<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

J-arcs



J-arcs

J1.Sure





*PRRRRRRRRRRT!*

Pito nang traffic enforcer. Tumawid na naman kasi ako bigla dahil sa pagmamadali ko. Sa school kasi ang assembly para sa training camp tapos tinanghali pa ako ng gising!

Patay! Sigurado na talaga ako, umalis na sila! OMG! Naiwan na yata ako!

"Maxine Alvarado!"

Humarang si Lia sa dinadaanan ko.

"Lia?"

Like, wow? Sa ilang taon naming schoolmates, ilang ulit lang siya nagsalita sa akin. At ngayong nakapagsalita ulit siya sa harapan ko, buong pangalan ko pa ang binanggit niya.

"Is Brent courting you?"

Sa tono nang pananalita niya, ekspresyon ng mukha at piniling paksa, alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya at kung saan patungo ang usapan.

"Huh? Hindi!" Binigyan ko siya nang maasim na mukha.

Ngumisi siya at tumaas ang isang kilay.

"Really?"
"Hindi..."

Sinubukan kong umalis at iwan siya pero may follow-up question pa pala.

"Anong mga ginagawa niyo at bakit kayo laging magkasama?"
"Uh, kasi malapit lang ang bahay namin sa kanila at nautusan siya ng mga magulang ko na ihatid sa bahay. Hindi naman kami laging magkasama ah?"
"I can see it. He's so fond of you. What did he tell you?"

Pagkatanong niya nun, naalala ko yung gabing hinatid niya ako sa bahay. 'Butterflies in my stomach', ang korni nun, buti na lang at di niya alam kung ano ang tunay na translation nang sinabi niyang may kung ano sa tiyan niya. Well? At maniniwala naman ako dun? Pick up line niya yun! Para magmukhang astig kahit corny!

"Wala? Binabanggit niya ang mga nakakahalubilo niyang babae. Yung mga nakakasama niya. Binanggit ka nga niya minsan eh." Alam kong gusto niya 'tong marinig.
Umaliwalas ang mukha ni Lia. "Really?"
"Oo. Kayo na ba?:o
Sumimangot siya. "Hindi! But maybe yes! Idunno with Brent, really." Sa mukha niya ngayon na nakangiti at namumula, halatang halata na gustong-gusto niya si Brent.
"We kiss, do things... act like lovers. Pero magdadalawang buwan niya na akong iniiwasan, I thought he was finally courting somebody. You know Brent, he's like a bee, flying from flower to flower. He's kinda scared of committment and falling in love."
"Talaga? Sinabi niya yan?"
"Nope... But I figured out. Marami siyang babae pero ni isa sa kanila wala siyang linigawan. I'm lucky that I'm with Ara, hindi niya ako basta-bastang iiwan. Ikaw, you don't like him, do you?"
"Hindi no!"
"Aw, okay!"
"Si-Sige ah? Alis na ako!"

Umalis na agad ako at kinilabutan sa mga nalaman.

Nainis din ako lalo kay Brent! Kung ayaw niya ng committment at wala siyang plano sa mga babae niya, sana wa'g na lang niyang paasahin! Kaya naman ako naging number 1 student ng Brentology dahil ako lang ang nakarealize ng mga ito, diba? Salamat sa magandang breed ng utak, mama at papa.

"Miss Alvarado! You are so late!" Sabi ni Coach Paul.

Bagong gupit ang buhok niya at lalong umaliwalas ang mukha.

"Sorry, Sir! Tinanghali po.:-[

Agad na akong pumasok sa bus na magdadala samin sa isang abandonadong beach resort kung saan daw kami mag ti-training.

Pagkapasok ko palang, ngiti na ni Chad ang nakita ko. Nag uusap sila ni Brent at iba pang teammates. Si Chloe naman nakataas ang isang kilay at tinuro ang upuan ko sa likuran ni Brent Cruz.

Umupo na lang ako at tumingin sa labas ng bintana habang umandar ang bus.

Dalawang araw, isang gabi. Yun lang ang kailangan ko para matapos na ang training camp na ito. Naalala ko tuloy nang sinabi ko kay Chad ang nararamdaman ko noong Training Camp sa highschool.



















"Hi, Max. Can I sit here?" Sabay turo niya sa tabi ko.

Napatingin ako sa kay Brent na halos di ko mabasa ang ekspresyon, tinititigan niya lang ako pinagpapawisan na ako ng malamig, para bang may pananagutan ako sa kanya at may utang ako pag pumayag ako sa alok ng nasa tabi ko. Nakita ko rin si Chloe na umiiling at nakataas ang isang kilay. Nakita ko ang pasekretong bulong-bulungan ng mga teammates ko at ng ibang taga basketball team. :-[






"Uh, sure, Chad.:)




J2.Running alone





Hindi naman malayo ang Beach Resort na pinuntahan namin. Habang nakaupo kami ni Chad sa bus ay pinagtripan namin ni Chad ang alaala noong sembreak noon. Naiilang nga ako eh kasi alam niyo naman ang nangyari nun. Siguro ako lang ang naiilang dito, kasi ako lang naman ang may feelings sa kanya eh.

"Salamat." Sabi ko nang tinulungan niya ako sa bag kong dala papalabas ng bus.
"Walang anuman-" Ngumiti siya.
"Chad, dude! Saan ka pupunta?" Biglang sumingit si Brent.

Pa-cool lang ang dating ng mokong.

"Uh-"
"Doon ang boys dorm." Sabay turo sa isang building. "Sabi ni Coach. Dito ang girls dorm." Tinuro niya ang katabi.

Isa-isa ng nagpuntahan sa mga dorms ang mga teammates ko at mga basketball players.

"So, sige Maxine. See you later." Ngumiti si Chad.
"Okay! See ya!" Nginitian ko na rin siya.

Pero sa likuran niya, nandun si Brent at may bakas ng panunuya sa kanyang mukha.

"Bye, Max!" Sabi ni Brent nang nagtagumpay nga siyang ilayo si Chad sakin.

Whatever, Brent! :P

Linagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng dorm at nagpalit ng jersey. Lumabas na rin kami at nagsimulang mag warm up sa tabing dagat.

"Okay team, I made routines for today. Kailangan niyo lang `tong sundin. After warm up, you're gonna jog, from there..." Sabay turo sa kabilang panig kung nasaan nag wawarm up ang basketball team. "to there." Sabay turo sa kabila naman.

Ang layo nun ah?

"I am working out your stamina. Especially you, Miss Alvarado!"
"Yes, Coach!"
"You have this new strategy, diba?"
"Huh????
"I can see it in your games. May bago kang strategy para mas mabilis mong mahabol ang bola kahit saan sa court."

Tama si Coach, meron nga. Hindi ko alam kung paano ko yun nadiskubre. Mahina kasi talaga ako sa stamina. Madali akong napapagod kumpara kina Chloe. Kaya masyado akong desperadang magkaroon ng strategy para mas mabilis kong makuha ang bola nang hindi masyadong tumatakbo. Split-step. Imbis na tatlong hakbang ang tatakbuhin ko, isa at kalahati na lang, kaya mas mabilis akong makakakuha ng bola. Kaya lang, di ko masyadong ginagamit ito dahil bukod sa makasarili masyado ang uri ng pamamaraan, mas nakakapanghina din pala ito sa tuhod at paa. Kaya eto, kailangan ko na lang talagang pataasin ang stamina ko.

"Bilisan mo nga, Alvarado! Lagi ka na lang nahuhuli!" Sigaw ni Chloe sa akin nang nag jogging na kami.

Umalis na kasi si Coach para tingnan naman ang basketball team.

"Hindi naman kasi pabilisan ng takbo ang jogging." Sabi ko ng wala sa sarili. :-[ >:( :-X

Natawa tuloy ang mga teammates ko at mas lalong nagalit si Chloe.

"Anong sabi mo?" Tumigil siya, tumigil kaming lahat sa pagtakbo.
"Uh, diba kasi nga, jogging, hindi naman 'to track n field-"
"I don't care! I'm your captain here! Run laps!"

Nagbulongbulungan ang mga teammates ko.

"Anong mga pinag uusapan niyo jan? At sino yung mga tumawa kanina? Gusto niyong sabayan si Maxine?"

Katahimikan.

"Nevermind! Maxine, you can run laps, alone. Dito, hanggang doon, tapos pabalik. 10 times!"
"Huh? Sobra naman yata-"
"Ano? Nagrereklamo ka? You have such a special treatment from Coach Paul, I wonder why?" Binigyan niya ako ng nakakadiring tingin.

Para bang may ginagawa kaming masama ni Coach Paul.

"Di mo ba siya narinig kanina? 'Especially you, Miss Alvarado'? You have a different set of routine. And I have the right to implement this now, because I am your captain!"

Umirap na lang ako. Hindi na talaga ako nahiyang umirap sa harapan niya. Paano ba naman kasi, kahit na maging mabait ako sa kanya, mukhang desidido talaga siya sa pamemeste sa buhay ko.

"Now, Go! Alvarado. We are just here. Jogging. At ikaw, run laps! Now!"
"Okay, whatever!"

Tumakbo na lang akong mag-isa. TAKBO. Nakakainis talaga! Sabagay, ayaw ko naman talagang makasama ang team dahil nandun si Chloe. Di bale na nga lang na mag-isa ako at tumatakbo pa. Paminsan-minsan tumitigil ako. Nakakapagod kayang tumakbo. At takbo ulit!

Nakakabwisit talaga ang Chloe na yun! Ano ba ang problema niya. Pakiramdam ko tuloy parang impyerno ang sasapitin ko dito.

"Max, running alone?" Sigaw ni Chad na nagwawarm up. Dinaanan ko.

Tumango na lang ako. Hindi na ako makapagsalita ng mabuti sa kakahingal ko.

"Miss Alvarado." Tumingin si Coach sa kabilang panig ng tabing dagat. Nandun ang team. "Why are you running alone?"
"Sabi ni Chloe, coach. May ibang routine daw ako."
"Yes, you have! But that doesn't require you to run alone!"

Umirap na naman ako. Yeah, right! Nakakabadtrip na `to ah!

Umamba si Coach na pupuntahan ang team pero pinigilan ko siya.

"Wa'g na, Coach. Mas gusto ko rin naman na tumakbong mag isa." At nagpatuloy ako sa pagtakbo.


J3.Guilty




Pinatigil din naman ako ni Coach pagkatapos ng ikaanim na ikot. Grabe, nakakapagod! Buhangin kasi ang tinatakbuhan ko kaya masyadong nakakapagod.

Ngayon naman, may hinanda si Coach na routines. Kung anu-ano. Minsan naiisip ko, nagbibiro siya sa mga pinagagawa niya sa amin. Kaya lang, habang nagtatagal, lalo kong nararamdaman ang epekto.

"Okay, team! Good work! Lunch break muna!"

Nagsipuntahan na rin kami sa isang mukhang cafeteria sa gitna ng dalawang dormitoryo. Gigil ang mga kateam kong pumunta sa cafeteria or restaurant ba yan dahil nandun ang mga basketball players. Ako naman, kahit na gigil din ako dahil sa gutom ay di ko mapigilang maglakad ng mahina dahil masakit ang mga binti ko.

"Uy, Max! Dito ka!"

Agad kong nakita si Chad na nag alok ng upuan sa tabi niya. Kaso...

"Hi Chad! May nakaupo na ba dito?" Tanong ni Chloe.

Sumulyap si Chloe sa akin at inirapan ako. Syempre, dahil ayaw ko talaga ng gulo, inayawan ko na lang si Chad at sinenyasang okay lang.

"Come here." May bumulong bigla sa tenga ko.

Agad akong kinilabutan nang nakita ko kung gaano ka lapit si Brent Cruz sa akin. Nakangisi pa.

"With me."

Andyan na naman ang mga mata niyang mapupungay at parang walang makakatanggi. Sumunod na lang ako dahil wala na ring bakanteng upuan bukod dun sa tinuro niya.

"Stop flirting with Chad, okay?" Sabi niya habang paupo kaming dalawa.

Nakita niya yata na kahit may pagkain na sa hapag naming dalawa ay panay parin ang titig ko kay Chad at Chloe na nag uusap.

"Hindi ako nag fi-flirt sa kanya no!" Sabi ko habang kumakain.
"Just stop. Mainit na yata ang ulo ni Chloe sayo. Pagsasabihan ko talaga yung babaeng yun."

Napatingin ako kay Brent. Parang wala lang na sinabi niya yun sakin. Hindi ko malaman kung seryoso ba siya o ano.

"Maybe my twin can do something about it..." Nag isip siya. "Or maybe I...can do something about it."
"Huh? Anong gagawin mo?"

Ngumisi siya. One. Creepy. Smile.

"Brent, kung ano man yung iniisip mo o pinaplano mo. Tigilan mo na yan, ano!"

Hindi parin matanggal sa mukha niya ang ngisi niya.

"Bakit? Ano sa tingin mo ang gagawin ko?"

His face. My gosh! Ayaw ko ang tono ng boses niya at ang ekspresyon sa mukha niya. Halos magbulungan na lang kami dito dahil natatakot ako sa plano niya.

"Alam ko ang ibig sabihin ng mukhang yan, Brent! Stop it."
"Bakit? Ayaw mo nun?" Mas lalo siyang ngumisi.

Pakiramdam ko ang plano niya ay akitin si Chloe. Imposible yun, patay na patay si Chloe kay Chad! Patay na patay! Kaya nga mas gugustuhin niya na lang na kaming dalawa ni Brent imbis na kaming dalawa ni Chad!

"Brent! Wala kang pag-asa dun! Oh please!"
"HAHAHA!" Tumawa siya ng napakalakas.

Ayan tuloy pinagtitinginan kami ng mga teammates ko at teammates niya. Pati sina Chad ay mukhang nakikiusyoso sa pinag usapan namin. Umiling na lang ako at kinabahan sa kung ano mang kabulastugang gagawin ni Brent para makaganti kay Chloe.

"Hay naku! Wa'g na, paano kung mainlove naman yan si Chloe sayo, anong mangyayari? Dikit ka pa naman ng dikit sa akin, ayan tuloy, pati si Lia ay hinarangan ako kanina para lang kamustahin ka at balaan ako." Napabuntong hininga ako.
"Really? Bakit naman niya gagawin yan?"
"Hello!? Brent? She likes you! Duh!"
Tumango lang siya.
"Anong klaseng lalaki ka ba talaga? Hindi ka talaga marunong mag mahal ano? Kaya kung sinu-sino lang sinasaktan mo."

Tinitigan niya ako.

"Sinabi mo yan sa akin last training camp nung high school." Sabi niya. "Bakit pag galing sayo, masakit?"
"M-Masakit? Masakit, kasi yun ang totoo Brent." Umirap ako. "Dahil dyan sa pagka playboy mo, maraming nasasaktan."

Hindi na siya nagsalita. Nailang tuloy ako at agad na guilty. Pero pakiramdam ko, totoo yung mga sinabi ko kaya imbis na magsorry ako, hinayaan ko na lang siya. Binalik ko na lang din ang usapan sa volleyball.

"Anyway, may bago akong strategy. Kailangan ko ng matinding training, kaya pwede ba, Brent, hayaan mo na lang si Chloe kung anong pahirap ang ipapagawa niya sa akin?" Umirap ako.

Tahimik parin.

Natapos din kaming kumain at nagpasyang magpahinga muna sa kanikanilang dorm.

"Just promise me... don't sprain anything this time, Maxine." Bulong ni Brent sa akin nang palabas kami sa cafeteria at maghiwalay. "Especially your heart."


J4.Sprained foot






"Okay ka lang ba, Maxine?" Tanong ni Jason sa akin nang nasalubong niya akong pinag jo-jogging ulit ni Chloe.
"Okay lang!" Tumigil ako. "Hindi pa ba kayo nag papractice?"

Grabe ang hingal ko.

"Nagpapractice, kumuha lang ako ng tubig. Diba may practice game ngayon? Tumigil ka muna sa pag jo-jogging at baka maubusan ka ng lakas mamaya." Sabi niya habang binibigay sakin ang tubig.

May practice game? Hindi ko alam yun ah?

Tiningnan ko si Chloe kung saan naroon din ang team. Nag wa-warm up na sila at mukhang maganda ang kondisyon, samantalang ako dito, halos maubos na ang lakas sa kakajogging.

Umupo ako sa buhangin habang ininom ang tubig na binigay ni Jason.

"Bakit di mo kaya isumbong si Chloe kay Ara?"
"Wa'g na magkakagulo lang..." Sabi ko.
"Hmm, pero imposible din namang di malaman ni Ara ang lahat ng ginagawa sayo ni Chloe dahil nandito ang kambal niya, at sigurado akong sasabihin niya yun kay Ara. Baka kasi hinhayaan lang yan si Chloe ni Coach dahil ayaw niya sa kambal."
"Huh? Ayaw nino?"
"Hmmm, sabi kasi ni Emily sa akin, may alitan daw ang Cruz twins at si Coach Paul. Hindi nga ako makapaniwala dahil mukhang okay naman si Coach at Brent sa mga practice."
"Talaga? Di ko alam yun ah?"
"Baka galit pa si Coach sa twins kaya hinahayaan niya lang si Chloe na apihin ka... Hmm, pero di ako sigurado dun. Sa tingin ko lang naman... Don't worry, Max."

Weird. May ganung pangyayari pala? May alitan ang Cruz Twins kay Coach Paul? Bakit naman kaya at kailan? Weird!

"Maxine! Mag papractice game na!" Sigaw ng assistant team captain.

Umiling ako. Nakakainis lang kasi eh. Wala man lang nagsabi sa akin na magpapractice game. Akala ko, bukas pa, at puro routines ngayon. Napagod pa naman ako sa pagjo-jog at pag gawa ng routines na halos triple dahil sa utos ni Chloe.

Tumayo na lang ako at magkasama kaming nagpunta ni Jason sa court.

"Good luck Max!"
"Thanks!"

Umalis na siya at nakihalos a mga teammates niyang manonood yata ng practice game namin. Pumito na agad si Coach Paul at nag assign ng team. As usual, kalaban ko na naman si Chloe.

"First six, except Miss Alvarado."

Nabigla ako pagkasabi ni Coach nun. Hindi ako first five? Bakit? Nakita ko si Brent sa likuran niya, kinindatan ako.

"Huh? Ba't naman di nasama sa first players si Maxine? Sayang naman! Gusto ko pa naman sanang talunin ang bago niyang strategy." Sabi ni Chloe.

Halos mag hiyawan ang teammates ko at ang basketball team sa sinabi niya.

"Coach? Bakit?" Tanong ko.
"Miss Alvarado, I can see that you're not in the proper condition to play." Sumulyap siya kay Brent.

Alam ko na 'to! Sigurado ako, si Brent ang may pakana nito! Pero gusto kong maglaro at subukan ang hamon ni Chloe! Nakakainis na kasi ang isang yun eh!

"Coach, kaya ko po! I promise... Please?"
"Nope! Just stay here, Miss Alvarado." Sabay turo sa bench. "I'll let you in afterwards." Ngumiti siya pero imbis na ngitian ko din siya, hindi ko nagawa. Ininda ko ang pagkabigo.

Nagsimula na ang laro. Naghiyawan ang mga taga basketball team. Sumipol-sipol pa sila nang ang tataas ng talon ni Chloe. Ang iksi kasi ng shorts niya. Hay naku! Boys will be boys!

"Wa'g ka ngang matigas ang ulo!" Sabi ni Brent tinapik ang ulo ko.

Nasa lukiran ko siya at nakasandal sa bench na inuupuan ko.

"Brent! Alam kong ikaw ang may pakana nito! Tumigil ka nga! Dapat naglalaro ako ngayon eh!"
"Para saan? Para mag pa impress kay Martinez?" Sabay turo niya kay Chad na nag chi-cheer kay Chloe.
"Hindi! Para makapagpractice akong mabuti!"
"No. I can't let you do that. Alam kong masyado ka ng pagod. I doubt if you can still use that stamina-draining strategy of yours." Matamis ang pagkakasabi niya nun dahil halos bulong na lang yun sa tenga ko.

Alam ko, nag-aalala lang siya sa akin. Pero sa puntong ito, linalampaso na ang team ko.

"Side-out!"

Pumalakpak ang halos lahat ng nanonood pati ang buong team ni Chloe. Ang bolang para sana sa amin ay napunta sa kabila.

"Brent, matatalo kami!" Sabi ko.
"This is just a practice game, Maxine!"

Kitang-kita ko si Chad na seryosong nanonood. Nang nagtagpo ang tingin namin, ngumiti siya. Para bang sinasabi niya sa aking gusto niya ako makitang mag laro.

*PRRRRT!*

"Substitution! Alvarado, in!"

Tumayo ako agad at nanginig ang mga paa. Hindi ko alam kung sa excitement ba yun o dahil sa pagod.

Nakabawi din kami agad at lumamang pa! Sobra ang pag gamit ko sa bagong estratehiya na halos di na madapuan ng ngiti si Chloe. Mabuti pala yung pinagawa nilang routines sa akin, nakakatulong kaya heto't madali na lang gawin iyon. Umalis si Chloe sa court at nagpasubstitute.

Mas lalo kaming lumamang. Pero pagbalik niya sa court ay mejo nakahabol din sila kahit papaano. Umiirap pa siya sa tuwing nagtatagpo ang mga titig namin.

Nang malapit na matapos ang laro, nabunutan ako ng tinik sa huling spike ko. Nanginig kasi ang paa ko at mukhang mangyayari ang kinatatakot ko.

Agad akong tinulungan ng teammates ko, at bigla na lang nagpakita si Chad sa harapan ko, tinatanggal ang sapatos ko.

"Are you, okay Max? Sprained foot, Coach!"

Nagkagulo at natigil ang game. Pinagpahinga muna nila ako at pinarelax ang mga paa. Pagkatapos...

"I'll bring you to the clinic." Sabi ni Chad.

Nakakahiya naman! Iniinda ko lang ang sakit ng paa ko. pawis na pawis pa naman ako. Umamba siyang bubuhatin ako pero pinigilan siya ni Coach Paul.

"Mr Martinez, ako na."
"Uh, o-okay, yes Coach!"

Si Coach Paul ang bumuhat sa akin papuntang clinic.




J5.A Kiss





Nandoon si Jason, Chad, Chloe at Brent sa loob ng clinic. Ang iba naman, nasa labas at hinihintay ang sasabihin ni Coach.

Linalagyan ng ice ang paa ko.

"Masyado mong pinagod ang ankle mo." Sabi ng nurse.

"Are you okay, Miss Alvarado?" Tanong ni Coach.
"Oo, Coach! Mejo hindi na masakit."
Tumango siya. "Miss de Silva, we'll have to talk about this."
"Yes, Coach!" Umirap siya.

"Ako na." Sabay kuha ni Chad sa ice na dala ng nurse.

Nung una, nagtaka pa ang nurse, pero binigay din naman niya kay Chad ang ice at si Chad na mismo ang naglagay ng ice sa paa ko.

"Oh great!" Bulong ni Chloe.

Umirap siya ngunit mukhang ako lang yata ang nakakaintindi sa 'Oh great!' at pag irap niya. Nag walk out din siya.

Malumanay ang pagkakahawak niya sa paa ko. Nagkatinginan kami.

"Does it still hurt?"
"H-Hindi masyado..."
"You did great!" Ngumiti siya.

Ngumiti na rin ako. Namumula ang ankle ko. Masakit siya, in fairness. Pakiramdam ko, hindi ko pa kayang maglakad dahil masakit.

Habang linalagyan ni Chad ng yelo ang paa ko, nabunutan ako ng tinik sa mga titig ni Brent na nasa tabi niya.

"Chad, the team needs you. They're a mess outside."
Tumango si Chad, "Pero-"
"Hi-Hindi, Chad, okay lang!"
"Okay lang, Chad. I'll take care of her.Ngumisi si Brent.

Mokong na 'to! Ano na naman kaya ang plano niya? O baka naman... eto ang plano niya?

"Yes, please, Brent! Mr Martinez, help me reorganize the sched. I need to check on the volleyball team pa. Can you?"
"Sure, Coach!"

At umalis silang dalawa sa clinic, parang whirlwind lang ang nangyari. May napansin ako dun sa sinabi ni Coach pero agad ko namang nakalimutan dahil sa mga tingin ni Brent.

Nandito ako, stuck with Brent. Na nakangisi. Para bang pinlano niya lahat. Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"I told you, don't sprain anything."

Napabuntong-hininga ako.

"Wa'g ka na ngang makipag kompetensya kay Chloe."
"Hindi ako nakikipag kompetensya kay Chloe, Brent!"
"Oryt! Clearly, she hates you because... Chad, her crush, likes you..."
"A-Ano? No! H-Hindi ako gusto ni Chad!"

Hinawakan niya ang paa ko. Malumanay ang pagkakahawak niya at seryoso ang mukha niya.

"You should be careful. Try not to hurt your self..."

Tinitigan niya ako. Nakakakiliti nga sa paa ang pagkakahawak at pagkakalagay niya ng bandage dahil sa sobrang gentle.

Bigla na lang akong mas lalong na guilty sa lahat ng ginawa at sinabi ko sa kanya.

"I told Coach Paul that you shouldn't play, because I know you're exhausted."
"I-I'm sorry."

Tiningnan niya ako, mas maaliwalas ang mukha niya. Ngumiti siya. Bakit sa tuwing ngumingiti siya lagi ko na lang naiisip na mukha siyang nanalo kung saan.

Napabuntong-hininga si Brent.

"Napaka reckless mo talaga."

Oh God! I feel like there's butterflies in my stomach. Ako naman ngayon? This is so not happening, Brent!

"Eh-Ehem! Brent, sige na, iwan mo na ako dito. Magpapahinga lang ako, matutulog. May practice game din kayo diba?"
"Aryt."

Hinintay niya na makabalik ang nurse bago siya tumayo.

"Nurse,"

Nakita ko pa talaga ang kislap sa mga mata ng nurse na mukhang nasa early 20s lang, kinilig ng tinawag siya ni Brent!

"What's your name?"
"Uh... Karla." Ngumiti siya.
Ngumiti din si Brent. "I'm Brent. Nurse Karla, please take care of her while I'm not around."
"Sure, Brent..."
"Thank you!"

Pero bago siya umalis, tiningnan niya ako at bago pa makaangal ay hinalikan niya ang noo ko. Halos di nga ako makagalaw, di ko siya mabigwasan!

"That's your punishment for being so careless."
"Brent!:-[
"See ya later." Kinindatan niya ako at umalis.

WHAT THE F WAS THAT?


J6.The Knight in Shining Armor





Dahil sa nangyari sa paa ko, wala akong nagawa kundi matulog maghapon sa clinic habang binabantayan ng Nurse.

"Gising ka na pala..." Aniya.

Nakita ko ang digital clock sa harapan, 6:23PM. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagbababad ko sa kama maghapon. Kung sana'y kamay ko ang na injured, nakapanood na sana ako sa laro nina Chad...at Brent. Kaso, paa eh. Ayoko namang magrequest ng wheelchair. Para kasing malala ang sakit ko pag magwi-wheel chair. Ayaw ko din namang magpabuhat. Nakakagamdala lang ako sa gawain ng iba. Ako naman ang may kasalanan sa nangyari ngayon sa akin eh.

"Masakit pa ba?"

Para akong nabunutan ng tinik pagkasabi ng nurse nun.

"Uh, mukhang di na yata masyado."

Sinubukan kong tumayo, inalalayan niya naman ako. Nabigla ako nang hindi na siya masyadong masakit. Kaya ko ng maglakad pero syempre. Mejo naiiwan ko nga lang ang injured na paa ko, pero ang maramdamang kaya ko na palang maglakad ay mas masaya pa sa aking inaakala.

"Miss Alvarado... Oops!" Sabay takbo ni Coach Paul sa akin at alalay.

Nabigla kasi ako nang pumasok siya at tinawag ako kaya mejo hindi ako nakapagbalanse.

"Salamat." Hinawakan niya ang kamay ko ng sandali at hinayaan naman ako pagkatapos.
"Okay ka na? Di na ba masakit?"
"Hindi na po, Coach."
"Sigurado ka? Pumunta ako dito para sana tingnan kung okay ka na, kasi kung di pa, ay ipapadala ko na lang ang dinner mo-"
"Okay na po ako."
"O sige, labas na tayo at nandun na ang team, nagdidinner at nagkakatuwaan."

Nagpaalam na din kami sa nurse at lumabas na ng infirmary. Kinabahan ako habang naglalakad kami patungong seafood restaurant doon sa resort. Nandoon daw kasi ang buong team, kumakain. Ano namang nakakakaba dun, Max? LOL!

"Uy si Maxine!" Sabi nung isang basketball player.

Silang lahat ay mejo natahimik at napatingin sa akin.

"Max, are you alright? I was so worried." Sabi ni Chad.

Nakita kong ka-table niya si Chloe.

"I'm okay!" Ngumiti ako.
"Halika, sabay na tayong kumain. What do you wan to eat?" Sabay kuha niya sa kamay ko at pinaupo niya pa ako sa table nila ni Chloe.
"Excuse me lang ha?" At umalis na si Chloe at nakihalo sa ibang teammates ko.

Kumain na rin kami ni Chad. Halatang masyado siyang nag aalala sa paa ko. Pagkatapos naming kumain...

"O-Okay lang ba na nandito ako?" Tanong ko nang nahalata kong tingin ng tingin si Chloe sa amin.
"Oo naman." Natawa siya. "Bakit mo naitanong?"
"Uh, wala lang. Kasi feeling ko ayaw ni Chloe sa akin eh."

Tumingin si Chad kay Chloe. Nagkataon pang nakatingin si Chloe sa amin.

"Hindi naman. Mabait naman si Chloe eh."

Pagkasabi niya nun, gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

"Hey Max!" Naaninaw ko si Brent na tumabi sa akin sa table namin ni Chad. "How's your injury?"
"Uh, okay lang naman..." Hindi ako makatingin sa nakangising si Brent.
"Really? Masakit paba? Baka kailangan mo ng wheelchair?"
"Oo nga, Max? Hindi na ba talaga masakit? It looks so bad kanina. At hanggang ngayon namamaga pa." Sabay tingin ni Chad sa paa ko.
"O-Okay na talaga! Mejo masakit pa pero-"
"Patingin."

Nabigla ako ng biglang lumuhod si Chad sa harapan ko at hinawakan ang paa ko sabay tanggal sa bandage na nakapalibot.

Natigil din ang lahat ng mga ginagawa ng ibang nakakita at tiningnan lang kami. Nakita kong umiiling si Chloe at nagbubulung-bulungan ang basketball team at ibang teammates ko.

His touch was as gentle as a feather.

"You should be careful next time, Max." Sabi ni Chad.

Napatingin ako sa di maipintang mukha ni Brent.

"Uh, Oo. Thanks!:-[ :D

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEE!" Naghiyawan ang team at tinukso-tukso kami ni Chad.




J7.Alone with...





"Punta tayo sa kanila, Max."
"Sige."

Ngumiti si Chad habang hinahawakan ang kamay ko. Inaalalayan niya kasi ako dahil di ako makapaglakad ng maayos. Lumalalim na ang gabi at palakad-lakad kami sa tabing dagat nang nakita namin ang halos buong team na nakapalibot sa bonfire. Mukhang may kung anong kaguluhan dahil maingay sila. Hinanap ko si Brent pero wala siya.

"Chad! Nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap eh." Sabi ni Chloe.

Hindi niya ako tiningnan man lang.

"Bakit? Anong meron?"
"Kasi Brent Cruz is planning a race or something."

Tiningnan ako ni Chad at nakisali kami sa kanilang nakaupo sa buhangin at pinapalibutan ang bonfire.

"Race ng ano?"

Umupo din si Chloe sa tabi ni Chad.

"He said he's giving out 2 Usher concert tickets, VIP and the best seats... Dinig ko sold out na daw yung tickets sa concert na yun."
"Talaga? Anong klaseng race naman ang ipinapagawa niya?"
"Hindi ko pa alam, kaya nga hinihintay namin siya dito."

"Andyan na si Brent!" Sabi nung isang taga basketball team.

Wow! Best seats sa concert ni Usher? Astig talaga yung mokong na yun, saan niya naman kaya yun nakuha? At higit sa lahat, ano ang pinaplano niya?

Binigyan niya ng kapirasong papel at flashlight ang bawat isa na nandun. Ewan ko kung bakit pero hindi na umabot sa akin, di na ako nabigyan kaya nakishare na lang ako kay Chad.

"What's up, Brent?" Tanong ni Chad.

Tumayo kaming lahat. Tumabi si Brent sa akin.

"Let's play a game." Ngumisi siya. "First, choose your partner. Kailangan, babae at lalaki."

"Oh my! Tayo, Chad!" Sabi ni Chloe.

At ngayon, tiningnan niya ako at pinandilatan.

"P-Pero-"
"Okay lang Chad..."

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari nitong Brent na 'to. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong sumali o hindi.

"Whose gonna be your partner, Maxine?"

"No! Maxine is not joining this." Ngumisi ulit si Brent.

OKAY FINE! Edi aalis na lang ako dito? Napailing na lang ako.

"Got a partner?"

Nabigla ako nang nakitang nagpapartner-partner na sila. Ang natirang walang partner ay si Brent at ako na lang.

"Sa unahan ng resort na 'to, may malawak na parke. Ang papel na nasa inyo ngayon ay ang map sa parkeng yon. Nandun ang ibang taga basketball team at volleyball team na inutusan ni Coach Paul para mag bigay ng clue."
"Coach Paul? He's behind this?" Sabi ng assistant team captain.
"Yep, we're behind this." Ngumisi ulit siya. "This is part of the training. And of course, I volunteered to work for a price that would motivate you. At meron pa... sa second at third price, excempted sa training bukas ng umaga!"
"O sige sige! Game na 'tol!"
"Bring it on!"

Ako? Hindi ba talaga ako kasali? ???

"Aryt! And oh, I forgot to tell you, the prices are inside a haunted villa. Pagkatpos niyong malagpasan ang park, nakikita niyo ba ang mansion na sa gitna." Sabay turo sa map nila. "Nandyan ang finish line. Nasa loob ng isang baul na kulay pula sa isang maliking kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon."
"What? Omg! I'm scared!"

Halos silang lahat ay natahimik.

"So, paano, goodluck!"
"What about Maxine?" Singit ni Chad habang ang ibang pairs ay nauna na.
"I'll take care of her, Chad." Ngumisi si Brent.
"Tayo na, Chad!" Sabi ni Chloe, halatang nagustuhan ang nangyari.

At umalis na agad.

"Brent, ano 'to?" Tanong ko ng umalis na sila.
"Coach Paul is planning this from the very beginning, Max." Umupo siya sa harap ng bonfire.

Naka sando lang siya at kanina ko pa sinusulyapan ang malalaking biceps niya. Oh God! Why does he have to be so hot? Uh, erase that!

Tumingala siya sa akin, nakatayo lang kasi ako.

Pinilit kong sumimangot. >:(

"Come here." Sabay muwestra niya sa tabi niya.




J8.Real






Hindi ko alam pero bakit parang wala akong nagawa kundi ang lumapit din sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya. At kinabahan. Bakit naman ako kakabahan?

Ngumiti siya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang alon at ang nasusunog na mga kahoy sa bonfire.

Pagkangiti niya, nawala ang kaba ko.

Tiningnan niya ang paa kong injured.

"Masakit pa ba?" Tanong niya.

Hinawakan niya rin ang paa ko. Hindi ko alam kung bakit uminit ang pisngi ko.

"Oo."

Bakit ko naman sinagot siya ng ganun? Walang pag aalinlangan. Hindi ko man lang dineny na masakit nga.

"Dahil sa injury mo, di ka tuloy nakasama sa inihandang hunting ni Coach."
"Uh, oo nga eh. Pero okay lang." Sinikap kong magmukhang cool.

Ngumisi siya.

Ayan tuloy, naiintimidate ako! Bakit ba? Bakit sa tuwing ngumingiti siya at tinitingnan ako, parang tagos sa buto ang nakikita niya sa akin?

"I-Ikaw? Bakit di ka sumali? La ka namang injury?"
"Ah... Of course, I planned all these so I can spend one night alone with you."

Nagtitigan kami. Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin. Lahat ng maaring naramdaman ko kanina ay nawala ng parang bula.

"Ayan ka na naman, Brent! Tigilan mo na nga yan! Hindi ka ba nahihiya sa akin? Sa lahat ng babae dito sa mundo, ako lang ang mulat sa katotohanan. Kaya wa'g mo na akong diskartehan ng ganyan!"
"Hindi ako nandidiskarte sayo."

TOINK! Para akong binagsakan ng malaking bato nun ah? Masyado ba akong assuming?!

"Okay!"

Ngayon, pakiramdam ko napaka estupida ko! Napakafeeling ko talaga!? Ayyy! Ilang years ko na bang iniisip na dinidiskartehan nga ako ng Brent na `to! Parang nahiya naman ako sa sarili ko.

"This is something natural. It's not my diskarte..."

FCUK! Excuse my word! Pero etong si Brent na `to di na talaga nadala? At nahiya pa ako kanina dahil nag fe-feeling pa daw ako? Eh yun naman pala! TALAGANG DISKARTE NIYA TO!

"So? Ganyan ba ang sinasabi mo sa mga babae mo? Of course! Dahil playboy ka, hindi yun 'diskarte', its NATURAL! Natural na na kapag lalapit ka sa babae, diskarte agad kahit di mo alam kung gusto mo siya o hindi."

Tahimik lang siya habang tinitingnan ang bonfire.

"Bakit ba talaga parang hindi mo talaga kayang hindi ako i-offend sa bawat araw na nag uusap tayo?"

Seryoso ang mukha niya. Parang na guilty naman ako dun pero di ko ipinakita. Pinaglaruan ko na lang ang buhangin.

"Kung ayaw mo, edi wag mo na lang akong kausapin."
"You know I can't do that..."

Tumingin ako sa kay Brent. Ngumisi siya.

Nararamdaman ko ang mga patibong sa mga sinasabi niya. Lahat ng moves niya, mga patibong para mahulog ako.

"Bakit naman?" Tanong ko. >:(
"You know, I like you... differently."

Umiling ako.

"Naisip mo na ba na kaya siguro di talaga ako naniniwala sayo dahil isa ako dun sa mga babaeng hindi meant para bolahin mo at magpaloko sayo?"
"Naisip mo na rin ba kung bakit sa tagal ng panahong ginaganito mo ako ay di parin ako tumitigil?"
"Really? Eh nung high school pa tayo, binobola mo na ako nun. Pero may mga babaeng sunod ng sunod parin sayo. Marami ka paring babae."
"Pero wala naman akong naging girlfriend sa kanila."
"Wala kang sineryoso... Sa tingin mo maniniwala ako sayo ngayon? Ni isa wala kang sineryoso? Sa tingin mo maiisipan kong seseryosohin mo ako? I'm not dumb, Brent."

Katahimikan. Ang weird naman nito. Bakit nga ba ganito ang topic naming dalawa?

O sige na! Aamin na ako! Sa bawat salitang binibitiwan ko, nagsisisi ako. Pakiramdam ko ang harsh ko. Defense mechanism ko lang kasi yan. Nakakainis naman kasi `tong si Brent Cruz! Alam niya naman sa simula palang na alam ko kung anong klaseng lalaki siya.

Ngumisi siya. >:(

"No. I still like you. Whatever you say..."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun. What's the connection? Haller?

Humilig siya paharap sa akin. Tiningnan ko siya, straight, sa mata.

I never liked what I'm feeling every time we're together.

"I think I'm even falling for you. I hate it more than you do."




Hinawakan niya ang kamay kong nasa buhangin. Para siguro di ako umangal. Nakatingin lang ako sa kanya, nabibigla sa nangyayari. Sa akin. At sa kanya.

Hinawakan niya ang chin ko at hinalikan ang mga labi ko. My first real kiss.



Ganito pala ang feeling? Bigla mo na lang isasarado ang mata mo habang hinahalikan. But wait? Bakit ako pumapayag na halikan niya ako? At bakit ko siya hinahalikan? Mejo matagal tagal din bago ko narealize na ang isang kamay ko ay hinahawakan niya parin at ang isang kamay ko ay nakahawak na sa braso niya. Umurong ako kaya natigil ang paghalik.

Hindi ako makatingin sa kanya. Nakatitig kasi siya sa akin.

"P-Pagod na ako. Babalik na ako s-sa dorm!" Pinilit kong tumayo.

Pero mas nauna pa siyang tumayo kesa sa akin at sinalo niya pa ako nang kumirot ang paa ko at muntik ng madapa.

"Aryt!" Kinarga niya ako sa mga braso niya. "Then I'm taking you to your dorm."
"Ibaba mo ako, Brent. Kaya ko!"

Pero di siya nakinig sa akin at hinatid pa talaga ako sa dorm.

"Brent, ibaba mo sabi ako!"
"Ayoko nga." Ngumisi siya.
"Errr! wag ka ngang ngumisi-ngisi diyan!"

"Brent, why are you here?" Napatingin ako sa biglang nagsalita na si Coach Paul.

Nasa living room siya ng dorm, mukhang dumadaan lang.

"Ihahatid ko lang sa kwarto niya. May nanalo na ba, Coach?"
"Wala pa..."

Ngumiti si Coach habang pinagmamasdan akong helpless sa braso ni Brent.

"So, May I pass? Para makatulog na siya."
"Sure. Pero, ihahatid ko na rin kayo."

Katahimikan.

"Just to make sure. After all, you're still Brent Cruz."
"Whatever."

Hinatid nga nila ako.

"Good night Max." Sabi ni Brent.

Pero di ko na pinansin at pinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa umalis na sila. WHAT THE HECK? MY FIRST REAL KISS?


J9.After all



Matagal akong nakatulog kagabi kaya eto, tinanghali ako ng gising. Masakit parin ang paa ko. Nag aalala nga si mama nang tumawag siya kanina para kamustahin ako. Pero sinabi ko sa kanya na mejo okay na. Totoong mejo okay na pero sumasakit parin kapag lumalakad ako. Kaya tuloy di ako kasali sa training ngayon.

Walang tao sa dorm. Nasa basketball court daw silang lahat. Practice game ng basketball team. Kumain na lang muna ako ng pagkain, ginugutom kasi ako. Ayaw ko rin namang dumiretso sa court ng di pa naliligo eh. Naligo na rin ako pagkatapos kong kumain.

Kinakabahan ako. First real kiss? Naramdaman siguro ng mokong na yun na first real kiss ko yun?! Nakakahiya! Leche! Nalinlang yata ako sa kagwapuhan niya! Ilang labi na kaya ang nahalikan nun? Sa tuwing iniisip ko yan, nandidiri ako eh.

Ngayon ko lang din namalayang nag iiba talaga ang ekspresyon ko sa tuwing naaalala ko yung nangyari. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Naaaninaw ko din sa isipan ko ang mukha ni Brent na nakangisi>:( :'(

Ano ba kasing pumasok sa kokote mo, Maxine at hinayaan mo na lang ang Brent Cruz na yun? Ano naman ngayon kong gwapo siya, hot siya? Masyado ka talagang nasisinag at nalilinlang sa mukha niya.

"GOOOO! GO! GO! WHOOOOOOOOOOO!"

Iba't-ibang hiyawan ang narinig ko habang papalapit ako sa court.

Napalunok ako. Ano ba dapat ang ekspresyon ko ngayon? AH! Dapat nakasimangot ako palagi! Baka pag ngumiti ako, iisipin ng Brent na yun na nagustuhan ko ang halik niya kagabi. Sa tuwing may tumitingin sa akin, parang nahihiya at naiilang ako. Feeling ko kasi alam nilang lahat na naghalikan kami ni Brent kagabi. Ano ba naman yan!!! GRRR...

"Ang galing talaga ni Brent!" Sabi nung isang ka teammate ko pagkatapos maishoot ni Brent ang 3-points.

Tumabi ako sa mga ka teammates ko. Tumingin si Brent sa akin at kumindat. Sinimangutan ko na lang ang walang hiya.

"5... 4... 3... 2... 1...!"

Tapos na pala ang laro? Ang huling shoot ay ang 3 points ni Brent. At ang score ay... 97 to 45? WHOA!

"Okay lang yan, Chad!" Sigaw ni Chloe na nasa harap ko pala nakaupo.

What? Oo nga pala! Hindi pinagsasama sa isang team si Chad at Brent sa mga practice game kasi silang dalawa ang isa sa pinaka magaling sa team.

"Wow! Anong nakain mo, Brent!? Galing mo ngayon ah?" Sabi nung senior na ka team ni Chad.

Binati si Brent ng ibang ka team niya at mga taga volleyball team.

OH NO! Pakiramdam ko dapat siguro umalis na ako dito at magtago kung saan. Nagkatinginan pa kami ni Brent kaya pinandilatan ko siya. Nag flying kiss ba naman ang haliparot! Grrr!

Makaalis na nga!

"Maxine..."

Lumingon ako.

"Ch-Chad!"

Nasa likuran niya si Chloe. Halatang bigo.

"Ayos na ba ang paa mo?" Tanong ni Chad ng nakangiti.
"Uh, oo."

Tiningnan ko ang paa ko.

"By the way, Maxine..." Ayan na si Chloe! "Nanalo nga pala kami ni Chad sa game! Ang galing namin no? Kaya pagod si Chad ngayon kasi masyadong maraming drills kagabi. Care to congratulate us?"
"Uh, congratulations! Enjoy sa concert." Sabi ko. "Aalis na ako ah... magpapahinga lang."
"Sige, bye!"
"Max... sandali... are you okay?"
"Oo, bakit?"
"You look... sad. Or something."

Ngumiti ako. :)

"Hindi naman. Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

Kasalanan `to ng Brent na yun! Kung bakit pa kasi niya ako hinalikan kagabi edi sana di ko na naisipang mag susungit at sumimangot sa araw na `to.

Tiningnan ko si Chad. Malungkot ang mga mata niya. Hay naku! Hindi ko naman matiis ang anghel na crush kong `to kaya binigyan ko ulit ng ngiti.

"Miss Alvarado, kamusta ang paa mo?"
"Uh, okay na coach!"

Biglang sumulpot si Coach Paul.

"Ganun ba? Nakaklakad ka na ba ng maayos?"
"Mejo po."
"Nag aalala lang kasi ako, eh kagabi binuhat ka pa talaga ni Brent. Akala ko naman masyado pang masakit."

Nagkatinginan kami ni Chad. Nag iba ang ekspresyon niya. Napatingin ako kay Brent na kausap parin ang ibang teammates at nagtatawanan. :-X

After all, he's still Brent Cruz.

"Mejo masakit pa, coach, pero kaya ko ng maglakad. Uh, sige, mag iimpake lang ako..." At umalis na.



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText