Chapter 25 What Hurts The Most
Chapter 25 What Hurts The Most
Jini Punzalan: Napaka-selfish mo talaga
Naturingang girlfriend pero hindi pwedeng ipagsabi. KAWALANG HIYAAN. Desisyon ko rin naman na hindi muna ipagsabi ang relasyon namin ni JR eh. TAMA NAMAN ANG GINAWA KO DIBA? Pumayag naman si JR kahit isang-libong beses kong inexplain sa kanya na sasabihin din namin ang totoo kay Andrea sa TAMANG panahon. At ngayon, papunta kami kina Andrea. TAMA! Kasama ako. HAHA... pinagtawanan lang naman ako ng Mama at Papa ni JR nung sinabi kong... "Sasama po ako kasi ayokong magselos." HAHAHA. Bahala na! Basta, hehe, mahal nya naman ako eh kaya okay lang yun. Nakarating na kami sa bahay nina Andrea. Buti't pinayagan ako ni Tiya Isabel no? hehe. Wala namang problema yun eh.
"UY! Andito ka na pala. Ate Jini?!"
"HEHE. Oo, kasi, uhmmm..."
"-uh, kasi wala ding tao sa bahay nila!" Pinagtakpan ako ni JR.
"Ganun ba? WOW! Edi masaya! HEHE. Pasok kayo!"
Pumasok kami, at yun na nga... maganda naman ang bahay nina Andrea, halatang silang tatlo lang ng mama at papa nya ang nakatira. Wala ba silang maid? Well, anyway, masyado na akong nagiging batugan dahil lagi na lang akong nag-iisip ng mga maid.
"Ate Jini. Sa taas mo na lang ilagay yung bag! Tsaka, nag ready din ako ng mga DVD, manood tayo ah? hehe."
Kaya, inakyat ko na yung bag na may lamang damit ni JR at damit ko na rin. Basta, may damit din ako dun. HEHE.
Pagkatapos kong inakyat ang bag... nagpunta agad ako sa kitchen - kasi andun silang dalawa.
"Hindi ka pa kumakain? Tumawag ka sana samin para nadalhan ka? O nagpabili ka?" Sabi ni JR.
"Eh, hindi ko na naisip eh. Mag luluto na lang ako. Ipagluluto ko kayo!" She smiled.
"Talaga? magaling ka bang magluto?" Ngumiti si JR sa kanya.
TSSS... Ipinapalabas nya atang mas gusto nya ang mga babaeng magaling magluto. Naalala ko tuloy ang noodles.
"UH. sige! Tulungan na kita, Andrea." HALA. sige Jini, sumingit ka pa sa kanila.
"Talaga ate? Magaling ka bang magluto?!"
"HEHE... Naku, si Jini? Hindi yan marunong, Jini...umupo ka na lang dyan sa tabi at sabay nating panoorin si Andreang magluto!" Sabi ni JR.
"Ha?"
"Sige na!!"
Pinaupo nya ako. Pero sya naman, nakatayo dun sa tabi ni Andrea at nanonood sa MAGALING NA PAGLULUTO ng mabait at SWEET na si Andrea. OH NO Jini, nagseselos ka? Para atang naaasar na ako kay Andrea ah? NOOO! Magiging kontrabida na ba ako? HUHU.
"Jini!" Si JR pala, kanina pa pala ako walang imik dito.
Inakbayan nya ako. Si Andrea naman, nakatalikod parin at seryoso sa pagluluto.
"Wag kang mag-alala, pag ikakasal na tayo, hindi naman kita paglulutuin eh!" EVIL SMILE.
Sinuntok ko sya. "Ano ka? Mag-aaral akong magluto no! Matututo din ako balang araw."
OHHH! Ngayong malapit na naman sya sakin, eh, nawawala ang selos ko. HUHU...
"TAAAADAAAA! Tapos na akong magluto!"
Tinanggal ni JR ang kamay nya sa balikat ko at umayos kaming dalawa. Humarap si Andrea at ipinakita ang linuto nyang - hindi ko alam ang pangalan. Pakealam ko ba, e di naman talaga ako interesado sa pagluluto. >:(
Kumain na kami. And to be honest - walang plastikan - masarap ang luto ni Andrea. NOOOO!
"HAAAI. Busog na busog ako! Ang sarap sarap mong magluto, Andrea.."
Parang...ume-echo ang Andrea....andrea...andrea... sa tenga ko... ang sarap mong magluto...andrea...andrea... ABA'T talaga namang..HUHU
"Ate Jini. Hindi ka ba marunong magluto?"
"Huh? Ah eh..pero, may plano naman akong mag-aral eh!"
"Ganun? Gusto mo turuan kita?"
WAAAH? Para ano pa? Para ipamukha sakin ang pagkaSUCKER ko sa pagluluto. WAG NA! WAG NA. Ehem... este... Jini, nukaba, nagmamagandang loob na nga sya eh ginagago mo pa.
"Ate?"
"Ah...Oo naman noh!!! HEHEHE..."
"Kelan mo gusto, Ate?"
"Uhh.. anytime..wag lang ngayon kasi busy ako eh."
"Talaga? O sige... :) "
Pagkatapos naming kumain. Syempre, what do you expect? MARAMING PINGGAN.
"Andrea, ako na!"
Sige, sapakin nyo ako nung sinabi ko ang kalokohang yun.
"Ako na ang maghuhugas. Ikaw naman ang nagluto eh."
Para naman may silbi ako!
"Talaga ate? O sige! Salamat ah! HMMM. Pagkatapos mo ate, sumunod ka samin sa sala ah? Manonood tayo ng movie!"
"Okay! :) "
"Talaga? Manonood tayo? Anong movie? horror?" Tanong ni JR.
"HUH? Hindi eh, heheh...di kasi ako makatulog sa mga horror movies eh. Tsaka, may pasok pa tayo bukas!"
"O sige. So anong panonoorin natin?" Tanong ulit nya.
"UHM... hehe. mejo korny pero If Only."
"Huh? Ano yun?"
"Ano? Hindi mo alam yun? Ang ganda-ganda kaya nun! Lika! Panoorin natin!"
Hinawakan ni Andrea ang kamay ni JR at dinala sa sala. WAAAH. At ako? eto, maghuhugas pa lang ng sandamukal na plato. Anak ng tokneneng naman oh, bakit masaklap ang kalagayan ko ngayon? Si JR naman, napaka FULL TIME BIG TIME FLIIIIIRT! Naku jusko! Ewan ko kung maniniwala ba ako sa mga sinabi nyang mahal nya ako. Baka hindi? Baka...ano? nakuuuu. yung takteng lalaking yun, napaka PLAYBOY. Lahat ng babae nginingitian! Nakuuu...ASAR.
15minutes later. Naku, mas mabagal pa ako sa pagong kung maghugas ng plato. Napaka rami naman kasi eh. Parang may fiesta. TSSSK. Sinasabunan ko pa tong panghuling plato at sumilip sa dalawang yun.
O.O
At alam nyo kung anong nakita ko?
:'(
Si JR, nakatulog sa sofa habang si Andrea naman ay PINAGSASAMANTALAHAN ang pagkakataong mahalikan sya... five..four..three..two..one... HALIK.
kasabay ng halik ang pagkabasag ng pinggan na NAHULOG ko. WAAAH.
"Andrea~" Gumising si JR.
"Sorry! :( "
"Anong ingay yun?"
WAAH. Hindi man lang pumalag si JR sa halik ni Andrea. Of course tulog eh, pero...peroo... HUHU...
Agad silang pumunta sa kitchen kung saan nila ako nakitang pinupulot ang mga pieces ng pinggan...pieces of my heart.. :(
"Jini! Okay ka lang ba?" Tanong ni JR.
"O-Okay lang ako!"
"JR! Sorry ah?"
"Okay lang yun! :) " Ngiti.
"Uh..sige! Maliligo lang ako." Umalis si Andrea. Nahiya ata sa ginawa nya.
Ako naman, parang may mga isda sa tiyan ko. Mga GOLD FISH na nag-aaway. HUHU. Pinulot naming dalawa ang basag na pinggan.
"Pasensya na! Wala na talaga akong magawang matino."
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo! Lika nga dito!"
Nag-aalinlangan pa akong lumapit sa kanya. Syempre, with that Ngiti ng Demonyo and open arms na parang hindi ka na bibitiwan. Naku, wag na...este...syoooorness.
Pero, hindi ako makagalaw.
"Ano? nagseselos ka?" Hinahamon nya ata ako.
"Huh? Ba't ako magseselos?" Hindi ako makatingin ng diretso.
Bigla ba naman akong yinakap at ang higpit pa ng yakap nya. Pinilit kong kumawala...pero, ang lakas nya. ANG ABS NG MOKONG NA TO NAFIFEEL KO NA NAMAN. Langhya!
Nakakainis naman kasi eh! Ba't ba ang bait-bait nya sa lahat ng babae sa WORLD? Pati din sakin mabait sya. Hindi ko na madistinguish ang kaibahan ko sa ibang babae. Pero, teka nga, mejo matagal na kaming magkayakap ah?
"JR...baka makita tayo ni Andrea!"
"Huh? Bahala sya kun makita nya tayo. Wala naman akong pakealam sa kanya eh!"
Ano daw? Kaiisip ko pa lang nga nung 'hindi ko madistinguish ang kaibahan'. :D
"Wala naman akong pakealam sa lahat ng tao eh."
Ang tiyan ko may mga gold fish na naman. GRRR... HAHA. Parang feeling ko gusto kong umiyak sa kasiyahan! WAAAHAHAHA. SECURED.
"Ano? Napaka-selfish mo talaga no?"
"Ano naman ngayon? Eh sa ganito na talaga ako eh. tsaka mahal kita."
Ano kamo? Pakiulit? Biglang nagpatugtog si Andrea ng mga kanta...
'You are my sweetest downfall...i love you first...'
Napabitiw kaming dalawa sa pagkakayakap.
"Sige na, tulungan na kitang maghugas."
AWWWW... Bihira lang sya ganito. Kaya, ang sayasaya ko ngayon.
Narealize ko na talagang kelangan kong tanggapin na mabait na talaga sya sa mga babae, maturingan ba yang playboy kung hindi naman. Pero, sana naman wag nya ako masyadong pagselosin no? HUHU...
---
Joshua Rian Te: Tama na...
Loko din ang Andreang yun ah? Ba't nya ako hinalikan? Nakita siguro yun ni Jini. HAAAY. Ke gandang lalaki ko talaga, hinahabol ako ng mga babae. Ehem. Behave muna ako ngayon, tinamaan ako ng lintik na pana ni Kupido. Umaga na at papasok na kami sa school. Buti na nga lang at tapos na rin yung isang gabi sa bahay nina Andrea. Makakahinga na ako ng mabuti. Papunta na kaming school. Tahimik lang si Jini doon sa likuran. Si Andrea naman... "...naku! Ang ganda talaga ng istorya ng If Only. HAAAY! Sana mag karon din ako ng taong magmamahal sakin tulad nun?"
"Andito na tayo!" I parked the car.
Bumaba agad si Jini. Sumunod si Andrea. Ano kayang nangyari kay Jini? Hindi ata nakatulog eh. TSSSK.
"Ate Jini! JR! Mauna na akong pumasok ah! Sige, kita kitz na lang!"
Ngayon, kaming dalawa na lang ang nasa labas ng sasakyan. Nakasandal sya sa sasakyan ko at tulala.
"Ano? Anong nagyayari sayo? Wa'g mong sabihing hindi ka parin nakakarecover kagabi?"
"Ano? Hindi ah! Iniisip ko lang naaaah...uhm... may group work kami mamaya. Pagkatapos ng klase, baka matagalan ako."
"Huh? Edi hihintayin parin kita!!"
"Di...mauna ka na lang umuwi mamaya!"
"Ayoko nga!!!! TSSSK."
Ang lokong to, hindi pwede no? Kung pwede lang talaga na sa bahay ko na rin sya iuuwi eh gagawin ko! Tsaka, magiging busy na ako bukas kaya baka hindi ko na rin sya maihatid - para sa Hearts Festival.
~~~Hearts festival - gawagawa ko lang yan huh? HEHE. ano yan? Para yan sa mga lovers. HEHE. Araw ng mga nagmamahalan sa school nila.
"JR naman eh, wag ka na ngang makulit!"
"AYOKO SABI EH! Tsaka, malapit na ang hearts festival ah! Bigyan mo ako ng regalo ah?!"
"Ano?"
"Oo! Last year na Hearts Festival, si Kenjie ang boyfriend mo. Ano ang binigay mo sa kanya?"
"HUH? Ano ngaaa ba?? Ewan. AHHH! Alam ko na!"
Ang babaeng to, pa-ewan-ewan pa. TSSSK.
"Bracelet! Ewan ko kung saan nya yun linagay or what...hehe"
Inakbayan ko sya at linapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Anong ibibigay mo sakin?"
"Ano? Wala akong pera ngayon! Di kita bibigyan!"
"Napaka unfair mo naman! Si Kenjie noon, binigyan mo, tapos ako naman, hindi! GRRR..."
"Oo na! Bibigyan na nga kita!" She smiled. Iniinis lang ata ako neto eh!
Umalis na kaming dalawa at nagpunta sa aming mga klase. Argh. Magiging busy na talaga ako bukas. Dapat lubos-lubosin na namin to ngayon!
"JR! Nakalimutan ko, dapat pala hindi tayo mahalata ng mga tao!" Sabi nya.
"Ano?"
"Mauna ka ng pumasok sa room. Susunod na lang ako."
HAAAY. Kami nga, pero, di naman pwedeng ipagsabi. Kabaliktaran noong laro pa lang eto. Kahit hindi totoo, dapat ipakita at ipagsabi. Ngayong totoo na, di na pwedeng ipakita o ipagsabi. GRRR. Jini kasi, ano bang inaalala nya! BRR... bahala sya, sabi nya eh!
Nauna na akong pumasok, sumunod sya mga 3minutes later. Pagkatapos ng klase, sinenyasan nya lang ako na tatawag na lang sya. OKAY! AAAAAAAAAAAAAH! Bakit ganito! Ayoko ng ganito! Jini naman eh! Ang hirap naman. TSSSK.
"JR!"
Pag lingon ko. Si Andrea pala! Buti pa tong isang to, walang kabusy-busy ang life. Tsaka, laging andyan! ARGH! Si Jini naman, imbis na sya ang kailangan ko, ang dami nyang ginagawa! ARGH.
"O! Andrea! Bakit?" Naglalakad kami patungong CC office.
"Kasi, uhmmm, magkasabay pala tayo ng birthday no?"
O.O Huh? Talaga?
"Sabi kasi ni Tita, magkasabay daw tayo ng birthday eh! Tsaka...ang birthday ko kasi gaganapin sa Resort nyo! Alam mo na...formal. UHM.."
"Ganun ba? Hindi naman kasi ako nagpapaparty sa birthday ko eh! Tsaka, may isang month pa bago ang birthday ko! este. natin."
Ngumiti sya. Ngumiti na rin ako. Be nice to girls mehn! They're all precious kasi. LOL. Oo nga! I honestly know that. Kahit tanungin nyo pa si Bridgette (How To Produce A Prince). Dapat hindi sasaktan ang mga taong nagmamahal sayo...TROOOOOOOOOOOOOOOT! JR! Nukaba! Di pwede yan! HEHE. It's different now, because I'm inlove!!!
~~~"WAAHHAHAHA. In love? Ano yun?" Nakakasindak na tawa ni Bridgette. LOL. baka di nyo na ma gets tong story na to huh? May bago kasi akong story eh. :D
"Pero...ako naman ang magpapaparty eh! Tsaka, ano...pwede ka bang maging escort?" Nagpacute.
"O! Sige! Sure." Malayo pa naman eh. Baka, sa time na yan...alam na nya ang katotohanan sa aming dalawa ni Jini! Pero, kung malaman ba nya ang katotohanan...hindi na ako ang mag-eescort? WHATEVER.
Nakarating na kami sa CC office.
"Bakit wala si Ate Jini? May gagawin tayo ngayon para sa Hearts Festival diba?"
"Ewan. May ginagawa daw!"
Dumating si Kenjie at Tanya. At ayun na naman ang mga tingin ni Kenjieng parang sinusuntok ako sa mata. GRRR..
"JR, bakit parang ayaw ni Kenjie sayo?" Tanong ni Andrea.
"Ah? Yun ba? Wala! Ewan."
Panu ko sasabihin? Langhiya.
"Hoy Andrea! Tumulong ka na dun sa pag-aayos ng mga decorations para sa Hearts festival!" Si Tanya talaga!
"Oo..sige po ate!" Mabagal kumilos si Andrea. MAHINHIN.
"Nukaba! Bilisan mo nga dyan! Tsaka, wag mo nga akong tawaging ate, nung akala mo sakin? Gurang? HAAAY. Please lang! Tsaka, sige na! Nakikipaglandian ka lang naman dyan eh!" TUMPAK! Este.
"Tanya! Ano ka ba! Ang sakit mo namang magsalita." Ang pagkakasabi ko nun ay mahinahon lang.
Tumingin ako kay Andrea at...guess what? :'( Umiiyak na sya. HAAAY.
"Sorry! Uhm. Tanya!" Hindi man lang marunong gumanti! Di tulad ng Jini kong palaban! Tskk..
"AAAY! Ano ba yan! TSS. Ba't pa kasi umalis si Hayley eh! Langya!" She crossed her arms tapos nag walk-out.
Hayyy. To talagang si Tanya. Number one Maldita. Kaya, eto, hinihimas ko ang likod ni Andrea.
"Tama na... SHHH.."
Iyak sya ng iyak. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa CC. TSK.
"JR! Pagkatapos nya, may kapalit ka agad?" Sabi ni Kenjie.
Napatigil ako.
"Ano?"
"Palibhasa playboy!"
Nagwalk-out sya.
Ang lokong yun! Kung alam nya lang ang pinagsasabi nya! NAKUUUU! GRRR... Bakit ba kasi hindi pwedeng ipagsabi na MAHAAAAAAAAAAAAAAL NA MAAAAAAAHAAAAAAAAALLL KOO ANG GIRLFRIEND KOOOONG SI JINIIII? Argh!
---
Amy Andrea Tanseco: Nakakainggit sya.
Tapos na rin ako! HAAAY.Habang papalabas ako ng campus. Nakita ko si JR nakasandal sa car nya. Ba't kaya andito pa sya? 6:30pm na ah?
"JR!" Kumaway ako.
Kumaway din sya. Kaya linapitan ko.
"JR! Ba't andito ka pa?"
"AHHH. Eh... may hinihintay ako eh. si Jini."
"Ganun ba? Eh, matatagalan ata sya ngayon para sa group work nila eh!?"
"Oo nga! Pero, hihintayin ko sya!"
"UHHH..."
I have an idea.
"Uhm. Ihatid mo naman ako sa bahay o!?"
"Huh?" Nag-aalinlangan syang sumagot.
"Sige na please? Sige na!!!" Puppy eyes. ;) Ang galing mo talaga Andrea! Ang galing ng diskarte mo!
"Papayag na yan... Papayag na yann!!" Nag-aalinlangan parin sya. :(
"Kasi..."
"Sige na! Balikan mo na lang si Ate Jini. Mamaya pa yun eh. Sige na! Malapit lang ang bahay namin dito."
"Huh?"
Linabas nya ang cellphone nya at tinawagan si Jini. :)
Ilang sandali...
"O sige, pumasok ka na!"
"YEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSS!"
Sa loob ng car. Panay ang tingin ko sa kanya habang nagdi-drive. Seryoso ang mukha nya at parang may malalim na iniisip.
"JR."
"HMMM?" Hindi man lang sya tumingin sakin. Of course, nakatingin sya sa road noh?
"Ang close nyo ni Jini noh?"
Tumango lang sya. :'(
"Nakakainggit sya." :( I'm actually testing him kung ano ang sasabihin nya pagsinabi ko, kaya lang, hindi sya umimik. :'(
I love him sooo much! I'll do everything for him! Bigyan nya sana ako ng chance!
---
Jini Punzalan: Thanks King
"HAAAAAAAAY Natapos din ako!" Napalingon ako sa labas. Andun si King... "King! Kanina ka pa?" Linigpit ko ang gamit ko.
"Oo! Paglabas ng mga groupmates mo, napadaan ako dito. Kaya eto. :) " Ngumiti ako sa kanya.
ARGH. Lowbat ako, kanina pa. Hindi ko pa nasasabihan si JR. Sana hinihintay nya pa ako. HUHUHU.
"Nakita ko na pala si JR kanina, hinahatid nya si Andrea."
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATDA? Jini. Yun ba ang gusto mong marinig?
"Oh? Talaga?" Napatigil ako sa pagliligpit at natulala. Magtatanong na sana ako kay King kung may load ba sya para matext ko si JR pero... :'( di na kailangan.
"Tulungan na kita." Ngumiti ulit sya. "I'm sorry."
"endi. King ayus lang!" HUHUHU.. :'(
Sabay na kaming umalis at dumaan din kami sa parking lot kung saan pina-park ni JR ang sasakyan nya. And guess what....WALA NA TALAGA.
"Ako na lang ang maghahatid sayo!" Sabi ni King habang binubuksan ang ngayon ko lang nakita na sasakyan.
"Huh? Sayo to?"
"Yeah. Actually, ginagamit ko lang to pagnatatagalan ako sa pag-uwi." Ngumti ulit sya.
Pumasok na kami sa sasakyan. Ang sakit ng puso ko. Parang hinahanap ko si JR, asan ba kasi sya! Pasensya na talaga JR, lowbat ako.
"Uh. King, pwede pa text?"
"Huh? Sure!" Binigay nya sakin ang phone nya at pinaandar nya ang sasakyan.
Tinayp ko: JR, jini 2. asan ka? sori, lowbat. :(
"UHHH. King, asan ang number ni JR dito?"
"Huh? Name nya bro slash JR."
Hinanap ko. bro/JR. Okay. senddd...
"Bakit mo sya tinitext? Nagkabalikan kayo?"
Traffic lights are red. HMMMPF. Tumingin si King sakin.
"Hi-hind---" Itatanggi ko?
"---Tama! Nagkabalikan kayo? At Linilihim nyo yun dahil kay Andrea? Diba?" Ngumiti sya.
Ilang ulit ko bang kayang sabihin na napakabait talaga ni King? WAAAAAHHH. :'(
"Wag mong ipagsabi? Pwede?" Yumuko ako.
Green lights... Umandar ulit ang sasakyan.
"I know he loves you!" Sumulyap sya sakin.
"huh?"
"Yeah! Close kami, kilalang kilala ko sya. At kung fling lang yung sa inyo, mararamdaman ko yun. Pero, hindi eh. Alam kong mahal ka nya! Your his first love! At ayokong maki-intervene sa inyong dalawa, kahit na gusto rin kita."
WAAAAAAAAH. Speechless! Ano pa bang sasabihin ko? First Love? Tapos, inopen pa nya ang topic na gusto nya rin ako. Nakew naman Jini, habaaaa ng HURR mo beibeeehhh... Mapapa-'SH1T' si Bridgette neto!
~~~Humirit na naman ako! hehe.. >:D
"Don't worry, tutulong ako sa pagki-keep ng secret. Tsaka, hindi ko kayo pababayaang magkahiwalay."
AWWWWWWWWWWWWW. :'( I adore you King! Thanks! HUHU. Aray, napaluha ako sa sinabi nya. Natouch kasi ako masyado. Binigyan nya ako ng panyo. Pero, nagdi-drive parin sya ah?!?! HUHU.
"Thanks King! Di ko alam kung paano kita papasalamatan!" :'(
---
Joshua Rian Te: umiiyak si Jini
"Salamat sa paghatid sakin JR!" Tumango ako at ngumiti. Pinaandar ko agad ang sasakyan ko para balikan si Jini.
BILISSSSSSSS. JR!!! Baka, ma-rape yun dahil mag-isang umuwi. LOL. GRRRR.. Baka papatay ako ng tao!
Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na ako sa school. Nakita ko si Jini at King sa loob ng sasakyan ni King. Umandar na ang sasakyan nila. Parang ayokong tawagin sila. Kasi....umiinit ang ulo ko. Bakit ko pa ba sila nakitang magkasama? AHHHH. Nagseselos ako? Napaka O.A ko naman ata? Pinaandar ko ang sasakyan at sinundan sila.
RED LIGHTS. STOP.
*tiiiitiiitiiitiiit...*
1 message recieve:
King: JR, jini 2. asan ka? sori, lowbat. :(
Ilang segundo rin akong nakatunganga sa text na yun... :'( Kaya pala Out of coverage kanina! Kainis. Kaya ngayon, naunahan na ako ni King sa paghahatid sa kanya. Tapos, hindi pa alam ni King na totohanan na ang relasyon namin ni Jini. Ni hindi nya nga alam na nagkabalikan kami! DAMNIT!
GREEN LIGHTS. Sinusundan ko parin sila. Dumaan ako ng short-cut para maabutan sila. Kaya lang, as I was about to drve thru them, nakita kong binigyan ni King si Jini ng panyo. AAAAAAAAAH. Bakit ba kasi hindi tinted ang sasakyan ni King eh. NAMAN OH! >:( Ayoko na! Wala naman akong ginagawang masama ah? Hinatid ko lang si Andrea! Ba't kaya umiiyak ang isang yun! ARGH. Kainis. Hindi na kami magkikita bukas dahil sobrang busy na namin. HUHUHU. Ang hirap palang mag mahal ng totoo. :( Pero, kung para naman kay Jini, kakayanin ko. Pero sana naman (miss writer) pahintulutan kami ng pagkakataon!
Umalis na ako at umuwi sa bahay. :'( I'm tired. Ba't kaya umiiyak si Jini? Kasama nya si King. :'( GRRRRRRRRRRR.
Labels: Loving Darkness
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;