K-arcs
K-arcs
K1.Confrontation
"Maxine, ano? Okay na ba ang paa mo?" Tanong ni Emily pagkatapos ng klase.
"Oo. Mejo."
"Naku! Naku! Kailangan maging okay na yan. Dalawang araw na lang Intergames na!"
"Maxine!" Biglang sumulpot si Kitchie kung saan.
Naglalakad kasi kami sa corridor ni Emily papuntang court dahil practice ngayon.
"Uy, Kitchie."
Tiningnan niya ang paa kong may bandage parin. Naka flipflop nga lang ako ngayon dahil sa injury ko.
"Naku naman! Tsss. Dapat maayos na yan bago mag intergames, Maxine!"
"Oo nga eh."
Umiling siya.
"Ano ba kasi ang nangyari sa camp niyo?"
"Uh, naaksidente lang ako." Sabi ko.
Tumango siya.
"Max, gusto mo pumunta tayo sa tita ko? Doctor kasi siya, ipatingin natin?"
"Huh? Wag na no-"
"Sige na! Max, pumayag ka na kay Emily!" Sabi ni Kitchie. "Gusto ko talagang mag heal na yan ng makapaglaro ka sa Intergames. Alam mo naman na idol kita!"
"Uh, pero..."
"Sige na, Max! Ngayon na!"
Hinila ako ni Emily.
"Pero kasi practice ngayon... Mag papaalam na lang muna ako kay Coach."
Pumayag naman ako pero dapat mag paalam muna.
"Hindi ako makakasama eh, kasi may pasok pa ako." Sabi ni Kitchie at nagpaalam din.
Pero pag dating ko sa court, wala si Coach. Ibig sabihin, sa kay captain ako magpapaalam. Walang ibang captain kundi si... Chloe de Silva!
"Alvarado! Late ka! Anong tinutunga-tunganga mo diyan? Mag bihis ka na dun?"
"Uh, kasi Chloe... liliban muna ako sa practice ngayon."
"Huh? Bakit?"
"Kasi magpapatingin lang sana ako sa spesyalista para sa paa ko."
Pinandilatan ako ni Chloe.
"Ano? Di parin ba yan nagiging okay? Ang OA naman talaga!"
"Oo eh, kaya..."
"Ows? Baka naman excuse mo lang yan para lumiban sa practice?"
Nakakainis na talaga ang Chloe na `to ah! Maxine, mag timpi ka na lang muna please! Ayaw mong magkagulo diba? Tapos marami pa siyang kampon sa likuran niya.
"Kainis naman, siya kaya ang may kasalanan..." Bulong ni Emily.
"Anong sabi mo? Hoy Emily, tumahimik ka diyan! May pabulong-bulong ka pang nalalaman!"
Umirap ulit siya at padabog na inispike ang bola.
"O siya, sige! Dahil mabait ako, papayag na ako sa petty excuse mo, Maxine Alvarado."
Tumunganga siya sa harapan.
"Lika nga dito!" Hinila ako ni Chloe palayo kay Emily.
Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Mukhang may sasabihing importante.
Nagsalita lang siya nung nalayo niya na ako sa mga makakarinig.
"Pinayagan lang kita sa kapritso mo ngayon dahil gusto kong layuan mo si Chad..."
LAYUAN SI CHAD?
Seryoso ang mukha ni Chloe. Halatang desperada.
"Bakit naman?"
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita?"
Lumunok siya, sabay yata dun ay ang pag lunok sa pride niya.
"Gusto ko si Chad! Gustong gusto ko siya. Gusto mo ba siya?"
Natameme ako sa sinabi niya. Napanganga. Dahil sa unang pangungusap pa lang, nakakanganga na. Yung tanong nakakalula pa talaga. Hindi naman ako nabigla sa rebelasyon niya, kaso hindi ko matanggap ang paglunok niya ng pride at pag amin sa akin mismo. At ang tanong niya naman ay mas lalong nakakakaba. Paano ko sasagutin yun? Totoong gusto ko si Chad.
"Ah? Gusto mo din siya? Diba? Sino ba kasi ang di magkakagusto sa kanya." Sabi niya.
Bitter na ang tono ng boses niya.
Hindi parin ako makapagsalita.
"But I doubt if you like him the way I do. I love him, Maxine. At ngayon pa lang, gusto kong layuan mo siya."
"Pero, mag kaibigan kami."
Nanlaki ang mata niya at nabigla sa biglang pagsagot at sinagot ko.
"So? I don't care! You don't deserve him! Leave him alone!"
Umalis din siya agad sa harapan ko.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong layuan si Chad. Magkaibigan naman kami. Siguro pakiramdam ni Chloe na may gusto si Chad sakin? Imposible naman yun, mas marami silang moments together kumapara samin ni Chad kaya malabo mangyari yun.
Naglakad ako papunta kay Emily.
Naguguluhan ako.
Oo, gusto ko si Chad. Pero tama si Chloe, maaring mas gusto nga niya si Chad. Kaya siguro nakaya niyang sabihin sa akin ang lahat ng yun. Pero nasaan ba ang sukatan sa pagiging 'deserving' sa pag ibig? Nasa laki ba ng pagmamahal mo? At paano mo naman sinusukat ang pagmamahal mo? Siguro sa mga sakripisyong ginawa mo para sa mahal mo... sakripisyo?
Mahal? Love?
Love ko na ba si Chad?
Love? Love? Love? Mukhang narinig ko yan kung saan...
"I think I'm even falling for you. I hate it more than you do."
Love ba yung ibig sabihin niya? I'm confused.
K2.Number 1
"Okay ka lang?"
Tulala ako sa tabi habang nakaupo sa veranda nina Emily.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ni Brent sa training camp?"
"H-Huh?"
Kagagaling lang namin sa ospital para mag pa check up sa paa ko. Sabi ng doktor na tita naman ni Emily, hindi na lang raw muna ako magpapractice ng dalawang araw para makapagpahinga ang paa ko. Ibig sabihin, sa Intergames na ako makakapaglaro. Kinakabahan na tuloy ako.
Uminom si Emily ng kape. Kanina pa siya may binabasang mga libro at tahimik, ngayon lang siya nagsalita ulit para tanungin ako tungkol kay Brent.
Napabuntong-hininga ako.
"Ang alam ko lang ay naiwan kayo dahil may 'treasure hunt' daw na nangyari."
Tiniklop niya ang libro.
Kanina kasi habang papunta kami dito, nadaanan namin ang bahay nina Brent. Hindi pala... talagang sinadya ni Emily na ipadaan ang sasakyan nila sa bahay nina Brent. Hindi ako makapaniwalang hindi namin makita ang kabuuan ng bahay nila dahil masyadong mataas ang gate nila. Sabi pa ni Emily, sila daw ang pinakamayaman dito.
Naisip ko tuloy ang mga gianwa kong 'pang aapi' sa kanya. LOL? Pang aapi? May ganun ba talagang nangyari? hehe. Ewan ko ba.
"Hinalikan ka ba niya?"
Nagulantang ako sa tanong niya.
"Hinalikan ka nga." Ngumisi siya.
Katahimikan.
"Ano ba ang nararamdaman mo sa kanya?"
"Nararamdaman? Wala! Naiinis lang ako. Naiinis ako sa kanya. Playboy."
"Ows? Tapos, kay Chad?"
Katahimikan ulit.
"Talagang ibu-bully ng bruhang Chloe na yun pag papakealaman mo yun."
"Hindi ko alam."
"Do you like Chad?"
"O-Oo."
Tumango siya.
"Hmm, sa bagay, nandyan naman si Ara. Ipagtatanggol ka nun kay Chloe. Sayang din yung friendship ni Chloe at Ara nun ah."
"Huh? Magkaibigan sila nun?"
"Uhm, oo. Nung grade school. Matagal na. Pero simula nung highschool, nag away na yata sila."
"Bakit?"
"Yun ang di ko alam."
"Tsaka nga pala! Nabanggit sakin ni Jason na may dipagkakaunawaan daw si Coach Paul at Cruz Twins, bakit? Anong nanyari?"
"Ah, matagal na yun. Nung high school pa kami. First year high school yata. Ang alam ko lang, grabe daw yung away ni Brent at ni Coach Paul. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Pero ngayon, sabi ni Jason, nagkakasundo naman daw sila."
Tulala ulit ako. Curious parin talaga ako sa part na `to. Hindi ko parin maintindihan.
"Haaay, Maxine! Hindi kita maintindihan talaga. Pero sa tingin ko in denial ka sa feelings mo for Brent."
"Wala akong feelings kay Brent. Talagang ang kulit niya lang."
"Ang kulit na di matanggal tanggal sa isipan mo."
Binigyan ko ng nandidiring mukha si Emily.
"Okay, whatever! Nga pala, ipapadala ko na lang sayo 'tong ginawa mong cookies! HAHA!"
Oo, nagbake kasi kami ni Emily. Hindi siya makapaniwalang kahit na ako yung nagsabi sa kanyang mag aral na dapat kaming magluto ay mas nauna pa siyang natuto kay sa sa akin.
"Infairness masarap ang cookies na ginawa mo huh?"
"Syempre, sa ilang years kong pag aaral, may natutunan din ako kahit paano."
"Ibigay mo kaya yan kay Brent?" Ngumisi siya.
Ayan na naman ang panunukso niya sakin kay Brent. Errr!
"Eh ikaw, Emily. Sino ba ang gusto mo at ng mabigyan mo naman siya ng cookies?"
"Naku! Ewan ko! May ibang gusto yun!"
Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay umalis na siya, pumunta yata sa kitchen. Pero pakiramdam ko, excuse niya lang yun para di ko siya matanong kung sino ba talaga ang gusto niya.
Umuwi din naman ako bago gumabi. Inihatid ako ng driver nina Emily.
Marami na tuloy ang gumugulo sa isip ko. Yung Brent na yun kasi eh! Bakit ba kasi ako naiinvolve sa Cruz Twins? Hay naku! Pag naiisip ko yung kiss namin ni Brent, ang mga sinabi niya, at siya, parang may kung ano sa tiyan ko. Parang gusto kong matawa at di ako makapaniwala.
"Thank you!" Sabi ko sa driver nina Emily.
Dala-dala ko na yung nibake kong cookies.
"You're late Maxine."
Gumulantang sakin ang isang Porsche sa tapat ng bahay at may nakasandal na nakajersey pa ng NUMBER 1, Cruz.
K3.Cookies
"Bakit ka nandito, Brent?"
Ngumisi pa siya at agad nakita ang dala kong mga cookies. Bakit ba kasi transparent tong lalagyan nina Emily eh!
"Para sa akin ba yan?" Sabay kuha niya.
"Hoy! Brent! Akin na nga yan!" Pinilit kong abutin ang itinataas niyang tupperware ng cookies pero di ko talaga maabot.
Imbis na maabot ko nga yun eh pakiramdam ko ayan na naman at umaandar na naman ang pagka manyak niya. Nachachancingan tuloy ako.
Sinimangutan ko siya.
Talagang binuksan niya at tinikman pa ang isa.
"Hmm, pwede na rin!"
"Tse! Hindi naman yan para sayo!"
"Para kanino?" Ngumisi siya.
"Wala! Para sa akin! Duh!"
"Edi kung di mo naman din ibibigay kahit kanino, akin na lang!"
Umiling na lang ako habang linamon niya ang mga cookies ko.
"Saan ka ba galing?"
"At may gana ka pang magtanong ng ganyan ngayong nandito ka sa tapat ng bahay namin. Anong ginagawa mo dito?"
"Oh, Maxine, nandito ka na pala!"
Bigla kong naaninaw ang mukha ni papa sa palabas ng gate.
"Sabi ko kasi kay Brent na sa loob na lang siya maghintay. Eh gusto niya dito na raw sa labas. Nandito ka na pala, pumasok na kayo sa loob."
Si papa talaga! Ang manhid! Di man lang niya nakita ang nakasimangot at naiinis kong mukha.
"Okay lang ba na sa labas lang nakapark ang sasakyan mo, Brent?" Tanong ni papa.
"Opo. Di rin naman ako magtatagal."
"Dito ka na mag hapunan."
"Bakit siya nandito?" Tanong ko nang papasok na kami.
Maghapunan pala huh?
"Brent, pare, sabi ko sayo eh! Dito ka na sana naghintay kay ate! Kita mo yun? Panalo ako!" Sabay turo sa Xbox.
Hello?
"Maxine, don't be rude. Hinatid niya ang mga naiwan mong gamit sa school. Yung books mo, rubber shoes at jersey naiwan mo daw malapit sa court."
Ay hinayupak! Oo nga pala! Di ko yun naalala ah? Naiwan ko nga pala ang mga bagay na yun.
"Dapat nga magpasalamat ka pa." Sabi ni papa.
Nagkatinginan kami ni Brent. Ngumiti lang siya.
"Salamat..." At dumiretso na ako sa kwarto.
Agad kong tinext si Emily na nandito si Brent sa bahay namin. Akala ko naman kung anong solusyon ang maitutulong niya, yun pala, wala rin. Nireplyan lang ako ng:
tamang tama! ibigay mo na yung cookies.
Errr! Yun nga diba? Kahit di ko naman talaga binigay sa kanya, nakuha niya parin.
Tumindig ang mga balahibo ko nang pagdating ko sa hapag kainan ay nandoon na si Brent. Ako na lang ang kanilang hinihintay.
"Dito ko na pinaghapunan si Brent para naman makapagpasalamat tayo sa ginawa niyang kabutihan."
"Walang anuman po yun, pero salamat na rin sa hapunan." Ngumisi si Brent.
Si mama at papa talaga, ang O-OA! Duh!
Kumain na lang ako ng tahimik samantalang si Brent at si papa puro trabaho at negosyo ang pinag uusapan.
"Salamat po sa hapunan..." Sabi ni Brent kay mama at papa pagkatapos ng ilang laro nila ni Carlo sa Xbox.
"O sige, sige. Maxine, ihatid mo siya sa labas."
"Okay."
"Naku, Brent, salamat talaga huh? Bumisita ka ulit!" Sabi ni mama.
"Sige po..."
Bumisita ulit? Grrr. Pinapaganahan lang yata nila si Brent eh.
"By the way, Max..."
Nauna siyang maglakad, nasa likuran niya naman ako.
"I'm taking this with me... Thanks for this ah?"
Sabay pakita niya sa tupperware ng cookies.
"Hay, whatever, Brent..." Sabi ko nang papalabas na kami ng gate. "As if may magagawa pa ako kung para pigilan kang kunin yan."
Bigla ba naman siyang tumalikod at humarap sakin. Ayan tuloy, tuloy-tuloy ang lakad ko kaya nabunggo naman ako sa kanya.
Nabigla ako. At siguradong-sigurado ako, sa mukha at ekspresyon na ipinakita niya, pagkabunggo ko sa kanya at pagsalubong ng aming mga mata, di hamak na mas nabigla siya kesa sa akin.
Pulang pula ang pisngi niya, saka ko naramdaman ang pag init ng pisngi ko.
1 inch. 1 inch lang yata ang pagitan ng ilong naming dalawa. Mabilis lang ang nangyari pero parang nakakawindang.
"Sorry." Sabi ko.
Napatingin ako sa malayo.
"bakit ka ba kasi bigla-bigla na lang tumatalikod, nabunggo tuloy ako." Sinimangutan ko siya.
Pero sa ka looblooban ko, di ko mapigilang mabigla sa katahimikan at biglang ipinapakita niya.
Napabuntong hininga siya, ngumisi at umiling.
"I like what you just said."
"Ano?"
"Wala kang magagawa para pigilan ako. I like that."
Ano? Hibang na talaga ang lalaking `to no?
"I never thought I'd be crazy for a girl's kiss." Sabay tingin sa mga labi ko.
Umiling ulit siya. At ipinakita ang dalang cookies.
"I'm taking your cookies with me, at tulad ng sinabi mo, wala ka ng magagawa. At di magtatagal, pati na ang puso mo." Kumindat siya.
Binatukan ko na! Ang buang na `to! Sobra pa sa bagyo ang pagiging hangin!
Tumawa siya ng malakas. Para bang nang iinis! Natawa tuloy ako! Ayan, nasira ang hairstyle niya. Kahit mukhang di niya naman talaga pinag eeffortan yung buhok niya, sinabunutan ko parin para gumulo.
Pero, jusko, kahit anong gawin ko mas lalo siyang gumugwapo. Nagugustuhan niya pa yata ang inisan namin, kaya tawa siya ng tawa.
"Umalis ka na nga! Tseh!"
Pumasok naman siya sa sasakyan niya.
"HAHA! Sure ka walang gayuma dito sa cookies mo ah?" Sabay ngisi niya.
"Huh? At sa lahat pa ng mga lalaki dito sa mundong `to ikaw pa ang gagayumahin ko? Excuse me!"
"Asus naman! Para namang kailangan mo pa akong gayumahin." Kumindat siya.
"EWWWW! Shut up Brent."
Ang laki ng ngisi niya.
"Bye, Miss Beautiful. Good night! Tulog ka ng maayos." Sabay turo sa lips niya.
"EW! Anong tinitingin tingin mo jan? Umalis ka na? Wag mong sabihing naghihintay ka ng kiss. No way!"
"Not ever?"
"Not ever!"
"But you kissed me..." Andyan na naman yung ngisi niya.
Natawa tuloy ako, "Yuck! Kung makapagsalita ka, para kang 13 years old girl na ninakawan ng halik. Excuse me, ako yung ninakawan mo ng halik, Brent Cruz... As if naman di ka pa nakakahalik ng maraming lips." Kawawa naman ako sa tuwing naiisip ko yun.
Pero sige, I kissed back. Patunay `to na hindi ako... denial queen.
"HAHAHA! Aryt. I had a great time, thanks to your family... and to you."
Ngayong sinabi niya naman bigla yan pagkatapos niyang mang inis... natahimik ako.
"Get in your house. I don't like seeing you standing there and watching me leave."
Exclamatory point!
Kung di lang sana ako nasa harap niya ngayon sa gilid ng sasakyan niya ay nalaglag na ang panga ko.
"Ow-Oryt. Sige." Tinuro turo ko pa ang gate bago ako pumunta doon. "Good night din, thank you... at uhmmm, take care."
He flashed a smile tapos umalis na.
NAKANGITI AKO, saka ko palang yun na realize ng nakahiga na ako sa kama.
Labels: Invisible Man
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;