22nd
22nd~
Summer: What else do you remember?
I have no idea how we are going to do that.
"Dito tayo unang nagkita."
Umihip ang malakas na hangin kaya hinawakan ko ang hat kong galing Taiwan. Nasa pier kami ngayon ng Sortee.
Tama! We are here to relive the past. Kung akala niyo tinalikuran ko ulit ang syudad at ang pag-aaral ko, nagkakamali kayo. Sembreak ngayon. Kahit na tatlong araw lang kami dito (dahil yun ang gusto ng mga magulang ko) sa tingin ko sapat na yun para ma describe ko sa kay Lex kung paano kami dati. Sana lang may maalala siya kahit konti.
Nagmartsa ako sa mismong lugar kung saan niya pinark ang sasakyan niya noon para sunduin ako.
"Susunduin mo sana ako noon." Sabi ko.
Tinanggal niya ang hat ko.
"Pero nasagasaan ko 'to?" Sabi niya.
Hindi parin talaga nawawala ang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing sinasabi niya yun. Parang siya... Parang siya noon. Parang naaalala niya.
"What else do you remember?" Tanong ko.
"Wala na. Yun lang." Ngumiti siya. "But I bet you were angry. Tinarayan mo ako."
Napangiti ako.
"Yep. Unang pagkikita natin, galit na ako sayo." Sabi ko.
Pumasok kami sa loob ng van ng Sortee na maghahatid samin. Pagkadating namin, sinalubong kami ni Manang Alicia at iba pang nagtatrbaho sa Sortee. Nandun nga rin si Rocky - yung manyak na lifeguard at Kate yung epal na receptionist.
Napaiyak si Manang Alicia at niyakap kaming dalawa ni Lex.
"Miss na miss ko kayong dalawa!" Aniya.
Ibinaling niya ang tingn niya sakin.
"Nabanggit ng mama mo sakin na pupunta kayo dito para may maalala si Sir Lex. Naku!"
"Opo manang..." Sabi ko naman.
Nakita kong binati ni Lex ang mga empleyado ng Sortee. May surpresa pa nga silang Welcome Back Sir Lex na tarpaulin at may handaan pa talaga. Nagsiiyakan sina Kate.
"Pakiramdam ko tuloy ang tagal kong nawala." Humalakhak si Lex nang papunta kami sa kwarto.
Yung kwarto niya ay ang kwarto niya noon.
"Diyan ka tumuloy noon. Dito naman ako." Sabi ko sabay turo sa kabilang pintuan.
"If I was that crazy about you, I should've let you live in my room." Tumawa siya.
Na-blush tuloy ako.
"Eh hindi naman tayo bati sa simula. hmp! Galit ka nga sakin nun! Galit din ako sayo! Pinatuloy mo lang ako dahil cousins kami ni Aliyah!" Sabi ko.
Iniiwasan ko ang mga mata niya.
"I'll just change." Sabi ko at agad pumasok sa room ko.
Alam kong weird pero may na realize kasi ako.
kaya kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari, pero hindi ko kayang idescribe ang feelings niya para sakin. Walang nakakaalam kung gaano niya ako kamahal. Kahit ako, hindi ko alam. Paano ko yun maipapaalala sa kanya?
Napabuntong hininga ako habang naglalakad-lakad sa resto na pinagtrabahuan ko noon. Malapit ng mag lunch at hula ko natagalan si Lex dahil inasikaso niya pa ang pending papers sa hotel. Sinamantala ko ang pagkakataon para mamasyal.
"Pssst!"
Nahulaan ko ding tatawagin ako ni Kate.
"Bakit?" Lumapit ako sa front desk.
"Wala siyang maalala diba?" Sabi niya mukhang nakikisimpatya.
"Oo. Don't worry, ako lang yung di niya maalala."
Nanlaki ang mata niya, "Bakit?"
"Hindi ko alam."
"Ano ba kasi talaga ang nangyari? Naaksidente diba?"
"Oo." Sabi ko. "Dahil sakin."
Marami pa sana siyang itatanong pero dumating si Lex.
"Lunch?" Sabi niya.
"Okay!"
Kumain kami sa loob ng restaurant. Nakita ko yung pianong pinagtugtugan niya noon ng If You're Not the One at You Found Me.
"May tinugtog ka dyan noon." Sabi ko pagkatapos naming kumain.
Tumayo siya at tumugtog. Pero di yung tulad ng dati.
"let's go out." Naglahad siya ng kamay pagkatapos niyang tumugtog.
Kahit na mejo nalungkot ako dun, napawi din naman agad dahil sa pagyayaya niya.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;