<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥26-30


C&♥26
Come Here





"Grabe! Astig talaga yung beauty mo Eliana!" Sabi ni Celine. "Biruin mo, pagkadating nung Benjamin ay hinalikan ka agad? At may asawa pa huh? Ilang taon yun?"

Sasagutin ko sana, buti at napigilan ko yung dila ko sa kaba. Kung sinagot ko yun mabubuking na ako!

"Kita mo yung sasakyan nila? Frickin Limo! Gosh!" Sabi ni Celine.
"Oo diba? Grabe! itim na limo, they must be really rich!" Dagdag ni Mary.

Darn it! Limo, Bench? Really? A limo? Abnormal talaga tong pinsan ko! Always so flashy! Gosh! Wait till I see you two!

At saka inimbita nina Sir Chase si Daddy? Bakit kaya? At bakit sina Bench ang dumalo? Gusto kong malaman! Tumawag si Daddy sakin kahapon pero wala naman siyang nabanggit. Siguro si Bench lang talaga yung nag volunteer na pumunta. Bakit di nila ako sinabihan? Nag absent na sana ako para makausap sila! God, I miss them!

Nang humupa na yung usapan nila tungkol sa hot, sexy, young man na pumasok kasama ang asawa niya... pumasok na kami sa loob kung saan tumambad samin ang nag s-speech na si Sir Chase.

Niwewelcome niya lahat ng dumalo sa 50th anniversary ng CPI! Nalaman ko din na may sister company silang based sa Vietnam at sa Florida. Of course, they have! Grrr! Kay laking kompanya talaga nito at si Sir Chase ang humahawak huh?

"Close your mouth, Eli." May bumulong sa gilid ko.

Agad uminit ang pisngi ko at narealize na kanina pa pala ako nakanganga habang tinitignan ang gwapong si Sir Chase. Nakita ko si Denise na naka upo sa table sa harapan ko at nakangisi. Siya yung nagsalita.

Pano ko sila hindi nakita ngayong nasa harapan ko lang pala ang dalawa? Si Sir Chase ang dapat sisihin. Yung mga babae ay nakatingin lang talaga sa kanya na para bang sinasamba siya. I bet maraming nakikisawsaw lang dito. Mga anak mayaman na pumunta lang para makita si Sir Chase kahit wala naman talagang koneksyon yung kompanya nila sa pharmaceutical company nina Sir Chase (tulad ng walang koneksyon ang airlines nina Bench sa kompanya din ni Sir Chase).

"Bachelor! Ang gwapo! Yiii!" I can see girls giggling.

Ugh! Ridiculous! Sa dami ng mga nagkakagusto kay Sir Chase ba't di pa siya nag kakagirlfriend? Ridiculous! Daming available! Tinignan ko ang tatlong babaeng tumitili. They're not bad. Magaganda sila at mukhang mid-twenties din ang mga edad.

Nang matapos ng magspeech si Sir Chase, si madame naman ang pumalit. Tinignan ko si Sir Chase na nakikipagkamayan sa malalaking tao at nakaplaster ang gwapo niyang ngiti. Lumapit na din yung tatlong babae sa kinatatayuan niya at maging si Brittany sa likuran ko. Syempre ako, dapat dito lang ako sa kinatatayuan ko kasi di naman ako bigatin. I'm just his secretary.

Habang kinakamayan niya isa-isa ang mga bumabati sa kanya ay napatingin siya sakin at ngumiti. Ninerbyos agad ako. OMG! Ano ba 'tong nangyayari sakin? Uminit ang pisngi ko pero naistorbo ang tinginan namin nang may biglang humila sa braso ko.

"CR!" Sabi ni Denise at nasa likuran niya si Bench na tinitigan si Sir Chase sa malayo. Nakangisi pero nakataas ang isang kilay na para bang naghahanap ng away.

Di na nila ako pinasagot at agad nang hinila sa CR na mas malayo doon sa hall para wala masyadong tao.

Pumasok din si Bench sa girl's CR. Buti walang babae! Ni lock niya ang pintuan at agad akong tumalon para yakapin silang dalawa. Gosh I miss them so much! Napaiyak ako at narealize kong mag tatatlong buwan na ako dito sa Cebu.

"I miss you both!" Sabi ko.
"I miss you too, Eli." Sabi ni Denise.
"Miss ko kayo pero what the heck?" Sabi ko agad nang kinalas ko na ang pagkakayakap ko. "Katakot yung ginawa niyo! Lalo ka na! And a limo? really?" Sabay sapak kay Bench.
Tumawa silang dalawa.
"Kelan kayo dumating?" Tanong ko.
"Kaninang umaga." Sagot ni Denise. "Surpresa nga diba! Kailangan ma shock ka!" Tumawa siya.
"Couz, I really don't like you working here." Sabi ni Bench habang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri. "Jimenez tayong dalawa. Bakit mo inaaksaya ang panahon sa pagiging secretary? Ni hindi ka nakakaupo sa kinatatayuan mo kanina. You're a princess and you work here like a housemaid-"
"Yun naman kasi talaga yung trabaho ko, Bench." Sabi ko.
"You look so helpless!" Aniya. "Para kay Yuan kaya mo 'to ginagawa? Go back! Go home! it's not worth it! I bet a couple of months, he'll be flying back to you. Nilulugi ko ang kompanya nila sa abot ng aking makakaya..."
Napanganga ako sa sinabi ni Bench. OH MY GOD! Talaga?
"Yes!" Aniya nang nakita ang paglaglag ng panga ko. "Kahit na di naman talaga tayo related sa kompanya nila, nag eendorse ako ng ilang kompanya sa investors nilang nag iinvest din satin. See? You... go back and-"
"No! Bench! No!" Sabi ko.

Narealize kong ayaw ko ng bumalik sa Manila sa kahit anong rason. I don't care if Yuan and I will be together. He smirked and look away.

"Bakit Eli? Anong meron sa Cebu at ayaw mong iwan?" Tumaas ang kilay ni Denise pagkatanong nun. Napatingin lang ako kay D at binalik ko ulit ang tingin ko kay Bench.
"You're not serious, Bench!" Sabi ko kay Bench. "Hindi mo yun ginagawa sa kompanya nila diba?" Sabi ko, desperadong masagot.
"I'm serious." Tumawa siya. "But you have to tell me why are you staying here in Cebu kung gusto mong malaman ang buong detalye." He winked.
"Oh god! Bench, please wag! Wala na akong intensyon pang bumalik sa Manila para kay Yuan. Leave him alone cuz I don't want anyone in my family connected with his." Habang iniisip ko yung nangyari sa ospital at kung paano ako pinalabas, all the hurtful words, and then there's Sir Chase.
"Oh, okay! Really?" Tumaas ang kilay ni Bench. "Bakit? May iba na ba? Some older man or your boss, mature enough to fight for-"
"Are you stalking me!?" Agad kong sinabi yun. Naalala ko yung mga araw na si Denise yung pinapastalk niya sakin at sa mga galamay niya. Bench is really good at this game. >:( >:( >:(
Pumula ako nang nakita ko si Denise na tumawa, "We know, Eliana."

ALAM NIYO KASI MAY NA HIRE KAYONG DETECTIVE! GOSH! I'm sure of it! 'tong dalawang 'to!


"Hindi! Nirereto lang nila ako sa boss ko! yun lang yun!" Sabi ko.
"Hindi ka nila irereto kung walang dahilan!" Sabi ni Denise, naka evil smirk. "Besides, your boss is hot. Super hot... Like a super hot bachelor?"
"You mean like me?" Bench frowned.
Tumawa na lang si Denise at nagpatuloy... "At bagay kayo. He's Yuan's opposite. Mayaman pa!"
"Are you attracted with her boss?" Bench interrupted. Si Denise yung tinanong niya.
Umirap na lang ako at pumula ang pisngi. "Oh, please! Tumigil na kayong dalawa huh?! Gosh, I miss you both talaga!" Sabay yakap sa kanilang dalawa.
"By the way, si tito Drew yung inimbita dito." Sabi ni Bench nang nakarecover na. "But I know he wouldn't really come here. Hindi siya readyng makita ang iningatan niyang anak na halos binakuran buong buhay, na mag isa at nagtatrabaho  dito na parang walang milyun-milyong thrust fund."
Natawa ako at naiyak sa sinabi ni Bench.
"So he made us come... But unfortunately, Eliana... Aalis kami mamayang gabi dahil may exam si Denise bukas."
Pinunasan ni Denise ang luha ko at... "We'll be back here, Eli." Aniya.

Hindi ko alam kung gusto ko bang bumalik sila dito o ako na lang ang pumuntang Maynila para makita sila at si Daddy. Kung pupunta sila dito, weird kung may makakitang sinusundo ako ng limo sa Riala o sa CPI man.

"Stop glaring at Chase, Bench." Sabi ko kay Bench.
"Chase? Don't you call him sir or something?" Tumaas ang kilay niya at di ako nagsalita. "Siguro dapat mas malala pa pala sa pagtitig ang gagawin ko? Punch him, maybe?"
Sinapak ko na! Kainis eh!
"Wa'g kang mag biro ng ganyan!" Sabi ko habang humahalakhak si Denise.
"What makes you think that he doesn't know anything about you?" Biglang tanong ni Bench kahit off-topic.
"Huh?" Tumaas ang kilay ko.
"Bench, tayo na... let's go back." Sabi ni Denise kay Bench kahit di ko pa nasasagot ang huling tanong niya.

Pagkatapos ng mahabang kamustahan ay bumalik na kami sa hall. Hindi na ako pinansin ni Bench at Denise kasi pinagsabihan ko silang dalawa. Agad ko namang naaninaw ang mukha ni Sir Chase na umaliwalas nang nakita ako. Nakaupo siya at para bang may hinihintay.

Come here - yun yung pagkakabasa ko sa bibig niya nang nagtagpo ang mga mata namin.

Hindi ako gumalaw, tinignan ko lang siya. Pero sinabi niya ulit - come here - sabay tapik sa katabing upuan niya.

Uminit agad ang pisngi ko at tumingin kay Bench at Denise. Si Denise, nakangisi. Si Bench naman nakasimangot na para bang batang maagawan na ng laruan.




C&♥27
What He is







Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Sir Chase habang tinitignan ng ibang curious. Nakita ko ring parang giraffe si Bench at Denise kung makatingin sakin.

"P-Po?" Tumingin ako sa perpektong mukha ni Sir Chase.

OH MY GOD! He's perfect and I'm not! Naiinsecure talaga ako. Lalo na ngayon dahil katabi ko na siya. Uminit pa ang pisngi ko. :-[ :-[ :-[

Ngumuso na naman siya at pinigilan ang ngiti niya.

"You okay?" Tanong niya.
"Oo. okay lang ako." Tapos tinignan ko sina Bench at Denise na nakatitig parin sakin.

Mga buang ang dalawang 'to! Mahahalata ako nito! Tinignan ko ulit si Sir Chase at nakita ko siyang nakatitig sakin at para bang nahihirapan. Lumunok siya at yumuko.

"Babalik ka na bang Manila?"

Halos malaglag ang panga ko sa tanong niya.

"H-Huh? Di naman."
Napabuntong-hininga siya.
"Bakit? Di ako babalik ng Maynila." Sabi ko ulit.
Umaliwalas ang mukha niya at natulala, "I just thought..." Di niya tinapos at pinatakbo ang kamay niya sa buhok niya. Ngumiti ulit siya.
"Uhm... Chase, sorry nga pala kanina.. Yung sa lalaking humalik sa kamay ko." Sabi ko. Di ko alam kung bakit ako nag aapologize.
"It's okay. I know." Aniya.

HUH?


"Oh! Your secretary, Chase?" Nakataas ang kilay ng ate niya nang nakita ako.
Tumango lang si Chase.

Nagkibit-balikat lang yung ate ni Sir Chase, may itatanong ulit sana pero na distract dahil sa pagdating ni Celine at Luke.

"Eliana!" Sabay tabi ni Celine sakin at sulyap sa seryosong si Sir Chase. "Mamaya, pagkatapos nito, night out tayo?" Sumulyap ulit siya kay Sir Chase.
"H-Huh? Titignan ko lang." Naisip ko si Bench at Denise.
"Bakit naman? Ang KJ nito! ilang ulit mo na akong tinanggihan! Sige na please?" nag puppy-eyes pa siya.
"Apparently, Celine, I think Eliana has more important things to do." Bumakli si Sir Chase.
Sumimangot si Celine at inirapan si Sir Chase, "Arte nito! Possessive ka lang!"

Tama si Sir Chase... pero paano niya nalaman na may importante pa akong gagawin. Tinignan ko siya. He looked away. Lost in thought. :-[ :-[

Pagkatapos naming kumain, tinawag ni Madame si Sir Chase at nag CR naman si Celine kasama si Luke kaya yung naiwan sa table ay si Ate Fiona lang ni Chase, yung husband, yung anak at yaya. Tinignan ko yung anak nila at nginingitian. Naglalaro ito ng iPad at walang pake sa mundo.

"Eliana... what's your family name?" Tanong ng Ate Fiona ni Sir Chase.
"Jimenez po."
Tumaas ang kilay niya, "Anong natapos mo?"
"Uh... Wala pa... P-Pero tinatapos ko yung Business Ad." Sabi ko.
"Business Ad? Diba nagtatrabaho ka, paano mo yun natatapos?"
Napalunok ako. Ack! Dapat di ko pala binanggit yun! "Uhm... Open university. Modules." Sabi ko.
Humilig siya ng kaonti sakin at nanlaki ang mga mata, "Talaga? Ang mahal nun ah!"
Nanlaki ang mga mata ko (hindi ko na naman alam na mahal yun), "Uhm-"

Hinawakan nung husband ni Ate Fiona ang braso niya na para bang pinipigilan, "Hindi ako matatahimik sa Maynila kung di ko 'to nasasabi sayo Eliana pero... My brother, Chase Martin, never had a girlfriend before. And I understand. Let's face it. Mayaman kami, gwapo siya, matipuno, mabait... lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya... mainly because he's rich and handsome. At alam niyang ganun ang habol ng mga babae sa kanya."

Hindi ako humihinga habang sinasabi niya ang mga ito. Alam ko ang punto niya pero masyadong shocking para maabsorb ng utak ko.
"You are.. just his secretary... Ayokong aminin 'to sayo pero mukhang may gusto si Chase sayo, na hindi pa nangyayari noon." Nag isip siya at parang may idadagdag pero isinara niya ulit ang bibig niya. "He's clever. Hindi siya basta-basta nagkakagusto. And what he's experiencing for you now is not... normal."
"Uhm... So sinasabi niyo po ba na may gusto siya sakin?" Tanong ko at nagsimulang kabahan.
"I hate to break it to you... In fact, ayokong malaman mo at baka lumaki ang ulo mo, pero, mukhang ganun na nga. He's never cared that much for a girl. And you're just nineteen right?" Tumaas ulit ang kilay niya.
"Oo."
"You're too young." Napabuntong hininga siya. "My point is, sana wa'g mong gamitin yung attraction niya sayo." Mas lalo siyang humilig at hininaan ang boses niya, "Kung pera at kagwapuhan niya lang ang gusto mo, you better back off cuz I won't let you."

Nagkatitigan kami. Halos makita ko sa mga mata niya ang nasa mga mata ni Denise tuwing galit siya. At alam kong mahirap makalaban ang ganitong mga tao. Lumunok ako ng halos limang beses bago nagsalita.

"Hindi ko makita kung bakit pera at kagwapuhan ang habol sa kanya ng iba... I would rather chase him for what he is than what he has."

"Fiona." Narinig ko ang malamig na boses ni Sir Chase sa likuran. "Anong ginagawa mo?" Hinawakan ni Sir Chase ang balikat ko para bang pinoprotektahan sa pwedeng gawin ng ate niya.

OH MY GOD! Ano nga yung sinabi ko? Narinig niya ba yun?

Napapikit ako. Wala nang mas iinit sa pisngi ko ngayon.

"Sorry Chase Martin..." Humalakhak si Ate Fiona. "Can't help it."

Tumingin ako kay Sir Chase. Pumikit ito at nang dumilat ay nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"Okay lang, s-sir Chase." Sabi ko.
Tinitigan niya ulit ako at... "Sir?" Lumambot ang mata niya.
"I mean, Chase."
"Better." Tumingin siya sa relo niya. "It's eight thirty, by nine, matatapos na ang party. You're off for now, Eli."
"H-Huh? Pero... Diba dapat patapusin?"
"Sige na... You can go." Tumingin si Sir Chase sa paligid.

Napatingin din ako at dumapo ang mga mata ko sa nakatayong Bench at Denise. Kinindatan pa ako ni Bench at kinawayan ni Denise.

Yeah! Right! Mabuti nang maaga at maihatid ko pa sila sa flight nila!

"O-Okay!" Tumingin ako kay Ate Fiona na naglalaro na sa anak niya at kay Sir Chase na tinitignan akong mabuti.
"Take Care." Aniya bago ako umalis. Halos di ko yun marinig dahil sa kabog ng puso ko. Parang kanina pa nagpapansin yung puso ko sa pagkabog nito. At ngayon ay naiinis na dahil di ko pinapansin.
"Thank you. T-Take care din." Ngumiti ako at umalis.

Pero half-way papunta kay Bench at Denise, lumingon ulit ako kay Sir Chase na nakatingin parin sakin. Very very attractive, indeed. The most attractive bachelor in Cebu. At sinasabi ng mga tao na may gusto siya sakin. It's ridiculous. Very ridiculous. Hindi posibleng magkagusto siya sakin.

Uminit ang pisngi ko nang narealize kong kanina pa kami nag tititigan. Bumitaw ako at tumingin sa paligid, ang ilan ay parehong nakatingin saming dalawa, si Brittany busy sa pag eentertain ng ilang bisita, si Celine at Luke naman ay pabalik sa table. I need to go. Ngayon ko pa naabsorb ang intensity ng mga sinabi ng ate niya sakin. He likes me? Really?

*krrriiiing*

Naglakad ako pabalik at tinignan si Bench at Denise na nagsimulang maglakad palabas ng hall. Someone's calling. Unknown number...

"Hello?" Sagot ko.
Hindi siya sumagot.
"Sino 'to?"
"Seriously, Eli, you take care... And come back here with me." Lumingon ako dahil pamilyar yung boses.

Nakita ko si Sir Chase, nakatayo parin sa kinatatayuan niya, nakahawak ng cellphone na nakalagay sa tenga niya. Hindi ko kayang tumitig sa kanya ng ganito kaya dumiretso ako sa pag lakad.

"Yes, I will. Don't worry."





C&♥28
The Hearts




Buti at walang nakakita saking sumakay sa Limo. Agad kami nagpuntang Mactan kung saan naroon ang airport habang ang laman ng isip ko ay tanging si Sir Chase lang. Lakas talaga ng kabog ng puso ko. Parang gustong kumawala sa dibdib ko.

"You okay?" Nag evil smirk si Denise nang kaharap na namin ang isa sa mga private plane nina Bench.
"Yup!" Sabi ko, tuliro parin.
"Couz, don't stress yourself over that man." Sabi ni Bench. "Kahit di ka na maistress mapupunta't mapupunta ka sa kanya."
"WHAT?"
Humagalpak si Bench at siniko siya ni Denise, "Just... kidding. I love you, baby." Sabay halik niya sa noo ko. "I miss you. I want our princess back." Kumindat siya pero di maalis sakin ang sinabi niya kanina. THAT man? Si Sir Chase ba?

Naghuramentado na talaga yata ang puso ko kaya di ako makasagot.

"We'll be back, Eli. Okay?" Sabi ni Denise sabay yakap at halik sakin.

Tulala parin ako sa kay Sir Chase. OMG! Two of the most important people in my life is right here in front of me, saying goodbye, but my thoughts are on Sir Chase Martin. Why? So I snapped back...

"I will miss you both!" Sabay yakap ko sa kanila.
"Hmmm. Ilang buwan ka nga ba bago na inlove kay Yuan?" Tumaas ang kilay ni Denise.

Tuwing binabanggit ang pangalan ni Yuan noon may isang parte sa puso kong gumuguho, pero ngayon? hindi ko na alam. Napaisip ako... We met... the first time I went to a bar with Denise and Bench after my 18th birthday.

Almost instantly, I fell for his charm. Yun yun! Naaalala ko pa ng maayos na parang kahapon lang nangyari.

"Love at first sight?" Denise prompted.
"Uhm... Maybe." Sabi ko.
Tumango siya at para bang sa wakas ay naliwanagan pero di niya sinabi sakin kung bakit niya yun tinanong, "We have to go, Eli. Take care."

Pagkasabi niya nun ay agad kong naalala si Sir Chase... Take Care... The words... came out from his lips like a song...

Ano ba 'tong nangyayari sakin? Inalis ko ang mukha ni Sir Chase sa isipan ko. It is impossible! I can't be...

Ni hindi ko matapos yung iniisip ko.

Kinawayan ko si Denise at Bench nang papasok na sila sa plane kasama ang ilang body guards.

"Miss Jimenez, ihatid ko na po kayo." Sabi nung isang body guard na naiwan dito sabay turo sa naghihintay na limo.
"No. Mag tataxi lang ako."
"Pero utos ni Mr. Jimenez-"
"Sabihin mo, utos ko, bumalik na kayong Maynila. Magtataxi ako." Kahit di ako galit, para akong galit kung magsalita.

Tama na yung mga scenes kanina. Ayoko ng mas magkaroon pa ng hinala sina Celine o Sir Chase sakin.

Alas diyes nang nakarating ako sa Riala. Nabigla nga ako nang naabutan ko pa si Celine na nagbibihis para sa 'night-out' na tinutukoy niya.

"Please, Eliana! Sumama ka na! Please! I'm begging!" Aniya.
"Pero Celine-"
"Please! Just one! ONE TIME! ONE TIME LANG! Please?" Para siyang nagdarasal sa harapan ko at ako ang santo.

Wala akong nagawa kaya dahan-dahan akong umo-o. Nag bihis ako ng isa pang damit, kulay itim - pareho kami ni Celine. Ang saya niya nang nasa elevator kami at papalabas na ng Riala. Nakapalibot ang kamay niya sakin, inaakbayan (di pa nga umiinom para ng lasing).

"I'm the happiest girl in the world!" Sabay sakay niya sa front seat ni Luke. "Finally, honey! Napapayag ko si Eliana!" Hinalikan niya si Luke.

Nasa likuran ako ni Celine nang pinaandar ni Luke ang sasakyan. The last time I went to a bar... I can still remember it. Club 777. Sa araw na yun, ipinagtabuyan ako ng pamilya ni Yuan sa bahay nila, ipinagtabuyan din ako ni Yuan, he denied me... Para lang akong tanga. Nilunod ko ang sarili ko sa alak - Daniels, Bacardi, Black Label, Absolut, Patron, whatever! Tinikman ko lahat! Wala akong pake sa mundo. Pero ngayong naiisip ko ng mabuti ang ginawa ko, nahihiya ako sa sarili ko. Bakit ko inaaksaya ang panahon ko sa pag iinom noon? Kung ayaw ni Yuan sakin, edi sana pinabayaan ko na lang.

"Masaya ako. Da-hil... Dahil wala ang asungot na si Chase!" Tumili si Celine. "YUHOOO! Napaka possessive naman talaga ng lolo niyo! Kainis lang! Nineteen pa si Eliana! Dapat mag enjoy!" Sumayaw-sayaw pa si Celine sa kinauupuan niya.

Nang itinigil ni Luke sa Mango Square ang sasakyan niya, lumabas agad si Celine at hinila ako.

Tumambad sakin ang iilang kaibigan niyang dinala niya na minsan sa bahay. Nandoon din si Marc at wala si Brittany... at lalong wala si Sir Chase. Now I understand, pag nandyan si Brittany, siguradong nandyan din si Sir Chase. Pag wala naman si Sir Chase, di interesadong sumama si Brittany.

"Guys! Eto nga pala si Eliana! Nakilala niyo na siya diba, Fourth, Angela, Pinky, Sharmaine, Greg?"
Tumango silang lahat at nginitian ako.
"Let's go, people!" Sigaw ni Celine.

Game na game naman talaga itong mga kaibigan ni Celine. Pareho silang lahat na nag eenjoy sa sayawan at inuman habang ako naman dito ay nakaupo sa isang couch ng pangalawang bar na pinuntahan namin dito sa Mango. Tulad ng Club 777 ang bar na 'to pero yun nga lang, mas malaki yung mga nandun sa Maynila.

"Let's go dance, Eliana!" Anyaya ni Celine sakin kahit alam kong dapat umupo lang ako dito dahil kahawak-kamay niya na si Luke.
I shook my head.
"Bakit? o sige! Inom ka na lang, tatlong beses ah?" Sabi niya.
"What?" Nanlaki ang mga mata ko.

Huling inom ko sa Club 777 din... kaya di ako sigurado kung kaya ko na bang uminom.

"Please?" Halos di ko na marinig ang mga sinabi niya sa lakas ng music dito. "Yuhooo!" Sabay abot ni Celine sakin ang isang shot ng tequila kasama ang asin at lemon.

Nilagok ko na lang agad para di ko maramdaman. Uminit agad ang lalamunan at tiyan ko.

"Isa pa!!!" Binigay niya ulit ang isang shot.

Nilagok ko ulit. Shet! Naramdaman ko sa paningin ko na agad tumama ang tequila sa sistema ko. Noon, matagal akong tinatamaan dahil nasanay na, ngayon naman, di na yata kaya...

"Isa pa!" Sabi niya ulit.
I shook my head again, "Ayoko na!" Sabi ko. Dizzy. Light headed. Tipsy.
"Last!"
Di pa ako nagsalita ay binigay niya na sakin ang lemon at shot glass.

Nilagok ko para lubayan niya na ako. I knew it was a bad idea!

"YESSS! Tayo naaa!" Hinila ako ni Celine sa kinauupuan ko.

Narinig kong sumigaw si Marc sa lakas ng music, "Celine!"
"Lika na Marc!" Hinila din ni Celine si Marc at sumama naman ito sa kanya.

Hayun! Agad sa dancefloor. Blurry ang vision ko. Yung nakikita ko na lang ay yung nakakahilong lights at mga taong sumasayaw. Nagsimulang umusok sa smoke ng sigarilyo. Mas lalong lumakas ang music at naghiyawan na ang mga tao. Sumayaw din ako at kitang-kita ko sa mukha ni Celine ang 'success'! Masayang-masaya siya.

Ilang sandali lang ay hindi ko na alam kung sino ang kasayaw ko. Ang alam ko lang, may isang lalaki ang umaamoy sa leeg ko galing sa likuran, yung isa naman ay nag ga-grind sa harapan ko.

OMG! I need to get out here! Hindi ko sila kilala pero dahil sa tequila ay di ko maigalaw ang sarili kong paa. Parang jelly na nakalutang lang at yung ulo ko naman ay puno ng fogs.

Naramdaman ko na ang dalawang kamay ng lalaki sa likuran ko, nakalagay ito sa magkabilang baywang ko habang sumasayaw at inilalapit, sa bawat beat, ang sarili niya sakin.

Tapos biglang... BAM! Hindi ko alam kung paano pero may humila sa braso ko. May tumulak sa lalaki kaya nagkagulo sa dancefloor. May coat na pamilyar ang bango... nakasuot agad sakin.

Hinila pa niya ako palayo sa dancefloor at tinignan ko ang mga bouncer. Heller Mr bouncer! May humihila sakin! Hindi ako makapanlaban dahil masyado na akong tipsy.

"Godamn it!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya napatingala ako sa mukha ng humila sakin...

Si Sir Chase! Nanlaki ang mata ko at nagsimulang kabahan. Nagising talaga ako sa nakita ko. Tumingin siya sakin at nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"What's wrong with you!?" Sigaw ng isang lalaki sa dancefloor. "Boyfriend ka ba?"

Tumakbo yung lalaki papunta sakin at hinawakan din ang braso ko. Si Sir Chase at yung lalaki ay nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Chase!" Si Celine at Luke, nakita kong tumakbo papalapit sakin.

Ilan sa mga tao dun ay nakatingin na samin, yung iba walang pakealam, yung iba lasing.

"Chase? Chase Martin Castillo?" Sabi nung lalaki na para bang naaalibadbaran sa mukha ni Sir Chase. "Hindi mo siya girlfriend!" Siguradong sabi nung lalaki.

Tinulak ulit ni Sir Chase yung lalaki at naramdaman ko talaga ang gigil at galit niya dun sa naskashawak sakin. Nabitawan nung lalaki ang pagkakahawak niya - tumilapon ang lalaki.

Akala ko aarestuhin siya ng mga bouncer pero tumayo lang yung bouncer malapit dun sa lalaking tinulak niya.

"Don't you dare... touch my girl!" Halos dinig na dinig ko yung impact ng sinabi niya.

Napatigil sa pagasayaw yung ibang walang pakealam at nakita kong dumapo ang kamay ni Celine sa bibig niya. Nilapitan ni Luke si Sir Chase pero tumigil nang itinaas ni Sir Chase ang kamay niya.

Dinig na dinig ko rin ang malalalim na hininga ni sir Chase.

"Yes, she is my girl!" hindi lang yung lalaki ang kausap niya, tinignan niya ang mga tao sa buong bar. "And I don't like anyone touching her with your dirty hands!" Ngayon ay tumingin siya sa lalaking nakaaway niya.
Tumalikod siya sa buong bar at... "Let's go!" Nakahawak parin siya sa braso ko pero kumalma na ang boses. sumunod ako sa kanya habang dinig na dinig ang bawat buntong-hininga niya.

"Godamn it!" sabay sapak niya sa sasakyan niya doon sa parking lot.

Para bang kasalanan niya lahat eh ako naman talaga yung may kasalanan dito. At isa pa, ba't siya nandito? Nagsimula akong kabahan, i think di normal yung pagmumura nin sir Chase, totoong galit siya, pero nang lumingon siya sakin with his sad heartbreaking eyes... niyakap niya ako... and I swear to god, I think I heard his heartbeat as fast and as loud as mine.





C&♥29
The Kiss
 

 


"Godamn it, Celine!" Sigaw ni Sir Chase nang nakita si Celine at Luke na lumabas sa bar.



Agad pumagitna si Luke sa kanilang dalawa.



"I'm sorry Chase. Di ko na namalayan. Akala ko kasi magkasama sila ni Marc." Aniya.

 Nakita ko sa mga mata niya ang takot... Ginulo ni Sir Chase ang buhok niya.

 "You didn't even tell me she was coming here with you..." Mas mahinahong sinabi ni Sir Chase.
"Chase, okay lang naman ako." Sabi ko at natatakot na rin ako sa magiging reaksyon niya pero napabuntong hininga lang siya at natulala sandali.
"Dude, we texted you." Sabi ni Luke kay Sir Chase.
"I'm sorry, Chase. Nandun talaga si Marc eh siguro nakahanap ng ibang kasayaw-"
"Anong pinainom niyo sa kanya?" Tanong ni Sir Chase, mas mahinahon na ngayon.
"Tequila. Three shots." Sabi ni Celine habang tumitingin sakin.
"Uh... Okay lang naman ako." Sabi ko sa sobrang guilty.

 Nagkatinginan silang tatlo. Totoong okay lang ako. Mejo tipsy lang kanina at di makaalis sa dancefloor dahil sa dalawang lalaki sa magkabilang panig ko.


"Its not my first time." Nagkasalubong ang kilay ni Sir Chase habang tinitignan ako. "Nagawa ko na 'to noon sa Manila. No worries."

Nabigla siya at agad tinanggal ang pagkakatingin sakin, "Oh, okay!" May inis akong naririnig sa boses niya. "Sige na Luke, Celine." Aniya habang pinaglalaruan ang keys niya at umaambang sasakay na sa sasakyan. "I'll just... go home... I'm beat."


Tumango naman si Celine at Luke.


"Really, Chase, I'm sorry. Di ko na gagawin ulit yun... lalo na pag wala ka." Ani Celine.
"It's okay, Celine." Sumulyap si Sir Chase sakin at bakas talaga sa mga mata niya ang galit.


Anong sinabi ko na ikinagalit niya? Nang nakita kong unti-unti nang bumabalik sina Celine at Luke sa bar, narealize ko namang ayoko na.

"Uhm... Chase."
"What?" Inis talaga siya.
"Pwede pahatid? Sa... Uhm... Riala?" Halos di ako makatingin sa kanya.


Nakakahiya. Napakagat labi ako sa hiya at si Sir Chase naman tumunganga lang sa harapan ko, di pa nakakapasok sa sasakyan niya.

 Tinignan ko si Celine at Luke na nakatingin sakin. Nakita ko ang ngiti ni Celine at yinakap niya ako.

 "Sorry, Eliana."
"Okay lang." Sabi ko. "Uwi na ako."


Tumango siya at umalis na silang dalawa. Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Sir Chase, nakatitig parin siya sakin na para bang may hinihintay.

 "Uh... Sorry." Napalunok ako at... I swear... I can really feel butterflies in my stomach. "Pu-Pwede naman akong mag taxi. Mag tataxi-"
"No. You get in." Umikot siya at nag beep ang sasakyan niya. Pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan ng sasakyan para sakin.


Agad akong pumasok. Umikot ulit siya at pumasok din. Pamilyar ang bango ng sasakyan niya, paran tulad sa amoy niya, amoy ng jacket na sinusoot ko. Napapikit ako sa bango nito. Exactly my kind of perfume. Very addicting.

 "Why not stay? You've done this before, right?" Alam kong di niya sinasadya yun pero tunog inis parin siya.
"Uh... I've done this before but that doesn't mean I like it." Napakagat-labi ulit ako. Ilang beses na kaya akong nag english sa araw na to?
"Saang bar ka sa Maynila nagpupupunta at sino ang kasama mo?" Seryosong tanong niya.

Napalunok ulit ako... Di niya naman pinapansin ang pag eenglish ko kaya okay lang siguro.


I'm tired of lying when he's always telling the truth...

 "Yung pinsan ko at mga kaibigan ko. Club 777, Core, marami..." Sabi ko.
"Do you always... dirty dance?"

Napanganga ako sa tanong niya at uminit ang pisngi ko. Di ako makatingin ng diretso sa kanya. "No... Just... once or twice."

He looked away and his jaw clenched.

"Do you always drink?" Halos pumikit siya sa tanong niya na para bang nasasaktan.

Napalunok ulit ako, "Not always pero... oo, umiinom ako tuwing pumupunta ng bar."

"Why? Do you like it? Do you like doing that?" Ngayon tumataas na ang boses niya.

"No! It was my only choice that time! My only escape..." Napalunok ako. Malapit ko na talagang masabi ang rason - na dahil heart broken ako noon.

Napabuntong-hininga siya at... "Do you... still want to escape...it... kaya mo naisipang sumama?"

Kalagitnaan palang ng tanong niya, umiiling na ako, "Hindi. Sumama lang ako kay Celine. Yun lang... Walang ibang rason."



Di na siya umimik at agad pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa habang nag da-drive siya papuntang Riala Towers.



Yung nas loob lang ng isip ko ay si Sir Chase. Concerned talaga siya sakin. Yinakap niya ako kanina... Sinoot niya 'tong jacket niya sakin. Napatingin ako sa kanya, naka puting t-shirt siya at blue jeans. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa t-shirt niya at snap! May naalala ako... sinabi niya sa lahat ng girlfriend niya ako. Sa lahat ng tao dun sa bar.



"Hi-Hindi ka ba mai-isssue tu-tungkol dun sa sinabi mo sa bar?" Tanong ko sabay lunok.

"Alin dun?" Sabi niya nakatingin parin sa daanan.

"Yung ano?"

"Ano?" Napatingin siya sakin.

"Yung... g-g-g-girl?" Grabe! Kahit sa bangungot di pa ako nag stutter ng ganun ka grabe.

Napansin niya kaya sumulyap ulit siya sakin at ngumuso na para bang pinipigilan ang pag ngiti.


Thank god, he's back to normal! Di na ba siya naiinis?


"Sorry if it bothered you... Sa puntong iyon, kailangan ko na lang talagang-"

"Hindi naman... I mean okay lang naman... Naiintindihan ko." I said cutting him off. "P-Pero baka ma issue ka... secretary mo lang ako... boss kita. at sinabi mong tayo na... Baka-"

"Oh I don't care, really. I only care about you."



Oh my God! May sasabihin pa sana ako pero sinarado ko ang bibig ko habang tinitignan siya, with butterflies partying in my stomach. Ngayon halos di ko na matanto kung gaano siya kagwapo s paningin ko, araw-araw gumagwapo siyang lalo.


Pinark niya sa parking lot ang sasakyan niya at di sa harapan ng Riala. Tahimik kami ng pumasok sa elevator. Habang naglalakad ako, narealize kong tipsy parin talaga ako pero ginawa ko ang lahat para makapaglakad ng maayos sa heels kong ito.



I'm sure tinititigan ako ni Sir Chase habang naglalakad ako. Pumasok kami ng elevator at pinindot niya ang 15.


Pagkapasok namin sa condo ni Celine, pumunta agad siya sa kitchen habang ako ay dumiretso sa living room para makaupo sa couch.


Pumunta siya sakin at umupo sa tabi ko na may dala-dalang isang baso ng tubig.


"Drink this." Aniya.

He's so close to me! Ang bango niya talaga! Agad kong tinanggal ang jacket ko para ibalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pagkatanggal ko nito, napapikit siya.


"Salamat nito." Sabay bigay ko sa jacket.

"Your dress..." Napabuntong hininga siya. "I seriously want to wrap you with my jacket so put it back."


Napatingin ako at narealize na di ko na pala napigilan ang pagpapakita ng cleavage ko.


"Oh. Sorry." Sabay balik ko sa pagsusoot ng jacket. :-[ :-[

"Drink the water... I need to go." Aniya at tumayo pero imbis na umupo lang at sundin ang utos niya, tumayo din ako at yinakap siya.


Hindi ko alam... hindi ko alam na ganito ka tindi ang mararamdaman ko pagkayakap ko sa kanya ngayon. Niyakap niya ako kanina pero hindi ko masyadong naramdaman dahil manhid pa ako sa alak, ngayon ko lang naramdaman ang init ng yakap na yun.


"Eli." Napasinghap siya. "You're drunk."


Hindi ako sumagot. Kinalas ko ang pagkakayakap ko at hinarap niya ulit ako.


"Thanks, Chase..." Sabi ko.

Pumungay ang mga mata niya at ngumiti siya. Ang gwapo niya talaga at di ko na napigilan ang sarili ko... hinalikan ko siya habang nakangiti siya sakin. Alam kong nabigla siya at alam kong pagsisisihan ko ang ginawa kong ito bukas... Nanlaki ang mga mata niya at nang tumigil ako ay nawala na yung ngiti sa labi niya.


Pumikit siya at ako naman ang hinalikan. My heart is beating like crazy! Crazy! Crazyng crazy na parang gusto kong umiyak sa saya kahit di ko alam kung bakit basta lang ay masaya ako...



"No." Pinutol niya ang halik kahit alam kong labag yun sa tunay na nararamdaman niya.



Nakalagay na talaga ang kamay ko sa dibdib niya at feel na feel ko na. Nilagay niya ang kamay niya sa labi ko at napabuntong-hininga siya.



"Not when you still love someone else... Not when you're still not over him... No... I won't be a rebound." Bulong niya at tinalikuran ako para umalis.





C&♥30
Share Your Heart





"Rebound?" Ginoogle ko ito.

Isang pambasketball na term pero may ideya ako kung ano ang ibig sabihin ni Sir Chase.

Sabi sa internet, urbandictionary.com
Rebound - Going from one relationship to the next right away to avoid the pain of a breakup.

Pero ang nakapagtataka doon ay kung paano niya nalamang kakagaling ko lang sa relationship o sa break up? Was I too obvious?

"Sorry kagabi, Eliana." Buntong-hininga ni Celine.
"Okay lang talaga. No problem."
"Grabe! Di ko pa nakitang ganun ka galit si Chase... At... kamusta kayo? Hinatid ka niya diba?"
"Oo, okay lang naman kami." Sabay blush ko nang maalala ko ang kiss na yun.

Sabi na nga ba, pasisisihan ko yun! Kung bakit ba kasi hinalikan ko siya ayan tuloy at wala na akon mukhang maihaharap sa kanya! Hay nako naman! Pero... totoong grabe yung kabog ng dibdib ko non. It felt so right that I'm sure its illegal. He's my boss after all.

Natapos ko kagabi ang Module 3 kaya puyat na naman akong pumasok sa CPI.

"Nandoon si Sir Chase sa dati niyang office... pupunta daw kasi si Madame ngayon." Chismis ni Mary sakin.

Buti na lang... mejo ma dedelay yung pagkikita naming dalawa. Pinikit ko yung mga mata ko dahil sa puyat. Milyun-milyong eyebas na ang nagpapatong-patong diyan. Halos di ko nga natapos... Kung nag concentrate sana ako edi sana maaga ko yun natapos.

Paano ba naman kasi... ginoogle ko yung Rebound, pati Chase Martin Castillo, at napabisita din ako sa Facebook (kahit walang account... at di iyon maintindihan ni Celine) para tignan si Sir Chase. HAY! Distractions distractions...

"Eliana?" Boses at mukha ni madame yun kaya napatayo ako agad sa kinauupuan ko.
"Madame! Dyan na pala kayo! Good morning!" Sabi ko.
Tumawa siya, "Ano? Ready ka na ba ngayong Wednesday?"

Napatingin ako sa planner ko at nakitang wala naman akong (o si Sir Chase) gagawin sa Wednesday. Infact, hanggang bukas lang yung mga meeting ni Sir Chase. Wednesday hanggang friday ay walang sched.

"A-Ano pong nasa Wednesday?" Kinakabahan ako.
Napabuntong-hininga siya at umiling.

Uminit ang pisngi ko nang naalala ko yung sinabi ni Sir Chase sa bar... nalaman kaya yun ng pamilya niya? Di kaya sa Wednesday ay ifa-fire na ako? OMG! Mas lalo akong kinabahan.

"Hindi niya sinabi sayo?" Tanon ni madame.

Ang baet talaga ng tadhana sa araw na 'to! Agad ba naman sumulpot si Sir Chase naglalakad sa hallway galing opisina niya. Ma hahyperventilate na talaga yata ako! Hindi ako makahinga at tuliro na ako sa kinatatayuan ko. Easy, Eli, Easy! Please! TAKE. IT. EASY! GET. YOUR. SH-T. TOGETHER!

AHHH! SARAP TUMAKBO! Nangangatog na ang mga paa ko. Hindi ako tumitingin sa mahinahong naglalakad na si Sir Chase. Sapatos palang naitsura ko na ang kagwapuhan niya... Kung titingin ako sa ma mata sigurado magkakatitigan kami at siuradong tatakbo na ako palabas ng CPI!

"Chase? Di mo ba sinabi yung tungkol sa Bantayan?" Tanong ni Madame.
"Hindi pa." Tumingin si Sir Chase sakin.

Tinignan ko na rin siya at di huminga... TATAKBO NA AKO?

"Ano po yun Bantayan?" Tinanong ko na lang si Madame para may distraction.
"Island yun... Plano ko kasing gumawa ng hotel sa bantayan, Eliana kaya inutusan ko si Chase na pumunta doon para tignan kun maganda ba yung nakuhang lupa ko doon. Kayo sana ipapadala ko kasama si Luke at Celine... pero since hanggang Thursday lang available si Luke, kailangan din nilang bumalik dito."

Napalunok ako, "Saan pala yung bantayan?"
"Dito lang sa Cebu... Uhm... I think mga 4 hours... or 3, depende sa driver. Tapos isang oras sa barge. Okay lan ba yun sayo?" Tanong ni Madame.

Sumulyap ako kay Sir Chase at nakatingin parin siya sakin.

"Uh... Opo... Okay po!" Sabi ko.
Lumingon si Madame kay sir Chase at, "O hayan! Ako na ang nasabi. Ang bagal nito. Alis na ako." At hinalikan niya si Sir Chase... That made me blush.

Naglakad papuntang elevator si Madame dala-dala ang kulay brown na bag...

"Good bye, madame!" Sabi ng mga taong nagtatrabaho.

At ngayon, kami na lang ni Chase ang nakatayo at nagkakatinginan. OMG! LUPA, kainin mo na ako ngayon! I mean... building pala. Hindi lupa!

Ngumiti siya sakin, "You don't have to come if you don't want to."
"Gusto ko... Uh... gusto kong sumama."

At hayun na naman ang pagngunguso niya na pinipigilan ang pagngiti. Tinalikuran niya ako at umambang aalis ulit pero bago siya tuluyang makapaglakad paalis...

"S-Sir Chase..." Sabi ko.
"Hmmm?" Tumingin ulit si Sir Chase sakin.
"Yung t-tungkol sa huling sinabi mo sakin kagabi? Yung... re-rebound?"

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Tumingin siya sa paligid at pati akoy napatingin na rin at narealize na sa tuwing magkasama kami, halos wala akong pakealam sa paligid, nanonood ang mga tao samin at nagbubulung-bulungan.

"Back to work people-"
"Kayo na ba, Chase?" Bumulagta sa harapan namin ang namumugtong mga mata ni Brittany.
Sumulyap si Sir Chase sakin at, "No... Brittany. I told you, no... we're not together."

I TOLD YOU? Ibig sabihin natanong na ni Brittany yun? Kailan kaya? kanina? Kahapon?

"Back to work! And Eliana, to my office." Malamig na sinabi niya sakin sa harap ng mga nanonood na co-workers at harap ni Brittany na naka evil-smirk na.

"P-Po?" Sabi ko nang sinarado ko na yung pintuan sa opisina ni Madame (nakabalik ulit si sir Chase dito).
"Ano yung tanong mo?" Sabi niya.

Hindi siya umupo sa upuan niya, nakatayo lang siya at nakatingin sa labas ng bintana - over looking Cebu City.

"Yung rebound? Anong ibig sabihin?"

Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko ay alam niya kung anong pinagdadaanan ko. Natatakot ako. Anong gagawin niya pag nalaman niya yun? Anong gagawin niya pag nalaman niyang nagsisinungaling ako tungkol sa pagkatao ko.

"Alam ko." Tumitig siya sakin, seryoso ang mukha.

Malakas at nag i-skip beat yung puso ko sa kaba. Halos di na nga ako makahinga eh.

"A-Anong alam mo?" Tanong ko.
"Alam kong tumakbo ka dito sa Cebu..." tumingin siya ulit sa labas at napabuntong hininga, "... bago ka dumating dito sa Cebu, may naging boyfriend ka at tutol ang magulang niya sayo kaya kayo naghiwalay."

ALAM NIYA NGA! PERO HANGGANG SAAN YUNG NALALAMAN NIYA? OMG!

"Paano mo nalaman?"
He frowned, "Celine passed some of your minutes from the interview." Ngumisi naman siya.

AH! Hanggang doon lang yun! Hanggang doon lang nga! Syempre! Yun lang yung sinabi ni Celine!

"Are you... still... hoping?"
Habang tinatanong niya naman yun ay umiiling na ako, "No, I'm completely over Yuan. Nakalimutan ko na siya..."
"So... Yuan, is it?"

Hayun na... nagsisimula na naman ang pagkabog ng dibdib ko. Totoo yung sabi ko kay Sir Chase... I really think I'm over Yuan. Pagkatapos ng lahat ng nangyari... at sa daming nagbago sa buhay ko... pakiramdam ko matagal na yung nangyaring yun... Hindi ko na halos matandaan kung bakit ako umalis ng Maynila para layuan siya pero at the same time, thankful ako dahil nandito ako sa Cebu... at... at...

Naputol yung pag iisip ko dahil nakita ko si Sir Chase na lumalapit sakin.

"I really do hope you're over with Yuan, coz..." Ngumisi si Sir Chase at grabe, halos kumulo ang pisngi ko sa init. "I don't want to share your heart with anyone.


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText