six-ten
SIX
Celestine Herrera: Di yun mangyayari!
*This is my last dance with you. This is my only chance to do all I can do.*
"Sige, ikaw na muna ang maunang magsalita." Hamon niya sakin.
Bakit? Anong sinabi niya kanina? Bestfriends daw? Akala ko ba gusto niya ako. Akala ko... mahal niya ako?
Hindi ko maitsura ang mukha ko ngayon pero... ginawa ko parin ang lahat para magmukhang normal lang ang ekspresyon.
"T-Tungkol dun sa... ano... letter."
Tumango siya pero di niya kayang tumingin sa akin. Nagdududa na ako.
"K-Kasi... bata pa tayo." Sabi ko, saka lang siya napatingin sakin.
His face lightened up.
"Tsaka..." Tinitingnan ko kung ano ang ekspresyon niya dito. "Di naman kita... uh..."
"-Gusto?" Napangiti na siya habang dinudugtungan ang mga salita ko.
"Uh, hindi naman-"
"Okay lang, Cel!" His face lightened up. "Sabi na nga ba! Tama ako! Sabi kasi nina Stacey at ng mga teammates ko, may gusto ka raw sakin. Ayaw ko namang maniwala kasi bestfriends tayo diba?"
Tama pa ba yung mga naririnig ko? :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
"Ahh, Oo naman!" Tumawa pa akong bahagya.
*This is the last chance for us. This is the moment that I just cannot let end...*
Natigilan ako. Mejo... ayaw kong ngumiti pero pinilit ko. Kailangan kong bigyan siya ng ekspresyon na hindi taliwas sa pinapaniwalaan niyang... 'wala akong gusto sa kanya.'
"Ang totoo kasi... nagpustahan kami ng team. Sorry, Cel."
Sige Cel, isipin mo na lang hindi mo natanggap ang letter na yun - ganun na lang ba yun?
Sumulyap siya sa mga nakatingin at yumuko.
HINDI TOTOONG NANLILIGAW SIYA SA AKIN! HINDI TOTOONG MAY GUSTO SIYA SAKIN!? Kinukurot ang dibdib ko habang iniintindi ang bawat salitang binibitawan niya. Pinaasa niya ba ako?
"Alam kong, pwede kang magalit sa ginawa ko. Pero... sana maintindihan mo. I just wanna prove my self and them that my bestfriend isn`t in love with me."
Pero hindi ko siya naiintindihan! Yinakap niya ako habang isinasayaw.
*So don`t let go, don`t let go. Make it last all night. This is my last chance to make you mine...*
Tumutulo na yung luha ko pero mabuti na lang at di niya naman talaga napapansin dahil nga yinayakap niya ako.
"Alam ko namang kilala mo kung sinong crush ko diba?"
Napahikbi ako ng konti. Pero masaya ako`t di niya yon napansin.
"O-Oo naman!" Di ako huminga para di niya maramdaman ang paghikbi ko. Palihim kong pinunasan ang luha ko. "Nakapagtataka nga yung panliligaw mo sakin eh."
Hinarap niya ako at sinayaw ulit.
*This is my last chance to make you mine.*
"Galit ka ba sakin? Alam kong maiintindihan mo kung bakit ko yun ginawa, diba?"
Si Gab ba talaga `tong nagsasalita? Hindi parin ako makapaniwala. Hanggang sa nakita ni Jana ang pagluha ko. Sinenyasan niya ako kung okay lang ba ako. Ngumiti na lang ako sa kanya.
*Gotta find a way into your heart... Gotta speak my mind... Gotta open up to you this time... I cant let you slip away tonight... This is my last dance with you*
Pucha! Galit sa`yo? Wish ko lang kaya ko!
Napabuntong-hininga ako.
"Alam ko, Gab!" Ngumiti ako. "Naiintindihan ko."
Tiningnan niya ako.
"Di bale... Okay lang yun!" Sobrang gusto ko nang magwala at umiyak ng todo pero natatakot akong makita niya yun sa mga mata ko.
"Salamat, Cel! Sabi na nga ba`t maiintindihan mo yun eh. Buti na lang talaga at walang gusto sakin ang bestfriend ko! Buti na lang understanding ka!" Kinurot pa niya ang pisngi ko at nag-eevil smile. Para bang walang nangyari. "Siguro sasagutin mo ko no kung talagang nagseryoso ako sayo?" Biro niya.
"Ha? Hi-Hindi ah!" Halos di ko na maitsura ang sarili ko. Dahil tumatawa na ako para sabayan ang biro niya pero deep inside, it feels like dying.
Feeling ko, ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ng mga ekspresyong pinapakita ko sa kanya!
"Di naman kita mahal eh! HAHA" Pinilit kong tumawa.
At sa kabutihang palad... Di niya naman napansing pilit lang ito.
"Hahaha! Ganun? Pero di mo pa ko nakitang magseryoso no, sigurado akong maiinlab ka sakin pag nagseryoso ako! Naku... buti na lang! Baka mawawalan pa ako ng bestfriend!"
Ganun?
"HAHA. Di yun mangyayari! Heh! Bestfriend lang din turing ko sayo eh. Teka lang ah? Tinatawag ako ni Jana?" Umalis ako sa harapan niya.
Kahit di naman talaga ako tinatawag ni Jana... umalis na ako. Dahil hindi ko na kaya.
"Sige, Cel! Kita tayo mamaya. May sasabihin ako."
Di na ako lumingon sa kanya at diretso na ang paglakad ko.
"Sabi ko sainyo eh! Wala yung gusto sakin! Ano bang pumasok sa isipan niyo? HAHAHA" Eto ang narinig ko sa kanilang team. Nagtawanan pa silang lahat at para bang ang sarap ng kwentuhan tungkol sa PUSTAHAN nila sa akin.
Sobrang tanga ang mga sinabi ko. Nakakainis. Sobrang nakakainis! Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi wala akong lakas na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko - na nasasaktan ako. Bakit ba kasi ako takot na mawala sa kanya - kahit bestfriend lang, okay na sakin! Bakit ba kasi sobrang mahal ko siya at kahit ang sarili ko`y dinadaya ko na. Bakit ba kasi ganyan pa siya at parang ang manhid manhid?
Sobrang iyak ko sa loob ng girl`s CR. Nakaupo ako sa bowl habang inuubos ang tissue. I can`t believe this! Anong nangyari? yung akala kong totoo; yung inasahan kong totoo - hindi pala! Ang saklap ng sinapit ko. Ako na nga yung dinaya, ako pa yung umiiyak! Pero... kasalanan ko rin naman eh, ba`t pa kasi di ko na lang siya sinampal para matauhan siya? Ba`t pa kasi pinagbigyan ko na lang siya?
SEVEN
Celestine Herrera: sakit na ng katawan ko sa kakasayaw eh.
Sana`y nagtanong na lang siya, kung di niya alam.
Nakatayo lang ako sa CR kaharap ang malaki nitong salamin. Sinasarado naman ni Jana ang pintuan ng buong CR.
"Si-Sinabi ni Gab iyon?" Tanong niya habang linalapitan ako.
Tumango ako at unti-unting namuo ang luha ko.
"Tama na... Celestine!" Pinalabas niya lahat ng meron sa purse niya.
Pagkatapos nun ay sinimulan niya na ang pagrere-touch sa akin. Habang ako naman ay tulala parin sa sarili ko.
"NAPAKA WALANG HIYA NIYAAA!" Sigaw bigla ni Jana.
Kaya mejo natauhan ako.
"Bestfriend? Pustahan? Ano yun? Panu kung nainlove ka?" Tumingin siya sakin. "Eh walang kwenta! In love ka na sa kanya eh, noon pa!"
"Shh. Tama na, Jana. Di niya naman kasalanan eh!" Sabi ko habang pinipigilan ulit ang mga luha ko.
Ayokong sirain ang make-up na pinaghirapan ni Jana.
"Walang hiya! Pinagkatiwalaan ko pa naman siya! Tinutulungan ko pa siya sayo at sinusuportahan kita sa kanya, tapos ganun yung gagawin niya?"
Ramdam ko ang pagsisisi at pagkayamot ni Jana sa pinsan niya.
"ARGHHHH!"
"Jana, tama na~. Di niya kasalanan yun. Kasi naman... naniwala pa ako. Kasalanan ko yun."
"Naniwala ka? Ba`t di ka maniniwala, kung siya mismo yung nagsabi? Ano ka, guinea pig? Pwedeng ekspermentuhan! Alam kong wala talaga siyang modo, pero to this point?"
Hinawakan ko ang kamay ni Jana.
"I swear, hinding hindi ko na siya tutulungan kahit kailan sa`yo! At hindi na natin siya papansinin, simula ngayon. okay?"
Natakot naman ako sa sinabi ni Jana.
"Wa`g! Eh magdududa siya kung di natin siya papansinin, diba?"
Napabuntong-hininga siya, "Eh ano naman ngayon?"
*Tok-tok-tok*
Inayos ko ang sarili ko habang binubuksan ni Jana ang pintuan. Tumambad samin ang grupo nina Stacey.
"Oi, Jana... Ba`t niyo naman sinarado?" Tanong nung isang kasama niya sa cheering squad.
"Ah. Wala naman, feel ko lang." Inayos ni Jana ang gamit niya.
Nakatingin lang ako sa malaking salamin nang nadatnan ko ang mga titig ni Stacey sa akin. She was half-smiling and raising her brows. May alam siya, alam ko yun!
"Ano kayang feeling pag masaktan ka ng bestfriend mo no?" Tanong ni Stacey sa kasama niya.
"Hmmm. Ewan ko lang."
Nagtawanan sila. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
"Ikaw, Celestine. Naranasan mo na ba yung ganun?"
Nakatingin silang lahat sa akin.
"Sorry ah? Busy kami eh. Lika na Cel!" Sabay hila ni Jana sakin papalabas.
Kainis naman ang mga walang hiyang yun. Tao pa ba sila? Ba`t nagtatawanan pa sila kung alam naman nilang nasasaktan na nga ako diba?
"Buti`t nakaalis tayo dun at baka masupalpal ko na ng brush yung mukha ni Stacey!..... Alam mo... buti pa? Umuwi ka na, Cel!" Sabi ni Jana nang nakarating na kami sa dancefloor.
Ayun parin si Gab, sumasayaw sa kahit sinong babaeng pwede niyang maisayaw. Tinitingnan ko siya at iniisip ko kung kaya kaya ng puso kong kalimutan ang sugat nito...
"Cel!" Tawag ni Jana nang napansin ang pagkagitla ko sa kay Gab.
"Oo, uuwi na ako." Sabi ko sa kanya.
Saka ko lang tinanggal ang tingin ko kay Gab nang nakita kong sumulyap siya ng dalawang beses sakin. Ngumisi pa ako kay Jana para naman walang ma-say si Gab tungkol sa feelings ko. Napailing naman si Jana nang nakita akong nakangisi ako sa kanya - at alam pa niya ang dahilan ng pagngisi ko.
"Tanga ka talaga eh no?" Sabi niya habang hinahatid ako sa labas.
12 midnight ang uwian sa prom namin. 10:30pm pa lang at uuwi na ako. Ganun talaga pag sira ang gabi mo, maaga kang uuwi. Sayang ang damit ko at ang speech ko sa mukha sana ni Gab.
"Shhh! Wa`g ka na nga diyan Jana! Andyan na si Kuya o. Baka mahalata pa tayo."
"Sige, Cel! Balik na ko dun ah!" Sabi ni Jana habang tinuturo ang looban.
Tumango ako at pumasok sa sasakyan.
Nakatingin lang si Kuya sakin habang inaayos ko ang seatbelt ko.
"Anong nangyari? Kala ko ba 12-1am kita pwedeng sunduin dito? Ba`t alas diyes pa lang eh tinawagan mo na ako?"
Napatingin ako sa kanya.
"Sinagot mo na ba si Gab? Asan siya?"
Linsiyak! Eto ang ayaw ko eh. Ba`t ko pa kasi sinabi kay Kuya na nanliligaw si Gab sakin?
"Ah. Di siya dumalo ng prom eh. K-Kaya nga nawalan n-narin ako ng gana." Ngumiti ako.
Kumunot ang noo niya`t unti-unti niyang ilinapit ang mukha niya sa akin, "Sinungaling ka ah? Nakita ko siya kanina, paghatid ko sa`yo! Kala mo di ko nakita yung pagkamangha mo kanina nung nakita mo siya?" Tumigil ko siya habang kinakabahan naman ako. "Umiyak ka ba?" Mas lalong tumalas ang mata niya. "Umiyak ka!"
"Hindi no!" I looked away.
"Umiyak ka! Bakit? Anong ginawa ni Gab sa`yo!?"
"Wala! Pinagpawisan lang ako!" Nakatingin na ako sa labas.
"Umiyak ka! Alam ko."
Kinabahan ako ng todo.
"Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Kuya.
"Hindi."
Nagdrive na siya pauwi. Mabuti`t talagang matigas ako sa mga sagot ko. Kahit kailan, hindi ako aamin.
Pagdating ko sa bahay, pinaulanan ako ng tanong ni mama at papa tungkol sa prom at kung anu-ano pa. Pinilit kong tumawa nang tumawa dahil alam kong pinagmamasdan ako ni Kuya.
"Sige po... matutulog na ako, sakit na ng katawan ko sa kakasayaw eh." Kahit si Gab lang naman talaga ang naisayaw ko.
Pumasok ako sa kwarto na puno ng hinagpis yung nararamdaman ko. Paano ba naman, Celestine? Eh pwede ka ng maging santa at pwede ka ng umakyat sa langit dahil sa kagagahan at kapulpolan na pinaggagagawa mo para sa isang tao - sana man lang sangkatauhan yung pinagtatakpan.
Dumungaw ako sa bintana at napansin kong nakambay lang si Kuya sa bakuran namin. Nakaupo siya sa upuan ng garden namin at di mapakali.EIGHT
Celestine Herrera: puro yabang mo sa katawan
Tumakbo ako papaalis ng bahay nang nakita kong umalis si Kuya Sky. Kinakabahan ako. Nafi-feel kong may mangyayari.
Sumilip ako sa gate namin. Nakita kong nag-uusap sila ni Gab at naglakad palayo. Papunta yata sa basketball court ng subdivision namin. Seryoso ang mukha ng dalawa... kaya sinundan ko sila.
Lumiko na sila at talagang papunta yata sa basketball court.
Ako naman, todo lakad takbo ang ginawa para lang maabutan sila. Feeling ko tuloy nagmumukha na akong tanga sa mga ginagawa ko. Dis oras pa naman ng gabi.
Napahilig ako sa dingding at nagtago sa mga dahon.
"O my God!" Yun na lang ang nabanggit ko nang nakita ko silang dalawa, nagsusuntukan.
Tumakbo ako para awatin sila.
"Kuya! Tama na!"
"Cel, Wa`g kang makealam!" Sabi ni Kuya sakin.
Tinitigan ako ni Gabriel... tinging hindi yata ako mapapatawad.
"Bakit? May nangyari ba? Nasaktan ko ba siya? Hindi naman ah?" Sigaw ni Gabriel kay Kuya.
Mejo... nagalit ako sa sinabi niya. Pero..... hindi ko alam. AYAN KA NA NAMAN CELESTINE! Umiiral na naman yung pagiging konsintidor mo sa lalaking yan!
"Eh gag0 ka pala eh!" Sumuntok si Kuya Sky.
Sinuntok din siya ni Gab.
"TAMA NA, GAB, KUYA!" Sigaw ko.
"Di naman siya nasaktan ah?"
Di nga ba ako nasaktan?
Sinuntok ulit ni Kuya si Gab. Kaya naisipan kong pumagitna sa kanilang dalawa.
"Tama na!"
Namaga na ang pisngi ni Gab. Si Kuya naman, parang marami paring lakas.
"Di mo ba nakita? Di mo ba napansin? Umiyak si Celestine? Ngayon? Anong gusto mong sabihin ko? Na natuwa siya sa ginawa mo? Kala mo kung sino ka ah! Yabang mo! Mamili ka naman ng pagti-tripan mo!"
Tiningnan ako ni Gab ng mabuti.
"Ano? Anong umiyak? Eh tinawanan mo pa nga ako kanina di ba?"
Kinakabahan na ulit ako.
"Ah-"
"Tama na nga! Ano Cel, totoo ba yun? Umiyak ka ba?" Kumunot ng to the nth level ang noo niya.
"Kanina ko pa sinasabi yan sayo ah! Loko ka!" Umamba ulit ng suntok si Kuya pero pinigilan ko.
Hindi ako makatingin kay Gab. Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit ba big deal sa kanya kung may gusto ako o wala... kung mahal ko siya o hindi...? Siguro, kasi kaibigan LANG ang turing niya sa akin.
GISING, CELESTINE! Kaibigan? Kaibigan pa ba ang matatawag mo kay Gab?
"Eh anong problema dun sa ginawa ko sa kanya, Sky? Bakit? Akala mo ba hindi ko alam na apat-apat ang girlfriend mo? Akala mo naman kung sino kang nagmamalinis diyan-"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gabriel. Kaya hindi ko na namalayang nasuntok na ulit siya ni Kuya. Kaya ngayon ay napahilata na talaga siya sa sahig ng court. Linapitan ko siya dahil awang-awa na ako sa namamagang pisngi niya.
"Kuya, tama na please?"
Umupo si Kuya sa sahig ng court at natameme yata sa sinabi ni Gabriel.
Lumapit ako kay Gabriel at hinawakan ang pisngi niya para tingnan sana ang sugat niya... pero ang walang hiyang bestfriend ko kuno`y binalewala ang kamay ko...
"Umalis ka nga!" Sabi niya.
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. At mangiyak-ngiyak pa akong tumayo.
"Akala ko pa naman bestfriend kita!"
This line... says it all.
"G-Gab-" Pinigilan ko ang luha ko.
"Totoo naman pala eh! Sinasabi ko na nga ba! Akala ko mali ako sa mga iniisip ko..." Tinititigan niya parin ako ng titig na puno ng galit.
"Ano naman ngayon kung totoo nga yun, ha, Gab?" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagtatangkang kumawala sa mga glands nila.
Pinunasan ko ito ng walang ka poise-poise.
"Yan! Yan naman pala eh! Akala ko iba ka sa kanila! Ganun karin pala. Kala mo ba di ko napapansin yang pag-iiba ng emosyon mo pag nagkikita tayo?"
Tumayo ulit si Kuya at mukhang nagbabalak ulit na bigwasan si Gabriel dahil sa dami ng walang kwentang sinasabi niya.
Napatakip na lang ako sa bibig para di marinig ang hikbi ko habang dinidinig kong mabuti ang sinasabi niya.
"May pa-bestfriend bestfriend ka pang nalalaman!"
Inunahan ko na si Kuya Sky sa pag sapak kay Gab. Oo, sinapak ko siya. Ilang taon ko ring pinangarap na maging kaibigan man lang siya, natupad naman iyon. Sobrang saya ko. Pakiramdam ko tinupad ng lahat ng bituin sa langit ang mga dasal ko lalong lalo na kapag nagsasama kaming umuwi sa bahay. Kahit papano, sumaya na rin ako nung naging bestfriend ko siya. Kasi kahit papano, may maipagmamalaki ako tungkol sa kanya. Pero ngayon, hindi ako sigurado kung pinagsisihan ko ang lahat ng nangyari... kasi sa kalooblooban ko, sinasabi ko parin sa sarili kong... ALAM KONG NASAKTAN KA, GUSTO MONG BUMAWI, PERO WA`G MASYADONG MASAKIT AH? KASI... LUGI TAYO PAG NANGYARI!
Natigilan si Kuya sa sapak ko. Si Gabriel naman ay di pa maituwid nang maayos ang mukha niya...
"Alam mo Gabriel!? Ang kapal kapal mo talaga! Akala mo kung sino kang gwapo! Akala mo kung sino kang magaling!?"
Pinunasan ko ang luha ko.
"Panahon na yata na malaman mong kahit kailan, hindi kita magugustuhan! Sa masahol mong ugali?" At gwapo mong mukha? "Wala nang magkakagusto sa`yo!" Ng tulad ng pagkagusto ko sa`yo! "Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa mga babaeng nagkakandarapa sa`yo! Dahil ang totoo, wala ka namang laman kundi yung puro yabang mo sa katawan!"
Sa dami ng sinabi niya sakin, kulang pa yan. At kahit papano, gusto kong ipakita sa sarili kong, may pride din naman ako.
"Ganun ba?" Tumayo siya at purong galit parin ang nakikita ko sa mga mata niya. "Bakit? Sa tingin mo ba ang ganda-ganda mo rin para magustuhan ka ng kung sinu-sino diyan? Kala mo rin ba ang bait-bait mo? HAH! Magkalimutan na lang tayo!"
Pagkatapos kong malaman ang linsiyak na sagot ng unggoy na yun ay tinalikuran niya na ako.
NINE
Celestine Herrera: WALA AKONG GUSTO SAYO!
Umiyak ako nang umiyak sa basketball court habang pinapanood ko ang paglayo ni Gab.
"Okay lang yan, Cel." Sabi ni Kuya habang naririnig ko ang pagsinghap niya.
Nakaupo ako sa isang bench nang umupo din si Kuya sa harapan ko at pinunasan ang mga luha ko.
"Di na ako manloloko ng ibang babae, para di ka mahirapan." Tapos yinakap ako ni Kuya.
Pagkatapos ng gabing yon, mabilis na lumipas ang panahon. Malapit na kaming maging Senior, pero hanggang ngayon nag di-deadmahan parin kaming dalawa ni Gab.
Lugi nga ako eh kasi sa tuwing nagkakasalubong kami sa corridor, walang tinginan sa isa`t-isa ang nangyayari. Pero kapag lumagpas na siya, saka naman ako lilingon at parang sumasakit na naman ang feeling.
"Cel, final examinations na next week. Di parin ba kayo nag-uusap ni Gab?" Tanong ni Jana habang pinapanood akong nakatingin lang sa nakatalikod na si Gab.
Kulang na lang talaga, ma memorize ko ang likod niya at makuha ko kung ilang dipa yung shoulders niya. Tsss. Kainis nga eh, ayaw talagang lumingon kahit anong pilit kong mag telekinesis.
"Hindi pa rin eh."
"Tsss. Mabuti naman! Wa`g mo nang kausapin yan, forever noh!" Umirap si Jana sa akin at napalingon ako sa kanya.
"Forever? Eh buti sa`yo dahil pinsan mo naman siya, kahit magkagalit kayo... may posibilidad paring maging magkaibigan kayo no. Eh kami, kapitbahay, Jana." Sabi ko with all the feelings in the world.
Para akong batang inagawan ng lollipop na binili ko pa sa pamamagitan ng child-labor.
"Ah! Bahala ka na nga! Last week halos iniiwasan mong makasalubong siya. Tapos, this week... okay na makasalubong basta walang pansinan... Next week kaya? Siguro susubukan mo nang makipag-usap sa kanya."
Ganito lagi ang eksena samin ni Jana.
Hanggang sa natapos na nga ang aming exams. Okay lang kaya na ganito? Na hindi kami nagpapansinan?
Umaga ng Sabado nang maaga akong nagising.
Naabutan ko si mama at papa na papasok ng bahay.
"Saan kayo galing, ma?" Tanong ko.
"Ah. Hinatid namin sina Gabriel at Nica. Pati na rin ang tita at tito mo." Sagot ni mama.
"Hinatid? Saan po?"
Nagkatinginan si mama at papa.
"Hindi ba binanggit ni Gab sa`yo?" Tanong ni papa.
"Na ano po?"
"Na... sa lola niya muna sila titira for now. Sa States yata yun eh."
"P-Po?"
Nabigla ako lalo nung may tumawag sa telepono namin at sinagot agad ni mama.
"Okay, sandali lang... Celestine, telepono." Agad kong kinuha ang telepono.
Siguro si Gab ito! Siya nga siguro! Hindi niya kayang hindi magpaalam sakin!
"Cel!"
"G-Gab- Jana?" Si Jana pala.
"Oo. Papunta na ko sa bahay niyo. Hahabulin natin si Gab!"
Pagkasabi niya nun, agad akong lumabas ng bahay kahit nakapajama pa lang ako. Buti inagahan nila papuntang airpost kaya mukhang maabutan naman namin sila. Maaabutan nga namin sila! For sure!
Hanggang sa may nakita akong nakatalikod na lalaki sa isang vendo machine. Si Gab yon! Alam ko dahil alam na alam ko ang likod niya. MEMORIZE KO NA PIXEL BY PIXEL.
"Gab!!!" Sigaw ko.
Lumingon naman siya sakin. Tumakbo ako patungo sa kanya. Si Jana naman, sumunod na rin sakin. Nabigla na lang ako nung deadmahin niya ulit ako. Pati ba naman dito? Kainis ka talaga, Gabriel! Pero bahala ka! Sa ayaw`t sa gusto mo... haharap ka sakin!
Walang hiya. Nasa airport nga pala ako at aalis na siya! Hindi pa masyadong nagsi-sink in sakin yung lahat ng mga nangyayari. Kasi naman, biglaan masyado.
Hinawakan ko ang braso niya, "Gab!" napangiti pa ako dahil masaya ako`t naabutan ko siya.
"Excuse me, Miss. Sino ka?"
Akala ko di siya si Gab. Pero nang lumingon siya sakin. Siya yon. Kilalang kilala ko ang mga mata niya, ang matangos niyang ilong, ang mga labi niyang pula... siya nga yon. Pero bakit di niya ako kilala? Alam niyo na kung bakit!
Kinalas niya ang braso niya sa mga kamay ko.
"Gab naman! Wa`g ka namang ganyan o?" Tinalikuran niya ako at naglakad palayo.
Sinundan ko siya.
"Gab!" Hinawakan ko ulit ang braso niya.
"ANO BA!"
Halos ibalibag niya ang mga kamay ko para lang makawala siya sa pagkakahawak ko.
"Gab! Ayusin natin `to! W-We`re bestfriends." Oo na.
Sige na Gab! Tatanggapin ko na lang na hanggang diyan na lang tayo basta ba magkaayos na tayo... o kung pwede wa`g ka na lang umalis?
"Gab!" Halos umiyak na ako at magmakaawa sa kanya.
Ang dami ngang tao eh, pero binalewala ko na lang.
"Gab!"
"Ano ba?!"
"Aalis ka na ba?" Tumulo ang luha ko. "Kelan ka babalik? Ba`t di mo sinabi sakin?" Humarap siya sakin at wala paring ekspresyon ang kanyang mga mukha. "Hindi ba pwedeng wa`g na lang? Sige na, Gab!"
"Sino ka ba? Hindi kita kilala!" Tapos tinalikuran ulit ako.
Walang silbi! Mas lalong gumaspang ang ugali niya.
"GAB! I THOUGHT YOU WERE MY BESTFRIEND!" Tapos tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin.
"Akala ko rin bestfriend kita!" Tapos tinalikuran ulit niya ako.
"GAB!!!" Sinundan ko ulit siya. "Gab!"
Juscooo! Tulungan niyo naman ako. At least man lang magkaayos kami! Please? Panu pag matulad siya ni Eiji na di na bumalik ng Pinas? Eh walang kwenta! Iba `to ngayon eh... kasi mahal ko `tong aalis.
Panginoon, bigyan niyo naman po siya ng konting kabutihan para sakin kahit ngayon lang.
"Gab!!!" Sabay hawak ko sa kamay niya.
"Tama na nga, Celestine!" Sabi niya.
Alam kong mapait ang pagkakasabi niya nun, pero kahit anong gawin ko... masarap paring pakinggan ang pangalan ko kapag siya na ang bumabanggit.
"Kalimutan mo na ako! Mag kalimutan na tayo! Wa`g ka ngang makipag-ayos sakin at sasabihin mong akala mo bestfriend tayo! Eh ikaw ang sumira nito eh! Ayokong magkaroon ng bestfriend na may gusto sa akin!"
MAY GUSTO! PESTE TALAGA! Sinisikap ko na ngang mag reach-out sa kanya. Tapos ganyan pa siya?
Naramdaman ko ang mga kamay ni Jana sa likuran ko, "Tama na, Cel! Hayaan mo na yang BESTFRIEND MO-"
"May gusto sa`yo? Diba sinabi ko na sa`yo nun? Nung nasa court tayo? WALA AKONG GUSTO SAYO!" Sa inis ko, napaiyak na ako lalo.
"Wala kang gusto sakin dahil masahol ang ugali ko? Okay! Edi ganun! Masahol pala ang ugali ko eh ba`t pinagtityagaan mo pa ako dito! Kalimutan mo na lang ako, dahil ako, matagal na kitang kinalimutan!"
"Gab! Tama na nga yan! Ano ka ba-" Hindi rin niya sinanto si Jana... Tinalikuran niya na rin ang pinsan niya.
Ang walang hiyang yun talaga!TEN
Celestine Herrera: Ah... basta...
Kung may break-up lang sa magbestfriends - I must say, ganun ang nangyari samin ni Gab. Ang masaklap lang, eh ang katotohanang umalis siya. Halos dalawang buwan akong tulala nun. Mabuti na lang at dahil sa pag-aalala ni Jana sa akin, napapayag niya ang mga magulang niyang pansamantalang magbakasyon sa probinsya ng mama ko.
"Hoy, ano? Wa`g mo na ngang isipin yang pagsinta mo kay Gab!" Sabi ni Jana ng pabiro habang inaabangan namin ang pinsan ko.
"Hindi no! Hindi ko yan iniisip. Naiisip ko lang kung gano ako ka tanga dahil Gab na lang ako ng Gab pero gag0 naman pala yun. Nakakainis na nga eh, ba`t ako nagkafeelings sa mokong na yun!"
"Eh kasi naman po... ewan ko sa`yo! Alam na alam mo namang panget ang pag-uugali nung pinsan ko, nagkakacrush ka pa!"
"Wa`g na nga! tsss. Magmomove on na ako no. Daming lalaki diyan!"
Nag evil smile si Jana sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"HAHAHA Ganyan nga, Celestine! Pag butihin mo yan! HAAAAY, sa wakas! After million yearssss, natauhan ka rin at narinig ko yan galing sayo! HAHAHA"
Grabe naman makapagreact ang babaeng `to. Ganun ba ako ka lala all these years?
"HI!!!" Biglang bumati ang isang kulot at makinis at cute na babae sa aming dalawa.
Kilala ko yon. Kahit ilang years na kaming di nagkita, kilalang-kilala ko siya dahil sa magandang pares ng mata niya at sa kulot at natural-brown niyang buhok.
"Hi Gianna!" Bati ko.
Pinsan ko yon galing Japan. Dito din siya sa probinsya mag babakasyon dahil narinig ng mama niya na andito ako.
"Uh, Jana... eto nga pala si Gianna, pinsan ko."
Nakipagkamayan naman si Jana kay Gianna.
Sobrang ganda na ng pinsan ko. Dito naman siya sa Pinas lumaki at nag-aral. Kaya lang, umalis siya papuntang Japan last 2 months. Pero ngayon, bumalik na siya.
Masaya naman kami sa probinsya. Kahit na alam kong dalawang linggo lang kami dito dahil pasukan na naman at mag fo-fourthyear na kami, ayus lang.
Kakabanas nga eh, pinagtitripan ako lagi ni Jana pag natutulala ako sa tabi - sinasabi niyang iniisip ko na naman daw ang isang walang kwentang lalaki...
"Sino? May boyfriend ka na ba, Cel?" Tanong ni Gianna.
Kainis naman `tong si Jana. Ayan tuloy na curious pa tong pinsan ko.
"Wala no!"
"Aysus. Wa`g mo nang itago! Sino?" Tanong niya habang tinatapat ang marshmallow sa bonfire na ginawa namin.
"Wala. Wala akong boyfriend."
"Ayy, wala siyang boyfriend, Gianna. Ex meron."
"Ex?" Kuminang ang mga mata ni Gianna.
Ba`t ang chismasera naman ng pinsan kong `to.
"Ex bestfriend!" Tumawa pa si Jana.
"Uy, tumigil ka diyan at baka tusukin kita ng stick ng marshmallow ko."
Tumatawa parin si Jana.
"Ah, wala. Nag-away kasi kami nung bestfriend ko eh. Kaya, ayun."
"Awww. Ba`t naman?"
"Ah... basta..."
Nagdadalawang isip pa ako kung magsi-share ba ako kay Gianna o hindi.
"Aww. Kala ko naman may boyfriend ka na."
"Bakit, Gianna? Ikaw, may boyfriend ka na ba?" Tanong ni Jana.
"Ah. HEHEHE" Nag pa-cute pa siya. "Meron... shhh."
Nagtilian kami. Syempre... kahit di namn kilala, sa mukha naman kasi ni Gianna eh masaya siya sa piling ng boyfriend niya.
Maganda ang naging samahan naming tatlo. Okay din naman pala si Gianna eh, nagkakasundo pa sila ni Jana dahil pareho silang magaling sumayaw. Sumayaw - isang bagay na hindi ko talaga kayang gawin. Whatever. Cheerleader pala si Gianna sa school nila, naaalala ko tuloy si Stacey. Whatever! Ba`t ko ba iniisip pa yan? Wala na eh. Wala na si Gab!
Pagkatapos nun, nag fourth year na kami.
Hindi ko alam pero sa sobrang laki ng impact nung ginawa ni Gabriel sakin, halos nabago ko ang buong pagkatao ko. Halos mag total make-over na ako.
Nakatulong yung pagmake-over ko, daming pumapansin sakin. Halos palitan ko na nga ang kasikatan ni Stacey sa school namin eh, kung meron lang sana akong maipagmamalaking talent! NAKU! Napalitan ko na yung bruha.
Isang taon ang lumipas...
At kasama ng dati kong imahe - si Celestine-tanga, ibinaon ko na rin sa limot si Gabriel. Ang tanging nararamdaman ko na lang sa kanya ngayon ay galit. GALIT. Sa dami ng ginawa niyang masasamang bagay sa akin, paano ko pa siya magugustuhan? Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ko ba siya nagustuhan in the first place, siguro bunga lang yun ng pagiging immature ko. Masyado akong obsess sa mga love-love chuva na yan, kaya agad ko namang tinanggap ang ugali ng unggoy na yun! HAH! Ngayong nakikita ko na ang liwanag, namulat na ako sa katotohonan... at masaya ako`t namulat pa ako ngayon. Masaya ako dahil hindi ko na siya gusto!
Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;