<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 31-40


[STEP #31] Bridgette Reah Francisco: I cannot move.




School Fest na, I'm wearing the newest and the best attire para lang sa araw na to. I don't know kung bakit ko gustong magpaganda talaga ngayong araw na to. I DON'T KNOW. Pag labas ko sa bahay, I know for sure that this will be my day. Maybe because someone told me to meet him today. ANO DAW? Si Rico? Oo, siya. Hindi ko pa siya nakikita ever since umaalis siya ng bahay. Pero kampante akong makikita ko siya ngayon. Of course, sa banda nina Hiro, wala siyang kawala dun.

The day went well, it was my day indeed. No, It isn't my day yet, without him.

Naghihintay kami nina Sam at Anya dito saa soccerfield. Malapit ng magsimula ang banda nina Hiro. And I'm so excited.

“Gette!” May tumawag sakin galing sa likuran, it was Hiro.
“Yo, good luck!” Sabi ko.
“You're my luck remember?” Sabi niya sa akin.

And that usual kilig-reaction of Sam and Anya wasn't there anymore. I turned the tables. noon, ayaw na ayaw nila kay Rico, pero ngayon, si Hiro na ang aayaw nila.

Ganoon pala yun, the world is really changing. Malay natin, bukas, ayaw na naman nila kay Rico. At malay natin, bukas, ayaw ko na kay Rico. O bukas, ayaw ko na kay Rico... pero gusto niya na ako. We really can't tell. Pero, one thing is for sure: My feelings for Rico right now, seems so strong to be forgotten and to be changed.

Habang nararamdaman kong malakas yun, mas nanghihina ako.

“Gette, May dinedicate akong song sayo!” Sabi ni Hiro.
“Ganun ba?”
“Oo, sige ah. Magbibihis muna ako.”

Then we waited again. Hanggang sa nakita ko na lang ang stage na may laman na at maraming tao na ang nakapaligid sa amin.

Gabi na rin at kitang kita ko ang mga bituin sa langit.

And when they started playing the guitar, my heart started to beat fast too.

Dahil ang mismong nagpapaandar sa gitara, ay si Rico.

“Hell, your Rico is so hot tonight!” Sabi ni Sam na halos di ko na marinig dahil sa ingay ng mga taong nagsisiksikan sa paligid.

Kumanta na si Hiro, pero binalewala ko yun, parang all I can see from where I was standing was Rico.

Habang hawak niya ang gitara at seryosong tinutugtog ito, nabigla ako nung tumingin siya sa akin half smiling. AT OO, this is real. tumitingin siya sa akin – at sa akin lang. Walang Sandy, si Bridgette lang.

“OOOOOOOOH my gosh. Your prince is looking at you!” Sigaw ni Anya at naghuramentado ang dalawa habang nakangiti lang ako't pinagmamasdan si Rico at nasisiyahan ako sa pag-iisip na pinagmamasdan niya rin ako.

And it was not a dream, it was real.
PROVEN: This is my day.

Natapos na lang, pero hindi ko na napakinggan ang sinasabi ni Hiro na dinedicate niya sa akin na song. The center of my attention is just Rico.

Natapos ang lahat kahit ayaw ko talagang tapusin yun. It is better that way, it is better that he'll look at me from afar and see through me.

“Gette, anong gagawin mo ngayon?” Tanong ni Anya.
“Ano pa ba? Edi icongratulate niya si fafa Rico dun sa backstage!” Sabi ni Sam.
“ha? B-bakit?”
“He is staring at you from the time their show started tapos di ka man lang gumawa ng move?” sagot ni Sam.
“Sige na, nasa back stage pa lang sila ngayon for sure, hindi pa sila nakakabalik sa office ng Hero.” Sabi nina Anya while pushing me away.

“Hi-hindi. Sa office na lang ako ng Hero maghihintay kasi baka magduda pa si Hiro kung sa backstage.” sabi ko. What a lame excuse.
“Edi i—congratulate mo rin si Hiro para di siya magselos.”

Napatingin ako sa likuuran ng stage pero di ko talaga maatim eh. Ang dami kasing babae doon at parang di ko sila maco-congratulate ng maayos.

And so, I headed off to the Hero Headquarters – ang office ng banda nila.
And since none of my two ingratitang friends ang maay gusto sa decision ko, ako lang mag-isa ang pumunta.

“For sure, pag makikisoot ako dun sa backstage at nakita ng ibang inggitera na si Bridgette na naman ang pinapansin ng mga lalaking yun, the rumors about me being a b*tch will rise again.” Napabuntong hininga ako.

Habang papapasok ako sa office, nakita kong bukas ang pintuan.

“Eh?” Sinong andito? Wala dapat diba?

Sumilip ako para tingnan and I saw the biggest show I've ever seen in my whole life.

SOMEONE IS KISSING SOMEONE PASSIONATELY.

And it seems that the girl was the one bringing the show. Obviously, ang babae ang tumutulak sa lalaki. Para bang ayaw nung lalaking humalik.

“Ano ba? Since high school, alam mo naman diba?” I heard the voice of the guy.

And I was still out of my mind.

“Hiro, why can't you love me?” Sabi ng babae.
“Hindi kita gusto. Tingnan mo nga yang itsura mo, ba't di mo ikumpara ang sarili mo kay Gette?”
“Gette, Gette, puro na lang Gette! May mahal nang iba yun!-”
“And who will it be?” Tanong ng lalaki.

OMG, WTF. I heard my name.

And yes, Hiro was the guy. WTF are they talking about?

“Huli na to Hiro. Sasagutin ko na si Rico mamaya, you must tell me that you don't love me and you will never love me.”
“p0ta. I don't love you and I'll never love you. Ilang beses ko ba yan kailangang ulitin? Kahit ilang beses mo pa akong halikan, hinding hindi yun magbabago! HEAAAAAAR THAT?”

And I heard Rico's name!

The girl who is kissing Hiro was – SANDY.

And for the second time around, naitulak ko ang pintuan at nadapa ako di kalayuan sa dalawa.

Nakita nila ako at nabigla silang dalawa pero nagpatuloy sa pagsasalita si Sandy na para bang di nakakaramdam ng takot sa mga maaari kong marinig at isumbong kay Rico.

“Sasagutin ko siya! At titiyakin kong mamamatay ka sa selos at inggit because after this, I'm gonna change.” Sabi ni Sandy sabay alis.

Pero bago siya tuluyan nakaalis, may mga salita pa siyang binitiwan para lang sa akin.

“Go on, tell him that I don't love him and I'm just using him. Let's see who will end up crying.”

For the first time in my life, ngayon lang ako nakaraamdam ng panginginig dahil sa galit at poot.

For the first time, hindi ako makapagsalita at makagalaw dahil sa bigla at sa poot.

First time kong gustong pumatay ng tao at labagin ang human rights at lahat ng rights sa mundo. KAYA HUMANDA SIYA.

"Gette, m-mali ang iniisip mo! I don't like that b*tch! Gette, please let me explain!"

I cannot move.





[STEP #32] Bridgette Reah Francisco: I`m letting go.


"I didn`t do it!" Sabi ni Hiro sa akin.

LIKE I CARE? Tulala parin ako.

"Gette, listen to me!"

Dumating yung ibang taga Hero pero wala dun si Rico.

"She dragged me here. Tapos, bigla na naman niyang sinabi sakin na mahal niya ako. Nung high school pa siya ganyan eh. Naiinis at naiirita nga ako. At ngayon lang may nakahuli sa kanya! Hindi rin kasi naniniwala ang barkada ko na may gusto siya sa akin!"

Tumingin silang lahat sa amin. At narealize kong kailangan kong puntahan o hanapin si Rico.

"Gette, yung fone mo!" Sabi ni Hiro.

My phone is ringing pala. Ngayon ko lang namalayan.

"Hell-?"
"Gette, asan ka? I`m preparing my surprise for Sandy. Pumunta ka dito sa park please."
"Okay." Sabi ko.

Nagmadali akong umalis at... "Wa`g mo akong sundan!" Sabi ko kay Hiro dahil namalayan kong aalis siya kasama ko.

Sa kabutihang palad, hindi niya naman ako sinundan. Nagmadali ako papunta dun sa park malapit sa 1720.
Lumalalim ang gabi, lumalamig ang panahon.

Will this be my night? Or not?
Sasabihin ko ba kay Rico? O hindi?
Kung sasabihin ko kay Rico, anong mangyayari?
Kung hindi ko sasabihin kay Rico, will Sandy win?

I can`t let her win! But I can`t turn Rico down.
Pero mas masasaktan naman siya kung nalaman niyang may alam pala ako pero di ko sinabi sa kanya!
THAT B1TCH~!

I can`t let her get away with that! Pero, I don`t wanna hurt Rico, either.

Ilang sandali ang nakalipas habang naglalakad ako papuntang park. Nakita ko na lang si Rico at nagmamadali papunta sa akin.

"Gette, favor?" Sabi niya habang hinihingal.

Sa likod niya, I saw a table. May mga pagkain at bulaklak. ROMANTIC~!

"Ano yun?" Sabi ko na walang kabuhay-buhay.
"Paki hawak ng balloon na to." Sabi niya habnag ipinakita ang tatlong balloon na may naka bitay pang tela na may nakalagay 'Will you be my girlfriend?'

Hindi ako makapagsalita. At this time, everything is ready. The dinner, and even this. I can`t tell him that thing now! Masasawi siya, masasaktan. With all of this efforts...
Binigay niya sa akin ang balloons at ipinahawak sa kamay ko ang tela pero wala akong lakas ng hawakan ko iyon kaya bigla kong nabitawan.

"OY!" Sigaw niya habang kinuha yung balloon. "Anong nangyari sayo? Gette, please?" Sabi niya.
"Okay." Sabi ko at yumuko ako. "Para saan `to? Gabi ngayon ah? Di parin `to makikita dahil masyadong madilim."
"Pakawalan mo ang balloons pa`g putok ng fireworks." Sabi niya habang papaalis at nakita ko si Sandy.

Kararating lang niya, and look at her outfit!
Nagpalit siya ng damit. From that 'trapo' to 'that'? Para siyang nagpalit ng katauhan.
Then I remembered what she told Hiro earlier. Na magbabago siya? So she means that? STUP*D!

Muntik ko ng mapunit ang tela sa balloon.

"So, there`s a lot of effort huh?" Sabi ko sa sarili ko.

"You look good!" Sabi ni Rico sa kay Sandy.
"Of course, espesyal ata to sakin." Sabi ni Sandy habang umupo sa upuan.

And then they started talking about sh*t.

LOOK, I QUIT!
After this, is summer right?
Dalawang linggo na lang, wala nang pasok. Then maybe I can ask my parents something like ayoko na sa skul na ta kaya ta-transfer ako?
NO GOOD. I can`t run! I can`t hide!

Pagkatapos neto, tapos na ang obligasyon ko kay Rico. But in the end, talo ako.
He gained something, she gained too. But I gained nothing, in fact, I lost something.

ANONG GAGAWIN KOOOOOOOOO?

"I think I`m falling for you!" Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang pangalawang show for the night.

Hinalikan ni Sandy si Rico. And then the fireworks started.

"So, this is useless, huh?" Sabi ko habang tinitingnan at pinapakawalan ang balloon sa mga kamay ko.

I`m letting go.

Before he asked her to be his girlfriend, nasagot niya na. GREAT.



[STEP #33] Bridgette Reah Francisco: Hiro, wa`g na!



"I love you too, Rico!" Sabi ni Sandy.

Nakikita ko sa mga mata ni Rico ang kaligayahan.

"GEEEEEEEEEEEEEETTE!" Sigaw ni Rico. "Narinig mo ba yun?"

Sigaw niya sakin. Hindi ata alam ni Sandy na andito ako. Kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko.
Nakita kong nabigla siya.

Anong gagawin ko? Sasabihin ko o hindi?
Hindi?


"Thanks for being our bridge," Sabi ni Sandy. "BRIDGEtte."

Paulit-ulit na tumunog ang pangalan ko sa mga tenga ko.
BRIDGE. GETTE. BRIDGE... BRIDGETTE. Bridge.

Sorry, Rico. Pero di ko na kaya `to. Kahit sino, wa`g lang ang babaeng yan. Okay lang kung hindi ako ang pipiliin mo. Pero bakit siya pa?

Pumunta agad ako sa kanila. I can`t describe my face this time. I want to fake a smile but I just couldn`t. Dahil alam ko, sa oras na makalapit ako sa kay Sandy...

*SLAAAAAAAAAAAAAP*

"G-Gette?!" Sigaw ni Rico.

He was horrified seeing me hurting HIS ONE AND ONLY!
Natatakot din akong madismaya siya sa akin. Pero, my blood wants to crush this girl.
Not because she got the guy I love. But because she was cheating!

"You LOSER! Anong akala mo sa sarili mo? Napaka plastic mo! How dare you! B1tch!" Sigaw ko.

I`m holding back my tears. And I don`t know why my tears are coming out. Lagi naman akong ganito kapag may inaaway ako. Pero... bakit ngayon...

Hinawakan ni Sandy ang pisngi niya at umiyak siya.

"HOY B1tch! May pa-iyak-iyak ka pa riyan! Napaka plastic mo! You cheater!!!!!!!!"
"Gette. Ano ka ba?" Sabi ni Rico.
"Eh kasi naman, YOUR GIRLFRIEND is a BIIIIG cheater. Sinagot ka lang niya para---" GODAMNIT I can`t say those words. "---Sh1t."

Narinig ko ang pag hagulhol ni Sandy. Rico comforted her.

"You like him, don`t you?" Tanong ni Sandy sakin habang hinahabol ang hininga.
"SINASABI KO LANG YUNG TOTOO. YOU PLANNED EVERYTHING RIGHT? KAYA PALA NUNG UNA KO KAYONG NAKITA, AMPANGET NA NG IMPRESYONG BINIGAY MO SA AKIN. DAMN YOU!"
"GETTE~!" Sumigaw ng mas malakas si Rico.

Tumahimik ako. Ang tanging naririnig ko ay ang paghikbi ni Sandy.

"Gette! Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Rico sakin.

Sa kanyang mga mata, nararamdaman kong galit na galit siya sa akin.

Pero, I think it`s better that way. Mas mabuti pang magalit siya sa akin dahil nagpapakatotoo ako, kesa masisiyahan siya pero binobola ko naman ang sarili ko.

"SANDY. WHY DON`T YOU TELL HIM YOUR INTENTIONS? MGA INTENSYON MO KUNG BAKIT MO SIYA SINAGOT? RICO WANTS TO HEAR IT."

Nakikita ko sa mga mata ni Sandy ang galit sa akin. Even if she is pretending to be weak and crying this time, I know that she was pissed.

"I know you`re pissed. Kasi I`m ruining your plan." I smiled.

Pero nanginginig na talaga ang kamay ko. It`s because Rico is listening. Natatakot akong madismaya siya. Baka kainisan niya ako. I don`t want him to hate me. But, I don`t want to hate my self for not being myself!

"Ano bang pinagsasabi mo, Gette?" Tanong ni Rico.
"I want you to hear it from your girlfriends' mouth. Kasi kung ako ang magsasabi sayo, baka akusahan lang ako ng MAGALING MONG girlfriend na may gusto sayo!"
"Why? Hindi ba totoo naman yun?" Singit ni Sandy.

I bit my lip.

"Oh no! Really? So, you want to talk about me because you want to cover up your DIR-TY LIT-TLE SEC-RET, right?" Sabi ko.

It`s true. I like him. I love him. Pero this is not the best time to tell him that crap! Kung sasabihin ko iyon, every thing will turn out to be an absolute waste of time. Baka isipin ni Rico na kaya ko sinisiraan ang bruhang nerd na to eh dahil may gusto ako sa kanya.
Calm down, Gette! We will tell him the truth about your feelings someday. Not now.

Nabigla si Sandy sa mga sinabi ko. Rico can`t do anything.
I know, because he trusts me too.

"Hindi yan totoo, Rico. Wa`g kang maniwala sa sinasabi niya." Sabi ni Sandy.
"May sinabi ba ako? Oh c'mon Sandy! Cut that crap! Why don`t you just tell your boyfriend your dirty little secret. You shouldn`t keep secrets right?" Sabi ko.

This time. I`m both happy and sad. Happy dahil parang may pinalabas ako sa sarili ko. I was relieved. But not completely.
Sad dahil I know, after this... baka hindi na kami mag usap ulit ni Rico.
I know, because Rico loves this cheater a lot. And since alam kong ganon ang mangyayari, I need to give everything this time.
Kahit na, magalit si Rico sa akin.

"Baka ikaw ang cheater! Ang lakas ng loob mong sabihin yan! Sino ba sa ating dalawa ang may double-doubleng boyfriend ha, Gette? And then, you are telling all this lies to Rico because you like him, right?" Sabi ni Sandy.

Napaisip ako sa sarili ko. Bakit kailangang ungkatinb pa iyan? That was my fault before. But...

Sasampalin ko na sana siya, kaso... Rico stopped me.

"Tama na, Gette!" Sabi niya. "Bakit mo ba siya sinasaktan? Kilala mo ba siya? Don`t judge her."

OUCH! WTF.

"Sh1t."

I don`t wanna cry. Para akong binasted this time. The line between Love and Hate is very thin. I`m hating him. I`m hating him. Kasi, eto ang pinaka unang pagkakataon na hindi ako napili. I was rejected, and I hate him for doing that. Hindi ko nga sinabi sa kanya ang nararamdaman ko, pero parang ganon na rin yung mga sinabi niya. I hate him. But I love him. :'(
Tumahimik ang paligid.

"What`s going on here?" Lumingon ako sa likod.

I was about to cry, but when I saw Hiro standing behind me, I was relieved. At last, may magpapatunay na. Pero, si Rico... he will be hurt.
Think about it, Gette! He will be hurt.

"OH Dear. May sinagot na ba??? May bagong mag syota?" Sabi ni Hiro.

I saw Sandy`s eyes filled with fear. Natatakot siya, kay Hiro. So that`s it. Kaya pala lagi siyang ganyan pa`g andyan si Hiro. It`s Hiro who can drive him into someone - I don`t know.
Kaya pala gustong-gusto ni Hiro na pagtripan si Sandy at si Rico. Because Rico loves Sandy and Sandy loves Hiro.
Then Hiro loves Me, but I love Rico. LOVE SQUARE?

"Bakit parang napepressure si Gette? At bakit ganyan ang mukha mo Sandy? Kani-kanina lang lumapit ka sa akin at hinalikan mo ako." Sabi ni Hiro.

Rico was shocked that he punched Hiro so hard.

"Tama naaaaaa!" I shouted.
"Hiro, wa`g na!" Tinitigan ko si Rico.

His eyes was filled with pain, hatred and sorrow. I know, Rico. Pero, too bad. I`m still Bridgette Reah Francisco. I`m this girl.
I`m gonna crush your girl`s face if she dares to mess up with me - and with you. I`m this girl. But if you`re not on my side. I`ll leave you alone to realize whatever you want to realize.

Tumayo si Hiro. And Rico was always ready to punch him again. Kaya lang nakatitig siya sa akin ngayon. Galit siya. Naiinis siya.

"You don`t want to hurt the person you love right?" Tanong ko sa kanya.

ME TOO.

Tinitigan ko rin siya. Parehong pareho sa mga matang ipinapakita niya sa akin. Those eyes were ready, ready for the consequences.

"Hiro, tama na. Umalis na tayo. Some people are not worth the truth."

Umalis ako - and I am crying.

"Sandy, sana maging masaya kayo. Kahit ako naman talaga ang gusto mo! HAHAHAHAH~!" Hiro laughed out loud.
"HIROOOOOOOOOOOOOOOO! Sh1t! Naririnig mo ba ako? O baka isa ka sa mga taong hindi nakikinig?" Sumigaw ako habang naglalakad papalayo sa kanila.
"Yeah, yeah! Bye!" Sabi niya habang umalis na.

Think about it, I`m the same Bridgette. May prinsipyo.
I can`t lose my self just because I`m in love with him.





[STEP #34] Bridgette Reah Francisco: You deserve it.



Naglalakad ako papalayo sa kanila Rico. At alam kong andiyan si Hiro at sinusundan ako. I went straight to 1720 dahil andun sina Sam at Anya naghihintay sa akin.

Nakikita ko si Sam at Anya, nagku-kwentuhan pero mas malinaw sa mga mata ko ang baso sa kanilang harapan. Ewan ko kung ano yun pero ininom ko na lang yun ng basta dahil inuuhaw ako. Wala din akong pakealam kung malalasing ako dun, wala din namang kwenta eh.

"Gette, anong nangyari?" They asked.

I can't say a word.

"Umiyak ka ba?" Tanong ni Anya.
"Gette, you like him don't you?" Sa likuran ko, nakaabot si Hiro.

Unti-unting naramdaman ni Anya at Sam ang mga nangyari. Pero, bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka.

"So what if I like him?" Sabi ko.
"Then why don't you tell-"
"DON'T YOU DARE DO THAT!" Inunahan ko na siya.
"Huh?" Mas lalong nagtaka ang tatlo.
"`di mo ba nakikita? That nerd is in love with that b1tch! At sa tingin mo ba kaya ni Bridgette Reah Francisco'ng mabasted?" Sabi ko, and I was raising my voice this time.

Wala akong pakealam kung marinig ako ng mga may galit sa akin.

Nanahimik silang tatlo hanggang sa binasag ng bunganga ni Sam ang katahimikan.

"Who's the b1tch?"

Nagkatinginan kami ni Hiro.

"Si Sandy." Sabi niya.

Later on, nalaman din ni Anya at Sam ang lahat ng mga nangyari.

Mas desidido pa nga silang resbakan ako kesa sa sarili ko.

"OH MY, he chose the nerd?" Sabi ni Sam halatang matatawa.

Tumawa ako, as if everything was a joke. "HAHAHAHA, Oo. I can't even believe it. HOW THAT FCUKING BITCH, argh."

And now I know that the three of them: Hiro, Anya and Sam are just looking at me. And I don't care if they'll catch me crying or anything. Pero, instead na umiyak ako at at magwala, tumatawa pa ako. And take note, hindi ako tumatawa dahil masaya ako, kundi dahil wala na ako sa sarili.

"HAHAHAHAH~! Wa'g niyong ipag sabi ang lahat ng `to okay?" Sabi ko.
"Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?" Tanong ni Hiro.

I know that he was irritated dahil masyado na akong unreasonable. Ako na nga yung nasasaktan, ako pa yung nagpaparaya. I can't believe na magkakaganito ako. At alam kong ayaw din nilang maniwala. Who could have thought anyway?

"EH SA AYAW KO EH!" Now, I'm raising my voice over Hiro.
"Really? Kung ayaw mo, ako na ang magsasabi!" Sabi niya.

And I want to crush him for not being able to grasp my intentions.

"Sh1t! Ano ba ha? Ikaw ba ang may gusto sa kanya?" Then my eyes were wet.
"Dahil, Gette, kung matatagalan ka pa sa pag-iisip sa sagot, mas lalo akong matatagalan sa sagot mo ulit!" Sabi niya.

At parang lalabas na ang mga ugat sa kanyang balat sa pagkakasabi niya nun.

"Nag-iisip ba ako sa sagot? Di naman ah?" Sabi ko.
"Basta, alam kong hindi ka matatahimik kung `di mo malalaman ang totoong nararamdaman niya para sayo." Sabi niya.
"Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa akin. BullSh1t." Sabi ko.

And now, I'm overflowing with vulgar words.

"Kung ayaw mo talagang sabihin ko, edi sabihin mo. Kung ayaw mo namang malaman niya, edi sagutin mo na ako." Sabi niya.
"Hiro, are you threatening me?" Sabi ko.

Walang kwenta. Ganun ba ang gusto niya? I'll be his girlfriend kahit ayoko naman talaga sa kanya?

"YES, I AM." And he looks serious.
"Then, okay. I'll be your girl!" Sabi ko ng walang pag-aalinlangan at umalis sa 1720.

Hindi niya ako sinundan. At imbes na sumaya siya dahil kami na ulit, mas mukha pa siyang nasunugan. Bago ako tuluyang makaalis sa lugar na yun, nanginginig ako dahil dadaan ako sa park.

Doon, nakita ko si Sandy. Pero wala na si Rico. What happened? OMG. Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, kaya lang... "Gette!"

T`was Sandy.

Lumingon ako sa kanya. Umiiyak siya.

"Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan." Sabi niya. Pero di ako makapagsalita dahil `di ko naman alam kung anong nangyari. "Masaya ka na?"
"Maybe." Sabi ko. I just wan't to piss her more.
"You've got to be happy, right now." Sabi niya.

I was shocked.

"Dahil, ngayon lang `to at hindi na ito mauulit! At hinding hindi ka niya popormahan dahil alam niyang PLAYGIRL ka. Kung popormahan ka man niya, gusto lang niya ng panakip butas-"

180 degrees.

*SLAP*

Eto ang pinaka malakas kong hampas sa pagmumukha niya.

"If I caused your relationship to be ruined. Then..." Sabi ko, I'm preparing to leave. "You deserve it."

At umalis na ako ng tuluyan. I'm moving on. Ayoko na, nas-stress na ako sa buhay ko! Nung una, nabo-bored ako, ngayon naman nakakastress. Kailan ko ba mararanasang kiligin ng husto?

PATHETIC QUESTION.

Ano kaya ang nangyari kay Rico?


[STEP #35] Bridgette Reah Francisco: And Rico, is my karma too.


"OH NO~! Tapos na ang exams natin, Gette pero...-"
"Anya!!!" Saway ni Sam kay Anya.

Nandito kami sa cafeteria. At kung kanina pa naghahanap ng kung sino etong dalawang to, MAS KANINA pa ako naghahanap sa kanila, di nga lang halata.

"Anya, let's forget about that guy and think about summer!" Sabi ni Sam. "Saan tayo ngayong summer? OMG, I'm excited!"
Napabuntong hininga si Anya.

"Gette! Saan mo gusto?" Tanong ni Sam.
"Kahit saan. :) "

It`s been two weeks. Two weeks, di kami nagkita ni Rico. Ni hindi siya nagt-text at di ko rin siya nakakasalubong sa skul. Oh how I wish na makasalubong ko siya kahit ngayon lang, pero at the same time ayoko rin dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong i-react.

"AYUN!" Sigaw ni Sam.
"Asan?" Tanong ko.
"...si Hiro." Dugtong niya.

WALANG HIYA. Akala ko pa naman!

"Saan tayo this summer?" Tanong ni Hiro sa akin habang tumatabi.
"Kahit saan." Lumingon ako sa left side at nakita ko si Sandy.

I was expecting Rico to be with her. Kahit alam ko namang kahit kay Sandy ay di na siya nagpaparamdam.

"Have you seen him?" Tanong niya.

Mas palaban na siya ngayon, kaya na niyang makipag-usap sakin kahit nandito si Hiro, Sam at Anya.

"I don't know." I rolled my eyes.

Pero, infairness nagbago na ang nerd. Ewan ko kung dahil ba iyon kay Hiro o kay Rico. Pero nagbago na ang pananamit niya. Ayon sa mga kilala ko, may posisyon na daw siya sa hall of fame ng mga Nursing students.

She walked away. Pati pala sa kanya, di parin nagpapakita si Rico, ano kaya ang nangyari sa kay Rico?
I'm worried. Pero I'm in the process of moving on.

WHOLE SUMMER.

Proseso sana ng pagmo-move on ko kaso, mas lalo ko siyang na mimiss. Kahit anino niya hindo ko na nakita. Syempre, wala naman kami sa skul eh.

"Gette," umayos ako sa pag-upo. "Let's break up!" I was surprised at muntik ko ng mahulog ang aviators ko.
"Why?" Tanong ko habang tinititigan si Hiro.

Hindi siya sumagot so... "Okay, kung yun ang gusto mo." Sabi ko. I don't wanna be mean pero di ko naman kasalanan `to.

"I can't make you happy." Sabi niya.
"I am happy."
"You are?"
"Well, yeah!" But, it's not because of you.
"It's not because of me."
"Of course, happiness is a choice."

Napabuntong hininga siya. This guy, is a badboy. And I can't imagine a badboy saying this.

"Maybe you are my karma." Sabi niya habang humarap sa malawak na karagatan.
"Maybe." Sabi ko. "And Rico, is my karma too."

Lumingon siya sa akin para kumpirmahin ang reaksyon ko.

"But I won't let him hurt you again, that's for sure!" Sabi ni Hiro.
"Sure. Di niya naman ako masasaktan eh, dahil di ko na siya makikita."
"Huh? Bakit?"

Di ko na siya makikita? That statement, is a masked statement. Ang totoong pakay nun, ay para may mag-paasa sa akin na makikita ko pa siya.

Enrico Gonzales, where the hell are you?



[STEP #36] Bridgette Reah Francisco: Sure, ikaw naman ang nakaupo diyan kanina diba?


"Gette! Thank you! I love it talaga!" Sigaw ni Sam sa akin.
"Nakakabingi ka naman! Last week mo pa yan inuulit-ulit!" Sabi ko habang papasok kami sa Building namin.
"Eh kasi naman! Gustong-gusto ko yung binigay mo!" Sabay pakita sa bag niya.

Galing akong Hong Kong. Pagkatapos nung outing namin sa isang Beach Resort, I went to Hong Kong for a vacation. Alam nyo na, gusto kong makalimutan ang lahat. And thank God, mukhang nakalimutan ko na nga.
I mean, basta, wala na akong nararamdamang kahit ano. Anya and Sam stopped talking about HIM na rin.

Si Hiro naman, minsan yinayaya akong lumabas. He's still around me but not that annoying anymore. And I'm still Ms. Popular. Siyempre, `tong school namin pinagtutuunan ng pansin ang mga estudyanteng buhay celebrity tulad ko. Or maybe, hindi ko na talaga maiaalis ang kasikatan ko dahil sa mga pinaggagagawa ko NOON.

"Bridgette!" Si Anya.

Kamustahan dito, kamustahan doon. First day of school. Tatlong buwan din kaming di nagkita-kita.

"Anya, tumaba ka!" Sabi ko.

Nagtawanan kami. Habang panay ang usapan naming tatlo, aksidente kong narinig ang isang grupo ng mga taga Communications Club.

"Si Rico? Really?" Sabi nung isang babae.
"Yun bang nanalo sa Hall of Fame sa Med department?"

My heart skipped a beat. Tatlong buwan kong hindi narinig ang mga pangalan niya.

"Gette?" Sabi ni Anya.
"H-huh?" Sabi ko.
"Nakikinig ka ba?" I was still shocked. "Ang sabi ko, pumunta kayo sa bahay namin this weekend, kasi yung mga pasalubong ko!"
"O-okay!" Sabi ko.

"HAAAY Gette, Ginugutom ka ba? Pumunta muna tayo sa cafeteria bago tayo pumasok sa first class natin, marami pa namang oras eh." Sabi ni Sam.
Nag lakad kaming tatlo.

Parang ayokong pumunta, para akong takot. Nanginginig ako, at para akong bata na titingin ng horror movie kahit takot sa multo. OH NO. Don't tell me na wala lang yung effort kong pag-out-of-town at LOOOONG vacation para lang ma ENLIGHTEN at makalimutan ang NERRRRD na yun?
I guess I`m thinking too much again. So I started chatting with them.

"Nakita niyo ba si Hiro?" Tanong ko.
"Uhm, nakita ko siya kanina, kasama si Jishi at ibang Hero members."

My heart skipped a beat: Hero members?

"Ahhh, siguro classmate din natin siya sa first class noh?" Tanong ko. I feel so stupid, di ako makahanap ng magandang tanong.
"Syempre naman!"

I can now see the vicinity of the cafeteria.

"Si Rico? Hall of Fame? WOWWW!" Naririnig ko na naman ang pangalan niya out of nowhere.
"Enrico Gonzales, as expected!"
"Ang galing niya no?"
"Nag bago na talaga siya, I don't know what happened to him!"

WHAAAAAAAAAT THE HELL HAPPENED? este, okay, I'm not interested. Kaya pumasok kami sa loob ng cafeteria and I don't know if nakadrugs ba ako o talagang kelangan ko ng magpacheck-up sa tenga dahil naririnig ko ang mga pangalan ni Rico kahit saan ako magpunta!

"Ang galing niya! Nagbago na talaga siya."
"Kilala ko si Enrico, magkaklase kasi kami sa high school, I can't believe ganun na siya ngayon."
"Wala masyadong nakakaalam nun eh. Ano kaya talaga ang nangyari?"


Umupo kaming tatlo sa isang table habang panay ang text ni Anya sa, si Sam naman ay mukhang may hinahanap, kaya ako lang ang may kakayahang makinig sa mga usapan ng ibang tao.
And take note, kahit ayaw ko naman talagang makinig, naririnig ko parin dahil ang lalakas ng boses at lahat ng tao dito ay pinag-uusapan siya.

"Bakit di pa innanounce ng Communications Club yun? Grabe, achievement yan!"
"Di lang talaga gwapo si Enrico, noh?"

I can hear those words from someone I've never seen before. Sumikat ba siya o talagang marami siyang friends?

"Hindi ako makapaniwala, unexpected talaga. Grabe naman si Rico."
"Diba may girlfriend siya?"
"Hindi ata, he was still courting that girl pa lang daw!"
"Nursing student din yung girl diba?"
"Oo, pero, ewan ko kung bakit di siya sinagot nung girl."

"EXCUSE ME, Sinagot siya nung girl pero nakipagbreak siya pagkatapos siyang sagutin!" Sabi ko.

WAAAH~! I guess, di lang auditory skill ang nakuha ko sa pag babakasyon, pati na rin ang pagiging madaldal at bastos! BAKIT GANITO. I can't hold my mouth. At parang nagiging level-down na ako imbes na level-up sa COOLNESS!

"H-huh? Bridgette?" Sabi nung isang di ko naman kilala.

Hinila ako ni Sam at Anya papalabas ng cafeteria, nahiya ata sila sa ginawa ko.

"Gette, masama ang nakikinig sa usapan ng iba!" Sabi ni Sam.
"Alam ko naman yun Sam... pero-" Lumingon kami sa left side.

"Oo nga! Sandy yung pangalan nun, ayun siya! Baka may alam siya!"
"Siya ba yan? Bakit nag iba na siya? Di naman siya ganyan last sem ah?"
"Ewan ko nga ba, andaming nagbago ngayong taong to, and I'm sure it will be exciting!" Linapitan nung mga babae si Sandy.

SI SANDY? Napatunganga ako. Ibang-iba na rin siya! Di na siya pumapasok ng nakasaya at may malaking bag. She looks like an ordinary student for me.

"Kanina pa to ah? Puro na lang Rico, Rico, bukambibig ng mga tao puro Rico. Ano bang nangyari?" Tanong ni Sam.
"Akala ko ako lang ang nakapansin!" Sabi ni Anya.
"Gette, anong nangyari? Tsaka, diba si Sandy yun?"
"Ewan ko, di ko alam." Yun lang ang naisagot ko.

"Gette~! Anya! Sam! Andito lang pala kayo, pumasok na tayo! 5 minutes na lang!" Sabi ni Hiro.

I looked at Sandy at dumikit ang kanyang mga mata kay Hiro. Ngayon ko lang na realize na pareho pala sila ng pinanggalingang school nung high school pa lang sila, kaya gusto niya na siguro si Hiro noon pa.

"Hay naku, ayan na naman ang nerd na yan!" Sabi ni Hiro habang tumalikod.

Umalis na kami, ngunit ang mga naririnig ko paring usapan ay ang tungkol kay Rico. Hindi ko na matansya kung magkikita pa ba kami o hindi na. Pero, mukhang magkikita pa ata kami dahil marami akong naririnig tungkol sa kanya.

"Really?"
"Oo, ewan ko kung saan yun pumunta, basta umalis siya sa kinauupuan niya kanina. New student daw yun!"

May konteng kwentuhan akong narinig bago tuluyang nakapasok sa silid-aralan.

"Gette, nakita ko yung mga picture mo sa Hong Kong! Ang gaganda!" Sabi nung isang block mate ko.
"Ah, yeah. Thanks!" I grinned.

Umupo ako malapit sa bintana. Ayaw naman ni Anya at Sam sa kinauupuan ko kaya hinayaan ko na lang silang umupo malayo sa akin. Umupo si Hiro sa tabi ko.

"Pre, may nakaupo na riyan kanina. Nag CR ata!" Sabi ni Jishi.
"Huh? Eh, bahala na siya. Sino ba?"
"Ewan ko, di ko kilala, new student ata!"
Tumango si Hiro.

"New student naman pala eh."


May new student? Anyway, nangyayari naman yan kahit saang school eh.

"Hiro, sige na, sa likod ka na lang umupo. Baka magalit pa yun!" Sabi ko.
"Huh? Eh, new student naman-"
"Nerd nga pala siya! I mean, nerdy siyang manamit kaya okay lang yun." Sabi ni Jishi.

Naagaw ng salitang nerd ang interes ko.

"NERD?"
"Oo, Sabi nila, matalino daw yun!"
"Ahhh, Hiro, sige na sa likod ka na!"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Di naman siguro yun si Rico ano? Papaano naman yun magiging siya eh nursing si Rico? Natulala ako sa labas ng bintana.

"Ayan na siya,"

Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaking, weirdo kung manamit - pero mukhang ayos naman. Atsaka, marami siyang dalang libro kahit first day of school pa. Mejo may pagka mababa ang self-esteem niya kung titignan ko dito.

Napabuntong hininga ako nung lumapit siya sa upuang katabi sa inuupuan ko.

"B-Br-Bridge-gette, o-okay lang ba na dito ako?" Tanong niya habang nahuhulog pa ang ibang libro at kinuha ko naman.

Natigilan ang mga kaklase ko at para silang nasa sinehan kung makatitig sa aming dalawa.

"Sure, ikaw naman ang nakaupo diyan kanina diba?" I rolled my eyes when he smiled.

I don't wanna get involved with nerds again. Naaalala ko lang si Rico. And it's nostalgic.



[STEP #37] Bridgette Reah Francisco: Nagbago na siya


"Aaron A-Alon-zo." Nakapangalumbaba ako habang tinitigan ang kanyang mga kamay na nakalatag sa harapan ko.

Inalis niya ito bago ko maisipang duraan. (lol), naaasiwa kasi ako dahil hindi ko alam kung bakit buong klase namin ngayon eh lagi niya akong kinakausap.

"S-so-sorry, Gette!" Sabi niya habang dahan-dahang kinuha ang mga libro.

Ano ba `to? Kilala niya nga pala ako. Pero ganun na man talaga pag popular. HMMM. Umalis siya sa room.

"Gette, okay ka lang ba?" tanong ni Anya. "Tinarayan mo yun ah?"
"Huh? Taray ba yun? Eh hindi nga ako makapagsalita eh." Sabi ko.
"Ah ewan na nga, lumabas na tayo!"

Naglakad-lakad kami hanggang sa umabot kami sa cafeteria. Ilang minuto ang nakalipas, may nakita ako. Pamilyar na likod pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Could that be, Rico? Pero ibang-iba na ata siya kung maglakad at iba na rin ang mga kilos niya.

"Uh, mag C-CRlang ako!" Sabi ko at umalis.

Sinundan ko yung nakita ko. Hanggang sa nakita kong pumunta siya sa rooftop. PATAY, mukhang si Rico nga iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ko ba siya sinusundan? Ano ba ang plano ko? Ano ba ang iniisip ko't sinundan ko siya?

Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko nakita si Hiro. Malalim din siguro ang iniisip niya dahil mukhang di niya rin ako nakita.

*TUGHHH~!*

Tunog ng likod kong sumandal sa sahig pagkatapos naming magbanggaan.

"Araaay." Napapikit ako sa sakit.

Nung dinilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Hirong nakatingin sa akin at nasaibabaw ko.

"So-sorry." Sabi niya habang nakatitig parin.

I was stunned kasi grabe siya kung makatitig.

"What a show." May narinig akong pamilyar na boses sa likuran.

Umayos kami ni Hiro at nang nakita ko na ang pinanggalingan ng misteryosong boses na narinig ko, "R-Rico."

"Pumunta ba kayo dito para lang ipakita sakin yung posisyon niyo kanina?" He said.

I was completely stunned with his face, his new look, his attitude and what he said. And for the first time tinalikuran niya kaming dalawa na parang wala lang.

Tumayo si Hiro para sintukin si Rico.

"Hiro, tama na-" Sigaw ko.

Hinawakan ni Hiro ang kwelyo ni Rico.

"Pre, what was that for?"
"Ang alin ba?" Sabi niya in a sarcastic way.
"Yung sinabi mo!"
"Wala."

Hiro let him go. I was thinking na baka galit siya kay Hiro dahil dun sa tungkol kay Sandy. Pero nung tinitigan niya ako, hindi ko alam kung pati sa akin galit pa rin siya.

"Kayo pa rin ba?" Tanong niya.
"H-Huh?" I was stunned again.
"Oh may iba ka na naman?" He added and I was surprised.
"A-ano?"

What was that for? Bakit ang rude niya? Anong ibig sabihin nung tanong na yun. Then he turned back at naglakad papalayo.

"Nagbago na siya." Sabi ko.
"Ang walang hiyang yun!" Hiro was very angry. "Pasalamat siya't nakapagpigil ako. AAAAAAAAARGH! I want to crush his face."
"Hiro, wa'g na wa'g mong gagawin yan!" Sabi ko.

I feel like wala na akong mamahalin pa bukod sa kanya. I was able to deal with his changes, from that nerdy to the cool and now, the rude.




[STEP #38] Bridgette Reah Francisco: Daig ko pa ang artista, and thanks to you!



"Kaya naman pala eh!!! Eh ikaw ba naman matanggap sa Med school kahit 2nd year college ka pa. Grabe naman yun, ang talino niya ata at ang lakas pa ng loob niyang magtake ng exam sa Med School kahit 2ndyear pa!" Sabi ni Sam.

Si Rico. I never imagined this. Ang talino niya talaga! Hindi na siya nursing student ngayon, Medical Student na! GRABE. I mean, I never thought that he is that smart.

"He is the youngest pa! And If possible, siya yung pinaka batang ga-graduate na doktor sa school natin!" Sabi ni Anya.

Napainom ako ng tubig habang nakatingin at nakikinig sa dalawa.

"And... Soon, he will be Gette's DOCTOR! WAHAHAHA." Tumawa si Sam at Anya.

Muntik ko nang maisuka ang ininom ko.

"So, yun pala talaga ang plano niyo?"

Lumingon ako sa nagsalita. And he was behind us, na sa pocket pa yung kamay niya. And worst, it was Rico.

"Rico? Uh, Nagkakamali ka!" Sabi ko.

Anya and Sam were stunned. Hindi nila alam kung magsasalita ba sila o hindi.

"Anong mali?" He said.
"Mali yung narinig mo! Hindi ko yun gagawin! I mean-..."
"Ganoon ka pala talaga, Gette? You're still a playgirl!"

&^%!@#

"Sh1t!" Tumayo ako. "BAHALA KA KUNG ANONG GUSTO MONG SABIHIN! Napaka feeling gwapo mo naman para isiping bibiktimahin kita sa pagiging playgirl ko!" I am half crying.

Nakikita ko sa mga mukha niya ang bakas ng pagsisisi sa sinabi niya, pero nasaktan ako eh. Tumayo na rin si Anya at Sam dahil lumapit ako sa NERRDDDD NA SI RICO. Dumami ang tao, and I'm sure its because of the rumors about Rico and his fame plus ang kasikatan ko na rin. I saw everyone like Jishi, Aaron, Hiro, Sandy and many more.

Pinindot ko ang puso niya ng pangatlong ulit habang sinasabi ang mga ito, "I am not inlove with a person LIKE YOU, at wala akong planong paglaruan ka simply because I HATE YOU!" Nag walk out ako at nag give-way naman ang crowd. Sumunod si Anya at Sam sa akin.

I walked as fast as I can. "Gette, I'm sorry!" Sigaw ni Sam habang sumusunod sa akin.
"Okay lang! At least, naipalabas ko yung gusto kong sabihin."
"Pero, he insulted you!" Anya insisted.

I stopped walking but when I realized that everyone is still looking at me, I walked again. "I thought he was different!" Umiyak na ako nung pumasok kaming tatlo sa CR.

Linock na ni Anya para walang makapasok na iba.

"Were sorry."

"At least ngayon, may dahilan na talaga ako. Nakuha ko na ang closure na gusto kong makuha! I thought he was different!" They wiped my tears.

Nagbabago pala talaga ang lahat. Noon, close ako kina Sam at Anya, then there goes Rico. Nag close kami, at ngayon sila na naman. Rico is also, very different. I don't know what happened to him.

Umalis na ako sa CR pagkatapos ng higit na dalawang oras na pagiging istambay ko doon. Umalis na si Anya at Sam dahil may klase pa sila, I'm alone and I'm cheering myself up. Tumatawag si Hiro sa akin kanina, pero pinatay ko ang phone ko dahil gusto kong mapag-isa.

"G-Gette." May narinig akong malamyang boses sa likuran ko.
"RICO?" I said without even thinking.

Mabuti na lang at walang tao sa corridor at walang nakarinig except sa lalaking gumawa ng ingay. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng bulletin board, may glasses, at nakahawak sa strap ng bag niyang sling.

"Asan ang mga libro mo?" I asked suddenly.

It was the NERD by the way. No, not Rico. The NERD: Aaron.

"I-iniwan ko sa locker!" Sabi niya. I don't know why he's stuttering.
"Why are you stuttering? Hindi ako bampira! Hindi ako mangangagat!" I said.

He smiled.

I was a bit shocked with his smile. I remembered Rico.

"What do you want?" I said.
"Wa-wa-wala. Ah eh, wala."

Napabuntong-hininga ako at tumalikod sa kanya para sana magpatuloy sa paglalakad.
DAMN, I hate nerds.

"Uh, may pasok k-ka?"
"Wala. Bakit?" Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Then I realized I'm going to the rooftop again. Di ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Kahit ganun ang nangyari kanina, `di ko alam kung bakit hinahanap ko pa rin siya.

"Ano bah?" Sigaw ko nung nakarating na kami sa rooftop. It scared him.
"So-so-sorry, nagkataon lang na papunta din ako dito."

Sasagot na sana ako nung may mga babaeng dumating.

"So, Bridgette made a scene daw!"

OH MY, grupo na naman ng mga babaeng ayaw sa akin.

"So, gumawa na rin kayo ng sarili nyong SCENE kung naiinggit kayo. And oh, sa inyo na si Hiro. Nahuli ata kayo sa balita na wala na kami!" Sabi ko.

I suppose they are after Hiro.

"Ano namang gagawin namin kay Hiro? Ang sabihin mo, you're planning to get Rico."
"Huh?"
"Yes, pa-blingblind ka pa riyan! Yung youngest Medical Student na nerd noon at gumwapo na ngayon? May pa-ewww-ewww ka pa sa kanya nung nerd pa siya, at ngayon naman ikaw na ang hahabol-habol sa kanya."

Nainis ako. Tumingin ako kay Aaron na mukhang panggulo lang sa sitwasyon.

"Pwede bah, kung gusto niyo sa inyo na siya! Kahit ligawan ko yun ngayon, di na yun papayag dahil alam niyang playgirl ako."

They were speechless. Tapos nag walk-out ulit ako while murmuring, "God, saan ba ako pwedeng manahimik sa school na `to." Then someone grabbed my arms from those girls.

"Don't be so arrogant!"
"Kasalanan niyo yan. Kung hindi niyo ako pinag-uusapan at ginaganito, you won't see me being arrogant! Aminin niyo na kasing naiinsecure lang kayo."
"Shut up! We`re just irritated with your face and presence!"
"HAHAHA." They were surprised with my laugh. Kinalas ko yung braso ko sa babaeng nakahawak at may mga matutulis na kuko pa. "Kung may mas naiirita dito, ako na yun! Biruin niyo, araw-araw may sumusulpot na HINDI KO NAMAN KILALA at may sinasabing hindi nila alam. What's more shocking is that, alam nila ang lahat ng nangyayari sa buhay ko! Daig ko pa ang artista, and thanks to you!!" I smiled.

Nag walk-out na ako. I left them speechless. Mga sira ulo silang lahat!
At kelan pa nagkaroon ng fans club ang nerd na yun! Alam ba nilang ako ang nagpabago sa kanya?
Kaya siguro maraming naghahabol sa kanya ngayon dahil mas cool na siya. Med student at arrogante pa plus the new look. He's more gwapo now than before. LECHENG BUHAY `to. Bakit lagi na lang akong nalilink sa mga taong ganun?

"G-gette! Ang galing mo!!!"
"Ay anak ng-" I saw Aaron's face. "A-ano ba!"
"So-sorry ulit, namangha lang talaga ako sayo!" He smiled.



[STEP #39] Bridgette Reah Francisco: Ano ba kasing sinabi mo?



"Ba't ka ba sunod ng sunod?" Sabi ko kay Aaron.
"W-wala lang."
"TSSSSSSS. Pwede-" Bago ako makapagsalita...
"How do you produce a prince?"

Muntik na akong mahimatay sa tanong niya. Pero bago ako makasagot,
"Aaron?" si RICO!

Lumingon ako. Mainit pa rin ang tingin niya sa akin. Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Naiinis na ako sa mga mata niya! Gusto ko tuluyng pigaan ng kalamansi para matuto siya. Aalis na sana ako dahil ayokong masabihan ulit ng playgirl ng walang hiyang nnnnnnerr---gwapong ito! BUWISIT.

"Gette!" Tawag ni Aaron.
"Ano `to, Gette?" Hinila ni Rico ang braso ko.

Sa lakas ng pagkakahila niya parang gusto ko na siyang sapakin.

"Anong ano? Si Aaron ba? Tanungin mo na lang siya, magkakilala kayo diba?"

Kumukulo ang dugo ko at the same time malakas ang pintig ng puso ko. Ayoko na sa pagmumukhang guwapo ni Rico.
His mean attitude and his total change of everything! AYOKOOOOOOOOOO~!
Hindi ko na siya tanggap. KASI TINAWAG NIYA AKONG PLAYGIRL. Bukod dun, sinaktan niya pa ako. Ayoko na talaga.

Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko, "Ang sabi ko, ano `to?" Sabi niya habang tinitingnan ang braso kong namumula at mukhang dudugo na konteng pindot lang.

Binawi ko ang braso ko, "ouch!" kahit masakit.

Ngayon ko lang yun namalayan ah? ARGH. Ganun pa man, galit parin ako kay Enrico Gonzales. For calling me a playgirl, for being rude and for making me fall in love with him. NYETA! Kung alam lang niya na nakuha ko yan dahil sa kanya din, eh ano ngayon kung malaman ng mokong na `to! He doesn't care about me.

"Saan mo yun nakuha? O baka naman may nilandi kang lalaki kaya ganyan ang inabot mo sa girlfriend-"
*SLAAAAAAP*

"Ano ngayon kung may nilandi nga ako at pinaulanan ako ng death threats ng mga babaeng yun, ha? Ganun naman talaga ako eh, MALANDI! Masanay ka na!"

Nararamdaman ko na namang panggulo lang talaga si Aaron. Pero, naisip kong kilala niya ata si Aaron. Bakit? Alam ko na, mga nerd kasi sila! Baka kilala nila ang mga kalahi nila! ALIENS = NERDS.

He was a bit shocked sa sinabi ko. pero nagkasalubong parin ang mga kilay niya. Hindi na siya tumatawa o ngumingiti. Anong nangyari sa kanya sa loob ng 3months? Pero ang mas nakakairita ngayon eh tinitigan niya lang ako habang nagkakasalubong ang mga kilay niya.

"Ano? Nagtataka ka kung bakit andito parin ako? O baka naman iniisip mong linalandi na rin kita!?" Nag walk-out ako.

Ano ba to? Ilang ulit ba akong mag wo-walk-out ngayong araw na `to?

"Gette, saan ka galing?" Sinamahan ako ni Hiro sa paglalakad.
"Diyan lang sa tabi-tabi." Nagpunta ako sa cafeteria at bumili ng mineral water.

GOD, please gimme a break.
Aaron knows about the Producing a Prince? Tapos magkakilala sila ni Rico? Sinabi kaya ni Rico ang tungkol dun?
Then I saw Sandy coming.

"Gette," she looked at Hiro then she looked at me again. "Nakita mo ba si Rico?"
"Hindi." Sabi ko. "Bakit?" Uminom ako ng tubig.
"Tinalikuran kasi niya ako kanina eh."
"Bakit? Ano ba kasing sinabi mo?"
"W-wala."
"Yun naman pala eh, wala kang sinabi." Tumayo ako. "May pasok pa pala ako. Bye Hiro." I looked at Sandy and left.

GOSH! So creepy! Ano na ba ang nangyayari dito? Kay Rico? Kay Sandy? Sino si Aaron? GAAAAAH~!

"Gette," I saw Anya and Sam waving at me.

May pasok ako, pero sandali lang, mukhang may importante silang sasabihin eh.

"Si Aaron at Rico ay classmates nung high school! Baka kilala nila ang isa't isa!" Sabi ni Anya.

WHAT?

"And they're rivals daw. Narinig lang namin yun sa ibang kaklase natin na interesado kay Rico."
"AHH. HMM," Pero paanu nagkaganun?

Paano niya nalaman yun? ARGH.
I looked at my arms. Hinawakan ko ang namumulang parte sa braso ko. Tinawag niya akong playgirl at malandi, pero...

"Look who`s concerned!"



[STEP #40] Bridgette Reah Francisco: di ko siya lalandiin!


Si Rico at Aaron, RIVALS?
ARGHHHH!
AYOKO NA! Ano ngayon kung concern siya sakin kahapon? Eh, ngayon ngayon lang nag krus ang landas namin at ni `di niya man lang ako tiningnan. Porke't lahat ata ng mata nakatingin sa kanya eh di niya na ako papansinin? EXCUSE ME, kung showbiz to, starlet pa siya at mega star na ako. Buwisit naman. Nakakainsulto sa part ko. Sa ganda kong `to may lalaking nabubuhay pa palang di papansin sa akin. grrr.

"Anyway, Gette! I know that hurts!" Tumawa si Sam.

Kantyawan na ang inabot ko sa kanila dahil hindi ako pinansin ni Rico.
Lumingon ako sa right side at nakita kong umupo si Rico sa table na kinalalagyan ni Sandy.

"Tsk, tsk. Look at those EX-NERDS!"
"Sila na ba ulit? O they fixed the problem na?" Usisa ni Sam at Anya.

I stopped staring at them when Sandy caught me looking at her. Sinulyapan ko ulit at ngayon pati na si Rico ang nakatingin sa akin. Kaya I looked away agad. DAMN, I want to walk away. Bakit ko pa kasi sila tiningnan.

"Ahem." Sinita ni Sam ang di maipaliwanag na ekspresyon na ipinapakita ko.

Tiningnan ako ni Sam at Anya na may halong pagdududa at isang kalabit lang mukhang sasabog na sa kakatawa.

"The only guy who didn't make Ms. Popular pansin is a NERD! Kaya naman pala ang hirap kalimutan. At mas humirap pa dahil ipinagpalit siya sa isang nerd! At mas lalong humirap kalimutan dahil ngayon, ang dalawang nerd na yun ay naging prinsipe't prinsesa and they live happily ever after!" Sam stopped.
"HINDI! Itaga niyo yan sa diamond, HINDI ko na siya gusto at kahit magmakaawa yan sa akin, hindi ko siya pagbibigyan." I said.
"Because you were insulted!" Singit ni Anya.
"Whatever. Basta, ayoko sa kanya. AYOKO!" I said. Para akong nanggigil sa pagkakabigkas ko sa mga salita.
"Then, that's good!" Sabi ni Sam. "Well, para naman matuto yan no! He's not worth it!"

Tumingin ako sa left side at nakita ko si Aaron. Mag-isa sa table at walang kasama.

"Hey. Tinarayan ko nung isang araw si Aaron diba?" Sabi ko.
"Well, yeah!" Tumango si Sam.
"Sige, mag aapologize lang ako." Lumapit ako kay Aaron.

I left Anya and Sam at our table. Actually, wala ako sa tamang katinuan ngayon. Una, dahil napahiya ako sa tingin ni Rico at Sandy. Pangalawa, naaalburoto ang puso ko dahil andami kong tanong tulad ng: bakit nag-uusap si Sandy at Rico?; Sila pa ba o sila na ba ulit? Pangatlo: Anong alam ni Aaron sa akin o sa amin ni Rico?

"May...nakaupo...ba dito?" I pointed the chair close to him.

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may nang-uusisa ba sa akin. MERON nga. Tumingin na rin ako sa paligid para hanapin si Hiro, at wala siya. Then, walang istorbo.

"W-wala! Sige, umupo ka!" Then he smiled.

Umupo ako, "Sorry nga pala..."
"For what?" He asked.

Na mental block ata ako, hindi ko alam kung bakit ako nag so-sorry.

"Uh... ehh.. basta, sorry!"

A moment of silence.

"Uh.. eh... you know how to produce a prince, right?" SA WAKAS. He opened that topic.
"Huh? Ano yun?" Tanong ko.
"PLEASE? Produce me like what you did to him!!!" he whispered.

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.

"Ha? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, kanino mo ba iyon nalaman?"
"Please? Bakit ako, di pwede. Bakit siya, pwede?"

WHAT THE FCUK.

"Sh1t!" Tumayo ako. Lumingon ako kina Rico.

Wala ng ibang pwedeng magsabi nun sa kanya, kundi si Rico. Di naman siguro pwedeng si Sandy eh, mukhang di naman sila magkakilala! SI RICO LANG TALAGA! Damn him!

"Ewan ko sayo!" I went back to our table.

Feeling ko tuloy na kahit pasan ko na ang Earth, pinasan ko pa yung Mars dahil sa tindi ng poot na nararamdaman ko sa NERD na si RICO.
NERD NERD NERD KAAAAAAAAAA!

"NERD NERD NERD KAAAAAAAAAAA! HINDI KA GWAPO. KUNG GWAPO KA MAN, AMPANGET NAMAN NG UGALI MOOOO!" Sabi ko kasabay ng tugtog sa loob ng bar ng 1720.
"Sige gooo! Mag diliryo ka pa riyan! Nang maipalabas mo yang sama ng loob mo!" Sabi ni Sam.

Nagngingitngit ako sa inis habang magulo ang 1720. Naloloka na talaga ako. Umayos ako nung nakita kong paparating si Sandy.

"Gette, can we talk?" Umalis si Sam at Anya pagkasabi niya nun.

"Bakit ba?" I said.
"Didiretsuhin na kita. Pwede bang tigilan mo na yang pagpapapansin mo kay Rico!"
"WHA~! Pati ikaw? Goodness, anong pagpapapansin ang sinasabi mo. Bigyan mo nga ako ng halimbawa?"
"Ang pakikipagclose mo dun sa schoolmate niya nung highschool, at iba pa."
"Ano? Pagpapapansin na ba yun? Tsaka, excuse me. Hindi ako nakikipagclose sa kay Aaron at mas lalong di ako nagpapapansin sa kay Rico."
"Basta, tigil-tigilan mo yan!"
"Teka, look who's talking? Bakit ba? Ano ngayon kung magpapansin ako kay Rico? Si Hiro naman ang gusto mo diba?"
Umiling siya.
"So, si Rico na ang gusto mo ngayon? Wag kang mag-alala, di ko siya lalandiin!" I rolled my eyes. "Tsaka, ba't ka natatakot dyan? Diba mahal ka naman ni Rico?" I looked away.

Tumayo siya, "Siguraduhin mo lang na di mo siya lalandiin!" then she walked away.

GULAAAY, may gusto na siya kay Rico ngayon? OMG OMG! Ano na??

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText