<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 1-5


SIGN 1~





"Wa'g kang mag-alala, my cousins the owner of that resort." Sabi ni Aliyah sakin.

"Manang Alicia will be watching over you in Sortee."

"Wa'g kang mag-alala Summer, sigurado akong mag eenjoy ka sa Sortee. Maganda dun!"

Panay ang kombinsi nila sa akin na maganda ang islang pupuntaha ko. At bakit ako pupunta doon? HA~ Dahil kailangan ko raw ng break. Okay. Alam kong maganda `tong ideya ni mama dahil summer at talagang dapat akong mag beach. Kaya lang, hindi to two months eh! 8 months ako dun at posibleng hahaba pa.

Ayaw ko kasing sa US kasama si Ate at Kuya dahil baka maging for good na ang pag stay ko dun dahil pati si Mama at Papa eh sasama. Dun na lang ako sa Sortee. Di bale na kung isla lang yun doon at maaring walang signal pero atleast diba, Pilipinas parin.

"Yeah, magtatrabaho ata ako dun."
I heard Gette laughed. "Ows? Kaya mo naman kaya yun?"
"Oo naman, sisiw lang yan. Ang problema ko eh baka mamatay ako dahil sa boredom dun."
"Sayang naman noh, saan nga pala ang tour ng classmates mo this summer?"
"Boracay at Palawan. Kahit na di ako pupunta ng Sortee, di rin naman ako makakasama sa kanila eh dahil binagsak ko nga lahat ng subjects ko last sem."

Yun nga ang nangyari. Nasa bus pa lang ako di na ako makahinga dahil masyadong boring. OH NO!

Tumitingin ako sa labas ng bus habang nakikinig sa iPod ko. I glanced at my phone.

"Message!"

T`was from Kevin: Sorry last night. Are you okay now?

I stared blankly at my phone and tried to delete it. But I just couldn't.

May 289 messages siya sa phone kong hanggang ngayon eh di ko pa na delete. Eto ang mga piling messages na galing mismo sa kanya simula nung kasagsagan ng Dave-break-up moments ko. He comforted me and I leaned on him.

I sighed.

*It's down to this... I've got to make this life make sense... Can anyone do what I've done. I missed life, I missed the colours of the world... Can anyone go where I am.*

I leaned on the mirror.

*'Cause now again I've found myself... So far down, away from the sun. That shines into the darkest place.*

"Yeah, I've got to make this life make sense." Kinuha ko ang ballpen ko sa bag at isang maliit na notebook.

I need to list my standards. Hanggang dito ba naman, iniisip ko parin ang lovelife ko? Syempre, dahil ang root cause ng depression ko't pagkasira ng life ko eh dahil sa lovelife na yan.

Kaya ngayon, I've gotta live by my rules! I know that in one way or another, it's my fault because I gave in to love. Hinayaan ko ang sarili kong masira na lang dahil sa pag-ibig na yan. Kaya ngayon, bibigyan ko ng limitations ang sarili ko. I need signs that will help me identify the person who deserves me.

I sighed deeper, "Ano ba naman `tong mga pinaggagagawa ko? Syempre... impossible naman kung may isang taong makakagawa sa lahat ng signs na gagawin ko?"

AJ? Tsk. Dave. I don't know. Kevin? ... I don't know either.

TAMA! IMPOSSIBLE KUNG MAY TAONG MAKAKAGAWA SA LAHAT NG SIGNS NA IYON KAYA KAILANGAN KO SIYANG I-IMPLEMENT PARA MAGING IMPOSSIBLE NA SA AKING MALOKA ULIT SA ISANG LALAKI! At dahil walang makakakuha sa signs na yun, di na ulit ako maiinlove! I WON'T BE INLOVE AGAIN! FOR SURE. I promise!

Hinila ko ang stroller bag ko.

"Buwisit! Ang bigat. Ba't ba kasi ako lang mag-isa?" Hinila ko ng padabog ang stroller ko hanggang sa umabot na nga ako sa barkong maghahatid sakin sa Sortee.

Huminga ako ng malalim and then I made the sign of the cross.

Number 1. I wrote.

Teka, ilang signs? 20. Hindi, 24. 24. March 24, the worst day of my life.

Inisip ko na ang mga pinakaweird na pwedeng mailista ko. 24 signs na magtuturo sa akin sa lalaking para na talaga sa akin at di ako sasaktan. Kung sasaktan niya man ako, makakabawi parin.

Later on, I realized that 24 is just... uh... too much. Pero ganun pa man, inubos ko parin ito. "Mas imposible, mas maganda. Mas marami, mas sigurado." Sabi ko sa sarili ko.

White sand. Mainit. Walang buildings. At malayo sa sibilisasyon. I don't know if I'll love this place or just plainly hate it.

*POOOOOOOOOOOOOOOOOOT~!*

"Ay poootangineeeh!" Sigaw ko habang hinabol ang hat kong galing Taiwan.

Nahulog ito't linipad ng hangin dahil sa buwisit na... ford expedition... na humarang sa daanan ko... O baka naman ako ang humarang sa daanan nun? AH!

OMGEEE~! My hat wassss.... namatay! Nasagasaan ng buwisit.

"AHHHH~! Shuckkks!"

"Miss, is this yours?" Lumabas siya sa expedition at kinuha ang kawawa kong hat.

He handed my poor little hat to me. I can smell his scent... ANG BANGO NIYA kahit mejo malayo pa siya. And the song in my iPod goes like this, *Because i can't sleep til you're next to me. No i can't live without you no more. Oh i stay up til you're next to me ...*



NO! My hat's from Taiwan and his fcuk`n car hit it!



SIGN 2~
Summer: Sinong Lex?






"Uh, yeah, actually." Agad kong binawi ang hat.

He's taller than Kevin. Mas gwapo pa kay Dave. At halatang mayaman dahil sa soot at sasakyan. Pero hindi bagay sa kanya. Ka-age ko lang yata `to pero ganun siya maka-asta't makapanamit.

"Sorry," Tumingin siya sa paligid.
"Uh~ Yeah!" Sabi ko. "Okay LANG! HINDI naman `to galing Taiwan." I said.
"Ahh~. Sarcasm?" Tumaas yung isang kilay niya at para bang matatawa siya.

IWAN KITA RIYAN! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Pumara ako ng tricycle. My god, isa lang ata ang taxi sa islang `to dahil isa lang ang nakita kong dumaan.

"Uhmmm, sa Sortee Beach Club, po." Sabi ko habang papapasok sa tricycle.
"Uh... Malayo yun eh." Sabi ni mamang driver. "Di po ako aabot dun."

Umalis na ang tricycle.

"Stooopid."

Nakita ko yung lalaking nakabunggo ng hat kong naka tingin lang sakin. He is crossing his arms while leaning on his ford expedition.

"Mama naman eh, nung klaseng lugar ba `to." Tiningnan ko ang cellphone ko't nakita kong kakalowbat niya lang.

"Miss, Sortee Beach Club? Turista ka ba?"

Tiningnan ko siyang mabuti. Alam kong gwapo ka pero allergic na ako sa mga gwapo ngayon at di na ko pwedeng makipagclose kahit kaninong lalaki dahil masyado ng sira ang life ko at wala ako sa lugar para i-entertain ang mga lalaki. Kapal ko talaga, eh di naman yan nanliligaw o ano. MAN-HATER!

"Oo.-" Sabi ko nang di ko man lang siya tinitingnan.
"-Naka check-in ka sa Sortee Beach Club, pero walang sumundo sayo?" Tanong niya na parang nagdududa.
"Actually, di ako nakacheck-in or whatever. Magtatrabaho ako dun."

He looked at me from head to foot.

"Magtatrabaho ka?"
"Oo! Bakit ba? Ikaw? Sino ka ba? Turista ka ba?"

Umalis ako sa harapan niya. Nakakainis naman kasi, minamaliit yata ako.

"Miss~" Di ko siya pinansin. "Miss~"

Naglakad parin ako at naghanap ng tricycle na AABOT dun.

"Miss~" Hinawakan niya ang braso ko kaya nang humarap na ako sa kanya, sinapak ko na ng dala kong hat.

"OUCH~, Ano bang problema mo?"
"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan eh!"

Baka rapist `to, in disguise lang!

"Bitiwan mo nga ako!" Hinampas ko ulit siya.

Saka niya lang binitiwan ang braso ko.

"Okay, okay. Fine!" Sabi niya.

"Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na naiwan mo yun!" Sabay turo sa stroller kong naiwan ko nga sa kinatatayuan ko kanina. "Ngayon, galit ka pa? Kung galit ka dahil nasagasaan ko yan na HINDI galing Taiwan. Eh babayaran ko yan o kung gusto mo bilhan kita ng isang libong ganyan para matahimik ka."

I'm speechless. Ginalit ko ata siya. OMGEEE~!

"Are you Summer Romero?" Bigla niyang tinanong sakin pagkatapos niyang dumungaw sa isang kapirasong papel na hinagis niya rin sa dagat pagkatapos basahin.
"O-Oo."
"Pumasok ka na sa sasakyan ko. Pinakuha ka ni manang Alicia sakin. Maraming tao sa resort ngayon kaya di niya maiwan ang trabaho niya, ako na lang ang kumuha sa'yo." Kinaladkad niya ako papasok sa sasakyan niya.

Nang nakapasok na ako sa sasakyan niya. "Kung ayaw mong sumama sakin, you're free to leave."

Bumaba ako sa sasakyan niya ng walang pag-aalinlangan.

He stared at me, surprised.

"Ha~, bahala ka diyan!" Sabi niya. He looked totally pissed.
"Bahala ka rin."

Umalis na siya't nakatunganga ulit ako sa street. Umiihip pa ang hangin at papalubog na ang araw. MY GOD! Paano ako makakasigurong pinadala nga siya ni Manang Alicia at hindi siya masamang tao? HMP.

Ilang sandali ang nakalipas, may nakita akong taxi. SA WAKAS.

"Manong, sa Sortee Beach-"
"Manong, di na po~" Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Lumingon ulit ako't nakita ko ulit ang pagmumukha ng lalaki kanina.

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabay turo sa Black Ford Expedition ulit.

"Opo, Sir." At umalis ang taxi.

"Ano ka baaaa~ Stupido! Minsan lang dumadaan ang taxi dito-" He handed me his phone.

And,

"Hello, Summer! Di kita ma kontak! Nag lowbat ka ba? Si Manang Alicia mo `to." Narinig ko ang boses ni manang Alicia na nag-alaga sakin simula nung nagkamalay na ako sa mundong `to.
"Ah, eh. Opo." Lumingon ako sa lalaki at nakatingin lang siya sa sunset.
"Pasensya ka na ah. Na busy ako eh. Sumama ka na lang kay Sir Lex!"
"Sinong Lex?" Tanong ko.
"Yung may-ari ng cellphone na yan. Nukaba! Bilisan niyo't gumagabi na."

LEX? Lex Luthor?



SIGN 3~
Summer: WHATTTT?





Nagdidrive siya ng isang kamay lang ang nakahawak sa manibela. Parang tinatamad.

Ang sarap sapakin. Dapat nga makipagkwentuhan siya sakin ngayon kasi ganun lagi ang ginagawa ng iba sa akin eh. Di siguro tumalab ang beauty ko?

"Ikaw pala yung alaga ni manang Alicia noon?" Tanong niya.
"Oo. Ikaw? Sino ka ba? Turista? Or waiter, perhaps? O kaibigan ka kaya ni Manang?"

Katahimikan. Ay nako, pigilan niyo ako, di ako pinansin ng bruhong `to!

Ilang sandali ang nakalipas, nakatingin na lang ako sa labas at namamangha lang sa tanawin. Ang ganda dito pero bakit hindi sikat?

"Uh, Sorry nga pala kanina." Sabi ko. "Akala ko kasi masamang tao ka, like magnanakaw, kidnapper, rapist..."
"-Rapist?" Napalingon siya sa akin habang napabuntong-hininga.
"Sorry-"
"Sorry saan?"
"Yung... alam mo na... nasapak kita ng-"
"-na di galing Taiwan?" Sabi niya.

Inaaway niya ba ako? O baka naman gusto niya na talaga ng away? Kakainis huh! Alam kong kasalanan ko, pero bakit ganyan siya?

"Don't worry, I'll pay for that." Sabi niya sakin habang nakatitig parin sa daanan at naramdaman kong mas lalong bumilis ang takbo namin.

Galit siya. Oh my.

"Di naman ako naniningil eh! Makakabili naman siguro si mama ulit ng ganun." HA~! Kala mo ha. May pera kami noh.

Pero di na siya nagsalita hanggang sa dumating na kami sa nasabing resort. Anong klaseng lalaki ba `to?

"Summer!!!" Sigaw ni manang Alicia habang yinakap ako. "Sir, salamat po ah." Sabi ni manang sa nasabing Lex.

Nabigla ako nang nakita kong ngumiti yung Lex kay manang at para bang di siya nabadtrip.

"Walang anuman po yun." Sabi ni Lex.
"Sir, kelan po magsisimula si Summer?" Tanong ni manang Alicia.

And again, Lex stared at me from head to foot.

Omy gosh. Don't tell me he is... the what?

"I'll think about it." Sabi niya.

Hindi man lang siya nagbigay ng kahit anong ekspresyon sa mukha niya nang tingnan niya ako.

"Okay po~, salamat Sir Lex!"

So, what? He's the what here?

"Wa'g kang mag-alala Manang Alicia, iniisip ko lang po kung saan siya bagay sa resort. And, uhmmm... manang, drop the 'sir'..." he smiled.

While he's talking, I realized that maybe he's the son of the owner of this resort or maybe the manager, eh? OMY! Nag flashback sakin lahat ng ginawa ko sa kanya kanina.

"...for now, she can stay here for free if she wants too."
"HEHE. Okay, Lex. Salamat."

He waved at nagpunta kung saan. Suplado namannnn sa akin. At sa akin lang talaga huh? Nakita kong bumati pa siya sa ibang turista at receptionsist, pero isnab sakin?

Mehn, insulting. Siguro nga malas ako sa lalaki. Maraming nabibighani sa akin pero in the end sinasaktan lang ako. At etong isang `to kakasimula pa nga lang binabalewala na ako? HMP

"Summer!" Sigaw ni Manang.
"Po?"
"Anong ginawa mo dun? Bakit mukhang badtrip yun?"
"Ha? Badtrip siguro sakin, sa inyo hindi. Tsss."
"Yun nga eh! Nukaba~ Ayusin mo yung pakikitungo mo dun."
"Anak ba siya ng may-ari ng resort na `to?" Tanong ko.
"Siya ang may-ari ng resort na `to."

Natigilan ako. How the hell...

"Tsaka, magpakabait ka sa kanya kasi siya yung magbabantay sayo dito kasi kailangan ako sa farm nila."
"WHATTTT?"
"Oo. Sinabi ko na `to sa mama mo't pumayag naman siya. Sinabi na rin ni Aliyah kay Sir Lex na pupunta ka dito."

WHAAAT? Yung tinutukoy ni Aliyah na pinsan niya na may-ari ng resort na `to eh ang Lex na yun?

NAKAKAHIYA NAMAN! Boss ko pala siya pero ganun ang nangyari kanina? OOOOOOH NO!





SIGN 4~
Summer: Again, no offense.







*KRIIIING*


"Kakabwusit naman, sana pala hinayaan kong nakapatay ang phone ko."

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Ang sarap pa naman ng tulog ko dito sa kwartong binigay sakin ng Lex na yun.

"Hello~"

No one's on the line? :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

"Hello? Sino ba `to?"

Bumangon ako't nakita kong ang numero ni Kevin ang nasa linya. It's still 8pm.

Then I saw a note on my bed:
Pumunta ka na lang sa beach cafe. binayaran ko na ang kakainin mo.
pag may problema ka, tawagan mo lang ako o sabihin mo kay Sir Lex. Nasa farm lang ako.
wa'g kang gumala kung saan-saan o makipag-usap kahit kanino.
wa'g ka ring uminom, alalahanin mong alaga parin kita.
si sir Lex na ang magbabantay muna sa'yo, magpakabait ka diyan.
-Manang Alicia


"Summer."
"K-Kevin?"
"Are you okay now?"

Oo nga pala. The sapakan was still as fresh as this island. Kaninang umaga nangyari ang sapakan at isang oras lang ang tulog ko bago ako pinalayas ni mama sa bahay at pinadala dito.

"Yeah. Ba't ka tumawag?"
"I'm sorry." Sabi niya.
"Yeahhh, sira na rin naman yung buhay ko diyan - I mean - sira na ang buhay ko kaya mabuti na rin yun, pandagdag."

I can't tell him I'm somewhere far. At, abah okay din dito ah? May signal din pala?

"Wa'g mong sabihin yan, Summer."
"Kev, let's accept it. I sucked at school, messed up with my boyfriend, and what, betrayed my friend?"
"You did not betray her." Sabi niya.

Natahimik ako.

"I betrayed her... I'm still in love with you."

Oh yeah, Kev then that's great! I went outside my room. Lumabas na rin ako sa Accomodation Block at ngayon nakikita ko ang colorful lights na nasa sea shore.

"Kevin~"
"Summer, nag-usap kami kagabi ni Dave."

Dave's name resounded on my mind. Okay, kitang kita sakin na talagang komplikado ang love life ko. Out na si AJ pero may dalawa pang natitira.

"Kaya daw kayo nag break dahil sa akin."

Speechless. :-X

The truth is... kaya ako na-deny ni Dave sa The Buzz noon dahil nakikita niyang mas palagi kong kasama si Kevin sa kanya. Ang pinakapinagseselosan niya ay si Kevin lang at wala ng iba. Kaya lagi kaming nagtatalo dahil palagi rin naman siyang busy kaya di ko siya masyadong nakakasama.

"Totoo ba yun?" Tanong ni Kevin.
"Kevin, let's forget about everything okay?" Sabi ko.

Ayoko na talaga. I've had enough with all these things. In fact, gusto ko ng magpakamatay dahil masyado ko ng nasira ang buhay ko. At ngayon, ayaw ko na talagang gumawa ulit ng makakapagpasira pa nito.

Being in love !@#$ up everything in the past. At si Kevin lang sa lahat ng mga ex ko ang di ko pa nakakalimutan - so avoiding him would be the best for me.

"Summer, if you're still in love with me, why don't you tell me? I am still in love with you too."

Ewan ko pero parang kinurot ang puso ko nang narinig kong desperado na ang boses niya.

Pinatay ko ang cellphone ko't tinapon sa pinakamalapit na basurahan.

I didn't even noticed that my tears fell. I've got to be serious with my life now. :'(

"Ang alam ko... worth 20 thousand `to?" Napalingon ako sa nagsalita.

Sir Lex? Este... LEX!

Binawi ko ang cellphone ko. Pinunasan ko na rin ang luha ko bago pa niya mapansin.

"Ba't mo pinulot?" Buti hindi nadumihan ang Cellphone.

Seryoso ako sa pagtapon nun at seryoso na rin ako sa pagbabagong buhay ko.

"Ba't mo tinapon?" He smiled. Yes, he smiled?
"Luma na..." T`was a lie. At alam kong alam niya.

Naglakad ako papuntang cafe na sinasabi ni Manang. Nang nakapasok na ako doon, bumili ako ng pampatulog ko. Di ako ginugutom at sigurado akong di ako makakatulog.

Uupo na sana ako sa isang table kaso puno na ang lahat. Anong klaseng remote island ba `to? Ang daming turista?

"Pwede dito." Napalingon ako sa Lex na nakaupo na sa isang table. May pagkain na rin para sa kanya. Ang bilis atang makapwesto ng mokong? Sa bagay, siya naman ang may-ari.

Pag-upo ko, saka ko pa lang napansing iba ang inuupuan niya at mukhang reserved na talaga para sa kanya. Sa bagay ulit, siya naman ang may-ari.

Umupo na ako sa harap niya... this is weird but, whatever.

"Di ka ba kakain?"
"Di na." Uminom ako ng nasabing 'pampatulog'.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong niya habang tinitingnan akong umiinom.
"Legal na ako kaya pwede na ako nito."
"Kung pinsan ka ni Aliyah, maaring kahit nung di ka pa legal, eh umiinom ka na."
"Excuse me, sana di ka maoffend pero... can you mind your own business?" Sabi ko habang tinatawag ang waiter para mag-order pa ng mas maraming alak. "Kumain ka diyan, iinom ako dito... that's it!"

Nakatitig lang siya sakin nang nakangiti.

"Again, no offense."

"Hmmm, okay." He smiled again.

Bakit nag-iba ulit ang ihip ng hangin ngayon? Kanina lang eh badtrip `to sakin at ngayon, mukhang di nagalit.




SIGN 5~
Summer: Excuse me.







"...Tapos ayun... nag break kami." Ewan ko kung bakit ko sinabi sa kanya lahat ng problema ko, siguro kailangan ko lang talaga ng makakausap sa mga sandaling ito.

Something shined from his ears. Kaya hinawakan ko ang tenga niya.

"Eh? You have an earing? Ngayon ko lang napansin." Sabi ko.

Nahawakan niya rin ang kamay ko, "Yeah~"
Inalis ko agad ang kamay ko sa tenga niya.


He's just staring at me at di ko na nababasa ang ekspresyon niya dahil umiikot na ang paligid ko sa paningin ko.

"Binagsak ko lahat ng subjects ko for last sem kaya eto ako ngayon, pinalayas sa bahay. Ngayon, kailangan ko pang magtrabaho para lang makakain sa lintik na islang `to." Sabi ko habang sumasandal sa mesa.
"Ba't mo naman kasi sineryoso masyado yung mga yun? Wala ka bang pakealam sa buhay mo?" Tanong niya.
"IKAW! Di mo kasi alam yung feeling ko nun eh. Ikaw siguro wala kang sineryosong babae? Kaya nga ngayon- pssssttt..." Tinawag ko ang waiter. "Isa pa!" Sabay taas ng kamay.

Binaba ni Lex ang kamay ko.

"-Wa'g na!" Sabi niya sa waiter.
"Hoyyy!"
"Andami mo ng nainom." Sabi niya at seryoso ang mukha niya.
"Ah basta, kakabwuisit kayong mga lalaki kayo! Sinisira niyo ang buhay ko. Kaya ngayon? Ayoko ng makipagkaibigan sa kahit sinong lalaki. At ikaw? Tsss. Pareho ka lang sa kanila - mga panira! Kaya... ngayon, alam mo? Gumawa ako ng listahan..."
"Tama na..." Sabi niya.
"Listahan ng mga signs. Ay, di ko nga pala dapat sinasabi yun sayo... Ah okay lang, kasi impossible naman yun at tsss... impossibleng impossible."

Ewan ko kung bakit pero binuhat niya akong bigla. ???

"Ano ba. Bitiwan mo ako! Ibaba mo ako!"
"Tumahimik ka nga diyan!"
"RAPIST!"
"Tahimik na, Summer." Nabigla ako dahil malakas na masyado ang boses niya pero masyadong kalmado na parang ako din eh napapakalma.

"Humanda talaga kayong mga lalaki kayo, maghihigante ako't sasaktan ko kayo ng todo-todo!"

*BLUWAAAA~~!*


Nagising na lang akong bigla na nasa kwarto na ako. Bumangon ako't naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko. Hang-over? Ano bang nanyari kagabi?

Ahhh, ang huling naaalala ko eh binuhat ako ni Lex at binanggit ko sa kanya ang tungkol sa signs!

Agad akong bumangon at tiningnan ang bag ko kung andun pa nga sa lalagyan ang notebook na sinulatan ko nito. Andun nga! I sighed.

"Ba't ko naman maiisip na ninakaw niya `to? Loka!" I laughed at myself and reviewed the signs.

24 (impossible) signs
1. may sports car siya.

okay, una pa lang masyado ng demanding!

2. he'll chase me with his sports car.

continuation?

3. masusukahan ko siya.
4. papagalitan ako sa sobrang pag-inom.

mas simple, pambawi sa mga nauna.

5. mapuputulan ako ng takong na kasama siya.

like, this would happen?

6. kinanta niya ang kantang gusto ko.
7. he'll dance with me (sweet music).

uh-oh.

8. He'll gimme a heart-shaped chocolate.
9. He'll give me three roses.
10. he'll kiss me on the rain.
11. he'll introduce me to his parents.
12. pasado ako sa at least tatlong subjects sa panahong kilala ko na siya.
13. aaminin niya sa aking mahal niya ako - of course, before I do.
14. he'll cook for me.
15. he'll cry in front of me.

mejo masakit na sa isipan `to.

16. inakbayan niya ako in public.
17. he gives me a balloon.
18. He'll take a picture of me.

simple ulit.

19. tatanggapin siya ni mama at papa.

pinakamahirap.

20. ililibre ako sa isang mamahaling restaurant ng kahit anong gusto ko.

as in.

21. he'll catch me when i fall.

literal or not!

22. he'll choose me over another girl.

dapat lang!

23. may earing siya.

para cool~ 8)

24. kapag pinunasan niya ang luha ko kapag iiyak ako.

Of course, mangyayari ang lahat ng ito bago ko siya sasagutin o bago maging kami.
Impossible, these signs.

Napabuntong-hininga ako't ininda ulit ang sakit ng ulo ko.

"Oo nga pala. Di pa ako kumakain, ginugutom tuloy ako."

Lumabas ako ng Hotel at pumunta ulit sa cafe nang nasalubong ko ulit si Lex.

"Ahh... Pasensya na nga pala kagabi ah?"
He stared at me na para bang may utang ako sa kanya.
"Salamat na rin sa paghatid sa akin sa kwarto." Kasabay kaming naglakad patungong Cafe.
"You're welcome. Uh... hmmm" Tumawa siya nang nakita niya ang soot ko.
"Bakit?"
"Wala. Narealize kong ako lang pala talaga ang sinukahan mo, walang bahid ng suka ang damit mo eh."
"Naku. Sorry. Sorry talaga!"


Umupo na kami sa loob ng Cafe, magkasama ulit kaming dalawa.

"Uh, kelan ako magsisimula?" Sabi ko habang sinusubo ang pagkain.
"Idunno. Pag iisipan ko pa. Don't worry. Your stay here for 1 week is free."
"Huh? Ayoko ng ganyan, magkakautang na loob ako sa'yo. Tsaka, wa'g mo ng pag-isipan nukaba!"

He stared at me blankly. LOL.

"Well, anyway... Kung ayaw mo... Wala na akong magagawa." Tse! Suplado parin nito. Kala ko magkaibigan na kami.
"Kung ayaw ko, di ka naman makakabayad hindi ba?" Sabi niya.
"Makakabayad ako noh, marami pa naman sigurong resort dito. Doon na lang ako magtatrabaho sa kanila, duh!"
"Lam mo? Ang arte mo. Hindi ka ba natatakot na di kita tanggapin dito sa resort ko dahil sa ugali mo?"
"Duh! Kung ayaw mo sa ugali ko, anong koneksyon nun sa pagtatrabaho ko? Di naman ang ugali ko ang gagamitin dun eh." I rolled my eyes.

Yes, I know I'm talking to my boss. HMMM, sinasabi kong magbabagong buhay na ako pero di ko parin pinapanindigan. So, I guess I'll start it with uhhh avoiding guys? Yes! Avoiding guys.

Kumain na lang siya at di na pinansin ang huling sinabi ko. Tinitigan ko siya habang kumakain.

Yes, Summer. Avoid boys! And the guy in front of you is a boy. You should definitely avoid him.

"Oh my gosh!" Napatingin siya sakin, surprised. "Oh my gosh!"

OH MY GOSH! Sinukahan ko siya? It's one of the signs right? RIGHT?

"What?" Sabi niya habang nakatitig sakin.

My jaw dropped.

"Excuse me."
"Hey, what's wrong?!"

I left him without a word. At habang tumatakbo ako papalayo sa kanya, na realize kong dalawang signs agad ang nakuha niya in less than 24 hours! Uh-oh, this is dangerous!




3. masusukahan ko siya.
23. may earing siya.


NOOOOOOOOOOOOOOO~!



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText