi ko alam na ganun siya..." Nag-isip siya at mukhang nahihirapan.

Tinalikuran ko siya at aalis na sana. Ayan na naman siya at hinihila ang braso ko.

"Don't leave me, please. Hindi ko alam na ganun..."
"Now you know, Bench! Di bale, kung iiwan kita, may Muse ka pa naman. O diba? Pinagbayaran ko na ang kasalanan ko noon. Wala na akong utang sayo!"

Hinila niya ako at yinakap galing sa likuran.

Now he's crying like a little kid. Ayan na nga ba sabi ko. Pusong mamon na naman tayo nito kasi umiiyak na naman si The Great Evil Playboy Benjamin Jimenez!

"Don't leave me, please. I'll give you everything..." Aniya.
"Sana hinayaan mo na lang si Muse. She's bitter and its my fault. Pero sa tuwing naiisip ko yung kasinungalingan niya tapos dagdagan pa ng 'magkaibigan' kayo, tumatawa sa loob ng office at naglihim ka pa... it screwed everything up, Bench. Galit ako."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin... putting his face, burying it, on my neck.

"Mahal kita. Mahal na mahal." Sabi niya.

I can feel his tears on my neck.

"I don't think I can say it back right now, Bench. I'm too mad! I want to go home, at wa'g mo akong sundan." Kinalas ko ang pagkakayakap niya. >:( >:( >:(

Nasaktan ako sa ginawa ko. Makaalis na nga bago pa ako umiyak ng husto!

"I'm not fcking giving up, Denise. PUT THAT IN YOUR MIND, ALWAYS!" Sigaw niya nung palabas na ako sa office niya.

Sa sigaw niya halos napatalon ang mga nakarinig na nagtatrabaho at isa-isang tumahimik at mas naging seryoso pa sa pagtatrabaho.




Stage 65.
Mahal kita.







I'm not just some stranger, Bench. I'm your friend. We grew up together. Kaya di ko maintindihan kung bakit niya nakayang maglihim sakin.

Papalabas na ako sa building nila at pumara agad ng taxi. Pero bago pa makaparada sa harapan ko ang taxi, may SUV ng nakarating.

"Ms. Denise, ihahatid na kita." Sabi ni Kuya Joe nang lumabas at binuksan ang pintuan sa likuran.
"Hindi Kuya, mag tataxi na ako."
"Sige na."
"Hindi na talaga." Sabi ko.
"Papagalitan ako ni Bench pag di kita ihahatid. Kanina, halos magwala at tanggalin niya sa trabaho ang mga tao sa opisina. Baka pag di ko siya masunod ngayon, ako naman yung pagbubuntunan niya. Sige na."

Alam kong impossibleng pagbuntunan ni Bench si Kuya Joe dahil matagal na siyang driver nito at mukhang pamilya na rin ang turing ni Bench sa kanya. Sinunod ko parin siya dahil naaawa ako sa pinagsasabi ni Kuya Joe.

Tahimik sa loob ng sasakyan. Mabilis ang takbo kahit di kasing bilis pag si Bench ang driver.

"Galit na galit siya kaninang umaga." Sabi ni Kuya Joe habang sumusulyap sakin sa salamin. "Halos itapon niya yung lahat ng mga papel at pagalitan lahat ng nagkakamali. Nagtaka ang mga tao kaya sinabi ko na lang sa kanila na ganyan talaga si Bench at nagkakaganyan lang siya pag galit yung boss niya." Ngumisi siya.

Hindi ko na rin kayang di ngumisi sa sinabi ni Kuya Joe. Boss ni Bench? Haha!

"Sige, Kuya Joe. Dito na po ako." Sabi ko pagkalabas ko sa SUV.

Nasa tapat na kami ng bahay.

"Salamat." Dagdag ko.
"Walang anuman. Sabi sayo eh, kayo nga ang magkakatuluyan ni Bench."
Umiling ako ng nakangiti, "Yun ay kung kaya niya pa akong balikan pagkatapos ko siyang saktan."
"Noon mo pa siya nasasaktan tapos ngayon pa siya susuko? Imposible." Ngumisi siya.

Umalis na ako at mukhang maayos-ayos na ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Kuya Joe. Sana nga... Sarap ngang balikan si Bench para makipag-ayos na eh. Hindi na ako galit dulot ng byahe.

"OMG Denise!" Biglang-bigla pa si Eli pagkapasok ko sa kwarto.

Andun siya at nakahiga na sa kama, naghihintay sakin.

"Ikaw pa ang nabigla huh?" Sabay tawa ko. ;D
"O-Okay na kayo?" Tanong niya at tumayo.
"Hindi. Bahala siya sa buhay niya. Kung mahal niya ako, edi magiging kami. Gusto ko lang magpahinga ngayon." Sabi ko.
"Asusss!" Sabay tawa. "Hindi naman ako nag-aalala kung anong gawin mo kay Bench. Awayin mo yun at lahat na kasi alam kong mahal na mahal ka nun. Honestly, D, I've never seen him this way before. At minsanan lang ang mga lalaking tulad niya, kahit alam kong playboy siya noon, pero kitang-kita mo naman na malaki ang pinagbago niya."
"Kung makapagsalita parang matagal ka ng exposed sa mga bagay na 'to." Sabi ko.

Talagang marami siyang natutunan sa first love niyang si Yuan ah?

"Syempre naman." Tumawa siya at kinuha ang cellphone. "Hello? Kuya Joe... Nasa labas ka pa? Okay... Okay... Ngayon. Bye." Tapos binaba. "Alis na ako. I know what happened in the office, D. Everyones working hard in that building, and they should cuz their boss's boss is freakin mad right now and you're their boss's boss." Tumawa siya at mukhang nalito sa sinabi niya. "Anyway, hayaan mo na lang si Muse. Ang isipin mo ngayon ay paano na ako. All of my cousins are engaged, Brent, Ara, Bench, and my bestfriend is engaged, ang mga kapatid ko na lang at ako ang hindi. Pero syempre, di sila pwede kasi ang babata pa nila. AKO NA LANG ANG NAIWAN!"
"What? Ako, hindi ako engaged!" Sabi ko.

Lumapit siya sa pintuan para umalis. Bago siya umalis, sinagot niya ako ng...

"You will again be, soon." At kumindat tapos umalis.

Umiling ako sa kawalan at nagpasyang dito na lang ako sa bahay, kumain, matulog, kumain at magstudy para sa upcoming finals.

Pero nang nag alas diyes na ng gabi, narealize kong dahil kanina pa ako natutulog, hindi ako makakatulog ngayon. May isang message si Bench sa cellphone kong di ko nireplyan.

Bench:
Denise, I'll wait for you when you're ready. Tomorrow?

Di ka naman masyadong demanding? Wait for you when you're ready daw ah may suggestion pa palang 'tomorrow'? Napangiti ako. :o

I've never felt this secured in my whole life. Kahit di kami okay ni Bench ngayon, secured parin ako kasi nakita ko nang di niya ako iiwan kahit anong gawing pananakit ko sa kanya. Panahon na siguro para sumugal at bumigay na sa paghila niya sakin.

We'll fall together. :'( :-[

Tapos biglang nag ring ang cellphone ko...

Bench... calling!

Hindi ko sinagot hanggang sa nawala na. Tapos nag ring ulit. Sinagot ko nung malapit ng matapos.

"What?"

Hindi siya sumagot. Instead, narinig ko ang ingay sa background. Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos niligpit ko yung mga books na binasa ko.

"Denise."
"Ano?" Pinilit kong tumunog na parang galit at naaabala.
"Mahal kita."

He's trying to make me say it back.

Tahimik lang ako.

"Nandito ako sa Core, just few shots. Okay?" Ngayon naman humihingi ng permiso o para malaman ko lang at di ko na siya masabihang 'naglilihim'.
"Okay, I hope you en-"
"I'm not enjoying this, Denise!" Ngayon, siya naman ang galit.

Narinig ko ang pag-inom niya ng isa pang shot. I think he's drunk.

"I'll wait for you tomorrow." Tapos binaba niya.

Agad akong nagtungo sa closet ko para mamili ng damit. Pupunta ako sa Core at kukunin siya dun. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang numero ni Kuya Joe.

"Hello, Kuya Joe?"
"Napatawag ka?" Tanong niya at mukhang napatalon galing sa pag-idlip.
"Sorry kung naistorbo kita pero kasama mo ba si Bench?" Tanong ko.
"Hindi eh. Pumunta siya mag-isa sa Core dala niya yung sasakyan niya-"
"Okay, Kuya Joe, stand by ka lang ah kasi baka kailanganin kita."

Tapos binaba ko para makapagbihis. :-[ :-[ :-[

He can't drive. He's drunk. I hope I'm not late
.




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText