<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

W-arcs


W-arcs




W1.all at once






Simula na naman ng second sem. Oo, plano ko talagang bawiin si Brent sa kahit anong paraang pwede.

Plan A. Una kong plano ang pagiging normal lang. Normal life. Kasi ang alam ko, bumabalik at bumabalik siya sa akin kahit anong gawin ko.

Plan B. Pag di gumana ang plan A, magpapapansin na ako ng todo.

Yun lang muna ang naisip ko sa ngayon. Ayokong masyadong agresibo. Nasaktan ako, nasaktan ko rin siya, kailangan pang maghilom ang mga sugat.

Naglalakad ako sa corridor papunta sa klase ko nang bigla kong nakita ang mga kaibigan at teammates niya.

Hindi ko alam kung haharapin ko ba o tatakbo na ako kasi kabang-kaba na ako.

"Hi Max!" Isa-isa ko silang tinignan.
"Hello!"

Wala siya! Napawi yung kaba ko. Haay! Akala ko ba strike back na?

Oo, strike back na! Yun lang ang naisip ko nang nakita ko siya sa harapan ko. Naglalakad siya papunta sakin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, normal... normal lang... dapat walang pagbabago. Plan A.

"Br-"

Hindi ko na tinuloy ang pagsasalita ko... kasi nilagpasan niya na ako.






HINDI NIYA AKO PINANSIN!

"HINDI NIYA AKO PINANSIN!" Sabi ko kay Emily.

Nagiging hysterical na ako sa harapan niya sa locker room habang nagbibihis ako ng jersey.

Simula na rin ng practice namin for volleyball.

"Anong gagawin mo ngayon? Eh di ka niya pinansin?"
"Baka... baka hindi niya ako nakita?" Sabi ko.

Nagbabakasali.

Bumuntong-hininga si Emily.

"Susubukan ko ulit... Normal."
"Sigurado ka ba? Baka kailangan mo ng magpapansin?" Tanong ni Emily.
"Masyado pang maaga para magpapansin."

 ???



Ang weird ng pinag uusapan namin. Para akong may masamang plano! Pero bakit naman kaya di ako pinapansin ni Brent?

Nagtanong pa ako, eh alam ko na naman eh. Pero di lang ako makapaniwala na ganun. Ganun ba talaga ka lala yung nangyari at di niya na ako pinapansin ngayon?

Habang papunta ako sa court, nakita ko si Ara. Good timing!

"Ara!"
"Uy Max! Kamusta yung hacienda?"
"Uh, okay lang naman. Salamat nga pala sa pagpapatulog sakin sa room mo."
"No problem! Dapat talaga ikaw dun no! Baka si Kitchie pa ang makatulog dun! Feeling!" Sabi niya.

Wala na akong masabi. Para naman kasing wala siyang alam.

"Practice niyo?" Tanong niya.
"Oo."
"Nasaan si Brent?"
"U-Uhh, hindi ko alam eh."
"Hindi paba kayo nagkikita today?"
"Nagkita kami kanina... Uh... Hindi ako sigurado. Siguro ako lang yung nakakita."
"Huh? Ano?"
"Nagkasalubong kasi kami, di niya ako pinansin."
"Huh? Bakit?"
"Hindi ko alam."
"Wala naman siyang sinasabi sakin. Sige, wait, hanapin ko lang siya at magtatanong ako."
"Ara, wa'g na."
"Don't worry, whatever it is, its gonna be okay." At umalis.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Natatakot ako na baka pati si Ara ay wala ng magagawa. I missed my chance. It might be too late. But I need to at least try to extend my hand, eat my pride, break my own heart and do it all at once.






W2.Commence the war








Pinilit ko ang sarili kong maniwala na hindi ako nakita ni Brent. Habang nagpa-practice kami, naglalaban ang isipan ko.

Hindi ako pinansin ni Brent! Totohanan na 'to! Talagang galit siya at ayaw niya na sakin!
Pero pwede ring talagang di niya ako nakita?
Wake up, Max! Nagkasalubong kayo! Bulag lang yung hindi makakakita!
Si Brent yun! Hindi yun si Chad! Si Brent! KSP yun! Laging nagpapapansin sakin! Hindi pwedeng ako naman ngayon ang di niya mapansin!

"Ouch!" Yun na lang ang nasabi ko nang di ko namalayang takbo pala ako nang takbo kaya eto at na-cramps ang paa.

Point sa amin.” Sigaw ni Chloe na nasa kabila.

Siya ang huling tumira. Walang pumansin sa tira niya dahil may cramps na ako.

I think we won.” Dagdag pa niya.
Chloe, tumigil ka nga diyan! Kita mong namimilipit si Maxine sa sakit dito.

Tinulungan ako ng ibang teammates ko, habang si Chloe ay nagpahinga lang sa bench. Hindi ko na pinansin at di na ako lumaban dahil masyadong masakit na ang cramps ko. Nakita kong dumaan si Brent malapit sa court kasama ang lima sa mga ka-teammates niya.

Ngayon, pag si Brent ay si Brent parin, mag-aalala yun sakin.

"Arayyy!" Sabi ko sa sobrang sakit.

Napapikit ako ng konti.

"Max! Kaya yan!" Sigaw ni Jason at Emily na kanina pa nanonood ng practice sa labas ng court.

Imposibleng sa sigaw na yun ay di ako napansin ni Brent. Ni lingon, wala siyang ipinakitang senyales.

Napawi na yung cramps. Tiningnan ko sa malayo si Brent. Hanggang sa nawala na.

Padabog kong sinarado ang locker pagkatapos kong magbihis. Wala na akong class. Sina Emily at Jason meron pa.

5PM na, wala na akong gagawin kaya uuwi na lang ako. Useless na araw. Wala akong improvement kay Brent.

Pagkalabas ko sa locker room, nakita ko si Brent!

Nagkasalubong ang mga mata namin! Wala siyang takas!

Pero may biglang dumaan sa harapan naming dalawa. Isang batalyon ng freshmen. Hinanap ko talaga ang mga mata niya para magkatagpo ulit. Pero nang nakaalis na yung mga freshmen, nakita ko siya, pero may iba ng kasama - si Kitchie.

"Max! Ikaw pala!" Sabi ni Kitchie.
"Uh, oo." Sabay ngiti.

Hindi na ako makatingin sa mga mata ni Brent ngayon. Siya naman yung nakatingin sakin.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Kitchie.
"Oo eh."
"Ihahatid ka ba ni Chad?"
"Uh, hindi eh. Mag ta-taxi na lang siguro ako."

Napatingin ako ng konti kay Brent. Normal lang naman ang reaksyon niya.

"Kayo?" Tanong ko.

Tinitigan ko siya at hinintay na sumagot. Nagkatinginan muna sila... at nagsalita si Kitchie.

"Pumayag ka na kasi..." Sabi ni Kitchie.

Masyado namang nakakakilig ang scene na 'to. Parang nanunuyo lang na mag kasintahan ah.

"Max, sabihin mo nga kay Brent? Yinaya ko kasi siyang mag dinner sa bahay. Eh ayaw, nahihiya."

Nagngititan pa ang dalawa.

"Kung nahihiya siya, edi next time na lang." Straight to the point kong sinabi yon.

Wala akong pakealam kung anong sasabihin nilang dalawa. Kung hindi man ako makatingin sa mga mata ni Brent pagkatapos kong sabihin yon, okay lang.

"Hmmmp! Ano ba yan, Max! Hindi mo man lang ba pipilitin si Brent for me? Sige na Brent, pleaseee?"
"Hehe. Hindi naman kasi magandang pinipilit mo kung ayaw..."

LOL! Para akong naghahanap ng away dun sa sagot ko kaya bigla kong tiningnan ang wrist watch ko at...

"Sige, ingat kayo! Alis na ako. Baka kasi gabihin pa ako. Wala pa namang maghahatid. Sige, Brent, Kitch... Bye!"




W3.tawag




Alam niyo ba yung feeling na gusto mong ipakitang aalis ka na pero ayaw mo pa talaga? Simula kahapon nang umalis ako sa harapan nina Kitchie, eto na ang nararamdaman ko. Isang salita lang - MAPAIT.

"Hi Max!!" Sabi ni Kitchie bago pa ako makaiwas sa kanya.
"Hello!"
"May pasok ka?"

Sasabihin ko na sanang wala pero naisip ko baka yayain niya ako sa game ni Brent. Kaso ang bagal ko kasing mag-isip kaya naunahan niya na ako.

"Lika na! Watch tayo sa game ni Brent!" Sabi niya sabay hila sakin.
"Pero may gagawin pa kasi-"
"Naku naman! That can wait! Friend ka ni Brent diba? Dapat suportahan mo siya!" Sabi niya.
"Uh, o sige."

Tama, Max! Ano bang ginagawa mo at parang iniiwasan mo pa ang mga bagay na mas makakapagpalapit sayo kay Brent? Hindi lang siguro ako sanay na pumupunta kung saan siya. Sanay akong umiwas pero hinahabol niya. Pero ngayon, magbabago na ang lahat.

Pagkapasok namin sa gym, nakita ko agad ang pag lay-up niya. Ayun na naman ang kagwapohan at kayabangan niya. Walang kupas na pamamayagpag.

"Go Breeeent!" Sigaw ni Kitchie...

Nakuha niya naman ang atensyon ng halos lahat ng tao sa gym kaya tumili ang iba.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya nung nakatingin na ang lahat ng tao sa kanya. Ang weird naman ng lugar na 'to. Ang ibig kong sabihin, ang lugar ko. Di tiyak. Ang alam ko, gusto ako ni Brent... Hindi ko lang alam kung dapat ba present-progressive ang gagamitin kong tense o past tense na talaga. Nakatingin ako dito sa babaeng akala ng sangkatauhan ay gusto ni Brent. Mabait. Hindi mahirap magustuhan.

"Go Breeeeeeent!" Sigaw ulit niya ng nag three-point shot si Brent na sumablay. "You're the best!"

Umupo kami sa front na bleachers.

May kung ano akong nararamdaman sa lalamunan at tiyan ko. Para bang naiinggit ako kay Kitchie. Nakatuon sa kanya ang madla dahil ang akala ng lahat ay sila na ni Brent. At kung ako man yung makakatuluyan ni Brent, di maaaliw ang mga tao sakin. Hindi naman kasi ako nakakaaliw. Di ako sumisigaw pag may game siya. Tahimik lang akong nanonood.

"Nga pala Kitch, kumusta naman yung dinner niyo with family? Tumuloy ba si Brent?" Tanong ko.

Napatingin si Brent samin ni Kitchie.

"Oo." Sabi niya habang nakangiti kay Brent.

Tumango na lang ako. Di kaya... talagang mawawala na si Brent sakin?

"Alam mo ba? Gustong-gusto siya ni mama at papa!" Ngumiti siya sakin. "First time kong nagdala ng guy nun eh. Kinabahan ako pero grabe! It was worth it."

Hindi gumana yung advice ko nung isang araw. Walang hiya. Ang sarap lang sumipa ng kahit anong bagay sa inis ko sa sarili ko.

Pagkatapos nung game, nakita kong papalapit si Brent samin pero ilang beses napigilan dahil sa coach at mga teammates niyang bumabati at sa ibang kaibigang nakikipag-usap sa kanya. Andun kami ni Kitchie, parehong nakatayo at nag-aabang sa kanyang makarating samin. Napaka estupidang tanawin naman 'to. Aalis na ako.

"Kitch, mauna na ako."
"Huh? oh sige... Di mo na ba talaga hihintayin si Brent?"
"Di na."

Umalis na ako agad. Nakita ko si Chad sa malayo. Nanood din pala siya sa game.

*bump*

"Opps sorry." Sabi nung nakabangga sakin.
"Sorry." Sabi ko.

Concentrate sa pag-alis sa gym. Kay daming tao.

"Miss, you're phone..." Sabi niya sakin. Nahulog ko pala.

Natigilan kaming dalawa sa gitna ng nag-aalisang mga tao. Kinuha ko ang phone ko.

"I'm Renzo, by the way. You don't look familiar..."

Hinayupak. Ikaw din, hindi.

"Are you from here?" Tanong niya.

Habang may nabanggang babae sa shoulders ko.

"Oo."
"Ingat naman diyan..." Sabi niya dun sa babae. Pero nginitian siya. "That's why pala... I'm not from here." Ngumiti siya. Ngumiti din ako.

"Max-"
"MAX!"

Halos sabay ang pagtawag ni Chad... at... ni Brent sakin...




W4.walang pakealam





Nakatingin pa ako kina Brent nang lumapit na si Chad sakin at umalis na yung Renzo.

"Sorry, kilala ko kasi yung si Renzo eh. Playboy yun. Alam mo na."
"Ah, ganun ba?"

Wala namang kaso sakin yun eh. Si Brent nga na mas gwapo pa sa Renzo na yun eh di ako napasagot... wait... pero in love ako sa kanya.

Ano bang kinakatakutan nila?

Tumingin ako kay Brent. Andun lang siya at kausap si Kitchie na para bang walang nangyari.

"Teka lang Chad ah, narinig ko kasi kanina na tinawag ako ni Brent."

Pumunta agad ako kina Brent at Kitchie.

"Ano yon, Brent?"
"Ha?"
"D-Diba tinawag mo ako."
"Kilala ko kasi yung kausap mo. Alam mo na. Baka pormahan ka eh andami ng pinaiyak na babae nun." Sabi niya.
"Si Renzo yun. Classmate ko nung high school." Sabi ni Kitchie.
"Ahhh. Okay.>:(

So nagkakasundo pala talaga sila ni Kitchie ah?

Naiinis ako. Ano bang pakealam nila? Si Brent... ano ngayon kung paiyakin ako nun? Eh mukha namang wala na siyang pakealam sakin. Pagkatapos niyang sabihin yun, nakipagharutan ulit siya kay Kitchie.

Umalis na si Chad kasama si Chloe. At si Brent naman, nakatuon ang atensyon kay Kitchie na halata namang trying hard para magpa-impress kay Brent.

"Uuwi ka na ba?" May biglang nagsalita galing sa likuran.

Isang ka teammate ni Brent. Kakalabas ko lang sa locker room. Mukhang hinintay niya talaga akong lumabas kasi inabangan niya ako.

Naisip kong kailangan nga ng third party para makuha ko ang atensyon ni Brent. Kaya...

"Oo. Bakit?"

Hindi pa kami nakakalayo sa locker. Marami ng nakatingin samin.

"Sabay na tayong lumabas ng gate." Sabi niya.

"Tol! Sa'n ka? Di ka papasok?" Sabi nung isa pang kateammate ni Brent sa kasama ko. Pero sakin siya nakatingin. Para bang nagtataka kung bakit sabay kaming naglalakad.

"Nabuking naman ako dun." Sabi niya.
"Akala ko naman uuwi ka na. May pasok ka pa pala." Ngumiti ako. "Sige na, baka ma-late ka."
"Hindi naman. Ihahatid lang naman kita sa gate eh. Kung ayos lang sayo." Ngumiti siya. "By the way I'm Luis." Sabi niya.
"Ah Oo. Kilala lang kita sa mukha dahil teammates kayo ni Brent... I'm Max-"
"Maxine... Of course! Kilala ka rin namin."

Nagngitian kami habang naglakad papuntang gate.

Hindi ako komportable. Hindi naman kasi ako ganito na bigla-bigla na lang nag eentertain ng kung sinu-sino. Ganito na ba talaga ako ka desperada kay Brent? Eh mukha namang wala na siyang pakealam sakin.

"Hanggang dito ka na lang." Sabi ko nang nasa gate na kami. "Mali-late ka na."
"Okay! Salamat nga pala at pinayagan mo akong ihatid ka." Sabi niya sabay kuha sa cellphone niya. "Can I h-have y-your number?"
Tumawa ako. So awkward. Hindi ako ganito... pero... "Sure."

Pagkalabas ko ng school, marami akong inisip. Sa sakayan... tumingin ako sa paligid. Walang kahit anino ni Brent. :( Ganito na lang ba talaga? Tapos na ba talaga?

Kailangan mas pagbutihin ko pa ang mga moves ko.




W5.May problema ba tayo?





Binisita ko ang Facebook ni Brent. Online siya. Online din si Kitchie.

May dalawang status siya ngayong araw.

Ang una: 'When I looked at her face, I felt absolutely nothing anymore.'
Ang pangalawa: 'Maybe, its just not meant for me.'


 :'(

Maraming nag like at nagcomment, kasama pa si Kitchie.

Parang may kung ano sa lalamunan ko. ang sakit. Parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak. Ba't ako iiyak eh kasalanan ko naman ang nangyari? Ako kasi eh... ang tagal kong naniwala.

Natapos na yung Championship ng volleyball at pinanalo ko ang team namin... pero di parin ako nananalo kay Brent.

Ilang linggo na yung nakalipas at ganito parin kami ni Brent. Yung tanong... may kami pa ba?

"Siya yung si Maxine diba?"

May binibili ako sa isang convinient store malapit sa school nang narinig ko iyon galing sa grupo ng schoolmates ko na nasa loob din.

"Oo." Tumingin sila sakin at sa isang magazine.

Binalewala ko na lang.

"Si Luis na yung kasama niya palagi eh."

Simula nung nagkakilala kami nung Luis lagi niya na akong hinahatid palabas ng gate. Kainis naman, ba't ba kami pinag-uusapan? Tinitigan kong mabuti ang magazine ni tinitignan nila.

Preview. Yan na kaya yung issue na nandun si Kitchie at Brent? Sa counter, bumili ako ng isang kopya at umalis na.

Plan A. Normal lang... Yun ang plano ko. Normal lang... Hindi magpapakita ng motibo. Pero ayan na at nakikita ko siyang parating. Magkakasalubong kami. Seryoso yung mukha niya. Bitbit ko pa yung Preview magazine. Ang sarap ihagis ng dala ko! Ayokong makita niyang binili ko 'to kasi nga dapat normal lang. Si-Maxine-na-hindi-fan-ni-Brent and dapat ipakita ko.

"Maxine!!!" May biglang sumigaw. Dalawang babae. Akala ko kakilala ko.

Natigilan ako. Si Brent, patuloy sa paglalakad at papalapit na sakin.

"Pwede pa p-picture?" Sabi nung isang babae.
"Akin na ang camera." Sabi ni Brent.

Ikinabigla ko.

"Wow! Si Brent pa talaga ang magpi-picture? Brent, sa next picture kayo naman dalawa ni Maxine yung kasama namin ah?" Sabi nung dalawang babae.
"O sige bah!" Sabi ni Brent.

Pumwesto na yung mga babae sa tabi ko habang ni-click na ni Brent ang camera. Halos di ako makangiti.

"O isa pa! Yung kasama na si Brent." Sabi nung babae.

Simula nung natapos yung championship. May bigla na lang nagpapapicture sakin. Ewan ko kung bakit. Ang alam ko, may fan page na daw ako sa Facebook sabi ni Emily.

Pumwesto si Brent sa tabi ko.

Tinignan ko siya. Ang laki ng ngiti. Eh ako halos umiyak na dito.

"Ay! Ano ba yan... Pwede bang ulit? Si Maxine, hindi nakatingin sa camera."

Tumingin si Brent sakin habang nakangisi. Tinignan kong mabuti ang mukha niya. May nagbago. May gap... May wall na siyang ipinapakita. Hindi tulad noon. Palabiro at totoo. Ngayon, parang... reserved.

*click*

"Thank youuuu! BrentMax!" Tapos umalis din naman yung mga babae.

Kami na lang ni Brent yung naiwan.

Nagkatinginan kami.

"May pasok ka?"

Tinignan niya ang hawak kong Preview. Kaya di na ako nagpaliguy-ligoy pa.

"Binili ko to. Gusto ko kasing makita yung pictures niyo ni Kitchie." Ngumiti ako.

Gusto kong makita yung mukha mo. Di na kasi tayo nagkikita at nagkakasama. Miss na miss na kita.

Napabuntong-hininga siya. "Oo, may pasok ako mamaya. Ikaw? Congrats nga pala sa championship."
"Thanks." Nanood ka ba? :( "Mamaya parin yung pasok ko eh."

Katahimikan.

"May problema ba tayo?" Tanong ko.

Tumingin siya sa malayo, iniiwasan ang mga mata ko. :'(




W6.plan B





"May problema ba tayo?"

"What do you think?" Tanong ni Brent.

Seryosong seryoso ang mukha niya.

"Wala."
"So... wala." Humalakhak siya.
"Kung ganun, ba't mo ko iniiwasan?"

Ang sakit sakit na. Alam ko. Magaling ako sa ganito. Pinipigilan ko ang sarili kong magpakita ng kahit ano.

"Iniiwasan?" Nakangiti siya. "Hindi kita iniiwasan."

Nakakainis lang! Kaya niyang ipakita sakin ang ngiti niya habang deny nang deny sa halatang nangyayari.

Tahimik lang ako at tinitigan siyang mabuti. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya 'to sa amin.

"Ah. Sorry. Nahuli ako sa balita. Ganito na pala talaga tayo kung magpansinan simula pa noon. Akala ko kasi may nagbago... yun pala... dati ng ganito."

Umalis ako sa harapan niya. Hindi ko kaya. Hindi ako umiyak o nanginig man lang nang sinabi ko yun at nang tinalikuran ko siya. Naiyak lang ako nang habang papalayo ako sa kanya... ay hindi ko man lang naramdamang nanghinayang siyang hindi ako pinigilan.

Sa araw na yun, di ako pumasok ng school. Umuwi ako nang bahay at nalaman kong kami lang ni yaya at Carlo ang nasa bahay buong araw dahil si mama at papa may inasikaso.

Text ni Emily:
Sa'n ka? Ba't absent?

Reply ko:
Gusto kong maglasing.

Hindi totoo yun. Hindi totoong gusto kong maglasing. Hindi ko ugali yun at lalong lalo nang hindi ko kailanman naisipang maglasing, pero inuudyok ako nang sitwasyon. Kailangan kong magpapansin kay Brent. Oo. Alam kong OA na 'to. Pero pa'g di gumana ang Plan A, Plan B na naman ako - ang magpapansin kay Brent.

Nasimulan ko na... tatapusin ko. Ang sakit... Masakit sa pride. Masakit sa puso... Masakit na masakit. Ang sakit sakit pero kasalanan ko. Hindi ko masisi si Brent. Nagsisisi ako. Sinisisi ko ang sarili ko. Kaya para wala na akong pagsisisi, sasagarin ko na.

Text ni Emily:
Why would you do that? what happened?

Hindi ko na nireplyan.

Ang unang mission, pumunta sa bar at magpakalasing. Alam kong ayaw ni Brent na nagpupunta ako dun. Kaya yun ang gagawin ko... :'(


W7.Mystery Man







Pumunta ako dun sa kasagsagan ng sayawan. May sumasayaw sa akin habang naglalakad ako sa dancefloor at naninibago sa mga nangyayari. Pakiramdam ko nawawala ako sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Naka dress ako. Black na longsleeve pero maiksi. Pamatay ang shoes ko. At mismong ako masasabing mukha akong parating nagba-bar sa soot at mukha ko. Pero ang totoo, pangalawang beses ko pa yata 'to.

"Maxine..." Sabi nung lalaking mejo lasing na na sumasayaw sakin.

Una, pinandilatan ko siya at kinabahan ako. Pero ilang sandali ang nakalipas, naisipan kong sumabay sa kanya. Ito naman ang pinunta ko dito diba?

"Whoa!!!" Namangha siya dahil sinayawan ko.

Pero agad naman akong naglakad ulit palayo. Hanggang sa ilang lalaki na ang sumayaw sa akin. Di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa may naramdaman akong humipo sa legs ko.

"Ano bah?" Sigaw ko. Natigilan ang ibang taong nakarinig sa sigaw kong mas malakas pa sa stereo.

"Easy..." Nakangisi ang isang lalaking nakatingin sakin habang natigilan ang mga kasama niyang kanina pa sayaw nang sayaw sa harapan ko.

Pinandilatan ko sila. Nainis ako pero alam kong kasalanan ko. Ba't pa kasi ako nagpunta dito kung hindi ko naman gusto na ganun ang mangyari. Umalis ako sa harapan nila at umupo malapit sa barista.

"Tequila?" Sabi ng bartender.
"Sige."

Isang shot lang. Ayokong malasing.

"Hindi kita masyadong nakikita dito. First time?" Sabi ng babaeng bartender nang binibigay ang tequila.
"Oo."

Iniwan niya ako para pumunta sa ibang customer.

Hinintay kong mag isang oras bago umorder ulit ng isa pa. Walang Brent na dumating. Kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan: na si Brent ay hindi na yung dati. Hindi siya superhero o prinsipe... tao lang siya, nagsasawa rin. Nainis ako sa sarili ko. Pero wala akong magawa. Naiisip ko paring gagawin ang mga plano ko kahit wala na talagang pag-asa. Para bang sumusugal ako para sa bagay na alam kong di kailanman mananalo. Bahala na! Yun ang gusto ko! Parang may kung ano sakin na hindi papayag at hindi makokontento kung hindi ko gagawin yung gusto ng puso ko.

Pagkalipas ng ilang oras, napailang shot na ako ng Patron. Sumayaw ako at...


Bumangon ako...

Nasa kwarto na at umaga na??? Paano nangyari yun? Nalasing ba ako kagabi? Tinignan ko ang soot ko... Pajama at T-shirt? Teka? Panaginip lang ba yung bar?

*Krrrrriiiiing*

"Hello?" Si Emily.
"O Emily?"
"OH MY GOD! Thank God sinagot mo na talaga! Kagabi pa kami tawag nang tawag sa'yo! Hinalughog na namin ang lahat ng bar dito at hindi ka namin na kita!"

So totoo yung nagpunta ako sa bar?

"Nasan ka ba?"

Ang sakit ng ulo ko.

"Nasa bahay." Hinawakan ko ang ulo ko. Hangover.
"Sinong kasama mo kagabi? Grabe! Pumunta kami sa bahay niyo kagabi kasi nag-aalala na kami ni Jason. Sabi ni Carlo, wala ka nga talaga... Asan ka ba?"
"Nasa Core ako kagabi."
"Kaya naman pala eh hindi namin yun napuntahan. Sa kaydami-daming bar at kay lalaki, hindi na namin naubos! Anong nangyari?"
"Hi-Hindi ko ma alala eh."
"Ano? Nakainom ka ba kagabi?"
"Oo."
"Ohh my God!"
"Tawag ka na lang mamaya. Mag-aayos muna ako."

Binaba ko ang cellphone ko at pumunta sa sala kung saan nanonood ng Basketball TV si Carlo.

Tinitigan ko siya.

"May pagkain sa kitchen." Sabi niya pero nakatingin parin sa TV.
"Alam mo ba kung saan ako pumunta kagabi?"

Kinabahan ako. Baka kasi isumbong niya ako kina Mama at Papa. Tapos mukhang umuwi yata akong lasing.

"Oo. Sa kaibigan mo. Nagmovie marathon kayo. Yung pinanood niyo ay How to Train Your Dragon, 3 Idiots, at My Name is Khan."
"Ha?"
"Oo."
"Sinong nagsabi sa'yo niyan?"
"Ikaw!"
"Saan sina mama at papa?"
"Mamayang gabi pa sila uuwi." Sabi ni Carlo.

May weird na nangyayari.

"Anong soot ko kagabi?"
"Short pants at jacket... Yung pink mong jacket?"
"Parang robot ka namang makasagot! Sigurado ka ba? Wala akong maalala."
"Wa'g mo nang isipin yun! Kumain ka na lang."
"Wa'g ka ngang magsinungaling, Carlo? Okay! Wala na akong pakealam kung isumbong mo ako basta sabihin mo lang sakin ang tunay na nangyari."

Natahimik siya at tinignan niya ako.

"Yun nga ang totoong nangyari!"
"Umalis ako dito kagabi, pulang-pula ang labi ko... Soot ko yung black dress na maiksi, naka Louboutins pa. Pumunta ako sa Core. Uminom at nalasing. Paano ako nakauwi?"
"Hinatid ka ng mga kaibigan mo."
"Sino?"
"Si??? Emily at Jason???"
"Sigurado ka ba?>:(
"O-Oo."
"Sino ang nagpalit ng damit ko?"
"S-Si Emily at Jason?"

Tinitigan ko siya. Nakakainis ang mga pagsisinungaling niya!

"Okay... okay! Umuwi ka dito ng lasing... Wearing the same dress. Sumuka ka kaya pinalitan na. Kaya yan yung soot mo ngayon."
"Sino ang naghatid sakin dito?"

Si Brent ba? Si Brent ba?

Hindi makatingin si Carlo sakin.

"H-Hindi ko kilala."
"Si Brent ba?" Sabi ko.
"H-Ha? H-Hindi no! Hindi!!! Ang feeling mo talaga ate. Hindi si Brent! Hindi ko nga kilala! Sige! Ang dami mong tanong, isumbong kita riyan kay Yaya nang masumbong ka kay mama!"
"Ano? Hindi alam ni yaya? Kung ganun sinong nagpalit ng damit ko?"
"Si-no? Ako! Syempre!"

Hinagis ko ang pinakamalapit na unan sa mukha niya. Nainis ako kaya tinigilan ko na lang.

Pero di ko mapigilan ang pag-iisip ko... Sino kaya talaga yung naghatid sakin?





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText