<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Chapter 32 The Cure For Insecurity


Chapter 32 The Cure For Insecurity




Joshua Rian Te: She is just busy-


“Hi!” Napalingon ako sa nagsalita. Si Andrea pala. “Ano? Hinihintay mo si Jini?” Sabay upo sa silya sa harapan ko.

Nasa loob ako ng isang coffee shop sa labas ng building kung saan nagmeeting sina Jini, Mr Chan at Hans na di ako kasali. Naiinis ako, ba't di ako kasali? HMP. Ayan tuloy, nagtitiyaga akong maghintay kay Jini dito. Ayoko namang sumama kasi ayokong isipin nilang napakaposessive ko.

“Yeah. May meeting sila eh.”
“Ganun bah?” Sabay tunganga sakin.
“Ikaw, anong ginagawa mo dito?”
“Wala, napadaan lang ako sa labas nung makita kita!” Ngumiti siya.

Tumango lang ako at napatingin sa kape.

“Di ka ba nagseselos kay Hans?”
“Huh? Ba't naman ako magseselos dun?” Di ko namalayang napagtaasan ko pala sya ng boses.
“Ows? Halata naman eh. Nahahalata na rin siguro yun ni Ate.”
“Hmm? Di talaga.”
“Asus JR. Alam mo, kahit di mo sabihin, nakikita ko yun sa mga mata mo.”

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nya.

“Alam ko ang feeling no! Dumaan na ako diyan.” Dagdag niya.

Magdadalawang oras na ang meeting nina Jini ah? Sana bumalik na siya para di na masyadong gumulo ang utak ko sa pag-iisip kung ano na ang ginagawa nila—ni Hans.

“Nakakainis ano? Dapat sana ikaw yung kasama niya kaso pinagkakaitan kayo ng oras?”

Oo, tama si Andrea, pinagkakaitan ng oras at ang daming sumisingit.

“Feeling mo, di kayo meant to be dahil sa ginagawa sayo ng tadhana. Feeling mo binibigyan ka ng sign para layuan siya. Feeling mo para na siya sa iba.”

Napatingin ako sa kanya. At tinitigan niya ako ng seryosong seryoso.

“You know how much I love you right? Kung di ka niya kayang alagaan, kaya ko.”

Nasaksihan ko ang unti-unting pagbuhos ng luha niya. Wala akong nagawa kundi bigyan siya ng panyo para punasan ang mga ito.

“Andrea,”
“Yeah, I know. You love her. Pero I just can see the point. Pinapabayaan ka na niya diba? Maybe she is in love with someone else!” Kasabay ng bawat salita nyaa ay ang walang katapusang paghihikbi.
“Andrea, Hindi niya ako pinapabayaan. She is just busy-”
“Busy with what?---or is it whom?”

Hindi ako nakapagsalita. Limampung pursyento sa utak ko ang nakikisimpatya sa sinasabi ni Andrea tungkol kay Jini at limampung pursyento ang hindi naniniwala.

So what if I'm insecure? Hindi naman sa nagdududa ako...

Pinunasan ko ang mga luha niya.


---


Hans Anderson: Wa'g niyo na lang akong ihatid

“Wow! You two really look good together. Asian beauty plus western!” Sabi nung kaibigan ni Mr. Chan.

Napangiti si Jini.

“So, ikaw pala ang girlfriend ni JR Te. He is such a good model, tapos photographer narin pala siya ngayon? Napakatalented talaga niya.” Sabi nung general manager ng isang sikat na mall.
“Sayang naman at tinanggihan mo, Hans ang offer namin.”

Yeah. You heard it right! They offered me another pictorial with Jini. Kaso, I rejected it dahil babalik na ako sa Amerika mamaya. YES, mamaya agad.

Alam na ni Hayley ang pinaggagagawa ko dito. And---ehm, don't get me wrong. I didn't plan for that modeling-thingy namin ni Jini. So, I just go with the flow. Ang sarap pang inisin ni JR kasi biruin niyo, in love ang playboy na yun! I just couldn't believe it. Kung di lang talaga ako babalatan ng buhay ni Hayley kung magkagulo ang relasyon ng dalawa---talagang aagawin ko na tong si Jini niya.

“Papanu na to ngayon?” Sabi ni Mr. Chan.
“Why don't you make JR the model again?” Napaisip silang lahat. “Yeah, since... you see, when Jini and I made the pictorial, we are not that comfortable with each other. Maybe it would be better if you get him again.”
“Oo nga no? Pero...what about the---”
“Humanap na lang tayo ng iba for that!” sabi nung general manager.

Pinaulanan ako ng ngiting abot tenga ni Jini. Para bang pinapasalamatan niya ako dahil sa lahat ng sinabi ko. Ilang sandali lang,umalis na kami dun dahil may pag-uusapan paa daw sila at pwede na wala kami. Di na ako nag-aksaya, yinaya ko na siyang lumabas dahil kailangan ko na ring ayusin ang mga gamit ko sa tinutuluyan kong hotel dahil tatlong oras na lang at aalis na ako. May nadaanan kaming flowershop at nakita ko ang pagkamangha niya sa mga putting rosas kaya binilhan ko na siya ng isang dosena.

“Naku Hans! Ikaw na nga ang aalis, tapos ikaw pa ang namimigay!” Sabi niya. She looked like a princess holding a bouquet of white roses.
“Okay lang! Binigla ko din naman kayo eh. Remembrance na rin yan!”
“Thank you!”

Naglalakad na kami papalabas ng building nung naitanong ko... “JR would definitely kill me if I stayed longer.”
“Naku! Don't worry, sasama na kami ni JR sa airport. Ihahatid ka na namin.”

Ngumiti siya. Pagkalabas namin, nakita namin si JR na pinupunasan ang mga luhang nanggagaling sa mga mata ni Andrea.

Napanganga si Jini ng nakita niya iyon. Halatang nabigla siya sa nakita pero itinatago lang niya. Napatingin si JR at Andrea sa aming dalawa ni Jini. I felt bad, masyadong seryoso ang pagkakatingin nila samin.

“Uh. Hans, Pwedeng uhmm...”
“No, Jini. Wa'g niyo na lang akong ihatid. Kaya ko na! Aalis na ako. You don't want JR to see us together right?”
Tumango siya at umalis na ako.

I don't want JR to think that I'm getting INVOLVE again. I want them to fix their things. Pero what's with that Andrea-girl crying in front of him? Hay naku Hans. Whatever. Don't try to messup with them again kundi babalatan ako ng buhay ni Hayley.


---



Jini Punzalan: I mean-


“JR, can you leave us alone?” Sigaw ni Andrea habang pinipigilan ang mga luha.

Takang-taka ako sa nakita. Akala ko ba ayos na siya? Akala ko ba okay na? Tsaka, ayokong mag-isip ng masama tungkol kay JR. Pero, bakit ampangit ng tingin niya sakin kanina?

Linapag ko ang mga bulaklak na ibinigay ni Hans sa mesa. In speaking of Hans, aalis na iyon ngayon. SOO BAD. Anong sitwasyon ba ang bumulaga samin paglabas namin? Sinundan ng mga mata ko si JR na umalis patungong CR.

“Andrea? Ba't ka umiiyak?” Tanong ko habang pilit pinupunasan ang mga luha niya. Ngunit tinanggihan niya ang pagpunas ko.

“Ate, can't you see? You are hurting him!” Aniya na nagbigay sakin ng lakas upang matauhan kung ano ang nangyayari. “He is jealous with the guy who gave you this,” Sabay hawak sa isang rosas “flowers!”
“Andrea,--”
“Ate, I can't understand you! You have him pero why are you doing this to him?”

Langya! Ano bang ginagawa ko? Bigwasan kita riyan eh. Anong pake mo? Tsaka, di ko siya sinasaktan. At kung sinasaktan ko siya---alam kong di dapat. MAHAL KO SIYA. Siya lang at wala ng iba. Walang dapat pagselosan at walang dapat pagdudahan! JR, ba't di ka umaamin sakin na nagseselos ka't umamin ka sa Andreang to? GRRR.

Hindi ko masabi ang lahat ng nasa isip ko. Ayoko ng dumagdag sa ingay na ginagawa niya dito sa loob ng coffee shop. Nakita kong lumabas si JR sa CR.

At naabutan niya ang mga salita ni Andrea...

“Ate, I thought you can take care of that playboy's heart! Mali ako. Pero ate, if you can't take care of him...please tell me coz I will do it for you!”

Nakita kong bahagyang napahanga si JR dahil sa mga sinabi ni Andrea. Para akong binagsakan ng isang milyong bato galing sa langit. Naiinis ako. Naiinis ako at parang may demonyo sa loob ko na nagwawala at gustong umalis ka katawan ko sa pamamagitan ng pagsasalita—at pag-iyak

Bumuhos ang luha ko sa harap ni Andrea at JR na nasa likod ni Andrea.

"Andrea, di na kailangan kaya ko na!" Sabi ko habang pinipigilan ang luha kong umaagos na.

Lumapit si JR sa amin at... "Andrea,"
"JR, please? Hayaan mo muna ako?" Sabi niya habang itinaas ang kamay niya na ipinapakitang pinipigilan niya si JR na makialam.
"Andrea, alam ni JR na wala siyang dapat pagselosan!"
"Pero Ate, can't you see? Ang dami mong ginagawa with that Hans-guy and then ginagawa mo pang chaperon si JR." Nakita kong umiling si JR. "Hindi niya masabi yun sayo kasi ayaw niyang malaman mo ang mga iniisip niya at ayaw niyang magkagulo kayo. Kaso, sa ginagawa niyang eto, siya naman ang nahihirapan!"
"Andrea, tama na yan!" Sabi ni JR ng mahinahon.

Parang kinurot ang puso ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung kanino. Kay JR ba na parang pinararamdam sakin na tama si Andrea? Kay Andrea na kung magsalita ay parang alam ang lahat ng iniisip ni JR? O sa sarili kong mukhang naging masyadong manhid?

Manhid ba akong maituturing? Alam ko namang nagseselos siya pero di niya naman maamin at ayoko namang pangunahan siya sa mga iniisip niya kaya hinayaan ko na lang.

"JR, hayaan mo na muna ako. Gusto ko lang bumawi!" Sabi niya habang humihikbi.
"Why are you doing this? You don't know anything!" Papalakas na ang tono ng boses ni JR.
"I KNOW! BECAUSE, I LOVE YOU! Nakikita ko sa mga mata mo, you don't have to tell me!" Sabi ni Andrea kung saan mukhang napa atras si JR.

Hindi ko na alam ang gagawin ko gayong nararamdaman kong agreeng-agree siya kay Andrea. The one who loves you sees the pain in your eyes even if you hide it. Alam ko naman yun ah! Pero, binalewala ko. Anong gagawin ko?

"Bakit Andrea? Alam mo ba kung ano talaga ang nangyayari?"
"Oo! JR is jealous of Hans and you are not doing anything about it!"
"Ano? Sa tingin mo ba wala akong ginagawa?" Napahinga ako ng malalim at pinilit na hinaan ang boses. Tumingin ako kay JR at parang nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka. "Wala siyang dapat pagselosan. Andrea, can you stop this?"

Hikbi parin ng hikbi si Andrea habang lumapit ulit si JR at hinawakan ang kanyang balikat at kinausap ng mahinahon.

"Andrea, thank you! Salamat sa mga sinabi mo. Nagawa mong mag-speak up para sakin." Lumingon si JR sakin at iminuwestra na punasan ko ang luha ko. >:( Kainis naman siya.
"Uh. Andrea, I appreciate your love. I appreciate your care. Tama ang mga sinabi mo. I'm not telling Jini about it coz I don't want to ruin our relationship because I treasure it very much. Pero, kahit kailan, di ko pinagdudahan ang pagmamahal ni Jini sakin. It's just that I'm jealous with Hans dahil sa pagkakataon niya."

AWWWWWW. JR. Maiiyak na ako sa sinabi niya.

"I love Jini more than I'm jealous with her time with Hans." Pinunasan niya ang luha ni Andrea.

WAAAAH. I'm so happy to have JR with me! Mahal na mahal ko talaga siya!

Ang mga huling salitang binitiwan ni JR ang nagpahinahon kay Andrea. Buti naman, pero, naawa din ako sa kanya. She loves him so much. Kaya lang...

Ilang sandali, sinundo si Andrea ng mga kaibigan niya. At ngayon, kaming dalawa na lang ni JR dito sa coffee shop. Nanatiling nakalapag ang mga bulaklak na binigay ni Hans sakin at walang bumabasag ng katahimikan.

"Si Hans!" Bulong ko.

Naalala ko, aalis na pala siya. Lumingon si JR sakin na tahimik at tulala sana.

"Uhhh. I mean-"

Bago pa ako nakapagsalita, binigyan niya ako ng mga tinging nagdududa.

"Aalis na siya ngayon."

Napakunot ang noo ni JR.

"Huh?"

Naku Jini! Wala ka bang ibang maisip na sabihin? Hindi pa kayo nag-uusap simula nung pag-alis ni Andrea. GRRRR. Bakit yun pa ang sinabi ko. Di ko pa nasasabing MAHAL KO SIYA. Aw...


---



Joshua Rian Te: Di ko alam ang mga iyon ah!




“Huh?”
“Aalis na siya ngayon, binigyan niya ako ng roses para magpaalam.”

GRRR. Akala ko pa naman nagkakamabutihan na sila.

“Ba't di mo sinabi sakin kanina?” Tumayo ako at kinaladkad siya papalabas sa coffee shop. KINALADKAD. Para di niya madala ang flowers. hehe.

“JR. Teka nga!”Binitawan ko ang kamay niya noong na sa labas na kami ng sasakyan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa coffee shop pero binalewala ko iyon.

“Ba't bigla mo na lang akong kinaladkad? Saan ba tayo-?”
“Kung ang flowers ang inaalala mo, bibilhan kita ng masmarami!” Binuksan ko ang pintuan sa frontseat at iminuwestra sa kanya ang upuan.

“Saan tayo?” Habang umuupo sa front seat.
“Airport.” Umikot ako at umupo sa driver's seat.

Pinaandar ko na ang sasakyan. Walang imikan. Ayokong magsalita, masyado na akong maraming nasabi kanina kay Andrea. Mauubusan na ata ako ng laway. Ewan ko din kung ba't ayaw mag salita ni Jini. Grrrr... bakit kaya? Di ko alam. I'm super clueless.

Ilang sandali ng matulin na pagpapatakbo, nakarating na rin kami sa airport at hinanap si Hans.

Nakita namin siya na nagpapacheck ng luggage at hawak-hawak niya ang passport.

“Hans!” Sigaw ni Jini.

Agad lumingon ang kano.

“Jini?” Pero nakatingin siya sakin at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit kamimagkasama.

Linapitan namin siya. We are not close so don't expect me to hug him and even talk to him about anything. Pinagbigyan ko lang si Jini dahil alam kong kahit papanu, magkasundo silang dalawa.

“You two came?” Tanong niya.
“Oo! Kaw pa!” Sabi ni Jini. Nagngitian ang dalawa at mukhang maraming tao na ang nakakapansin sa amin.

Bakit nga pala maraming tao sa airport ngayon? Ewan. Basta, marami na ang nakatingin sa amin.

Tinitigan ako ni Hans at ngayon ko lang ito namalayan.

“Bakit?” Sabi ko.
“Can you excuse us? For a while?” Tanong niya.

I was hesitant. Ano ba iyong sasabihin niya na kailangan wala ako? May kasunduan ba sila ni Jini? Babalikan ba niya si Jini? Teka nga, why am I thinking stupid thingss.

“JR?” saka ko pa lang narealize na kelangan ko munang umalis sandali.

Kaya, humanap ako ng bench sa tabi-tabi para upuan kahit labag naman talaga sa kalooban ko.

Umupo ako at isinandal ang buong katawan ko sa upuan. Lumingon ako sa maraming tao at ilang sandali lang ay nakita ko silang paparating na sakin. Nung una, akala ko lalagpasan nila ako. Ngunit habang tumatagal, nalaman kong ako ang pupuntahan ng sandamakmak na babae at bading na nakita ko.

Bakit?

“JR TE? Of Bench?” Hirit nung sexy.

Tumango ako.

“Ah. siya nga!” sabi nung isa pa.

Sumulyap ako kay Jini at Hans na nagbubulungan. Wala na nga ako sa tabi nila, may pa bulong-bulong effect pang naalaman. GRRR.

“Ang guwapo mo sa friendster! May fan profile ka diba? Member ako dun.” sabi nung isa.

Di ko naintindihan.

“May clan ka rin sa gloobe users. Tsaka, balita ko ipapasok ka raw ni KUYA sa PBB teen edition?” sabi nung isa pa.
“Huh? sinong nagsabi nun? Di ko alam ang mga iyon ah!”
“Yeah! I'm Red, I'm a writer sa isang magazine dito. Kailangan kitang i-interview since almost all of our subscribers are craving for you. Masyado ka kasing low profiled na model. Kaya...yun.” Naglahad ng kamay iyong sexy.

Nakishake-hands na rin ako at tiningnan ang iba pang nakapaligid.

“Ah. I don't know them. They're here for Hans Anderson and some are just passerby.” sabi ni Red.
“Excuse me,” Pinandilatan nung isang babae ang nasabing Red. “JR, pwede picture?”

Hanggang sa abutin na kami ng siyam-siyam sa maliit na pictorial na nangyari.

Buti na lang at pagkatapos nung iba ay umalis gad at nagtungo kay Hans.

Hinanap ko si Jini at nakita ko siya sa tabi na nanonood sa amin. Lumapit siya sa amin.

“Uh. Hay salamat. Wala na yung iba.” Ibinigay ni Red sakin ang calling card niya. “I'll call you ah? I really need your words.” Aalis na sana siya nung nakita niyang papalapit si Jini. “Ah,”

Ano? Iintrigahin niya kami?

“Ah. Miss, kunan mo naman kami ng picture o?”

Di pa nakapagsalita si Jini, binigay na ni Red ang camera niya.

Pumuwesto na agad si Red at kumapit sakin. Wala na akong nagawa kundi. NGUMITI pag click ni Jini sa camera.


---


Jini Punzalan: SURE


"Jini! Take care of JR." Sabi ni Hans sakin.

Ngumiti lang ako habang sinulyapan namin si JR sa kinauupuan niya.

Lumapit siya sakin at may ibinulong. "Pag kasama mo siya, wag na wag kang titingin pa sa ibang lalaki."
"Huh?"
"Oo. Kasi, sanay siya sa kanyang mga ex na siya lang ang tinitingnan at sa kanya lahat ng atensyon. Kaya madali siyang nagseselos ngayon. Kung sabagay, iba ka naman sa mga ex niya...kaya mukhang naninibago din siya sa pagseselos niya ngayon."

AAAAH. Ganun ba yun? Kaya pala? TSK. Ako ang unang sineryoso ni JR na babae kaya naninibago siya.

"O sige Jini. Alis na ako!"
"Sige! Bye! Ingat ka!"
"Ipaalam mo na lang ako kay JR." Sabi niya habang tumungtong na sa escalator.

Kumaway na lang ako at pagkawala niya sa paningin ko, ibinaling ko ang tingin ko kay JR na puno na ng mga babae.

Hindi ko alam kung magseselos ako o ano, di na lang? Kasi, kababago ko pa lang narinig kay Hans ang mga tungkol kay JR na iyon. HEHE. Ako ang unang sineryoso niya. Sana, ako na ang huli. :'(

Hinintay ko na mawala ang mga nagpapapicture sa kanya. Hanggang sa isang sexyng babae na lang ang naiwan. Lumingon ako sa right side ko at may nakita akong grupo ng mga lalaki. Kanina pa ba sila nakatingin? Kanino sila nakatingin? Sa akin? Sa sexyng babae?

Kung kanino man sila nakatingin, wala na akong pakealam. Kailangan ko ng lumapit kay JR at... “Ah. Miss, kunan mo naman kami ng picture o?”

Di pa ako umOO, eh binigay niya na sakin ang camera at pumuwesto na sa tabi ni JR. Kumapit pa siya sa braso. GRRRR. Si JR naman, abot tenga ang ngiti. Diyos ko, playboy talaga. May katabing sexyng babae lang parang di na ako nakikita. Dudurugin ko tong camera ng babae na ito ngayon... GRRR... Pumikit na lang ako ng madali kong i-click ang camera.

"Ah. Isa pa, Miss."

OW. Yeah. Isa pa! GRR.. Ngayon naman, pinaakbay niya si JR sa kanya. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Ewan ko. Gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas at batuhin silang dalawa ng camera para di na madevelop ang mga pictures at di na nila makita. MA DEVELOP? HAHAHAHAHAHAHA.

Gusto kong tumawa ng tumawa dahil...wala lang.

"Miss. Isa pa!"

Isa na naman?

"Bro! Likayo dito!" Tinawag niya yung mga lalaking nakita ko.

Matatangkad at mga guwapo. Mukhang mga basketball player. O, talagang basketball player???? May isa dun, commercial model. Minsan na atang lumabas sa Close-Up na commercial. Yung isa naman, pamilyar. GRABE. Sino ba ang mga ito.

HOY JINI! Wake up! GF ka ni JR, at ginagawa kang photographer na mga kumag na iyan! Patay ka diyan!

"Miss. Teka lang ah?"

Nakita kong kumapit na naman siya kay JR at nariyan na ang ngiting demonyo ni JR at mukhang alam niya na naguguluhan at naiinis na ako sa pangyayaring iyon.

AAAAAAAARGH.

Nagmadali kong iniabot sa isa sa mga lalaki na nakangiti ang camera at... "Kayo na lang ang kumuha. Nagmamadali ako eh." Pinandilatan ko yung babae at tulala silang lahat. Yung lalaking binigyan ko ay nakangiti at mukhang natutuwa pa sa ginawa ko.

::) Nag-walk-out ako.

"So? Ano ngayon kung ako lang mag-isa ang uuwi? Magtataxi ako. Kala niya naman dahil natuto na siyang magselos eh pwede niya na akong pagselosin. GRRR..."

Naramdaman kong may humalik sa pisngi ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Selos ka?" Si JR, sumunod.

"Ha? Sinong nagsabi?"

Lumingon ako sa mga taong nagpapapicture kuno sa kanya at mukhang nagtaka talaga sila sa nangyari.

"Sige na! Balikan mo na sila! Uuwi akong mag-isa." Sabay plastik na ngiti.
"Hindi man lang marunong magtago ng pagseselos o." Sabi niya half smiling.
"Tse. Sige na!" Tinulak ko siya.
"O!"

Pinandilatan ko yung sexyng babaeng masama ang tingin sakin.

"Miss? Kilala mo ba siya?" Sabi nung lalaking binigyan ko ng camera at mukhang pinagdududahan niya si JR.

Tumango naman ako. Concerned siya?

"Ah. Akala ko binabastos ka niya."

Nakita kong nag-iba ang aura ni JR at mukhang nagalit to.

"JR." Tawag nung sexyng babae habang iminuwestra ang camera.

Hindi na lumingon si JR at hinawakan niya ang baywang ko at inilapit ng husto sa katawan niya na para bang sinasabi niya na... "You're mine."

"Huh?"
"Wala nang makakakuha sayo. Kaya..."
"Hindi na ako titingin sa iba."

Tumingin siya sakin. Tumingin din ako sa kanya.

Binalewala namin ang tumatawag sa kanya.

"Di ako titingin sa iba. Ikaw lang ang titingnan ko. Para sa iyo lang ang atensyon ko. Okay na ba yun? Di ka na magseselos?" Sabi ko.

Hinalikan niya ako. ARGH, I really love him. And I don't know why.

Habang naglalakad kami papalabas ng airport nakahawak siya sa baywang ko at linalagpasan lang ang lahat ng nakatinging tao.

"Ikaw lang ang babaeng napapaselos ako. Kaya dapat lang na di ka na tumitingin sa iba---kaparusahan mo na iyan."
"SURE."

HAHAHA. Sa lahat yata ng kaparusahan na ipinarusa sakin, iyon na yata ang pinakagusto ko.

Ay, oo nga pala.


Nagustuhan ko pala yung Darkness Contract. Pero, ngayon ko lang iyon na realize.

HAHAHAHA.


Then, he kissed me again. Ang daming nakatingin, pero okay lang.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText