<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

X-arcs


X-arcs





X1.Engaged





Tinigilan ko na ang pag-iisip kung sino talaga yung mystery man na yun. Hindi ko makuha kay Carlo yung sagot kaya tinigilan ko na. Kung si Brent man yun, eh masaya. Kung hindi siya... walang magbabago sa mga plano ko.

"Hi Max!"

Biglang sumulpot si Kitchie. Kumakain ako ng sandwich sa canteen at bigla siyang umupo sa katabing upuan ko.

"Hello!"
"Bakit kaw lang mag isa?"
"Huh? Uh... may class pa si Emily at Jason eh."
"Ah ganun ba?"

Katahimikan.

"Wala kabang ibang friends?" Tanong niya.
"Meron din naman. Sina Angelie at Kitty-"
"Na teammates mo? Sila lang ba?"

Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"Marami naman akong friends. Yung mga classmates ko sa FS at Arts. Bakit?"
"Yung super close talaga na kasama mo... uhm... kahit saan?"
"Ah... Si Emily at Jason lang yung close ko." Sagot ko naman.
"Sure? How about high school friends?"
"Si Chad? Si Ara. Si... Brent."
"Diba transferee ka nung high school? Wala kabang friends sa dati mong school?"
"Meron din naman pero hindi talaga sobrang close. Bakit?"

Weird naman. Tanong nang tanong sakin 'tong si Kitchie.

"Wala lang. Kasi yung kilala ko sobrang daming friends. Naiinis nga ako eh kasi kung kani-kanino lang sumasama." Sabi ni Kitchie.
"Huh? Sino?"
"Yung kilala ko nung highschool. Friend ko siya noon, hindi na ngayon eh. Kainis kasi... naglihim kasi siya sakin eh. I really hate 'friends' who keep secrets. Lalong lalo na yung nang aahas!"


Whoa! Anong nangyayari sa kanya at bakita parang may pinaghuhugutan siya at sinasabi niya ngayon 'to sakin?

"Excuse me lang... bye, Max! See you later." Para naman siyang nakakita ng multo sa likuran ko at umalis agad. Halos mahulog pa nga yung ibang books na dala-dala niya.

Sinundan ko siyang umalis at naisipan ulit na ang kinis-kinis niya at halos lahat napapatingin sa kanya... kaya lang may weird na sinabi sakin... hmmm? Ano kaya ang ibig sabihin nun? Pero kung ganda ang pagbabasehan, di hamak na mas maganda 'tong multong nasa likuran ko. Naagaw niya ang pansin ng mga tao galing kay Kitchie. Napatingin ako...

"WAAAAAAAAAAAH!" Sigaw niya at tumawa!
"WAAAH!" Halos kasing lakas ng boses niya ang sigaw ko. "Dyusmiyo! Sorry... Ikaw pala Ara!"
"HAHAHA!" Hindi siya matigil sa kakatawa.

Mas mahaba na ang buhok niya ngayon. Mas sumeksi at mas gumanda pa siya!

"Long time no see!!!" Sabay yakap niya.

May dala-dala siyang mga paperbag.

"This is my pasalubong for you!!!" Sabay bigay niya sakin.

What? Ang dami naman nito...

"I went to Macau with Paul! And guess what???"

Hindi ko pa nga naaabsorb yung mga sinabi niya may pinapahula na agad siya sakin.

Ipinakita niya yung singsing sa kamay niya.

O. M. G. :o :o :o

"Engaged ka na!!??!"

Sa pinaka unang pagkakataon, narinig kong sumigaw ang sarili ko sa sobrang kilig! Kilig! Feeling ko kaming dalawa ni Brent yung na engage. At kung hindi man kaming dalawa yung engaged, feeling ko bukas agad, yayayain niya ako!

Nagyakapan kami ni Ara!

Kitang kita ko sa mukha niya ang saya.

"And... wait lang... enough about that. I'll just call mamaya or see you sa bahay to tell you all the details... Nagpunta ka ba sa Core mag-isa... uh... last week?" Tanong niya bigla.
"Oo. Bakit?"

Kinabahan ako.

Biglang tumaas ang kilay niya at nag evil smirk.

"B-Bakit?"
"Hmmmm...." Tinitigan niya ako at nag isip ng mabuti. "Hindi ko alam kung alin ang mas gusto ko: ang sabihin sayo ngayon na wa'g ka ng bumalik dun o ang papuntahin ka dun gabi-gabi." Nagkibit-balikat siya. "Well, whatever!" Evil-smirk.

Umalis din siya pagkatapos binilin na sukatin at picturan ko lahat ng binagay niya para makita niya kung bumagay ba.







X2.Nasaktan yata




Inspeaking of marraige... mag propose kaya ako kay Brent? Hindi naman propose na magpapakasal na kami. Parang proposal lang pero sasabihin ko lang naman ang nararamdaman ko para sa kanya? Alam mo yun?

Yung kagaya ng ginawa ni Kitchie?

Para narin akong desperada.

Pero yun na lang ang tangi kong pag-asa. Ganito din siguro yung naisip ni Kitchie nang ginawa niya yun. Pero di tulad niya... na pagkatapos mag confess ay didikit parin. Pagkatapos ng lahat ng to ay lalayo na ako. Lalayo sa kanila. Sasabihin ko kay Ara ang dahilan. Siguro naman maiintindihan niya ako.

TAMA! Ganun ang gagawin ko!

"Max! Pasensya natagalan kami ni Jason." Sabi ni Emily.

Inayos niya ang kanyang glasses. May dala siyang papel.

"Ano 'tong mga paperbag?" Tanong niya.
"Ah, pasalubong ni Ara. Nagpunta pala siya sa Macau."
"Oh! Naku! Alam ko na ba't siya nagpunta dun. Siguro dun siya bumili ng dress para sa ball."

Umupo si Jason sa tabi ko at si Emily naman sa tabi niya. Binigay nila ang dala-dala nilang papel sa akin.

"Annual Ball? Hollywood?"

TAMA! Siguro pagkatapos ng ball ko sasabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman ano? Yun yata ang tamang panahon.

Sino naman kaya ang yayayain niyang date? At sino ang magiging date ko?

"Emily... Jason..."

Kinabahan ako.

"May plano ako..."

Sinabi ko sa kanila ang plano ko...

Flowers... Dinner for two... lights... at iba pa. Kailangan ko ang tulong nilang dalawa. Hindi ko magagawa yun pag ako lang mag isa. Wala akong pakealam kung maubos ang pera ko para dito. Last resort. Last-est resort.

Napanganga silang dalawa nang sinabi ko yun.

"Talaga? Gagawin mo yun?" Sabi ni Jason.
"O-Oo."
"You're not the type..." Nagkatinginan silang dalawa.
"Eto na ang huli. Pagkatapos nito... wala na."

Ang pag-amin ang last resort ko. Sa ngayon, gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang katotohanan kay Brent.

Buong araw ko yung inisip yun. Pauwi na ako nang bigla kong nakita si Brent sa malayo...

OMG! Relax Maxine! Inayos ko ang sarili ko at makikipag usap na sana ako sa kanya nang biglang...

"Hi Max! Uuwi ka na?" Si Luis!

Si Luis yung ka teammate ni Brent na madalas akong hinahatd sa gate kapag uuwi na... Madalas din kaming magkasama. Buti nandito siya... hindi ako magiging loser sa paningin ni Brent!

BRING IT ON!

"Ah! Oo eh..." Ngumiti ako sa kanya.
"Ihahatid na kita sa gate. Kung okay lang..." Ngumiti din si Luis.

Siguradong nakita ni Brent ang pagngingitian namin ni Luis.

"'Tol!" Sabay high five niya kay Brent nang makalapit na ito.
"Luis! Uh... Max!" Sabi niya. "Diba may pasok tayo Luis? Sa'n ka pupunta?"

Kapal talaga ng Brent na 'to. Kung makatanong parang pulis.

Napakamot sa uli si Luis at namumula. Nahiya sa diretsong tanong ni Brent.

"Ihahatid ko lang sandali..." Sabay ngiti sakin.

Ngumiti din ako sa kanya.

"Ang bait niya noh? Pero ano... Luis... baka ma-late ka na kung ihahatid mo ako?"
"Ihahatid mo siya? Sigurado ka bang papasok ka sa klase natin?" Tumingin si Brent sa relo niya. "Baka di ka na makaabot. Pag balik mo ng school, uuwi na kami." Tumawa si Brent.
"Hindi naman, Brent. Sa gate lang naman. Okay lang yun, Maxine. Nakasanayan ko na rin kasi 'to eh. Di naman ako nali-late." Sabi ni Luis.

Ang bait ni Luis. Ano ka ngayon Brent?

"Ah? Nakasanayan? So palagi palang ganito?" Tumaas ang kilay ni Brent at tumingin sakin.

Halos di ako makatingin sa kanya.

"I'm happy for the both of you..." Sabi niya.
"Nu ba, 'tol! Wala pa namang nangyayari eh. Hatid-hatid lang naman 'to." Nahiya tuloy si Luis sa sinabi ni Brent.
Umiling si Brent sakin, "Diyan naman yan nagsisimula eh... Diba Max?"
"Ewan ko. Di naman kasi ako palaging ganito. Ikaw? Diba nagsimula kayo ni Kitchie sa hatid-hatid? Siguro kaya mo nasabing nagsisimula diyan dahil sa mga experiences mo..." Ngumiti ako sa kanya.

Bigla siyang umalis ng walang paalam.

"Ay nagalit?" Sabi ko kay Luis.
"Nasaktan mo yata." Sabi niya.


X3.Date Contest








Mabilis yung panahon. Lalong lalo na pag walang magandang nangyayari at walang development yung mga plano ko kay Brent.

Malapit na rin ang Hollywood Dance. Ibig sabihin, kailangan ko ng magplano para samin ni Brent. Pero nawawalan na talaga ako ng pag-asa... Parang... ayoko na...

"Hi Max!" Si Kitchie.
"Hello!"
"May susootin ka na sa Dance?"
"Wala pa eh. Ikaw?"

Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong bigla-bigla na lang siyang sumusulpot out of nowhere. Lalong lalo na pag mag isa lang akong naglalakad sa mga corridors o sa school grounds.

"Meron na." Ngumiti siya. "Paano yan? Di ka na makakapili ng maayos kasi malapit na ang Dance. Bukas ng gabi na yun."
"Okay lang. Sanay naman ako. Nung Masquerade nga ganito rin yung nangyari."
"Diba si Chad yung date mo nung Masquerade?"

Pagkasabi niya nun, agad kong nakita si Chad. Marami siyang kasama at nagkakasiyahan sila. Nandun din si Chloe kasama niya.

"Oo." Lumunok ako.

Tumaas yung kilay niya nang nakita akong nakatingin kina Chad.

"Looks like you wont be his date for the Dance... anymore..."

Napatingin si Chad samin kaya nagpatuloy ako sa paglalakad at di na sila tinignan ulit.

"Pero sa tingin ko..." Sumabay siya sa paglalakad ko. "Di ka naman mahihirapan makakuha ng date eh..."
"Pwede namang pumunta ng walang date eh." Sabi ko.
"That would be a big slap for you... si Maxine Alvarado walang date?"

Natigilan ako. Parang nainis ako sa sinabi niya!!! Nakataas parin ang isang kilay niya at nakangiti sakin. Hindi ko na maitsura ang sarili ko habang tinitignan siya.

"Bakit Kitchie? May date ka na ba?"

Tumingin lang siya sakin. Nakataas parin ang isang kila.

"Nakakahiya sigurong pumunta nang Hollywood Dance nang di si Brent Damien Cruz and date ni Catherine San Juan, ano?>:(

Umalis ako at iniwan siyang nakatunganga sa sinabi ko.

"Bilis, Max! Hanapin mo si Brent! Kailangan ikaw yung date niya!" Sabi ko sa sarli ko habang hinahalughog ang buong school.

Makikita nang Kitchie na yun!!!

Type ko agad sa cellphone ko:
Brent? Where are you? Can we talk?

Kinabahan ako nang nisend ko yun sa kanya. Pero bahala na!

*1 message!*

Akala ko kay Brent. Galing pala kay Emily...

Emily:
I think kailangan na nating magplano sa surprise mo kay Brent. And wear a great dress for the dance...

Reply ko:
Sige. Punta kayo mamayang gabi sa bahay namin.

*Kriiiing*

Akala ko ulit si Brent, si Ara pala yung tumawag!

"Hello?"
"Hi Max! Punta tayo sa bahay! Please? Just for a while?"
"SURE!"

Yes!!! Eto na ang magandang pagkakataon!




X4.Naunahan






Hindi pa kami nakarating sa bahay nina Ara, naikwento niya na sakin ang nangyari. Kung paano siya yinaya ni Coach Paul na magpakasal at kung paano siya pumayag.

"Grabe! Kinilig talaga ako na halos di ko masabing 'Oo'!" Aniya.

Nasa sala na nila kami at tinignan kong mabuti ang singsing niya. Ang ganda! May naka engrave pang 'Paul loves Ara'. Parang na eexcited na rin ako sa mga nangyayari sa kanya.

"Yaya, nandito na po ba si Brent?"

AHA! Oo nga pala! Yung misyon ko kay Brent. Tinignan ko ang cellphone ko. Walang nag text!

"Ahh.. O-Oo. Nandito na..." Bago pa makapagsalita yung yaya nila. "Ayun..." At umalis.

Si Brent, pababa sa stairs... kasama si... KITCHIE!!!!!!!!!!!

"Ano ang ibig sabihin nito?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hi Max! Hi Ara!"

Umiling si Ara at di na pinansin ang ngiting abot tenga ni Kitchie.

Si Brent naman, parang nabigla nang nakita ako. Dapat lang mabigla ka, Brent! Oo! Nandito ako at huling-huli ka na sa akto! Kasama mo na naman si Kitchie! Sila na yata talaga eh! Yaman din lang na nasaktan ako ngayon at naiinis kay Brent at Kitchie, makapag comment nga!

"Uy! Kitchie! Niyaya mo na ba si Brent sa Hollywood Dance?" Sabi ko.
"Huh? Why would she? And she can't have Brent for the dance, Max. Of course not!" Siguradong sigurado si Ara sa sinabi niya.
"Talaga? At bakit naman hindi?" Kumapit si Kitchie sa braso ni Brent. "Eh ang totoo, siya nga yung date ko sa Hollywood Dance, Max." Ngumiti siya.
"WHAAAT!?" Sabi ni Ara umiling na lang siya. "You probably asked him... Kasi I know you're not his choice-"
"Ara! Tama na nga yan!" Sabi ni Brent.

Pinandilatan ni Ara si Brent.

"Excuse me, ihahatid ko lang si Kitchie."

Yung mukha ni Kitchie habang papaalis sila ay parang talunan sa gyera. Pero sa totoo, siya yung nanalo! Haaaay! Nawawalan ako ng pag-asa.

"I really hate her! That flirt! Si Brent naman... pinapaasa pa yun! Kainis!" Sabi ni Ara.
"Pinapaasa? Baka hindi... Baka gusto niya si Kitchie..."
"No!! Of course not, Max!" Ngumiti siya. "Kelan niyo ba titigilan yung war ninyo ni Brent?"
"Huh?"
"Haaay naku!" Umiling siya. "Nagkakasakitan lang kayong dalawa, dahil sa ginagawa niyo. Umamin na kayo sa isa't-isa. Ay di pala. Umamin na siya, ikaw na lang yung kulang. Ikaw na lang yung hinihintay niya..." Sabi ni Ara.

Nag flash back sakin lahat ng nangyari sa gabing sinabi ni Chad sakin na trophy lang ako. Pero isusugal ko ang lahat... wala akong pake kung masaktan man ako pag umamin ako sa kanya. Ang importante masabi ko. Nagpakatotoo ako.

"Kung hinihintay niya ako, ba't siya sumasama kay Kitchie?" Tanong ko.

Tumawa si Ara.

"War nga diba!? Barilan? Patayan! Sa ayaw at sa gusto mo, may nasasaktan." Napabuntong hininga siya. "Wait lang. You stay here. Kukunin ko lang yung cake at iba pang snacks..."
"Ah O-Okay..."

Parang napatunganga ako sa sinabi ni Ara... Tama siya. Pero tama na talaga 'to. Masaktan na kung masaktan... ang importante, masabi ko. Tatanggapin ko naman kung ayaw niya na talaga. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko eh. Sasabihin ko lang kung anong nararamdaman ko... at hanggang dun na lang yun.

Ilang sandali ang nakalipas, biglang dumating si Brent. Eto na ang pagkakataon ko... Sana di ako naunahan ni Kitchie.

"May date ka-" Sabay kami ni Brent.

Katahimikan. Awkward moment.

"Wait..." Sabi niya. May panghihinayang sa kanyang mukha. "Are you asking me if I have a date for the Dance?"

Hindi ako makatingin sa kanya.

"O-Oo." Sabi ko. Lakas nang loob, Max!

Kahit na dinig na dinig mo yung sinabi ni Kitchie!!!

"Why? Would you date me if I didn't have one?"

Nakataas ang kilay niya at may evil-smirk pa.

"Di bale na nga! Alam ko namang meron na eh... Gusto ko lang i-confirm." Sabi ko.

Di lang talaga ako makapaniwala. Tinignan ko siya, pero nandun parin siya, nakaabang sa sagot ko, dun sa tanong niya. :'(

"Bakit ikaw? Bakit mo ako tinatanong kung may date ako-" Tanong ko.

Bigla niyang linapit ang mukha niya sakin. Ang kamay niya nakalagay sa makabilang panig ng sofa, ako yung nasa gitna. Para niya akong ikinukulong.

"Don't answer my question with another question..." Nakangiti siya.

"Oo. Gusto kitang makadate sa Dance..." Sabi ko.

SA WAKAS! Nasabi ko rin! Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin iyon.

Kinalas niya ang mga kamay niya sa sofa at tumayo ng maayos. Tulala siya at parang di siya makapaniwala sa narinig niya.

"Um-oo ka na kay Kitchie?" Sabi ko.

Hindi niya yata masabi.

"W-wa'g kang mag alala, okay lang..." Ngumiti ako.

Tinatago ang lungkot...

Tumango siya, "I thought you already have a date. Anyway, di ka naman siguro mahihirapan diba... I mean... sa pagpili..." Ngumiti pa siya. "I mean, you have Luis... at si Chad."

OO NGA NAMAN MAX! SEE?! Wala siyang feelings! Wa'g kang maglagay ng meaning! ARAY!

"Oo nga naman..." Sabi ko.

Kung si Brent ay si Brent parin... hindi ganito ang gagawin niya. Ako ang pipiliin niya. Kahit anong mangyari... diba?

Nag flashback sakin lahat ng sinabi niya dun sa tabing dagat... "Just come with me. After that I'll stop annoying you." sabi niya nun. Yun na nga siguro yung panghuling move niya. :( Kaya nga ako na ang gumagawa ng paraan ngayon, diba? :'(

"Cookies, anyone?" Biglang sumulpot si Ara na may dalang mga cookies.




X5.Laru-laro








'Pinilit kong magmahal ng iba, pero ikaw parin yung gusto ko.' Sus jusko! Yun ang iniisip kong marinig kay Brent kanina, kaya lang iba ang narinig ko! Na si Kitchie na nga yung date niya sa dance!

Tinitignan ko siyang seryosong nakatingin sa iPad niya. Para bang galit at ewan ko. Tinignan niya ako habang nakatitig sa kanya. Nasa harap ko siya, nakaupo sa sofa nila. Inalis ko agad yung mga mata ko sa kanya at tinignan ang cookies.

"Silence?" Sabi ni Ara.

*Kriiiiiing*

Tumatawag sakin si Jason.

"Hello, Bakit?"
"Nasaan ka? Bukas ng gabi na yung party, yung plano mo?"
"Nandito ako kina Ara..."

Natigilan siya. Narinig ko pang sinabi ni Jason kay Emily na nandito ako kina Ara.

"Nasabi mo na ba?"
"Hindi pa." Sabi ko.
"Sunduin ka nalang kaya namin? Nandito kasi kami malapit sa inyo, diba malapit lang yung kanila dito?"

Nagtaka ako at atat masyado silang dalawa na makita ako. Para bang excited silang gawin yun... or worst... may masamang nangyayari na di ko alam.

"Uhh..." Sumenyas ako kay Ara ng 'Excuse me' at umalis sa harapan nila para kausaping mabuti si Jason.

"O sige. May problema ba?"
"Basta, mamaya na. Sabihin mo na lang kung pwede kana naming sunduin."
"Okay! Sige, punta na kayo dito. Para makapunta tayo ng Mall at makahanap ng damit." Sabi ko.

Edi pupunta na ako ng Dance nang walang date! Ano ngayon?

"Uh..." Bumalik ako sa sofa. "Aalis na ako ngayon."
"Huh? Bakit?"
"May susundo kasi sakin eh. Maghahanap pa ako ng damit... para bukas."

Pagkasabi ko nun, tumingin si Brent sakin.

"Sinong susundo sayo?" Tanong ni Ara.
"Sina Emily at Jason." Sabi ko.
"Tsaka, sino nga pala ang magiging date mo sa Dance? Brent? Yinaya mo na ba siya?" Tanong ni Ara sa twin niyang nakatunganga parin sa iPad.

Napabuntong hininga si Brent.

"Hindi, okay lang Ara!" Sabi ko.
"Oo nga, Max. Why don't you go with me?" Singit ni Brent!

Natigilan ako sa sinabi niya pero agad namang na realize ang gusto niyang iparating. Nung kami lang yung nag-usap, okay lang sa kanya na hindi kami yung pumunta sa Dance. Ngayong nakikinig na si Ara, yinayaya niya ako! NAKAKAINIS KA, BRENT!

ANO BA TALAGA ANG NASA ISIP MO!?

"Hindi na, Brent!" ONE WORD IS ENOUGH FOR A WISE GIRL! "Gaya ng sabi mo kanina, makakahanap din ako ng date ko. Marami naman diyan eh... diba?"

Napatunganga si Ara nang narinig ang sinabi ko.

"Haaay nako! Why are you always fighting? Alam yata ng lahat ng tao kung gaano niyo ka mahal ang isa't-isa, kayo na lang yung walang alam!" Umiling si Ara at nag beso sakin. "Maiwan ko na kayong dalawa, Max. I'll just answer Paul's call. See you tomorrow. Brent, ewan ko sayo! Ikaw na nga yung bahala!"

Umalis siya, aalis na rin sana ako at pupunta sa gate nila pero...

"Bakit mo ako yinaya, Max?" Tanong niya.
"Bakit mo ba ako yinaya nung Masquerade, Brent?"

Natahimik siya.

*Krrrriiing!*

Tinignan ko ang phone ko. Tumatawag na si Jason. Siguro ay nasa labas na sila at naghihintay na sa akin.

"Kung talagang gusto mo akong maka-date sa dance, kanina kapa umo-o nung tayo lang dalawa at hindi sa harap pa ni Ara!"

Nakatingin lang si Brent sakin, seryoso. Hindi ko na talaga mabasa ang iniisip niya.

"Kung sayo, laru-laro lang 'tong lahat... manigas ka na lang diyan!" Sabi ko at umalis.

Pero bago pa ako tuluyang nakaalis, hinawakan niya ang braso ko at pinigilan.

"Did I finally catch your eye?"







Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText