<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 1-5


1st Fall

Serene Cruz: Makikita mo, Dae!

"DEAR DAE!" Pangalawang ulit nang binasa ni Crayon sa harapan ko ang loveletter na para kay Dae.

IIYAK NA TALAGA AKO, kaya lang tinitingnan ko ang reaction ni Dae. May gusto rin kaya siya sa akin? Habang nagtatawanan sila (kasama si Dae), mas lalo kong narerealize ang dalawa kong problema!

UNA: MY DAMN LOVE LETTER WAS EXPOSED IN FRONT OF DAELAN!

PANGALAWA: NAIIHI NA AKO SA KABA!!!!!!

"Se-Serene!" Sophie whispered at me.

ALAM KO! Umihi na ako. And we were just Grade six, I mean we are ALREADY at the 6th GRADE!

"HAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHA! Naihi si Serene dahil sa kaba!" Sabi ni Valen.

"Nakuuuu! Matuturn off si Dae nyan!" Sabi ni Grey.

"Hoy Serene! Wa`g mo nga akong ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko! Nakakadiri ka naman! HAHAHA~!" At sumama pa sa kantsawan ang walang hiyang pinsan ko!

Lumapit si Dae sa akin. OMGEEE, Ba`t pa `to nangyari sa oras na magtatapat ako kay Dae? Nakakahiya! Basang-basa ang lower school uniform ko. Si Sophie naman, tahimik lang sa tabi at mukhang siya pa ang nahihiya sa nangyari sa akin. Linapit ni Dae ang bibig niya sa tenga ko. Kinakabahan ako. Kabadong-kabado ako. Parang lalabas na ata ang puso ko sa dibdib ko. I`m excited! Anong sasabihin niya?

"Nakakahiya ka." He whispered gently.

Ugh. My eyes started to produce tears.

Tinalikuran niya ako at umalis silang lima sa harapan ko. Ilang sandali ang nakalipas, narealize ko na ang mga taga ibang section pala ay nanood sa lahat ng nangyari at hindi sila nagreact kanina dahil nandoon pa sina Dae. Kaya naman ngayon, puno ako ng kantsawan! Hinila na lang ako ni Sophie papuntang clinic at siya na rin ang kumuha ng damit ko sa bahay namin. Nakatunganga lang ako at hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.

"Napaka bobo ko talaga! Ba`t ko ba ginawa yun?! GRRR..."

"Serene, tama na nga yan! Magpalit ka na lang ng damit!"

Pinalitan ko ang damit ko.

"Ba`t ka ba kasi hindi umihi muna?" Matatawa na sana si Sophie pero tinitigan ko siya.

"Eh malay ko bang makukuha pala nung stupidong Crayon na yun ang love letter ko?"

"Naku naman oh! Nakakahiya yun!" She sighed.

"Ehhhh di bale na nga! Hindi naman sayo nangyari eh! ang sakit-sakit nga nun! Napahiya na ako, binasted pa ako!"

"Sabi ko naman kasi sayo noon pa diba? Wala na talagang pag-asa ang lalaking yun! Hayaan mo na lang ang ibang babaeng magdusa sa piling niya no! Ang feeling-feeling niya naman! Kala niya kong sinong gwapo siya!" She crossed her arms.

"Eh, gwapo naman talaga siya eh."

"Lam mo ikaw...? wala ka na rin atang pag-asa no? Tigilan mo na yan! Bata pa tayo!"

"Pero Sophie, mahal ko na ata siya eh."

"Tseeeh! Wa`g mo nga akong artehan ng ganyan! Lika na! Huli na tayo sa klase."

Nang pumasok na kami sa klase, nagtawanan ang lahat ng mga lalaki sa klase habang ang mga babae naman sa room namin ay namangha sa akin.

"Grabe, Serene! Nagawa mo yun? WOW."

"Perooo wala rin namang nangyari eh."

"Pero at least diba?"

Pumasok sina Dae at dumaan pa sila sa harap ko. Crayon made a face, he was always like this! Kasalanan niya talaga `to! HUMANDA KA TALAGA CRAYON KAAAAAA!

"Excuse me, dadaan ako." Nakita ko si Dae.

SANA LAMUNIN NA AKO NG LUPA. Hindi ko maigalaw ang paa ko. Masyado kasi akong naentertain sa pagpaplano ng makakapagpabagsak sa Crayon na yan eh, kaya ngayon...

Saka lang ako nagkamalay nung, "Excuse me... naririnig mo ba ako? O baka naman namamangha ka na naman diyan sa kagwapuhan ko?"

"Abah... excuse me! Kung akala mong bidang-bida ka na sa puso ko dahil binigyan kita ng loveletter, pwes nagkakamali ka! P-U-P-P-Y LOVE LANG YUN! Pagkahighschool natin, makikita mo!"

"OWWWS? Sige nga???! Ipakita mo sa akin, Serene? You`re under my spell." Evil smile ni Dae.

Nagha-hyperventilate na ako dito at hindi ko na mapigilan ang sarili ko!

*SLAP*

"Makikita mo, Dae! Hinding-hindi talaga kita sasagutin kapag manliligaw ka sa akin!"

"NAAAAAAAAAAAAAAKS!" Nagtawanan na naman sina Crayon!

" >:D Bakit? Manliligaw ba ako sayo?"

Everyone laughed.

HAAAAY, so... my last year in elementary was ruined.

2nd Fall

Serene Cruz: NAKAKAINIS!

"And the winner of Miss Xavier School is... Candidate number... FOUR! Miss Serene Cruz!"

I heard the uproar of the crowd. I`m still a freshman and I won! Hindi ko alam kung paano nangyari `to!

"The 1st runner up is automatically Miss Charlotte Santos!"

Natalo ko si Charlotte - ang rumored crush ni Dae! YESSSSSSS~! May maipagyayabang ako laban sa kanya! May ipagmamayabang ako kay Dae!

*Nadapa*

"Ouch~"

"Buti nga sayo! Hindi ka naman karapat-dapat eh, you answered the questions in pilipino, hindi english! Ewan ko kung anong pinakain mo sa judges!" Charlotte whispered.

Ang sama talaga ng ugali niya! Maganda pa naman sana, at aamin akong masmakinis siya sa akin! Pero mas maganda parin ako...bleeeh! HAHAHAHA.

Bumangon ako isinoot ang korona. Umalis naman agad ang bruha at nakita ko ring nawala si Dae. I was smiling a while ago, pero nang nakita kong nawala si Dae... I can`t help but think about things that I don`t want to discover... LIKE...

"Charlotte, okay lang yan!" Nakita kong yinayakap ni Dae si Charlotte. Nagtago ako.

"Akala ko kasi ako ang mananalo eh!" She cried and cried.

NAKUUU! Bruhildaaaaaaaaaaaaaa! Nagpapacomfort ka pa kay Dae ha? At kinocomfort mo pa siya Dae? KAILAN MO BA TALAGA MATATANGGAP ANG KATOTOHANAN NA SA AKIN KA MAPUPUNTA!?

"Hayaan mo na. Nagtagalog naman kasi siya eh, kaya ganun! At least english yung sagot mo! Alam mo naman yun, mejo bobo."

ABAAAAAAAAAAAAH DAE! Ang kapal mo din?! Tinawag mo pa akong bobo? ARGH. I`m holding my breath as I hid myself. PERO, I just can`t hide my feelings!

"HOY Dae! Kapal mo ah? Di porke`t mahina ako sa math noon, mahina parin ako ngayon!" I showed myself.

Nabigla silang dalawa at mas lalong umiyak ang walang hiyang si Charlotte!

"Hoy Serene, wa`g ka ngang makinig sa mga pinag-uusapan ng ibang tao! Tsaka, math ba yung tinutukoy ko dito eh ENGLISH naman? Ibig sabihin lang nun, bobo ka in general!"

"Mas bobo ka kasi kinakampihan mo yang plastik na Charlotte na yan!"

Hikbi ng hikbi si Charlotte.

"Hoy plastik, wa`g ka ngang iyak ng iyak diyan-"

"Tama na nga yan, Serene!" Hinawakan ni Dae ang kamay ni Charlotte at mukhang magwo-walk out na silang dalawa.

"Kala mo naman boyfriend mo siya, Charlotte! YUCCCCKKK~! Asa ka!"

"Serene, tama na sabi eh!" Nanlilisik na ang mga mata ni Dae ngayon.

Tumahimik ako at linapitan niya ako. Nakita ko si Sophie, papalapit sa amin at mukhang naramdaman at nahulaan niya kung ano ang nangyayari.

Mas lalong lumapit si Dae kaya napa atras ako. ATRAS... Hanggang sa napasandal ako.

"Serene, tama na. Wa`g ka ng magpapansin sa akin."

I looked at his eyes and he was serious.

"Hindi naman ako nagpapapansin eh! Sinasabi ko lang naman ang---"

"TAMA NA SABI EH!"

My tears began to form.

"Bakit ba? Girlfriend mo ba siya?"

"Hindi... HINDI PA! Kaya tumahimik ka na lang diyan kasi nasasaktan na siya!!!"

Umulan na ang luha ko.

"Tumahimik ka na lang dahil sinasaktan mo rin ako!" Tinalikuran niya ako at hinawakan ulit ang kamay ni Charlotte, sabay silang naglakad papalayo sa akin at linampasan si Sophie.

Tumakbo si Sophie sa akin nang nakita niyang umiiyak na ako.

"ANG PLASTIK NG BABAENG YUN!! ANG PLASTIK-PLASTIK NIYA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! NAKAKAINIS!"

Sophie hugged me. Napadaan si Mina at Chyna sa amin at nakiusisa, simula noon naging kaibigan na rin namin silang dalawa.

3rd Fall

Serene Cruz: Binibiro mo ba ako?

"Serene!!!!" Tinawag ako ni Crayon galing sa labas ng classroom namin.

1st year highschool - hindi kami magkaklase nina Dae at Crayon... sa unang pagkakataon!

"Bakit?" I showed an ugly face for my naughty cousin.

He threw an evil smile, "Hinahanap ka ni... Dae."

"H-Ha?" Kumurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala. "T-talaga?"

"Oo."

Lumabas ako at nakita ko silang lima - as usual. Hinanap ko si Dae.

"Pakibigay kay Charlotte!" Binigyan niya ako ng papel.

It`s a loveletter!

"H-huh?"

SHUCKS. Akala ko pa naman...

"Yoko nga!"

"Hoy, hoy... Serene! Umayos ka nga at ibigay na `to kay Charlotte! Sige ka... hindi ka patatawarin ni Dae sa ginawa mo!" Sabi ni Crayon.

"Bakit ba? kasalanan ko ba kung ako ang nanalo sa Miss CHAKA na yun ha?"

Tinitigan ako ni Dae... MY GOOOOOODNESS, He is so cool... so gwapo... I CAN`T RESIST HIM.

"Akin na nga!" Pumasok ako sa loob at naghintay kay Charlotte.

"Charlotte, eto oh, bigay ni Dae."

"Huh? Ilagay mo na lang diyan!"

"H-hindi mo ba babasahin?"

"Alam ko naman kung ano ang laman nyan eh!" She rolled her eyes.

Aalis na sana ako dahil baka pumutok lang yung pasensya ko`t mapatay ko siya kaso... "uh, Serene. Pwede sayo na lang muna yan?" Sabay bigay sa akin ng letter.

"B-bakit?"

"Kasiiii... baka kasi mawala ko eh. Ibigay mo na lang sakin yan mamaya sa gym."

"Huh?"

"Mga four o`clock! Sige na... please?"

"Okaaay," Ang dami namang arte ng babaeng `to!

Kaya nang nag four o`clock na...

"Serene, hihintayin na lang kita rito ah?" sabi ni Sophie habang binabantayan ang bag ko.

"Serene, mag ingat ka ah? Narinig kong nasa loob daw ang kulo ng Charlotte na yan!" Sabi ni Chyna.

"Okay! Saglit lang `to!"

Nagpunta ako sa gym.

Asan naman kaya yung Charlotte na yun? GRRR. Baka paghintayin niya ako ng 24 hours naku... sasabunutan ko na talaga siya!

"Serene... hinahanap mo raw ako!" Lumingon ako at naaninaw ko ang mukha ni Dae.

"Dae?"

Ba`t si Dae ang narito? Akala ko si Charlotte? Tinago ko ang loveletter dahil baka akala niya hindi ko binigay.

"Sabi ng kaklase ko, makikipagkita ka raw sa akin dito?"

LOADING...

"SINASABI KO NA NGA BAAAAAAAAAAAAAAAA! Dae! You cheated! Akala ko pa naman, totoo ka!" Charlotte slapped Dae's face very hard!

"A-anong?"

"Nakikipagkita ka sa babaeng `to!" She cried.

"Anong nakikipagkita si Dae sa akin, ha Charlotte? Binibiro mo ba ako? Ikaw ang..."

"Tumahimik ka Serene!" She cried and she even SLAPPED me.

"Charlotte, hindi totoo yang sinasabi mo! Nagkakamali ka, si Serene ang nakipagkita sa akin..."

OMAYGOOLAY! anong pinagsasabi nila?

"Serene!!! YOU`RE A BIG FLIRT! At ikawww Dae, kumagat ka naman sa flirt na yan!" She slapped Dae again. "Both of you... go to he-"

SINABUNUTAN KO SIYA! Oo. Kailangan kong sirain ang mukha niya para ma satisfy ang feeling ko ngayon! Walang hiya siya! Frame up! TODO NA TO! Wala na akong pakealam! Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang sirain ang walang hiyang mukha niya!

4th Fall

Serene Cruz: Pupunta kami ng states.

"This is a catholic school, so we do not tolerate those events and excuses." Sabi ng principal namin habang nanggagalaiti.

Pinatawag si mama at papa! Pati na rin ang mama at papa ni Charlotte, kaya lang mas naaapi ako dahil mejo napuruhan ko ang mukha niya habang pinutulan ko naman ang buhok ko dahil napuruhan niya.

Sa labas ng opisina, nakikita ko si Chyna, Mina at ang bestfriend kong si Sophie. Hinihintay nila ako at nagchi-cheer din sila. Buti na nga lang at mababait ang parents ko kaya hindi ako masyadong napagalitan kagabi nang sinabi kong pinatawag sila ng principal dahil sa ginawa ko.

"Ma`am, their daughter started it." Sabi ng mama ni Charlotte.

"Serene, humingi ka ng dispensa! Bilis." My mom whispered.

"Huh? O-Okay?"

I looked at Charlotte`s face. Puno ng band-aid. BUTI NGA SA KANYA... grrr, ba`t ba kailangang mag sorry?

"Sorry." Sabi ko.

Frame up yung ginawa niya! Siguro ayaw niya kay Dae kaya yun na lang ang ginawa niya! Pero pwede niya namang sabihin kay Dae na ayaw niya talaga diba? Ba`t kailangang ganun pa? Baka sisisihin ni Dae ang sarili niya sa nangyari, grrr.

Ilang sandali ang nakalipas, umalis sina Charlotte kasama ang parents niya kaya kami na lang ang naiwan kasama ang principal. Nagtaka nga ako kung bakit nagpaiwan kami...

"Ma, hindi pa ba tayo uuwi?" Sabi ko sabay tingin sa labas at hinanap sina Sophie.

My mom shook her head.

"Ma`am we want to get Serene`s records, kasi dadalhin namin siya sa States." Sabi ni mama sa principal.

LOADING....

"ANO????" I cried, I didn`t get to be with my friends that day kasi todo-todo ang pamimili at pagkain namin sa loob ng mall kasama ang mama at papa ko para ata i-cheer-up ako.

"Serene, matagal na naming balak `to. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin-"

"Ma? Saan ako mag-aaral? Sa States? AYOKO! DITO LANG AKO!"

"Serene, three years lang naman yun eh! Ayoko kasing maiwan ka dito sa Pinas habang nagtatrabaho kami ng papa mo sa States!"

"Ha? Paano si Ney? Si Kuya?" Tanong ko kay mama habang iniisip ang dalawa kong kapatid na lalaki.

"Ney is going with us, of course he`s just grade three we can`t leave him here. Kuya is going to stay because it`s his last year in college!" Sabi ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~!" Nagpatuloy ang pagiging hysterical ko sa bahay namin.

"Maldita ka kasi, yan tuloy na kick out ka!" Sabi ni Kuya Vilfred.

"SHHH~ Red, stop that! Hindi siya na kick out!" Sabi ni papa kay Kuya.

AT THIS POINT OF TIME, NAG-IIMPAKE KAMI.

"Serene, mag-aral ka na! Nag request kami ng early final exam mo para makatapos ka ng 1st year bago tayo umalis!"

I still can`t get over the fact! Parang gusto ko ng magpakamatay!!!!

"Ate Ate... makakakita na ako ng SNOWWW!" Sabi ni Ney habang pinaglalaruan ang Gundam miniature na binigay ko sa kanya last christmas.

"WAAAAAAA~! Ba`t ba ganito ang nangyayari??"

"Ate, ayaw mo ba ng snow?"

"AYOKO NG SNOWWWWW~!"

Binatukan ako ni Kuya, "Ang ingay mo! Tsaka... ba`t ka nga ba nakipag-away sa school? Dahil siguro kay Dae noh?"

Oo, alam ni kuya na may gusto ako kay Dae. Tumahimik na lang ako at `di ko na siya sinagot.

*KRIIIIIING-KRINNNNG-KRINNNNG*

"Hello? Hello?"

"Hello, Sophie... WAAAAAAAAAAAA~! Sophie tulooooong!"

"Ano? Saan ka ba nagpunta kanina? Hinanap ka namin nina Chyna...!"

"SOPHIIIIIIE, SOPHIE."

"Ano bang nangyayari sayo? Kumalma ka nga!"

"Pupunta kami ng states." I catched my breath.

Nang dumating ako sa skul sa susunod na araw, agad akong sinalubong ni Sophie, Chyna at Mina.

"Ano? Bakit? Hindi ka naman na kick-out ah?" Tanong ni Mina.

"Oo. pero... sina mama at papa kasi eh."

Nakita ko si Dae na paparating... at mukhang papunta siya sa amin!

OO, papunta nga siya sa amin. Siguro sinabi na ni Crayon na aalis ako... baka magpapaalam siya! BUKAS na kasi agad ang alis namin dahil emergency daw sabi ni mama. Kung hihingi siya ng tawad baka magbago pa ang isip ko at pipilitin ko si mama at papa na di na lang ako isama... pero, I-M-P-O-S-S-I-B-L-E. NAPAKA imposible na hihingi siya ng tawad.

"Serene,"

Chyna, Mina and Sophie rolled their eyes. Ayaw na nila kay Dae... para sa akin.

"A-Ano?" I don`t know how to react.

5th Fall

Serene Cruz: Bye... Dae.

"Serene,"

"Ano?"

Silence.

"Serene... halika na! Pumasok na tayo sa room!" Sabi ni Chyna.

"Oo nga! Sumisikip na ang corridor eh!" Dagdag pa ni Sophie.

Hinawakan nilang tatlo ang kamay ko para lang madala sa loob at iwan na si Dae pero nagpumilit ako... "Sophie, mauna na kayo sa loob. Susunod na ako."

Umalis naman sila pagkatapos nilang pandilatan si Dae na nagsusuplado parin.

Walang tao sa corridor, kami na lang dalawa. Three minutes na lang ata at magsisimula na ang mga klase. Pero, nagpunta ako dito sa school para mag review at magtake ng exam.

"Ano, Dae?"

Feel na feel ko na talaga na magpapaalam siya sa akin o hihingi siya ng dispensa...

"Hindi mo raw binigay kay Charlotte ang sulat?"

AGSFHDIUHAJHDIUHA... &*!$%# ... ??? &^$(?/#

"Ahhhh! Kasi naman, sinabi niya sa akin nun na...saka ko na lang daw ibigay sa kanya."

"oo nga, pero ba`t di parin nakakarating sa kanya ngayon? Excited pa naman siyang basahin yun!"

SO, nagkaayos na siguro silang dalawa! HAHAHAHAHAHAHAHA. Ay ang galeeeeng! Parang gusto kong magtatalon sa inis! Nagflashback sa utak ko yung mga oras na sinabi ni Charlotte na alam niya na kung ano ang nakasulat.

"Ganun ba?" Wala parin ako sa aking pag-iisip habang binibigkas ang mga salitang ito.

Parang gusto kong umiyak sa inis.

"Anong ganun ba? Akin na! Sana ako na lang ang nagbigay sa kanya! Makakarating sana." Habang ipinapakita ang palad niya.

HALA, saan ko nga pala yun nailagay? HALA. Patay! Nasa bahay kaya yun?

"Ahhhh, eh. Nasa bahay siguro yun! Dadalhin ko na lang bukas ah? sige..." Aalis na sana ako dahil hindi ko na kayang marinig ang mga salita niya.

Nang tinalikuran ko siya... hinawakan niya ang braso ko. FOR THE FIRST TIME AFTER HE SAVED ME THAT NIGHT, nahawakan niya ulit ako. Lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko...

"Sinungaling!"

"Huh?" Hindi parin ako lumingon sa kanya dahil may kakaiba na naman akong nararamdaman.

"Aalis ka na bukas diba?"

"Aalis?" Play dumb.

"Wa`g ka ng magmaangmaangan d`yan!"

"Oo. aalis ako bukas. So?"

"Hindi mo maibibigay sa akin yung sulat!"

"Edi gumawa ka ng bago!"

"Ayoko! Pinaghirapan ko yun! Tsaka hindi yun sayo!"

OUCH~!

"Ibabalik ko... bukas."

"Ano-..."

"IBABALIK KO SABI BUKAS EH!"

Binawi ko ang kamay ko. Kaya sa araw na yun, mas lumaki ang problema ko. Hindi na nga ako matalino tapos pinapasagot pa sa akin ang mga tanong sa exam ng biglaan, tapos may bumabagabag pang DAE sa utak ko.

"Ano bang hinahanap mo dito sa kwarto ko, Serene?" Tanong ni Kuya.

"Yung... letter! Kinuha mo yung letter nooooh?" Tanong ko sa kanya...

Baka kasi napagkamalang akin yun tapos inusisa niya para may ipang-bablack mail siya.

"Anong letter?"

Kaya imbis na papuntahin ko sina Sophie sa bahay namin para makapagpaalam sa akin, ako na lang ang pumunta sa school para makapagpaalam sa kanila AT hanapin ang love letter ni Dae sa gym.

"Serene, mag-ingat ka ah?" Sabi ni Sophie.

"YM tayo lage ah?" Mina smiled.

Nakikita ko ang sasakyan naming naka park. May kinuha pa si mama at papa na documents bago kami umalis. Hinanap ko agad si Dae at nagpasama ako sa kanya sa gym.

"Ano bang ginagawa natin dito? Asan na yung letter?"

Hinanap ko sa loob ng gym ang letter at doon mismo sa pinag-awayan namin ni Charlotte, "Hoy Serene, nawala mo noh?"

Hinanap ko sa ilalim ng mga upuan... sa basurahan... sa ilalim ng upuan ulit... at buti na lang... nahanap ko nga.

I`m still catching my breath while giving the letter to Dae. Napagod ako sa paghahanap. Kinuha niya naman agad.

"Alam mo ikaw, Serene? Nakakainis ka talaga! Importante `to!! Tapos iniiwan mo lang kung saan saan?"

Tahimik lang ako.

"Tsaka... madumi na `to ah! Kasalanan mo `to! Espesyal pa naman `to! sayang... pinagkatiwalaan pa naman sana kita~!"

"Eh alam mo naman diba? Di ako magaling humawak ng love letter? Nawawala ko agad!" Sabi ko at napatahimik siya.

Ngayon ngayon lang... habang nakikita ko sina Crayon, Valen, Drake at Grey; Sophie, Chyna at Mina sa labas mas lalo kung narereealize ang katotohanan na aalis na ako. Sana sa pag-alis ko... makalimutan ko na `tong lalaking nasa harap ko. Kung sa bagay, baka nga! Bata pa naman ako eh. Tsaka, willing din akong makalimutan siya. WILLING NA WILLING!

I tried to get the love letter again but I didn`t.

"Ano ba~!"

"Eh... akin na lang yan!" I tried to smile but it didn`t work. Mas tumulo pa nga ang luha ko eh, agad kong pinunasan dahil nakatitig lang si Dae sa akin. "Lamm mo na, remembrance!" My voice broke.

"Huh? Hindi naman `to para sayo eh! Para kay Charlotte `to!"

"Alam ko," Napahikbi ako pero pinigilan ko ang mga sumunod para lang makapagsalita ako ng mas malinaw. "Pero... hindi mo naman yan ibibigay sa kanya diba? kasi madumi na?"

I know, it`s i-m-p-o-s-s-i-b-l-e AGAIN to make him give that to me... I`m just hoping. HOPING.

"Serene... tama na yan!" Nakita ko si Crayon. Papunta siya samin ni Dae at sinundan naman siya ni Sophie.

"Serene, hi-hinahanap ka na ng Mama mo, baka... ma late na kayo." Sabi ni Sophie.

"Yeah!" Aalis na sana ako... pero... before that... I want to do something!

I KISSED DAE ON HIS LIPS! YES, "Bye... Dae."

Linampasan ko si Sophie at Crayon na nakaharang sa dadaanan ko.

Pagkatapos kong magpaalam sa mga kaibigan ko at kay Crayon at sa mga kaibigan niya rin, umalis na kami. And that`s period!

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText