<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

twentysix-thirty


TWENTYSIX
Celestine Herrera: Cid Lacson






"AHA! So, so, nagseselos na pala ang Gabriel na yun at gumagana na ang mga plano natin?"

Sumasaya na naman ng todo-todo si Jana habang iniisip ang mga kabalbalan niya.

"Hmmm, paano nga ba siya manliligaw sa`yo? Eh talagang hunghang yun at parang wala paring balak."

Tapos nun, bigla akong hinila ni Jana kung saan. Mukhang may nakita yata. Sino naman kaya yun?

"Psst! Psst!"

Lumingon ang isang lalaki. Sino ba yan? Di ko kilala. Kaibigan siguro ni Jana.

Matangkad ang lalaki. Gwapo na rin kahit may glasses. Mejo chinito at maputi.

"J-Jana." Pagkabanggit nung lalaki sa pangalan ni Jana, alam na alam ko na kung ano ang koneksyon ng dalawa.

Maaring binubully ito ni Jana. Nanginginig kasi at mukhang natatakot humarap sa kanya.

"Oi, Ciddie boy, san ang punta mo?" Tinapik pa ni Jana ang likuran nito.

Mejo nagulantang pa nga si Ciddie boy sa pagtapik niya. Halata talagang takot or something...

"S-Sa Canteen."

Is he nerd? Or something?

"O? Libre naman o? Hehe."
"S-Sige!"

Kinindatan pa ako ni Jana.

"Joke lang! Uh, eto nga pala si Celestine, kaibigan ko."
Tumango yung Ciddie boy na nasabi.
"Cel, eto si Cid Lacson."

Ay nak ng teteng, Cid pala. Akala ko naman for real na yung Ciddie boy.

Bahagyang kumaway at tumingin si Cid sakin.

"Uh, Cid?"
"H-Huh?" Pinagpapawisan na ah?
"Favor naman o? Payag ka ba?"
"O-Oo."

Parang aso naman `tong sunodsunuran kay Jana o.

Sinulyapan pa ako ni Jana bago tuluyang binasag ang lahat, "Pwede bang magpanggap kang manliligaw nitong kaibigan ko?"
"H-HA?"
"HUH?" Pati yata ako na shock na rin.

"Ano bang pinagsasabi mo Jan-"
"K-Kasi, sige na! Kailangan lang talaga eh. Manliligaw lang naman, di naman boyfriend! Sige na? Please?" May dalang puppy eyes pa si Jana habang ngumingiti kay Cid.
"B-Bakit?" Tapos sinulyapan ako.
"Basta! Pag papayag ka, saka ko lang sasabihin sa`yo ang dahilan! Pero wa`g na wa`g mong sasabihin kahit kanino kundi pipingutin kita!"
"Jana naman! Wa`g na nga lang! Masyado `tong desperada o! Masyado pa namang maaga eh..." Sabi ko. I`m backing up na nga! JOKE.
"Hindi na, Celestine! Eto na nga yung paraan eh! You know! Basta, trust me!"
"Panu kung hindi gumana?"
"Hay, edi hindi! Duh!"
"Heller, katakot naman yata kung hindi gagana yan!"
"Marami pa akong paraan no. Kaya tahimik ka nalang dyan."
"Ha? Eh marami naman pala. Yung iba na lang!"
"Saka na yun! This is plan A! Plan A should be done first, okay?"
"Pero-"

"Payag na ako!"

Napatingin kaming dalawa ni Jana kay Cid.

"I mean..." Inayos niya ang glasses niya at tumingin kay Jana. "S-Susunod lang ako sa inyo."
"YESSS, for the love of God! Salamat Ciddie boy!" Kulang na nga lang eh yumakap si Jana kay Cid.
"Ganito ha! Manliligaw ka kay Celestine kasi gusto kong ma loko yung pinsan kong si Gabriel at magkandaugaga ng todo. Gusto ko kasing manligaw na siya kay Celestine, masyado kasing torpe eh. Lanya talaga yung lalaking yun. Pinahiya niya daw ba si Cel nun, kaya eto kami at maghihiganti! HA HA HA :D" title="" class="smiley" border="0"> " Blahblahblah.

Jana`s really on it no? Kinakabahan na tuloy ako sa mga mangyayari. Habang nasa unahan ko silang dalawa at naglalakad kami patungong canteen, muntik ng mahulog ang puso ko dahil nakikita ko na naman ang ngiti ni Gab kasama ang iba`t-ibang ngiti ng tao sa paligid niya. Kasama niya angteammates niya at naka jersey pa sila. Mukhang break ng practice nila or something.

"J-Jana! Puntahan ko lang si G-Gab!" Sabi ko kay Jana.

Sobrasobra naman kasi ang pagsasalita niya dun kay Cid kaya mukhang di ako pinansin.

Kaya ako na mismo ang nagbigay ng permiso sa sarili kong puntahan si Gab.

"Hi Gab!" Abah! Pa cute yun ah!
"Oi, Cel!" Tapos siya pa ang lumapit sakin.

Aww, ambango ng Gab ko. Ang gwapo ng Gab ko. Sigurado akong inggit yang mga babae diyang nakatingin saming dalawa. HAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0"> Inggit!

"San ka?"
"Ah... Papapunta sana kaming canteen kasama si Jana eh, nakita kita."
"Awww. Sweet naman ng bestfriend mo Gab! Iniwan pa talaga si Jana. Oi, Cel! May hidden desire ka kay Gab no?"
"W-Wala ah!"
"Wala! Nukaba Jude!"
"Eh... Mukhang wala ka namang manliligaw eh? Siguro binasted mo ang lahat kasi si Gab lang yung gusto mo?!"
"HUH? Ano?" Ang kulet talaga nitong Jude na `to. Epal sa buhay! "May manliligaw ako ngayon no! Di niyo lang naitatanong."

Nakatingin na si Gab sakin.

"Oo nga! May manliligaw siya. Tsss. Wa`g ka ngang ganyan pare! Mailang pa `tong si Cel pag pilit mong sinasabing may something samin!" Aba! Sumakay pa si Gab ah?
"Oh siya! Sige na nga! Meron na nga lang! Ipakilala mo samen, Cel ah?"
"SURE!"

Confident pa talaga ako pagkasabi ko nun! HAHA. Kala niyo ah! Ang timing talaga ng plano ni Jana. Syempre naman, di kaya ng powers namin ni Jana na isali si Dexter sa kabalbalan namin kasi hindi pa namin yun close! Di ko rin naman close yung Cid na yun pero mukhang close naman ni Jana kaya okay lang!

Tapos nun, iniwan na kami ng teammates ni Gab dahil, "Ihahatid ko lang si Cel sa canteen." Aniya.

Kaya ganung ganun nga ang gianwa niya. HAHA. Eto na naman ako`t naglalakad kasama ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Diyos ko po! Andami talagang nakatingin. Asan ba yung Stacey na yun? At nang makita niya kaming dalawa ni Gab.

"Dito na tayo!" Tapos hinila ako ni Gabriel sa isang hindi-naman-shortcut-na-daan patungong canteen. In fact, LONG-CUT nga yun eh. Mas lalong lumayo kami sa canteen sa ginawa niyang pagliko.

"Bakit dito??" Leche, Celestine! Wa`g ka nang magtanong! Gusto lang ni Gab ng quality time habang nag-uusap kayong dalawa! Ayiee!
"Lalang."

Ayan, weird ang sagot niya.

Lumingon ako sa likuran at nakita kong dumaan sa dapat dinaanan namin ni Gabriel si Dexter! AHAHHA. Yun yun eh, no?

Napangiti tuloy ako habang tinitingnan siyang naglalakad.

"Nga pala, sinungaling ka talaga! Ba`t mo sinabi kay Jude na may manliligaw ka?"

Napawi tuloy ang ngiti ko. Ewan ko ba, naramdamang kong insulto yun eh.

"K-Kasi..." Tinitigan niya ako. "Totoo naman eh."
"HA?"
"Totoong may manliligaw ako."

Lord, sorry po! Simula ng plinano namin ni Jana `tong revenge na `to, nagiging hobby ko na ang pagsisinungaling! Masama na `to!

"Si-Sino? Kelan lang?"
"Kahapon lang. Basta... di mo yun kilala!"
"Sino nga kasi? Pangalan?"

Yiee. Scary naman si Gab! Feeling ko tuloy mag ha-hire siya ng assassin para patayin kung sino man yung kawawang manliligaw ko.

"Cid Lacson." ^-^



TWENTYSEVEN
Celestine Herrera: Nabadtrip tuloy yung tao!






Hindi ko talaga alam kung bakit pumayag yung Cid Lacson na yun na gawin yung gustong mangyari ni Jana. Siguro talagang takot na takot siya kay Jana at di niya kayang tumanggi. Eto tuloy ako at parang ako pa yung napipilitan sa planong `to. Late kasi ako sa usapan eh.

"So-Sorry, late ako."

Hinihingal pa ako habang tinitingnan si Cid na inaayos ang glasses niya.

Ang sabi kasi ni Jana, agahan ko daw ang pagpunta ko sa school ngayon, mga atleast 1 hour early daw. Kasi naman, ang first period ko ay yung magkaklase kami ni Gab, wiwindangin daw namin ni Cid sa pamamagitan ng paghahatid niya sakin sa classroom. OA naman ni Jana. Pero mas OA si Gab kung magkakaroon siya ng violent reaction sa makikita niya. HEHE

"Kanina ka pa ba?"

Tumayo si Cid.

"Hindi naman."

Hindi naman ka jan! Halos mamuti na nga yung mata niya dito eh. Sinabi ko pa kay Gab na hindi ako sasabay sa kanya papunta dito kasi may pupuntahan ako sandali. Hindi naman siya nag reply sa text ko, wala yatang pakealam. Siguro nga masaya pa yun ngayon kasi di niya na ako hihintayin sa labas ng bahay namin.

"Tara na, baka ma late na ako." Sabi ko kay Cid.

Tumango naman siya.

Binagalan ko ang paglalakad dahil gusto ko rin namang makipagkwentuhan sa kanya.

"Sorry ah?"
"Para saan?"
"Sinali pa kasi kita sa, uhm, mga planong `to."
"Ah, okay lang yun."

Habang naglalakad kaming dalawa, ayun na naman si Dexter at sumusulpot kung saan. Mag-isa siya ngayon at mukhang may klase din.

Tatawagin ko na sana pero naunahan niya ako!

"Celestine!"
"Oy, Dexter!" Ngiti.

Tiningnan ni Dexter si Cid kaya pati ako napatingin din kay Cid. Inayos nito ang glasses niya.

"Cid, magkaibigan pala kayo?"
"Oo eh. Uh," Ngumiti si Cid.

Halatang hindi niya alam kung sasabihin niya bang nanliligaw siya sakin o hindi. Hindi niya rin naman kasi alam kung kanino namin sasabihin ang mga kasinungalingang yun.

"Ah, magkaibigan pala kayo ni Cid, Dexter? Kaibigan siya ni Jana eh. Common friends."
"Ahhh. Yung si Jana?" Tumango si Dexter. "O, sige ah? May pasok pa kasi ako eh." Ngumiti si Dexter at umalis.

Habang nagpatuloy kami sa paglalakad ni Cid, sinulyapan ko siya.

"Marami pala tayong common friends."
"Oo eh. Kabarkada ko si Dexter."
Tumango na lang ako habang iniisip ko ang kantang, 'its a small world after all.'

"WHOAAAA!" humiyaw pa talaga sina Jude nang nakita akong kasama si Cid at hinahatid ako sa classroom. Dinala pa niya ang books ko para effect daw. Kahit nasa labas pa lang kami, kitang kita ko ang nakatalikod na si Gab at naghihiyawang mga teammates niyang kaklase ko. Sumulyap pa si Jana habang nagthu-thumbs-up.

Lumingon si Gab samin at tumayo. Nakaupo kasi ito sa desk ng upuan - ang pilyo talaga.

"Whoa! Siya na ba yan, Cel?" Tanong ng isang teammate ni Gabriel.

Tiningnan kong mabuti ang ekspresyon ni Gab. Bahagyang tumaas ang kilay nito habang lumalapit samin.

"U-Uh, Cel-" Sumulyap pa si Cid kay Jana bago nagpatuloy. "Kita din tayo mamaya ah? Sabay na tayong maglunch." Ngumiti pa siya.

Whoa! Kahit papano pala, cool din naman siya. Ang gwapo niya nga pagkasabi niya nun.

"Cel! Si Dexter oh!"

Napalingon ako kay Gab at nakita kong tinuro niya ang pintuan. Syempre, tumingin ako sa labas, wala naman akong nakita. ERR. Patay! Narinig yun ni Cid, baka anong maisip nito. Baka maisip niyang may gusto ako kay Dexter. OH NO!

"Wala naman ah?"

Tumayo din si Jana para sana makita din si Dexter.

Bigla akong inakbayan ni Gab at naglahad ng kamay.

"I`m Gabriel Soriano. And you are?" Nakatingin siya kay Cid.
"Cid Lacson." Nakipagkamayan naman si Cid.
Bumitiw silang dalawa.
"Ah, ikaw pala yung manliligaw nitong si Cel?"
"O-Oo." Nakita kong sumulyap si Cid sa likuran.
"Ngayon pa lang, sumuko ka na. May ibang gusto si Celestine, hindi ikaw. Atsaka, di rin naman ako papayag sa inyo eh. Bagay sa kanya yung mga basketball player at mga gwapong tulad ko."

Nabigla naman ako dun sa sinabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Mukhang napansin din niyang mali ang sinabi niya at bumitiw siya sa pagkakaakbay sakin.

"Ang ibig kong sabihin, hindi pa pinapanganak ang babagay sa kanya." Naging seryoso ang mukha ni Gab.
"Kailangan niya pa bang hintayin yung hindi pa pinapanganak? Kung andito na sa harapan niya ngayon ang nagmamahal sa kanya."

OMG! Eto ang mas nakakagulat na sagot nitong si Cid.

Tameme si Gab! Tameme si Gab!




"Sige nga, prove to me that you love her."

OMG! Pakiramdam ko, nag-iinit na naman ang ulo ni Gabriel. bakit nga ba? Tsaka, mahihirapan si Cid neto! Prove? Panu yun? Anong gusto niya? Tsaka, hindi niya naman ako mahal eh.

Sumulyap pa siya sa likuran ulit. At mukhang may binabasang senyas.

"I..." Huminga siya ng malalim. "I won't."
"My God, Cid!" Narinig ko ang biglang-sigaw ni Jana sa likuran.

Ngayon, mas nararamdaman ko ang galit ni Cid.

"Kung ayaw mong maniwala, bahala ka. Alam ko namang kahit anong gawin ko, di ka maniniwala eh." Tapos nag walk-out siya.

Aray. Nabadtrip yata si fafa Cid. Sorry!

Tapos, nakipag high-five na naman si Gab sa kanyang mga kateammates na para bang nanalo sila sa championship.

"Kita mo na! Walang kwentang lalaki-" Nakangiti pa si Gab nung binatukan ko siya.
"Ano ka ba! Nabadtrip tuloy yung tao! Ikaw kasi eh!"
"Ano? HAHAHA." Nagtawanan pa sila. "Eh, hindi naman pala siya kakasa sakin eh."
"So? Hindi ako magkakaboyfriend niyan sa ginagawa mo eh!" Pinandilatan ko siya at umupo na sa upuan ko.

"Ayy, galit!" Nagtawanan ulit sila ng team niya.

GRRR~! Kinakabahan tuloy ako kay Cid. Anong nangyari dun? Galit kaya siya sakin? Baka next meeting nila ni Gab eh makikipag suntukan na siya. HUHU.

Narealize kong may mas badtrip pa pala kay Cid dito sa tabi ko, si Jana.

"Shet! Kung alam ko lang na ganun ang gagawin niya. Kampante pa naman ako sa planong `to! Si Cid talaga! Ayan tuloy! Sira na tuloy! Sana kasi tinanggap niya ang hamon ni Gab eh! GRRRR." Nakapangalumbaba pa ito habang ginugulo ang buhok niya.


TWENTYEIGHT
Celestine Herrera: Iba ka.






Habang iniisip ko ang mga posibilidad ng pagkakagusto ni Cid kay Jana sa klase...

"Cel, andyan na si Cid sa labas. Mauna na ako. Sa Canteen kayo kumain ha, si Gab kasi sa canteen din kakain ngayon." Tapos umalis na si Jana.

Tapos na pala ang klase. Di ko man lang namalayan. Masyado ko kasing iniisip yung mga posibilidad na yun. BA`t ko pa nga ba yun iniisip kung pwede ko namang tanungin si Cid ng diretso?

"Cid," Sinalubong niya ako sa pintuan.

Tapos sumunod naman si Gabriel at para bang nag-iinit na naman ang ulo niya.

Ayan na! Ayan na! Paparating na siya.

"Gab, pwedeng samahan mo kong kumain? Wala kasi akong kasama eh."

Ang full-time epaloid na si Stacey, humihirit na naman.

"O-O sige, sure." Tumingin ulit si Gab samin.
"So, Ano Cid? Tayo na? Ginugutom na ako eh." Smile.

Tapos naglakad na kami.

"C-Cel!"
"Hmm?" Lumingon ako kay Gab.
"Saan kayo k-kakain?"
"Sa canteen lang. Bakit?"
"W-wala naman."

NYEEE~! Susunod yan for sure. :D" title="" class="smiley" border="0">

SUSUNOD YAN, I PRAY!

At dahil maawain naman si Papa God, sa canteen na nga kumain si Gab. Hay, ang feeling ko na naman. Sabi naman ni Jana kanina na sa canteen kakain si Gab. HMP!

Tumayo si Cid, "Ako na ang bibili ng pagkain mo." Smile.
"S-Sandali-"

Ayun, umalis na ng tuluyan. Badtrip parin yata. Babayaran ko na lang siguro siya pagbalik niya.

Napatingin tuloy ako kay Gab at kay Stacey na seryosong kumakain. Tumingin naman si Gab sakin pero inisnaban lang ang beauty ko. Galit?

Ilang sandali ang nakalipas, dumating si Cid dala ang pagkain namin.

Di niya na nga ako pinagbayad eh. Nahihiya daw siya kasi di man lang niya ako tinanong kung ano yung gusto ko.

"Wa`g na. Sorry talaga, di kita natanong. Dami ko kasing iniisip eh."
"Okay lang yun! Okay naman `to eh."

Halata sa kanya na marami nga talaga siyang iniisip kasi halos di siya makakain.

"May gusto ka ba kay Jana?"
"H-Huh?"
"In love ka ba kay Jana?"

Natigilan siya. At sa ekspresyong ipinakita niya, kasama ng pag-ayos niya sa glasses niya, alam ko na ang sagot.

At mas lalo kong nakumpirma sa sinabi niya, "Am I that obvious?"
Napangiti tuloy ako at sumulyap ulit kina Gab.

Nakatingin si Gab samin at mukhang iniisip niya na yata kung anong pinag-uusapan namin. Ngumiti pa ako kaya baka iniisip nun na kinikilig ako. WAHAHA. Kung alam niya lang.

"Oo. Pumayag ka kasi sa kabalbalan namin eh. Tsaka, natatameme ka pag kaharap mo siya."
He sighed.
"Okay lang, Cid. You don`t have to do this."
"P-Pero gusto kong makita niyang gusto ko siya."
"Panu yun? By doing this? Hindi no! Sabihin mo sa kanya para malaman niya."

Nag-isip pa ito.

"Asus. Torpe ka ba? Sa bagay, ako rin naman eh, torpe. Natatakot ka sigurong masira yung friendship niyo. Heh! Nakakarelate ako sa`yo."
Tumingin si Cid sakin, "Sorry."
"Nukaba! Okay lang yun! Wa`g kang mag-alala. Tutulungan kita sa kanya. Tsaka, tigilan na natin `to. Ako na ang bahalang mag explain kay Jana at magpalusot kay Gab."
"Explain kay Jana?"
"Oo! Sasabihin ko sa kanyang dapat wala akong nagpapanggap na manliligaw para may manligaw naman sakin. HAHAHA."
"Pero..."
"Okay lang kasi. Ako na ang bahala."

Kumain na kami. Pero ang totoo, di ko talaga alam kung paano ko babawiin kay Gab at sa mga ka teammates niyang wala naman talaga akong manliligaw.

Naisip ko tuloy na sana di ko na lang `to ginawa. Maling tao pa ang pinagpanggap namin.

Pero at the end of the day, narealize kong ginawan ko lang ng problema ang sarili ko sa pag-iisip ng palusot kay Gabriel kasi...

"Joke lang yung p-panliligaw ni C-Cid."
"AHAHAHA. Oo naman! Syempre, joke lang yun!"

Anong ibig niyang sabihin? Na alam niya yung ginawa namin ni Jana?

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Inakbayan niya ako. Papunta kami sa sasakyan niya at pauwi na.
"Alam mong joke lang yung panliligaw ni Cid?"
"Basta! Nafifeel ko yun. Eh biglabigla ka kasing nagkakaroon ng manliligaw ng hindi ko nalalaman. Ako pa! Sensitive yata ako no, alam ko ang tunay sa hindi! Tsaka, kita mo naman ang reactions ko... halatang walang pakealam."
"H-Halatang walang pakealam? Alin dun sa reactions mo? Yung pang-iinis mo kay Cid o yung pagsunod mo sa canteen?" ^-^

Bumitiw siya sa pagkakaakbay sakin at tumigil kaming dalawa sa harapan ng sasakyan niya.

"Huh? Uh, O-O naman!" Di makatingin.
Walang pakealam ka diyan. For sure, kung di ko sinabi sa kanya ngayon eh, nagpahire na talaga siya ng mamamatay tao para patayin yung Cid na yun. Hmp!

"T-Tayo na! Pumasok ka na!" Sumigaw si lolo tapos pumasok sa sasakyan niya.

"Huh? O-Opo!" Tapos sumulyap ako sa likuran at nakita ko si Cid kasama ang barkada niya.

Sana masabi niya na kay Jana ang nararamdaman niya no? Hmmm.

"Cel! Nu ba? Iwan kita diyan eh!"
"OA `to oh!" Parang si Cid lang eh... Ay! "Halaaa... si Dexter! Ang gwapo niya!" Kilig effect.

Tapos, kumaway pa si Dexter.

Pinaandar ni Gabriel ang sasakyan niya.

"Hoy!"
"Ano? Sasabay ka ba sakin o hindi? Iiwan kita?"
"Sige nga, iwan mo na lang ako dito? Sasama ako kay Dexter!"
"Isusumbong kita sa mama at papa mo. Sasabihin kong sumama ka sa boyfriend mo, sige ka!" Namumula na ang mukha niya at parang siniseryoso niya talaga ang mga sinabi ko.

Pasalamat ka talaga at di kita matiis kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya.

"Ikaw talaga! Pasalamat ka`t di kita iniwan. Flirt ka masyado eh."
"Nung sabi mo? Selos ka lang diyan!" Tapos sinundan pa talaga ng mga mata ko sina Dexter. Pa-effect. HEHE.
"Ba`t ako magseselos? Eh ang gwapo ko, ang pangit nun."
"Heeeh, ayaw mo lang aminin eh. Ano naman ngayon kung mas gwapo ka? Eh siya naman ang gusto ko."

Sumulyap siya sakin at nag-iba ang ekspresyon niya. Hinintay ko ang sagot niya, pero wala siyang naisagot.





:'(



Piningot ko na lang ang ilong niya, halata kasing napikon siya.

"Joke lang."

Ba`t kailangan pa yung 'joke lang'? Natatakot kasi akong baka magalit siya sakin. At bakit siya magagalit sakin? Siguro, may gusto na nga siya sakin. Pero, ba`t di niya maamin? Pero kung totoo namang may gusto siya, okay lang kahit abutin siya ng ilang siglo sa pag-amin niya sakin. Kaya ko namang maghintay eh.

Teka nga! Ano `to? Bakit ganito ang mga iniisip ko? Maghihiganti ako sa kanya eh!

Pero sa tuwing pinaparamdam ko sa kanya ang paghihiganti ko at nakikita ko ang mga reaksyon niya, nakakalungkot mang isipin, nasasaktan ako.

"Crush ko lang yun, no!"

His face lightened up.









































"Iba ka."

Sumulyap siya sakin. Then he smiled - sweet.


IBA KA, KASI MAHAL KITA.



TWENTYNINE
Celestine Herrera: Wala ka ng kaagaw.





Grabe ang disappointment ni Jana, umabot hanggang finals namin.

Hindi parin niya nakakalimutan ang Plan A niyang nawasak. At halata din naman sa kanila ni Cid na hindi parin niya sinasabi at inaamin na gusto niya si Jana. Hay, anyway, I won`t force him. Ako rin naman eh di ko nga masyadong naamin. I mean, talagang di ko naaamin!

"Aray!" Tinulak ako ni Jana bigla.

Papunta kami ng gym tapos dala-dala ko pa ang sandamukal na libro ko para sa pag-aaral ko sa upcoming final exams, lanya, ba`t ako tinulak nito?

"Sorry." Naaninaw ko ang ngiti ni Dexter.

Pinulot niya ang mga libro kong nahulog. Nakakahiya tuloy kasi ako naman talaga yung bumangga sa kanya, I mean, tinulak ako ni Jana.

"O-Okay lang!"

And just like those cheesy movies, nagkadikit yung kamay namin sa iisang libro. Grabe, sa puntong yun, yung mga cheesy movies lang talaga ang naiisip ko.

"Sorry." Sabi niya ulit.
"Ah, okay lang!"

Tapos, binigay niya na lahat ng librong napulot niya sa akin.

"EHHHHH. UYYY. Ehem," Nakangiti na si Jana. "Mauna na ako sa loob ah-"
"Cel, ang tagal mo!" Bumagsak na sa tenga ko ang sigaw ni Gabriel.
"Err, excuse me." Tapos kinindatan ako ni Jana at pumasok sa loob.

May practice sina Gabriel ngayon. Last practice yata. Tapos sina Jana naman, may practice din sa pepsquad. At ako naman, hihintayin si Gab. Napansin kong nakasoot si Dexter ng jersey.

"Pasok na tayo sa loob!" Tapos inakbayan naman ako ni Gab at sinenyasan niya na lang si Manong Guard.

"Bakit naka jersey si Dexter?" At tinanong ko pa talaga sa kay Gab ah.
"Ewan!" Tapos pinaupo niya ako sa bleachers.

Nakita kong pumasok si Dexter sa gym.

"Mag ta-try-out ba siya?"
"Hindi ko alam. Kung magta-try-out naman siya, mas magaling parin ako sa kanya. Kaya, dito ka lang. wa`g kang gumalaw. Sakin ka lang tumingin." Tapos umalis na siya.

"Wa`g gumalaw ka diyan! Err, whatever. HEHE. Sure!"

Nakita kong nag try-out nga talaga si Dexter. At biruin niyo, ang galing niya, sobra! Kahit na ako lang ang tao sa bleachers at sina Gabriel, teammates niya, at sina Stacey lang ang nasa court, may konting hiyaw parin akong naririnig.

"Okay! You`re in! Starting next sem, you can attend the practices!" Sigaw ng coach nina Gab.
"Thanks!" Tapos nakipaghigh five pa ang halos lahat ng teammates ni Gabriel kay Dexter, maliban na lang sa kanya.

Nakakabanas ngang tingnan eh kasi umamba pa si Dexter ng apir pero di inisnaban naman ni Gab at kumuha na lang ng bola at nagshoot. Naku!

Pumalakpak na rin ako para at least na lang eh mabuhayan si Dexter kahit na ganun ang napala niya kay Gabriel.

"Go, Dexttter! Galing mo!" Nakangiti na siya nung tumingin siya sakin.

Tiningnan ko ang ekspresyon ni Gabriel pero wala itong nagawa kundi umiling.

Ilang sandali ang nakalipas, umakyat na sa bleachers si Dexter at tumabi pa talaga sakin. Hayooop! Ang galing! Talagang magseselos ng todo si Gabriel neto. Panay pa naman ang palakpak niya habang nakikitang umiikot sa ere si Stacey at nag aacrobatic. Sa oras na sumulyap siya dito, sigurado akong mamamatay yun sa selos. haha

"Magaling ka palang mag basketball! Ba`t di ka nagtry-out last June? Nung nagkatabi tayo?"
"Hmmm, yoko kasi ng masyadong maraming nanonood sa pagta-try-out eh. It`s too flashy."
Tumango ako.
"Hinihintay mo si Number Eight?"
"Oo eh, sabay kami pag-uwi."
"Ahhh. Is he courting you?"
"H-Huh? Di ah! Bestfriends lang kami."

Ayan, dumapo din sa wakas ang tingin ni Gabriel samin.

Tyming naman ng pagdapo ng tingin niya samin ang pagsigaw ng coach nilang, "Break muna!"

So of course, pumunta agad si Gabriel saming dalawa. Napatayo tuloy si Dexter, ewan ko kung bakit.

"Cel, dun tayo oh." Sabay turo sa mga teammates niyang nakaupo malapit kina Stacey." Sumulyap pa ito kay Dexter.
"Huh? Yoko. Ikaw na lang, dito muna kami ni Dexter. May pag-uusapan lang kami. Diba Dexter?" Tiningnan ko si Dexter.
"O-Oo."
"Ikaw na lang dun, Gab. Tutal, andun naman si Stacey, diba gusto mo yun?"

Katahimikan.

Umupo na lang si Gabriel sa tabi ko. Pinandilatan ko na lang siya. Ayan kasi, kung diretsuhin na lang kaya niya ako na ayaw niyang nakikita kaming magkasama? Mas simple naman yun kesa sa mga palusot niya.

"Nagkikita parin ba kayo ni Cid?" Tanong ni Dexter sakin.
"Uh, hindi na masyado. Nung nakita mo kaming dalawa, nagpatulong lang yun sakin-"
"Cel, kunin mo naman yung tubig tsaka tuwalya dun o." Sabay turo sa bench sa court.
"Huh? Ba`t ako? Kita mo bang nag-uusap kami dito?"
"Eh ang sakit na ng katawan ko eh, kaw nalang muna. Please?" With puppy eyes pa.

Nakakatawa talaga siya, sure akong strategy niya na naman yan para lang maistorbo kami ni Dexter.

"OA mo ha! Ikaw na nga dun, bahala ka diyan!"
"Uh, Cel, mauna na lang muna ako ah?" Sabay sulyap kay Gabriel. "See you soon." Smile.
"Oh, Sige. Sorry ah?" Sumulyap ako kay Gab para bigyan ng ideya si Dexter kung paano ko sinisisi si Gabriel sa pag-alis niya.

Ngumiti siya at kumaway palabas.

"HAHAHA~ Buti di siya manhid no? Kitang may pinag-uusapan tayo, singit nang singit! TSEH!" Sigaw niyang bigla nung umalis na si Dexter.
"Shh! Tumigil ka nga Gab! Kala mo naman eh no? Ikaw kaya yung sumingit at kami yung may pinag-uusapan! Hmp!"
"Ah basta! Hehe." Nag evil smile siya sakin.

Ayan na naman ako. Tinitingnan ko na naman ang mukha niya, ang kanyang mga mata, ang buhok niyang mejo basa sa pawis at naamoy ko ang bango niya.

"Kunin muna yung tubig at tuwalya mo dun, basang-basa ka na oh."
Nakangiti parin siya.
"Wala na naman si Dexter eh, mag-isa na ako. Wala ka ng kaagaw." LOL
"Wala nga akong kaagaw, iiwan naman kita. Wa`g na lang."

Kaya lang, hindi siya umalis at umupo lang siya satabi ko hanggang nagsimula na silang magpractice ulit.


THIRTY
Celestine Herrera: Maligo ka na dun!







"Opo, babantayan ko po si Celestine."

Eto ang linya ni Gab nang ipinagkatiwala ako ni mama at papa sa kanya nang pumunta kami sa isang beach resort. Isasama niya raw kasi ako sa party nila ng teammates niya. Syempre, siya daw bahala sakin. O diba? Ang cool nun! Hahaha. Tsaka, kasama din yung cheering squad dun sa party. Kahit isang araw lang yun, sigurado akong masayang masaya `to.

Nagdrive na si Gab habang nasa frontseat ako at nasa likuran naman si Jana.

"Hay, Cel. Sayang lang at wala pa si Dexter mo."

Tumingon ako kay Jana.

"Oo nga. Sigurado akong mas masaya `to kung andito siya."

Pagselosin daw ba ang driver? HAHA

"Itext mo kaya, baka sakali. Part din naman siya eh, wala nga lang umimbita sa kanya."
"Wala akong number niya eh."
"Ano? Hay naku, ang hina mo talaga no? Eh close na close na kayo, wala ka pang number niya?-"
"Pssht, bawal ang Dexter sa kotse ko. Pag-usapan niyo pa siya, itatapon ko kayo sa labas."

Kaya hayun si Jana, nag sa-silent laugh sa likuran. Ang sama naman ng tingin ko kay Gab.

"Ano, ano, anong sabi ng pinsan ko?" Silent laugh. "Bakit bawal si Dexter dito? Selos ka?"
"Hindi no! Feeling naman nito. Yoko lang!"
"Heh! Aminin mo na lang kasi."
"Anong aaminin ko?"
"Na nagseselos ka?"
"Ba`t naman ako magseselos?"
"Yung mga sagot sa tanong ay di pwedeng tanong rin, okay?"
"Tama na nga yan! Tumigil ka na, Jana! Wa`g mo na ngang pilitin, kung di naman daw siya nagseselos eh." Singit ko.

Umirap pa ako sa kawalan. Nakakainis lang kasi si Gabriel eh. Bakit ang tagal niyang umamin? Eh talagang obvious na obvious na ang lahat sa kanya.

Hindi naman sa feeling ako pero kung titingnan niyo sa mga actions niya, talagang mapagkakamalan kong may gusto nga siya sakin at nagseselos siya.

Pero, oo naman, bestfriends kami kaya siguro siya ganun. Pero sana naman, kung ayaw niyang magustuhan ko siya, dumistansya naman siya ng konti. Pero kung didistansya siya ng konti, magugustuhan ko naman kaya? OH NO!


"Andito na tayo!"

Nandun narin ang team, at syempre ang excited na mga cheerdancers. LOL. Ako lang yata ang out of place dito eh. Buti na lang close kami ni Gab at Jana at kilala ko naman ang halos lahat sa team at cheering squad.

Anduyn na rin si Stacey, ang laki ng aviators niya at naka shortpants at tube lang. Ako naman, naka shortpants lang rin pero t-shirt naman ang kasama.

"Maliligo ako!" Tapos inakbayan ako ni Gabriel. "Ikaw?"
"Wala. Hindi. Hindi ako nagdala ng ibang damit. Sasama lang ako dito at makikikain, yun lang. HAHAHA." Sabi ko sa kanya.
"Ano? Bakit naman? Excited pa naman akong makita kang naka two-piece lang?"

Shet na malagkit. Joke!

"Asus, namumula na. HAHAHA." Tapos kinurot niya ang ilong ko.
"Huh? H-Hindi ah! Tsss, di ako mag t-two piece no!"

Hanggang sa pumasok na kami ng tuluyan sa resort, nakaakbay parin siya sakin. Panay ang kindat ni Jana sakin at halatang may plano na naman.

Maganda naman ang resort. Wala masyadong tao at malaki. White sand, at maraming restaurant sa tabing dagat. Yung mga taong nandito, halos ka-age lang namin.

Umupo ako sa isang table dun sa restaurant nang tumabi si Jana sakin. Nasa loob pa silang lahat at nagbibihis. Etong si Jana naman, mukhang excited talaga dahil sootsoot niya na kanina ang two piece niya sa ilalim ng soot niyang shorts at t-shirt.

"Celestine, makinig ka, sa araw na `to manliligaw na sayo si Gabriel."
"Ha? P-Paano?"
"Basta! Halata na talaga sa kanya na may gusto siya sayo eh."
"H-Ha? eh, baka bestfriend lang yung turing niya sakin kaya ganun siya."
"Hindi eh... may something talaga. HAHA."
"Tapos? Pag nangliligaw na siya, anong gagawin ko?"
"Eh, ano pa... syempre... ano bang nafi-feel mong gawin?" Evil smile.
"Hmmm-"
"Syempre, sasaktan mo siya! Diba? Maliban na lang kung..." Kumunot ang noo niya.
"O-oo naman! Sasaktan ko siya. Yun nga. Kaya nga ako nakipagclose ulit sa kanya para masaktan ko siya pag nainlove na siya, diba?"
"Oo nga! Uh, sasaktan? Mejo, pahihirapan na lang muna siguro.... na gu-guilty tuloy ako sa sinabi mo. Para namang tinutulak ko sa bangin ang sarili kong pinsan."

Nagtawanan kaming dalawa. Buti nalang at kahit pursigido si Jana sa mga plano niya, may puso parin siya.

Ilang sandali ang nakalipas, dumating na sila. Grabe yung teammates ni Gab, parang ngayon lang nakakita ng dagat. Tumakbo pa talaga sila para maligo. Yung mga cheerdancers naman, mas lalong nakita ang hubog ng katawan sa mga soot nilang two-piece, picture-picture naman ang inaatupag nila.

"Cel, ligo muna ako ah? Wa`g ka masyadong malikot dito. hehe." Nginitian pa ako ni Gab habang umuupo siya sa tabi namin ni Jana.
"Maligo ka na dun! Uupo-upo pa!" Sabi ko.
"Ang arte nito. Tinitingnan lang naman kita eh."

Katahimikan.

"Gab, picture?" Sabi ni Stacey.
"Sure!" Ngumiti naman si Gab at nagpahila kay Stacey para magpapicture.

Ayun, nag picture2x na silang dalawa. Pati yata sa pagligo sa dagat eh hinihila at hawak-hawak parin ni Stacey ang kamay ni Gab.

"Dito ka lang, Cel. Papatayin ko yang Stacey na yan!" Sabi ni Jana at umalis na.

Kainis talaga si Stacey! Epal masyado. Si Gab naman, nakikipagflirt-flirt din. Errr. Kainis!

"Celestine!"

Lumingon ako sa tumatawag sakin.



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText