<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Y-arcs


Y-arcs




Y1.The Unknown Failed Proposal






Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Jason.

"Sorry!" At nag peace-sign ako nang nakitang nabigla silang dalawa ni Emily sa front seat.

"Did I finally catch your eye?" Sabi ni Brent kanina.

Nakakainis! Ginagawa niya ba ang lahat ng to para lang magpapansin? Hindi nakakatawa eh kasi nasasaktan ako.

Tinitigan ko lang siya habang inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Oo, Brent. Napapansin na kita, kasi nagbago ka na! Hindi na ikaw ang Brent na nakilala ko!" Sabi ko.
"Hindi ba ito yung gusto mo? Yung layuan na kita? Now, tell me Max, bakit gusto mong mapalapit ulit sakin?"

Natahimik ako. Akala ko talaga ngayon na ako aamin. Kaso... naunahan ako ng inis ko.

"Why do you want to be with me? Kung meron ka naman nito?"

Nabigla ako nang nakita ko sa iPad niya, sa Facebook niya ang mga pictures ko. Marami. Iba't-ibang pictures ko kasama ang kung sinu-sinong lalaki!

AT WORST!!! Meron din dun yung picture ko habang hinipuan doon sa bar! OMG!

Bakit? Natigilan ako ng ilang sandali at agad nakuha ang point ni Brent! Na marami akong nilalandi.

Seryoso at disappointed ang mukha niya.

"Aalis na ako." Sabi ko.

May kung anong kumurot sa dibdib ko. Bakit, Brent? Alam mo ba kung bakit nandun ako sa bar na yon nung gabing yun? Bigong-bigo ako dahil sayo at ngayon gagawin mo pa yang dahilan para magalit sakin? Wala kang alam!

At bwisit din yung mga tao! Bakit ang dami kong stolen shots at sa iba-ibang lalaki pa? Ano ang gusto nilang iparating?

"So that's it? You're not going to explain?" Sabi ni Brent.

Bakit ako mageexplain, Brent? Wala ka na namang pakealam diba?

Umalis ako nang para bang di ko siya narinig! Oo! Kung nanghihingi siya ng explanation, ibibigay ko sa kanya yun pero hindi ngayon. Lulubos lubusin ko na bukas! Sasbihin ko ang lahat sa kanya! Wala akong pakealam kung anong mangyayari pagkatapos, ang importante na lang sakin ngayon ay ang masabi ang lahat ng walang paliguy-ligoy! Masaktan man ako, handa na ako!

"It's all over the internet." Sabi ni Jason habang ipinapakita ang iPad niyang nakatutok din sa pictures ko kasama ang iba't-ibang lalaki.

Comments:
ang landi mo te...
akala ko iba ka sa kanila...
sayang idol pa naman kita.
one big sl-t.
pinagpasapasahan na ng mga lalaki.

[see more...]


Walang hiya! Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Hindi! Nasasaktan ako! Sa fan page na ginawa para sakin, doon nagkalat ang mga pictures ko sa bar.

Napaiyak ako habang nagdi-drive ng tahimik si Jason papunta sa mall.

"Max, ano... tuloy parin ba yung plano mo bukas?"
"Oo." Sabi ko.

No regrets...

Nakarating na kami sa mall at sinabi ko nalang kina Jason at Emily na hintayin na lang ako sa restaurant. Bibili lang ako ng dress na simple at pupunta sa flowershop magpapaawa siguro ng corsage.

Ayaw pa nila akong iwan nung una, pero nakumbinsi ko din sila.

Ako lang mag isa ang naghanap ng damit. Iniisip ko parin kung sino ang nagpasimunong isiwalat ang lahat ng pictures na yun. At bakit niya gagawin yun? Wala siyang alam at walang karapatan!

Papunta ako sa flowershop, inuna ko ang pagpapagawa ng corsage.

May naabutan akong mga kaklase ko sa isang subject na pinagtitinginan ako at nagbubulung-bulungan. Tinitigan ko sila... kaya napaalis agad.

Ano bang problema ng mga tao? Ano ba yung ginawa ko sa mga pictures na yun? Naglalakad kasama si Luis? Anong masama dun? Guilty ako dun sa bar pictures na nahipuan ako at lasing ako, pero ano ngayon? May ibang tao pa diyan na mas masama pa ang ginagawa sakin, ba't di sila ang pagtuunan nila ng pansin? Ang pinakamasakit pa sa lahat... pati si Brent ay naniniwala sa mga pictures! Sino ba kasi yung nag kalat nun!?

Namili na lang ako ng bulaklak at naalala yung blue rose na corsage ni Brent nung masquerade. Akala ko talaga espesyal yung gabing yun para saming dalawa... kaso... hindi pala. Si Chad yung nag propose sakin at nagtampo pa si Brent. Napangiti ako nang naisip kong nagtampo siya... nagwalk-out kasi akala niya hindi ko kayang tanggihan si Chad. Bakit ko 't pinatagal ng ganito? Bakit ngayon lang ako nagkalakas loob na aminin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. At ngayon aaminin ko na sa kanya, bakit ngayon pa lumabas ang mga pictures na makakasira sakin?

"Pang corsage, miss. Etong red roses." Sabi ko sa babaeng nasa counter.
"Okay miss. Paki fill-up na lang etong form. Pwedeng kunin after one hour." Sabi niya.

Ni-fill up ko naman agad at binayaran.

"Maxine Alvarado?" Sabi nung cashier habang tinitignan ang form ko.

Akala ko naman pati siya ay kilala ako dahil sa mga pictures na nagkalat... pero di pala.

"So, ano... sinagot mo ba yung nangligaw sayo?" Ngumiti siya at kuminang ang mata.
"Huh?" Anong ibig niyang sabihin?
"I think more or less 6 months ago, may nag order dito ng napakaraming bouquets ng red roses. Di ko makalimutan, may nidesign pa nga kaming 'Be my girlfriend, Maxine Alvarado.'"

Pagkasabi niya nun, parang kinurot ang puso ko. Hindi ko alam pero nararamdaman kong ako yung tinutukoy... at si Brent yung nag order ng ganun karaming roses.

"More or less 6 months ago?" Wala akong nakuhang ganun sa kanya. "Baka hindi ako. Marami naman sigurong Maxine Alvarado."
"Siguro... Hmmm. Basketball player yung lumapit dito. Hindi ako sigurado pero parang Brent yata yung pangalan ng nanliligaw daw dun kay Maxine... Swerte! Hindi ko makalimutan kasi ang sweet talaga!"

Binigay niya sakin ang receipt habang tulala ako. Walang duda... Ako ang tinutukoy niya. Mas lalong kinurot ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko. Bakit di ko alam yun? Gusto kong tawagan si Brent pero sa daming tanong sa isip ko, parang di ko alam kung ano ang uunahin ko. Bakit ngayon ko lang nalaman? Anong nangyari?

Umalis ako sa flowershop dala ang napakaraming tanong!!!






Y2.The Mystery Man








Tulala parin ako at di makapili ng maayos. Nandito ako mag-isa sa isang store na maraming simpleng gown.

"I think this will look better on you!"

May boses sa likuran ang nagsabi. Paglingon ko, nakita kong dala-dala ni Kitchie ang isang kulay pula at sexy na gown.

"Hindi ko naman type." Ngiti ko.

Siya pa ang nakita ko dito sa dinami-dami ng tao.

May kung anong aura agad akong naramdaman sa kanya. Sa tingin niya pa lang at sa ngiti.

"Bagay to sayo, sukatin mo! Mas makakatawag ka pa ng pansin pag soot mo 'to." Ngiti nya.

Sabi na nga ba! May inaatake siya sakin!

"Hindi naman kasi ako nagpapapansin kaya di ko yan kailangan."

Tumaas ang isang kilay niya at ibinalik ang gown na ipinakita.

"Talaga? Eh sa internet nagkalat yung pictures mo na ganun. Akala ko pa naman demure ka... nag papa-demure-demure ka lang pala." Sabi niya.
"Ano bang ginagawa ko sa pictures na yun? Nag uusap kami ni Chad, nag uusap kami ni Luis, anong problema sa mga pictures na yun? Maari may picture dun na nahipuan ako ng kung sino pero di mo ba naisip na pwedeng biktima ako?"
"Biktima? May biktima ba na siya mismo ay walang malay the whole time? Wala kang malay kasi lasing ka? What kind of girl? Bakit ka nga pala lasing?"

Isang segundo lang ang katahimikan ng may agad akong narealize!

"Paano mo nalamang wala akong malay at lasing ako?" Sabi ko.

Natahimik si Kitchie.

"Nandun ka sa Core sa mga oras na yun?"

Tahimik parin siya.

"Ikaw ba ang nagpakalat ng pictures sa internet?" Tanong ko.
"Ano ngayon kung ako, Max?"

OMG! I can't believe it!

Agad ko siyang nasampal! Pulang-pula ang pisngi niya at mangiyakngiyak niyang hinawakan 'to.

"Wala kang karapatang gawin yun sakin!" Sabi ko.
"How dare you slap me!" Ngumiti siya. "Pero okay lang. I'm sure maraming nakakita at mapag-uusapan yan! Masisira ka lang! HAHA!"

KAINIS TALAGA! Makaalis na nga lang at baka masupalpal ko ang mukha ng nagladlad na demonyitang ito!

"I know, Max! You like him, don't you?"

Natigilan ako at hinarap siya. Ito ang unang pagkakataong aaminin ko 'to...

"Oo, gusto ko siya!" Sabi ko.
"Well guess what? Hindi ka niya gusto! Kung ang pinanghahawakan mo lang ay ang paghatid niya sayo sa bahay niyo nung lasing ka, pasensya ka na lang... ako ang date niya... At sirang sira na ang pangalan mo... Kung tutuosin wala ka naman talagang pag-asa sa kanya simula pa lang kaya sorry ka na lang!"

Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya! SI BRENT ANG NAGHATID SAKIN SA BAHAY NUNG GABING YON? OMG! Ginanahan akong sampalin ulit si Kitchie!

"Tingnan natin kung sino ang totoong walang pag-asa satin sa simula pa lang!"

Alam kong hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Brent ngayon... pero sa lahat ng ginawa niya para sakin, pakiramdam ko ngayon ako naman ang dapat na may gawin.






Y3.The Unread Words






Si Brent ang naghatid sakin sa gabing yon!? At si Kitchie ang nagpakalat sa mga pictures ko?

Tulala ako papunta sa T.G.I.F kung nasaan sina Emily at Jason, naghihintay sakin. Bibit ko ang kulay puting gown na nabili ko nang halos wala sa ulirat.

Pagkapasok ko sa restaurant, halos di ko rin mahanap si Emily at Jason lalong lalo na nung narinig ko ang intro ng isang pamilyar na kanta.

Kumaway si Jason at Emily sa malayo. Linapitan ko na agad para di na magmukhang tanga.

*We watched the season pull up its on stage*

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Emily sakin.

Nagkibit-balikat na lang ako.

*You have... stolen my heart...*

"May mga nalaman ako tungkol kay Brent... at nagkita kami ni Kitchie."
"Ano? Saan?" Sabi ni Emily.
"Inspeaking of Brent, naaalala ko siya sa kantang 'to." Sabi ni Jason bigla.

Napatingin ako kay Jason habang binabalewala si Emily.

"Bakit?" Tanong ko.

Naalala ko rin si Brent sa kantang 'to. Kinanta niya to sa training camp nung highschool para sa diumano'y babaeng gusto niya.

"Di mo ba nabasa yung issue na yun sa Preview?" Sabi ni Jason habang umiinom ng iced tea.
"Ang alin?" Di ko agad ma gets pero kinakabahan ako.

Yung Preview, tama! Bumili ako ng isang kopya non pero di ko pa kailanman binuksan. Anong makukuha ko dun? Pictures lang naman ni Brent at Kitchie eh? Nakakainis pa si Brent sa mga oras na yun!

"Na kinanta niya raw yung kantang yan sa tanging babaeng minahal niya. Stolen diba? Akala ko alam mo na yun kaya di ko na sinabi sayo..."
"Sinabi niya yun sa Magazine?" Tanong ko. "HINDI KO PA NABABASA YUN! BIBILI AKO NG KOPYA NGAYON!"

Grabe! HIndi na ako makahinga! Ang daming oportunidad ang pinalagpas ko!

Hindi ko na maitsura ang sarili ko. Di ko alam kung anong gagawin. Bibili na... saan? anong nasa loob? Anong nakasulat?!

"Chill, Max! Luma na yung issue na yon, maaring sa Booksale lang natin yun makikita."
"Pero gusto kong makita!" Sabi ko.
"Ang sabi dun kasi... yun nga... kinantahan niya daw ng Stolen yung girl na mahal niya. ONLY GIRL NA MINAHAL NIYA. Bakit, Max? Why are you so interested? By any chance, nakantahan ka na ba niya nun?"

Tama... di alam ni Emily at Jason kasi wala sila sa training camp na yon nung highschool. Yung mga nandun sa training camp lang ang mga may alam nun! Pero paano ko malalaman na sa training camp lang nun kumanta si Brent? Dalawa lang ang sagot diyan... si Chloe at Chad, dahil silang dalawa ang close kay Brent. Ako nga ba talaga yung kinantahan ni Brent nun? Magsisimula na sana akong mag duda na di ako yung kinantahan niya, pero sa lahat ng nalaman ko ngayong araw na 'to... panahon na siguro na panghawakan ko ang sa tingin ko'y totoo.

"Oo! May isang time nung highschool na kumanta siya niyan. Pero hindi ako sigurado kung ako eh. Sa training camp nun. Inaway ko kasi siya bago yun nangyari."

Tahimik lang silang dalawa habang tinatanggap ang mga sinasabi ko.

"Tapos, ngayon naman, nalaman kong may surpresa siya para sakin 6 months ago. Hindi ko alam kung bakit naudlot. Sabi dun sa flowershop, nag order daw si Brent ng maraming roses para sa isang Maxine Alvarado. Marami bang Maxine Alvarado sa mundo?"

Natawa silang dalawa.

"Marami... siguro... pero di naman yata ako maniniwalang may isa pang Maxine Alvarado na kakilala si Brent?" Sabi ni Emily.

Tama siya!

"Isa pa... nagkita kami ni Kitchie... siya ang nagpakalat sa mga pictures ko." Sabi ko.
"Ano? Di nga? Mabait yun!" Sabi ni Jason.
"Ewan ko nga eh. Pati ako di makapaniwala pero umamin siya! At hinamon niya pa ako kay Brent!"

Halos di makapaniwala sina Emily at Jason...

"So... ano, Max? Anong plano mo bukas?" Tanong ni Emily.
"Makikipag-usap ako kay Brent, yun kami lang dalawa. Wala ng maraming pakulo. Sasabihin ko na ang lahat. Sasabihin ko na mahal ko siya."

Tumango silang dalawa.

"Anong maitutulong namin ni Emily?" Tanong ni Jason.

"Maghihintay ako sa isang part dun sa garden ng Plaza Maria Clara. Kung pwede sana kayo ang gumawa ng paraang mapapunta si Brent dun." Sabi ko.

"O sige, sige! GAME!" Sabi nilang dalawa.






Y4.The Last Revelation




Pauwi na kami. Hindi na ako nagpahatid kina Emily at Jason papasok sa Domino Heights kasi naawa ako sa dalawa. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dahil sakin. Dinamay ko pa sila.

"Are you sure?" Tanong ni Emily na nakatingin sakin galing sa front seat.

Nasa labas na ako. Nasa gate ng subdivision.

"Oo. May bibilhin din kasi ako sa isang convenient store sa malapit eh." Sabi ko.
"Okay! Sige... Itext mo ako pag nakauwi ka na ah?" Sabi ni Emily.
"Okay."

Tapos umalis na ako.

Ang totoo, ayaw ko lang talagang pumasok pa sila kasi gabing-gabi na. Si Emily kasi may curfew kaya nag-aalala na rin si Jason.

Naglakad ako papasok sa subdivision dala-dala yung gown na susuotin ko bukas. Gabi na. Iniimagine kong may bigla susunggab sakin at ho-holdapin ako. Yiii! Katakot! Halos ma butas na yata yung flats ko sa bilis ng lakad ko. Mamaya habulin ako ng aso dito... grrr...

Pagkatapos ng parang isang oras na paglalakad (kahit ilang minuto lang naman), nakarating na rin ako sa kanto namin.

Pagliko ko... agad akong kinabahan sa nakita.









"Brent?" Napabulong ako sa sarili ko at naririnig na ang lakas ng tibok ng puso.




Malapit sa bahay, nakapark si Lightning. Nakasandal si Brent sa Porsche niya habang tumitingin sa langit. Nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa.

Naglakad ako patungo sa bahay... papalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Waiting for you." Tumingin siya sakin.



 :-[




Yung mga mata niya ay tulad sa araw na na yon. Nung nasa beach kaming dalawa.

Tumigil ako sa harapan niya. Tahimik kaming dalawa.

"Nandito ka ba para tanungin ako tungkol sa mga pictures ko sa Facebook?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Ba't ka nandito?"

Hindi siya sumagot agad.


 :-[



"Hindi ko alam." Aniya.

Gusto ko ng ganito lang. Nandito ako sa harapan niya. Kami lang dalawa. Nagtitinginan. Kahit di na ako pumasok sa bahay at lamukin kami dito, okay lang.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko ba sa kanya kung anong nalaman ko sa araw na 'to?

Bigla niya akong yinakap.

"I miss you so much." Bulong niya sa tenga ko.

Nasiyahan ako sa ginawa niya! Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa sinabi niya. Gusto ko ngang umiyak sa sobrang saya.

"Please don't slap me... please don't push me..." Sabi niya. Mas mahina pa dun sa unang bulong niya.


NAHAHABAG NA AKO! SOBRA! TAMA NA! Mahal naman kita eh? Ba't pinapahirapan kita ng ganito? Minsan ka lang mahal ng mahal mo.





Di ko na napigilan.

"I miss you, too." Sabi ko ng pabulong.



Di ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko dahil sa paninikip ng lalamunan.

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Mga kamay niya ay nasa magkabilang balikat ko. Kuminang ang kanyang mga mata at sabay nito ang abot tengang ngiti.

Di siya makapagsalita. Ngumiti lang ng parang bata.




"Ang totoo hindi ko alam... Marami akong di alam. Marami akong tanong sayo... Masyadong marami na ayaw ko na lang pansinin. Kung alam ko lang lahat ng nalaman ko ngayon, di ko na pinatagal 'to... Brent... I lo-"

Hindi ko nasabi. :o






Kasi nilagay niya ang index finger niya sa lips ko. :-X


Humalakhak siya pero nakita kong lumandas ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Ba't niya ako pinigilan? Kung yun ang kayu tagal niya ng hinintay na sabihin ko yon... bakit?


Suminghap siya. Nakangiti parin. Pinipigilan ang mga luha. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakitang ganito siya. Parang ang saya niya. May luha sa mata niyang hindi pa lumalabas pero parang ang saya niya.


"Ang dami kong... ang dami kong gustong sabihin sayo... noon pa lang, pero sa tingin ko di mo din yun maririnig kasi halos di mo ako makita. Lahat ng tao nakikita ako... ikaw lang yung hindi kahit sobra-sobra na ang pagpapansin ko sayo. And you know what? Masakit..."

Natatawa siya sa gitna ng mga salita pero may luha parin sa mga mata. I'm so happy that I am here standing with him, hearing him saying the words I wanted to hear from him.

"Nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko yun. I told myself... 'di bale na. Minsan lang ako magmahal kaya lulubos-lubosin ko na. Masaktan na kung masaktan basta gagawin ko ang lahat.' I felt like I was born to be your man, Maxine. And now you know that I won't ever back down... I will never wave the white flag. Kahit ilang beses mong sabihin sakin kung gaano mo ka ayaw sakin. hindi ako titigil, dahil alam kong ikaw lang ang mamahalin ko. Even if it takes forever, I will wait for you..."

Bumuntong-hininga siya.


"I was harsh with you, for the past few months, but please know that its coz I'm desperate. If theres only a faint hope that you'll love me back, I will still risk everything."

Ngumiti siya. Pinunasan ang konting luhang nakawala sa mga mata... :'(

"Ever since I met you, the only thing I asked from Heaven is for you to say it back... Now... please... say it back."

Simula pa noon, lagi niya na lang akong inuutusan. Sa lahat yata ng utos niya, ito ang pinakanagustuhan ko.

"I love you so much, Max."

Hinintay niya ang sagot ko. Mukha niya'y kinakabahan na baka di ko sabihin ang gusto niyang marinig. Pero sa unang pagkakataon, naniwala ako ng buong-buo sa mga sinabi niya kasi naramdaman ko. At sa unang pagkakataon, maririnig niya sakin ang matagal niya nang gustong marinig...

"I love you too, Brent Damien Cruz."

Ngumiti siya at pinigilan ang luha. Niyakap niya ako.

"Every night, I dreamt about you saying it back... nasisiyahan ako kahit di totoo. Ngayong totoo na talaga... hindi mapapantayan ang saya ko. Kahit ilang beses kong panaginipan 'to! God knows how much I love you!"

"God knows how much I love you too." Sabi ko.






Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText