<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 41-45


41st fall

Serene Cruz: Brokenhearted siguro.

"Sure ka?" Tanong ni Sophie sakin.

Naghahanap ako ng magandang libro dito tapos sunod nang sunod ang dalawa.

"Oo nga kasi. I-text niyo lang ako pagkatapos niyong manood ng sine."

Nagkatinginan sila ni Crayon.

"Sige na kasi. Ano ba naman kayo! Di naman ako mawawala dito eh. Iisang mall lang naman `to."

Tahimik na naman sila habang tinitingnan ako.

"Hindi naman kasi ako nakakaranas ng post-traumatic experience para mawala at maging missing ng 30-days." Sabi ko habang binabalik ang isang libro sa bookshelf.

"O sige, sige." Sabi ni Sophie.

"Hoy Serene, pasalamat ka`t may gagawin si Dae ngayon-"

"Crayon, pwede ba? Ayoko ng makasama ang taong yun sa kahit anong kondisyon. Nabu-bwisit lang ako eh." Sabi ko.

"Oo na kasi... alis na kami, mag-iinit na naman yang ulo mo eh." Hinila ni Crayon ang buhok ko.

"Aray." Nakakainis talaga `to.

"Mag text ka ah!" Sabi ni Crayon habang kumakaway na si Sophie at aalis na sila.

Tumango ako at kinawayan si Sophie habang lumalabas sila sa bookstore.

"Buwisit talaga, di ko naman makakalimutan si Dae kung lagi nilang sinasali sa usapan." Napakamot ako sa ulo. "KAINIS!!!!!!!"

Naghanap ulit ako ng libro. HMMM, anong maganda? Gusto ko ng romance kaso parang gusto ko munang iwasan yang mga ganyan ngayon, bibili na lang ako ng mga horror? O yung mga thriller? Ano bang maganda?

"Eto o, maganda." May nagbigay sakin ng isang libro. Twilight?

"Ah. Nakabasa na ko nito. Natapos ko na nga ang apat eh." Tumingin ako sa lalaking nagbigay sakin nito sa kabilang side ng bookshelf na kinatatayuan ko.

Si Nico?! He smiled.

"Ganun ba?"

I smiled too.

"Uyyy Nico! Ba't ka andito?" Tanong ko.

"Naghahanap ng magandang libro." Another smile. He's soooo cute.

"Ganun? Eh, basahin mo na lang ang Twilight."

"Naaah, I'm not into romance." Sabi niya. "But I heard its cool, so."

"Maganda nga yan." Sabi ko habang naghahanap ulit ng ibang libro.

"Ikaw, anong hinahanap mo?"

"Uhh, yung hindi romance."

"Why? Are you hating romance right now?" Tinabihan niya ako habang naghahanap ng libro.

Buti pa siya noh? Nagbabasa? Si Dae? Di yun nagbabasa. Music lang ata ang alam nun at ano pa ba? HMMMM.

"Uhh, wala lang."

Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa... ginugutom na ako. Pero kaso...

*DLUUUBLOOOOOBBBB*

Tumawa si Nico, gosh nakakahiya.

"Lika? Kain muna tayo?" Sabi niya habang ngumingiti.

I smiled fakely, "S-Sorry."

Habang nag-aapologize ako at nagdarasal na sana lamunin na ako ng isang libro dito dahil sa kahihiyan, tiningnan ko ang paligid at hinanap kung may kasama siya.

"Uh, wala ka bang kasama?"

"Wala eh. Nanood yata sila ng sine, nagpaiwan lang ako."

"Ahhh, same here." Sabi ko.

Grabe noh? Sinasabi na siguro sakin ng tadhana na si Nico na talaga ang para sakin.

Nasa harap ko si Nico habang naghihintay kami ng pagkain dito. Linibre niya ako, biruin mo yun? HAHAHA.

"Thanks nga pala." Sabi ko habang naghahanap na naman ng masasabi.

Ang hirap naman nito...

"Uh... Artista ka raw?" Tanong ko sa kanya nang dumating na ang pagkain.

Tumawa na naman siya, "Uhhh, I don't know?"

"Huh? Ikaw raw yung... nasa Pinoy Big Brother ba yun?" Tanong ko.

"Oo. Ako nga yun. Hmmm, ilang taon ka nga pala sa States?"

Parang winawala niya ang usapang artista siya ah? At alam pa niyang galing ako ng States.

"Tatlong taon ako dun. So ano, anong feeling maging artista?" HEHE. Nakikiusisa talaga ako.

"Uh, wala, okay lang, mejo..." Tumingin siya sa paligid at may mga nakatitig na saming dalawa. "Mejo... mahirap lang. Tsaka," He smiled, "di naman ako artista talaga. Di pa naman ganun ka lawak ang exposure ko, inuuna ko pa yung pag-aaral ko eh."

Wow, I know he's a good man. I can feel it.

Nakatitig lang siya sakin habang kumakain ako. Nakew naman... ang galing neto.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

He shook his head.

Tumango naman ako.

"Blooming ka ah." Sabi niya.

"Huh? Ahh." I think I blushed.

"In love ka ba? O...-"

"Nope. Brokenhearted siguro." I laughed.

"Huh? Why?" He examined my face, "Dae?"

Hindi na ako nakasagot.

"I don't think that that guy deserves you."

"Uhh, ganun rin ang iniisip ko eh. Kaya nga... I'm moving on." I said.

Wow, kahit minsan lang kami nagkikita parang ang sarap mag share sa kanya. Para bang ang laki na agad ng trust ko sa kanya. Sobra. Minsan lang ako nagkakaroon ng kaibigan maliban kina Crayon at kina Sophie kaya siguro ganito ang feeling ko ngayon.

"I thought you and Dae are... fine." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"We are fine. Kaso, yun nga eh. Dapat di kami fine para makalimutan ko na siya."

"Inindian ka pa niya that night. tsk tsk. Kaya galit ka sa kanya?"

"Uh. Nakalimutan ko na yun, may mas malaking rason pa."

"Hmm? Ano? Sinaktan ka ba niya?"

Napatingin ako kay Nico, he looked so interested about it.

"Oo." Tumawa ako.

Damn, I miss... Dae.

I can't stand talking without arguments.

Hmmm, siguro kailangan ko ng sumama nang sumama kay Nico para makapagbagong-buhay na ako, noh?

42nd fall

Serene Cruz: Naiinis ka ba kay Nico?

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Kinuha ko ang cellphone ko, hindi ko na namalayan ang oras eh. Andito parin kami sa kinainan namin ni Nico at kanina pa kami nag-uusap ng random things.

"Hello~"

"Asan ka?" Si Crayon.

"Uh... Shakeys." Sabi ko habang tumitingin sa labas.

Nakatingin lang si Nico sakin.

"Nico." Nakita ko ang mga kaibigan ni Nico, umupo sila sa tabi ng table namin. "Andito ka lang pala! Pinatay mo ba ang phone mo?"

Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil nagsalita si Crayon, "Sinong kasama mo?"

"W-Wal-Uhhh kaibigan."

"Sino? Chyna or Mina?"

"Basta... si Nico."

"NICO~?" His voice broke. "Who's that?"

"Uhhh. Nico Lee?"

Narinig kobg tumili si Sophie... "Nico Lee, yung sa PBB."

"Huh? Sino yan?"

"Basta, wa'g ka ngang mag-alala diyan di naman siya mamamatay tao eh. Classmate ko `to. Asan kayo?"

"Teka, diyan ka lang. Papunta na kami."

Binaba na ni Crayon ang phone. ARGH.

"Pinsan mo?" Tanong ni Nico habang binababa ko ang cellphone.

"Uh.. Oo." Lumingon ako sa kanyang mga kaibigan at nakatingin naman sila sakin.

Nakakahiya naman `to.

"Uh... Guys, this is Serene." Sabi ni Nico.

"Hi Serene!" Sabi nang isang babae.

Marami sila, kaya useless ang pagpapakilala ni Nico sa kanila ng isa-isa. Hindi ko na matandaan ang mga pangalan.

"So... ano daw sabi ng pinsan mo?"

"Sabi niya papunta na raw sila."

Tumango siya.

"Close ba kayo ng pinsan mo?"

"Oo." I smiled. "Kahit mejo makulit yun papatayin niya yung mananakit sakin." Sabi ko habang pinaglaruan ang tinidor.

He smiled, "I see. May manliligaw ka ba?"

"Huh? Wala. Namomobre ako ng manliligaw eh."

He laughed, "I see. Wala naman kasing nakakalapit sayo except sa bandang yun eh."

"Hmmm, pero okay lang. Di naman ako naghahanap eh."

What? Naghahanap ako eh! Kasi... dapat nga, makamove-on na ako diba?

"...noon..." I laughed.

"Serene! Hi Nico!" Tumabi si Sophie sakin.

Andito na pala sila. Tumatayo lang si Crayon sa harap ng table namin habang tinitingnan si Nico.

"Uh.. Crayon, this is Nico."

"Oo. Yung sa PBB." Singit ni Sophie.

Naglahad ng kamay si Nico, at nakipagkamayan naman si Crayon. I sighed in relief. Hay salamat. Nagdududa kasi ako sa tono ni Crayon sa cellphone kanina at sa titig niya kay Nico eh. Nakakatakot talaga ang isang `to.

"Kumain na ba kayo, Sophie?"

My goolay, nakatitig parin ang hinayupak na Crayon kay Nico. Nakatitig siya na para bang may nag trespass sa lupangkanyang angkin.

"Hindi pa." Hinawakan ni Sophie ang kamay ni Crayon at hinila siya sa kasunod na table samin.

Mukhang naintindihan ni Sophie ang mga masasamang tingin ni Crayon kay Nico ah. Umupo sila sa katabing table at sinigurado pa ni Sophie na hindi nakaharap si Crayon samin. Nag two-thumbs up pa siya bago ko narinig ang buntong hininga ni Nico.

"Sorry." Sabi ko.

"Okay lang. Alam kong ganun ang mangyayari."

"Ha?"

"Mainit ata ang dugo ng pinsan mo sakin. But that's okay, alam kong ganun talaga. Maybe he thinks I'm courting you or something."

Napatawa ako, "Naku..."

Nga pala, no GF since birth daw siya? Matanong nga.

"Uh... May girlfriend ka ba?"

He shook his head, "No girlfriend since birth." He chuckled.

"Why is that? I mean..." Tiningnan ko siya at tinitigan ang kanyang ka gwapohan. "Napakaimpossible naman ata sa kagaya mo. Wala pa bang nagpapahiwatig sayo or what?"

"Hmmm,"

"O baka naman manhid ka?" I laughed. Baka gaya ka ni Dae?

"Hindi ah! I want to be the one courting. Eh wala pa naman akong nagugustuhan."

Tumango ako. He wants to be the one courting? Eh ako, parang ako yung nanliligaw kay Dae noon. Teka nga... ba't ko ba naiisip si Dae lagi?

"Serene... uwi na tayo." Nakatayo na si Crayon sa harap namin habang nasa likod naman si Sophie at sinisenyasan akong uuwi na kami.

"Ah.. akala ko kakain-"

"Nag take-out na kami." Sabay tingin kay Nico.

"O-okay. N-Nico, alis na kami ah." Tumayo ako.

Kumaway naman si Nico at... "Sige, see you at school."

Sana maging classmate ko siya, ang bait niya kasi at gentleman.

"Dapat kasi andito si Dae eh." Sabi ni Crayon kay Sophie habang naglalakad kami patungong parking lot ng mall.

NAKAKAINIS TALAGA! Alam ko ang punto ni Crayon. Kaya kanina pa siya parang naiinis kay Nico.

"Pssst, Crayon! Naiinis ka ba kay Nico?"

Lumingon siya sakin with an evil smile, "Hindi."

Nagkibit-balikat si Sophie nang tiningnan ko siya.

"Gusto ko ngang andito si Dae para makita niyang may ibang lalaki ka na." He smiled another evil smile.

WOOOT! I can't understand him. Sino kaya ang kinakampihan niya?

43rd fall

Serene Cruz: Aray...

"So, anong balak mo? Forever ng iiwasan si Dae?" Sabi ni Sophie habang kumakain ng chips.

Andito ako sa bahay nila. Dito ako matutulog dahil balita ko, may practice daw sina Dae sa bahay nina Crayon. Baka pumunta yun ng bahay, mahirap na.

"Hindi naman. Ngayon lang." I said while hugging a pillow.

"Paano na lang kung pumunta si Crayon dito o pumunta ako kina Crayon?"

"Hindi ka naman pupunta diba?"

She sighed, "Whatever. Tapos, same course pa si Dae... paano kung magiging magkaklase din pala kayo? Diba siya nga ang tutor mo?"

My gesh, nakakabingi ang mga tanong ni Sophie at wala pa akong maisagot sa kahit isa.

"Naku... Sophie, tulungan mo ako please. Kailangan ko ng bagong tutor! please? Please? Please?"

"Naku. Hindi naman ako magaling eh. Humanap ka kaya ng mga A students."

"Like Dae?"

"Oo." She smiled and evil smile.

Linagay ko ang mukha ko sa pillow, "Hindi mo naman kasi maiintindihan kasi wala ka nung pumunta kami kina Francine eh."

Nagflashback sakin ang lahat sa utak ko kaya napahiga ako sa kama niya at parang namimilipit sa sakit. Sakit sa puso. Kahihiyan? AHHH.

"I'm not ready to face him! Gross."

"Oo na. Oo na. Wa'g kang mag-alala, di naman ako boto sa kanya eh. Kay fafa Nico naman ako."

Napapikit ako. I know I still love him. But I don't want to love him anymore. Paano ko ba siya makakalimutan? Teka, buong buhay ko ganun na ang tanong ko. I want to get rid of that question. Please? I really really really want to get rid of that question.

"Nga pala, narinig kong matataas daw ang grades ni Nico. Ba't di na lang siya ang gawin mong tutor?"

"Nakakahiya naman."

"Sige na! Siya na lang. Wa'g ka nang mahiya! Kesa kay Dae ka na naman magpapatutor, di mo na naman siya makakalimutan."

Oo nga no? Kay Nico na lang ako magpapatutor. Tutal, mabait naman siya. Kaya lang, nakakahiya eh, baka maubos ang pasensya niya sakin.

"Malapit na ang pasukan noh, kaya wag ka ng mag-isip. Kay Nico ka na magpatutor." Linipat ni Sophie ang channel. "Kita mo `to? Si Nico o, si Nico."

Wow, si Nico nga! Nasa TV.

"O diba, tutor mo na... artista pa!" Sophie laughed.

*KRRRRRIIIINNG*

"Hello~" Sophie got the phone really fast.

Tiningnan niya ako at tinakpan ang phone, "Si Crayon."

Tumango ako at pinatay ang TV. Humiga na ako sa kama at inaantok na dapat ako kanina eh, kaso tumawag si Crayon, feeling ko nandyan lang si Dae sa tabi-tabi.

"Serene..." Ginising ako ni Sophie.

Nakatulog pala ako, agad akong tumingin sa digital clock na katabi ng kama... "Nine thirty." Nakita kong hawak-hawak pa ni Sophie ang telepono kaya bumangon ako, "Sa pagkakaalam ko 8:30 tumawag si Crayon ah, nandyan parin siya?"

Binalewala ni Sophie ang tanong ko dahil mukhang kausap pa nga niya ang pinsan ko. Grabe, ganun ba talaga yun? HMMM?

"Ang kulit niya eh." Tinakpan niya ulit ang phone.

Napailing ako na may halong kilig. Akala ko magpapractice sila sa bahay nina crayon, ba't parang nagtetelebabad na lang sila ngayon. Buti na nga lang at pumunta ako dito kina Sophie, sabi na nga ba't wala rin yang practice nila.

"O." Binigay ni Sophie sakin ang phone. "Kakausapin ka raw niya."

Kinuha ko naman agad ang phone at... "O, Crayon."

"Uhh."

I know for sure that this is not Crayon. Lumingon ako kay Sophie pero pumasok siya sa CR at mukhang magsho-shower.

"O ano, Crayon?" Let's just pretend, okay? Parang maghahyperventilate na naman ako anytime.

"Serene, si Dae `to."

Oh there... There.. I told you it wasn't him! Bakit siya ang nasa line? At bakit hinayaan `to ni Sophie? O baka naman pakana `to ni Crayon?

"Huh? Akala ko si Crayon- O, Dae? Bakit?" PRETEND. With all the capitals.

Dae? Napilitan ka lang noh? Baka binigyan ka ng death threat ni Crayon diyan kaya kinailangan mo kong kausapin sa phone ngayon?

"Are you avoiding me?"

*BOOOOG~!*

"Aray..." You heard the explosion right! Nahulog ako sa kama. Sorry, nagulat ako sa tanong niya at nagwawala nga kasi ako kanina.

"Ano yun?" He asked with a worried tone.

44th fall

Serene Cruz: Nakapagdesisyon na ako, Dae.

"W-Wala."

Umupo ako sa sahig habang iniinda parin ang sakit sa likod ko. ARAY. Araaay. Kung wala siguro si Dae sa telepono baka umiyak na ako sa sakit.

"Uh Dae, sige ah-"

"Are you avoiding me?"

Ininda ko ulit ang sakit... ng likod ko.

"Huh? Di ah? Sinong nagsabi?" Tumawa pa ako ng bahagya para mukhang di plastik ang pagkakasabi ko. "Tsaka... ba't mo nasabi? Eh di pa naman tayo nagkikita. Tsaka...-"

"Wala ka raw sa bahay niyo ngayon dahil may practice kami kina Crayon."

Ay buwisit. Si Crayon siguro ang nagpakalat ng tsismis ng alibi kong yan no? Nakakainis talaga. Humanda yung bruhong yun sakin pag nagkita kami.

"Oh! Coincidence." Yun lang ang nasabi ko in a sarcastic tone.

"Serene naman, ilang taon na tayong magkaibigan, wa'g ka namang ganyan."

Napasinghap ako. Ewan ko ba pero nasaktan ako dun ah! Kahit na simpleng pagkakasabi lang ni Dae ng ganun pero tumagos parin sa puso ko.

"Dae, please lang. Tama na." Sabi ko.

I mean it. Tama na talaga. I'm so tired of this. I'm so tired of this daw pero hinahanap-hanap.

"Okay, so what kung iniiwasan kita? Wa'g ka na lang makealam sa desisyon ko."

"Paano ako di makikialam eh kasama ako sa desisyon mo."

"Kung natatakot kang baka ma-apektuhan ang pagkakaibigan niyo ni Crayon, wa'g ka ng mag-alala ako na ang bahala dun."

Aray. Naiinis ako sa mga pinagsasabi ko. Natatakot kasi akong baka totohanin niya yung pakiusap ko. LOL. Oo, pinakiusapan ko nga siya. Kaya lang may parte parin sa akin na nangangarap na sana hindi niya tuparin ang gusto kong mangyari. Ay ewan, paki-dala na ako sa mental, bilis.

"Magkikita't magkikita parin tayo sa skul at alam mo yun diba?"

"Oo, alam ko. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita pwedeng iwasan."

Katahimikan.

"Cooperation lang naman ang hinihingi ko sayo, Dae eh. Yun lang. Wala ng iba."

Hindi ang pansin mo. Hindi ang pag-ibig mo. Cooperation lang. Para pagkatapos ng lahat, kaya ko pang makipagkaibigan. Parang kinurot ang puso ko sa mga iniisip ko. Nanikip na naman ang dibdib ko. I catched my breath.

Tahimik parin.

Kahit gusto ko ng ibaba ang telepono, hindi ko maibaba. Namamanhid ako. Namamanhid ang kamay ko lalong-lalo na kung iisipin kong nasa kabilang linya lang si Dae.

"O sige. Kung yun talaga ang gusto mo."

NOOO!

"T-Teka. Are you crying?"

Anak ng palaka... para ko siyang kaharap ah! Paano niya nalaman? Kumpyansa pa naman akong ipadaloy ang luha ko dahil nasa telepono lang naman siya eh.

"H-Hindi."

Kahit na inayos ko na ang boses ko, hindi parin gumana. Mukhang narinig niya parin ang konting pagkabasag nito.

"Wait. Kung nahihirapan ka, wa'g na lang."

Ayun. Yun yun eh. Ang galing no? Syempre, mahirap talaga yan eh. Kaya nga nagsasakripisyo ako dito tapos siya, ganyan ganyan niya lang sasabihin ang mga salitang yun?

"Ano naman ngayon? Wala ka namang pakealam kung mahirapan ako. Hindi naman ikaw ang mahihirapan."

Katahimikan.

Wala na akong pakealam kung marinig niya ang paghikbi ko. Bahala siya.

"Nakapagdesisyon na ako, Dae. Ayoko ng tanungin ang sarili ko ng pauilit-ulit kung kelan kita makakalimutan at paano. Kaya ngayon, eto ang sagot ko sa tanong kong yun."

I heard his deep sigh.

"Okay."

Ngayon, ako naman ang tahimik.

"Pero sana maging magkaibigan parin tayo pagkatapos nito."

OMGEE. Pumayag siya! Pumayag siya... kill me now!

Lumabas si Sophie galing banyo at agad na tumabi sakin ng nakita niya akong naghahanap na ng oxygen.

"Anong nangyari? Sino yan?" She asked worried.

I shook my head at kinuha niya ang cellphone kong nasa kama.

I heard another deep sigh from Dae. "I hope you'll soon find the right guy who deserves you."

Arayyyyyy! JISAHIAUYDHAUHJHSUITA. Aray.

"Bye." Sabi ko at agad kong binaba ang cellphone.

Lumingon ako kay Sophie nang nakita ko siyang may binabasa sa cellphone ko bago ako yinakap.

"Was that Dae?"

Tumango ako.

"Ba't siya? Eh akala ko si Crayon." She said.

I shook my head. Eto para akong baliw at pipi dahil di makapagsalita. Umaapaw ang luha ko eh.

Binigay niya sakin ang cellphone bago kumuha ng sandamukal na tissue para sa akin.

May message na binasa na ata ni Sophie dahil bukas na.

And it goes like this:

Hi Serene. It's me, Nico.

I got your number from you last week, right?

This is my new number, hope you'll save it.

See ya soon.

I throwed my phone on the bed.

Binigyan ako ni Sophie ng sandamukal na tissue na kinuha niya kanina. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng pinag-usapan namin ni Dae sa phone habang inuubos ko ang tissue.

Ito ang isa sa mga gabing pinakamasakit at pinakamarami akong nailuha. At sa parehong rason pa ang lahat ng gabing yun, parehong lalaki.

45th fall

Serene Cruz: I'm not talking to you!

1st day of school, 2nd sem. Napapraning na ako. Sana naman di ko masyadong ma klasmeyt si Dae. Sana si Nico na lang ang makakaklasmeyt ko parati at nang masabi ko na sa kanya na naghahanap ako ng bagong tutor. Tsaka, alam kong late na naman ako.

Pumasok ako agad sa room. It's another Philosophy class! Kaya nang pumasok ako agad kong hinalughog ang bawat estudyante at hinanap si Nico.

"Hi."

Ayun, katabi ko lang pala!

"Late ka na naman." He smiled.

"Kasi... tinanghali ako."

"Sabi ko na nga ba't classmate ulit tayo sa Philo."

Tumango ako. Yehey! At least diba, may isa pa akong kaibigan maliban sa mga common friends namin ni Dae.

Mabilis natapos ang Philo namin kaya nang naglakad kami sa corridor, agad kong binantayan ang mga mata ng taong nakapaligid sa amin. May mga nagbubulung-bulungan at may weird ang titig.

"Sorry ah." Sabi ni Nico.

"Huh? Bakit?"

"Napansin mo na siguro yung mga tingin sayo ng mga tao."

"Ha? Oo. Pero ba't ka nagsosorry."

"Kasi... baka ayaw mo ng ganun. Plus you're a very private person." Ngumiti ulit siya habang papababa kami ng building.

"Okay lang yan." Sabi ko.

Hindi ko kasi alam kung anong isasagot. May kung anong kaba akong nararamdaman, feeling ko...

"Hey couz!" Sabay akbay sakin ng hinayupak kong pinsan.

Parang biglang nawala si Nico o baka naman tinulak yun ni Crayon palayo para makaakbay siya sakin. Buti na lang at nasa harapan ko lang pala siya. Teka, Crayon's here... so...

"Asan si..." Dae?

"Dae?"

"-Sophie?"

"Ay akala ko si Dae ang hinahanap mo." Sabay turo sa likuran.

Frost bite!

"S-Si Sophie."

Nagkakafrost bite na nga ako kahit nasa likuran ko si Dae at di ko naman naaaninaw ang pagmumukha niya, papaano na lang kung magharap kaming dalawa.

"Nasa bahay pa nila." Kinuha ni Crayon ang kanina ko pang hawak-hawak na schedule.

Nagkatinginan kami ni Nico at nagkakafrostbite parin ako.

"Serene... kita na lang tayo mamaya ah!" Kumaway sakin si Nico pagkatapos kong madatnan ang nakakatakot na tingin ni Crayon sa kanya.

"Uh. Ow. Okay." At tuluyan ng umalis.

"Uy! Magkaklase tayo sa next class ah! Pero may isang oras pa bago-"

"Crayon, kung tuhugin ko kaya yung mata mo noh?"

"Huh?" Tinanggal niya ang braso niyang nakaakbay sa akin.

"Akala mo di ko yun..." Nakita ko si Dae. Hinarap ko kasi si Crayon at tumigil kami sa paglalakad. "...n-nakita, ha?"

Ehem, "Akala mo di ko yun nakita? You scared Nico." Sabi ko habang kinokontrol ang boses.

Omigod. Dae's just there standing.

"Eh ganun naman talaga ako makatingin eh. Tsk, baka naman bading yun?" Crayon smiled an evil smile.

Sinuntok ko ang tiyan niya.

"Ouch-... Loko lang. Hindi ah, baka naman tinitigan ng iba dyan... kaya natakot. Lam mo na, mas masamang magalit ang mga tahimik sa mga tulad kong madaldal." He glanced at Dae.

Tiningnan ulit ni Crayon ang schedule ko at pinag-aralan. Oo nga, hindi ko kasi nakita si Dae kanina pero imposible naman kung tititigan niya nga si Nico ng nakakatakot na tingin. Ba't niya naman gagawin yun? I glanced at Dae's face then he looked away.

Ay guilty. Ano ba! Nakakainis na talaga ah! Kawawa naman si Nico. Binawi ko ang schedule ko kay Crayon.

"Oy-"

"Akin na nga yan! Nakakainis ka ah! Kawawa naman si Nico! Natakot tuloy ang tao. Ayaw pa naman nun ng gulo! He's a very friendly person with a good heart."

Grabe, nanggalaiti na talaga ako sa galit. Kaklase ko si Nico sa next subject eh, tapos nagkasundo kaming sabay pumasok. Imposible namang umalis na lang siya ng bigla. Tatakpan sana ni Crayon ang tenga niya pero pinigilan ko siya. Mabuti yang marinig niya naman minsan ang mga hinaing ko.

"Ba't mo siya GINAGANYAN? Kawawa NAMAN YUNG TAO! HUMINGI KA NG TAWAD NEXT TIME AH! TSAKA, KAIBIGAN KO RIN YUN."

"Eh ba't siya umalis kung kaibigan mo siya?" Lintik. Sumingit pa si Dae eh si Crayon naman ang kinakausap ko at kaharap ko.

"I'm not talking to you!" Hinarap ko si Dae.

"You're talking around me, it's the same."

Ay ang galing ng sarcasm mo, Dae. Nag walk-out ako sa matinding inis. Very humiliating. Silang dalawa! Lalonglalo na si Dae, ang hayooop na Dae na yun! Kinakausap ko ba siya? Takte talagang buhay `to oh.

Calm down, Serene. Calm down. Kaya lang, mukhang di ako kumakalma eh. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText