<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

thirtysix-fourty


THIRTYSIX
Celestine Herrera: Ano ako sa buhay mo?






Jana: Ganito... Insert Dexter in your conversation ni Gabriel. Yung kayo lang dalawa ah?

Kelan ko naman masosolo si Gabriel ngayon? Siguro, bukas na lang o sa susunod na mga araw ko `to gagawin. Tatawagan ko na lang si Jana mamaya.

"Sigurado ka bang di ka na magpapahatid?" Tanong ng disappointed na si Gabriel.
"Wa`g na! Dinala ko naman kasi `tong kotse. Ang bait mo naman!"

Inabot na kami ng gabi sa labas. Asan na ba si mama at papa at kuya? Ba`t hanggang ngayon eh wala pa.

Babalik na daw si Gianna sa restaurant kasi hinahanap na siya ng mama niya.

"Ikaw, Cel? Hindi ka ba sasama sakin?"
"Wa`g na no! Andito na ako sa bahay... uuwi din naman sina mama dito eh. Mag aaksaya lang ako ng panahon kung sasama pa ako sayo."
"Aww. Tapos, sinong kasama mo dito? Kaw lang mag-isa?"

Tiningnan ko si Gabriel.

"Oo nga naman, Cel!"

Leche! Hindi niya man lang sinabing andyan naman siya kaya magiging okay lang ako! Bwusit talaga! Ba`t parang naiirita ako. Nasasaktan ako.

"Okay lang! Sanay naman ako eh. Panu, Gianna? Pasok na muna ako sa loob ah?"

Tatawagan ko lang si Jana. Gusto kong magmura eh wala akong mapagsabihan dito dahil pareho kayong mga surot!

Hindi naman nila ako pinigilan kaya tinalikuran ko silang dalawa at sinarado ang gate namin.

Ano ako, bale? Tutunganga ako sa harapan niyong dalawa para marinig ang mga matatamis na salita ninyo sa isa't-sa? Bobo ako sa pag-ibig pero di ako tanga. Sana nga!

Ida-dial ko na sana ang number ni Jana sa phone namin nung narinig kong kumalabog ang gate namin.

Nabigla pa ako kaya mejo napatalon ako at binaba ang telepono.

"Sino yan?"

"Ako `to!" Ang laki ng ngiti niya habang nagpapakita sa bintana namin.

Umirap na lang ako at binuksan ang pintuan.

"Anong ginagawa mo dito? Nakaalis na ba si Gianna?" Sabay tingin ko sa labas.
"Oo eh." Umupo siya sa sofa namin.
"Tapos? Anong ginagawa mo dito? Umalis na pala yung crush mo!?"

Nakatayo lang ako habang nakahalukipkip at tinitingnan ang ngiti niya.

"Babantayan kita, nukaba!"
"What?"
"O! Syempre naman! Mabait yata ako!"
"Ano? Sinabi ba ni Gianna na bantayan mo ko dito kaya sumunod ka?"
"Hindi no! Tsaka, wa`g mong sabihin sa kanyang nandito pa ako sa bahay niyo! Hindi ko sinabi sa kanyang sasamahan kita kasi baka magselos siya!"

Suminghap na lang ako at inisip ko kung tatawag pa ba ako kina Jana o hindi na.

"Kaya ko naman dito eh. Di naman kita kailangan!"

Tumitig si Gabriel sakin.

"Ano bang nangyayari sayo? Ba`t parang ayaw mo kong makita?"
"Wala naman!" Sabi ko sabay upo sa kabilang sofa at on ng TV.
"Badtrip ka ba? Bakit?"

Badtrip ako sa`yo! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

"Hindi ako badtrip!"
"Ba`t ganyan ka makasagot?"
"Wala!"

Sa tingin ko, kailangan ko ng i-practice ang mga plastik na expresyon at mga tono ng boses ngayon.

"Ang ibig kong sabihin, wala naman, Gab! Hindi ako galit. Iniisip ko lang kung tatawag ako kay Jana o hindi."
"Ba`t ka naman tatawag kay Jana?"
"Uh... Wala, may pag-uusapan sana kami para sa firstday of school. Itetext ko na lang siguro siya."

Usapan sa plano namin! Grrr.

Tumango siya, "Wa`g ka na lang munang tumawag sa kanya! Usap muna tayo!" Pacute na ngiti.
"Ano namang pag-uusapan natin?"
Abot langit na ang ngiti niya ngayon, "Nakuha ko ang numero ni Gianna! HAHA"
"Tapos?" No expression at all.
"Anong tapos? Di ka ba natutuwa?"
"Ba`t ako matutuwa? Kung nakuha mo rin siguro yung cellphone number ni Dexter, matutuwa na ako." Katuparan ng plano ni Jana?
Nag-iba ang ekspresyon niya, "Ba`t ba puro Dexter ka na lang diyan?"
"Anong puro Dexter? Eh ngayon ko pa lang nabanggit yung pangalan niya eh."
"Wa`g mo kasing linalagyan ng Dexter yung usapan nating wala namang koneksyon sa kanya!"

Galit siya! Ano bang ibig sabihin nito? Eh siya naman diyan ang puro Gianna eh. Errr.

"Kasalanan ko bang lonely ako masyado kaya wala akong maisip kundi yung crush ko?"
"Anong lonely? Andito naman ako ah? You`re not alone!"

You`re not alone ka jan! Pilosopo naman nito.




Mga labinglimang minuto din kaming tahimik. Walang umiimik sa aming dalawa. Base sa mga reaksyon niya kanina, talagang walang duda, nagseselos siya. Pero hindi ibig sabihin na kapag nagseselos ang isang tao, may gusto na ito sayo. Ba`t pa kasi sa lahat ng mga pwedeng mangyari sakin eh eto pang magkagusto sa manhid na bestfriend ang madalas? Ni wala pang alam si Jana na nagkakagusto ulit ako sa pinsan niya! Kailangan ko yatang sabihin sa kanya ang totoo para isipin niya rin ang damdamin ko habang nagpaplano siya.




"Nagreply si Gianna!" Siya pa ang bumasag sa katahimikan.
"Anong sabi?"
"Nasa restaurant na daw siya. Andun pa ang mama, papa at si Sky. Uuwi na daw sila mamaya."
Tumango ako, "Masaya ka ba?"
"Ha?" Natawa siya ng bahagya. "Oo naman! Sinong di matutuwa pag nagtext yung crush diba?"
"Oo nga naman." Ngiti pa, Cel.
"Sa wakas! Dumating na rin yung araw sa buhay kong gabi!"
"Ano?" Mejo natawa ako sa sinabi niya. Kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Si Gianna na yata yung araw sa gabi ko eh."
Tumango ako, "Korni mo naman!"

Korni daw pag inlove diba? :'(

"Ako? Ano ako sa buhay mo?" Bigla kong naitanong sa kanya. Bunga na rin siguro ito ng pagiging desperada at bitter ko ngayon.

Para bang okay na rin basta masaya naman siya. Okay na rin ako. Pero in fairness, ang hirap maging okay ha? Bakit parang kahit pagiging okay eh pinagkakait sa akin ngayon?

"I-Ikaw?" Halatang naiilang siya sa tanong ko.
Wala na siyang magagawa. Nakatitig na lang ako sa kanya ngayon habang naghihintay ng sagot niya.
"Hmmm. A-Ano... Ano ka ba!"
Ang sabi ko, wala na siyang magagawa.
"Bituin?"
"Bituin?"










"Oo! Ikaw yung bituin! Syempre! Bestfriend kita!"






THIRTYSEVEN
Celestine Herrera: Hindi ako nagpapapansin sa crush ko no!







Bakit naman kaya bituin? Napaisip tuloy ako dun sa sinabi ni Gabriel. Bituin kaya kasi sa araw at sa gabi mo kasama? Laging nandyan kung kelan mo kailangan? Pero pag umaga, di mo nakikita kasi masyadong maliwanag yung araw. Talong talo parin.

"Celestine!"
"Andyan na!"

First day of school. Imbes paghandaan ko ang araw na `to, pinagdasal ko pang sana di na lang dumating. Parang baliktad yata kami ng gustong mangyari nitong si Gab eh.

"Ang kupad mo talaga! Ma lilate tayo niyan!"
"Sorry na nga. TSaka, maaga pa naman ah?"
"Sige na, sakay na."

Halatang inagahan niya dahil excited siya.

Pumasok na ako sa sasakyan niya at dun na lang nagsuklay. Pinaandar niya naman agad. Excited talaga!

"Wa`g ka ngang masyadong excited?"
"Excited?"
"Excited ka lang eh dahil si Gianna taga school na."
"Totoo namang malilate tayo ah? May usapan yata kami ni Gianna na magkikita tayong tatlo 30 minutes before the first period."
"Okay!" Umirap nalang ako habang sinusuklay ang buhok.

Pagkatapos ng ilang tahimik na sandali...

"Bakit kasama pa ako diyan sa pagkikita niyo?"
"Bakit? Pinsan mo siya ah?"
"Pero diba... dapat mas gusto mong kayo lang dalawa."
"She asked for it."

Ouch! So, kung si Gabriel ang papipiliin, mas gusto niya talagang sila lang dalawa. Hay buhay!

May paraan pa ba para ma rescue ko `tong si Gab sa pagiging buang niya kay Gianna?

Hanggang ngayon, hindi ko pa sinasabi kay Jana ang tungkol sa pestreng feelings ko para kay Gabriel. Hindi ko parin alam kung kelan ko ba talaga sasabihin sa kanya. Hindi ko yata alam kung paano ko sisimulan eh.

Dali-daling pinark ni Gabriel ang sasakyan at lumabas kaming dalawa.

"Saan daw magkikita?" Tanong ko.
"Sa cafeteria daw. Yun pa lang kasi ang alam niyang lugar sa ngayon."

Wow grabe ah? Mas updated pa siya sa pinsan ko kesa sa akin.

Kaya pumunta na kami ni Gabriel sa cafeteria. Ang daming tao eh. Paano kaya namin makikita si Gianna dito?

"Hi Gab! May try out mamaya sa gym?" Tanong nung isang babae.
"Meron." Ngumiti naman si Gabriel.

Nagngitian silang dalawa.

At dumami pa ang sumalubong samin na ganun din ang tanong. Nakakalimutan ko na nga kung sino ang sadya namin dito sa cafeteria hanggang sa...

"Ayun si Gianna!" Sabay alis niya sa tabi ko at dumiretso na.

Sumunod naman ako. Andun nga ang pinsan ko. Hanep, ang sexy talaga. Naka shorts lang at sleeveless na top. Mukhang mas brown din ang buhok niya ngayon at kuminang pa ang labi niya.

"Gab!" Sabi niya. "Cel!"
"Gianna, kanina ka pa ba?" Tanong ni Gab.
"H-Hindi naman masyado."
"Pasensya ka na. Eto kasi si Celestine ah ang kupad-kupad kumilos."
"Okay lang. Uh, sabay ba kayo papunta sa school?"
"Oo eh. Tutal kapitbahay kami, sumasabay na siya sakin."

Tumango naman ang pinsan ko.

"Oi, ano... tayo na? Baka mahuli tayo sa klase!" Yun na lang ang sinabi ko.

Papunta kami sa first period namin. Ako ang nasa unahan tapos silang dalawa sa likuran. Nag-uusap naman silang dalawa. Di nga ako makasingit kasi nasa likuran ko sila at hindi ko naman masyadong alam kung ano yung pinag-uusapan nila.

Una nga ako sa daan, pait naman yung nararamdaman.

"Aray!"
"So-Sorry! Nagmamadali ako. Sorry." Tumingala ako sa bumangga sakin.

Sa oras na `to, wala na akong ibang naiisip kundi ang mga salitang 'knight in shining armor'.

"Sorry, Cel."
"Ah. Okay lang, Dexter."

Ngumiti siya. Ano kayang iniisip ni Gabriel ngayon? Anong reaksyon niya? Nakatingin si Gianna samin. Hinihintay ko ang reaksyon ni Gabriel.

"Tara na, malilate na tayo, Celestine!"
"O-Oo!"

Yun lang? Syempre nandun si Gianna eh. Hindi niya man lang ako hinila palayo kay Dexter.

Pumasok na kami sa classroom. May mga upuan ng inireserba si Jana para saming dalawa ni Gianna. Si Gabriel naman, umupo sa tabi ng mga teammates niya.

"Cel, katabi lang ng classroom na ito ang classroom nina Dexter ngayon." Bulong ni Jana.
Para namang totoong crush ko yung si Dexter. "Oo. Nagkasalubong kami kanina."

Wala pa ang prof kaya naisipan kong mag CR muna. Isasama ko sana si Jana para mapag-usapan na namin yung plano at masabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Gab kaya lang...

"Hi Gianna! Kamusta ang first day of school?" Kinausap ni Jana si Gianna.

Tumayo ako.

"Cel, san ka?" Tanong ni Gab
"CR lang!"
Tumango siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas.

"Cel!" Tawag ni Gab.
"Nu ba?"

Tapos tumayo siya at sumunod sakin.

"Ano, sasama ka sa CR?"

Parang di mapakali si Gab. Lilingonlingon kung saan saan.

"Magpapapansin ka siguro sa crush mo no?"
"Di ah! Tsaka, ba`t ka ba sumasama?"

Wala parin siyang imik. Parang guard `to. Kinikilig tuloy ako.

"Bahala ka nga diyan!" Nakarating na kami sa girl's wash room at iniwan ko siya sa labas.

Pagbalik ko, andun parin siya at nakasandal lang sa gilid.

"Ano ka ba? Hindi ako nagpapapansin sa crush ko no! May pabantay-bantay ka pang nalalaman!"
"Anong bantaybantay? Hindi po kita binabantayan! Sinamantala ko ang pagkakataong ito para sabihin sayong..."







Hindi siya nagpatuloy sa pagsasalita nung lumabas ang ibang babae galing sa washroom at tumingin saming dalawa. May konting bulungbulungan pa akong narinig bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

"Sabihin na?"











"Na gusto kong tulungan mo ako kay Gianna." Ngumiti siya. Maamong ngiti.



THIRTYEIGHT
Celestine Herrera: Hindi ko alam kung paano kita ilalakad eh!








"Tu-Tulungan kay Gianna?"
"Oo." Ngumiti siya. "Mejo, uhm, malabo kasi ako sa kanya eh. Di siya nag titext kung di ko siya unang tinitext. Ang tagal pang mag reply, nakakainip."

Naglakad kaming dalawa pabalik sa classroom.

"Ano? Edi wa`g mo na siyang itext!"

OA naman ni Gianna! Ba`t di niya tinitext si Gabriel? I mean, ba`t matagal siyang nagrereply?

Kainis eh! Kung si Gabriel itetext ako, magkakaroon ako ng load kahit wala. Tapos, ginaganyan niya lang?

"Anong wa`g? Eh syempre, pumoporma nga ako diba kaya ko tinitext!"

Tumigil kami sa tapat ng classroom namin.

"Wa`g ka na ngang pumorma! Halata namang walang gusto si Gianna sa`yo eh."
"Impossible. Nagpapakipot lang yan!"

Pinapainit yata ni Gabriel ang ulo ko ah?

"Nagpapakipot? Ha! Asa ka!"
"Oo! Bakit? Di ka naniniwala?"
"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo para sabihing nagpapakipot yung pinsan ko noh?-"
"So-Sorry na nga! Ayaw mo kasi akong tulungan eh! O sige, kung hindi nga siya nagpapakipot, edi tulungan mo parin ako. Ilakad mo ako sa kanya para magustuhan niya ako!"
"Ayoko!"
"Bakit naman?" Seryoso ang pagkakatanong niya.

Tinitigan ko siya dahil gusto kong mabasa niya sa mga mata ko na ayaw ko talagang tulungan siya.

Kaya lang, imbes na yung mensahe ko ang makarating sa kanya, yung mensahe ng mga mata niya ang nakarating sa akin - na seryoso siya sa pinsan ko. Seryoso siya sa sinasabi niya.

"Alam mo kasi, busy ako."
"Hindi naman ikaw ang ididate ko eh, siya naman. Konting time lang yung hinihingi ko."

Leche, narinig mo yun Cel? Nanggagag0 yata ang unggoy na `to eh. Akalain mong sinabi niya yun sa harapan mo?

Sa puntong yun, sumuko yata ako. Gusto ko nang umiyak at sampalin siya pero hindi ko magawa. Paano kung tanungin niya ako kung bakit ako umiiyak at bakit ko siya sinampal? Sasabihin ko sa kanya na nagseselos ako? Tapos, anong mangyayari? Magkakadeadmahan ulit ka mi sa mga susunod na taon? Parang ayoko yatang mangyari yun. Kung masakit itong ginagawa niya sa akin ngayon, mas masakit kung mangdideadma ulit siya sa akin.

"Ewan ko sa`yo! Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo!" Hindi ako tumingin sa mga mata niya at umambang papasok sa classroom.

Pero hinarang niya sa harapan ko ang braso niya.

"Cel, naman!" Kasama ang mga matang hindi ko naman talaga kayang tanggihan.
"Hi-Hindi ko alam kung paano kita ilalakad eh!"
Ngumiti siya.

Ganito na ba talaga palagi? Yung ngiti niya, sakit ang naidudulot sa akin, kahit na sa bawat ngiti niya naman talaga ako humuhugot ng lakas?

"Sasabihin ko na lang sa`yo kung anong maitutulong mo!" Inakbayan niya ako. "Best friend ka talaga!"

Buong araw naman akong mejo tulala. Buti na lang at wala masyadong pasok sa first day of school.

"Hmmm, tayo na sa gym, Cel!" Sabay hila ni Jana.
"B-Bakit? Para saan?"
"Heller, first day of school equals try-outs noh!" Tinapon ni Jana yung dala-dala niyang juice kanina pa.

Wala talaga akong gana. Buti pa si Jana, palaging energetic! Nagpahila na lang ako sa kanya.

Habang papalapit kami sa gym, naririnig ko ang hiyawan ng mga tao.

Nakauniporme na ng pangcheering squad si Jana ng ihatid niya ako sa bleachers at pinaupo kasama ang naghihiyawang mga tao.

Hayun naman, nakita agad ako ni Gabriel. Ngiting-ngiti sa akin at kaway nang kaway. Ako naman, napangiti na rin pero di na kumaway.

Umalis na si Jana at iniwan ako dito ng mag-isa. Pakiramdam ko tuloy iniwan na nila ako. Si Dexter kasi, andun na rin sa court.

Ang ingay talaga ng mga tao dito. Kung masaya ako ngayon, dapat nag-iingay din ako eh.

Nagsimula naman agad yung try-outs. Pero ang pinaka nakakalaglag-panga sa araw na ito ay ang pag audition ni Gianna sa cheering squad.

Nakakabigla pa dahil maraming sumisigaw ng pangalan niya.

"GIANNA HERRERA, GIANNA HERRERA!" Nakakabingi!

Nakita kong umiirap at umiiling si Stacey habang hinihintay ang gagawing sayaw ni Gianna.

At nung sumayaw na nga siya... incredible! Pati ako nakanganga lang. Ang bilis kasi ng galaw at ang galing! Halos kalevel na sila ni Stacey eh.

Si Gab naman, nasa harap talaga at nakabaling lang ang tingin sa kay Gianna. Ngiting-ngiti at nabibigla sa tuwing tumatumbling ang pinsan ko. May pa-apir-apir pa sila sa mga ka teammates niya.

"Wooo! Galing!" Sigaw ng halos lahat ng tao.

Speechless at motionless lang ako dito hanggang sa huling galaw niya! Tumambling kasi siya at mukhang nawalan ng balanse, kaya sumalubsob siya sa sahig.

"HA~!" Una kong narinig ang pagpipigil-tawa ni Stacey pagkatapos ng nangyari.

"Awww!"

Napatayo ako. Kinabahan ako dun ah!

Agad naman siyang nilapitan ng mga malapit sa kanya at ni Gabriel para tulungan sa pag tayo.

Nakita kong ininda niya yung sakit sa pwet niya, pero nakangiti parin siya. Nakita ko rin... ang lubos na pag-aalala ni Gabriel. Siya pa ang nagpaupo kay Gianna, nagpainom ng tubig, pumaypay, at pinahiram niya pa ang tuwalya niya.



THIRTYNINE
Celestine Herrera: bestfriend niya ako, diba?







"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Gianna habang nakaupo siya sa bench at mukhang iniinda parin ang sakit.
"Okay na ako, kahit mejo masakit pa talaga."

Umalis na ang mga tao. Ang team, cheering squad at ang mga natanggap sa cheering squad ang naiwan. At syempre, natanggap ang pinsan ko sa squad.

Tinabihan ko siya sa upuan.

Ginagamot siya ng senior nila sa cheering squad at nanonood naman ang ibang tao galing sa team.

Pagkatapos nung gamutan session...

"Okay ka na ba?" Tanong ni Gab kay Gianna.
"Mejo okay na." Ngumiti si Gianna.
"Ang galing mo kanina."
"Tsss. Hindi! Nadapa nga ako sa last part eh. Nakakainis talaga! Dapat perfect yung performance eh!"
"Ano ba yung rinereklamo mo diyan? Eh natanggap ka naman?" Sumingit si Stacey.
"Stacey naman," Sabi ni Gab.

Umirap na lang si Stacey at umalis.


"Paano ako makakauwi samin nito! Mag ta-taxi na lang ako." Sabi ni Gianna.
"H-Huh? Magta-taxi? Wa`g na, ihahatid na lang kita!"

Natigilan ako sa sinabi ni Gabriel.

"Huh? Wa`g na no!" Ngumiti naman si Gianna.
"Ihahatid na kita."
"Wa`g na! Baka nagmamadali si Celestine eh."

Sabay pa silang tumingin sakin.

"H-Hindi nam-"
"Cel, ihahatid ko si Gianna. Sasama ka ba?"

Nakatingin parin silang dalawa sakin.

Walang hiya, asan ba yun si Jana, napepressure ako dito eh.

"Uhm..." Nakita kong sumisenyas si Gabriel sakin na parang sinasabing di na ako sasama. "Uh.. hehe. Wa`g na lang. May gagawin pa kasi ako dito sa school eh. Kayo na lang."

Habang sinasabi ko yun, parang minumura ko ang sarili ko sa isipan ko. Labag sa kalooban ko yung sinabi ko, pero ewan ko kung bakit parang kailangan kong sundin si Gabriel.

"Assemble!" Sigaw ni Stacey sa mga taga cheering squad.

Tumayo si Gianna.

"Dahan-dahan lang." Inalalayan siya ni Gab patungo dun sa kina Stacey.




"Bwusit naman talaga o! Bwusitttt! Ba`t pa ako pumayag? HA?" Napakamot ako sa ulo ko. "Bobo ba ako o matalino? Feeling ko kasi matalino ako dahil sinunod ko yun, di siya magdududa na nagseselos ako. Grrr!"

"Ehe-Ehem..." Biglang sumulpot si Dexter sa harapan ko galing yata siya sa likuran.

Nagkunwari na lang akong walang sinasabi.

"Ganyan ka ba talaga? Kinakausap mo ang sarili mo?" He smiled.
"H-Huh?" Natawa ako. "Hindi ah!"
"Hehehe. Narinig kitang kinakausap mo ang sarili mo eh."
"W-Wala!" I'm annoyed.
"Hahaha. Loko lang!" Tapos umupo siya sa tabi ko. "Ba`t di ka mag try-out sa cheering squad?"
"Yoko! Di ako marunong sumayaw eh."
"Ganun?"
"O!"

Napatingin ako kay Jana at naka two-thumbs up siya sakin at ngiting-ngiti.

"Assemble!!!!! Playaaars!!!!!" Napatalon ako sa bigla.

Grabe naman si Gabriel kung makatawag ng players parang masisira yata ang eardrums ng lahat ng nandito eh.

"Grabe naman `to. Galit ba siya?" Umiling si Dexter at tumayo.

"Bilis!!!" Nakatingin si Gabriel sa akin.

HUH?

Tapos tumakbo si Dexter papunta sa kanya.

Nagseselos ba yun? Ba`t pa siya magseselos eh may Gianna naman siya? Ano ba talaga ang totoong nasa isipan ni Gabriel? Bakit pakiramdam ko, nagseselos siya.

"Ba`t pakiramdam ko may gusto siya sakin?" Tanong ko kay Jana habang nakaupo kami sa isang bench sa school namin.

Umuwi na si Gabriel at talagang hinatid niya si Gianna.

Sinabi ko na rin kay Jana ang tunay kong nararamdaman kay Gab habang umuupo kami dito sa bench.

"Shet! May gusto ka na pala sa kanya, ba`t ngayon mo lang sinabi?"
"Eh kasi... hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh."
"Pinsan mo pa ang karibal mo!"
"Jana, paano na yung mga plano?"
"Anong plano? Paano tayo magtatagumpay sa mga plano? Eh yung misyon natin eh saktan si Gab. Tapos, mahal mo na siya eh, kaya di pwede."

Katahimikan. :(

"Pero... ang sabi mo, mukhang nagseselos parin siya diba?"
"Baka, feeling ko lang yun." Sobrang negative na ang mga iniisip ko.

Para bang wala na talagang pag-asa.

"Yun! Pagseselosin na lang muna natin siya."
"Paano?"
"Basta, gawin mo lahat para mag-usap kayo ni Dexter or anyone. Pwede din kay Cid. Basta!"

Hindi ako umimik.

"Tsaka, ba`t ka pumayag na ilakad mo siya kay G? Kainis ka!"
"Eh... bestfriend niya ako, diba?"

Umiling si Jana.

"Bahala ka diyan sa pinapasok mo! Basta, paselosin mo siya okay? Ako na ang bahala sa ibang diskarte." Linigpit niya ang gamit niya.

Sa malayo naman, nakita kong papunta na samin si Cid... kasama niya pa talaga si Dexter.

"Andyan na yung loser eh. Aalis na ako, Cel! May quiz kami sa next class."

Wala na akong pasok. Eto lang yata ang subject na hindi kami magkaklase ni Jana.

Sumulyap siya kina Cid.

"AHA!" Evil smirk. "May naiisip ako!"

Ayun, ano na naman kaya ang iniisip nitong isang `to?

Ayan na sina Cid!

"J-Jana, nabasa mo ba text ko?"
"Ha? Anong tinext mo?"

Umupo si Dexter sa bench. Nagngitian kaming dalawa.

"Sabi ko, kita tayo sa cafeteria."
"Ah! Di ko nabasa, tinutulungan ko pa kasi `tong si Celestine eh."
"Ahh, di bali, nakita din naman kita eh."

Tumingin si Cid sakin at ngumiti.

"Bakit, anong nangyari sa`yo Cel?" Tanong ni Cid.
"Ay naku! Wala lang naman. Mejo iniwan lang siya nung bestfriend niya. Ayan tuloy, walang kasabay umuwi. HAHA." Kinindatan ako ni Jana. ???












"Ow? Oo! Nakita ko nga pala yung bestfriend mo, kasabay yung si Gianna. Yung na injured. Tamang-tama, wala na akong pasok. Gusto mo ihatid kita, Cel?" Sabi ni Dexter.

Eto yata yung plano ni Jana eh.




FOURTY
Celestine Herrera: Titiisin ko.





"Sorry ah?" Sabi ko kay Dexter.

Nakakahiya talaga `tong ginagawa ko. Siya naman yung nag offer, pero kung iniisip kng parte talaga `to ng plano ni Jana, nahihiya ako.

"Okay lang, ano ka ba! Ako yung nag-offer eh."
"Uh, nakakahiya lang kasi talaga." Sabi ko habang inaayos ko ang seat belt.
"Maybe we should do this everyday, para hindi ka na nahihiya."
"Ha... haha."

I think I blushed.

"Tsaka, what`s wrong with your bestfriend? Iniiwan ka na lang basta-basta? Di ka ba pwedeng makisakay din kahit ihahatid niya yung si Gianna?"
"Uh... hindi eh. Lam mo na, nagpapaimpress yun kaya baka magiging balakid lang ako pag nandun ako."
"Huh? Gusto niya si Gianna?"
"Oo eh. Nagpapatulong pa nga yun sakin eh. KAsi nga daw, pinsan ko daw si Gianna kaya mas malapit kami. Feeling ko di niya naman kailangan ng tulong eh." Tumingin ako sa labas.

Pinaandar na niya ang sasakyan.

"Akala ko, nagkakamabutihan na kayo nung bestfriend mo? Lagi ko kayong nakikitang magkasama, ang sweetsweet niyo pa sa isa`t-isa."

Akala ko din eh. Pero...

"Do you like him?"
"H-Huh?"
"You blushed. You like him, don`t you?"

Napahawak tuloy ako sa pisngi ko.

Ganun na lang ba talaga ka lakas ng feelings ko para kay Gabriel para mahalata ng kahit sino pero hindi siya?

"Ba`t di mo aminin sa kanya?"
"Huh? Uh..."
"Ganyan kasi hirap sa inyong mga babae eh, di niyo sinasabi yung mga nararamdaman niyo. Hindi naman kami mga psychic..."
"Bakit mo nahulaan na may gusto ako sa kanya kung di ka psychic?"

Pakiramdam ko, naiinis ako sa mga sinasabi niya. Hindi niya naman alam kung anong mangyayari sa mga babae pag aamin sila sa mga lalaki tungkol sa mga nararamdaman nila. I`m sure, pagtatawanan ako ni Gabriel... aawayin... babastusin.

Nakita ko na siyang nagalit sakin dahil sa feelings ko sa kanya. Ayoko ng makita ulit yun. Baka hindi ko na kayanin.

"So, totoong gusto mo siya?" He chuckled.
"Pinaglalaruan mo ba ako?" ;D
"Hindi ah!"
"Loko ka rin ah! Tsss, wa`g mong sabihin kong kanikanino ah? Si Jana, Cid at ikaw lang may alam niyan."
"Okay po. Hehehe. Uhm..."

Katahimikan.

"On the other hand, I think that guy doesn`t deserve you."

Napatingin ako kay Dexter.

"Alam ko."
Tumango siya kahit nakatingin sa daanan.
"Iliko mo diyan." Sabi ko habang tinuturo ang kaliwang kalye. "I`m up for revenge."

Napatingin siya sakin. 8)

"Revenge?"
"Oo. Revenge. I can`t fall twice. I need revenge."

Sorry na. Alam kong mejo minus ganda points tong sinasabi ko para kay Dexter, pero gusto ko ng totohanang pagkakaibigan ngayon. Gusto ko, totoo ang sinasabi ko sa mga tao sa paligid ko. Kung hindi man ako totoo kay Gab, at least totoo ako sa kanila.

"That`s bad."
"Alam ko."
"I mean, masama yan, gusto mo pa siya diba? Bakit ka maghihiganti kung gusto mo pa siya?"
"Titiisin ko."

Ngumiti siya pero binalewala ko.

Malapit na kaming dumaan sa bahay nina Gabriel kaya tiningnan ko ang cellphone ko.

1 message!

Jana: Cel, Gab should be outside their house. Tinawagan ko siya, sinabi ko bantayan niya baka uuwi ka na... pinahatid pa naman kita. WAHAHA. Goodluck girl!

Agad kong tiningnan ang bahay nina Gab, at hayun nga siya! Nasa labas! Nakapambahay lang ang gwapong unggoy ko at nakatitig sa papalapit na sasakyan. OMG! OMG! OMG!

Ano nga ba yung sinasabi ko tungkol sa paghihiganti? Nakalimutan ko yata eh. Lecheng pag-ibig `to!

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText