Fall 51-55
51st fall
Serene Cruz: Di na ngayon!
Hay, ang init, gusto ko nang maligo. Kakagising ko lang eh. Pinatay ko ang TV. Kanina pa yun umaandar ng wala namang nanonood. Pinanood ko lang naman kasi si Nico sa ASAP eh. Grabe, mas gwapo nga talaga siya sa personal. Kaya lang, mukhang di muna kami masyadong lalabas o magkikita sa susunod na tatlong linggo dahil busy siya. Syempre, magkikita parin naman kami sa classes namin pero hanggang dun na lang yun. Di na raw muna niya ako hihintayin pagkatapos ng isa ko pang klase sa accounting (kung saan klasmeyt ko si Dae). Mamimiss ko siya.
And my goolay, sinabi niyang gusto niya ako. Nakakakilabot. Parang panaginip. Pero, hindi niya naman sinabi saking mahal niya ako o ano. Heller, pag sinabi niya yun naloko na talaga. Tsaka, ba't naman sa lahat ng tao eh ako pa? Marami naman siyang loveteam diyan! Si Shinigami08 na kasama niya sa Pinoy Bog Brother noon, tanyag na model din yun. At meron pa! Si untamed77angel na anak ng isang beautyqueen at makakasama niya sa Your Song na isho-shoot niya raw; Si edzie_015 na laging na lilink sa kanya; Si im_numb10 na nanalo sa PBB, at naging matalik niyang kaibigan sa loob; pati na rin si norilicious na nandun sa isang music video nina Dae, napabalitang may gusto raw sa kanya! Paano naman ako bibida sa kanya kung ganun ang mga nakikita niyang pagmumukha halos araw-araw diba?
Bumaba na ako at naabutan ko si Ney na naglalaro ulit ng PSP.
"Ate."
"O."
"Tumawag si Crayon."
Natigilan ako. Nakita ko si mama at papa na mukhang may lulutuin. Hmmm, iba rin ang trip ng dalawang `to ah. Kung walang trabaho, ganyan na talaga sila eh.
"Ma, anong lulutuin niyo?" Tanong ko kay Mama habang binabasa nila ang cook book.
"Mamimili pa kami."
Tumango ako at ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Ney.
"Tapos?"
"Hinahanap ka niya."
"Bakit?"
"Di ko alam eh."
Tatawagan ko sana pero... "Wa'g mo na daw siyang tawagan."
"Ha?"
Nakakalito si Crayon ah?
"Bakit daw?"
"Ewan ko."
"Ba't di mo tinanong? Ang mokong na yun, may pinaplano siguro. Baka bigla na lang sumulpot yun dito. O baka naman inaabangan niya yung luto nina mama at papa, baka makikisawsaw ulit yun dito tapos kakainin ang share ko. Ang buwisit na yun talaga. Nababadtrip ako sa kanya. Sumingit ba naman siya samin ni Nico noong nagdate kami! haaay-"
"Ate, ang ingay mo. Eh hindi ka naman maririnig ni Kuya Crayon eh."
Pinandilatan ko na lang ang kapatid kong hanggang ngayon eh naglalaro parin ng PSP.
*DING-DONG!*
"Ay ayan na! Humanda talaga ang mokong nato't sasabunutan ko siya."
Agad akong nagmartsa patungong gate habang iniisip kung paano ko nga ba papatayin si Crayon. Binuksan ko na ang gate...
"Walang hiya ka talag-"
*tug-tog-tug---toooot*
Tunog yun ng puso ko. Hindi ako naiinlab ah! Kinakabahan ako sa kahihiyan na makukuha ko ulit ngayon. Hindi pa ako naliligo at nagsusuklay! NO~ So what? I don't care... di ko naman crush si Dae eh. Tsaka, wala na siyang ika-didiscourage pa. Ubos na ang ganda points ko sa kanya.
"O, Dae... ikaw pala yan!" Sabi ko habang tumatawa ng wala sa lugar.
"Uhhh." Nakatayo lang siya doon.
Unusual sa kanya ang magpunta sa amin ng mag-isa. Anong masamang hangin ang nagdala sa kanya dito sa banal na bahay namin?
"A-Andun lang ang bahay nina Crayon oh!" Sabay turo ko sa kabilang kanto.
Baka kasi, naliligaw siya. Hindi. Nanliligaw nga - este - naliligaw nga ata siya. Isasarado ko sana ang gate kaya lang pinigilan niya `to.
"Ahhh, dito talaga ako pupunta."
Ay anak ng balyena. Paano siya mapupunta dito? Sagrado ang lugar na `to. Nasa therapy ako kaya tresspaser siya ngayon.
"Ha? B-Bakit? NEEEEY!" I started calling Ney, akala ko siya ang hinahanap.
"Serene!" Tinakpan niya ang bibig ko. "Ikaw ang sadya ko."
I'm starting to feel WORMS on my stomach. Pinapawisan na rin ako ng malamig. Tinanggal ko ang kamay niya.
"Ano?" Sabi ko habang linalagay ang kamay sa baywang.
Hindi ko na siya papapasukin. Nakakairita siya eh. Ano naman kaya ang sadya niya?
May binigay siyang envelope.
"Ano `to?"
"Ano pa, edi invitation!"
Hay naku, pati yung paraan ng pagsagot niya... nakakairita. Napasinghap ako at isasarado ko na sana ang gate.
"Okay~"
"Ma, andito si Dae!" Sabay sigaw ni Ney.
Kelan pa siya napunta sa likuran ko? Eh andun lang siya sa living room at naglalaro ng PSP ah! Nakipag high-five pa si Dae kay Ney. Oh no! This is not good.
"Dae, papaalis ka na diba?" Sabi ko.
"O, Dae! Andito ka pala!" Si Mama.
Oh no!
"Serene, maligo ka na nga dun! Nakakahiya ka, hindi ka pa nagsusuklay. Andito si Dae oh, noon mo pa siya crush diba?"
AMPUTEK. MA~! Isa kang panira sa aking buhay. My goodness. Napakamot ako ng ulo.
"Noon! Di na ngayon!" Sabi ko.
Tumawa lang si mama at pinapasok si Dae.
"Hindi na po, hinatid ko lang yung invitation sa kasal ni ate. Sabi po kasi ni ate na di raw po kayo makakapunta?"
"Naku... sinabi ko nga kasi sa kanya yun dahil babalik kami sa States that week to visit Vil, pero pangako, pupunta si Ney at si Serene pero pangako, pupunta si Ney at si Serene, di naman kasi sila kasama sa pagbalik namin. Tsaka dalawang linggo!"
"Ganun po ba?" Tumingin si Dae sa akin.
"Serene? Ba't di mo siya pinapasok kanina? Nakakahiya naman. Tsaka, ano pang tinutungatunganga mo diyan, maligo ka na. Dae, dito ka na lang mag lunch ah?"
"Naku... di na p-"
"Sige na! Wa'g ka nang mahiya."
Ay ang galing ni Dae! Ang galing niyang magkunawaring mabait. May natatagong talent rin pala siya, pero yun nga lang di niya pinaparamdam sakin.
"Serene... sige na!" Napakamot ulit ako sa ulo.
Ba't kailangang dito pa siya kumain? Bwisit talaga o!
"Kawawa naman si Dae, di mo pinapasok agad."
Bwisit! Mas kawawa ako nung di niya ako sinipot sa Seasonal Ball. Palibhasa wala kayong alam na ganun ang nangyari. Panagtakpan ko kasi si Dae eh. Pati si papa, walang alam. Paano na `to ngayon. NOOOO~!
52nd fall
Serene Cruz: MABAIT?
Linapag ko ang invitation sa kama ko at dumiretso sa banyo. Di na lang kaya ako lalabas dito?
"Serene! bilisan mo diyan ah! Magluluto kami ni papa ng Baked Meat Manicotti at Oven Barbecued Spareribs para sa ulam. Tinatry ko ring magbake ng Cottage Cheese cake for desert, kaya..."
"Ma, oo na kasi. Wala naman akong maintindihan sa mga binanggit mo eh."
"Ah basta. Bilisan mo riyan kasi may bisita ka."
Akala ko nawala na siya.
"Serene..."
"Ma?"
"Nanliligaw ba si Dae sayo?"
"H-Ha? Of course not!"
At mukhang tuluyan ng umalis. Ang impaktong yun, manliligaw sa akin? HA? Asa ka pa. Eh sinabihan niya nga ako noon na di raw siya manliligaw sa akin eh.
Pagkatapos kong maligo... ayaw kong umalis sa banyo pero kailangan kong magbihis muna bago bumalik at magkulong.
Parehong nanlaki ang mata namin.
"What the-" Agad akong bumalik sa banyo kahit kalalabas ko lang.
"Sorry!" Sabi ni Dae. Nakaupo siya sa kama at parang hinihintay ako.
"Ba`t ka andito?"
Lanya! Nasa loob siya ng kwarto ko!
"Sorry. Sabi kasi ni Tita puntahan daw kita kasi baka di ka na lumabas diyan!"
SUSGINOO~! Pinagpawisan na naman ako ng malamig kahit kakaligo ko lang.
"Lumabas ka na nga! Di ako makapagbihis eh."
"O-O sige. Pero nasa labas langa ko ng kwarto mo ah! Tsaka bilisan mo."
"Ang demanding mo naman! Kausapin mo si Ney dun, wa`g mo kong guluhin dito!" Sabi ko habang hinahawakan ko ang doorknob ng banyo.
"Basta, nasa labas ako. Kung ayaw mong kulitin kita, kailangan mong magmadali."
"Ay bwisit. Sige na! Bilisan mo na kasi! Giniginaw na ako!"
Narinig kong umalis na nga siya. Agad akong lumabas sa banyo at sinarado ang pintuan.
"Bilisan mo ah!" Sabi niya sa labas.
TSE~! Sino ka ba? Ang kapal talaga ng mukha ng mokong na yun. Pinaglihi ata sa balat ng kalabaw. Napatingin ako sa kalagayan kong naka tuwalya lang. BWUSIT! Nakita niya ata pati kalulwa ko.
"Serene~?"
"What, Dae? Wa`g ka na ngang maingay diyan! Patayin kita diyan eh."
Napasinghap ako at mukhang nakakalimutan ko kung anong gagawin ko.
"Serene~" Sabay katok.
*TUG-TUG-TUG*
"Oo na sabi, Dae! Teka lang. Ano ka ba, nalulunod ka na ba diyan?" Sigaw ko habang nagbibihis.
Binilisan ko na lang. Gumuho yung mga dark plans ko. gumuho yung pagkukulong ko sa banyo dahil sa Dae na `to.
"Kakain na raw!"
Lumabas na ako at sinarado ko ang kwarto ko ng padabog. Pinandilatan ko na rin si Dae at dumiretso na sa hapagkainan. Sumunod na rin ang mokong sakin.
"Dito ka Dae!" Sabi ni mama sabay turo sa upuang nasa harap ko.
Umupo naman ang kapalmuks na si Dae. Naku naku, confident ata siyang di alam ni mama at papa ang nangyari nung seasonal ball ah. Tahimik lang akong kumain habang panay naman ang interrogate ni mama at papa kay Dae tungkol sa kasal ni Ate Bloom. Mga pamahiin ang pinag-usapan nila hanggang sa...
"May girlfriend ka na ba, Dae?" Tanong ni mama.
Halatang sumulyap pa si Ney sakin at para bang inaabangan ang pagsuka ko sa mga kinain ko.
"Wala naman po." Sabi ni Dae.
Ang galing talagang makipagplastikan ng lalakin ito.
"Eh si Serene, may boyfriend na ba?" Tanong ni papa.
"Di ko po alam eh." Sabay tingin sa akin. "Pero lately, nakikita ko siyang kasama yung artistang si Nico Lee ba yun? Hmmm."
Napabitaw ako sa kutsara't tinidor ko.
"Talaga?" Sabay tingin ni papa at mama sakin. "Ba't di mo sinasabi samin yan, Serene? Naku, artista? Yun ata yung teen idol ngayon ah. Wa`g yan, puro issue lang ang makukuha mo sa kanya-"
"Pa, sino bang nagsabi sayong kami na?" Sabi ko sabay titig kay Dae.
Ang buwisit na Dae, linalaglag na nga ako pinapasobrahan pa.
"Wala naman, sinasabi ko lang naman. Andyan naman si Dae oh, ambait pa!"
"MABAIT?" Napailing ako. "di niyo alam ang sinasabi niyo." Bulong ko sa sarili ko.
Pinagkakanulo na ata ako ng mga magulang ko sa demonyong ito eh. Habang nasa hapag kainan kami, puro si Nico na lang ang pinag-usapan namin. Si Nico, si Nico, si Nico, si Nico na walang malay. Kawawang Nico.
"Tita, salamat po. Di na ako magtatagal kasi pupunta pa ako kina Crayon."
"Ow? Sige sige... Serene!!!" Sigaw ni mama nang naramdaman niyang lumalayo na ako sa kanila.
"Ma." Sabi ko gamit ang isang malamyang boses.
"Ihatid mo si Dae-"
"Kina Crayon? Di ba niya alam kung saan ang bahay nina Crayon?" Sarcastic.
"Sa gate lang!" Sabi ni Mama.
Hay! Nakakainis. I mean, bakit pa? Pwede namang siya na lang ah? Kaya sumunod na ako kay Dae.
"Bye, Dae!" Sabi ko kahit nasa pintuan pa lang kami.
"Pinapaalis mo na ba ako?" Sabay tingin niya sa loob at hinanap sina mama at papa.
Of course nasa kitchen ang dalawa kaya wala na akong pakealam kung magtatalo ulit kami dito.
"Oo." Sabi ko habang nauna na sa gate at binuksan ng pagkalaki-laki para lang mahigop siya sa labas.
"Ang bastos mo talaga noh?"
Tahimik lang ako habang hinahawakan ang gate.
Napailing siya sa katahimikan ko.
"Sana di ka na lang pumunta sa kasal ni Ate..." Sabay lapit niya sa gate at aalis na.
Ouch! Ang sakit nun ah. Ayoko ng magsalita, ayan na naman kasi siya eh.
"...panggulo ka lang dun."
"Sana di mo na lang hinatid yung invitation!" Sabi ko habang nabubwisit.
"Napilitan ako, okay! Kaya wa'g kang feeling masyado." Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Anong nangyari dun? ARGH! Nakakapang-insulto talaga ang tabas ng dila niya. Ang sama-sama niya talaga! GRRRR. Bakit pa siya nagpunta? Nakakainis talaga. Di ko maintindihan. :'(
53rd fall
Serene Cruz: para kay Dae
“Serene, kailangan maraming picture ang makuha mo ah?”
This lines keep resounding on my mind. Sabi kasi 'to ni mama bago sila umalis 2 days ago. Grabe, bumili pa talaga siya ng bagong digital camera, at pinakalatest pa ah! Para lang daw 'to sa event na 'to. Ewan ko nga ba kung bakit ganito siya ka excited.
“Serene, pumasok ka na nga! Excited ka atang kumuha ng picture kay Dae eh!” Sabi ni Crayon habang naghihintay sa loob ng sasakyan niya.
Kanina ko pa kasi tinitingnan ang digital cam, nagiging ignorante na naman ata ako kasi bago at latest pa.
“Tse! Ano siya hilo? Yuck!” sabi ko habang umupo na sa front seat.
Nasa likuran si Ney habang dalaa-dala ulit ang PSP, napag utusan kaming sumama kay Crayon dahil pareho kaming inabanduna ng mga magulang. Nauna na raw kasi sa simbahan ang mga magulang niya at naatasan lang siyang kunin kami.
“Wa'g ka na kasing magmaang-maangan diyan!” Sabi ni Crayon habang nagdi-drive.
Napapansin niya na naman ata yung pagkahumaling ko sa digicam.
“Sabing hindi eh! Nakakainis ka, ba't mo pinagpipilitan yan?!”
“Sus...”
*KRIIIING *
“Hello?”
“Serene!”
“Sophie,”
“Magkasama na ba kayo ni Crayon?”
“Oo.”
“Pasensya na talaga ah!”
Nakita kong sumulyap si Crayon sakin.
“Asan na raw siya?” Tanong ni Crayon.
“Asan ka na?” Tinanong ko si sophie.
“Sa Tagaytay na!” Sabi ni Sophie habang tumitili.
“Tagaytay.” sabi ko kay Crayon, tumango naman ito.
Di kasi makakasama si Sophie dahil pupunta daw sila sa Tagaytay whole family eh.
“HA-HA, nakabawi rin ako! Lagi kang wala sa mga practice at gig nila kaya ngayon, ikaw naman mag-isa riyan! Buti nga sayo.” Sabi ni Sophie habang tumatawa.
“Ang daya-daya talaga nito oh. Mag-isa tuloy ako mamaya. Puro mga bwisit na lalaki ang kasama ko!”
“hmm. Oo nga, wala si Nico! May taping siya diba?”
“Oo.”
“O, sige na! Balitaan mo na lang ako ah, ibababa ko muna 'to dahil andito na kami kina Lola eh.”
“Mmmmkay!”
Binaba ko ang phone ko habang iniisip ang mga posibleng mangyari sa araw na 'to.
“Nakarating na raw sila sa lola niya.” Sabi ko kay Crayon.
*KRIIIING *
“Hello?”
“Serene.”
“Nico?”
“Ngayon ang kasal ng ate ni Dae diba? Sinong maghahatid sa inyo dun?”
“Ahhh, si Crayon.”
Nakita ko ulit na bahagyang sumulyap si Crayon.
“Ganun ba? Uhhh, gusto mo kunin ko kayo mamaya pagkatapos?”
“Wa'g na! Mukhang gabi na matatapos eh.”
“Okay lang!”
“huh? Uhhh...”
“uhh. Bakit? Sasabay ka ba kina Crayon?”
“Uh,siguro?”
“O sige, basta, tawagan mo lang ako ah pag may... problema.” Naging malungkot ang boses niya.
“Uhh, o-okay.”
“Sige, ingat!”
“Kaw rin!”
Binaba ko na ang phone.
“Grabe ah! Hanep yung Nicong yun, todo kung manligaw.” Sabi ni Crayon.
“Hindi siya nanliligaw, pwede ba?”
“Sa itsura nun?” Crayon smiled.
“Di nga sabi eh.” Sinubukan ko ulit ang camera.
“Hinahabol nga siya ng camera ng buong Pilipinas pero ang babaeng hinahabol-habol niy, bumili ng bagong camera para habulin ang isa pang lalaki.” He laughed.
EVIL TALAGA!
“Feeling ka ah! Di ako bumili ng camera para kay Dae. Lalong di ako ang bumili nito. At mas lalong di ko siya hahabulin!”
“May sinabi ba akong Dae?” sabi niya habang nakataas ang isang kilay at nagpapark ng sasakyan. “At may sinabi ba akong IKAW ang naghahabol o bumili ng camera?”
AAAAAAAAAAH¬! My gosh, gusto kong umiyak sa inis. Nakakainis! Nagdidilim na naman ang paningin ko sa pinsan kong 'to.
Pangako, di mababahiran ng mukha ni Dae ang camera'ng 'to! Kailangan, wala siyang kahit isang picture dito. Isinusumpa ko, hindi ko isasali ang kuha pag andyan si Dae. Kapag may kahit isang kuha dito na may mukha ni Dae... ibig sabihin nun... ibig sabihin nun, isinumpa na talaga akong siya lang ang lalaking mamahalin ko! Kailangan wala!
Bumaba na kami sa sasakyan at padabog kong sinarado ang pinto.
“Hoy! Yan kasi eh... pikon naman pala!” Crayon smiled an evil smile.
54th fall
Serene Cruz: Aanhin ko naman yung picture mo?
Tumigil ako sa paglalakad.
“Okay... errmmm, kaya ko 'to!” Sabi ko sa sarili ko.
“Ate, nababaliw ka na ba?” Tanong ni Ney.
“Huh?”
Linagpasan niya ako. Hay naku, ganito ba talaga ang mga lahi namin ng lalaki? Hobby na talaga atang mang-asar eh. Si Kuya, si Crayon, pati si Ney. Jusko.
Pumasok na ako sa simbahan. Uhg, ano ako, bride's maid. Oo, bride's maid. Si Ney at Crayon naman, pumunta dun sa kabila kaya mag-isa lang ako dito.
“Hi Serene!” Sumalubong sakin ang isang babaeng may napakaamong mukha.
“Hello!” T'was Mara.
Tatlong beses ko lang ata siyang nakita eh, pang-apat ngayon. Pinsan siya ni Dae. Una ko siyang nakita noong kasal ng kuya ni Dae, sa graduation namin ni Dae at isang araw noong 1st year high school ako. Natatandaan pa pala niya ako?
“Naaalala mo pa ba ako?”
“Oo naman, Mara.”
Ngumiti siya at lumingon sa left-side. Mukhang naatasan siyang batiin ang lahat ng bisita ah? At bride's maid din siya, yung ibang bride's maid eh mga kaibigan ni ate bloom kaya kaming dalawa ang mas magkakasundo, ka age kasi siya ni Ney eh. Ang feeling ko talaga, ang bata-bata pa nun eh. HEHE.
Ang bait talaga niya at friendly pa. Nakita kong binati ni si Crayon, ngumiti naman ang pinsan ko. Nakita kong binati niya si Ney-- and my goodness, napahiya ako nang nadeadma ang beauty ni Mara! Ang Ney na yun, malapitan nga!
“OH, Dae!” Sabay highfive kay Dae.
WOOOOT. Muntik ng tumulo ang dugo ko nang nakita ko siyang—ang gwapo-gwapo sa soot niya. Inayos niya ang necktie niya't nakipag-asaran kay Crayon.
Linagay ko na ang camera ko sa kanyang llagyan. Di pwedeng magkaroon ng picture si Dae dito.
“Kuya Dae, ang gwapo-gwapo mo sa soot mo ah!” Bati ni Mara.
Hanep, nakalimutan na ng dugo ko kung panu kumulo kaya di ko tuloy mapagalitan si Ney. Hindi naman kasi ako stunning today kaya wala akong maipepresenta kay Dae eh. Hindi rin kasi ako nagpaparlor o ano. Teka, maiba nga tayo ng topic, ba't ko nga ba iniisip yung ganyan eh negative na nga kasi ang ganda points ko kay Dae.
Sumunod na ang mga kuya ni Dae, pati mga pinsan niyang lalaki grabe ang gu-gwapo at ang tatangkad, para lang akong kawayan dito kasama ang mga naglalakihang puno. Idagdag pa si Crayon sa kanila, pwede na silang gawing replacement ng Dong Bang Shin Gi. Ehem, tama na nga 'tong kalokohan ko.
“Ayan na si Ate Bloom!” Sigaw ni Mara.
Lilingon na sana ako sa likuran para hanapin ang limosine o kung anong sasakyan ang ginamit ni Ate Bloom kaya lang mas nauna ko pang narinig ang angalan ko.
“SERENE¬!”
Dali-daling hinila ang braso ko at yinakap pa ako ni?
“Pahamak ka talaga!”
DAE!
“Wooo-” Narinig kong naudlot ang asaran ng mga kapatid at pinsan ni Dae dahil sinaway ni Mara.
Agad kong tinanggal ang braso ni Dae sa likuran ko.
“Serene, sorry, okay ka lang?” Lumabas na si Ate Bloom.
“S-Sorry.”
Grabe, aang bilis ng pangyayari na ngayon ko lang naramdaman na masasagasaan na talaga ako kanina. Pinagpawisan na naman ako ng malamig.
“Woooo-” Naudlot na naman ang sigaw ng mga pinsan ni Dae na halatang nakatingin samin.
“Andito na ang bride!”
Umalis na ako sa lugar na yun at pumunta kung saan di na ako masasagasaan. Umalis rin ako dun dahil masyadong maraming nagaganap na pictorials.
“Hoy ate, lagot ka kay mama pag wala kang naiuwing picture ng kasal.” Sabi ni Ney na pumasok na sa simbahan.
Agad kong binuksan ang lalagyan ng camera at kumuha na ng picture ni Ate Bloom. Syempre, kinunan ko rin ang kanyang groom sa loob. Lahat ng picture na andyan si Dae, kahit blurred, idini-delete ko. HAHA, sa ganitong paraan, maiiwasan ko yung sumpa.
“Hoy! Muntik nang nasira ang kasal ni ate dahil sayo.” Sabi ni Dae na nasa likuran ko na pala.
Napatigil ako sa pagpo-point-and-shoot ko.
“Ang kapal mo ah. Sorry na kasi, may iniisip ako nun!” Sabi ko't binalewala na siya at pinagpatuloy ang picture taking.
Bago ko naclick ang camera, pumunta na siya sa harap kaya imbis na si Ate ang makuha ko... siya. Nidelete ko agad.
“Ano ka ba? Ayan ka na naman ah, sinisira mo na naman ang araw ko!”
“Ayaw mo ba nun, may picture ka na sa-”
“Aanhin ko naman yung picture mo?”
“Ipapa-frame?”
Hayy, ang kapal.
“Ate Serene, lika na! Mag s-start na!” Tawag na ako ni Mara.
Pinandilatan ko muna si Dae bago ako umalis.
55th fall
Serene Cruz: May paa naman ako eh
Syempre, nang rumampa na kami, sino pa ba ang ini-expect niyong ka pares ko? Edi si Dae. Nothing special. Di naman ako humawak sa kanya, deadma lang rin ang reaksyon niya. Napahinga na lang ako ng malalim nang nakarating na ako sa upuan. Pinagmasdan kong mabuti ang bride – si ate Bloom. Pati na rin ang kanyang groom na mukhang mabait naman. Dapat lang noh, ang bait kaya ni Ate. Pinagmasdan ko rin ang altar. BALANG ARAW...
“Ermmm,” Napapailing ako sa aking sarili.
“May sinasabi ka, Serene?” Tanong ni Mara.
“W-wala.”
Grabe, sa wakas... ang pinakahihintay at climax part ng kasal. Ang pagsasaabi ng...
“Yes, I do.”
Nagpalakpakan ang mga tao sa simbahan. Pati na rin ata ang ibang bride's maid eh kinilig. Pumalakpak na rin ako habang sumusulyap kina... Crayon.
Kaya lang, palabas ko lang yung sulyap kay Crayon... at naabutan ko si Dae na nakangiti habang nakatingin sa bride at groom.
“Ay anakanang... ehem”
Buti na lang at walang nakakarinig dahil sa ingay ng palakpakan. Tiningnan ko ulit aang altar. OOPPSSS, Serene, don't you dare think about things like you wanna change your family name with Dae's family name. Napailing ulit ako sa aking sarili.
I feel so stupid. Bakit ko ba iniisip 'to? Sumulyap ulit ako kina, okay, kina Dae.
NAKATINGIN SIYA SAKIN.
I looked away. My gosh! Dapat ba akong maging masaya dahil naabutan ko siyang nakatingin sakin o mahiya dahil nalaman niyang tinitingnan ko siya every now and then. Hindi na lang ako titingin ulit.
Ganito ang eksena hanggang sa nakarating na kami sa reception ng kasal. Katable ko sina Crayon, Ney, Grey at iba pa. Si Dae naman, eh andun sa kanyang pamilya. Tapos na kaming kumain at busog na busog na ako. Grabe, pag umuupo sina Dae sa isang lugar nagmumukhang bigaten ang pamilya nila. Pero talaga namang bigaten ang pamilya nila eh. Yung mga tito, tita, pinsan niya? Naku... grabe talaga.
“Hoy Serene! Punasan mo na nga yung laway mo! Kanina pa yan tumutulo sa simbahan habang nakatingin ka kay Dae eh.”
Para akong naalimpungatan kaya dumapo yung kamay ko sa mukha ko. Wala namang laway!
“Asar ka ah!”
Pero bago ako nakapagreact, nagtawanan na sila at dinamaitsura ang kanilang mga mukha.
“Ay grabe, absent-minded ka ngayon ah!” Tuloy-tuloy parin sa pagtawa si Grey.
“Masyadong namamangha kay Dae eh.” Singit pa ni Crayon na siyang may pakana ng lahat.
Muntik ko ng ihagis ang pouch ko, buti na lang at naalala ko yung digital camera kong bago.
“Nakakainis ka talaga!” Sabi ko.
“Tawagin kaya natin si Dae?”
Sumang-ayon naman ang lahat.
“Dae!”
Tinawag nila si Dae kahit may program pang nagaganap at mukhang naghahagisan pa ata ng bulaklak.
“EWAN KO SA INYO!”
Nagwalk-out na ako at naglakad papuntang CR.
“Serene, hoyyy, joke lang!” Sigaw nila sakin, pampalubag loob.
“Tse! Bahala kayo sa buhay niyo.”
Pumasok na ako sa CR a nagpalipas oras. Kulang na lang eh tumae na ako dun dahil sa boredom. Hinuhugasan ko ang kamay ko ng wala sa lugar, inuubos ko na ang tissue at kung anu-ano pang kabuastugan ang ginawa ko. Masmabuti na yung mag-isa kesa sa may kasama ka namang mga impakto.
*KRIIING *
“Hello?” Sinagotko ang cellphone kong kanikanina ko pa dala-dala.
Separate kasi siya sa pouch ko kung nasaan ang digicam na andun naman ngayon kay Ney.
“Serene? Kamusta na riyan?”
“Ah, Nico. Okay lang. Ikaw?”
“Okay lang rin, kakatapos lang namin.”
He waited for my reply.
I think kailangan kong magpasundo sa kanya? Hindi ko kayang sumama sa mga impaktong yun tsaka isa pa... parang masama ang mood ng tiyan ko. Naparami ata ang kain ko.
“Saan ka na?” Tanong ko.
“Nasa parking lot pa.”
“Uh, ganun ba?”
Akala ko kaya kong magpasundo. Di ko pala kayang bigkasin.
“Sunduin kita?”
“Wha- Sure!” Wow Serene! Bago mo hihilingin sinasagot niya na agad.
“Tapos na ba? Okay lang kung hindi pa... maghihintay na lang ako sayo.”
“hi-Hindi pa. Pero... okay lang. Di rin kasi maganda ang pakiramdam ko eh. Sorry ah? Okay lang ba talaga?”
“Oo. Kanina pa kita yinayaya diba?” I heard him laughed a bit. He seemed tired.
“Hindi ka ba pagod?” stup*d question.
“Hindi.”
“Sige, maghihintay na ako sa labas ng Plaza Maria Clara ah.”
“Naku, wa'g na, tatawagan na lang kita pag nandyan na ako. Ayokong nakikita kang naghihintay sakin.” sabi niya
AWWW NICOOOOO!
“Huh? P-Pero Nico...”
Ha-Ha. Hindi mo ako mapipigilan, paglabas ko dito, magpapaalam na ako sa pamilya ni Dae at aalis na. Wala akong pakealam basta makalabas lang ako dito, nakakatakot pag sumama ang tiyan ko habang nakaupo dun. Tsaka, nakakaasar sila eh.
“Sige na... don't worry.”
“O-Okay. sige...”
“Bye...”
“Bye...”
Nauna na naman ako sa pagbaba ng phone kahit siya ang unang nagpaalam. Hay naku, Nico. You're an angel in disguise.
Ilang sandali ang nakalipas... PAGKATAPOSKONG TUMAE AT HABANG HINUHUGASAN KO ANG KAMAY KO...
“Serene!?” Shucks!
“D-Dae?”
Ack! Napalapit ako sa pintuan para mas marinig nang mabuti ang tumatawag. Si Dae ba yun o si Crayon?
“Serene, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa raw sabi ni Crayon.”
Lumabas ako para bumalik na sa upuan ko. Syempre, mas mabuting kasama ko ang mga impaktong yun kesa sa yung lider nila.
“Ang mokong na yun, eh ba't ikaw ang pinadala niya dito? Ba't di siya ang pumunta?” Sabi ko habang naglalakad papalabas.
Hinila niya ako.
“Ano ba!” Tinitigan ko siya.
Narinig ko ang hiyawan sa labas. Mukhang on-going parin ang program.
“Bakit? Ayaw mo?” And now, he's serious.
Pakealam ko kung seryoso siya eh ang pangit ng pagkakasabi niya. Yabangggg!
“Eh siya naman kasi yung nakakaalam, ba't ikaw pa yung pupunta. Tsaka, di ba pwedeng maghintay na lang kayo run? sumakit ang tiyan ko kaya... privacy, okay!?” Pinandilatan ko siya.
Tinulak niya ako pabalik sa CR.
“O sige, tatawagin ko si Crayon ah! diyan ka lang.” He's sarcastic.
Umaandar na naman yung Jealous-of-Crayon syndrome?
“Dae!” Joke lang yun, nukaba! “May paa naman ako eh, di ko kailangan ng sundo dito. Ang babaw mo talaga!” Sabi ko habang inunahan ko siya sa paglalakad.
“Kung di mo kailangan ng sundo, eh ba't ka nagpapasundo kay Nico?” Sabi niya na mukhang wala na siya sa sarili at unti-unting tumaataas ang tono ng boses niya.
WHAT? he heard it? And he's jealous?
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;