<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

V-arcs


V-arcs





V1.Trophy





Namasyal kami buong hapon sa hacienda. Nang gumabi, naisipan nilang kumain sa labas ng rest house. Sa field, may bon fire atsaka handaan. Masayang-masaya sila. Ako din naman, okay. Masasarap na pagkain, tapos sina Emily at Jason. Okay na okay!

"Are you okay, Max?" Tanong ni Chad.
"Oo naman." Ngumiti ako. "Bakit? Mukha ba akong di okay?" Humalakhak ako.
Natawa din naman siya. "Akala ko kasi napilitan kang sumama dito."
"Parang ganun na rin... Pero okay naman. Di naman ako nagsisi."

Nagkatinginan kami. Naka-ngiti siya sakin.

Biglang nag vibrate ang phone ko. Si Brent, nagtext!

Brent:
U done eating?

Ako: (Reply)
Oo. bakit?

Brent:
Can we have some time, alone?

Napatingin ako sa harapan. Agad kong nakita si Brent na nakangisi at biglang umalis.

Busy ang lahat kaya walang nakapansin. Si Kitchie, may kausap sa phone kaya di rin napansin ang kanina niya pang binabantayan na si Brent.

"Excuse me lang, Chad. CR muna ako."
"Okay." Ngumiti siya.

Umalis ako at sinundan si Brent.

Nandun siya malapit sa stables. Tumitingin sa langit na puno ng bituin.

"Bakit, Brent?" Tanong ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapaisip ako... Sana gawin niya ulit yung ginawa niya sa beach. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya ko na talagang sumugal. Kaya ko ng ibalewala ang pride ko para lang masabi ang totoo kong nararamdaman.

Ipinakita niya ulit sakin yung malulungkot na mata na nagpupumilit ngumiti. Yung Brent na nakita ko dun sa beach, yung Brent na nakita ko nung Masquerade.

"May problema ka ba?" Dinaan ko sa tawa ang nakita ko sa kanya.
"Meron..."
"Ano?"
"Ikaw."
"Huh? Kung problema mo naman pala ako, ba't mo pa ako dinala dito?"

Linapit niya ako sa kanya at yinakap.

"Brent, baka may makakita satin." Sabi ko.
"Ano naman kung merong makakita satin?"

Hinarap niya ako kung saan siya nakaharap - sa malawak na langit na puno ng bituin.

"Ano bang problema mo?"

Ang sarap ng pakiramdam na natupad niya ang gusto kong mangyari. Gusto ko ng yinayakap niya ako galing sa likuran. Tulad ng 'pagmamahal' na ipinapakita niya sakin. Na kahit tinatalikuran ko na siya, pinipilit niya parin ang pagmamahal niya.

"May plano si Kitchie ngayong gabi." Sabi niya.

Linagay niya ang mukha niya sa left shoulders ko.

"I'm so happy, Max. Ngayong araw na `to, ilang beses mo akong hindi-tinanggihan." Sabi niya ng pabulong. "Bakit?"

Katahimikan.

Binalewala ko yung sinabi niya sakin. "Ano ang plano ni Kitchie?"
"She'll confess. Na mahal niya ako."
"Huh? Panu mo nalaman?"

Kinalas ko ang pagkakayap sa kany at hinarap ko siya.

"I just know."
"Ano namang problema mo dun?"
"Coz its not just that... Chad, too. I never want to hurt anyone. But I love you. I've always been confessing my love for you. Hindi ka naman nakikinig sakin. O nagbibingi-bingihan ka." Binalewala niya ang tanong ko.






"Brent?!?!"

May narinig kaming boses sa likuran. Galit na galit. Naiiyak.

Paglingon naming dalawa. Agad sinuntok ni Chad si Brent. Sapul sa mukha.

"Chad!!! Tama na!" Sabi ko.

Hindi lumaban si Brent.

Tinuro-turo siya ni Chad. "How dare you, pare! Walang talo-talo! You kneeewww! You kneeew about my feelings for Max! Noon pa! Pero anong ginawa mo? Walang hiya ka!"

Sinuntok niya ulit. Hindi umilag o lumaban si Brent. Tinanggap niya lang. Parang ipinapakita niya na tama lang yung ginagawa ni Chad. Na wala siyang karapatang lumaban.

"Chad! Ano ba!"

"Max, I thought you won't let him fool you?" Umiling siya. Disappointed. "Sinabi ko sa kanya, Max, na gusto kita! Alam niya! At alam ko rin na gusto ka niyang maging girlfriend, as trophy! Coz everyone in the school knows how much you hate him! And by making you his girlfriend-"
"Hindi ko sinabi yan, Chad!"
"You told me, before! Nung highschool! Na gusto mo siya! We both know what you're up to, Brent! But I told you to back off, coz I like her! Nag deal tayo! Man up, Brent! We've had a deal!" Galit na galit si Chad.

Ako naman, nakikinig sa kanila. Mangiyak-ngiyak. Hindi ko alam kung kanino maniniwala. Trophy lang ba ako?

"Pinalampas ko nung hinalikan mo siya sa prom! Akala ko, its just you and your foolish tricks! Pero ngayon? Alam kong alam mo na I was planning to court her again! It was you, all along! Ikaw yung sumisira sa diskarte! And I thought you'd help! You told me you would!"

Nakatingin sa kawalan si Brent.

Guilty!? Gusto niya ako as trophy! Pero kahit na! Huli na ang lahat! Mahal ko na siya! Naduduwag na ako! Narinig ko lang galing kay Chad na gusto ako ni Brent as trophy, naduwag na ako! Pero anong magagawa ko! Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko.

Nagawa ko siyang mahalin ng palihim, magagawa ko rin siyang kalimutan ng palihim!

Hindi ko na maitsura ang puso ko. Gutay-gutay. Ang sakit. Parang nawalan ako ng tiwala sa lahat ng pagkakataon at pati sa tadhana.

Tinibayan ko ang sarili ko. Tutal magaling naman ako dito eh.

"Siguro naman Brent mas malaking trophy si Kitchie sakin."

At umalis...





V2.Who said it first





Halos mangiyak-ngiyak akong bumalik kina Emily. Pagkabalik ko, may binigay na maliit na kulay pink na papel sakin.

"Para sa'n `to?" Tanong ko kay Emily na binigyan din ng isa.

Hindi siya umimik at tiningnan si Jason. Nakatingin lang si Jason sakin.

"Ready na ba ang lahat? Sige na! Please, dito tayong lahat sa bandang kanan." Sabi nung taga volleyball team na kaibigan ni Kitchie.

May nakita akong maliit na round table katabi ng bonfire. May tatlong kandila na nakalapag at tatlong red roses din.

May biglang humila sakin papunta dun sa bandang kanan na sinabi. Wala akong nagawa. Nagulat ako dahil sa nangyari kanina kay Brent at Chad. Nasaktan ako at di maalis sa isip ko ang salitang 'trophy'. Galit ako at naiinis sa sarili ko. Ba't pa kasi ako naniwala! Sinasabi ko na nga ba... Eto yung dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ako bumibigay sa kanya.

Kung sana naalala ko 'to kanina bago ako pumunta dito... kung sana naalala ko kung paano ko nalamang playboy siya... kung sana naalala ko yung lahat ng babaeng nakita kong pinaiyak niya, hindi sana magkakaganito. Ang tanga tanga ko.

Naaninaw ko si Brent. Naglalakad siya papunta sa amin at nagkukunwaring walang nangyari.

Pagkakita ko sa kabilang dulo, nakita ko si Chad na kararating lang. Tulad ni Brent, nagkunwari din siyang walang nangyari. Agad siyang binigyan ng maliit na papel.

Nang palapit na si Brent, may narinig akong nag simulang tugtog sa violin. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang isang teammate ni Brent na tumutugtog dito. Saka ko napagtanto kung ano talaga ang mangyayari.

Bakit ako nandito?

Pero di na ako makaalis. Lalo na nung biglang nagpakita sa KItchie. Sinalubong si Brent na papunta sa akin... sa amin. Nasa likuran na ako ni KItchie ngayon. Siya, iniintay ang bawat hakbang ni Brent.

Naramdaman ko ang pag aalinlangan ni Brent, pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Ang mga mata niyay nakatuon sa akin. Napayuko ako.

"Brent..." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kitchie.

"She loves Brent because he is very handsome and kind." Sabi nung nasa dulo.

Sinundan naman ng katabi niya, "She loves Brent because of his voice when he sang 'Crazy for this Girl'"
At sumunod na katabi, "She loves Brent because of his expressive eyes."

At sa sumunod pa, "She loves Brent because he inspires her to do well in school."

At sumunod pa, "She loves Brent because he's always there when she needs him."

Ako na pala yung kasunod.

Sa pag bukas ko sa papel na maliit, naramdaman ko ang pagbubukas ng aking pag-iisip sa katotohanang totoong nangyayari ang lahat ng kabaliwang ito.

"She loves Brent... because he is the only person who made her believe... in love." Sabi ko. :'(

Biglang tumahimik at halos malimutan ng katabi ko na siya ang susunod.

"Ehe-Ehem, she loves Brent because..."

"Max, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ni Emily na nasa likuran ko.

Hindi na ako nakapagsalita. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palayo sa kanila.

Ganun pa man, narinig ko parin ang pagsasalita ni Kitchie...


"Alam kong isa lang ako sa napakamaraming babaeng na in-love sayo. Pero sana yung kaibahan ko sa kanila ay... ang pagseseryoso mo. I love you so much, Brent Damien Cruz!"



V3.HELLO!





Tulala ako sa loob ng kwarto ni Ara. Dun ako dinala ni Emily.

"Ilabas mo na yung luha mo." Sabi niya. "Hindi pwedeng dun mo ilabas sa event na yun."

Kahit anong pilit ko, walang lumalabas na luha. Gusto ko lang ng ganito... tulala.

May biglang kumatok sa pintuan. Binuksan naman ni Emily. Si Chad.

"Maiwan ko na muna kayo. Max, just call me when you need something." At umalis si Emily.

Tinitigan ko si Chad. Inisip kong sana siya parin yung gusto ko hanggang ngayon, hindi sana ako magkakaganito.

"Max... I love you... And you told me you like me... and I believed you. Akala ko tumakbo ka nung masquerade kasi hindi ka pa ready at masyado kitang na pressure. Naniwala kasi talaga akong gusto mo ako..."
"Noon." Sabi ko. "Crush kita, Chad."

Katahimikan.

Kinuha niya ang frame sa table. Yung frame na may picture nila ni Brent at Ara.

"So its him?" Tanong niya.
Umiling ako. Tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan bago pa niya makita.

"Akala ko hindi ka kailanman magkakagusto sa kanya. Lagi ka niyang pinopormahan pero kampante akong hindi siya ang tipo mo." Nakita kong bumuo ng luha ang kanyang mga mata.

"Gusto kita Chad, noon. Ayaw na ayaw ko sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit ganito na ngayon. Hindi ko maintindihan. Siguro na uto niya talaga ako. Ay hindi... talagang na uto niya ako!" Sabi ko. "Sana ikaw parin yung gusto ko hanggang ngayon."

Tumulo ang luha niya at yinakap ako.

"Bakit pa kasi siya yung nagustuhan mo, nasaktan ka tuloy."

Damang-dama ko yung yakap ni Chad. Yakap ng kaibigan. Yakap na kailangan ko ngayon.

"But I'm sorry, I can't help you with that. I can't help you win him." Sabi niya.
"Hindi naman ako nagpapatulong eh. Alam ko nang talo ako. Nagpakatanga lang ako. Alam kong di siya kailanman magseseryoso."

Katahimikan...


"HELLLLLOOOO!?" Sabay bukas ni Kitchie sa pintuan ng kwarto ni Ara.

Kasama niya si Brent at kitang kita nilang yakap ako ni Chad. Agad kaming kumalas.

"Ooops! I just want to say, uh, thank you, at may midnight snack at bonfire party sa labas... Anyway, baka nakaistorbo lang kami..." Tumawa si Kitchie.

Si Brent, nasa labas at mukhang disappointed.

Disappointed ka? Ako din...

Kasi naniwala ako sayo. :( :'(



V4.Walk away





Hindi na ako lumabas. Wala na akong lakas para lumabas pa. Naririnig ko sila sa labas na naghihiyawan. Para bang nag ce-celebrate. Kung ano man yung nangyari, gusto ko na lang kalimutan ang lahat. Kalimutan na nagpauto ako. Kalimutan na minahal ko siya ng totoo. Kalimutan na nabigo ako.

Tinakpan ko ng unan ang mga tenga ko pero naririnig ko parin sila.

Ilang oras din akong nanatiling ganuna hanggang sa nawala din yung ingay. Siguro natutulog na sila. 3am na din kasi... Hindi ako makatulog.

Lumabas ako ng kwarto. Gusto ko ng fresh air. Umakyat ako sa ikatlong palapag. Inakyat ko ulit ang pang-apat. Kanina ko pa kasi napapansing may rooftop dito sa rest house nila.

Una kong nakita ang mga lata ng Carlsberg sa isang bench. Ang lamig ng simoy ng hangin.

Nakita ko ang nakatalikod na umiinom ng napakaraming Carlsberg. Napabuntong hininga siya... Si Brent. Tumalikod ako at aalis na sana...

"Max..."

Paglingon ko, nakaharap na siya sakin kasama ang malungkot niyang mukha.

"Hindi ko sinagot si Kitchie..." Aniya.
"Wala akong pakealam kung sinagot mo siya o hindi. Mas mabuti nga kung sinagot mo siya diba?"
"Max, I love you... I've been such a jerk before, but I love you now."

"Really Brent?" Naglakad ako papalapit sa kanya. This is it! Lalaban ako! At ito na ang panghuli. Pagkatapos nito, ayoko na! Tama na! Sobra na!

"Trophy?! Ako?! Trophy mo lang ako kaya tigilan mo na yan! Mas malaking trophy si Kitchie! Kaya please, tama na ang kasinungalingan mo! Nakakahiya ka na! Sobrang playboy mo na!"
"I never said that! Hindi ko kailanman sinabing trophy kita! I liked you before and I've been loving you ever since, Max!"

Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Hindi niya sinabing trophy lang niya ako?

"So, sinasabi mo ba na sinungaling si Chad? Ha, Brent?"

Natahimik siya at natulala. Nakita kong pinigilan niya ang luha ng bumuo sa mata niya. Tumingala siya ng mga ilang segundo.

 :'(
 :'(
 :'(









"Yan ang problema eh. Coz you only see him... ONLY HIM! Akala mo siya lang yung mabait sayo! Siya lang yung nakikita mo! Siya lang ang alam mong hindi ka kayang saktan! What about me, Max?"

Tumingin siya sa malayo habang pinipigilan ang luha niya.

"God! I can't believe I'm begging for someone's attention!" Bulong niya. "Can't you see? Lalaban ba ako ng ganito ka tagal... kung hindi kita mahal! Lalabanan ko ba si Chad, kung hindi kita mahal! Why don't you see that Max! For just...one... time... look at me... see me..."

Napabuntong-hininga siya.

Tinitigan niya ako.

"Mahal na mahal kita! Pero kung hindi mo kayang maniwala sakin..." Umiling siya.

"Sumuko ka na!" Hamon ko sana. Pero tunog-utos yung pagkakasabi ko. "Yun naman yung palagi kong sinasabi diba? Sumuko ka na!"
"Yun ba talaga ang gusto mo, Max?"
"Oo!"

Umalis ako... Pero hindi pa ako nakakalabas sa pintuan. Narealize kong mahal ko talaga siya at ang lahat ng sinabi niya ay maliwanag na kawakasan ng lahat ng tungkol sa amin. Hindi ko kaya.

Paglingon ko sa kanya, nandun parin siya, nakatayo. Parang tinitingnan lang ang pag alis ko... o inaabangan ang pagbabalik ko.

Naglakad ako pabalik...

Pero bago ko pa nasabi lahat ng gusto ko...

"Hindi pa ba kayo natutulog?"

 :o

















Kung hindi niya sinagot si Kitchie, bakit parang ang saya nila kanina? Bakit parang wala lang nangyari sa kanila?

"Matutulog na ako..."

Umalis ulit ako at linagpasan si Kitchie. Magsama kayong dalawa. Masakit. Pero kakayanin ko 'to. Kasalanan ko rin naman eh. Wala akong masisisi kundi ang sarili ko.


V5.dahil mahal ko siya.







Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o pinikit lang ang aking mata pero dilat ang isipan. Hindi kasi naalis sa isip ko ang lahat ng nangyari. Hindi ako umiyak. Nag isip lang. Pabalik-balik ang pag-iisip ko. Parang sirang plaka na inuulit-ulit ang lahat ng nangyari kahapon. May mga pagkakataon na inisip ko ang unang pagkikita namin ni Brent. Ang unang naramdaman ko sa kanya.

Pero kahit anong gawin ko, di ko na maibabalik yun.

"Max, tulungan na kita." Sabi ni Emily.

Tinulungan niya akong ilagay ang ibang gamit pabalik sa bag ko. Uuwi narin kasi kami. Isang araw lang naman ang stay namin dito kasi balik-school na naman.

"Salamat."

"Uh, sasabay ka ba kay Brent?" Tanong niya nang papalabas na kami sa kwarto ni Ara.
"Ewan ko..."

Bago pa kami nakababa sa second floor, nakasalubong namin agad si Brent at Kitchie.

"Wow! Timing!" Sabi ni Kitchie.

Si Brent, ganun parin ang mukha. Malungkot parin.

"Max! Pwede bang ako na lang sumabay kay Brent pauwi?" Sabi ni Kitchie with puppy eyes. "Pretty, please?"

Ngumiti ako pero halos ayaw sumunod ng panga ko. Hindi ko alam kung ngiti nga ba yung ginawa ko.

"Si Brent kasi, sabi niya magpaalam daw sayo."
"Sure!" Sabi ko agad pagkasabi niya nun.

May kung ano sa sinabi niya na at sumakit ang puso ko.

"Walang problema.;D :'(

NAG-EXPECT akong aapila si Brent o may sasabihin siyang kasalungat sa gustong mangyari ni Kitchie, kaso wala eh. Wala siyang ginawa.

"Okay na, Brent?" Sabi ni Kitchie.
"Okay, kung yun ang sabi ni Maxine."
"Kung yun ang gusto niyo." Sabay halakhak ko ng konti, tinatago ang pagsabog ng utak. :'(

Agad kong hinila si Emily pababa ng stairs.

"I can't believe na sinabi yun ni Brent. Ano ba kasing nangyari?" Sabi ni Emily.

Sinimangutan ko na lang si Emily. Hindi ako sigurado kung anong isasagot ko kaya sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari.

Nakatunganga siya sakin habang papalapit kami sa sasakyan ni Jason. Sasabay na raw ako sa kanila. At grabe naman si Brent, di man lang inalam kung kanino ako sasabay ngayong hindi ako makakasabay sa kanila. :(

"I can't believe this!!!" Sabi ni Emily. "Dapat sinabi mo na lang sa kanya na gusto mo rin siya. Haaay! Kaso baka kasi masaktan ka."
"Aamin na sana ako. Kaso biglang dumating si Kitchie. Aamin naman talaga ako, masaktan man ako, aamin ako." Sabi ko.

Nakita kong dumaan ang sasakyan ni Brent, naiisip ko kung ano ang itsura niya sa loob. Baka sa likod ng tinted glass na yan ay masaya pala siya. :(

Pero ang totoo, hindi ko alam kung paano. Nandyan si Kitchie. Tapos si Chad. Naaawa ako sa mga taong nasa paligid. Hindi naman ako ang nauna. Nahuli ako sa pagrealize na mahal ko pala siya. Wala akong karapatan.

Sa likuran ako ng sasakyan ni Jason pinaupo. Tulala ako kahit alam kong pabalikbalik akong sinusulyapan ng dalawa sa salamin habang bumabyahe kami.

Alam ko, kasalanan ko. Maayos ko pa kaya 'to? At ano pa ba ang aayusin ko? Mukhang wask na wask na yung lahat.

Kanina pa naka-on yung ipad ni Emily na puro mga backtraxks boyband ang kumakanta. Westlife, A1, Nsync, 98 degrees at iba pa. Baduy pero naalala ko si Brent sa isang kanta.

*I wish you'd look at me that way
Your beautiful eyes looking deep into mine
Telling me more than any words could say
But you don't even know I'm alive
Baby, to you all I am is the invisible man
Oh, you don't see me baby*


Sorry, Brent. Pinag hintay kita ng napakatagal. At kung di mo na talaga ako mahihintay, okay lang. Ang importante, no regrets. Tumulo ang luha ko sa sakit ng sitwasyon, pagkakataon, pride na dapat iurong, mga taong masasaktan, at sariling di na mapipigilan. Sigurado na ako, babawiin ko siya. Hindi dahil nasaktan ako, kundi dahil mahal ko siya.




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText