Sign 26-30
SIGN 26~Summer: Wa'g mo nga akong paglaruan!
"Mukhang gusto niyang iwan mo na siya kaya ginamit niya ako."
I don't even know what I'm talking about.
Hikbi parin siya ng hikbi. Tsk. Ba't ba lagi na lang akong nasasangkot sa mga iskandalong may kinalaman sa break-up at kung anu-ano pang tungkol sa lovelife?
"No sir! Well I don't wanna be the blame!!! Not anymore..."
Panay ang sigaw ko sa loob ng bathroom habang nagshoshower. Ang haba ng araw ko kahapon at mejo hanggang ngayon, hindi ko parin naiintindihan ang mga nangyayari.
Wala na akong nagawa kagabi kaya iniwan ko na lang si Kyla na umiiyak dun at sigurado naman akong pupuntahan yun ni Lex - dahil mabait siya. I just hope I'm right.
"That's what you get when you let you're heart win, whoa!!!!"
Tinanghali din ako ng gising dahil ang tagal kong nakatulog kagabi. Nagka insomnia na ata ako dahil sa mga nangyayari. Akala ko mabuti itong pagrehab dito, yon naman pala, palpak parin. May lalaki parin. May magugustuhan parin ako. Ang susunod kaya nito ay ang pagkasira ulit ng sira kong buhay? Wa'g naman sana.
I walked slowly as I passed through the cafe.
"Summer," May tumawag sakin galing sa loob.
Nakita ko si Lex at parang kanina niya pa ako hinihintay. Mukhang alam niyang kahit sinabing tatlong araw akong walang trabaho eh magtatrabaho parin ako. Hinanap ko sa paligid si Kyla, pero wala ito doon.
Di-deadmahin ko sana si Lex kaso, ayaw sumunod ng mga paa ko. Instead, I went up to him.
Umupo ako sa harapan niya.
Tahimik lang kaming dalawa habang nagtitinginan.
"Ba't mo ko tinawag?" I crossed my arms.
Binigyan niya ako ng isang envelop.
"Nu to?"
Di niya sinagot at binasa ko ang nakasulat... "60th birthday... who's Javier Santos?" Tanong ko.
"My dad." Sabi niya.
Binalik ko sa kanya.
OH NO! I think I know this.
"Next Wednesday yan. Anong araw this week, darating na ang mga kasama niya sa business world dito. Bigatin ang mga tao dun."
"Tapos?" Is he inviting me?
"Come with me."
My heart skipped a beat.
"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. "Ano bang gagawin ko diyan?"
"I want to present you to my parents." Sabi niya.
FCU...
"Who?"
Nakatingin lang siya sakin.
"Me?" Napatawa ako ng malakas nang di niya ako sinagot. "Wa'g mo nga akong patawanin!"
"Yeah, di ka naman naniniwala diba? Ba't di mo subukang sumama sakin bukas?" Seryoso parin ang mukha niya.
Napansin kong kanina pa seryoso ang mukha niya. Kinakabahan ulit ako. Seryoso siya.
"Lex, what're you talking about?"
"Pag mag eexplain ba ako ngayon sayo, maniniwala ka? Hindi diba?"
Oo nga naman! Pero nu bah to? Anong gagawin bukas at bakit parang malaking bagay kay Lex at Kyla yun. Kagabi ko pa naririnig yung mga party ah?
Di na ako makapag-isip.
"Talagang hindi! Lex, pwede ba, wa'g mo naman akong isali sa mga problema niyo oh! Kung may problema ka sa EX mo, kayo na lang nun, ba't kailangang manggamit ka pa ng tulad kong may sariling problema!" Tumayo akong bigla at aalis na talaga. "Ouch!"
Napasigaw ako dahil nasapul ng tray nung isang waiter ang ulo ko. Aroooy ko po! Napahawak ako sa ulo ko at pinakiramdaman kung nabasag ba ito.
Tinulak ni Lex ang waiter, "Mag ingat ka naman!" Sigaw niya.
"So-Sorry po."
Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako malapit sa kanya. Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas, he hugged me.
"Lex!"
Nagagalit na ako. Ano bang pinaggagagawa niya? Hindi ko maintindihan! I can hear his heart beating very fast.
"I want to present the girl I want to marry on that party, please come with me." He whispered.
Nakita ng mga turista at mga crew ang nangyari samin at mukhang silang lahat ay natigilan. Kaya lang, ewan ko pero kumulo ang dugo ko. Paano niya nasasabi yung mga pinagsasabi niya ngayon? Ang bilis naman yata. This is a joke! You've got to be kidding me!
Pumiglas ulit ako at talagang buong lakas ko na ang ginamit ko. Paano kung andito si Kyla sa paligid? Mayayari na naman ako, masasangkot na naman ako sa isang krimen!?
"What are you talking about! Si Kyla ang i-present mo! Wa'g mo nga akong paglaruan! Di porke't boss ka dito, papayag na ako sa sinabi mo!" Sigaw ko.
"Apat na taon na kaming wala ni Kyla-"
Binuhusan ko siya ng tubig. Pasensya na~ Lex. I just can't believe you. And I want to stop you from explaining.
Nakita ko si Kate na nakiusisa sa malayo.
Napapikit si Lex sa ginawa kong pagbuhos ng tubig, mag wo-walk-out na sana ako, kaya lang hinila niya ako pabalik at hinalikan.
WAAAAAAAAAA~! What the hell?
"Summer!!!!" Tumatakbo si Kate habang sinusundan ako.
"ANO!?" Sigaw ko.
Nag aalburoto parin ang puso ko at mukhang maha-high blood na ako. Anong akala ni Lex sakin, cheap? Siguro katulad lang din siya ng mga lalaki diyan...
Nagwalk-out ako kanina dahil sa kahihiyan. Tumigil na lang ako sa paglalakad nang tinawag ako ni Kate.
*SLAPPPP!*
Natigilan ako.
"Pano mo yun nagawa sa kanya? Kung ayaw mo kay Sir Lex, ba't di mo na lang sinabi agad sa kanya? Ba't kinailangan mo pang ipahiya siya sa karamihan?" Naramdaman kong sobra-sobra ang hingal at namumula na rin ang pisngi ni Kate.
Di ako makasagot dahil nabigla ako sa nangyari. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit ng sampal ni Kate at ang tanging naririnig ko naman ay ang mabilis na pintig ng puso ko.
"He chose you over Kyla! Mas pinili niya ang isang babaeng wala pang dalawang buwan niyang nakikilala sa babaeng tatlong taon siyang minahal, di pa ba sapat sayo yun?"
"Anong pinili? I don't believe him! Ginagamit niya lang ako. Can't you see?"
"'CAN'T YOU SEE!?' Kahit kailan, wala pang bumuhos ng tubig sa kanyang mukha sa harapan ng lahat ng tao na hindi niya pinaalis. For the first time in history binuksan niya ang dibdib niya sa isang babae at nag tapat pa ng walang pag-aalinlangan sa harap ng mga tao. Can't you see that?"
"Impossible!"
Namumula parin ang pisngi ni Kate at galit-na-galit na talaga sakin.
Naguilty na rin ako sa ginawa ko kay Lex.
"Sa tingin mo, bakit umalis ang ex niya? Kasi, he chose you over that girl! At alam niyang kapag si Sir Lex na ang pipili, tunay yun dahil hindi siya sinungaling!"
Umambang sasampalin ulit ako ni Kate kaya pumikit ako para damhin ulit ang sakit nito. Kaya lang hindi dumapo ang mga palad niya sa pisngi ko.
"Tama na, Kate."
Nakita ko si Lex na nakatayo sa harapan naming dalawa at hinahawakan ang braso ni Kate.
"Sir! You should get rid of this girl. She is degrading you-"
"Ayos ka lang ba?" Lex touched my face gently. "Namumula ang pisngi mo."
Habang tinitingnan ko siya, naiiyak ako. Bakit niya ba `to ginagawa? Dapat galit na siya sakin diba?
Paano niya nagagawang mag-alala sakin kahit ilang beses ko na siyang sinaktan... physically... and maybe, emotionally.
Still, he achieved number 22. he'll choose me over another girl.
SIGN 27~Summer: Bukas na yun?
Limang na ang nakalipas sa mga nangyari at dalawang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Gabi-gabi ko kasing naiisip ang mukha ni Lex nang binuhusan ko siya ng tubig, nang tinanong niya ako kung ayos lang ba ako... Hindi niya na rin ako tinatawag ngayon at di ko rin naman siya pinapansin. Alam kong pagkakamali ko yung mga nangyari kaso, sana maintindihan din niyang nabigla ako.
Limang araw ko na rin siyang nakikita with some girls. Minsan tatlong babae, minsan dalawa. Kumakain sila sa Cafe - kung saan ako nagtatrabaho. At kahit isang beses di ko siya nakitang nakatingin din sa akin. As in, grabe... nakakainis nga dahil minsan isang oras ko na siyang tinitingnan at inaabangan kung susulyap ba siya ng kahit isang segundo sa akin pero di niya nagawa. Eto na siguro ang sinasabi nilang pride niya.
"Pssst. Anong order ng table na yun." Tinawag ko yung waiter na pinagalitan ni Lex nung isang araw.
"Bakit? Gusto mong ikaw ang mag serve sa kanila?"
"Pwede ba?"
"Oo." Sabat nung isa. "Sige, ikaw ang mag serve sa kanila. Ilang araw na kitang nakikitang lagi lang nakatingin kay Sir pero di ka pinapansin."
"Oo nga. Nasaktan ang ego nun, kaya mukhang impossible na atang pansinin ka pa niyan. Pero sinabi niyang mahal ka niya diba? Di ka matitiis nun."
"Mahal? Di niya naman sinabi." Sabi ko habang kinukuha ang ballpen at papel.
"Sige na~ Subukan mo, sisitahin ka naman siguro nun dahil alam niyang di ka waitress." Sabi nung isa.
Tumango ako. oo, seryoso na `tong gagawin ko ngayon. Magpapapansin ako. Kahit isang tingin lang sakin, masaya na ako.
"Anong order niyo?" Tanong ko ng nakaharap kay Lex at nasalikod ng mga babae.
"Kayo, anong order niyo?" Tanong niya sa mga babae.
"Uhhh, isang icetea po yung akin." Sabi ng isang babaeng mukha nasa late sixties na!
JOKE! AROOOOOY NOMON! Bakit na 'po' ako? Eh, mukhang 25+ na yung nag 'po' sakin. Hey, I'm 18!
Bahagya akong nairita kaya hinarap ko ang mga babae at nasalikod ulit ako ni Lex.
"Ano PO ulit yun?" Tanong ko. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
"Uh-"
"icedtea daw." Sabi ni Lex.
"Ganun na rin siguro yung akin." Sabi nung isang babae.
I sighed. :(" title="Angry" class="smiley" border="0"> :(" title="Angry" class="smiley" border="0"> :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Bumalik ako sa mga waiter. Jusko. Di ako nagtagumpay. Ni isang tingin, wala siyang nagawa. Nairita pa ako sa mga kasama niya. Arghhh!
Linagay ko ang papel at ballpen ng padabog sa desk ng mga waiter.
Nagtawanan ang mga waiter.
"Yoko na! Di naman umeepek eh." Sabi ko. "Kayo na lang!"
"Sige, kami na nga lang. Mukhang wala kang pag-asa eh." Sabi nung isa.
"Syempre, nainsulto si Sir."
I rolled my eyes. Yeah, whatever. Kasalanan ko na!
"YEHEY! Sige sige! Marunong ka palang mag pianooooo?" Tili ng babaeng kasama niya.
"Oo." Lex smiled at the girls.
Napatingin ako sa piano sa harapan ng table nila.
"Oi! Tutugtog ng piano si Sir oh!" Sabi ng isang waiter.
Lumapit si Lex sa piano.
Isang nota pa lang ang naitugtog niya napatunganga na ako. Kaharap ko kasi siya at pakiramdam ko ako ang kakantahan niya. Ang feeling ko naman.
Pamilyar ang intro ng kanta. Di ko alam kung kakanta ba siya o hindi na. Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong di nga ata niya kakantahan.
Anong kanta ba yan? Pamilyar siya pero may feeling akong bata pa ako nung narinig ko yan. Anong kantaaa? Di ko alam. Di ko ma kuha.
Tumili ang dalawang babae sa table niya at panay ang picture kay Lex.
GRRR... :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Hanggang ngayon, di ko parin makuha ang kanta. Sigurado akong alam ko yan, pero di ko talaga makuha. Nasa dulo na ng dila ko ang mga lyrics, pero ayaw lumabas.
Nabigla na lang ako nung kumanta ang isang waiter ng katono sa pini-piano ni Lex.
"I never know what the future brings. But I know you're here with me now. We'll make it through. And I hope you are the one I share my life with..."
Hindi na ako nag alinlangang isigaw ang title, "If you're not the one!"
Sumulyap si Lex sakin habang nagpi-piano siya. Napatingin din ang mga babaeng kasama niya sa akin. Nakakahiya kaya tinakpan ko ang bibig ko.
HAHA! Napatingin din siya sakin! Sa wakaasss~ I felt relieved.
Biglang nag shift ang tono habang nakatingin siya sakin. Para bang nag lip-reading siya sa bulong kong, "Ang luma naman...".
The tone changed. Tumindig lahat ng balahibo ko nang nakita kong di na niya inalis ang mga mata niya sakin habang tinutugtog ang "You found me..."
Tumunganga ulit ako hanggang sa natapos niya ang piece.
"Ang galing ni Sir no?" Sabi nung isang waiter.
Narinig ko ang malakas na palakpakan galing sa kabilang banda ng cafe. Nakita ko doon ang mga lagpas sampung tao at mukhang mga bigatin dahil sa soot nila.
"Lex! You've grown a lot!" Sabi nang isang babae.
Linapitan `to ni Lex at hinalikan, "Thanks tita."
"Mana ka nga sa dad mo." Sabi nung isa pa.
Nakipagkamayan naman si Lex sa iba pang mga kasama nung mga bigateng tao na nakita ko.
"Bukas na nga pala yung birthday ng papa ni Sir Lex, naku, busy siguro ngayon sa buong hotel at sa garden." Sabi nung isang waiter.
"Ha? Bukas na yun?"
Deadline na ba ng invitation niya sakin? Kailan ko na bang magdesisyon? Pero di niya naman ako tinanong ulit eh. At... mas lalong nakakatakot yon pag pumayag ako.
Lumipad ang isipan ko, mula sa mga signs, sa school, kay mama at papa, pabalik kay Lex. I think some decisions can really affect my whole life forever - and this decision is one of those.SIGN 28~Summer: Wa'g ka ngang bading...
Gabi na't hanggang ngayon, di parin niya ako pinapansin. Napapabuntong-hininga na lang ako habang tinitingnan yung bar sa malayo.
"Nasaan kaya yung kumag na yun."
Gosh, wala na ba talaga siyang balak na pansinin ako? Ayoko naman yatang ako pa yung mauunang pumansin sa kanya no! At mas lalong ayaw ko siyang pansinin para lang sabihin sa kanyang pumapayag ako or anything. It's not like he's waiting for my answer too.
"Susugal ba ulit ako..."
Naglakad ako patungong bar nang naliwanagan ako.
"...sa pag-ibig... na naman?"
Oo nga~ Umiibig na naman kaya ako?
*Never thought that I'll fall in love-love-love-looove...*
8:00pm, sa loob ng bar ako nagpalipas ng gabi.
Ganito, Summer. Kung di siya ka niya papansinin, wa'g kang pumayag. At kung papansinin ka naman niya, go na!
YES! Whatever. I think, I'll risk again. I hope it won't fail me anymore.
*Feels like insomnia...*
Dahil nabagot ako at nawawalan na rin ng pag-asang pansinin ni Lex sa araw na yon, naisip kong baka magka insomnia ulit ako at di ulit makatulog kaya iinom ako ng konti. As in konti.
Kaya lang, di ko namalayang habang iniisip ko si Lex at ang maaring mangyari ulit sa buhay ko, napapalagok ako ng mas madalas.
Nakakainis kasi ganito ako ka affected. Paminsan-minsan naman lumilingon ako sa paligid dahil akala ko naamoy ko siya o nakikita ko yung hikaw niyang kumikislap - yun pala, hallucination.
10:00PM.
Ubusan na yata `to ng sweldo at pocket money. Naisip kong tumigil na lang muna para ma ibalik ko ang sarili kong maayos.
"Excuse me, want a drink?" Sabay bigay ulit sakin ng isang baso.
Mabenta nga yata ako sa foreigner. Mukha ba akong nagch-chat ng mga ganyan? Ang kaibahan nga lang ngayon eh mukhang kaedad ko ang foreigner na `to.
"No, thanks!" Sabay tayo ko nang napagdesisyonan kong bumalik na sa kwarto ko.
Pero sobra yung pag-ikot sa paligid ko kaya di ko mapigilang matumba.
May sumalo naman agad sakin, akala ko nga yung foreigner eh. Di naman pala siya. Lumingon ako't mejo blurry ang mukha.
"Lex." Binanggit ko ang pangalan niya ng naamoy ko siya.
Narinig ko ang kanyang buntong-hininga.
Nagkamalay na lang ako nang nasa mga bisig niya na ako. Papalabas kami nun ng bar. OMG.
"Lex, ibaba mo ko." Sabi ko.
Gusto ko sana siyang sigawan kaso nawalan yata ako ng lakas.
Binaba niya naman ako nang nasa laabs na kami ng bar. Pinaupo niya pa ako sa isang upuan sa malapit. Linagay ko ang kamay ko sa noo ko at pinipikit lang ang mata.
Umupo rin siya sa harapan ko at tinitingala ang mukha ko, "Ayos ka lang ba?"
"O-Oo." At least no, mejo matino sagot ko.
"Please don't drink when you're not with me." Sabi niya ng mejo kalmado.
Napatingin ako sa seryosong mata niya.
"I've been doing that all my life."
"You won't have to do it again anymore." Sabi niya ng mejo mas mahinahon.
"Duh! Kasi andyan ka? Asa..." Nang-iinis.
"Summer! Pwede bang umayos ka naman! What if I'm not here! Anong mangyayari sa'yo?" Napatingin ako sa kanya ng nakangiti.
Useless ang mga pagsigaw-sigaw niya sakin ngayon dahil puno ako ng positive energies at wala na ako sa matinong pag-iisip.
"Congrats ah! Another sign yata." Sabay tapik ko sa likod niya at may patawa-tawa pang nalalaman.
Pinilit kong titigan siya pero hindi makafocus ng mabuti ang mga lens ng mata ko.
"Ang seryoso nito." Tumawa ulit ako. "Nga pala... uy! Bukas na pala yung partey noh? i loooove parties." Sabi ko. "Sama mo naman ako!" Humagalhal ulit ang tawa ko.
"You're drunk!" Sabi niya habang yinuyugyog ang dalawang balikat ko.
"Tsaaah! Ayaw mo?" Pinilit ko uling i-focus ang mga mata ko sa mga mata niya. Ang seryoso niya at parang di siya naniniwala sa anyaya ko.
Halaaa. Halaaa... Shuckers.
"Ano?" I tried to focus on his eyes again.
"Seryoso ang mga sinabi ko sayo, wa'g mo naman akong biruin! Alam kong mabilis pero, ikaw ang gusto ko, mahal na yata kita eh. Wa'g mo naman akong tawanan, di ko alam ang gagawin ko eh." Sabi niya.
HALAAAA~ First time kong masasaksihan `to.
First time ko rin kasing magkaroon ng manliligaw, kung matatawag siyang manliligaw, na inaaway-away ko ng ganito.
"Oi! Umiiyak ka ba?" Hindi ko masyadong nakikita pero nakumpirma ko nang dumapo ang kamay niya sa pisngi niya.
Ang OA naman nito. Bading yata.
Pinunasan ko ang pisngi niya.
"I'll come with you tomorrow, but I won't defy my signs."
I hugged him. Kahit alam kong mejo malaki ang ginawa kong desisyon na yun, bahala na. This won't fail me anymore. Not with Lex.
"Wa'g ka ngang bading..." I laughed.
Hindi ko siya tinatawanan dahil sa pag-tulo ng luha niya, tumatawa ako dahil masaya ako't ilang signs na lang talaga, makokompleto niya na. LORD, THIS IS IT! Grabe, sobrang overwhelmed ako sa mga nangyayari! Mahal niya na daw ako. Mahal ko na rin yata siya. Ambilis naman yata! Whirlwind romance? Or Summer Love lang ba talaga?
Kung ano man ito, I'll try to risk again for the very LAST TIME!
"Ba't ang bait mo? Ba't mo ko mahal? Ba't iba ka? Ba't di ko mapigilan?"
SIGN 29~Summer: Lex! Te-teka!
Tanghali na ako nagising. Tumingin ako sa paligid ko, nasa kwarto naman ako at mag-isa. Nag-isip ako saglit habang iniinda ang sakit ng ulo ko.
"Totoo ba yung nangyari kagabi?"
Nakita kong nasa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Kay daming missed calls at puno na rin daw ang memory card sa messages. Syempre, kaw daw ba yung halos dalawang linggo nang hindi pinapansin at china-charge lang pag naglolowbat. It's like I'm escaping reality.
Narinig kong may humahawak sa doorknob ng room ko at parang bubuksan, I lied then pretended that I'm still sleeping.
Hindi ko nakita kung sinong pumasok, pero naamoy ko ito. Si Lex, sigurado. Dumilat ako't nakita ko siyang nakadungaw sakin.
"Mabuti't gumising ka na." Sabi niya habang tinitingnan ang pagkaing dala niya. "Kumain ka na." Sabi niya.
Napatingin lang ako sa kanya habang inaayos yung 'ipapakain' niya sakin.
Ang galing naman, feel ko prinsesa ako.
"Ako na Lex." Sabi ko nang umamba siyang subuan ako.
Binigay niya naman sakin ang kutsara at bumangon na ako.
Tiningnan ko siya habang sumusubo ako.
"Summer, naaalala mo pa ba ang sinabi mo kagabi?"
"Hmmm? Alin?"
"Yung lumabas tayo ng bar..."
Napaisip ako. Naalala ko pa naman pero hanggang sa pagyakap ko na lang sa kanya ang naalala ko.
"OMGEE! Bakit? May nangyari ba satin?" Napatingin ako sa mga damit ko.
So far, yun parin naman.
"Wala." Sabi niya.
"Bakit? May dapat pa ba akong maalala?"
Pinilit kong mag-isip pa ng mga pwedeng nangyari.
Tiningnan ko siya't hanggang ngayon hindi parin ngumingiti.
"Yung... sasamahan kita mamayang gabi?" Tanong ko.
Umaliwalas ang mukha niya, "Oo."
"Naalala ko pa naman."
Sumubo ulit ako.
"Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya.
"Bakit? May monster ba sa party?"
He smiled, "Wala. Pero... di lang ako makapaniwala kasi sinabi mo noon na ayaw mo nang magkaboyfriend."
Grabe, tumindig ang mga balahibo ko at muntik na akong mabilaukan.
"Bakit? Sinong boyfriend ko? Ikaw?"
Tumango siya na parang hindi na sigurado kung bakit siya tumatango.
I laughed. "Sinong nagsabi niyan? No way! Hindi ako magboboyfriend hanggang di nauubos ang 24 signs!"
Tiningnan ko siya at naabutan kong umiiling.
"Tsaka... 24 years OLD ka na. Pwede bah." Humagalhal yung pagtawa ko.
"Ano naman ngayon kung 24 years young ako?" Tanong niya habang nagkakasalubong ang mga kilay.
"Basta... yun na yun..."
"Age doesn't matter."
Tumawa na lang ako ng tumawa. Nakakatuwa naman. Bakit nga ba? Ano naman ngayon kung 24 years old na siya. Basta. Di ko naiimagine yung sarili ko na nagkakagusto sa mas matanda ng halos 6 years sa akin.
"Ano bang nagustuhan mo sakin?" Tanong ko habang sumusubo.
Inabot niya sakin ang tubig. Grabe, ang sarap ng pagkain huh! Tsaka, maalaga siya, sobra. Nakakainlove naman. HAHAHA.
"Hindi ko alam."
"Hindi mo alam? Tapos may nalalaman ka pang ipapakilala mo sa parents mo ang babaeng gusto mong pakasalan?" I pouted.
"Siguro yung pagiging maarte mo. Ewan ko." He smiled. "Yung halatang pagseselos mo nung andito si Kyla. At ang pang-aaway mo sakin na hindi ko matiis."
Oi! Sana di ko tinanong. Uminit ang pisngi ko at nahihiya na tuloy ako sa kanya. Sumubo na lang ako ng pagkain. Sumubo ng sumubo at tiningnan ko lang ay yung mga kinakain ko. Para di niya mahalatang naiilang ako.
"Siguro din yung pagiging immature mo." He laughed. "Like now, you don't want to look at me because you're blushing."
Napatingin ako sa kanya then I saw his evil smile.
Tama na!!! Wa'g mo nga akong ngitian ng ganyan!
"I'm not blushing."
Nagkibit-balikat siya, "Isa pa yan~ Nagustuhan ko rin yan." He smiled again.
Umirap ako.
"Lam mo, di ibig sabihin na kung sasama ako mamaya sayo eh may gusto na ako sayo o mahal na kita ah-"
"Alam ko, nag-iingat ka ulit dahil ayaw mo nang masaktan. Hindi ako yung tipo na binabaliktad ang mga prinsipyo para lang di masaktan ang taong gusto ko. Pero this past few weeks, nagiging hobby ko na yata iyon. At kasalanan mo."
"So, yun ang parusa ko?" Tanong ko.
Tumango siya.
"May kasalanan din ako sa buhay ko." I smiled. "Di ako pwedeng mangako kahit kanino. Unless the signs are completed. That's the most important principle I have now."
Tumango siya at ngimiti ulit.
Tiningnan niya ang naubos na pagkain ko.
"Okay then, I'll complete those signs." Tinitigan niya ako. "Nagustuhan mo ba yung linuto ko?"
"Obviously! Naubos ko eh. Oh! Marunong ka palang magluto?"
Ack~ A sign! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Hindi niya pinansin ang tanong ko at hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng kwarto at papasok sa kwarto niya.
"Lex! Te-teka!" Nakita ko sa loob ng kwarto niya ang sandamukal na damit at sapatos at isang bading na mukhang make-up artist.
"Pumili ka ng sosootin mo mamayang gabi, you'll face my parents. Then you'll dance with me tonight!"
Iniwan niya ako na para bang di niya ako narinig kanina.24 signs
1. may sports car siya.
2. he'll chase me with his sports car.
3. masusukahan ko siya.4. papagalitan ako sa sobrang pag-inom.5. mapuputulan ako ng takong na kasama siya.
6. kinanta niya ang kantang gusto ko.7. he'll dance with me (sweet music).
8. He'll gimme a heart-shaped chocolate.
9. He'll give me three roses.
10. he'll kiss me on the rain.
11. he'll introduce me to his parents.
12. pasado ako sa at least tatlong subjects sa panahong kilala ko na siya.
13. aaminin niya sa aking mahal niya ako - of course, before I do.14. he'll cook for me.15. he'll cry in front of me.16. inakbayan niya ako in public.
17. he gives me a balloon.
18. He'll take a picture of me.19. tatanggapin siya ni mama at papa.
20. ililibre ako sa isang mamahaling restaurant ng kahit anong gusto ko.
21. he'll catch me when i fall.
22. he'll choose me over another girl.23. may earing siya.24. kapag pinunasan niya ang luha ko kapag iiyak ako
SIGN 30~Summer: Manang oh!"Akala ko ba sa garden yung party?" tanong ko kay Lex Habang inaayos nung make-up artist ang buhok ko."Di pwede. Uulan yata ngayon eh." Sabi niya.Nakatayo lang siya sa tabi at readyng-ready na. Naka black suit siya at napansin kong propesyunal na ang dating niya pag ganun ang soot niya. At as usual, mabangong-mabango. Ang gwapo naman ng mapapangasawa ko. HAHAHAH :D" title="" class="smiley" border="0"> Ang feeling ko ah! Di pa nga niya nakukuha yung lahat ng signs eh. Pero syempre, may na achieve na rin naman siya at ang dami pa huh! Tsaka, ang bata ko pa huh! Kahit na 18 na ako at pwede nang maglakad sa simbahan, di pwede noh!"Ang ganda mo." Sabi ni Lex habang tinatabihan ako nang tapos na akong na meyk-upan."As always." Sabi ko, kapal eh no? Tumawa siya.Ilang sandali lang ay tumayo siya at naglahad ng kamay."Tayo na, we're late."Linagay ko ang kamay ko sa kanya.Papunta kaming function room ng hotel. Grabe, si Kate nakasalubong namin. Speechless naman siya at mukhang binalewala lang kami. Mukhang alam niya na kung anong mangyayari. Gumamit kami ng elevator kasi sa itaas pa ng kwarto namin ang function room. I leaned on the elevator habang tinitingnan ko siya. He smiled."Kinakabahan ka?" Tanong niya."hindi... masyado."Pinunasan niya ang noo kong mukhang nahalata niyang pinapawisan na.Awww. Gusto ko ng lalaking tulad niya forever. Sana maputulan ako ng takong dito... sana ma achieve niya lahat ng signs. Nasasanay na ako masyadong nakukuha niya ang signs kahit di niya naman alam na sign na iyon. Perfect! He's a perfect man, he won't cheat - like what AJ did; he won't deny - like what Dave did; and he won't leave me for another girl - like what Kevin did.He is the sweetest person I've ever known and I want him in my life. I know it's too fast but that's what I'm feeling.Lumabas kami ng elevator na hinahawakan niya parin ang kamay ko. Papasok na kaming dalawa nang napansin kong maraming nakatingin sa amin.Nininerbyos na ako dahil may tumawag pa sa kanyang grupo ng lalaki at mukhang executive na ang mga dating."Lex!!! Kamusta!?" Sabay tingin sa aking nakakapit na kamay sa braso ni Lex.Hinila pa ako ni Lex ng mas malapit sa kanya at hinawakan ang kamay na nakakapit sa braso niya."Ayos lang pare.""Oi! Sino siya?" Tanong nung isa."Her name's Summer Romero."I smiled at them. Isa sa kanila ang tiningnan ako mula ulo hanggang paa."hello!" Bati ko."Summer? Wow. You and your name sounds hot." Nagtawanan silang tatlo."She's MY girlfriend." Nakita kong biglang naging seryoso ang mukha ni Lex.I squeezed his arms. GIRLFRIEND KA DIYAN! FEELING MO AH! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">"Ow..." Hindi siya nagpahalata."Awww. Yes of course, errr. She looks... younger.""Sige pare, pasok na muna kami.""Sure!"Umalis sila sa daanan."Sino yung mga yun? Ba't mo sinabing tayo? Hunghang." Bulong ko kay Lex."Kaklase ko yun nung high school, mga babaero yun. Kungdi ko sasabihing tayo na, siguradong ha-huntingin ka nila."Umirap ako. Pumasok na kami at nabigla ako nang nakita kong puno ng mga tao ang loob. May mga matatanda, may mga ka-age ni Lex. Wala man lang ka-age ko. Ako yata ang pinakabata dito.May nakita akong group of girls, or err, women sa daanan naming dalawa."Batiin mo, mga kaklase ko yan sa college." Bulong ni Lex sakin.Mukhang maarte at sosyalera ang mga girls na pinapabati niya sakin. Nakatingin pa sila sa amin. May isa pa sa kanilang hini-head-to-foot ako at mukhang nangmamaliit."Yoko nga.""You jealous?""Of course not!""tsss." He chuckled."Hi Lex! Who's she?" Sabi nang isang babae.Hinawakan niya ang baywang ko at mas lalo akong napalapit sa kanya."Summer, my girlfriend.""Ohhh. So, hindi na pala talaga kayo ni Kyla?" Tanong nung isa."Anong natapos mo?" Sabay tingin sakin."Uhhh-" "She's still in college." Sabi ni Lex.Nag-iba ang mga mukha ng mga babae. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">"A business administration major?""Hindi. Hotel and room manangement." Sabi ko. O diba! bagay ako dito~! HAHA"Ahhh."Ibinaling nila ulit ang tingin nila kay Lex."Sige, pupunta lang kami kay Dad ah."Tumango sila at parang nanghihinayang pa. Pinandilatan ko sila isa-isa at bumehlat pa ako sa matanong na babaeng yun. Kaya napairap sila. "You really have a thing for cat fights noh?" bulong ni Lex sakin."Hihihi. Kainis eh." We are so in the middle of the dancefloor. Kahit walang sumasayaw at mukhang busy ang mga tao. Nakikita ko parin ang mga matang nakatingin sa amin. Tumingala ako at nakita ko ang isang malaking chandelier at mas maraming tao sa taas na nakadungaw sa amin at inaabangan si Lex."Dad... Happy birthday."Nabigla na lang ako nang banggitin ito ni Lex kahit nakatingala pa ako. Tumingin agad ako sa taong nasa harapan namin. Whoaaa! So this is his Dad, then his mom?"Mom... Si Summer po."Ngumiti ang papa at mama niya sakin. Sobrang akala kong tough ang mama at papa niya, buti na lang at ngumingiti sila."How unexpected." Sabi ng papa niya."Unexpected? As promised, I'll introduce someone special on your 60th birthday." Sabi ni Lex."Ang ibig kong sabihin, eh yung babaeng pinakilala mo. I thought it will be Kyla."Tahimik lang si Lex at hinintay ang idaragdag ng papa niya."Where did you met him?" Sabay tingin ng mama niya sakin. Jusko. Tough pala talaga."S-Sa... dito po." Nauutal na ako."Ohh~ A costumer?""Actually, pinsan po siya ni Aliyah.""Ohhh!" Tumango ang mama niya at ngumiti sakin."Aliyah? Yung pamangkin mo?" Tanong nung dad niya."Oo." Sagot naman ng mom niya."Summer..." Napalingon ako sa likuran ng mama niya nang narinig ko ang maliit na tinig na bumabanggit ng pangalan ko.Si... Manang Alicia.Natigilan ako. Di ako makapag-isip ng mabuti."Excuse me lang po..." Bumitiw ako kay Lex at pupunta na sanang CR."Saan ka, Summer?" Tanong ni Lex sakin at mukhang nabigla."CR lang muna ako." Sabi ko. "Excuse me. And, happy birthday nga po pala."Tumango naman ang papa at mama ni Lex.Nagmadali na ako sa CR. Sinalubong naman ako ni Manang Alicia."A-Ano pong ginagawa-""Kami ang nag si-serve ng pagkain dito. Ikaw! Anong ginagawa mo dito, ha, Summer?""Po? kasi po.. dinala ako ni Lex eh.""DINALA? Pinakilala ka ni Sir Lex sa mga magulang niya!"Natahimik ako nang may dumaang mga tao na papuntang CR. Nakakahiya naman, pinapagalitan pa ako ni Manang sa ganitong lugar."Tapatin mo nga ako, may relasyon ba kayo ni Sir Lex?""Wal-"Nakita ko ang mga babaeng sumalubong samin kanina ni Lex.Hindi ko na tuloy alam kung anong isasagot ko."Ano, Summer, may relasyon ba kayo ni Sir Lex?""Manang..."Napatingin ang mga babae kay Manang at sa akin."Meron po." Sabi ko habang nakatingin sa mga babae."Nakuuu! Ikaw talaga!" She sighed.Hinila ako ni Manang sa mas pribadong lugar."Summer," Umiling siya. "Sasabihin ko `to sa mama mo.""Wa'g pooo, manang!""Hindi! Sasabihin ko `to. Kilala ko si Sir Lex, mabait siya at di pilyo.""Iyon naman po pala eh! Ba't kailangan niyo pa akong isumbong!?""Kasi, yun na nga eh... Di siya pilyo. Seryoso siya sa inyo! At malinaw na sinabi ng mama mo na di ka pwedeng lumapit sa lalaki o magboyfriend!""Di naman po kami-""Kita mo na! Mag sisinungaling ka? Masama na ito..." Umalis si Manang at mukhang papuntang kusina."Manang!" Tawag ko."Summer?" Si Lex!"Manang oh!" Sinigaw ko parin kahit malabo nang lingunin niya ako."Anong problema?" tanong ni Lex sakin.
Labels: 24 Signs of Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;